Page 42
Page 42
-
"Saan na siya?" hinihingal na tanong namin ni Nicole sa isa't-isa.
Ang bilis nawala ni Arielle. Hinahabol lang namim siya tapos, naglaho na lang bigla. Saglit komg sinilip ang escalator na pababa, pero wala namang tao doon maliban sa lady guard.
"Umuwi na siguro siya?" napalingon ako doon, si Antonia. Hindi ko napansin na sumunod pala siya sa amin ni Nicole.
Parehas kaming natigil ni Nicole doon. Agad kong nilabas ang cellphone ko para tawagan si Arielle, para na akong nahihilo dahil sa pag iisip kung nasaan siya at kung bakit ba siya umiiyak? Ang bobo naman kasi kung iisipin ko na tears of joy iyon dahil nag champion ang Celestial. Kaya ngayon, hindi ko na alam ang isiipin. pero nang marinig kong nag salita si Nicole ay tinigil ko na. Lumapit na lang ako sa kanya at nakinig sa usapan.
"Saan ka? Nag aalala kami sayo, te!" tanong ni Nicole. Idinikit ko ang tenga ko sa telepono pero wala naman akong maintindihan sa usapan nila.
"Huh? Okay sige, wait mo kami diyan, papunta na ka-" saglit na huminto si Nicole sa pagsasalita. Siguro ay nag salita si Arielle. "Iniisip mo pa 'yon? Mas mahalaga ka kaysa sa seremonya ng championship. Diyan ka lang, papunta na kami." aniya at ibinaba na ang cellphone.
Umayos na ako ng tayo. "San daw siya?"
"Sa bahay mo."
"Huh? Oh, tara na alis na tayo!" hinila ko ang kamay ni Nicole paalis don.
Naiinis ako sa sarili ko. Pakiramdam ko tuloy wala akong kwentang kaibigan para kina Nicole at Arielle. Hindi ko man lang alam na may mga pinagdadaanan na pala sila. Hindi ko man lang sila matulungan sa mga problema nila.
"Nyeta naman! Bakit walang bus?" inis na inis na yung hitsura ni Nicole. Miski naman ako ay naiinis din, kung kailan ka naman kasi nagmamadali ay tsaka naman walang masakyan. Patawid na sana kami ni Nicole sa kabilang jalsada ng biglang may motor na pumarada harap.namin, si Antonia!
"Putik naman oh! Akala ko mamatay na ako!" si Nicole at napahawak pa sa dibdib niya.
"Ihahatid ko na kayo sa bahay niyo," si Antonia na naka helmet pa sakay sakay sa motor.
"Ay, pwede ba tatlo sa motor?" tanong ni Nicole.
"Im not sure. But... malaki naman ang space ng motor, kahit tatlo tayo, kasya. And besides, may extra akong helmet."
"Oh siya, tara na, Hatti!" si Nicole at agad na inabot sa akin yung helmet na iniabot ni Antonia. Maging sya ay may helmet din na suot. Kulay itim ang kay Antonia, sa akin naman ay puti na may dilaw at yung kay Nicole ay yung balck ang white na may mukha ni joker.
At ayun na nga ang nangyari, sumakay na kami sa motor, sa totoo lang hindi talaga ako marunong sumakay sa motor, kaya siguro ako ang ginitna ni Nicole.
Agad kong naramdaman ang yakap ni NicolE sa may bandang tiyan ko, samantalang ako hindi ko alam kung saan ako kakapit. Inangat ko ang kamay ko at ipinatong iyon sa mga balikat ni Antonia. At umandar namin ng walang palya.
Medyo kinakabahan ko habang nakasakay sa motor pero iniisip ko na lang na hindi dahil nasa gitna naman ako at ang mahalaga ay mapuntahan agad namin si Nicole. At isa pa mukhang maingat na mag drive si Antonia--
"Uy, pukinginaa!" hiyaw ni Nicole sa likod ng biglang nag overtake si Antonia doon sa isang kotse, gumilid ang motor niya kaya napasigaw din ako.
"Antonia, dahan dahan naman!" hiyaw ko din.
"Ang o.a niyong dalawa!" balik na sabi ni Antonia.
"Ano'ng oa? Bwisit ka, dahan dahan lang sa pag drive! Makakarating din naman tayo sa bahay, di mo kailangan mag madali!" pinalo ko pa siya sa balikat niya pagtapos nun.
Nakita kong umiling pa siya. "Nakakaloka naman 'yang friend mo!" ani ng tao sa likod ko.
At mbuti na nga lang at malapit na lang ang bahay naman kaya agad kaming nakarating doon.
"Sa loob mo na lang i-park 'yang motor mo," sabi ko kay Antonia pagkadating namin sa bahay. Pagtapos nun ay nagmadali naman ako pagpasok.
Pagpasok pa lang ay nakita ko siya doon na nakaupo doon sa ng iisnag monoblock na upuan ko. Hindi na siya umiiyak,
Nagseselpon na siya.
"Huy!" sulpot ni Nicole sa likod ko at agad na nilapitan si Arielle. "Ano ba ang nangyari sayo? Bakit ka naman umalis mag isa sa arena?"
"Okay na siya?" tanong naman ni Antonia na nasa likod ko din.
"Siguro.." sagot ko st hinawakan ang kamay ni Antonia at lumapit na lang kina Nicole.
"Gusto ko lang." simpleng sagot ni Arielle at ibinaba na ang cellphone at tinignan kaming tatlo.
"Hi!" kaway niya kay Antonia.
Si Antonia naman ay umupo din sa tabi ko.
Tinapik ni Nicole ang kamay niyang kumaway. "Huy! Sandali nga, ano'ng sinasabi mong wala? Samantalang umiiyak ka nung umalis doon sa moa, paanong wala lang?"
"Basta." sagot ulit ni Arielle.
'Di ko na napigilan ang sarili ko, hinila ko ang mahaba niyang buhok. At ng tumingin siya sa akin ay pinandilatan ko siya, "Ano'ng basta? Pinag-alala mo kami kanina!"
"Ano'ng ginawa ni Lucky sayo?" lahat kami ay napalingon kay Antonia dahil sa tanong niyang iyon.
Hindi ko alam kung dapat ba na siya ang mag tanonnmg nun kay Arielle, samantalang hindi naman sila close, o kaya naman dapat ba sinabihan ko muna siya tungkol sa ugali ni Arielle? May pagka bitchesa din kasi itong si Arielle. At ang bibig nito ay pang kalye, naitago lang talaga siya ngayon..
Inihanda ko na ang sarili sa maririnig ng makita kong nawala ang ngiti sa labi ni Arielle dahil sa tanong na 'yon. "Bakit mo tinatanong 'yan? Feeling close?"
"Hindi naman. But if you like to see it that way, ayos lang din. Nagtatanong lang naman ako." sagot ni Antonia. Nang makitang sumenyas si Nicole ay sinenyasan ko din na hayaan na lang muna. Dahil kung magpapang abot man sila, nakapa-gitna na ako at sigurado akong mapipigilan ko naman agad sila kung sakali.
"So, what Lucky did to you? He has a girlfriend."
Seryosong ngumiti si Arielle kay Antonia. "Wala ka ng pake don."
"Ako walang pake, but Hatti and Nicole are so worried about you, if you've just seen their faces kanina habang tumatakbo at hinahabol ka, it's sad. And yet sasabihin mo lang na 'Basta', how nice is that?"
"Still. Wala ka pa rin pake." ani Arielle at tinignan kami ni Nicole at itinuro si Antonia. "Bakit niyo ba isinama 'to dito?"
Ibinaba ko ang daliri niyang nakatuto kay Antonia. "Arielle.. Concern lang din siya sa'yo."
"Behatti, paki sabi, hindi ko kailangan ng 'Concern' niya."
"Eh kami ba?" si Nicole ang ang salita. "Bawal din ba kami maging concern sayo? Sobrang pinag-alala mo kami ni Hatti, umiiyak ka na umalis doon sa moa, malay ba namin kung ano ang nangyari sa'yo sa daan?"
"Maybe she's not ready yet." Si Antonia. "Huwag na natin pilitin,"
Hinaplos ko ang braso ni Arielle. Namumula na kasi ang gilid ng mata niya. Nginitian ko siya ng magtama ang mata namin. "Concern lang kami, huwag mong isipin na pinagtutulungan ka namin."
Yumuko si Arielle at ginalaw-galaw ang mga daliri niya. Umiling pa ito ng isang beses. "Sorry.." sabi niya nang mag angat ito ng tingin sa amin.
"Sorry din," tumingin ito kay Antonia. Si Antonia naman ay kumindat lang kay Arielle. "Nalungkot lang ako na nanalo sila.."
"Pero bakit?"
"Dahil ibig sabihin lang, uuwi na siya sa bicol at..."
"Sino ang uuwi sa bicol?" litong tanong ni Nicole.
"Lucky." sagot ni Antonia.
"Eh ano naman kung uuwi si Lucky sa bicol?" lito pa rin niyang tanong.
"Gusto ko si Lucky." pag amin naman ni Arielle.
Ang lakas ng singhap ni Nicole. Gulat talaga sa narinig.
Kahit na may idea ako sa nararamdaman ni Arielle para kay Lucky dahil sa nangyari kanina pero... ang marinig iyon mismo kay Arielle ay nakakagulat pa rin..
"Putang ina.. 'di nga?!" si Nicole at napatakip pa ng bibig.
"Alam mo ba na may girlfriend si Lucky?" si Antonia ang nag sabi nun. Nilingon ko nga siya at inilingan. Grabe din pala kasi ang bibig ng isa na 'to.
"Gusto ko lang siya at hindi naman niya alam na gusto ko siya. Tsaka isa pa, hidni pa siya sinasagot ni Daisy." sagot ni Arielle na para bang sapat na iyon na dahilan para maipag-patuloy ang pag-gusto niya kay Lucky. Nailing ako. Biglang pumasok sa isip ko yung mga dimples at pilyong ngisi ni Lucky.
Ang isang 'yon! Ang lakas ng appeal at nadali pa ang kaibigan ko.
"Still. May nagugustuhan pa rin siyang iba at hindi ikaw yun Ms. Martillano."
"Huy," tapik sa kanya ni Nicole. "Dahan dahan lang te, ang talim ng dila mo."
"It's a need. Kaysa naman maging side chick yang bestfriend mo." irap ni Antonia kay Nicole. "Anyways, im hungry what do wanna eat? Ako na mag-order." tumayo na siya at tinanong lang sa akin ang address ng bahay tapos ay lumabas na.
"Pasmado yung bibig ni Antonia pero totoo naman yung mga sinabi niya." sabi ko.
Si Nicole naman ay pinalo sa braso si Arielle bago nag salita. "Nakakainis ka naman! Ang akala ko si Uno ang gusto mo! Tapos malalaman ko si Lucky pala?! Naakit ka sa mga dimples niya!"
"Hindi ko naman si-"
"Gals," Si Antonia na sumigaw sa may pintuan, nakalagay sa tenga niya ang kanyang phone habang nakatanaw sa amin, Kaya natigil kami sa usapan. "I ordered pasta and chicken for us. May gusto pa ba kayong iba?"
"Sphegetti ba yung pasta mo?" tanong ni Nicole.
"No. But i'll order you sphagetti na lang. How 'bout you?"
Umiling ako bilang sagot. Okay na sakin ang mga inorder niya. Nakakahiya rin kasi kung magdadagdag pa ako.
"E, ikaw Arielle? Gusto mo uminom? Just one bottle?"
Lilingunin ko pa lang sana si Arielle para pagsabihan tungkol sa inom inom pero agd na siyang nakasagot kay Antonia.
"Sige, Jd with coke na lang." sagot ni Arielle.
"Yun maiba naman!" napapalakpak pa si Nicole doon.
"Alright, babalik din ako in a moment." paalam ni Antonia ng maayos na ang order.
"Iinom kayo? Pero maaga pa ang pasok natin bukas, Nicole, Arielle." ani ko.
"Hayaan mo na Hatti, isang bote lang naman tayo, promise!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top