Part 10
"Anong pinag usapan ninyo ni Asher?" tanong ni Arielle pagkabalik namin sa upuan. Maging si Nichole ay katabi na namin. Magsisismula na kasi ang 2nd half nasa loob na ulit ang mga players, hinihintay na lang ang pito ng referee.
"Wala. Bastos yun, ininuman yung tumbler ko!" sagot ko pa rin sa nanggigil na boses. Sinulyapan ko ang tumbler ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dito.. nalawayan na ng ibang tao, itatapon ko na ba o hugasan ko na lang?
"Napaka yabang talaga nung pointless na 'yon!"
"Hayaan mo na pogi naman!" singit ni Nichole. Inaambaan ko siya ng kamay ko at mabilis naman siyang umilag at ngumuso pa.
"Manahimik ka diyan Domingo!" singhal ko sa kanya.
"Ano ka ba, wala pang game na naging pointless si Asher, based sa mga naririnig ko, ang average niya daw ay 20+ per game. Maybe, wala pa lang siya sa mood noong first half." si Arielle na may tinitignan sa cellphone niya. Ngumiti pa nga ito sa akin. "Oh, ayan start na pala.."
Inirapan ko rin siya at nag focus na sa court.
At sa hindi ko inaasahang pangyayari, sobrang bilis talaga ng nangyari.. Nasa Celestial kasi ang bola, at si Massi ang nag-inbound ng bola. Mabilis niya itong pinasa sa kay Asher na nasa three point lane, at wala ng bwelo bwelo, tinira na niya ito..at... at..
"DE RIZZO, THREE!"
At ang sumunod na narinig ko ay ang hiyawan ng mga tao sa gymnasium.
"Putik! Ang ganda ng bungad ni ex!" hiyaw ni Nichole habang nagtatalon pa kasama ni Arielle.
Habang ako ay napatulala sa nakita. Parang ng echo sanutak ko yung simabi niya kanina..
'I will make 29 points in the second half, just for you..'
Napalunok ako.
Umiling ako. Eh ano naman naman kung naka three points siya? Mas pogi pa rin yung number 3 ng Phoenix sa kanya. At mas lalo pang naka-dagdag ng inis ko yung sa akin pa siya nakatingin habang tumatakbo papunta sa side ng kalaban.
"Hmmp, madapa ka sanang pointless ka.." bulong na dasal ko habang inirapan siya.
Ngayon ay si number 3 ang may hawak ng bola. Palagay ko ay point guard ang laro niya. Pero ang hindi ko lang maintindihan bakit parang nag palit sila ni Lucky ng pwesto? Bakit si Lucky na ang palaging nasa ilalim ng basket?
"Ginawa na naman nila ang plan b nila," rinig kong sabi nung katabi kong babae. Saglit kong sinulyapan ang uniform niya, at ng makitang parehas kami ay nag tanong na ako.
"Anong plan b?" tanong ko. Tumaas pa nga ang kilay niya. Siguro inisip nito feeling close ako. Eh, wala e. Curious ako.
"Plan B. Switching position. Look, si Lucky na ang power forward at si Asher na ang shooting guard.." aniya at umiling pa. "I don't see why they are doing that right now, i mean.. there's no need kayang kaya naman nila talunin ang Phoenix without using that technique. Haay.. pinaglalaruan na naman nila ang kalaban." sabi niya at tumayo na. Inayos pa niya ang coat niya.
"..sa finals na lang ako manonood ulit." rinig kong sabi niya doon sa kausap niyang babae na studyante din. Nakita ko pa kung paano sila nag beso.
Pinaglalaruan ang kalaban? Pwede ba yun? Eh hirap nga rin maka puntos sila.
Wala sa sariling nag hikab ako. Jusko, parang ngayon ko naramdamn yung oagod ko kaninang umaga.
.
Dinukot ko ang phone ko sa aking bag. Ala singko na pala ng hapon. Muli akong nag hikab. Sa totoo lang inaantok na rin kasi ako, tapos nagugutom na rin.
Hinarap ko sila Nichole, mag papaalam na sana ako na uuwi na ako.. kaso lang, busy sila sa pag chi-cheer at nagtatawanan pa.
Tumayo na ako at pinasok ang tumbler sa bag. Uuwi na ako.. itetext ko na lang sila. Pero ngayon, magpapahinga na ako.
Saglit kong nilingon ang laro, nakita ko pa na nasa free throw line pa si Massi, at si Uno at Asher naman ay nag uusap. Nag salubong pa nga ang tingin namin ni Lucky. Tinaas niya pa ang kilay niya na parang nagtatanong. Kaya sumenyas na rin ako na uuwi na ako.
Bilang sagot ay nakakunot ang noo niyang ngunuso ang clocktime sa itaas, ibig sabihin siguro ay hindi pa tapos ang game.
Ngumiti ako sa kanya at hinaplos ang aking tiyan. Alam ko namang gets na niya iyon, tumango pa nga siya kaya tumalikod na ako at umalis na.
Pag dating sa bahay ay dumiretso na ako ng higa pagtapos ko mag bihis. Sobrang nangawit kasi ang kamay ko, marahil dahil ito sa pagpa-prctice ko kanina sa shop sa pagtatakip ng milk tea. Nilagyan ko lang iyon ng vicks, dahil ito naman ang universal na gamot. Pag may sakit ako o sipon tsaka ubo, ito lang palagi ang binibigay niya sa akin.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Ala singko pa lang kasi ay tumunog na ang aking alarm. May babasahin pa pala ako para quiz namin mamaya. Tapos may pasok pa ako mamaya sa shop.
Nilingon ko si Nicole na tulog aa tabi ko.
Mamaya ko na lang siya gigisingin. Mag sasaing na lang muna ako.
Kinuha ko ang uniform ko, mabilis ko oang pinagpag ang aking coat dahil may nakita akong buhok.
"Huy, gising na.." tapik ko kay Nichole habang inalog ko ang katawan niya.
"Oo wait lang.." responde niya bago umupo pero nakapikit pa rin.
"Nakahanda na ang almusal ah, kumain ka na lang.." sabi ko at binuksan ang aking libro. Maaga pa kasi at tapos na rin naman ako mag asikaso sa sarili ko. Hihintayin ko na kang rin matapos si Nichole tapos ay aalis na kami.
"Uy, bakit ka nga pala umuwi ng walang paalam? Hinanap ka namin kahapon.." ani Nichole habang kumakain na. Magkaharap kami sa hapag. Ako may libro at siya pagkain. Tapos na rin siya maligo at mag bihis. May tuwalya siya sa ulo.
"Nag text naman ako kahapon sa inyo, di niyo ba nabasa?" isinara ko na ang libro ko at tinignan siya.
"Hindi e. Nalowbat kasi ako kahapon, tapos yung kay Arielle naman nasira. Nalaglag kasi habang nag pipicture kami."
Tumango ako. "Sobrang antok ko kasi.."
"Tanga te, sayang!" aniya na sa maliwanag at excited na awra. "Alam mo ba na kumain kami kahapon kasama yung Varsity team? Nanlibre kasi si Uno! Nanalo kasi sila kahapon. Doon kami sa bago nilang bukas na resto, gagi ang sarap ng pagkain!"
Napanguso ako.
Sayang nga..
"Talaga? Sayang naman.."
"Oo te, isa pa, ang gugwapo nila at masayang kasama. Tsaka, okay naman pala sila te, mababait sila. Yun nga lang napansin ko, tahimik yung Scott, yung nag correct sa wrong grammar mo." tuloy tuloy na sabi niya. Natawa pa nga siya ng makitang umirap ako sa kanya.
Ang salbahe.. ipaalala ba ang nakakahiyang nakaraan?
"Tsaka si Uno te, jusko! Ka gwapo nun! Tapos si Lucky, pansin ko maharot yun pero mabait naman sila.. abot mo nga yung ketchup te."
Inurong ko naman ang bote ng ketchup palapit sa kaniya. "Sumama din si Arielle?" tanong ko.
"Oo no!" aniya habang tinataktak ang bote. "Ayaw pa nga nun, pero di ako pumayag no. Ano? Ako lang? Kaya ayun, kahit laba sa puso niya talagang hindi ko siya binitawan. Tsaka may crush kasi iyon kay Uno!"
"Kay Uno?" gulat na tanong ko.
"Oo! Pansin ko iyon kahapon e! Iwas siya lagi kay Uno.. Dalaga na ang friend natin te!" aniya at uminom na ng tubig. "Sa daan na lang tayo mag kwentuhan te,"
"Halika na, baka ma-late pa tayo!" aniya at nauna pang lumabas.
Ako naman ay tinitigan lang siya.
Sa dami ng kinuwento niya... napansin ko na hindi man lang niya nabanggit si Massi..
Bakit kaya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top