Page 35

Page 35

Imbes na sa shop ang diretso namin ay hinatid kami ni Massi sa bahay kasama si Arielle. Hindi ko alam kung kaninong sasakyan ang ginamit ni Massi pero hindi iyon kay Arielle.

Naandito kami ngayon ni Arielle sa kwarto habang sila Massi at Nicole ay nasa sala naman. Nakayakap si Nicole kay Massi, sobrang durog kasi ngayon ni Nicole. Wala siyang tigil kakaiyak. Naaawa na nga ako doon sa kaibigan kong iyon.

Naiinis ako sa pamilya niya, bkit ganon nila tratuhin si Nicole samantalang pamilya sila. Sa totoo lang, wala namang ginawang masama si Nicole sa kanila kaya wala silang dahilan para magalit dito. Bakit? Dahil na naman ba ito doon sa pagkakapsok ni Nicole sa Celestial University? Napaka unfair nila. Hindi naman tsma na kampihan ni Aling Nina si Iyana laban kay Nicole.

Agad akong tumayo kaya medyo nabigla si Arielle.

"Oy bakit?" aniya at kumapit sa palapulsuhan ko.

Hinarap ko siya. "Pupuntahan ko si aling Nina."

Agad naman sumimangot si Arielle sa narinig. "Now? As in now?"

Tumango ako. "Oo. Kakausapin ko sila tungkol kay Nicole." sabi ko at tumalikod na ulit ngunit pinigilan ako ulit ng hila ni Arielle.

"Bakit na naman?"

"Ikaw lang? Gusto ko din sumama." aniya at agad na sumeryoso ang mukha. "Sasama ako."

Tumango ako. "Sige. Pero huwag mo sabihin kay Nicole ah,"

"Okie dokie." aniya habang nilagay ang iilang buhok sa likod ng kanyang tenga.

Suot pa rin ang uniform ay magkahawak kamay kaming lumabas ng kwarto, naabutan pa namin na nakahiga na sa hita ni Massi ang ulo ni Nicole, habang si Nicole ay nakapikit na at si Massi naman ay hinahaplos ang buhok nito. Nakatulog na sa kakaiyak. Titig na titig dito si Massi. Naka uniform pa din ito tulad namin, kahit papaano ay natuwa naman ako sa kanilang dalawa. Kahit pa palagi namin silang nakikitang nag aasaran at nag kakasagutan ay nakakataba ng puso na makita na sa lowest point ni Nicole ay nasa tabi pa rin niya si Massi.

Mahina kong kinalabit sa balikat si Massi. Dalawang beses ko pa nga siyang kinalabit dahil hindi siya tumingin nung una.

"May bibilhin lang kami.." paalam ko sa kanya.

"Do you want something ba or anything?" si Arielle naman.

Nakangiting umiling si Massi. "Kay Nicole nalang, pwedeng pasuyo ako, pabili ng Sphagetti with fries." aniya at maingat na inabot ang kanyang bag pero pinigilan ko.

"Ayos. Kami ng bahala ni Arielle. Samahan mo lang muna si Arielle."

Nakangiti itong ngumiti.

Pagkatapos nun ay lumabas na kami ni Arielle.

"Ano'ng sasabihin natin kay Aling Nina?" tanong ni Arielle sa akin. Hindi naman ako sumahot dahil sa totoo lang, hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko sa mag ina na iyon. Basta ang alam ko lang, gusto kong kausapin sila at malaman kung bakit nila ginaganon ang kainigan ko.

"Paano kung magalit sila sa atin?" dagdag pang tanong ni Arielle habang kaoit bisig na kaming naglalakad papasok sa compound kung saan nakalagak ang bahay nila Nicole.

Nilingon ko si Arielle dahil sa sinabi niya. Nakita ko pang kumaway siya doon sa kaklase namin nung grade 4 naglilinis ng motor. "May bago pa ba doon? Eh simula yata nung kinder tayo galit na tayo doon."

"Oo nga." tingin din sa akin ni Arielle. "Nakakaloka rin minsan, kaya nga noon, kapag inaaya tayo ni Nicole kapag birthday ay kakain sa bahay nila, hindi talaga ako humihiwalay sa inyo, sa totoo lang, pinapanood ko munang kuamin si Iyana bago kumain. You know.." nanliliit pa ang maga niya. " 'di naman sa pangdiya-judge, pero nakakatakot talaga yung pagiging maldita nung mag ina na iyon. Minsan nga, napapaisip ako, paano kaya ito nagustuhan ni Tito? you know, sobrang bait ni Tito tapos. haay, never mind." at tumingala pa ito sa langit pagkatapos mag salita.

Tumigil kami sa tapat ng bahay nila aling Diyosa. Dahil sa tapat non ay ang bahay na nila Aling Nina. Tama nga si Nicole, lilipat na nga sila ng bahay. Mga nakabalot na kasi ang iilang gamit nila sa loob ng gate nila

"Grabe sila, talaga bang iiwanan nila si Nicole dito?" rinig ko pang bulong ni Arielle.

"Kapag nag wala si Iyana at sinaktan ka, saktan mo rin." sabi ko kay Arielle.

"Naman." mabilis na sabi ni Arielle at sinuklay pa ang dulo ng kanyang buhok. Kita ko rin kung paano nag iba ang mukha ni Arielle. Ang kaninang kalmado at composed, ngayon ay mukha na siyang tigress na handang lumaban kung sakaling siya'y saktan.

"Tara na." sabi ko at lumapit na sa gate. Magka kapit bisig pa rin kami ni Arielle.

"Aling Nina..." kalamadong tawag ko. Isang beses lang iyon pero lumabas na siya.

Bihis na bihis. Nakalugay ito at putok ang blush on habang nakasuot ng dress na kulay pulang floral at may ginto pang bracelet at singsing sa magkabilaang kamay. Agad na tumaas ang drawing na kilay nito pagkakita sa amin ni Arielle.

"Kayo na naman?" anito.

Ngumiti ako. "Magandang araw po. Gusto ka po sana naming makausap ni Arielle."

Pinag ekis nito ang kanyang braso habang lumapit at binuksan ang gate. "Tungkol naman saan?"

"Tungkol po kay Nicole." si Arielle ang sumagot.

Hindi ko alam kung bakit pero nang marinig ni Aling Nina ang pangalan ni Nicole ay parang may dumaang pangungulila sa mga mata nito, pero mabilis lang iyon at agad na bumalik sa pagiging masungit.

"Pasok." aniya at nauna nang pumasok sa loob.

Agad kaming nagkatinginan ni Arielle. Gulat dahil hindi man lang kami nakakuha ng sigaw mula kay Tita. "Halika na," si Arielle at hinila na ako papasok.

"Isarado ang gate," rinig namaing hiyaw ni Tita.

"Opo!" hiyaw namin si Arielle at mabilis na sinunod ang utos.

Pagkapasok namin sa loob ng bahay, ay may mga maleta na doon at iilang malalaking bag. Pasimple akong tumingin sa kwarto nila na nakabukas.

"Wala si Iyana?" bulong ko kay Arielle. Pero pinatahimik niya ako. "Ssshh.. baka marinig ka ki tita."

Tumango naman ako.

"Umupo na kayo," si Tita na naupo na rin sa pang isahang sofa. "Ano ba ang gusto niyong pag- usapan?"

Ako ang unang nag salita. "Tita, alam niyo pa ba na, alam na ni Nicole na aalis na kayo dito sa lugar natin?"

Sa pagkunot pa lang ng noo ni Tita ay alam ko na agad na nagulat din siya. "Alam niya? Paano naman niya nalaman? Eh, kanina lang kami nakakuha ng buyer nitong bahay. Ako ba Behatti pinagloloko mo?"

Mabilis akong umiling. "Hindi po tita." tanggi ko. "Sa katunayan po niyang ay kanina pa po nag iiyak si Nicole at sa school pa lang po ay malungkot na siya. Hindi ko po alam kung paano niya iyon nalaman pero sinabi niya po iyon sa amin kanina noong papunta kami sa trabaho nami. Hindi na nga po kami nakapasok sa work dahil iyak po siya ng iyak."

"Nasaan si Nicole?"

"Nasa bahay po. Nakatulugan na lang po ang pag iyak." sabi ko.

"Pero tita.." ani ni Arielle sa gilid ko. "Hindi naman po sa pangbabastos sa pagiging nanay niyo, gusto ko lang pong itanong kung bakit aalis kayo dito nang hindi kasama si Nicole? anak niyo rin po siya."

Sa sinabing iyon ni Arielle ay napailing si Tita. "Hindi naman kami aalis dito sa lugar na ito. Lilipat lang kami sa mas maliit na bahay. Binenta ko itong bahay dahil kaialngan namin ng pera, si Iyana kasi, lilipat na siya ng school."

"Huh?" lito kong tanong. "Eh, third year na po si Iyana, bakit p-"

"Lilipat din siya sa Celestial. Matagal ng pangarap ni Iyana 'yon." si tita.

"Di ko gets?" komento ni Arielle. "Private school po iyon, at malaki po ang tuition fee doon a-"

"Alam ko." Nakangiting sabi ni Tita habang kumikinang pa ang mga mata. "Kaya nga proud ako kay col-col na nakapasok siya doon."

Naramdaman ko namang siniko ako ni Arielle. Kami'ng dalawa ay nabigla talaga sa sinabing iyon ni Tita. "Kaya nga proud ako kay col-col na nakapasok siya doon" ngayon ko lang ata iyon narinig sa bibig ni tita.

Tumingin ito sa dingding kung nasaan ang orasan bago tumayo at pumasok sa kwarto.

"Im shookt to the 69th level." rinig kong kausap ni Arielle sa sarili. Hindi ko rin naman siya masisi.

Nakaka bigla naman 'yon. At ngayon ko lang din ata nakitang mahinahon si Aling nina.

At ang marinig ang mga salitang iyon sa kanya ay nakakatab ng puso, ang akala ko, wala sa bokabularyo ni aling nina ang mga papuri para kay Nicole, pero.. ang saya na marinig iyon. Nakakapanghinayang lang na hindi si Nicole mismo ang nakarinig nang mga salitang iyon.

Panigurado ay maiiyak talaga iyon sa tuwa.

May dala dala si Tita na dalawang paper bag pagkalabas ng kwarto. Inabot niya ito sa amin. "Para ito kay Nicole, pwede bang ibigay niyo sa kanya?"

Mabilis akong tumango at nakatayong tinanggap ito.

"Salamat." ngiti nito. "Pero, pasensya na kailangan niyo ng umalis habang wala pa si Iyana."

"Sige po. Salamat po ulit."

----

Bitbit ang dalawang paper bag na inabot sa amin ni Tita Nina habang palabas kami ng gate nila. Sa totoo lang, mabigat ang dibdib ko nung pagpunta namin dito, pero ngayon na pauwi kami ay magaan na.

"Pakibigay na lang kay Nicole 'yan. At salamat sa inyong dalawa. " pahabol pa ni Tita sa amin.

Magkahawak kamay ulit kami ni Arielle habang palabas ng compound. Tumigil muna kami dito dahil nag padeliver na lang si Arielle ng pagkain, at dito na lang daw namin hintayin. Tumabi kami sa nakasaradong sari-sari store.

"Alam mo, kinabahan talaga ako kanina sa totoo lang." sabi ni Arielle ng makalabas kami ng gate ng compound. "Parang sa tanang buhay ko yata ngayon ko lang nakausap ng mahinahon si Tita,"

Tumango ako bilang pag sang-ayon. "Totoo. Pero alam be, kung iisipin natin yung dati, kalmado naman talaga lagi si Tita- kapag wala si Iyana. Pansin mo?"

"Uy, true!" aniya at nag hawi pa ng buhok. "Nagpapatunay lang talaga na si Iya-oh. Speaking of the bitch, andiyan na siya." nilingon ko ang nginuso ni Arielle.

Si Iyana. Bongga ng suot. May bag pa ito na mamahalin, letter P. Kasama niya yata yung mga kaklase niya.

Tumigil ito sa harap namin. "Ano'ng ginagawa niyo ditong dalawa?" taas na kilay nitong tanong.

"Ano ba ang pake mo?" naaasar din na balik na tanong ko. Hindi naman sa kalayuan ay natanaw ko na ang rider ng pinag orderan ni Arielle.

"Manggugulo na naman kayo dito? Nasaan ang kapatid kong papansin?" luminga- linga pa ito.

"Papansin? Oh. You're describing yourself?" tanong ko pa ulit.

"Bwisit kayo! Nasaan si Nicole?" hiyaw niya at nagagalit na talaga. Hinawakan na nga siya sa braso nung kasama niya.

"Why ba?" si Arielle naman. "Ooh. Alam mo, walang mainitan na ulo sa Celestial.. relax.. Ate."

Sa sinabing iyon ni Arielle ay lalong nanggalaiti ang hitsura ni Iyana. Para nga siyang kinabahan. "Paanong..."

"Diba dream school mo iyon?" tanong pa ni Arielle at bumitaw ito sa braso ko at maarteng umikot. "Ganito ang uniform doon, nakwento kasi sa amin ni Aling baby, dream school mo daw 'yon. Oh, anyway, Si Nicole nasa house niyo, kausap mama niyo."

"Pumunta kayo sa bahay?!" hiyaw niya pero niya sa amin bago nagmadaling umalis.

Sinundan ko pa iyon ng tingin at halos tumakbo na siya, piangtitinginan na nga siya ng mga kapitbahay nila.

"Gagi talaga.." iling ko.

"Ganyan ang napapala ng mga insekyura." ani ni Arielle.

Nang matapos mag bayad ni Arielle doon sa rider ay umalis na kami doon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top