Page five.

"Tingin mo ba makakapasok tayo doon sa The Empyreal coffee shop?" Tanong ni Nicole habang nasa ilalim kami ng puno dito sa may open ground. Puro green lang ang makikita mo dito, at yung dalawang net sa may malayo.

Naiisip ko tuloy na masarap mag picnic dito kasama si Mama. Maaliwalas ang paligid at medyo tahimik pa. Siguro dahil na rin maaga pa. Ala siyete pa lang, dito na kasi kami dumiretso ni Nicole kanina, pagtapos ng interview, si Arielle naman ay nag palit na lang ng damit.

"Makakapasok kayo doon sigurado! For imformality lang naman yung ginawa ninyong interview kanina, pero pasok na kayo." ani Arielle habang iniinom ang kanyang ice coffee.

"Hindi ko alam. Wala akong matinong naisagot sa kanya kanina." sabi ko. Tinignan ko si Arille at bahagyang ngumiti. "Pero salamat sa pag tulong sa amin ah, dami na naming utang sayo ni Nicole."

"Oo nga, itong pag pasok pa lang namin doto sa Celestial University, malaking bagay na. Salamat much." dagdag pa ni Nicole.

"Huy hala, wala naman ito no." sagot ni Arielle. "Isa pa, baka nakakalimutan ninyo, kayo na halos nag paaral sa akin. Kayo din ang sumasagot ng pagkain ko sa school, kahit pa na wala rin naman kayong mga extrang pera. Kaya nga dapat ako ang mag pasalamat sa inyo. Dahil kung hindi dahil sa inyo, malamang asawa na ako ng isang hapon!"

Sabay sabay kamimg natawa ng maalala ang pangyayari iyon.

Naalala ko iyon, isang araw, sinundo si Arielle ng mama niya sa school. E, sakto naman nun na ang cutting ako para tapusin ang isang project ko. Nakita ko siyang palabas ng building kasmaa ang mama niya at sumakay sila sa magarang kotse. Masama na agad ang kutob ko nun kaga balak ko na silang sundan, pero may tumawag sa akin. Si Nicole, galing canteen. May bitbit pang zest- o at piattos, nagtatanong pa siya noon kung saan ako pupunta pero mabilis ko na Lang siyang hinila at sumakay ng trisikel. pasalamat na nga lang at naabutan namin sila na kakababa lang at papasok sa isang building. May kinausap yung mama niya at ilang sandali lang ay tumakbo na si Arille palayo pero mabilis siyang sinabunutan ng mama niya. Kaya agad kaming rumesponde non at tinulungan siyang makawala sa mama niya. At isinakay sa trisikel. Mabuti na  lang at hindi pa kami nag babayad kaya hidni ito umalis at dahil doon nakalayo kami doon sa mama ni Arielle.

At doon niya ikinuwento na, ikakasal na pala siya sana nong araw na iyon sa isang hapon. Siya yung bride tapos hindi niya alam. Iyak ng iyak num si Arielle, tapos inaway kaming dalawa ni Nicole ng mama ni Arielle, mabuti na lang at palaban din yung mama ni Nicole at ipinag tanggol kami.

"Oo nga no! Gago laptrip yun! Surprise wedding pala!" ani Nicole.

"Kaya huwag niyo sabihin na dahil lang sa akin kaya kayo nakapasok dito, dahil pare- parehas tayong nag sacrifice para lang makarating sa kung nasaan man tayo ngayon. Isa lang ang wish ko.."

"Ano 'yon?" sabay na tanong namin ni Nicole.

"Pag nag boyfriend sana huwag mag kalimutan," aniya at nginuso si Nicole.

"Ahh." tango ko.

"Ano?" ngumungusong tanong ni Nicole.

"Si Maunt Sebastian Mojico."

"Ahh!" tango niya. "Ewan ko dun, ni- kiss nga ako nun kahapon."

Sabay na nanlaki ang mata namin ni Arielle.

"Ano?!"

"Oo. Kahapon. Namiss daw kasi niya ako. Ni- kiss niya ako sa lips, pero saglit lang naman. Tapos nun, bumalik na ako sa classroom."

"Omygosh!" si Arielle na hindi na kinakaya ang mga pasobog ni Nicole. "Dito kayo sa school nag kiss?"

"Oo nga, kasasabi lang diba? Doon kami sa may  storage room, dun niya ako hinila. Niyakap niya lang ako tapos nag kiss din. Yun lang."

Habang nakikinig ay hindi na ako nakapag pigil. Mabilis kong hinila ang kanyang buhok para masabunutan saglit bago binitawan.

"Ang harot mo!"

"Well, gusto ko sanang magtaka, kaso lang.. Alam ko naman na matagal na kayong nag lalandian ni Massi, so keri na rin." kibit balikat na sabi ni Arielle kasabay nun ay ang pagtunog ng bell.  "Halika na, pasok na tayo. Ang harot ni Nicole!

---

"Goodmorning!" bati agad nunng lalaking sa amin sa pintuan. Nilagay niya pa ang upuan sa may tabi ng pinto kahit pa wala naman talagang upuan doon. Palagay ko kada papasok ay binabati niya.

Kung hindi ako nag kakamali, siya yung tinawag na Lucky ni Massi kahapon. Yung lalaking naka man bun at may hikaw sa itaas ng tenga.

Ngumiti ako sa kanya dahil hindi naman ako isnobera. "Morning." balik na bati ko.

"Ang ganda ng dimple mo, isa lang. Akin apat." aniya at nginitian pa ako. Wala sa sariling napangiti ako

"Isa lang kinaya nila mama e," pabirong sagot ko.

"Ay, ganon? Wala na sigurong mas sisipag pa sa  papa ko. Lahat kasi kami may dimple, yung iba dalawa ako naman, apat." aniya at ngumiti ng pilit para makita ko yung sinasabi niyang apat na biloy niya.

Napatango ako dahil wala ng maisip sabihin. Medyo nabigla nga ako ng tumayo siya.

"Bago yung mukha mo. Kailan ka pa dito?" aniya habang papunta na kami sa may upuan namin. Napansin ko pang nakatingin sa akin sina Nicole at nagbubulungan. Mga backstabber sila.

"Last week lang." sagot ko at umupo na sa may pwesto ko. Siya naman ay umupo sa may likuran ko.

"Oh. I see," tango niya. "You knew Massi diba? Galing din siya sa La Doña High,"

"Oo, kilala ko siya."

"Well, nag uusap na rin lang tayo, may i know your name?"

"Hmm. Im Behatti." maikling pakilala ko.

"Im Lucky," aniya at inabot pa ang likod ng kamay ko at hinalikan iyon. "Friends na tayo."

Mabilis kong tinapik ang kamay niya at mukha siyang nagulat dahil doon. "Sige. Pag friends, wala ng halikan ng kamay. Nakaka kilabot e."

Ang gulat niya at napalitan ng halakhak. Lumabas tuloy yung apat niyang dimples. Ang gwapo ng lalaking 'to. Ang lakas ng sex appeal.

"Nakakatuwa ka naman." aniya pagtapos ng halakhak. "Anyway, may gagawin ka ba after school?"

Mabilis akong umiling.

"Good. May game kami mamaya, nood ka."

"Basketball player ka?" kunwaring tanong ko. Alam ko naman kasi.

"Oo! Magaling ako mag laro no!"

"Ang humble mo naman pala." komento ko.

"Oo. Medyo shy kasi ako." aniya at pumikit pa ng mabagal.

Nailing na alng ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top