Page 52

Page 52

---


"Malinis na ang sugat mo." ani Ms. Carmela. "But still, need tignan 'yan from time to time. And linisin mo rin every 8 hrs. For two days." sabi pa niya at may inabot na ointment sa akin.

"Sige po." tango ko at nilagay na sa bag ko ang ointment.

"Pero kapag, humapdi or nagkaroon ng allergy yung leeg mo after lagyan ng ointment, stop mo na, and tawagan mo ako so we can do something about it."

"Thank you, Ms. Carmela." sabi ni Asher bago kami lumabas sa clinic.

"Ano'ng pakiramdam mo?" tanong ni Asher habang naglalakad na kami sa open ground. Saglit ko siyang nilingon bago nag salita. "Ayos naman na." simpleng sagot ko.


"Nasaan na daw sila Nicole?" tanong ko sa kanya dahil naalala ko nga pala na may duty kami ngayon sa coffee shop. At malapit na rin ang oras ng duty namin. "Nakausap mo na ba sila?"


"Oo. Nasa hospital daw sila ngayon,"

"Hospital? Bakit?"

"Pina-medico legal ni Kuya Reyven si Arielle."

"Hala?" seryosong nabigla  ako don. Medico legal? Seryoso ba? Simpleng away lang naman 'to. Meaning may balak si kuya Reyven na dalhin 'to sa korte?

"Yeah." tango at inayos pa ang douchbag niya. "Careful.." aniya ng alalayan niya ako para makababa ng hagdan.

"Si Nicole? Pumasok na ba siya sa shop?" tanong ko at nakita ko kung paano nanliit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Yung tingin na bakit ko pa tinanong ang tinanong ko.

"Seriously?" aniya. "In your state right now, duty pa rin ang iniiisip mo?"

Tumango ako. "Maliit lang na sugat 'to. Isa pa, ang dami na naming absent sa shop. Wala na kaming sasahurin nito." sabi ko pa. "Sige na, babay na.." sabi ko ng makarating kami sa exit ng school.

Iniisip ko kung tatawagan ko pa ba si Nicole o hindi na. Parehas kasi kami na marami ng absent sa shop. Ang panget na ng record namin parehas doon. Pero nag decide ako na huwag na lang siyang tawagan pa. Ako na lang muna, baka kasi napagod din iyon dahil nangyari sa amin kanina.

"Hey," aniya at hinawakan ako sa braso.

"Ano?" iritang tanong ko. Dahil anong oras na, mahuhuli na talaga ako nito sa duty ko.


"You need to rest. Hindi mo na kailangan pumasok ngayon, tatawagan ko na lang si Orlean-"

Mabilis ko siyang pinutol sa sasabihin niya. "Ayoko, Asher." desididong sabi ko. "Kaya sige na, uwi ka na don. Mauuna na ako-"

"Fine! Ihahatid na lang kita." aniya na parang labas sa loob. Napapailing pa siya. Hindi ko rin talaga maintinidihan ang trip ng isang 'to.


"At bakit mo ako ihahatid dun? umuwi ka na lang, wala ka namang gagawin doon!"

"Meron." mabilis na sagot niya. "Gusto ko mag kape."

Hindi makapaniwala ko siyang tinignan. Nakakaloka 'tong lalaki na 'to. "Bahala ka." sabi ko at akmang lalabas na sa gate ng mag salita siya ulit.

"Hintayin mo ako, kukunin ko lang ang bike ko." aniya. Tumango na lang ako at hindi na ng salita.

Napailing na lang ako ng mawala siya sa harap ko. Ang kulit ni Asher. Medyo matagal ko rin kasi siyang hindi gaanong nakausap dahil nag focus talaga sila sa training nila nung on-going pa yung season. Kapag nagkakausap kami nun ay sandali lang. Madalas niya lang akong kumustahin at ganon din ako, pero after nun tapos na. Babalik na ulit sila sa training. Sa classroom lang kami magdalas nag uusap nun, kapag natatapos ang isang class. Ngayon lang ata kami ulit nag usap ng ganito katagal. Ayos naman. Mabait naman siya, makulit man pero hindi mapilit.


"Behatti," tawag sa akin nang kung sino. Nilingon ko 'yon at nakitang si Antonia. Nakasakay na siya sa bigbike niya.

"Uy!" kaway ko sa kanya. Linapitan ko siya. Matamis naman siyang ngumiti sa akin. "Akala ko sumama ka kina Sara kanina."


Umiling siya at tinanggal ng helmet. "Hindi. Ikaw maayos ka na ba?" tanong niya at sinilip pa ang leeg ko. "Saan ka ba punpunta? ihatid na-"


"Behatti, wear this." ani Asher na bigla na lang sumulpot sa gilid ko. Nakapag bihis na pala siya. Naka white t-shirt na siya, pero jersey shorts pa rin ang suot. Inaabot na sa akin ang helmet. Wala naman akong nagawa kung hindi tanggapin ito ng inilagay niya iyon sa kamay ko. Napatingin ako sa bike na sinabi niya.

Nakakaloka. Yung bike pa kang sinasabi niya ay bigbike. Parang yung bike din ni Antonia.

"Saan ka ba pupunta, Hatti?" napalingon ako kay Antonia ng tanungin niya 'yon. Nakasimangot na siya. Nainis siguro dahil hindi ko siya nasagot ako. Ang moody talaga ng babaemg 'to.

"Ano... dun sa may shop, magdu-duty kasi ako-"


"I said wear this." ani Asher at siya na mismo ang nag suot ng helmet sa akin. "It's for your safety."


"Alam ko naman! Nag uusap pa kasi kami ni Antonia, sandali.." sagot ko kay Asher at inirapan 'to.

"Huwag ka na muna mag work today, Hatti. You should rest." ani Antonia at palihim pang sinulyapan si Asher. Para bang naghahanap ng kakampi.

Inirapan ko siya kahit naka helmet na ako. "Parehas kayong O.a ni Asher." sabi ko at tinignan silang dalawa. "Simpleng sugat lang 'to malayo sa bituka at isa pa, nagagalaw ko pa naman ang kamay ko. Nakakaloka kayo. Sige na.. Antonia, malilate na rin kasi ako.. Una na kami." sabi ko at kumaway muli.

Hinawakan ko ang nakaabang na kamay ni Asher para maitulak ang sarili ko pataas para makaupo sa motor niya para lang yata sa mga mahahaba ang biyas.

Muli kong tinignan si Antonia at nahuli ko siya ulit na nakatingin kay Asher at sa motor nito. May laman ang titig na 'yon. Hindi ko lang malaman kung ano. Lihim akong napangiti. Napansin ko kasi na mahilig si Antonia sa mga bigbike. Marahil ay nagagandahan siya sa bike ni Asher.


Muli kong kinawayan si Antonia bago ako mabilis na napakapit kay Asher.

"Uy, Asher! Magdahan-dahan ka nga!" hiyaw ko sa kanya. At mabilis na kumapit sa beywang niya.


"Kumapit ka kasi, hindi yung kung saan-saan ka nakatingin. Baka mamaya niyan mahulog ka pa." masungit na sabi niya.


"Kapag nahulog ako, kasalanan mo 'yon! Hindi ka kasi maingat." sagot ko. "Marunong ka ba talaga mag motor?"

"Ang daldal ni Behatti." aniya na nagpalaki sa mata ko. Natigil ako sa pagsasalita.


"I like the talkative Behatti, and the silent Behatti." dagdag pa niya. Kaya mas lalong hindi ako nakapag salita.

Hindi naman sinasadyang napatingin ako sa side mirror ng motor niya at nakita ko na nakatingin siya sa akin. "Eyes on the road, Asher."


"Oh, my bad. I thought it's eyes on the prize."

Sa mga pinagsasabi niya ngayong araw. Hindi ko na alam kung anong gagawin sa kanya. Hindi na kang ako sumagot at nag salita. At mabuti na ganon ang ginawa ko dahil maayos naman kaming nakarating sa shop. Yun nga lang, pagkababa ko ng motor ay nakita kong sarado na ang shop.

"Bakit sarado?" kunot noong tanong ko kay Asher.

Ginalaw niya ang balikat niya. "Pinasara ko."

"Ano?" lito ko pa rin na tanong.   "Bakit mo naman pinasara?"

"Para makapag pahinga ka."

"Ano?!"

"Out of town si Orlean, at walang tatao ngayon sa shop." sagot niya.

"Hah? Kailan pa? Eh kanina pag daan namin dito, bukas 'to."

"Ngayon lang." sagot niya na nag painit ng ulo ko.

"Ako ba niloloko mo Asher?"


Tamad siyang umiling. "Hindi." aniya. "Kung gusto mo, tawagan mo si Orlean ngayon, pwede naman-kung hindi siya busy."

"Anyway, let's go, ihahatid na kita sa bahay mo." aniya at muling sumakay sa motor.

Hindi ako gumalaw sa pwesto ko at tinitigan lang siya. Hindi talaga ako naniniwala sa sinasabi ng isang 'to. Kanina bago kami pumasok, bukas 'to. Nakita ko pa nga na kinakausap ni Sir Orlean si Jason sa may pinto. Tapos ngayon sarado na. At ang bilis naman yatang mag out-of town ni Sir Orlean. Eh hindi naman iyon nasabi sa meeting namin last monday. Simabihan pa nga kami.na amg ready dahil expected na marami ang tao ngayon dahil long weekend. Tapos ngayon sarado?


"Behatti, let's go..you need to rest now." tawag pa niya.

Inirapan ko siya. At hindi pa rin lumapit. Kaya siya na ang nag adjust. Pinaandar niya ang motor niya at nilapit sa akin. "Let's go home now.."

Tinaas ko ang kilay ko. "Wala ka ba talagang kinalaman sa pagsasara ng shop ngayon? Yung totoo, Asher."

Seryoso soyang tumingin sa akin. "Yung totoo?" aniya. "Pinasara ko ang shop ngayon para hindi ka na mag duty. Pinasara ko para makapag pahinga ka." nabigla ako sa sinabi niya. Ang akala ko hindi niya ako sasagutin. Pero..

Nanghihina kong tinignan ang saaradong shop at muli siyang tinignan. "Pero diba sabi ko, ayos lang ako. Kaya ko mag work-"

"Ako hindi ko kayang makita ka na nagtatrabaho habang may benda ka diyan sa leeg mo." sagot niya na kumuha ng mga salita sa bibig ko kaya wala na akong nasabi. "Just for today rest, Behatti."




Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango. Muli niya akong inalalayan makasakay sa motor niya. Tahimik ang naging biyahe ngayon. Hindi na ako nag salita, maging siya ay ganon din. Hidni tulad kanina na ang ingay naming dalawa.


"Are you hungry?" tanong niya ng huminto kami dahil sa traffic lights.


"Medyo." sabi ko. Dahil naalala ko nga pala kanina, hindi ko masyadong nakain yung binili namin na food sa cafiteria dahil sa nangyari.

"Alright. Bili na lang muna tayo ng pagkain mo-"


"Pwedeng huwag na? Mayroon sa kanto namin nag titinda ng fried chicken, dun na lang ako bibili." sabi ko dahil sa totoo lang, bigla akomg nakaramdam ng antok. Hindi ko alam kung bakit, epekto yata ito nung pinainom sa akin na gamot ni Ms. Carmela kanina. At pasalamat na nga ako dahil hindi na nakipag talo pa si Asher sa akin.

Kaya ng makarating kami sa amin ay agad akong bumili ng tatlong pirasong manok kay kuya toyo. Tag fifteen pesos lang naman iyon. May natira pa naman kaming kanin nila Nicole kaninang umaga.


"Malinis ba 'yan?" tanong ni Asher ng makasakay muli ako sa motor niya at papasok na kami sa eskinita namin.

"Oo naman. Bata pa lang ako, kumakain na ako nito." sabi ko. "Mamaya kung gusto mo, tikman mo din."

"Okay." aniya.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay may nakita akong Van doon. Van na hindi ko alam kung kanino.. Wala naman akong kilalang may van bukod kay Ate. Pero... iba naman ang kulay nito. Kulay itim ito, kay ate ko puti.

"Kanino 'yan?" tanong ko at bumaba na sa motor. Hinubad ko na rin ang helmet.

"Van ng C.U." sagot ni Asher.

"Celestial University? Bakit nandiyaan?" tanong ko at binuksan na ang gate. Papasok na sana si Asher ng lapitan ako ni Aling baby. Naka duster ng kualy dilaw, floral. At sa paraan ng tingin niya ay para bang may malaki akong utang sa kanya.

"Behatti, anong nangyari diyan sa leeg mo?" sinilip pa niya iyon na para bang may ginawa akong hindi maganda.



"Kung sino sino ang dinadala mo diyan sa bahay ninyo. Nag aaral ka ba talaga?" aniya na nanghuhusgang boses. Nilingon pa nga niya si Asher na nakikinig lang din sa sinasabi niya. "Alam ba ng mama mo 'yang mga pinag gagagawa mo?"


Alam mo yung feeling na pagod ka at inaantok tapos sasalubungin ka pa ng bad vibes at chismosang kapit bahay. At sa pamamaraan ng pag sasalita niya, alam kong hindi siya concern sa akin. Gusto lang talaga niyang dumaldal.






Direstso ko siyang tinignan. Dahil sa totoo lang, sawamg sawa na ako sa kapitbahay kong 'to. "Aling baby.." sabi ko at nginitian pa rin siya. "..kapag po walang ambag sa buhay ko, wala pong karapatang mangielam."



"Bastos ka talagang bata ka!" galit na sabi niya. "Concern lang ako sayo, dahil ibinilin ka sa akin ng mama mo!  Hindi ka makakapag tapos ng pag aaral mo, Behatti! Kung puros lalaki ang aatupagin mo-" aniya at saglit na huminto para tignan si Asher. "-mabubuntis ka kaagad at hindi makakapag tapos ng pag aaral."

"Aling baby, para sabihin ko sayo, ikaw ang kahuli-hulihan na pagbibilinan ni mama tungkol sa akin." sabi ko at halatang naasar siya dahil doon. "Hindi ka ho writer kaya huwag kang gumawa ng kwento."


"Tara na, Asher." sabi ko pa. Pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil baka kung ano pa ang masabi ko kay Aling baby.


Matagal tagal na rin akong nagtitimpi kay Aling baby. Nagsimula iyon nung ipagkalat niya na hostess si Ate sa canada na hindi naman totoo. Simula noon ay mainit na talaga ang dugo ko kay Aling baby. At hindi na yata magbabago yun. Lalo pa sa mga narinig ko ngayon.


"You okay?" tanong ni Asher ng maiayos na niya yung motor niya.

Tumango ako. "Sorry, pati tuloy ikaw nadamay pa sa chismis." sabi ko. Nilingon ko ulit si Aling baby. May kausap na siyang ali ngayon, si Aling hazel. Na hindi naman nakikinig sa mga sinasabi niya. Kilala ko 'yan si Aling hazel. Kaibigan yan ni Ate at ni mama. At kung maniwala man siya kay Aling baby, bahala na siya.

"Im fine." ani Asher



"Bakla!" si Nicole na kalalabas lang sa bahay. Naka uniform pa rin siya. "Hi, Asher!"

"Hi," balik naman na bati ni Asher.


"Te, sino na naman ang pinapasok mo sa bahay?" agad na tanong ko sa kanya.

"Pasenysa na 'te. Sila kuya Reyven ang nasa loob. Gusto ka kasi nilang makausap tungkol sa nangyari." ani Nicole na parang kinakabahan. "Gusto kasi nilang mag sampa ng kaso kila Janina. Napapaisip nga ako e.. Ikaw tingin mo?"

Hindi muna kami pumasok sa loob. Sinilip ko ang loob ng bahay. Palagay ko lahat yata ng tao sa school ay nasa bahy. Ang daming tao na nakaupo doon. "Simpleng away lang naman yun."

"Yun nga din, sinasabi ko 'te pati nila Arielle. Pero si Kuya Reyven galit, kinakabahan ako 'te."

Umiling ako. "Hindi 'yan.. tara, kausapin na lang natin si Kuya.."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top