Page 34
Page 34
Mga alas onse na iyon ng mag pasiyang umuwi sila Asher. Dahil nga maaga pa bukas, at hindi ko rin naman sila mapapatulog dito dahil nga may pasok pa kami bukas. Kung wala siguro ay pu-pewde kaming mag overnight dito.
Maging si Arielle ay sinundo rin ni Kuya Reyven. Nakakahiya nga dahil binigyan niya pa kami ni Nicole ng Groceries. Dalawang box. Tuwang tuwa nga si Nicole at ako syempre. Nakakahiya man kay kuya Reyven pero sobrang thankful ako, kami. Malaki na ang tulong noon sa amin ni Nicole. Malaking tipid na iyon.
Mayroon pa nga doon anim na balot ng steak. Bago sa amin ni Nicole iyon kaya naisipan namin na lutuin at baunin ngayong araw.
At ngayon nga ay nagkwe-kwentuhan kami nila Arielle dahil kakatapos lang ng surprise quiz namin sa Mathematics 2. Nakakaloka nga, dahil sinermonan pa kami ng aming prof. dahil ang baba ng score na nakuha ng karamihan. May naka perfect, si Antonia at sila Massi, Asher, Scott at Lucky. Samantalang si Uno at Nicole ay isa lang ang mali. Si Arielle ay dalawang mali lang. Ako naman ay apat ang mali, 1 to 10. Pinamababang score sa amin ay 5.
Nakakainis naman kasi yung mga ganong professor na mahilig magpa-surprise quiz. Nakakapanginig ng laman sa kaba kapag may pa-surprise. Kahit pa nag aral ka naman ay hindi pa rin maiwasan na ganito.. mababa ang score.. Ko.
"Eh, sa nalito nga ako sa mga formula." dahilan ko kay Nicole nang tanungin ako kung bakit ganon ang nakuha kong score. Inayos ko pa ang uniform ko ng tumabingi ang tie ko.
"True. Nakakalito naman talaga." sang ayon ni Arielle. "Pakiramdam ko nga binubulungan na ako ng mga numero, ayan oh," si Arielle at tumingala pa.
Wala sa sariling napatingala rin kami ni Nicole.
"Huh?" sabi ko ng wala namang makita sa kisame kung hindi ang makinis na kulay puting pintura.
"Bobo!" halkakhak ni Arielle. Napatingin naman ako sa kanya na halos mamula na siya sa kakatawa sa amin. Hindi ko napigilan, hinila ko ang kulot niyang buhok.
"Aray!" aniya pero hindi pa rin tumigil sa pag tawa. "Sabay pa talaga kayong tumingin,"
"Para kang baliw, Arielle." sabi ni Nicole. At tumayo na. Alas tres na rin kasi ng hapon at ito na rin ang huling klase namin para ngayong araw at pagkatapos namin kumain, didiretso na kami ni Nicole sa shop. Tumayo na rin ako at inayos ang bag ko.
"Talaga naman kas-"
"Behatti!" tawag ni Sarah na sinangga pa si Nicole para lang makapunta sa harap ko.
Mukhang galit na galit siya. Kasunod pa niya yung mga kasama niya.
"Bakit?" nalilitong sagot ko sa kanya. Para akong may nagawang masama sa kaniya kung harapin niya ako.
"Bakit?" maarteng gaya niya sa sinabi ko. "Pinasa mo ang output and yet wala ang name ko doon?"
"Huh?" lito pa rin na sagot ko sa kanya dahil hindi ko naman talaga alam ang pinaghuhugutan niya. Hanggang sa.. agad kong naalala ang sinasabi niya.
So pinasa na ni Antonia?
"Playing innocent, really?" asar pa rin na sabi niya. "You should've put my name in there!"
Pilit kong kinalma ng sarili ko bago nag salita. "At bakit ilalagay ang pangalan mo doon? Hindi ka nag attend ng meeting natin kahapon. Yun ang usapin natin."
"And so?" maangas na sabi niya.
"Anong 'so'? Gusto mo ilagay ko ang pangalan mo doon kahit wala kang ambag sa output?"
"Yes!" mabilis niyang sagot.
"Ano-"
"Ang kapal naman ng face mo?!" sabi ng kung sino kaya napalingon ako doon.
Si Antonia. Nakataas ang kilay at wala na rin siyang suot na Tie ng Celestial. Pansin ko nga iyon sa kanya. Palagi niyang tinatanggal ang neck tie niya.
Ang akala ko umalis na siya. Dahil iilan na lang din ang tao dito. Ang grupo ni Sara na si Erin at Yanna. Sila Massi at iilang classmates namin na inaayos pa ang output nila. Deadline kasi ngayon nun, kaya nga nabigla ako sa pag sugod ni Sara.
"What?" si Sara na kay Antonia naman humarap.
"Ang sabi ko, ang kapal naman ng mukha mo."
Si Antonia. Tapos naman ay lumapit pa sa amin at inabot ang copy ng aming output. Na nakita ko na kahapon. "Ayan yung copy mo, Behatti." inirapan pa nga nito si Sara. And as usual nakataas na naman ang kilay nito. Ang taray talaga ng mukha ni Antonia. Sinuklay naman niya ang maikli niyang buhok.
Kinuha ko naman ang folder na inaabot nito.
"So ikaw ang nag pasa?" tanong naman ni Sara.
"Yes." Tamad na tumango si Antonia. "I did'nt put your name there, coz wala ka namang ambag. You also did'nt showed up yesterday, so bakit ko ilalagay."
Hindi nag salita si Sara at galit pa akong nilingon.
"And you really have the audacity na sugurin si Behatti. So cheap." naiiling na sabi nito at inirapan pa kami nito bago lumabas room.
Nilingon muli ako ni Sara pag alis ni Antonia. Ang buong akala ko nga ay susugurin ako ulit ngunit hindi naman.
"Aargh!!" hiyaw ni Sara bago umalis.
"Arghh, daw? Aso lang?" ani Nicole. Napatingin na lang ako sa kanya.
"What happened." tanong ni Uno. "Kinausap ka ni Antonia?" tanong niya na parang gulat.
Tumango ako. "Oo. Kahapon."
"For real?" gulat niya pang tanong.
"Tapos na ba? Nagugutom na kasi ako, tapos may duty pa sa shop." si Nicole na tinignan kaming lahat.
"Tara na nga!" ani ni Arielle at hinawakan ang kamay ko.
Nagulat pa nga ako ng tumabi sa akin si Asher habang naglalakad kami. Tiningala ko siya. "Are you okay?"
Medyo nagulat ko sa pag sulpot niya pero nginitian ko pa rin siya. "Oo naman. Bakit?" tanong ko pa. Pero sa totoo lang, iniisip ko na bagay talaga kay Asher ang naka uniform. I mean, maganda kasi ang uniform ng Celestial University, kaya ano. Maganda. Bagay sa mga boys. Lalo pa kina Asher. Matangkad kasi tapos pogi.
Umiling siya at bahagya pang nag baba ng tingin sa lupa bago ako ulit tignan. "About what happened earlier."
"Sus! Wala iyon. Kaya ko naman ang sarili ko. Pero pasalamat na rin dahil nag salita si Antonia."
"Alam ko naman. Maangas ka kasi." aniya. Nanlaki ang mata ko at mabilis siyang pinalo sa braso niya.
"Hoy!" natatawa kong sabi sa kanya. Siya naman ay ganon din. Tumawa rin siya kaya nga nawawala ang mga mata niya. Lumiliit kapag nangingiti.
"Saan kayo kakain?" tanong ni Lucky habang nasa hallway na kami pababa.
Napabaling ako doon. Naramdaman ko pa na hinawakan ni Asher ang bag ko habang pababa kami ng hagdan, nilingon ko siya dahil doon pero nginitian niya lang ako. Nginitian ko rin siya.
"Sa shop na." sagot ni Nicole. Tinignan ko siya. Parang..
"Agad?" dismayadong tanong ni Arielle ni Nicole.
Ako na ang sumagot. "3 pm na kasi. Late na kami, hindi na nga kami nakapag duty kahapon. Nakakahiya kay sir Orlean."
"Right." dismayado pa din si Arielle.
"Ganon ba. Sa canteen na kami. May practice pa kasi kami after." si Lucky na ngumiti labas pa ang dimple. "Sige, ingat kayo."
"Sige, una na kami."
"Ingat," ani ni Asher sa gilid ko.
"Thank you. Kayo din, goodluck sa practice!" ani ko at kumaway na bilang paalam.
Nauna nang mag lakad si Nicole. Habang si Arielle naman ay nasa gilid ko, siniko pa nga ako.
"Something's smelly. Ano yun?" tanong niya. So hindi lang din pala ako ang nakaramdam.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko pa alam. Pero dapat nating alamin. Alam kong may nangyari."
"Kaya nga e." tanga naman niya. "Kakaiba kasi siya ngayon. Hindi niya na perfect ang quiz sa math."
Yun din ang nasa isip ko. Well, kahit naman kasi medyo maloko si Nicole, sa totoo niyan, siya ang pinaka matalino sa aming tatlo. Medyo hindi lang halata dahil panay siyang nagbibiro sa mga salita niya at nagpapanngap na nahihirapan sa mga subject, pero kapag tinignan mo naman ang grado niya ay mapapahanga ka talaga.
Tumakbo kami papalapit kay Nicole. Inakbayan siya ni Arielle. "Share mo na iyan."
Naglalakad na kami sa gilid ng kalsada. "Ano ba nangyari?"
"Sila mama kasi.." umpisa niya pa lang ay naintindihan ko na agad kung bakit siya matamlay.
Kahinaan talaga ni Nicole ang mama niya.
"..lilipat na ng bahay. Binenta kasi nila yung bahay namin ngayon tapos, bumili ulit, hindi ko alam kung saan." aniya habang nagpipigil ng iyak.
Nagtama ang mata namin ni Arielle. Parehas bumagsak ang balikat namin sa narinig.
"Bakita ba nila ginagawa sa akin 'to?" si Nicole at napaupo na lang sa daan. Hinawakan ko siya sa balikat at umupo din. "Hindi ba talaga nila ako mahal?"
"Cole.." si Arielle na naiiyak na din. Nakayakap ito kay Nicole.
"Lilipat sila ng bahay ta..pos hindi nila ako sa..sama, anak din nam-an niya ako.."
Patuloy kong hinagod ang kanyang likod. Naiiyak na rin ako. Nakikita ko pa ang mga sasakyan na dumadaan na tumitingin sa amin. Naiisip siguro nila kung ano na ba ang nangyayari sa aming tatlo at nag iiyakan kami sa gilid ng kalsada.
"Nag sorry naman ako.. kay ate sa pag sampal ko sa kanya.. pero ayaw pa rin akong p-pansinin ni mama.."
Ramdam na ramdam ko ang sakit sa mga sinasabi ni Nicole kaya hindi ko na rin npigilan at yumakap na din sa kanya at nakiiyak na din.
Kahit maloko ang kaibigan ko, mahal na mahal niya ang mama at ate niya. Na kahit pa, sinsaktan siya ng mga ito emotional man o pisikial ay hindi siya gumaganti, naglalabas lang ito ng sama ng loob sa amin. Pero sa maraming beses na sinaktan siya ng mga ito ay isang beses lang siyang gumanti, isang beses niya lang ipinagtanggol ang sarili niya sa pamilya niya tapos ganito na ang nangyari, itinakwil na siya.
Hindi ko ma-imagine ang lagay ng puso ngayon ni Nicole. Kung pwede ko lang angkinin ang kalahati ng sakit na nararamdaman niya ay gagawin ko. Sa bawat pag hikbi niya ngayon ay dobleng sakit ang nararamdaman namin ni Arielle.
Nilingon ko si Arielle. Grabeng luha din niya. Namumula na ang ilong niya kakaiyak. Yumuko ako ulit at hindi na pinansin ang mga dumadaan. Hindi ko na alam kung gaano na kami katagal nandoon pero may nag salita.
"Sweetheart." ani ng boses. Naramdaman kong napatigil si Nicole doon kaya nag angat ako ng tingin. Maging si Arielle ay tumingin din.
Si Massi.
Dahan dahang tumayo si Nicole.
Ngumiti naman si Massi sa kanya at nilahad ang dalawang braso. Ilang segundo pang humagulgol si Nicole bago siya ikulong ni Massi sa sariling bisig. Si Arielle naman ay yumakap at tahimik na umiyak sa balikat ko habang pinapanood namin ang dalawa.
"It's going to be fine sweety.." bulong ni Massi sa tenga ni Nicole.
Naririnig namin iyon ni Arielle dahil malapit lang kami sa kanila. Pati ang mga pagpatak ng halik ni Massi sa ulo at pisngi ni Nicole.
"Aalis sila m-mama.. hindi ako kasama.." paulit ulit na hikbi ni Nicole.
"Aalis s..ila-"
"Maayos din kayo.. I love you.." si Massi din na hindi pinapakawalan sa yakap si Nicole. Para bang hinihigop niya ang mga sakit na nararamdaman ni Nicole ngayon at inililipat sa kanya.
"I love you sweety.. i love you, i love you so much.."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top