Page 45
Page 45
-
6 pm nang payagan kami ni Sir Orlean para mag early out. Dapat kasi ang out namin ay mamaya pang 7 pm. Pero dahil yata sa party mamaya ay pinayagan na kami makauwi.
Tulad ng plano ay sinundo kami ni Antonia, naka kotse na siya ngayon at siya din ang nag -drive. Hindi na kami dumaan sa bahay, diretso na sa Martillano Building. Dala dala na rin namin ni Nicole ang uniform namin, dahil don na kami pinapatulog ni Arielle.
Kasama ni Antonia si Sara sa kotse. Nakaupo ito sa katabi ni Antonia kaya sa likod kami sumakay ni Nicole.
"Okay na kayo diyan sa likod?" tanong ni Antonia sa amin ng makasakay na kami ng maayos.
"Oo keribel!s!" sagot ni Nicole.
"Gosh, so jologs." narinig kong side comments ni Sara sa harap, ginalaw pa niya ang sombrero niya na kulay pink na hindi ko alam ang tawag, basta may feather iyon sa gilid. Tulad ng mga sombrero na sinusuot ng mga royals sa england. Grabeng irap ang ginawa ni Sara. Nilingon ko si Nicole, alam ko kasi na narinig niya rin iyon.
"Sara," tawag ni Antonia sa kaibigan niya.
"What?" irap ni Sara.
"Gosh.. so arte?" gulat akong nilingon si Nicole ng gayahin niya kung paano ang tono ni Sara kanina.
At para bang nakuha agad ni Sara iyon kaya kahit nasa harap siya ay pinihit niya talaga ang sarili niya para malingon lang kami ni Nicole.
"Are you mocking me?"
"Are you mocking me?" gaya ni Nicole sa sinabi ni Sara. Napapikit na lang ako. Hindi ko alam kumg magpapa pigil itong si Nicole.
"Tony, did you heard that? your so called new friend is mocking me!"
"Because you mocked them first. Sinabihan mo sila ng jologs,"
"Because they really are!"
"Sara, enough." saway ni Antonia.
"Dapat talaga hindi na ako sumabay sayo-"
"At kanina ka sasabay? Kila Janina? My gosh," nag uusap pa silang dalawa ni Sara pero ako ay kinalabit ko na si Nicole.
"Huwag mo na lang pansinin," mahinang sabi ko sa kanya.
"Ang arte kasi," ani ni Nicole. "Ayos na sana na maarte siya, okay lang yun, kaya lang idadagdag pa niya yung masamang ugali niya."
"Intindihin na lang natin, iniwan kasi ng mga kaibigan niya."
"Nako baka deserved." irap niya.
Inilingan ko si Nicole. Hindi sang-ayon sa sinabi niya. "Hindi mo ba narinig yung napag usapan nila kanina? Ginagamit lang daw nila Janina si Sara."
"Ay nako, huwag na nga natin pag-usapan 'yon, mukha tayong backstabber dito, nasa harapan lang natin siya tapos pinag uusapan pa natin siya."
Tumango ako at hindi na lang nag salita pa. Tama naman si Nicole. Hanggang ngayon ay nag uusap pa rin silang mag kaibigan. Ilang sandali pa nga ay nakarating na kami sa Martillano Building. Pagbaba oa akng namin ay sinalubong agad kami ng mga lalaking nakaitim. Kinuha kay Antonia ang susi ng kotse niya at may isa pa ulit na lalaki na ang assist sa amin.
Ngayon na nakababa na kami ng sasakyan ay mas lalo kong nakita kung ano ang suot ni Sara. Para siyang isang mamahalin na tao. Isang cardigan na kulay itim at katerno nito ay isa rin na kulay black na skirt. At ang suot naman niya sa paa ay isang black shoes at may medyas sa loob. Nakita kong suot iyon ng isang model sa isang magazine. Maginga ng bag niyang maliit na kulay pink ay nakikita ko na lang aa magazine.
Habang si Antonia naman ay naka black leather jeans, siya at naka sando top na kulay pula. May design lang ito na word na 'crush' sa gitna, may suot din itong relos na itim at malaking bilog na hikaw, at naka boots din siya, ulit.
Kami naman ni Nicole ay naka polo shirt na puti at ang slacks na itim. Uniform namin sa trabaho.
Naunang nag lakad sila Antonia sa amin, kinalabit naman ako ni Nicole.
"Bigla akong nahiya sa suot natin, 'te." aniya at nilingon pa ang isang kotse na kadadating lang.
Bumaba doon ang isang babae na sobrang elegante. Isang puting flowy dress lang ang suot niya na lagpas sa sahig.
"Tignan mo oh, mukhang anghel ang isang 'yan." turo ni Nicole sa tinitignan ko ng babae.
"Oo nakita ko,"
"Bigla tuloy akong nagsisi, dapat pala nagbihis tayo, kahit pa uniform ng celestial ang sinuot natin ay okay lang, kaysa naman sa ganitong polo shirt at slacks."
"Hayaan mo na," sabi ko at hinila na siya doon. Pag harap ko nga ay hindi na namin nakita sila Antonia.
"Nauna na?" si Nicole ng tanungin ko kung napansin ba yung dalawa.
"Ewan, tawagan mo na lang muna si Arielle,"
"Bakit ako?" reklamo ni Nicole.
"Wala nga kasi akong load!"
"Tss. Poor." irap niya sa akin. Hindi ko na pinansin ang pang aasar niya. At hinawakan na lang ng mabuti ang aking bag nasa nasa aking balikat.
6:42 pm at okay pa naman 'yon, 6:00 ang start ng party pero nandito pa rin kami ni Nicole sa labas. Nakailang kita na rin ako ng mga kakilala namin na taga Celestial, dumating at sigurado akong sa victory party ang punta nila.
"Halika," hila sa akin ni Nicole pagkababa niya ng cellphone niya. Hindi ko siya narinig mag salita.
"Nakausap mo ba?" tanong ko.
Umiling siya at dumiretso doon sa isang security na nakatayo sa may gilid ng pasukan.
"Goodevening po sir," bati ni Nicole doon kay sir.
"Yes, maam, good evening. Do you need anything?"
Ngumiti si Nicole. "Yes sir. Kasi po, invited po kami sa victory party ng Celestial, yung school po- pwede po ba kaming pumasok?"
Salitan kaming binigyan ng tingin ng bantay. Para bang tinitimbang niya kunv totoo ang sinasabi ni Nicole. "Pwede ko po bang makita ang identification card ninyo, maam?"
"Opo sir," Mabilis na tumango si Nicole bago nilabas ang id namin aa celestial.
"Hindi po 'yan maam, yung identification card po ninyo. Yung para po dito sa Matillano building, Your gold card is what i need, maam."
"Ah..wala po k-aming ganoon sir," sagot ko dahil hindi na sumagot si Nicole.
"Pasensya na maam, pero kasi pag wala po kayong gold card, hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob." sabi ng guard.
Wala naman kaming nagawa kung hindi ang mag pasalamat sa kanya at bumalik sa pweato namin kanina sa may gilid. Dahil wala naman kaming magagawa e, hindi naman kaai basta-basta ang building na ito kaya naiintindihan namin na hindi kami pwedeng pumasok na lang basta. Iniisip ko tuloy na umuwi na lang. Ano'ng oras na rin kasi, tapos medyo nararamdaman ko na ang lagod ko. Pangangalay rin dahil kanina pa kami nakatayo ni Nicole.
"Uwi na lang tayo?" sabi ko kay Nicole. Ang akala ko nga ay hindi siya papayag pero, tumango siya.
"Sige. Wala naman tayong mahihita dito, sumasakit na rin yung likod ko."
"Tara," palakad na sana kami para makatawid sa kabilang side ng biglang may sumulpit na sasakyan kaya agad kaming napatili ni Nicole. Mabuti na lamang at agad kaming huminto sa paglalakad.
"Putangina, buhay pa ba tayo?" nanginginig na tanong ni Nicole sa akin.
"Behatti? Nicole?" nilingon namin iyon.
Si Kuya Reyven!
"What are you doing here?"
"Kuya naman! Akala ko mamatay na ako!" di pa rin maka get over na sabi ni Nicole.
"Im sorry about that." ani Kiya Reyven. "Pero bakit nandito kaya sa labas?"
"E, nakalimutan ata kami ni Antonia e. Hindi naman kami makapasok dahil wala kami nung golden card daw,"
"Oh that." ani Kuya at sinabihian kaming aumunod sa kanya. Kami naman ni Nicole ay sumunod kay Kuya.
"Goodevening Sir Reyven," bati noong guard kanina.
"Goodevening too, Hector. Pwede mo bang tawagan ang head ng security? Pakisabi pakibaba na dito yung dalawang card na pina gawa ko."
"Yes, sir." ani nung guard at nag simula ng tumawag doon sa dala niyang telepono na amy antenna.
"Let's go, girls." si Reyven at pinapasok kami sa loob. Nilingon ko pa nga yung guard kung pipigilan ba kami o ano, pero busy naman siya sa pag sasalita kaya siguro okay na. Isa pa, kasama naman namin yung may ari ng building na ito.
"Pwede kami dito kuya?" tanong ni Nicole ng makaupo kami doon sa kulay itim na coach na sobrang comfortable upuan.
"Syempre naman. Kaysa sa labas kayo mag hintay. Hindi niyo ba tinawagan si Arielle?"
"Tinawagan kuya. Kaya lang hindi sumasagot. Panigurado nakatulog 'yon."
"I think so. Antukin ang kapatid ko na 'yon. Actually, we can just go to Arielle's unit, but i want to give you the id 's already so that you can go here anytime you want."
Ako naman ay hindi mapigilan ang mapahanga sa paligid. Sobrang ganda. At kahit saan ako lumingon.. purong ginto ang nakikita ko sa paligid.
"Kuya.. ginto ba itong nakikita sa paligid?" di ko natiis tanungin kay kuya. May ginagawa pa nga siya sa cellphone niya pero tinigil iyon ni kuya at kaunti akong tinawanan.
"Well, yes, to answer your question. It's all pure gold." sagot ni Kuya.
"San niyo nakuha yung ginto Kuya? Ang dami!" di mapigilang sabi ko.
"It's from our ancestors."
Napapalakpak si Nicole. "Ganon? Grabe no? kahit yata di na kayo mag trabaho habang buhay, may mamanahin pa rin ang mga magiging apo mo!"
"I think so." ani Kuya
"Sir Reyven," napatingin kami sabagong dating na lalaki.
Ang pogi. Naka suot kang siya ng t-shirt na black at rugged pants, pero ang pogi. Moreno!
Tumayo si Kuya at hianrap ang bagong dating. "Reagan,"
May inabot na dalawang box na itim ang lalaki kay Kuya Reyven. Tinanggap naman ito ni Kuya.
"Bakit ikaw pa ang nag dala? naistorbo ka pa yata-"
"Ayos lang. Pababa na rin naman ako kaya sinabay ko na."
"Pauwi ka na?" tanong ni Kuya. "Anyway, this is Nicole and Behatti. Mga kaibigan ni Arielle."
"Nice to meet you," anito at kinamayan kami. Pagkatapos non ay nag paalam na rin ito. Binigay na sa amin ang card na sinasabi, at pinaliwanag lang ni kuya kung paano ito gamitin, tapos nun ay umalis na rin siya dahil may meeting pa daw siya. Kaya kami na lang ni Nicole ang nakaupo sa sofa.
Reyes, Behhati O.
VVIP-O1
Domingo, Nicole S.
VVIP -01
Ganon ang nakasulat sa bawat na binigay sa amin ni Kuya Reyven. Kaparehas ng kay Antonia.
"Mga bakla!" tawag ng kung sino sa amin. Napairap ako ng makita si Arielle.
"Bumaba ka pa!" salubong sa kanya ni Nicole.
Umirap si Arielle bago naupo sa sofa. Mukhang kagigising niya kang talaga. Naka pajama pa siya na kulay dilaw at may banana na design.
"Uy, nakuha niyo na?" tanong niya ng mapansin ang hawak ko.
"Oo. Binigay ni Kuya Reyven." sagot ko.
"Nandito si Kuya?"
"Oo, pero umalis na rin."
"Hoy," si Nicole at tinapik pa sa baliktat si Arielle. "Bakit ganyan suot mo? halatang wala ka talagang balak mag attend doon sa victory party."
"Sinabi ko na nga diba? Wala talaga. Huwag na kasi tayo mag punta, mag movie marathon na lang tayo?"
"Pero inaasahan na tayo doon nila Scott , diba?" sabi ko at tumayo na. Hinila ko naman si Arielle patayo.
"Oo nga te. Huwag mo naman masyadong ipahalata na patay na patay ka sa lalaking may girlfriend na." nangingising sabi ni Nicole. Ang isang 'to talaga, nakuha pang mang asar.
Matalim siyang binalingan ni Arielle.
"Halika na kasi." agaw ko aa atensyon ni Arielle. "Harapin mo na lang siya, ganon din naman." sabi ko. "Tsaka dapat mag paganda ka lalo, para mas mabilis mong makalimutan yung pag-crush mo kay Lucky! Tsaka isa pa, kalma ka lang pag nandiyan siya, huwag mo ng ipahalata sa kanya na broken hearted ka beacuse of him."
"True! Kailangan mo siyang harapin bakla! Masyado pa tayong bata para problemahin ang mga taong hindi tayo gusto. Ang daming isda sa dagat! Lumingon ka lang at may makikita ka. Hindi lang si Lucky ang may nakakamatay na dimples sa mundo!"
Hindi ko mapigilan matawa doon sa sinabi ni Nicole. Maging si Arielle ay natawa rin.
"Tara na?" ngiti ko kay Arielle. Ilang sandali pa siyang nag isip pero, nag paubaya din naman.
"Yun! huwag kang mag alala, te, kaming bahala sayo, 'di ka namin pababayaan." sabi ko bago kami kinaladkad ni Nicole.
"Grabe? May sariling landing yung elevator niyo?" namamangha na sabi ni Nicole ng makapasok na kami sa suite ni Arielle. "Ay putang ina, totoong gold ba 'yan?" turo niya doon sa bumungad sa aming orasan. Malaking bilog 'yon. At kulay itim ang mga kamay at numero pero ang kabuuang kulay nito ay ginto.
"Ang ingay mo naman, Nicole?!" hiyaw ni Arielle at pasalampak na naupo sa malawak na sofa.
"Hoy, manahimik ka diyan ah! Huwag mo akong dinadamay sa kabadtripan mo ngayon, baka kutusan kita!" rinig kong sabi ni Nicole sa kaibigan namin.
Pero ako, inabala ko ang paningin ko sa paligid. Grabe, ang lawak! Feeling ko nga, x7 ang laki nito kaysa sa bahay namin. Tapos, may second floor pa?
"Ang ingay mo kasi!"
"Hoy! Lagpas na dekada na tayong mag kaibigan at lagpas dekada na rin akong maingay, ngayon ka pa magrereklamo?"
Nilapitan ko ang painting sa may gilid ko. Ang mahabang wooden table na naroon ay napapatungan ng iba't-ibang klaseng halaman, may kulay kupas na rosas na naandon, at ang kulay green nakalagay sa maliit na paso, at para bang bituin at ulap na ang ganda ng pagkakasama. At ang mga nakasabit na painting doon, ewan ko, pakiramdam ko para akong nasa loob ng lumang libro, at tumitingin sa mga pininta ng lumang tao. Dahil kahit mukhang luma, nakakakilabot naman ang kagandahan nito.
At ang pinaka mas nakaagaw ng pansin ko ay ang pinta ng white and black na usok.. Hindi ko maintintindihan ngunit.. Ang ganda ng pagkakapinta nun.. Kahit walang gaanong kulay ay nahahatak nito ang pansin ko. Hindi ko alam kung gaano katagal ko na itong tinititigan ngunit agad na nanlaki ang mata ko ng may makitang mukha ng lalaki doon na nabuo dahil sa pagtitig ko.
"Hala..shit!" napaatras sa gulat!
"Oh, tignan mo ang isang 'yan, siya na lang mag isa diyan nagugulat pa." nilingon ko ang dalawa kong kaibigan.
"Eh, kasi tinititigan mo 'yang painting na 'yan.. 127 years old na 'yan!" ani Arielle at tumayo na. "Halika na mag bihis na tayo!"
"Wait," pigil ko sa kanya. "127 years na 'yong painting?"
Tamad na tumango si Arielle. Lumapit si Nicole sa kanya at nakinig. "Oo. Iniregalo daw 'yan ng kaibigan ng lolo ng lolo ng lola ko."
"Ay, ang dami namang generation? Nakakaloka!" komento sa gilid ni Nicole. "Yun ba yung sinabi kanina ni Kuya Reyven na may ari nung mga ginto?"
"Ewan ko, ang sakit kasi sa ulo kapag sinasabi sa akin ni Kuya ang tungkol sa mga ninuno namin, nahihilo ako. Basta, yun lang ang naaalala ko."
Muli kong tinignan ang painting. May nakita akong nakasulat doon sa ibaba.
"R.A 1896" ang nakalagay sa ibabang gilid ng obra.
"Grabe yung 1896?" komento ulit ni Nicole. "Ilang years na yun pag ganon?"
"Wait alam ko nasa likod yung name mg nag paint e," si Arielle at lumapit na sa painting, umamba siyang kukunin ang painting ngunit, may narinig kaming nag doorbell. Sabay sabay kaming tatlo na napatingin sa pinto.
Ilang segundo lang ay bumukas na ito at inuluwa si Kuya Reyven.
Kumunot ang mukha niya ng makita ang ayos namin. May kasama rin siyang batang babae na nakasuot ng dress na red. "Girl's? why are you still here?"
"Kuya.." lumapit si Arielle at humalik sa pisnge ng kapatid. "Magbibihis pa muna kami bago pumunta doon,"
Tumango si Kuya Reyven at binitiwan ang kamay ng bata ng kumawala ito. Napangiti ako at pinanood itong nag punta ito sa sofa at nahiga ng nakataas ang paa. Ang cute!
"Alright. Do you need anything?"
"Wala na. Magbibihis na kami ngayon kuya, " tapos nun ay inaya na kami ni Arielle pumasok sa isang kwarto na kulay puti ang paligid. At nahahaluan lang ng green color. Ito yata ang kwarto ni Arielle. Paborito kasi ni Arielle ang green maliban sa yellow at pink. Ang king size bed niya ay may mga kulambo pa na katulad ng nakikita sa mga royal movie. Pagkapasok nga namin sa loob ay pumasok kami ulit sa isa pang pinto.
"Wow? may mini mall ka dito?" di napigilang sabi ko.
Ang daming damit na naka sampay! Tapos sa isang mahabang kahoy ay nakalagay ang mga paper bag ng mga mamahaling brand na nakahilera lang.
"Oo!" masayang sabi ni Arielle. At hinila pa kami ni Nicole para mas malapit doon sa mga damit. "Matagal ko ng gustong buksan ang mga iyan kaso kinakabahan ako. Pero ngayon na nandito na kayong dalawa pwede na natin buksan lahat!"
"Bakit ka naman kinakabahan?" tanong ni Nicole at naupo sa kulay pulang upuan na naandon. May gold din ang gilid nun.
"Diba, alam niyo naman, hindi ako sanay sa ganitong buhay. To be honest, until now, di ko pa rin alam ang mararamdaman ko sa mga nangyayari. Pakiramdam ko nga nana-naginip pa rin ako."
"Laking pasasalamat ko nga sa inyo dahil kaibigan ko kayo, alam niyo yun.. dahil sa inyo hindi ako nalulunod sa mga pangyayari sa buhay ko. Kayong dalawa talaga ang salbabida ko sa buhay." dagdag niya at yumakap sa akin aa gilid. Hinaplos ko namn ang kamay niyang nasa kamay ko din.
Tumayo naman si Nicole at sumali. "Jusko, pasali naman."
"I love you guys," ani Arielle.
"I love you too." ani Nicole. "Pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang victory party, hala sige! mag bihis na tayo!"
Napapadyak si Arielle. "Nicole kasi! pwede namang dito na lang tayo, movie marathon, marami namang magandang movies ngayon! 'di ba Behatti?"
Umiling ako. "Palusot mo!" dinukdok ko ang noo niya. "Pumunta na tayo."
"Behatti!"
"Sige na. Saglit lang tayo doon, magpapakita kang tapos babalik na tayo dito." sabi ko at nilingon si Nicole. Tumango naman si Nicole at hinila ang dulong buhok ni Arielle.
"Kanina ko pa sinasabi sayo, saglit lang tayo dun! Nakakahiya pag hindi tayo nag punta. Friends rin naman natin sila!"
"Gusto mo lang makita si Massi!" balik na sabi ni Arielle. Nambibintang.
"Syempre isa na rin na rason yun!" irap ni Nicole.
Ako naman ay pinapanood kang sila.
"At isa pa, sabi ko sayo diba? Hindi ka namin pababayaan doon! babatiin lang natin ng congratulations, tapos gora na tayo ulit dito! punta lang tayo doon bilang kaibigan. Yun lang." tumigil si Nicole at nilingon ang isang black sphagetti dress na may print na rosas sa may dulo nito. Ang ganda nun. Lalo na yung grey na color ng rose petals sa dulo. "Oh, ito ang suotin mo, bagay sayo! Hala, bihis!"
Nakangusong tinanggap iyon ni Arielle at ng tungo sa isang pintuan na naroon. Ako naman ay nakita ang isang light shade of blue na dress sa likod ni Nicole. "Ito maganda din oh,"
Hampas sa braso agad ang natanggap ko ng. "Aray ko bwisit ka!" sabi ko bago gumanti ng hampas.
"Mas bwisit ka! Ano na naman 'yang trip mo? Ang panget niyan!"
"Mas panget ka!"
"Ikaw yun! Mag black tayong tatlo, Behatti!"
"Ikaw, kukutusan kita. Pakielamera ka, mag black ka kung gusto mo. Ito gusto ko, pa-sweet girl lang. Tapos, yung make up mo sa akin yung light lang," sabi ko sa ipinatong sa damit ko ang light blue ma dress bago humarap sa malaking salamin na naroon gilid.
"Bahal ka sa buhay mo, basta kami ni Arielle, mag black ka-"
"Ayoko nito, Nicole. Masyadong pa-sexy." ani Arielle na kalalabas lang ng pinto. Fitting room ata iyong nilabasan niya. "Uy, ang ganda niyan!" aniya ng napatingin sa hawak ko.
"Pwede ko ba suotin 'to?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Ano ka ba? Oo naman! sabi ko nga diba, napakarami nito, hindi ko naman masusuot lahat 'yan. Pero wait, san mo banda nakuha 'yan?"
"Dun oh!" pinuntahan ko yung pinuwestuhan namin kanina. At nakitang ang daming colorful dress doon. Nakita ko ng kinuha ni Arielle ang kulay yellow dress. Lahat ng naandon ay colorful na light, ang kulay.
"Ito na lang akin!" aniya at tulad ng ginawa ko ay ipinatong niya iyon sa damit niya na para bang sinusukat 'yon
"Putik na 'yan?! Ano tayo, power rangers?" komento ulit ni Nicole sa gilid. Natawa ako, inis na inis na siya sa pinipili namin ni Arielle.
"Power puff girls, bobo ka." irap ni Arielle at tsaka siya inabutan ng kulay pink na dress.
"Ayoko niyan!" aniya. At lumapit sa hangeran at tsaka namili. Ilang saglit nga lang ay nakuha na niya yung kulay pula na dress. Parehas sa amin, sphagetti dress.
"Diba ang ganda?" sabi ko ng matapos na kaming mag ayos tatlo.
"Dapat kasi nag black tayo e, you know para sa puso ni Arielle." di pa rin matigil na sabi ni Nicole.
"Hayaan mo na nga, Nicole!" si Arielle.
"Tsaka kapag black, diba it represent pain? Parang ang lungkot kapag black ang color natin. Para bang walang buhay. Tsaka para bang nasaktan talaga si Arielle sa nangyari."
"Black dress is made for revenge." si Nicole pa rin.
Ngumiti ako sa kaibigan ko. "Hindi naman tayo pupunta doon para mag revenge! Ano? Sino gagantihan natin? Yung taong walang kamalay-sa nangyayari kay Arielle? At isa pa, Kaya mas okay na itong ganito na colorful tayo, ibig sabihin, ayos lang si Arielle. Na okay lang siya at she's still doing well in life. Diba?"
Mukhang nagulat siya sa tanong ko kaya medyo na-late siya ng pag sagot.
"Oo.. ayos lang. Kaya mas okay na 'to.." ani Arielle. "Tara na? Baka kasi wala na tayong abutan sa party. Isang oras na tayong late!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top