Page 33

Page 33

Bitbit ang mga paper bag na binigay niya ay pumunta na ako ng kusina. Nilapag ko na iyon sa maliit naming lamesa. Hindi naman ganon kalaki ang bahay namin kaya kahit nasa kusina ako ay rinig ko ang pag-uusap nila sa labas.

"Oy..sorry." sabi ng maatrasan ko si Asher. Hindi ko alam na nasa likod ko pala siya.

"It's okay." kaya napatingala ako sa kanya dahil sa sobrang soft ng boses niya ay hidni ko mapigilan ang tingalain siya.

Sinalubong naman ako ng mapupungay niyang tingin. Panay siyang nakatitig kaya ako na ang umiwas.

Inayos ko na lang ang mga pagkain.

"Ano'ng ginawa mo sa school?" tanong niya at tumabi pa sa akin habang nag aayos ako ng pagkain sa plato.

Nilingon ko siya saglit bago sumagot. "Yung output namin ni Antonia." sagot ko.

"Natapos niyo na?" tanong ulit niya.

Tinignan ko ulit siya. Busy siya na inaayos niya ngayon yung mga kanin.

Tumango ako at bumalik sa pag tanggal ng scatch tape sa box. "Si Antonia na ang gumawa lahat. Pag dating ko doon, tapos na yung group output namin."

"Really? so ano na lang sng ginawa niyo?"

"Nag kwentuhan lang. Tapos nanood na rin ng game doon. Men's volleyball." sagot ko. Nang tumingin naman ako sa kanya ay nakatingin siya sa akin habang nakikinig.

"Kumusta naman yung laro? Did you see Symon there? He's the star player of our school. He have 3 championship already."

Tuamngo ako. "Yes. Napanood ko nga siya. Pinsan pala siya ni Antonia no,"

Tumango siya.

Ngumiti ako. Parang.. kanina sabi nila, talo daw ang team ng Celestial. Ahm.. okay lang kaya kung mag tanong ako tungkol don? Tanong lang naman.

"Ikaw.." alangan na sabi ko. Hindi naalis ang tingin niya sa akin. "Kamusta yung laro niya? Talo daw kayo?"

Simple siyang ngumiti sa akin. "Oo, talo kami, wala ka kasi."

"Nye? Ako pa sinisi mo!" sabi ko at mahina pa siyang pinalo sa braso niya.

Ngymiti rin siya sa akin. "Just joking." aniya. "But you know, jokes are half meant."

"Ewan ko sayo." sabi ko na lang. "Baka kasi nagpa- pogi ka lang na naman doon, kaya kayo natalo."

"You know that i don't have to do that. Pogi naman talaga ako, inside or outside the court." aniya.

"Yabang!" sabi ko at inilagay na kutsara sa itaas ng mga plato. "Kailan ba next game niyo? Manonood ako, titignan ko kung ano na naman ng gagawin mo doon."

"Manonood ka na?" tanong niya. Tumango naman ako. "Sa sunday na ang next game. Gusto ko panoorin mo ako maging champion ulit."

Nginitian ko. "Panonoorin ko na maging champion ulit ang Celestial."

"Right." aniya at ngimisi pa. Hindi ko napigilan ang mapangisi rin. Hindi ko alam kung bakit pero nadadala ako sa ngiti niya. Napapangiti rin ako dahil nakangiti siya.

"Jusko, Lord! Patawarin mo po silang dalawa!"

Halos sabay kaming napabaling ni Asher sa may gilid kung nasan nakasandal si Nicole sa pader.


Naiiling pa ito at pinagdikit ang dalawang kamay na parang nag dadasal habang nakatingala pa.

"..sapagkat hindi po nila alam ng kanilang ginagawa." patuloy nito. Naiiling na lang akong kinuha ang mga plato na may pagkain. Napaka-O.A talaga ng isang 'to.

"Sana man lang dinala niyo muna sa amin yung food ano? Bago kaya magtitigan diyan, nakakaloka kayo." di pa natapos na sabi nito.

Inirapan ko siya at binigay sa kanya ng mga plato. "Oh, ayan, dalhin mo na sa labas. Ang daldal mo, pati si Lord, dinadamay mo."


Tinanggap naman niya ang mga plato. "Eh talaga naman. Patawarin kayo ng Diyos. Ginawa niyo ba namang audience ang mga fried chicken sa titigan niyo. Masamang pinaghihintay ang pagkain no!"

"Oo na nga!" gigil na bulong ko sa kanya habang pinalalakihan pa siya ng mata. "Ilabas mo na 'yan doon, kukunin ko pa ang iba."

Ngumuso ito sa akin na nang aasar pa. "Sus! Kukunin yung iba, o kukunin mo lang yung isa?"


"Mamumura na kita Nicole, isa pa."

"Oo na nga, aalis na."  nakahinga na ako ng maluwag dahil doon sa sinabi niya.



Nakaka- ubos din ng energy kausap si Nicole minsan. Nang makita ko na umupo na si Nicole kasama ang iba naman kaklase ay humarao ulit ako kay Asher.


Hawak pa rin niya ang isang bucket ng manok. Nakatingin sa akin. Hindi ko nga alam kung kanina pa ba siya nakatingin at pinapanood kami ni Nicole. Narinig niya kaya yung bunganga ni Nicole?

"Ako na mag dala ng.. iba." sabi ko pagkalapit. Hindi ko na siya hinintay sumagot at kinuha na lang yung mga kanin na inayos niya kanina.


"Okay, Behatti."

Narinig kong sabi niya hindi ko alam kung nakangisi ba siya o ano. Pero kahit nalilito na kung bakit niya bnangit ang pangalan ko ay hindi na ako lumingon at hindi na nag tanong. Ayaw ko mag tanong.


"Oh ayan na sila." salubong agad ni Nicole na may hawak na pizza sa mag kabilang kamay. Magka iba ang flavor.

Inirapan ko siya.

Nagtaka naman ako kung saan galing yung pizza, ayun pala ay nagpa- deliver din si Uno.

"Ito na yung rice oh, kain na." sabi ko pagkaupo. Katabi ko si Arielle at Massi. Habang sila Nicole naman ay katabi sila Uno at Scott. Si Asher naman ay kaharap ni Arielle. "Pasensya na, hindi kasi tayo kasya sa table namin, tapos kulang din yung upuan kaya dito na lang sa sahig."

"Don't say that." suway sa akin ni Lucky. "Dapat pa nga kaming mag pasalamat sayo dahil hinayaan mo kami dito sa bahay mo. Besides, nakakamiss din kumain sa lapag. Nung nasa albay pa ako ay madalas namin gawin ito ng mga pinsan ko. Masay kaya yung ganito." aniya at kinidatan pa ako. Ngumiti naman ako.


"You nailed it man!" hiyaw ni Uno at nakipag high five pa kay Lucky. Peri hindi naman nakipag high five si Lucky at tiningnan lang ito ng nakataas ang kilay.

Nang makita iyon ni Uno ay binigyan niya ito ng gitnang daliri. Tapos ay nagtawanan sila.

"Ang sakit ng likod ko,"

Napalingon naman ako sa nag salita. Si Massi na ngayon ay nakahilata na sa lapag.

"You okay?" rinig kong tanong ni Asher.

Tumango naman si Massi habang nakapikit. Sa tingin ko ay masama talaga ang likod ni Massi. Para siyang nasasaktan talaga.

"Napasama yata yung bagsak mo kanina." sabi naman ni Nicole. "Gusto mo kiss ko?"

Mabilis akong napatingin kay Nicole dahil sa sinabi niya.

"Charot lang!" agad na bawi niya. "Pero oo nga, mukhang masama yung bagsak mo kanina." sabi nito at lumapit pa kay Massi. Hinaplos nito ang pisngi ng lalaki.

"Ano ba kasi nangyari?" curious na tanong ko.

"Sayang wala ka doon te," ani Arielle. "Yung naka number 1 jersey kasi ng Hanford kanina, biglang binangga si Massi," dagdag pa niya. "Bitter pa rin yata sayo yun," baling niya kay Massi.

Si Lucky naman ay sumali na rin sa usapan. "Nah. Ganun lang talaga mag laro si Vlad, pisikal talaga."

"Pero kahit pa, magi-imbound lang ng bola, kailangan sanggain pa si Massi?" si Nicole ulit.

Walang sumagot sa sinabi ni Nicole na yon kaya naramdaman ko talaga na parang sinadya ang pag tulak kay Massi.

Ano kayang trip naman nun.

"Bawi ako sa linggo brad, pasesnya na." ani Massi at inabot pa ang kamay ni Asher.

Si Asher naman ay umiling. Parang hindi tinatanggap ang pag hinye ng tawad ni Massi.

"Don't say that. Wala kang kasalanan." ani Asher "Besides, may chance pa tayo sa linggo. Just be healthy, and let's get that championship no matter what."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top