Page four
Ala sais na ng maka- uwi ako sa bahay namin. Nang buksan ko ang ilaw ay mabilis akong niyakap ng lungkot.
Ito ang unang gabi na hindi ko makakasama matulog si Mama. Ito rin ang unang gabi na hindi ko siya makakausap bago matulog.
Isinabit ko ang aking bag sa likod ng pintuan at umupo may lamesa. Dito ko madalas naaabutan na nakaupo si mama tuwing umuuwi ako ng bahay, Dito siya pinapainom ni Aling tes ng gamot, tapos nun mag luluto na ako ng pagkain namin at sabay na kaming kakainin dalawa habang kinukwento ko sa kanya ang nangyari sa buong araw ko. Kahit pa tango at ngiti lang ang mafalas na sagot ni mama sa akin ay ayos lang. Wala pang isang araw na umalis si mama ay namimiss ko na siya. Lalo na ngayon, hapunan. Malungkot naman kasi sa pakiramdam kapag mag isa ka lang kumakain.
Ilang sandali rin akong natulala doon bago nag pasiyang tumayo. Binuksan ko ang ref at kinuha ang kaninang niluto ni ate na menudo. Iinitin ko lang ito at ito na ang ulam ko hanggang bukas ng tanghali. Hindi naman ito mapapanis kapag nasa ref.
Nang mag umpisa na akong kumain ay may malakas na kumatok sa pintuan, kasabay nun ang sigaw ng babae.
Si Nicole tinatawag ang pangalan ko.
"Bakit?" agad na tanong ko ng mabuksan ko ang pinto. Pero sa halip na sagutin ay nilagpasan niya lang ako dala dala ang kanyang bag. Naka uniform pa rin siya tulad ko.
Ni- lock ko na lang ang pintuan at sinundan siya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito, dapat nasa bahay na nila siya.
Nadatnan kong nasa lamesa kusina siya at nag sasandok na ng sarili niyang pagkain. Umiling ako at hindi na ang salita, sanay na rin namn kasi ako kay Nicole kaya ipinag patuloy ko na lang ang pag kain ko.
"Alam mo ba? Pinalayas ako sa amin!" bigla na lang niyang sigaw ng hindi ko tinatanong.
"Bakit na naman?" normal na tanong ko. Dahil ilang beses naman ng pinapalayas si Nicole sa kanila dahil sa ate niya. Ewan ko kung anong trip ng ate niya at bakit galit na galit aiya kay Nicole.
"As usual! Yung ate ko na naman." sagot niya. "Ewan ko ba bakit galit na galit 'yon sa akin."
"Ano ba naman kasi ng nangyari?"
"Malay ko sa hayop na Iyana na 'yun!" hiyaw niya at uminom ng tubig bago nag salita muli. "Nag kasabay kasi kami pauwi sa may eskinita namin, tapos kasama niya mga classmate niya, binati nila ako kaya binati ko rin, alam mo naman hindi tayo isanabera.. Aba! pag pasok namin sa bahay bigla akong sinampal dahil ipinahiya ko daw siya edi sinampal ko rin!"
"Paanong ipinahiya?" litong tanong ko.
Umiling siya at muling uminom ng tubig pagtapos ay hinaplos ang kanyang kanang balikat.
Yan ang madalas na gesture niya kapag pinipigilan niya umiyak.
"Iyak na.." sabi ko lang at tumalikod na para dalhin ang plato aa lababo. Ilang segundo lang ay narinig ko na siyang humihikbi.
"Napaka gago niya! Dahil sa kanya sinampal rin ako ni mama!"
"Ipinahiya ko daw siya dahil nag aral daw ako sa Celestial! Bakit?! Kasalanan ko bang bobo siya at hindi siya nakapasa ng CEE?!"
"Dahil don kaya siya galit sayo?" paninigurado ko.
Tumango naman siya habang kumakain pa rin.
"Ano bang nangyayari diyan sa ate mo." sabi ko pa. Dahil dati pa man, ramdam ko na ang galit nito kay Nicole, miski sa aming mga kaibigan ni Nicole ay galit din siya. At alam ko rin na may kagustuhan itong pumasok sa Celestial univ, Honor student ito at naging Valedictorian pa, pero hindi siya nakapasok. Tapos ngayon, si Nicole, na hindi ganon katalino ay nakapasok.
"Intindihin mo na lang, baka stressed siya?"
"Ako din naii-stress pero hindi ako nananampal!"
Huminga ako ng malalim. "Ano, dito muna matutulog ngayong gabi?"
"Oo.."
"Sige."
"Gising na Hatti, malilate na tayo!" si Nicole at naramdaman ko pa na sinampal niya ako.
"Nicole nga! Masakit!" mabilis akong umupo sa kama ko.
"Ay nako! Maligo na! Kailangan natin maaga umalis, dahil nag text sa akin si Arielle. Ipakilala daw niya tayo doon sa owner ng coffee na pagtatrabahuhan natin."
-
"Oh, ayun si Arielle!" turo ni Nicole habang hila hila niya ako. Jusko naman, ang aga aga ang taas na kaagad ng energy niya! Inaantok pa ako!
"Oo, huwag mo akong hilahin!"
"Bilisan mo kasi! Sabi ni Arielle, hiring daw sila today, kaya panigurado susugurin sila ng mga aplikante mamaya! Isiningit na nga lang tayo ni Arielle!"
"Huwag kang sumigaw, alam ko." irap ko sa kanya.
"Huy, nandito na sila!" rinig kong sabi ni Arielle pagkapasok namin sa nakasarado pang coffee shop.
"Goodmorning po!" bati ko doon sa lalaking nakaupo sa bilog na lamesa kaharap ng laptop.
"Goodmorning po," bati din ni Nicole.
Mariin niya kaming tinitigan. Parehas kasi kaming naka uniform ni Nicole, samantalang ala sais pa lang ng umaga, e eight pa ang pasok namin. Si Arielle nga ay naka pants at black tshirts lang. Kanina kasi dapat mag papants din ako, kaso walang damit si Nicole na dala bukod sa uniform, kaya hindi niya ako pinag pants. Ako naman itong uto uto, pumayag.
"Ba't naman naka- uniform kayo?" bulong sa akin ni Arielle. Umiling lang ako dahil nakatingin sa amin yung lalaki.
Ang riin pa naman ng titig. Yung titig niya nung nasa quadrangle kami ay parehas ng titig niya ngayon. Seryoso ngunit hindi naman galit.
Nasabi ko na ba kung gaano ito kagwapo? Hindi ko alam kung anong tawag sa kulay niya, hindi siya moreno ngunit hindi rin maputi. Matingkad ang kulay niya, nakaka- akit. Sa totoo kang, attracted talaga ako sa mga moreno, naka-crushan ko talaga agad. Tapos yung mga mata niya pa, bilugan at ang gaan titigan, ang ilong niyang maganda, parang tutok ng agila ang tulis nun, at ang kanyang labi na mapula. Pati ang buhok niyang nakababa lang ay ang gwapo din, bagay sa kanyang mukha. I mean.. Gwapo siya.
Gwapo.
Siya yuung lalaki sa school yung naka 69 na jersey.
Siya ba may ari nitong coffe shop?
"Ms. Domingo take a sit first. Arielle, dalhin mo muna si Ms. Reyes sa kabilang table as i gonna interview Ms. Domingo."
"Sige kuya." ani Arielle at hinila na ako palayo doon.
"Yun ba yung kuya mo?" tanong ko habang hinihila niya ako.
"Hindi. Pinsan lang siya nung kaibigan ni Kuya, siya yung namamahala rito." sagot nito at pinaupo na ako sa isang upuan. "Mabalik tayo, bakit kayo naka uniform? Sana binaon na alng ninyo 'yan, nag civillian muna kayo."
Inirapan ko. "Pinalayas kasi si Nicole sa kanila, wala siyang dalang gamit, alam mo naman na hindi kasya sa kanya ang mga damit ko."
"Nanaman? Bakit siya pinalayas?"
"As usual dahil na naman sa ate niya." sagot ko at hinawi anv nakalugay kong buhok. Inayos ko pa akunti ang necktie kong nakatagilid konti.
"..alam mo naman diba gusto nun makapasok sa Celestial, kaso hindi nakapasok kahit pa sobrang talino-"
"Ah! Galit siya kasi siya yung matalino pero hindi nakapasok tapos si Nicole na bobo, nakapasok?"
"Oo." sagot.
Nagkibit balikat siya at sumandal sa likod ng upuan. "Well.. minsan kasi may mga bagay na hindi nadadaan sa talino." aniya. "Uy nga pala! Alam mo bang nakapasok tayo sa CDP(Celestians Dancing Prowess)?"
"Hindi nga?" gulat na tanong ko.
"Oo nga! Ibig sabihin kahit hindi ko kayo ipinasok dito, makakapag aral pa rin kayo dito dahil kayong dalawa ni Nicole ang napili ng coach nila! Tignan mo, may use din pala yung kalokohan ni Nicole sa application!"
"Kailan tay-"
"Hatti, tawag ka na." si Nicole.
"Tapos ka na kaagad?" tanong ko kay Nicole ng maupo ito sa gilid ko.
."Oo naman, wala kang tiwala?" natatawa oang sabi nito.
Napahalakhak naman si Arielle.
Habang papunta doon ay nakita kong may ginagawa sa laptop yung lalaking 69.
"Goodmorning po." bati ko ulit pagkapunta sa harap niya.
"Morning, take a sit."
Ngumiti ako sa kanya kahit hindi siya nakatingin sa akin bago umupo. Laking pasalamat ko nga dahil hindi ako dinadapuan ng kaba.
"Alright, first how do you want me to address you? Should i call you Ms. Reyes-"
"Behatti na lang po."
Tumango siya pag kasabi ko.
"Alright Behatti, Tell me something about yourself."
"Im Behatti 19 years old, yun po." alangan pa na sabi ko.
Mukha pa siyang nagulat dahil sa iksi ng itroduction ko.
"That's all?" aniya na parang may hinihintay pa.
"Opo." sagot ko. " Sa totoo lang po, wala naman kasing interesting sa akin. So yun.. Hehe."
Tumango siya at sumilip sa laptop niya.
"Alright. We're done. Thank you for your time, we will just call you after we review your application."
Saglit akong natulala.
Putsa, tunog rejected yun ah?
"Alam kong bagsak na ako sir." sabi ko kaya napatingin siya sa akin. "Pero sir, kailangan ko po ng trabahong ito. Sana po hindi maging sukatan itong pag uusap natin para hindi ako matanggap. I can easily adapt po. Kaya po ng katawan ko ang lahat ng bagay o gawain. Mabilis pong nakakapasok sa akin- i mean sa utak ko ang lahat ng sasabihin niyo. Mabilis po akong matuto, at susundin ko po lahat ng ituturo sa akin."
Blanko ang kanyang mata na nakatingin sa akin.
Huminga ako ng malalim bago nag patuloy.
"...yun lang po. Thank you sir. Have a nice day."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top