Page 54

Page 54

-

Saktong alas otso ay dumating na ang instructor namin para sa saturday class. Nakita ko pa nga kung paano humikab si Sara sa harapan. Katabi pa rin niya sila Janina at sila Andrea, yun nga lang hindi na sila nagpapansinan tulad ng dati. Seat mate na lang.

Kagabi kasi ay ano'ng oras ng umuwi sila Sara. Paano, ayaw pa niyang umuwi. Dahil wala naman daw siyang kasama sa bahay nila. Pero si Plamolive, 8pm ay nagpa-sundo na siya sa driver nila. Pero si Sara, wala naman siyang ginagawa sa bahay bukod sa pagsasabi ng mga suggestions niya sa kung saan dapat mag lagay ng aircon ay wala na. Panay lang siyang nang iirap kapag inaaya siya ni Antonia na umuwi na.

Ang ending, 11 pm sila nakauwi. Kung hindi pa, tinawagan ni Antonia ang ate ni Sara ay hindi pa ito mapipilitan umuwi. Mabuti na nga lang at naisip si Antonia iyon dahil, sobra na talaga ang antok ko kagabi, sila Nicole nga ay nakatulog na sa sofa. At si Arielle, alas nuebe pa lang hindi na kinaya, uminom din kasi sila ng gamot. Si Sara din naman, uminom pero, ewan ko. Matibay sa puyatan.

Nang mag 10 am na ay pumunta na kami lahat sa gymnasium para sa aming P.E class. At sa totoo lang, laking pasalamat ko dahil sabado na. Ibig sabihin, hindi ko kailangan magising ng maaga bukas. Sobrang pagod ko na talaga.

Inilabas ko ang cellphone ko habang inaantay ang aming instructor. Habang si Nicole at Arielle, magkatabi at tulog, nakapatong pa ang ulo ni Nicole sa balikat ni Arielle habang nakasandal sa dingding 10:30 pa naman ang start ng class kaya ayos lang na umidlip muna sila.

May natanggap akong text mula kay Clyde.

Clyde :

- Good morning, Behatti.

Clyde :

-How are u, Behatti? Hope u're doing fine.It's my birthday today. Sana makapunta kayo mamaya sa bahay. Kaunting salo-salo lang.

"Hala! Oo nga pala!" hiyaw ko ng maalala iyon. Muntik ko ng makalimutan. Kung hindi pa nag text si Clyde, malamang sa malamang, nakalimutan ko na talaga.

"...nu yun?" ungot ni Nicole pikit ang isang mata.

Umiling ako. Kaya bumalik na siya sa pag tulog niya.

Agad akong nag type ng reply.

Me :
- Happy birthday, Clyde! Yes. Pupunta ako. Itatanong ko pa kila Nicole kung makakasama sila. At baka mga 6pm na rin makarating diyan dahil may duty pa kami e. Happy birthday ulit!

Nag angat ako ng tingin ng may nag goodmorning na sa harapan. Dumating na pala yung instructor namin. Mabilis kong itinago ang cellphone at tinapik sina Nicole, para makaayos na ng upo.

Hindi rin naman nag tagal ang P.E class namin dahil nag lista  lang siya ng groupings namin. May dance performance daw kami sa next saturday.

Latin dance.

Well.. different kinds of dance kasi ang topic namin ngayon. Latin dance naman ang sasayawin ng grupo ngayon. By 6 lang dapat abg grupo pero dahil kami na ang huli, group 3.. Bale gagawa kami ng 4 groups out of 8 people. Pinagsama-sama na kami ni Instructor Enriquez.

Ako, Si Nicole, Arielle at si Palmolive. At sa lalaki naman,  si Vidal, Sanchez, Oranza at si Feria. Bale kaming walo ang gagawa ng latin dance. Hindi ko pa alam kung sino ang magiging partner ko.

Hindi ko pa naman masyadong nakakausap si Feria at Oranza. Tahimik lang kasi sila sa gilid. Pakiramdam ko nga sobrang sungit ni Feria. Kung hindi ako nagkakamali, Josue Feria yata ang full name niya. At yung isa si Kevin Oranza. Panay silang mag isa, madalas nakikita ko na nakakausap nila ang grupo nila Uno, pero yun lang. Bukod sa grupo nila Uno, wala na. Yung style ni Kevin, yung usual style ng rich kid for me. Malinis tignan, pero mukhang hindi gagawa ng mabuti. Si Josue naman chinese looking. Ang cute. Mukhang ang sungit nga lang dahil medyo matulis ang mata, pero.. mukhang palaging nag-iisip ng kalokohan. Tahimik lang kung titignan.

"Group 3 iwan muna saglit," ani Vidal, nang mag paalam na si Instructor Enriquez. Si John Ruz Vidal. Scholar din siya. Academic scholar. Hindi naman siya yung usually nerd na scholar.  Like, normal lang. Kung hindi mo nga alam ang ginagawa ni Vidal, aakalain mo na isa sa mga pasaway sa school. Clean cut ang buhok at bilugan ang mata at ang labi.. kulay red. Parang laging basa.

Kaming pito naman ay sumunod na lang kay Vidal. Maaga pa naman para sa filipino class namin.

"Pag-usapan na natin kung sino sino ang magkaka-partner, or gusto niyo ba bunutan na lang ang gawin natin?"

"Pwede naman bunutan na lang para 'di na tayo mahirapan mag decide lahat." suhestiyon din ni Nicole. "Ako na ang magsulat ng names."

Habang nag susulat si Nicole ay ipinaliwanag na ni Vidal kung anong klaseng dance ang gagawin namin. At nung simabi niya na yung gemre ng latin dance na gagawin namin ay parang kinabahan ako. Well.. Iba kasi ito sa mga nagawa na namin na sayaw nina Arielle doon sa La doña high. Nai-imagine ko na yung mga napapanood ko sa youtube na latin dance.

"Alright. Girls ang bubunot." ani Vidal at inalog na sa kamay niya yung apat na papel na may pangalan ng boys. Unang bumunot si Palmolive dahil nasa tabi lang ito ni Vidal. Sunod si Arielle, ako ay si Nicole.

Binuksan ko yung akin at nabunot ko si Vidal. Wala sa sarili akong napatango. Well.. Okay naman ang height namin ni Vidal bilang mag partner. 5'11 siguro ang height niya.

"Oranza." sabi ni Arielle ng itanong ni Vidal kung sino na ang nabunot ng kung sino.

"Sanchez," si Nicole.

"Vidal." sabi ko naman at pinakita pa yung papel. Nakita kong tumango pa si Vidal sa akin.

"Ako si Feria." dissapointed na sabi ni Palmolive.

"What's with the long face, Guevara?" tamad na tanong ni Feria kay Palmolive. Nakataas pa ang isang kilay nito. Liningon pa nga niya si Palmolive kaya nakita ko na may hikaw pala siya sa taas ng tenga niya. Diamond earing ata yun. Pero nilingon ko yung isa niyang tenga, wala naman. "If you don't want me as your partner, it's alright."

"Ayoko talaga." sabi ni Palmolive. "I can still remember what you did in our cutillion dance. Just because nagkamali ako ng step, just once! At sinungitan mo'ko agad. Ako pa ang sinisi mo kung bakit hindi ka nakasayaw sa cutillion, as if naman na ginusto kong sumabit yung hair ko sa cufflink's mo!" dire-diretsong sabi ni Palmolive. At sa kabuuan ng pag pasok ko dito sa Celestial Unviersity. Ayun na yata ang pinaka mahabang salita na sinabi ni Palmolive. Hindi ko nga sure kung huminga ba siya between those words, pero.. wow.. mukhang masama talaga ang loob niya kay Feria.

"Oh! Naalala ko pa 'yon! Ang funny nun!" napapalakpak pa na sabi ni Sanchez.

Peke namang tumawa si Palmolive habang binalingan si Sanchez. "Me too. Naalala ko din, diba same night iyon nung nabasted ka ni Sunny? I say.. Ang funny nun!" ginaya pa niya yung tono ni Sanchez sa dulo.

Tumikhim naman si Sanchez.

"Okay. Tama na 'yan. Ilang minutes, filipino class na natin." pumagitna na si Vidal. "Alright. Para hindi na tumagal ang usapan, sino na lang willing mag change ng partner kay Palmolive?"

Liningon ko si Nicole at Arielle. Ayaw din nila. Miski ako ayaw ko.. sa kwento kasi ni Palmolive parang ang pangit ng experience niya kay Feria..

"Bunutan na lang ulit para mabilis." ani Nicole at tinupi ulit ang kanyang maliit na papel.

Tumango naman si Vidal. Seryoso na itong tumingin sa aming lahat. "Last na 'to ah? Kung sino talaga ang mabunot yun na yun. Ikaw Palmolive, kung si Feria ulit ang mabunot mo, yun na yun. At kung ayaw mo pa rin sa kanya.. kay Sir Enriquez ka na lang mag complain, wala na tayong oras." muli niyang inalog ang papel sa palad niya na magkapatong. Ayos lang naman sa akin kahit sino ang maging partner. Sasayaw kami, at isa ito sa mga gusto kong ginagawa, ang sumayaw. So, walang issue kung sino ang maging partner. Basta huwag lang siyang bastos.

Ako ang unang bumunot. Nilingon ko sila Oranza.. parang wala silang pake, pianpanood nila yung ibang class na nag pa-practice ng volleyball.

"Haay.. ang bait talaga ni, Lord." rinig kong sabi ni Palmolive.

Okay na siya? So hindi na si Feria ang nabunot niya? In-open ko yung akin.. Si Feria.

"Si Sanchez ang nabunot ko." ani Palmolive. Narinig ko pang dumaing si Sanchez pero inaway na siya ni Palmolive.

"Si Oranza pa rin ang nabunot ko." ani Arielle.

"Sa akin, ikaw na." ani Nicole kay Vidal.

"Alright, so, ikaw si Feria ang nabunot." sigurado na sabi ni Vidal. Tumango na ako at hindi na tinignan pa si Feria. "Ayos na muna 'yan. May 7 days pa tayo para mag practice, pag usapan na lang natin 'yan mamaya. Gagawa ako ng gc para doon na tayo mag usap."

Mga ala una ng hapon ay nag punta na kami ni Nicole sa shop para sana mag duty, pero pag pasok namin sa loob ay sinabihan kami ni Sir Orlean na hindi kami magdu-duty dahil nga sa naka-leave daw kami ni Nicole for two days. At oo, si Asher daw ang nag sabi. Hindi nga daw niya alam kung bakit ginawa ni Asher iyon, pero nung nakita daw niya ako at ang leeg ko ay tama lang naman daw pala ang desisyon ni Asher. Well, may benda pa rin kasi ako sa leeg, miaki si Arielle at sila Janina, meron din.

Kaya ang ending, umuwi na lang kami sa bahay. At habang palakad palapit sa bahay, may nakita akong isang puting kotse na nakaparada doon sa tapat ng gate namin.

"Si Arielle?" tanong ko kay Nicole.

Umiling siya at mas binilisin pa namin ang lakad. "Edi sana binuksan na niya yung gate, para iba naman siya- ay wait, si Sara yata?"

"Huh?" lito kong tanong. Pero nung bumukas ang pinto at nakita kong bumaba doon si Sara na may hawak na maliit na fan na color white ay nasigurado ko na.. Naka pink pa siya na dress na hanggang taas ng tuhod lamang ang haba, at as usual, may suot siyang bucket hat. Color white. At naka sandals siya na color white din at may medyas siyang suot.. yung medyas na pang bata.. yung may ruffles paikot.

Hindi ko alam.. pero.. amg cute niyang tignan sa suot niyang 'yon!

"Where have you been ba? Kanina pa ako nag hihintay dito, ang init!" salubong niya sa amin pagkalapit niya.

"May work po kasi kami." agad na sagot ni Nicole. "At bakit ka ba kasi nandito?"

Binuksan ko na ang gate ng bahay. Ipapasok yata yung kotse nila.

" 'cause wala akong kasama sa bahay! And sabi ni Antonia, that i can stay in your house. You know, watch movies and eat!"

"Nasaan ba si Antonia?" tanong ko. Hindi naman ipinasok ang kotse nila. Susunduin na lang pala siya mamaya.

"She went to meralco, because they cut your electricity line. My gosh, Behatti. What ha--"

"Ay hala!" sabi ko at napatakbo na sa bahay.

Madilim.

Nakita kong nakaupo sa sofa si Arielle habang nakatutuk din ang maliit na fan sa kanya.

" 'te!" napatayo pa si Arielle ng makita kami. Naka pag palit na pala siya ng damit. Naka-croptop siyang black at white na squarepants, habang nakataas ang buhok niya sa tutok ng ulo niya, medyo pawis pa nga siya. "Naputulan ka ng kuryente!"

"Kaloka. Sorry te.." ani Nicole. "Wala akong naiambag, sorry te.."

Umiling ako. "Ano ka ba, ayos lang." nagbigay naman ng share si Nicole para sa ilaw. Pero nung nakaraang buwan kasi ay may binayaran kaming project ni Nicole. Para sa phsychology class namin. Para sana pang bayad ng ilaw iyon, pero ako nag decide na ibayad muna sa project namin. Sabi ko papalitan ko rin, pero nakaligtaan ko na.

"Oh my gosh. Ang init here.." ani Sara sa likod namin. "Bakit kasi hindi kaya nag bayad ng electric bill ninyo? How much is that bill ba?"

Well.. Kung bibilangin, 3 months na ata kaming walang bayad sa ilaw.

"Ang ingay mo, Sara!" ani Nicole at pagod naupo sa sofa.

"Im just asking, noh!" irap ni Sara kay Nicole. "And besides, hindi naman ikaw ang tinatanong ko, so, shut up."

"Yung bill nga pala kinuha ni Antonia, babayaran niya raw." Sabi ni Arielle. "Sabi ko nga, hintayin kayao ni Nicole, pero-oh, ayan na pala!" narinig na namin yung ingay ng motor ni Antonia. Lumabas ako at sinalubong siya.

"Bakit binayaran mo 'te?"

"You're welcom, Behatti." ngiti niya sa akin. "Sabi nga pala sa center, in a minute daw babalik na yung kuryente ninyo."

"Pero, malaki yung bill namin, Antonia. 5,700 pesos 'yon! Dapat hindi mo na pinakielmanan.." sabi ko dahil nahihiya talaga ako.

"Oh, just 5,700?" singitulit sa usapan ni Sara. "For three months? That's too low-"

"Malaki na 'yon sa amin, Sara, huwag ka nga diyan. Hindi kami mayaman na may pera agad agad kapag kailangan." si Nicole.

"Well.. you have a point there." Sabi lang ni Sara. "Don't be offended by my words okay? Wala pa talaga akong idea. I just really don't know what kind of life you have so..yeah. im still learning and discovering, please bear with me." ani nito at nag rock and roll sign pa nga.

Tumango si Nicole. "Hindi bale, Antonia.. babayaran ka namin pagkasahod. Salamat."

Tumango naman si Antonia.

"Guys, Im starving! Ano kakainin natin?" masayang tanong ni Sara.

Napangiti naman ako, parang ang saya ni Sara ngayon.. biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa bag. Nag uusap pa sila kung anong pagkain ang kakainin, nag suggest pa nga si Arielle na mag palabok.

Si Clyde pala ang nag text.

From Clyde:

- Katatapos lang namin mag simba ni Mama. Nasa work ka?

Me :

- Sa bahay na ako.

"So, ano nga? I want chicken wings!" rinig kong nakikipagtalo pa si Arielle.

Nag reply si Clyde.

Clyde :

-Really? Kumain ka na ba? How 'bout sil Arielle? Dito na lang kayo kumain. Maraming naluto si Mama.

Me :

-May kasama kaming 2 friend from skul.

Clyde :

- You can bring them too. Dito na kayo kumain :)

Me :

-Sige. Sabihin ko sa kanila.

Binalikan ko ang mga kasama ko dito sa bahay.

"Ano.. Guys.." sabi ko habang nagtatalo talo sila sa kung ano ang kakainin. Tumingin naman sila. Nag aalangan akong sabihin. Hindi ako sigurado kung sasama sila Antonia, hindi naman kasi nila kilala si Clyde.

"Birthday kasi ngayon ng friend ko.. ano, baka gusto niyo, dun na lang tayo kumain?"

"Birthday nga pala ni Clyde ngayon!" ani Nicole ng maalala. Sinabi ko na kasi sa kanya iyon.

"Dun na lang tayo, kumain!" si Arielle.

"Wait. San tayo kakain?" nalilitong tanong ni Sara.

"Sa friend ko, sa kabilang baranggay. Birthday niya kasi ngayon. Ikaw kung gusto niyo kang naman sumama.."

"Well.. sa house lang gaganapin yung party?"

Umiling ako. "Walang party, simpleng kainan lang."

"Hmmm..." aniya at tumingin pa kay Arielle. "Is that safe? You know, the place and the food.."

Nakangiting lumapit si Arielle kay Sara. "Safe 'yon. Try mo, new experience 'to, for you."

Saglit na nag isip si Sara bago tumingin kay Antonia. Nang tumango si Antonia ay tsaka niya binalingan si Arielle. "Hmmm.. 'kay."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top