Page 58

Page 58

---

Exactly 5 am nakarating kami ng tagaytay. Tulog sila Arielle sa tabi ko, at si Uno naman na nasa harapan may earphone sa tenga at tulog din ata. Sinilip ko ang labas. Maraming puno sa paligid at madilim. Tanging ilaw lang sa malaking bahay na nasa harap namin ang pinanggagalingan ng liwanag.

Wala sa sariling tumingin ako ky Kuya Teddy, nagtama naman ang tingin namin sa rear view mirror na nas harap.

"G..gisingin ko na po sila.."

Tumaas lang ang kilay niya at ngumiti bago siya, ginising niya si Uno. Ako naman ay kinurot ko na si Nicole. Mahirap kasing gisingin ito. Kung si Arielle isang tawag mo lang gising na, si Nicole hindi. Paos ka na't lahat, tulog pa rin. Sa pangatlong kurot, doon na nagising si Nicole ako naman ay nag madali ng lumabas ng sasakyan bago pa niya ako makita.

Sobrang maaliwalas ang loob ng bahay. Binaba ko ang bagpack na hawak ko. Nilingon ko pa nga si Nicole pag pasok niya dahil medyo nahuli 'to kasama si Kuya Teddy.

"Lumabas daw sila Asher, kaya walang tao dito ngayon." Ani kuya Teddy na kababa baba lang ng kanyang cellphone.

"Ayos lang po, Kuya Teddy. Itutuloy na lang namin ang tulog namin, tutal maaga pa naman at nakakaantok ang hangin." ani naman ni Arielle.

"Saan magiging tulugan natin? Inaantok pa rin ako be,"

Wala naman nang ibang nangyari. Ipinagpatuloy lang namin yung tulog namin sa isang kwarto, 2 bed iyon, magkatabi sila ni Arielle at Nicole. At ako naman mag isa sa maliit na bed sa malaput sa pinto.

Inaantok ako kaanina kaya matitulog sana ako pero ng maktungtong na ako sa bed ay nawala naman ang antok ko. Nilingon ko ang dalawa na tulog na tulog. Nakadantay pa nga si Arielle kay Nicole. Napangiti na lang ako at pinagpatuloy ang pag scroll sa social media.

Hindi na ako nakatiis at umupo ako doon sa may upuan malapit sa window. Medyo madilim pa sa labas. First time ko nga dito sa tagaytay at tulad ng nakikita ko sa socmed, maganda ngaa siya at ang peaceful ng paligid lalo na dito sa place nila Arielle. Hindi ko tuloy maiwasan isipin na sana naandito na si mama. Wala na akong balita kay mama. Ewan ko ba sa ate ko at hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Wala naman akong hihinyien sa kanya e, gusto ko lang kamustahin si mama, malaman ko kung ano na ang lagay niya. Hindi naman ako hihinge ng pera.

Nakarinig ako ng katok kaya natigil ako sa iniisip ko. Baka si Uno. Nang buksan ko iyon ay hindi si Uno ang nakita ko, si Kuya Teddy.

"Bakit po?" Tanong at lumabas ng kwarto, sinarado ko ang pinto dahil tulog pa sila Nicole.

"Uuwi na kasi ako,"

"Ahh.. opo-"

"Magpapaalam lang maam, nakapag luto na rin ako ng breakfast niyo at kakatawag lang nila Asher, pauwi na daw sila."

"Ah sige po." Sabi ko na lang. "Salamat po-" bigla siyang may inabot na kapirasong papel. "Ahm.."

"Number ko. Kung may kailangan ka or tanong pwede mo akong tawagan." Aniya kahit hindi ko naman tinatanong. "Alis na ako."

Hindi na ako nakapag salita nakatingin lang ako sa likod niya habang papalayo siya.

Naisip ko lang pagpasok sa kwarto, pwede kaya akong magpatulong kay Kuya Teddy na ma-kontak si ate? gusto ko kasi talaga siyang makausap, gusto kong malaman kung ano na ang lagay ni Mama.

"Behatti."

Agad kong nilingon ang pinto. Si Antonia. Magulo ang buhok, black tshirt at black pants. May nakita rin akong hikaw sa gitna ng labi niyang mapula.

Tumayo ako at nilapitan siya sa may pintuan, siya rin ay sinalubong ako at muling sinara ang pinto ng malingunan na tulog pa yung dalawa.

"Hi, how are you?" Sabi niya at sinuklay ang maikli na buhok at ngumiti pa.

"Ayos." Natatawang sagot ko dahil nagkita lang naman kami nung friday sa school. "Ikaw?"

Saglit siyang natawa sa tanong ko. "Li'l bit tipsy but, yeah.. im fine now."

Inirapan ko siya. "Love na love ang alak be? 7 am na oh, ngayon lang umuwi?"

"You know what.. you sounds like a nagging shfdgf... to me." Sagot niya kaya kinurot ko siya. Hindi ko kasi siya naintindihan.

"Matulog ka na doon nang mawala na 'yang pagka tipsy mo. " sabi ko at inalalayan siya sa kanyang beywang palabas ng kwarto.

"Really... really, im not drunk!" Piglas pa niya.

"Oo nga, pero dahil ako ang nagging ano nga yun? Nanay?!

"Wrong!"

"Nanay... tumigil ka ha, saan room mo?"

Nang umiling siya ay ibinalik ko siya sa kwarto. Doon ko na lang siya ihihiga sa isaa pang kama, tutal hindi naman na ako makakatulog nito. Ibinagsak ko siya doon, nag gawa pa nga iyon ng konting ingay  kaya gumalaw si Nicole at dahan dahan siyang bumangon kahit pikit ang isang mata.

"Sino 'yan?" napapaos na tanong ni Nicole at tuluyan na ngang naupo sa higaan.

Kahit na hinihingal galing sa pag alalay ko kay Antonia ay sumagot ako. "Si Antonia. Nakauwi na sila. Ayan, lasing."

"Hmm.. umalis na si kuya teddy?"

Tumango ako.

"Nagugutom ako.." si Arielle naman na gising na pala at hindi namin namalayan.

Inayos muna namin si Antonia bago kami bumaba. Nakasalubong pa nga namin si Palmolive, matutulog na din. Hindi ko alam na kasama rin pala si Palmolive, akala ko sila Sarah at Anton lang.

Sa baba, nakaupo sa sofa sila Asher at Lucky.  Nakahiga naman sa kabila si Scott at tulog ng nakaupo.

"Uy, gising na ang minions!" Salubong sa amin ni Lucky. Wala sa sariling napatingin ako sa mga damit namin, hindi naman kami nakadilaw.

"Nag breakfast ka na? Kayo?" Si Asher na papalapit sa amin. Sa akin muna nagtagal ang tingin niya bago nilipat sa iba. At inayos pa nga niya ang buhok niya na para sa akin ay hindi naman magulo.

"Hindi pa nga, ano ba almusal niyo?" Si Nicole ang sumagot pagtapos ay umupo ito sa tabi ni Lucky. Kami naman ay sumunod na rin. Kaya lang ako ay naupo sa katabing sofa kung saan nakahiga at tulov si Scott.

"Wala. Order tayo," ani Lucky.

"Parang gusto ko ng fruits." Ani Arielle.

"Ikaw?" Si Asher na nakatayo pala sa gilid ko.  Hindi ko na din namalayan dahil parang bigla na lang umihip yung antok ko.

"Kahit milo lang ako." Sagot ko naman dahil hindi naman ako nakakaramdam ng gutom ngayon.

"Ako na lang ang bahala mag order," sabi ni Asher at inilabas ang phone. Lumabas din siya at sinundan ko siya ng tingin doon kaya nakita ko sa kabilang pintuan na may duyan pala at hindi ko yun napansin kanina pagkarating namin dito. Dalawa kasi ang pintuan, isa sa kabila kung saan lumabas si Asher at yung isa naman sliding door kung saan kami pumasok kanina nila kuya teddy. 



Tahimik ako lumabas para umupo sa duyan. Ang ganda ng tanawin, puro green ang nakikita ko. Mahangin din kaya mas nare-relax ang isip ko. Nakita ko din na ilang saglit ay nakabalik na pala si Asher at may bitbit siyang dalawang malaking paper bag. Yun na ata ang pagkain na in-order niya.



Muli kong binalik ang atensyon ko sa paligid. Sa kagandahan ng lugar. Ang saya dahil nung nilanghap ko ang hangin ay hindi ako naubo. Ibig sabihin malinis ang hangis. Ang dami kasing puno, nakakatuwa!



"Behatti,"


Nilingon ko ang nagsalita, si Asher pala. Nakatayo sa gilid ng mini table at may hawak na dalawang box at may dala rin siyang drinks. Umayos ako ng upo ko.


"Ito na yung food," aniya at naupo sa rattan na upuan at nilapag ang dala sa table. "Which one do you like? Hot coffee or hot choco?"



"Hot choco na lang." Sagot ko dahil hindi naman ako madalas mag coffee.



"Here," aniya at inilapit sa akin ang isang cup. Sunod niyang binuksan ang mga box. Nakita kong pancake ang laman ng isang, may sausage pang kasama yun. Yung isa naman boneless chicken. Nang maamoy ang bango nun ay agad nagwala ang tiyan ko.



Hindi ko maiwasan mapatingin sa braso niya ng iabot niya sa akin ang spork, siya pa mismo ang nagpunas ng tissue.



Ang laki ng kamay niya.


At ngayon ko lang napansin. Naka white tshirt lang pala siya at may kwintas na silver ang kulay at tinernuhan niya lang iyon ng sweatpants na grey. Pogi. Pogi...


"Nasa table ang breakfast." Sabi niya kaya agad akong napatingin sa table. Nakakaloka. Ang aga aga pero yung mata ko kung saan saan na napapadpad.

Pero agad na bumalik sa kanya ang tingin ko ng marinig ko siyang ngumisi. Nakita ko pa ang dimple niya.


Nalito naman ako bigla. Bakit siya natawa?


"Bakit?" Tanong ko sa kanya.





"Nothing. Ang ganda mo lang." Iling niya. "I love this morning," aniya at kinindatan pa ako baka sumimsim sa cup niya at tumingin din sa mga puno.





Ano daw? Nababaliw na ata si Asher.







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top