Page 40
Page 40
-
5:15 Pm kami nakarating ni Antonia sa Moa, pero ang kapalpakan lang namin ay wala kaming ticket. Yung aking ticket ay nakalimutan ko na nakay Nicole pala at hindi ko nakiha kanina. At si Antonia naman ay wala talaga siyang ticket dahil hindi naman talaga siya dapat manonood, kaso lang, ayaw niya akong iwan dito na mag isa.
"Ano, tinawagan mo na ba ulit?" tanong ulit ni Antonia, nakatayo na rin siya sa may tabi ng glass door. Yung motor niya ay naka park. Habang ako ay walang tigil na kakadial sa telepono ni Nicole at Arielle.
"Oo, na-text ko na rin. Pero wala namang reply." malungkot akong ngumiti kay Antonia. "Baka di nila naririnig," sinilip ko ulit ang loob ng arena, nauulanigan ko pa nga yung mga hiyawan e.
"Tingin ko patapos na!" kinakabahan na harap ko kay Antonia.
Lumapit siya sa akin at hinarap yung security na nandoon. "Sir, sigurado na po ba talaga na wala ng available na ticket? Kahit po sa gen-ad standing?"
Malungkot na bgumiti ang security sa amin ni Antonia. "Pasensya na talaga maam, pero sold out na po talaga ang tickets k-"
"Behatti!"
Bigla akong nabuhayan ng makita ko si Nicole na nasa loob na.
"Te!" hiyaw ko at hindi napigilan ang lumapit doon.
"Bakla ka, ba't ngayon ka lang?! Ay sir, ito po 'yong ticket nila.." inabot niya ang ticket sa security. Dalawa 'yon kaya mabilis ko ng hinila si Antonia para mkapasok na rin siya.
"Halika na, nag umpisa na yung 4rth quarter e," si Nicole at hinila na kami doon patakbo sa hagdan at scalator, hawak ako ni Nicole sa braso at hawak ko naman at palapulsuhan ni Antonia. Habang tumatakbo nga ay rinig na namin ang chant na ginagawa ng Handford, for sure. Dahil hindi naman ganon ang chant ng Celestial. Kinakabahan na ako. Shit, patapos na yung laro, naloloka ako. Ewan ko kung may maabutan pa kami..
Nang makapasok kami sa aming deignated seat ay halos mabingi ako sa lakas ng sigawan ng mga tao na nandoon. Nakita ko rin na wala ng nakaupo, at nakatayo na ang lahat. Gold at Blue na banner at balloon lang ang makikita mo sa paligid.
"Bakit ngayon lang kayo?" hiyaw ni Arielle ng makita kami na dumating na.
"Pasensya na, kwento ko later!"
Nilingon ko si Nicole ng tapikin niya ako. Inabutan niya ako ng Gold na balloon, maging si Antonia sa tabi ko ay inabutan rin niya. Medyo humina ang mga hiyawan ng may mag time-out.
Celestial University -Time out.
57-52
Lamang ang Hanford ng lima.
6:45: at may 17 seconds pa sa shot clock.
Ngayon na medyo kumalma ang paligid, ay mas nagkaroon ako ng pagkakataon na mas makita ang mga player. Nasa may 107 kami ngayon at nasa row 5 pa, nakita ko ang aming team na ngayon ay naka gold na jersey. Kitang kita ko na sobrang seryoso nila. Ito ang isa sa mga pagkakataon na hindi ko makita ang mga dimple ni Lucky.
Championship na, 6 minutes pa ang natitira at naghahabol pa sila.
Habang nasa bench sila ay nakita ko kung paano sila mag usap-usap. Hindi ko man marinig pero alam ko na seryoso iyon. Lalo na ang mukha ni Uno at Massi.
"Kanina pa 'yan sila hindi ngumingiti," malakas n abulong sa akin ni Nicole, tama lang na marinig ko kahit pa malakas ang mga ingay lalo na ng squad na nagtatambol. "Nagkakainitan talaga sila noong number 1 ng Handford. Parehas may gustong patunayan."
Sasagot sana ako sa sinabi ni Nicole kaya lang nakita kong lumingon sa pwesto namin si Lucky kaya mabilis kong kinaway yung lobo na hawak ko. Nakita ko munang tumitig sa gilid ko bago lumipat ang tingin sa akin at pinanliitan ako ng mata. Kumaway ako at ngumiti pero umiling lang siya at ngumuso na parang bata at pumikit pikit pa na parang bata, "Bakit ?!" sabi ko kahit pa hindi naman niya iyon narinig.
Pero umiling siya ulit may nginuso sa gilid na sinundan ko naman ata halos mataranta ako ng salubungin ako ng matulis na titig ni Asher. Pero hindi ko na iyon pinansin bagkus winagayway ko ang lobo na hawak ko at binigyan siya ng napakatamis na ngiti.
"Go for the gold!" Hiyaw ko ulit at patuloy lang ang pag ngiti kay Asher, wala na akong pake kung magmukha man akong tanga kakangiti sa kanya. Nakakaloka, nag promise pa naman ako sa kanya na manonood ako ng laro, yes, nanood nga ako, pero sobrang late naman. Nakita ko na gumalaw yung bibig niya at may sinabi siya pero hindi ko naman iyon maintindihan.
Ano daw? took water?
Hindi ko gets lalo pa ngayon na kinanta ang chant ng Celestial. Wala akong nagawa kundi sabayan na kang iyon dahil bumalik na rin naman ang players sa loob ng court.
C-E-L-E-S-T-I-A-L!
WE! CAN TOUCH THE SKY!
WE! CAN HOLD A STAR!
WE! CAN FACE THE SUN!
CELESTIAL GO!
WE! CAN- BE- ANYTHING!
WE! CAN MAKE IT TO THE MOON, LET'S GO!
Sa Celestial ang bola at si Scott ang magi -inbound.
Hindi ko alam kung paano at kanino niya iyon ipapasa pero kahit pa dalawa ang humabol kay Massi ay matagumpay niyang nakuha ang bola, ngayon naman nagdi-dribble na ito.
Si Vlad pa rin pala ang nagbabantay kay Massi. Kitang kita ko kung paano ngisihan ni Vlad si Massi na seryosong seryoso ang mukha. Kita talaga sa mukha niya ang focus sa laro, nag spin si Massi sa kaliwa pero nabasa yata iyon ni Vlad kaya mabilis niyang depensahan iyon, sobrang proud si Vlad sa nagawa kaya ngumisi siya lalo pero bigla na lang siyang tumigil sa pag ngisi kaya napatingin ako kay Massi.
At ganon na alng ang gulat ko ng makitang nakangisi na rin si Massi, kasabay nun ang step back iya at agad na ni-release ang bola mula sa labas,
At agad na naghiyawan ang buong arena.
"Dalawa na lang!!"
Sabay sabay kaming nagtatalon sahil sa puntos na iyon ni Massi.
"Ka-M.U ko yan!!" napalingon ako kay Nicole dahil sa hiyaw niyang iyon. Natawa na lang ako habang tumatalon kasabay niya.
Tumigil kami ng nag pito ulit.
Time-out, this time ang Handford naman.
Habang bumabalik sa bench ay nakita ko nag up-here si Scott at Massi. Habang tinapik naman nila Lucky at Asher si Massi.
Mukhang maganda talaga ang laban ah.
"Kanina pa 'yan sila nag aasaran," sabi ni Nicole. "Pero ngayon lang gumanti ng ngisi si Bebe ko. Panay kasing seryoso ang mukha niya kanina pa. Mabuti at mukhang nakinig naman siya sa akin kanina."
"Bakit ano ba sabi mo?"
"Sabi ko, isipin niya lang na sila Rommel lang ang kalaro niya. Kinakabahan kasi 'yan diba dahil sa ankle niya tapos, panay pang sinasabi nung Vlad na downgrade daw si Massi. Sabi ko pa, laruan mo ng larong pang kalye na basketball, kaya ayan.."
Totoo naman dapat ang sinabi ni Nicole, kailangan talaga utakan lang ni Massi iyong mayabang na iyon.
"Uy!" Ani ko at nilingon si Antonia, muntik ko ng makalimutan nandito nga pala siya. "Okay ka pa?"
Tumango naman siya sa akin. "Yeah, but.. that shot before time-out was so intense."
"Sports should be intense diba?" Sabi ko. "Gulat ka?"
"Kinda. It's just that.. Im not into basketball. Infact, pangalawang beses ko pa lang nakanood ng basketball game."
"Nag eenjoy ka naman?"
Tumango siya at ngumisi pa."Oo,"
"Ay wait," sabi ko ng may biglang maalala."Magiging maayos lang ba doon si Symon? Baka kasi hanapin ka niya."
"Kaka-text niya lang, lamang na sila ng set." Sagot niya, napangiti naman ako. "Kaya na nila Symon iyon, just wanna enjoy this game, tsaka ko na lang siya kumustahin ulit."
"Sige.."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top