Page two
"Huy, ba't nandito ka naman?!" hiyaw ni Nicole pagka- pasok pa akong niya ng classroom. Inirapan ko siya.
Mula kasi kanina ay hindi na ako bumaba pa. Nakipag kwentuhan na lang din ako sa classmates ko na mag jowa na hindi rin nanood ng basketball game sa baba.
"Eh, bigla akong na- stress." sagot ko sa kanya at ipinatong ang ulo sa aking bag pack na nasa desk.
"Bakit?" tanong niya at umupo sa harap na upuan sa akin.
Inangat ko ang ulo ko at mariin siyang tinitigan. "Yung kwento mo kasi kanina. Di ako mapalagay, nag sinungaling ka doon sa taga Celestial."
"Oh, anong problema doon?" nakataas na kilay na tanong niya. Napailing ako dahil hindi pa rin niya nakukuha ang ibig kong sabihin. Hindi pa din niya alam hanggang sa ngayon kung ano ang pwedeng mangyari kung sakaling ma- trace ng worker na iyon na nag sinungaling siya.
"Nag sinungaling ka doon sa staff ng celestial."
"Tapos?"
"Anong 'tapos'?" lito ko rin na tanong. "Nag sinungaling ka doon sa staff nila, paano kung ma- trace ka nila? Tayo nila Arielle, eh hindi naman tayo member ng Senyora's. Panigurado naman akong mag babackground check muna sila sa mga applicants."
"Oh? Yun ba ang ikinatatakot mo? Jusme, Behatti!" wika niya at napahawak sa kanyang sentido na parang masakit ang ulo. "Suntok sa buwan na itong ginagawa natin no! Oh, e, ano kung mag background check sila? Trabaho naman nila iyon. Ang mahalaga nakapasa tayo ng application form. Nandoon ang mga pangalan natin sa pagpipilian. Ang dapat mong gawin ngayon ay ipagdasal mo na makalusot ang mga papel natin. Hindi yung pino- problema mo na agad yung hindi naman dapat problemahin!"
"Alam ko naman." sabi ko pa. "Ang akin lang, baka kasi masilip tayo,"
"Ay nako, ang nega mo ngayon babae ka!" sabi ni Nicole at tumayo pa. "Tinawagan ko nga pala si Arielle kanina-"
"Oh, ano daw sabi?"
"Nasa kulungan yung mama niya."
"Ha? Bakit daw?" tanong ko ay mabilis na nag- tipa sa cellphone. Kukumustahin ko si Arielle.
"Pinakulong daw nung nagpa- kilalang papa niya."
Mabilis akong napaangat ng tingin kay Nicole. "Papa niya? Yung japanese?" tanong ko. Dahil ayun kasi ang madalas na ikwento ni Arielle sa amin. Japanese daw papa niya kaya daw 'Aoki' ang apelyido niya, tapos nasa japan nag tatrabaho.
Umiling si Nicole na kinalukot ng mukha ko.
"Hindi daw." aniya.
"Ano?"
"Basta yun kasi yung sinabi niya kanina. Gsuto ko pa ngang tanungin pa, kaso umiiyak siya, tapos sabi niya, pupuntahan daw niya tayo pag nakalaya na ang mama niya."
"Eh asan daw ba siya?"
"Hindi niya sinabi."
Pagkatapos nun ay sinubukan namin na tawagin ulit si Arielle pero hindi naman na siya sumasagot sa tawag namin. Nag aalala na nga kami. Pero mag- alala man kami, pero wala kaming magawa dahil hindi namin alam kung nasaan siya. Sinubukan nga namin puntahan sa presinto dito sa lugar namin dahil dito madalas nakukulong ang mama niya, pero wala sila.
Kaya umuwi na lang kami ni Nicole sa kanya- kanya naming bahay.
-
Katulad ng mga ibang araw ay maaga ulit akong bumangon para mag lako ng almusal. Maaga ko rin naman nilutuan ng almusal yung mama ko kaya maaga na rin ako umalis.
Si mama ko kasi ay may sakit. Stroke siya. Ako na lang ang kasama niua sa bahay, pero minsan kapag pumapasok ako sa school, pinapaki- suyuan ko si Aling Flor para bantayan saglit si mama. Sa totoo niyan, tatlo kaming magkasama sa bahay nila mama. Ako, si mama at yung ate ko na nasa canada ngayon. May asawa na siya doon, at paminsan minsan ay pinapadalhan kami ng package at pera. Minsanan lang iyon mga limang beses lang kada taon. Hindi naman ako nag rereklamo, ang kapal naman ng mukha ko kung ganon. Pero nung isang beses na dumalaw si ate dito kasama yung asawa niya, kinausap nila ako na kukunin daw nila si Mama dito at dadalhin sa canada para doon mag pagaling.
Noong sabihin nila sa akin iyon, umasa ako na isasama rin nila ako, pero hindi. Malaki yata talaga ang galit sa akin ng ate ko, hindi ko alam kung bakit. Pero hindi na rin naman ako nabigla ng sabihin na hindi ako kasama. Sa loob- loob ko ay inaasahan ko na iyon. Para sa akin, hindi man ako sang- ayon na kukunin nila si Mama dahil wala na akong makakasama dito, pero ayos na rin dahil doon maipa- gagamot siya.
"Uy, nandiyan na si crush!" rinig kong bulung- bulungan nang mga tambay sa may eskinita nila aling Issa.
"Gago, akin 'yan, baby ko iyan e!"
"Ex ko na 'yan e,"
Hindi ko na sila pinansin pa at kinausap na lang ang isang bata na tinawag ako dahil bibili siya ng biko.
"Ilan?" tanong ko sa bata.
"Tatlo daw po," sagot naman niya. Nginitian ko siya at nag umpisa ng hiwain ang tatlong biko ng biglang may tumabi sa akin.
Nang lingonin ko iyon, nakita kong si jerjer iyon. Yung siraulong bata na kapitbahay nila aling issa.
"Hi, hatti!" aniya at halos napapikit ako sa amoy ng hininga niya. May lakas pa siya ng loob para ilapit pa lalo ang mukha niya. Halos naaamoy ko na ang baga niya.
Mabilis ko siyang itinulak. "Problema mo?" tanong ko agad.
"Ito naman, binabati lang kita e!" sagot pa niya.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Ayokong binabati ako! Ang aga aga, mga bastos kayo!"
"Ahh, matapang pala si Hatti!" ani pa ulit nung isang tambay na mukhang gulaman.
"Mga bwisit kayo! Tantanan ninyo ako, baka di ako makapag timpi, pagdudu- duraan ko kayo sa mukha mga kingina niyo!"
"Ano 'yan?!" sabay kaming napalingon doon sa boses.
Yung tanod na naka- kulay green.
"Ikaw na naman jerjer? Ang aga- aga!"
"Pagkalat mo!" sagot ni jerjer kaya lumayo na ako at bumalik na lang sa pinagmulan ko.
"Bastos ka talaga! Dapat hindi ka na lang pinakawalan kagabi e!"
Rinig ko pa na sagot nung tanod. Napailing na lang ako. Ewan ko ba bakit may mga taong katulad ni Jerjer. Tambay na nga, bastos pa. Aba'y sinalo na niya lahat ng masasamang katangian sa mundo.
"Behatti!" hiyaw ng kung sino. Lumingon ako sa likod para makita kung sino pero wala naman ako makitang kakilala ko.
"Sino 'yon.." bulong ko sa sarili ko ng
"Huy!" halos mapatalon ako ng may biglang tumulak sa balikat ko.
"Putang in--Arielle?!"
"Ina mo rin! Ako nga!" nagtata- talon na tili ni Arielle habang yakap ako. Ako naman ay sobrang gulat na narito na siya.
Dahil mag iisang linggo na rin kami ni Nicole kaka- contact sa kanya pero wala! Kaya nakakagulat na bigla na lang siyang nandito ngayon.
May dala siyang dalawang paper bag na Hindi ko alam ang laman.
At nakaka panibago rin ang hitsura niya ngayon.
Maayos naman talaga manamit si Arielle dati pa, pero ngayon kasi.. Halata mo sa mga damit niya na mga mamahalin ito. At napaka elegante'ng tignan ni Arielle sa suot niyang kulay dilaw na flowy dress habang malaya lang ang kanyang mga buhok. Pati ang mga accesories niya ay kumikinang..
"San ka ba galing? Bakit ngayon ka lang nag pakita?" tanong ko sa kanya.
"Kinuha na kasi ako ng tunay kong papa," aniya at hinila ako para makasilong sa maliit na tindahan.
"Yung hapon?"
"Hindi. Yung mexican!" sagot niya.
"Ano? Diba sabi mo, hapon yung papa mo?"
"Basta mahabang storya! Ikukuwento ko na lang! May gusto lang akong sabihin!"
"Ano ba 'yon?"
"Hindi pa nasabi sa 'yo ni Nicole?"
"Alin?" lito kong tanong.
Wala naman kasi akong ka-ideya ideya.
"Next sem, sa Celestial na tayo mag aaral tatlo!"
Napatango ako. Alam ko na, marahil.ay nsabi na rin sa aknya ni Nicole yung pinag gagawa nito nung nakaraan. Pati ba naman si Arielle, aasa sa kalokohan niya.
"Oh, bakit parang hindi ka masaya? Dream school natin 'yon diba?!" sabi niya pa nang mapansin ang ekspresyon ko.
"Oo dream nga natin iyon, pero kasi, yung ginawa ni Nicole doon sa staff ng celestial, hindi maganda. Isa pa-"
"Bakit? Ano ginawa ni Nicole?" lito niyang tanong kaya nalito na rin ako.
Hindi niya alam?
"Hindi mo ba alam? Akala ko na kwento na sayo ni Nicole?"
"Ang alin?"
"Eh bakit sabi mo mag aaral na tayo sa Celestial, e si Nicole-"
"Sinabi ko iyon kasi, na enroll na tayo ng kuya ko doon. Isa pa hindi ko pa nakakausap si Nicole mula nung isang linggo. Tinext ko lang siya, ano bang ginawa niya?"
"Anong enroll? Sinong kuya?" tanong ko dahil gulong gulo na ako.
"Yung kuya ko!" hiyaw niya. "May kakilala siya sa Celestial kaya mabilis tayong nakapasok! Ito na yung uniform oh!" aniya at inabot sa akin ang isang paper bag. At halos manlaki ang mata ko ng makita ang nakasulat doon.
REYES, BEHATTI O.
CELESTIAL UNIVERSITY UNIFORM
SIZE: SMALL
7 PAIRS.
"Putik.." hindi makapaniwalang hinga ko.
"Putik talaga, Celestians na tayo!!"
Oh my gosh!
"Celestians na tayo!!!"
---
Dapat ngayong araw ay magiging pinaka masaya ako. Pero habang nakikita kong hinahakot na nila ate ang gamit ni mama ay hindi ko maiwasan ang maluha. Ngayon na kasi ang alis nila ate, at isasama na nila si Mama. Hindi tuloy maalis sa isip ko kung ano na kaya mangyayari sa akin ngayon wala na akong kasama?
"Itabi mo 'to. Panggastos mo." ani ni ate ng maayos na ang lahat. Nilagay niya sa palad ko ang iilang piraso ng libo. Inayos pa niya ang kanyang shpulder bag na bulaklakin at ang kanyang off- shoulder blouse. Nasa sasakyan na rin si mama at katatapos kang namin umiyak dalawa. "Bakit kasi lumipat ka pa ng eskwelahan? Doon pa talaga sa mamahalin!" iling niya. Napalunok ako ng makita ang galit ng ate ko. Ang nangingintab niyang pulang lipstick ang tinitigan ko. Noong sabihin ko pa lang kay mama na lilipat na ako ng school, alam kong nakinig siya nun at siya ang nagalit sa akin.
"Scholar naman po ak-"
"Huwag mo nga akong pinaglolo- loko Hati, paano ka naman magiging scholar doon sa skwelahan mong 'yon?! Oh, ayan, tipirin mo 'yan, alam mong hindi ako mayaman! Hindi ako buwan buwan makakapag padala sayo, may mga anak na ako at-"
"Huwag mo na po akong padalhan ng pera, ayos lang ako." di mapigilang sagot ko.
"Oh talaga?" natatawang sabi niya. "Ewan ko sayo. Pagkasiyahin mo 'yang pera na 'yan kung ganon. Aalis na kami." aniya at inirapan pa ako.
Inabot na rin siguro ako ng inis kaya hindi ko na rin siya pinansin at dumiretso sa sasakyan nila at binuksan ito para mayakap pa ulit si mama.
"Babay ma.." sabi ko sa kanya at hinaplos ang kanyang ulo. Nang ngumiti si mama at mabilis akong na- luha. "Pagaling ka doon ma ah? Tapos balikan mo ako dito, kakain tayo sa mang inasal.." mabilis kong pinunasan ang pisngi ko. At umangat para mahalikan siya sa noo.
"I love you mama.."
"Alis na diyan, mali- late na kami sa flight!" ani ate at tinabig pa ako sa balikat.
Hindi ko siya pinansin at mabilis pa na niyakap si mama. "Ingat ma," sabi ko. Tinignan ko si ate. "Ingat kayo ate.."
"O sige na labas na diyan ng maka- alis na kami." ani ate sa akin.
"Bye m-" hindi ko n ntapos ang paalam ko kay mama ng mabilis nang isara ni ate ang pinto ng van.
"Nakita ko 'yon." ani ni Nicole na sumulpot sa gilid ko. Nakita kong naka- suot na rin siya ng pangarap naming school uniform. Ang ganda ni Nicole. Lalo pa at itinali niya ang kanyang buhok, ponytail.
Hindi na ako nag salita ay pumasok na lang sa bahay. Nakasunod naman si Nicole sa akin.
"Laki talaga ng pwet mo be. May biko ka pang tira?" aniya.
"Ipinasok ko na sa bag. Yun ang baon ko." sabi ko habang nag susuot na ng pangarap kong uniform.
Ang kulay itim na uniform at ang gold nitong ribbon sa gitna at ang magandang puting palda na aabot hanggang gitna ng aking hita para itong tennis skirt ngunit hindi. May suot din akong puti na medyas na hanggang ankle at ang gamit naming sapatos ay may 2 inch heels.
Kinuha ko rin sa taas ng plantsahan ang aking kulay Gold na button pin at doon nakalagay ang 'Celestial University' sa ibaba noon ay naka engracmve din ang initials ko. B.O.R. Well.. Isa lang itong button pin na binigay ni Arielle. Ang sabi niya, one button pin per student daw, tas pag nawala mahal daw ang bayad. Kaya iingatan ko talaga ito. Masinsin ko na nga iyon inipit at dinikit sa id lace ko.
"Okay sige. Pahinye na lang ako mamaya." aniya. Di ko namalayan na nasa likod ko na pala siya. Namalayan ko na lang na sinusuklayan na niya ako.
"May pera ka pa ba?" tanong ni Nicole.
Tumango ako. "Oo. Iniwanan ako ng seven thousand ni ate."
"7k lang? Jusko, saan ka dadalhin niyan? Mga tatlong buwan lang 'yan pang baon at pang kain mo, yung bills pa dito sa bahay niyo. Mabubuhay ka pa kaya, Hatti?"
Humarap ako sa kanya at tsaka ibinaba na ang suklay. "Kaya nga mag hahanap na din ako ng sideline. Mag wo- working student ako."
"Ay sige. Ako din, samahan kita. Wala na rin kasing maibibigay mama ko. Sabi pa niya sa akin kanina, sumasabay pa daw ako kay ate." aniya. "Gusto ko ngang sagutin na, 'Bakit si ate lang ba anak ninyo?' ganon, pero pinigilan ko lang sarili ko, baka masampal ako e."
Nakikinig lang ko sa rant niya. Naikwento niya na rin kasi sa akin iyon. Na.. Pinapatigil muna siya sa pag aaral dahil nag aaral daw ang ate niya sa college. Pauunahin daw muna ito tapos pagka- graduate nun ay siya naman ang pag aaralin. Pero hindi naman pumayag si Nicole at nag enroll pa rin, kaya nagalit ang mama at ate niya sa kanya. Kaya mas lalo na ngayon, na sa Celestian na mag aaral si Nicole, baka kamuhian na siya ng pamilya niya.
--
"Nasaan ba kasi si Arielle?" tanong ni Nicole sa akin habang naka- kapit siya. Medyo naliligaw na kasi kami.
Pagkababa namin galing trisikel kanina ay pumasok na kami dito sa loob.
Ang tagal pa nga namin sa security office dahil ang dami nilang tanong. Alas syete kami nakarating, pero 7:30 na kami nakalabas ng office.
Hindi ko maiwasan hindi maramdaman ang kaibahan namin ni Nicole sa mga estudyanteng dumadaan. Parehas man kami ng suot na school uniform pero hindi maitatanggi na malaki ang kaibahan nila sa amin.
Pagkatapos sa office ay pumunta na kami sa open ground. Nandito kami sa ilalim ng statwa ni Hippocrates, may konting silong kahit papaano. Bigla tuloy akong kinapitan ng kaba ng makita ang mga tingin ng mga tao sa amin. Lalo na sa supot na dala ko. May laman kasi itong palabok, binili ni Arielle kanina.
Wala sa sariling napatingin ako sa parking lot ng school. Nasisilaw ako sa mga magagarang kotse na naroon. May iilang motor din at nakita ko yung katulad na motor ni Clyde, yung ducatti.
Napatingin ako kay Nicole ng tumabi sa akin ito paupo. "Nagdadalawang isip na ako, Hatti." aniya. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung para saan yung sinabi niya. Isa pa.. mukha siyang natatae.
"Saan?" Tanong ko.
Nakita kong ngumuso siya. "Itong pag pasok natin dito.. Pakiramdam ko, hindi tayo welcome."
Napalunok ako. So, hindi lang pala ako ang nakakaramdam. Maging si Nicole din. Kahit sino naman siguro ganito ang mararamdaman, sa tingin pa lang nila malalaman mo na.
Yung mga tingin na ulo hanggang paa tapos huli, iirapan ka pa.
Mapapahinga ka na lang talaga ng malalim. Kailangan mag timpi.
"Hayaan mo lang sila tumingin. Hindi naman natin sila kilala, so..wala tayong pake sa kanila. Hayaan mo silang tumingin sa atin hanggang sa mabulag sila."
"Kanina ko pa iyan iniisip, kaso-Arielle!!" mabilis na hiyaw niya kaya napatayo ako.
Nakita namin na bumaba si Arielle sa isang magarang kotse.
Sabay kaming lumapit sa kanya.
"Gagi kayo! Sabi ko sa inyo dadaanan ko kayo sa lugar natin e!" hiyaw sa amin ni Arielle habang nag lalakad na kami sa kung saan. Sabi niya ay mag kaklase daw kaming tatlo sa lahat ng subject. Pare- parehas kasing Business Ad ang kinukuha namin pero mag kaiba ng major.
"Wala kang sinabi no, kung meron edi sana hindi na kami ang aksaya ng singkwenta sa trisikel, pambili rin ng siopao yun." sagot ni Nicole.
"Oh siya sige na nga wala na. Mamaya pagkatapos ng class ay ikukwento ko na sa inyo lahat ang nangyari sa akin."
"Dapat lang." sabi ko. At nauna ng pumasok si Arielle sa amin sa isang napaka gandang classroom. May iilang studyante na doon.
"Ang laki ng T.V." rinig kong bulong ni Nicole.
Blackboard na tv?
Maging ang mga upuan dito ay hindi na tulad sa amin na kahoy. Ang dito ay isang malapad na lamesa at may drawer sa ilalim. Kulay brown iyon. At sa lamesa na rin iyon ay may isang manipis na compartment na pinaglalagyan ng school laptop.
Halos malula ako sa mga nakikita kong kagamitan dito sa lugar na ito. Totoo ba ito?
"Hi Arielle!" ani nung babae at nakita kong tinabig niya si Nicole na kasalukuyang nakapulupot kay Arielle. "How are you?" maarteng sabi nito at hinila na si Arielle palayo.
Mabilis kong nilapitan si Nicole. "Kengena nun, nakita mo tinabig ako? Sarap murahin ng pota.."
"Sshh.." pigil ko sa kanya. "Hayaan mo muna, kapag inulit tsaka mo gantihan." mahinang sabi ko sa kanya.
"Sige." sagot niya rin sa akin. "Halika na, hanapin na natin yung upuan natin."
Pumayag naman ako. Kaysa naman sa mag init pa lalo ang ulo ni Nicole. Ang sabi kasi ni Arielle, bawat lamesa daw dito ay isang studyante lang ang pwedeng gumamit.
"Ito yung sa akin!" ani ni Nicole ng makita ang kanyang lamesa. Nasa pangalawa iyong row mula sa pang huli. May limang row kasi at bawat row ay may anim na table. Nasa pangalawang table si Nicole at ako naman ay sa tabi ng window.
"No sorry. Seatmates kasi kami ng bestfriends ko." rinig kong sabi ni Arielle doon sa babae ng makaupo kami ni Nicole. Nakita ko kung paano tumaas ang kilay nung babae ng umalis na sa harap niya si Arielle.
May binulong pa ito doon sa dalawang babae na tumayo sa tabi niya na masama ang tingin sa amin ni Nicole.
Inirapan ko nga. At halos nanlaki ang mata nilang tatlo sa ginawa ko.
Bakit? May ginawa ba ako?
Wala namang nakakita.
Kaya wala.
At halos mapatalon ako ng may malakas na bell na umalingawngaw sa paligid.
"Ano ba 'yon?" bulalas na tanong ko. At nakita ko ang iilang studyante na lumalabas na ng classroom.
"Uwian agad?" tanong naman ni Nicole.
Tumayo si Arielle at umiling. "Hindi. Narinig ko kanina, magkakaroon daw ng PTA meeting. Kaya wala tayong first class. Kaya pala wala sila.."
"So ano? Uwian na nga?"
Pinalo ko si Nicole.
"Aray! Bakit?"
"Manahimik ka. Kapapasok lang natin, uwian agad nasa isip mo."
"Tanong lang e,' irap niya sa akin bago sinukbit ang braso sa akin.
Ngayon, papunta kami sa sinasabi nilang cafiteria. At habang nag lalakad kami sa hall ay ang daming bumabati kay Arielle. Kaya mas nag tataka ako. Sa dati naman naming school ay hindi siya ganito kakilala. Well.. Kilala syempre dahil part kami ng 'La senyorita's.' ang dance group ng La Doña High. Pero nakakapag taka lang sa ngayon, ay bago lang din naman si Arielle dito. Hmmm.. Palagay ko, may kinalaman dito yung kuya na sinasabi niya.
"Sikat ka ba dito? Bakit gusto ka nila katabi?" rinig ko na diretsang tanong ni Nicole kay Arielle ng makarating kami sa canteen. Sa halos kasing laki na ng quadrangle namin sa dati kong school. Shit!
At sobrang ganda ng lugar! Pwede na pang instagram.
At ang lamesa Gold...
May iba- iba kasing kulay ang mga lamesa dito. Karamihan kulay puti, at ang iba ay kulay violet. At palagay ko, kung tama ang bilang ko.. Mga nasa pito lang ang kulay Gold na lamesa. Di ko maintindihan kung para saan 'yon, pero parang masarap kainan 'yon.
Tumingin sa amin si Arielle ng nakangiti. "Hindi ako. Yung kuya ko. "
"Wala ka namang kuya a?" si Nicole pa rin. Ako naman ay nakikinig lang. At tinitignan pa din ang paligid.
"Akala ko din." ani Arielle.
"Uy, dito na tayo mag table oh?!" si Nicole na mabilis tumakbo papunta sa isang lamesa yung kulay puti.
"Tara na!" aya pa nito bago inilabas ang supot na lamang biko.
"Pahinye akong biko, Hatti a? Namimiss ko na kasi 'yon." si Arielle na yumakap pa sa tagiliran ko habang papunta kami kay Nicole.
"Sus! Pa- baby ka na naman!" asar ko sa kanya. Sa amin kasing tatlo ay si Arielle ang pinaka bata. Matanda kami ni Nicole ng isang taon. Nineteen kami ni Nicole, siya naman kaka eighteen lang 3 months ago.
"Seryoso, na miss ko talaga kayo ni Nicole dahil alam mo naman na- what the?!" mabilis akong napalingon sa tinitignan niya.
Si Nicole, napapaligiran na ng dalawang lalaki at tatlong babae. Kaya mabilis ang lakad na ginawa ko.
"May pangalan kayo?" rinig ko ng sabi ni Nicole. Hinawakan ko na agad ang braso niya para makatayo.
"Oh, kayo siguro yung mga bagong salta right? Hindi mo ba alam na hindi mo dapat inuupuan ang table na 'to dahil mahirap ka lang!" sabi nung naka lipstick na maroon. Shet. Pare- pareho ang mga hitsura nila, ang kakapal ng mga make up. Tumaas naman ang kilay ko.
Hindi sa pagiging judgemental at dahil sa kaibigan ko si Nicole, pero sa totoo lang, kung mayaman siya, at ikukumpara ang hitsura niya kay Nicole, mas mukha pang may pera ang kaibigan ko.
"Poor people does'nt belong here in Celestial! Paano kayo nakapasok dito?" dagdag pa nung babaeng may headband sa noo.
"Kung paano ka nakapasok, ganon lang din." di napigilang sagot ko. At wala ng pake kung maraming nanonood.
At parang nabigla ang lalaking kasama nila na maring gold sa leeg. Lumapit ito sa amin ni Nicole.
"Wow? And you have the audicity to talk back? Sino ka ba?"
"Bestdriends ko. May problema tayo?" si Arielle na tumayo sa harap namin ni Nicole.
"At sino ka naman?" mayabang na tanong nung lalaki kanina.
Napansin ko na hinila siya nung babaeng may headband sa noo at binulungan.
"She's Arielle Martillano."
"What?!" gigil na bulong nung lalaki bago tinignan ng isang beses si Arielle at umalis.
"Anong ginawa, sinaktan ka ba?" tanong ni Arielle kay Nicole ng humarap sa amin.
"Hindi naman. Nabitin lang ako sa pagkain." sagot nito.
Natawa naman ako. Maging si Arielle ay ganon din.
Baliw talaga si Nicole kahit kailan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top