Page seven
Page seven:
Anong nangyare?
Nangyari ba talaga 'yon?
Putik..
"Huy, anong ginagawa mo diyan?"
Mabilis akong napatingin kay Arielle ng sumulpot ito sa gilid ng pinagsasandalan kong dingding.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong pa niya ulit at lumapit na sa akin.
Umiling ako at napalunok na lang.
Dahil hindi ko naman alam yung sasabihin ko. Nakatitig lang ako kay Arielle.
"Tsaka bakit galing dito si De Rizzo? Nag usap kayo?" tanong niya at isinukbit ang kanyang braso sa akin bago nagpatuloy maglakad.
Nang matinig ko ang apelyido niya atmy biglang nag init ang bunbunan ko at hindi na ako nakapagtimpi pa. Tumigil ako at hinarap si Arielle.
"Nakakagalit yung hayop na 'yun!" biglang hiyaw ko na alam kong ikinagulat ni Arielle ko dahil bahagya aiyang napaatras sa hiyaw ko.
"Nasaan ba 'yong lalaki na 'yon?!"
"Huy, bakit ba? Anong nangyari?" agad niyang tanong at hinawakan ako sa braso upang paklamahin.
"Basta! May ginawa siya sa akin na hindi ko nagustuhan, saan mo siya nakitang pumunta?"
"Sa lo-cker nila, bak- huy!" hiyaw niya dahil hindi ko na siya pinatapos pa at agad akong nag martsa sa kung saan man ang sinabi niya.
"Behatti?! Ano ba 'yun?" tanong pa ni Arielle sa akin. "Sa kaliwa yung locker nila." aniya ng makita na parehas kong tinitignan ang dalawang pintuan na mag kaharap.
Pagkasabi niya nun at agad kong sinugod ang kaliwang pintuan na iyon at halos magsisi ako ng makita ang mga hitsura nila.
"Yes, miss? May kailangan ka ba?" sabi nung isang lalaki na naka hubad at naka towel lang.
Mabilis kong sinara ang pintuan na iyon at sumalubong sa akin ang umiiling na si Arielle.
"Oh ano? Nakita mo ba hinahanap mo?"
Napayuko na lang sa sarili ko.
Kainis!
"Ano ba kasi nangyari?" tanong sa akin ni Arielle habang nasa loob na kami ng sasakyan niya, nihahatid niya ako sa may sa amin. Nakatingin lang ako sa amy bintana at pilit na pinapakalma ang sarili dahil, gusto ko nang kalimutan yung nangyari kanina.
Hinalikan ako nung gung- gong na iyon! Tama ba iyon?!
"Nakakagalit kasi yung number 69 na 'yon!" sagot ko sa tanong niya habang nakatingin pa rin sa bintana ng sasakyan.
"Obvious na nga. What i wanna know.. ano ba ang ginawa sayo? Sabihin mo kasi sa akin para maresbakan na natin!"
Inalis ko ang tingin ko sa bintana ng kotse. "Kaya ko siya nang mag isa lang. Humanda siya sa akin bukas!"
"Wala po tayong pasok bukas. Linggo."
"Edi sa monday!"
"Huwag ka nga sumigaw! Naririndi na ang tenga ko." aniya at inirapan ako. "Anyways, ni- chat ako ni Nichole, may dinaan pa daw siya sa school kaya nandoon pa siya."
"Naniwala ka naman?"
"Syempre hindi. Yun nga dapat yung sasabihin ko sayo kanina kaso bad mood ka naman." aniya. "So ayun nga, kanina.. Pag labas ko ng cr, nakita ko silang mag ka- holding hands ni Mojico palabas ng gymnasium! Grabe talaga yung kaibigan mong iyon no? Kunwari na ayaw kay Mojico, pero kung maka lingkis ang tindi! Daig pa ang unggoy!"
"Bahala siya sa buhay niya, basta ako pinayuhan ko na siya." sabi ko na lang.
"Salamat sa pag hatid." sabi ko kay Arielle ng huminto na ang sasakyan sa harap ng apartment namin.
"Welcome." aniya at hinalikan ako sa pisngi.
Nang bumaba ako ay nakita ko rin na bumaba siya.
"Oy, nga pala, dapat six pa lang nasa shop na kayo ah? Huwag kayong papa late sa first day ninyo!"
Tumango ako at ngumiti. "Oo naman. Ewan ko lang kay Nichole. Kilala mo naman 'yon."
"At!" sabi pa niya habang nakataas ang kanyang hintuturo. "Gusto ko lang ipaalala sa'yo na.. Si De Rizzo ang boss niyo. So.. Bago ka pumasok sa work bukas, pakalmahin mo muna ang sarili mo, okay?"
Napairap ako ng marinig ko ang apelyido noong bobo na 'yon.
"Behatti!" ani Arielle ng hindi ako sumagot.
"Ita- try ko okay? Basta pag ako- ay ewan! Basta susubukan ko!"
Nag kibit baliakt siya. "Okay. Ikaw bahala, kung gusto mong maging last day mo ang first day mo, bahala ka, nasa sa'yo naman 'yan." aniya at nginitian pa ako ng nakaka bwisit.
"Bye!"
"Ingat. Bye." sabi ko sa kanya at asat pa rin na pumasok ng bahay.
-
"Bakit nandito ka?" agad kong tanong kay Nichole pag bukas ko ng pinto ng bahay.
"Hello, ipapaalala ko lang sayo, pinalayas ako sa may sa amin diba?" aniya habang tuloy yuloy ang pasok sa loob.
Taas ang kilay ko siyang tinignan. "Eh bakit ngayon ka lang? Alas nuebe na ah?"
"May pinuntahan pa kasi kami." aniya at agad na dumirestso sa kama.
"Kami? Si Mojico?"
Tumango lang siya habang nakapikit.
"Kayo na?"
Mabilis siyang umiling habang nakapikit din.
"Hindi pa?" paninigurado ko.
Mabilis na dumapo ang mata niya sa akin, kapag kwan ay umupo siya. "Hindi nga. Hindi ko naman gusto si Mojico, friends lang."
"Ano?" naguguluhan na tanong ko. "Hindi mo gusto pero nag papahalik ka?"
"Ano ba? Halik lang naman 'yon. 'Xxl' kami."
"Anong Xxl?"
"Explore, Explore lang."
Mabilis kong hinila ang iilang buhok niya. "Napaka landi mo!"
"Aray ah!" aniya at hinilot ang anit niya. "Mga bata pa naman kami no! Ano'ng gusto mo, seryoso agad?"
"Wala akong sinabing ganon. Kung ayaw mo pa ng seryoso ngayon, pigilan mo yang sarili mo na mag pahalik!"
"Eh, hinahalikan niya ako e!"
"Pwede mong sabihin na ayaw mo!"
"Haay! Oo na sige na, gusto ko rin mag pakiss! Okay na?" irap niya sa akin. "At isa pa, alam ko naman yung limitasyon ko."
"Ewan ko sayo." sabi ko na lang at umalis na sa kama. Kukuha na sana ako ng bagong kumot ng tawagin ako ni Nichole.
"Ano?"
"Nakita ko kayo kanina." aniya na nangigiti pa.
Mabilis akong nalito sa sinabi niya. "Anong sinasabi mo?"
"De Rizzo."
Pagkasabi niya nun ay nanumbalik ang pag kulo ng dugo ko.
Tumayo pa siya sa kama at lumapit sa akin. Marahan niya akong hinawakan sa beywang na mabilis kong pinalis ang kamay niya doon.
"Ikaw ah, may secret rendezvous pala kayo ni captain hook." nanunuyang sabi niya habang ang mga mata ay ang sarap nang tusukin.
"Tumigil ka. Anong captain hook?"
"Si Team captain. Tapos yung pag halik niya sayo kanina, grabe! Sandali lang pero hook na hook. Kuhang kuha niya ang labi mo. Sabihin mo nga anong feeling?"
"Tumigil ka." sabi ko ag tumalikod na lang.
"Ay sus! Ito pa oh! Kunwari, sabihin mo na.."
"Wala nga. Hinalikan niya kang ako bigla hindi ko alam kung bakit, at sabi niya dahil daw 'yun sa banner na binigay mo."
"Huh?" aniya na nag isip din saglit. "Ano bang nakasulat don sa banner?"
"Basta. Matulog ka na. Maaga pa ang pasok natin sa coffee shop bukas."
"Ay, oo nga pala no!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top