Page 44
Page 44
--
7:30 am nang umalis kaming tatlo sa bahay. Maayos na. Ai Arielle ay sa bahay na rin naligo at nagbihis. Nagpadala na lang siya ng uniform sa driver nila at doon na rin kami sumakay papuntang school. Mabilis pa nga kaming dumaan sa botika dahil masakit daw ang ulo ni Arielle.
Ako din medyo masakit ang ulo ko kaya uminom din ako ng isang paracetamol. Mabuti nga at nabawasan rin iyon. Kanina kasi bago ako maligo ay masakit talaga ang ulo ko, lalo pa at bigla akong nagising kanina dahil sa tawag ni Clyde sa akin. Si Nicole na nga ang nagluto ng almusal namin at ako naman ang nag saing, masakit kasi talaga ang ulo ni Arielle. Hindi na rin siguro sanay, matagal din siyang napahinga sa inuman mula noong napunta siya kina kuya Reyven.
Medyo maaga pa naman kaya dumiretso na lang kami sa room, at doon na lang balak mag hintay ng oras. Agad na tumungo ako sa lamesa at si Arielle ganon din. Kulang pa talaga ang tulog ko. Pasalamat na nga lang ako at hindi na rin masakit ag ulo ko, inaantok na lang.
"Ano'ng ginagawa nila?" narinig ko na tanong nung bagong dating. Hindi na nga ako nag angat ng tingin, dahil aa sapatos pa lang, ay alam ng si Antonia 'yon.
Naka- boots kasi ito. Palagay ko nga siya lang ang nag iisang naka boots dito sa Celestial. Tapos si Sara lang ang nag iisang naka stilleto na kulay pink. May mga naka stilketo naman kasi dito sa Celestial, pero mag itim. Si Sara lang ang naka kulay pink na stilleto.
"Mga mahihinang nilalang." rinig kong sagot ni Nicole natawa pa nga siya pagtapos sabihin iyon.
"Okay." rinig kong sagot ni Antonia, "Anyway, may question nga pala ako,"
"Ano 'yon?"
"Kanina kasi may nakita akong guy sa may gate ni Behatti, i think, Clyde yung name niya- who is he?"
Umirap muna ako bago nag angat ng ulo. Naloloka talaga ako kay Antonia. Hindi talaga siya nag bibiro nang sabihin niyang magtatanong siya kay Nicole.
"Clyde?" ulit ni Nicole bago ako nilingon. "Nagpunta si Clyde kanina sa bahay?"
Tumango ako. "Oo, dinaan niya yung box kanina." tinignan ko si Antonia. "Ayaw lang kasi maniwala na hindi ko naman boyfriend si Clyde."
"Uy. Speaking! Oo nga no," napapalakpak pa si Nicole. "Matagal ko ng napapansin, panay kang binibigyan ni Clyde ng chocolates. Tapos, sabi mo pa kanina, inimbita tayo sa birthday niya sa sabado, sabihin mo nga nanliligaw ba 'yon sayo?"
Hindi ko mapigilan irapan din si Nicole. "Ano ba naman 'yan? Ang kukulit ninyo. Hindi nga naliligaw yung tao, hayaan niyo, kapag nag sabi sa akin, sasabihin ko kaagad sa inyo."
"Sige." sagot ni Nicole. "Pero naalala mo dati, nag sabi iyon sayo na may gusto crush siya sayo?"
"Really?" si Antonia na parang mas lalong na-curious dahil sa sinabi ni Nicole. Hinila pa nga nito ang isang upuan at naupo paharap sa amin.
"Oo nung hogh school kami. Senior si Clyde nun tapos kami sophomore. Kaso lang hindi pinansin ni Behatti dahil hindi naman daw mayaman sila Clyde,"
"Mayaman?" si Antonia.
Tumango ako. "Oo sa naging hirao kasi ng buhay namin ni Mama dati, alam mo 'yon, gusto ko na alng makapag asawa ng mayaman para tapos na agad yung problema."
"Until now ba, ganon pa rin?"
Mabilis akong umiling sa tanong ni Antonia. "Hindi na. Na-realize ko kasi na.. mas okay pala kapag may sarili akong pera na pinaghirapan ko. Natuto ako kay Ate. Si Ate ko kasi, wala naman siyang permanenteng trabaho, panay lang ang raket raket niya. At yung foreigner lang na asawa niya ang may trabaho, kaya nakikita ko kung paano naghihirap at nagtitiis si ate dahil wala siyang sariling income at umaasa lang kay Kuya Ricky. At kapag nag asawa ako, ayoko ng ganon."
"Oo, gwapo na lang hanap niya." biro pa ni Nicole. "Basta ako, okay na ako kay, Massi."
"Right. Si Massi, na lang ang mag iisip kung okay ka ba talaga sa kanya o ano." ganti ko din. Mabilis naman niya akong tinignan ng masama kaya tinawanan ko lang.
"Ikaw ba Antonia, may lovelife ka ba?" tanong ni Nicole.
"Wala." mabilis na sagot ni Antonia na ikinatawa ko. Bigla kong naalala yung sinabi niya sa akin dati.
"Wala ba? Akala ko may thing kayo nung anak ng may-ari nung Phoenix University?"
"Oh my gosh? May unresolved issue pala si Antonia?" maarteng sabi ni Nicole.
"Ano ba wala. Well, niligawan niya ako-"
Napatili ako. "Oh my gosh?! oh, tapos?"
"Tapos na!" kunot noong sabi niya na para bang wala na talaga at dapat hindi na kami nag tanong pa.
"Ano ba 'yan nap-"
"Good morning, class!" bati ng aming instructor kaya umayos na kami ng upo.
Sa totoo lang, habang nagdi-discuss ng lecture yung instructor sa harap ay wala akong naiintindihan. Lumilipad ang isip ko, gustuhin ko man intindihin yung sinasabi niya, wala talaga e. Lumalabas din agad ang nririnig ko. Nilingon ko si Arielle at nakitang nalalaglag na ang mga mata niya. Pasimple ko siyang siniko. Napapapikit pa nga niya akong nilingon, agad ko aiyang pinanlakihan ng mata.
Hindi ko alam, sobrang sama talaga ng hang over ko, kaya ng matapos ang oras ng klase ay laking pasalamat ko na lang.
"Gusto ko ng kape," sabi ko habang pababa na kami ng hagdan. Naka kapit si Arielle sa akin, habang si Nicole at Antonia naman ay nasa likod namin.
"Ako gusto ko matulog." sabi ni Arielle. Mahina ko siyang pinalo ng muntik na kaming matumba sa hagdan dahil inasa na niya sa akin ang buong bigat niya. "Umayos ka Arielle, isa!"
"Behatti, careful!" ani Antonia sa likod.
Hinila ko si Arielle para umayos na siya ng tayo niya. At salamat dahil maayos at wala kaming gasgas nang makarating sa cafiteria.
"One order of cokefloat and cheese burger." sabi ni Arielle doon. Si Nicole kasi ay nakapila doon sa kabila. Ang aabi niya heavy rice daw ang kakainin niya.
Ako naman ay gusto ko lang ng kape!
Si Amtonia sa likod ko ang nag order na rin. "How 'bout you, Behatti? Ano'ng kakainin mo?"
"Kape lang gusto ko." sagot ko sa kanya. Nilabas ko na rin ang wallet ko at handa ng mag order.
"Sige na, una na kayo doon ni Arielle, ako na lang ang mag-order."
"Hindi na. Ako na lang. Kayo na lang ni Arielle ang mauna, may bibilhin pa ako." sabi ko at nag punta na sa pila kung nasaan si Nicole. May sasabihin pa sana si Antonia pero umalis na ako.
"Oh, naka order ka na?" tanong sa akin ni Nicole ng sumulpot ako sa likod niya.
"Oo, naka-kuha na ako ng kape, pinasabay ko na lang kina Arielle. Ikaw, ano inorder mo?"
"Hindi pa ako naka-order, pero kukuha ako ng pork adobo tapos isang order din ng spring rolls."
"Oh? Sige, ganon na lang din yung akin." sabi ko.
"Gusto mo share na lang tayo? Marami naman yung isang order ng ulam, mag extra rice na lang tayo."
At yun na nga ang binili namin. Nang makuha namin iyon ay dumiretso na kami sa table kung nasaan sila Arielle.
"Here's your coffee." ani Antonia pagkaupo ko pa lang sa tabi niya.
Si Arielle at Nicole naman ang mag katabi.
Nginitian ko naman siya. "Salamat!"
"Galing nga pala si Scott dito," ani Arielle habang nasa bibig ang straw ng cokefloat.
"Dito? Akala ko ba, pahinga nila?" tanong ni Nicole.
"Oo nga. Si Scott lang naman yung nandito, nag iimbita lang. Victory party daw nila mamaya."
"Saan daw?"
"Sa Martillano building gaganapin,"
"Ay hala, pwede ba kami doon? Wala naman kaming V.I.P access!" sabi ni Nicole.
"Ang laki laki ni Arielle, hindi niyo ba nakikita 'yan? She's a Martillano for god's sake!" natatawang sabi ni Antonia.
Nung una ay nagtaka ako sa sinabi ni Antonia pero kalaunan ay na-realize ko din. At base sa reaksyon ni Nicole, maging siya ay nakalimutan na Martillano nga pala si Arielle.
"Huh?" ani Nicole at tumigil pa sa pag nguya. "...ay oo nga pala!"
"Bibigyan ko na lang kayo ng V.I.P card, hindi ako sasama doon."
"Ay bakit naman?" agad na tanong ko.
"Behatti do you want chicken?" tanong ni Antonia.
"Sige lang." sabi ko at hinayaan siyang ilagay sa plato ko ang manok.
"Alam niyo na yun!" irap ni Arielle.
Si Nicole ang sumagot. "Ano ka ba? Hindi mo naman siya maiiwasan no, hello, bukas lang magkikita na ulit kayo dahil blockmates tayo at papasok na sila ulit."
"Nakakaloka. Dinaig mo pa mag drama yung naging ex!" si Nicole. "Eh, 'diba hindi naman alam ni Lucky na gusto mo siya? Ano ba 'yon? Feeling heartbroken ka naman!"
"Kahit pa. Hindi pa din ako pupunta."
"Ano ba naman 'yan? edi huwag na lang tayong pumunta lahat!"
"True." Si Antonia at nag sip pa sa pineapple juice niya. "Matulog na lang tayo mamaya."
Inirapan naman kaming lahat ni Arielle. "Fine!" aniya at muling umirap. "Pero sandali lang ako don. Hanggang 10 pm lang ako don sa party."
Umiling ako. "Ano ka ba, kahit hanggang 9 lang tayo, baka traffic pauwi e."
"Ay, dun na lang tayo matulog lahat. Pwede naman ipa-dry clean ang uniform natin doon, tapos marami ding damit doon sa binigay na unit ni Kuya sa akin. Hindi ko naman iyon nagagamit dahil napakarami non kaya pwedeng niyong gamitin."
Kanina pagkatapos namin kumain sa cafiteria ay sabay sabay din kami bumalik sa room. Pero pagdating namin doon ay tanging si Sara lang ang naroon, tulala.
Nagtaka naman ako, bakit din niya kasama mga alipores niya?
Naupo kami sa mga designated chair namin, pero si Antonia ay umupo sa harap na upuan ni Sara. Hindi ko mapigilan ang makinig sa usapan nila.
"Where's Janina and friends?" tanong ni Antonia pagkaupo pa lang.
"Why do you care?" mataray na sagot ni Sara.
"Because i'm still your friend eventhough you're not treating me like one anymore."
"Umalis ka na nga!" hiyaw naman ni Sara. Para bang galit siya kay Antonia. Mukha namang sincere si Antonia ngayon e.
So friends pala sila? Eh, sa pagkakaalala ko, this school year lang din lumipat si Antonia sa Celestial?
"Bakit ba? Alam mo, tayong dalawa na nga lang ang mag kaibigan, tinataboy mo pa ako, We can still fix our friendship, Sara."
"Ayoko na."
"And why is that? Mas gusto mo kina Janina? E, sinasamahan ka lang naman ng mga iyon because you're a Formentiera!"
"I already know that!" sigaw ni Sara at tumayo.
Tulad ni Sara ay tumayo rin si Antonia. "Alam mo naman pala! Bakit sinasamahan mo pa rin sila? And one more thing, bakit ka mag isa ngayon? Iniwan ka nila? Oh, let me guess? wala silang access sa Martillano, at hindi mo sila maisasama mamaya?"
Nilingon ko si Arielle ng nanahimik si Sara. Ibig sabihin kasi ay totoo ang sianbi ni Antonia.
Dahil sa VIP access ng Martillano ay nag end ang friendship nila Sara.
Nagkibit balikat si Arielle. "Ang alam ko kasi limited lang ang nakakapasok sa building na 'yon." bulong sa akin ni Arielle.
Napaurong ako ng sumiksik din si Nicole at bumulong din. "E, paano kami? Kung sila Janina na mayaman ay hindi pwedeng makapasok sa building niyo, paano pa kami ni Hatti?"
"Don't worry, tatawagan ko si Kuya." at agad ngang nilabas ni Arielle ang cellphone niya.
"Mamaya, sa amin ka sumama, pupunta kami sa victory party." ani ni Antonia, magkalapit na sila ni Sara. Mukhang galing sa yakap ang dalawa. Nilingon kami ni Sara kaya nag iwas kami ng tingin.
Shit. Baka isipin niya nakikinig kami sa usapan nila.
"How sure are you na hindi din manggagamit ang mga 'yan? Bago lang din sila dito!" sabi ni Sara kaya napa balika ang tingin ko sa kanila.
Pasmado talaga bibig nito. Napataray!
"Mababait sila, swear! i know. Nakilala ko na sila." pagtatanggol ni Antonia sa amin.
"Whatever!" ani Sara at mabilis na kinuha ang bag bago nag martsa palabas ng room.
"Ano bang topak meron yun? Panay mainit ang ulo sa amin ni Hatti," sabi ni Nicole ng makalapit na sa amin si Antonia.
"Yes. Sila Nicole," nilingon ko si Arielle ng marinig 'yon.
"May victory party kasi ang Celestial team doon sa building. Yes, oh really? Okay sige kuya, thanks. I love you too. Sige po, ingat lagi!" aniya at ibinaba na ang cellphone.
"Ano daw?" tanong agad ni Nicole.
"Ayos na daw yung card ninyo. Sabi ni kuya matagal na daw gawa iyon kaso lang wala siyang time para ibigay sa inyo 'yon. Later makukuha pag punta natin sa building." ani Arielle. "How 'bout you, Antonia, may card ka na?"
"Yes, meron ako." sagot ni Antonia. At ipinakita ang card na kulay ginto.
"Wow, patingin." kinuha iyon ni Nicole ng tumngo si Antonia.
"Si Sara?"
"Yes, meron din siya."
Parang ginto ang card.
Alcovendas, Antonia Shaya S.
VVIP-01
"Ano 'tong 01?" tanong ko kay Antonia.
"01, differentiate what kind of VVIP are you. Meron kasing 01 and 02. Sila Mama kasi, 01 ang kinuha, so, kaya ayan."
"Paanong diferrentiate?" Tanong ko kay Arielle naman.
"Im not sure but, may target net worth ang mga o1 and 02. If your net worth reaches the 01 target net worth like.. 10 digits then 01 ang maibibigay sayo na card, something like that."
"Wow.." si Nicole. "Hindi yata kakayanin ng 50 pesos ko ma -reach ang 01, 02 target na 'yan."
Same, Nicole..
Same..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top