Page 31

Page 31
-

"Sa canteen ulit?" dismayadong sabi ni Nicole ng makita na ang daan na tinatahak namin ay papuntang cafiteria. Katatapos lang kasi ng klase namin at uwian na rin naman.

Sobrang naa-amaze talaga ako sa schedule ng Celstial. 8-5 palagi ang schedule ng pasok ng lahat. Ang galing lang, tapos nalaman ko rin na may night shift pala kaya ganon. Iisang klase lang daw yun. Bihira lang daw kasi magbigay ng scholarship ang Celestial, kung hindi ka genius, wala kang pag asa. Bigla kong naalala yung kalokohan ni Nicole noon. Nailing na lang ako.

"Oo. Libre ko kayo, masarap daw ang menu nila ngayon." nakangiting sabi ni Arielle.

"Sige na nga." ani Nicole at sumukbit pa sa braso ni Arielle.

Kagabi ay kanina pala nung pumunta si Kuya Reyven sa bahay pagkatapos ng yakapan nialng mag kapatid ay pinatuloy ko sila sa bahay at kinausap kami ni Kuya Reyven at nang hinye ng sorry. Medyo nagulat nga kami doon, kasama na si Arielle. Nagkatingin pa kaming tatlo ng sabihin ni kuya Reyven na..

"I want to say sorry to you girls. I should've not said what i said. Dapat pa nga ako mag pasalamat dahil isa kayo sa nag alaga sa kapatid ko noong wala pa ako."

Mukhang hindi naman pala ganon kasama itong si Kuya reyven. Siguro na- judge lang namin siya agad agad. Mabait naman si kuya Reyven.

Nang mapunta kami sa canteen ay nabigla ako ng wala akong makitang masyado na tao maliban sa mga sales staff at ang isang mag jowa doon na nakaupo sa white na table.

"Nasaan sila?" litong tanong ni Nicole at nauna pang pumasok para ilibot ang mata sa paligid.

"Uwian na ng lahat hindi ba?" dagdag na tanong ko rin.

"Oh!" biglang hiyaw ni Arielle na para bang may naalala at napa haplos pa ng noo niya. "May laro ang Celestial ngayon! remember, game 2 na ng finals."

"Ay oo nga!" si Nicole naman na pinalo pa ang buhok niya patalikod. "Wednesday nga pala today, so hindi tayo makakanood?"

"Why? We can still go there, wait- i'll call my driver-" si Arielle naman at nilabas na ang cellphone at naupo pa doon sa isa sa mga table doon.

"Ikaw?" baling sa akin ni Nicole. Medyo lumipad kasi ang isip ko.

"Huh?" baling ko naman sa kanya.

"Di'ba sabi mo may lakad ka mamaya? Ano oras iyon?" aniya at hinila ako paupo doon sa inupuan din ni Arielle.

Nilagay ko sa ibabaw ng lamesa ang aking black string na bag pack bago sumagot. "Maya pa mga 6 pm. After natin kumain, didiretso na ako sa gymnasium. Dun na lang ako mag hihintay."

May meeting kasi kami mamaya ng mga ka-groupmates ko. May team output lang na kailangan gawin. Mabuti nga at mabait si sir Orlean at pinayagan ako na hindi ulit mag duty ngayon. Naiintindihan niya. Ang kapalit naman nito ay bawas ang sweldo ko. Ganito ata talaga ang buhay, bawat bagay na gawin at hindi mo gawin may consequences lahat.

"Okay. Nakapag paalam ka na kay sir Orlean?" tanong niya.

"Oo. Sabi niya, okay daw."

"Dalawang ar-"

Natigil sa oag sasalita si Nicole ng humarap sa amin si Arielle. "Ano? Mag drive thru na lang tayo, para makahabol pa sa game? Di pa naman daw start dahil nag ot ang game for third place."

"May duty ako-" sabi ni Nicole.

Malawak na ngumiti si Arielle. At hinangin pa ang mahaba at kulot niyang buhok dahil sa pag ayos niya ng upo. "Ayun nga, pinagpaalam ko na kayo kay Sir Orlean, isa pa, wala naman daw masyadong tao ngayon sa shop dahil nga wala masyadong tao. So pwede kayo hindi muna pumasok."

"Talaga? Sige sama ako," si Nicole na malawak din ang ngiti.

"Ikaw?" baling na tanong sa akin ni Arielle.

Sasagot sana ako ngunit nauna nang mag salita si Nicole. "Ay hindi iyan makakasama 'te, may kailangan silang gawin e,"

"Huh?" dismayadong sabi ni Arielle.

Nginitian ko naman si Arielle. "Ano ka ba, ayos lang naman 'yon. May game 3 pa naman 'di ba? doon na lang ko sasama, sa sunday,"

"Unfortunately, 'di natin sigurado kung may game 3, remember, nanalo sila noong last sunday. Best of 3 lang."

"Oo nga pala no." napapikit pa ako ng makalimutan ko iyon. "Pero kasi, hindi ko rin naman pwedeng ipagpalit yung meeting namin mamaya, bukas na rin kasi ang deadline nun kaya kailangan talaga na gawin iyon mamaya."

"So paano 'yan.." nakangusong baling ni Arielle kay Nicole.

"Tayo na lang munang dalawa," sagot ni Nicole. "Hindi rin maman natin pwedeng pilitin si Hatti, mas importante ang school works."

Tumango ako bilang pag sang-ayon. "Malay mo mag champion na sila ngayon. Mas okay nga iyon diba? Kaya sige na, lakad na kayo ngayon para makaabot pa kayo." sabi ko at nauna ng tumayo.

Sumunod naman silang dalawa at lumarga na. Ako naman ay naiwan pa sa cafiteria at bumili lang ng chocolate bar para makain ko mamaya habang nag gagawa ng output at bumili rin ako ng egg- sandwich para kainin ngayong meryenda.

Habang naglalakad papuntang gymnasium ay kinakain ko ang sandwich na binili ko. Ang sarap nga ng oakiramdam ko ngayon, ang sarap ng simoy ng hangin, wala masyadong tao ngayon, as in. Parang naroon yata sila lahat sa moa at nanonood ng game. May iilan na tao na makikita ngunit mga busy naman kaharap ang laptop nila.

Ang tahimik ng paligid. Nakaka- kilig.

Ganito ang pangarap kong kapaligiran. Malinis, tahimik at kalmado.

Peaceful.

Pagdating ko ng gymnasium ay pansin ko na wala halos tao. Maliban sa dalawang nag aayos ng net noon, at nang lumingon ako sa bench ay agad kong nakita ang isa sa mga kagrupo ko. Si Antonia. Nakaupo doon sa isa sa mga bench, at kaharap ang laptop niya na nakapatong sa kanyang hita. Mukha talaga siyang foreigner. Medyo nagtaka pa nga ako, naka trouser na siya na black at white sleeveless top habang may suot pa na id lace namin, bumagay ang damit niya ngayon sa morena niyang kulay. Tapos ang kanyang medyo magulo rin na buhok dahil sa pagkakatali nito na parang mabilisan. Maikli lang ang buhok, ito yata yung pixie cut na tinatawag.

Sa totoo lang, hindi ko pa nakakausap si Antonia. Palagi kasing tahimik ito at wala rin siyang kasama palagi. Pirmi kasing nakataas ang kilay, pag tinignan ka, aakalain mo sa sarili mo na may ginawa kang mali sa kanya. Hindi ko masabi kung mabait ba o hindi. At pansin ko rin naman na wala rin kumakausap sa kanya.

Pero... since kami pa lang naman ang narito, hindi naman siguro masama kung kakausapin ko siya diba? Magha- hi lang ako.

"Hi," bati ko sa kanya at umupo sa tabi niya. Nilabas ko naman ang laptop na pindala ni ate noon.

Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago isinara ang kanyang laptop at balingan ako ulit. May inabot siya sa akin na folder, tinanggap ko iyon at lito siyang tinignan.

"Ano 'to?"

"Our output." simpleng sagot niya at sumimsim sa kanyang iced coffee.

"Huh?" lito ko pa ring tanong. "Out put natin?"

"Yeah." sagot niya na parang wala lang. "Tinapos ko na kanina. Na- bored kasi ako habang naghihintay ng oras sa library."

Muli kong tinignan ang folder na hawak ko. "Pero.. Antonia, dapat tulungan tayo dib-"

"If you are worried about our grade, don't, okay? Kasama ka naman diyan."

"Pero diba dapat-"

"So?" taas na kilay na baling niya sa akin. "So, ayaw mo? Pwede mo namang ulit kung gusto mo,"

Umiling ako. "Hindi. ahm.. hindi naman sa ganon-" sabi ko at binuklat ulit ang folder at natigil ng may mapansin. Tatlo kami sa grupo pero kaming dalawa lang ang may pangalan dito sa output. "Dalawa lang tayo?"

Tumango siya. "Yeah. Dalawa lang tayo dito e."

"Pero paano si Sarah? baka magalit 'yon kapag nalaman niya na hindi natin siya isinali d-"

"As if im scared." aniya at umirap pa. "Kapag nagalit siya bukas, sabihin mo ako ang nag pasa ng output natin." aniya. "Doon siya mag ask ng grade sa moa, besides doon naman niya pinili mag punta."

Sa lahat ng nasabi niya ay nakatingin lang ako sa mganda niyang mukha.

"What?" aniya at nalukot pa konti ang mukha.

Umiling ako. "Wala. Na-amaze lang ako sa mukha mo. Ang ganda mo."

Kung kanina ay matapang ang mukha niya, ngayon naman ay bahagya siyang umatras. Palihim akong nangiti. Nahiya siya sa sinabi ko.

Sumimsim ulit siya sa iced coffee niya at tumingin sa nag aayos ng net.

Nakatitig lang ako sa maganda niyang side profile. Nahiya nga talaga siya. Well, kung sina Arielle lang sana ito ay aasarin ko pa lalo, kaso lang ngayon lang kami nag usap nitong si Antonia, baka kapag biniro ko pa siya ay ibuhos niya sa akin ang iced coffee na iniinom niya kaya titigilan ko na.

"So ano nang gagawin natin ngayon?" tanong ko ilang sandali ng katahimikan.

Liningon naman niya ako at ibinaba na ang hawak niyang cup na iced coffee.

"Wala naman na tayong gagawin ginawa mo na." sabi ko pa.

"Ewan?" tanong niya rin.

"If you don't mind me asking, ang galing mo kasing managalog, eh, mukha kang foreigner t-"

"I am pure filipina." sagot niya agad sa tanong ko.

Ngumiti na lang ako sa kanya.

"May lakad ka ba ngayon?" tanong naman niya sa akin.

Umiling ako. "Wala na. May work sana ako ngayon pero nakapag paalam na kasi ako na hindi muna papasok. Bakit mo naitanong?"

"Ah, so wala ka na rin gagawin? Dito na lang muna tayo tambay 5:16 pa lang naman, may laro ang Moon spikers ngayon, nood tayo." aniya.

"Moon spikers?" ulit ko sa sinabi niya. Ngayon ko lang kasi narinig iyon.

"Yeah." aniya at lumingon doon sa may gilid kaya napatingin din ako doon.

May mga kumpol ng lalaki doon na naka black and gold na jersey at nag hahagisan ng bola. Volleyball?

"Celestials moon spikers ang tawag sa volleyball mens team." sagot niya.

Napatango ako. Well, mahilig ako manood ng basketball at volleyball sa tv. At madalas, puro babaeng players ang napapanood ko pag dating sa volleyball. Sa totoo lang wala akong hilig sa Men's volleyball, hindi ko din alam, siguro one of the reasons kasi ay hindi naman sila mainstream? Usually women's volleyball ang nasa tv. Ewan ko, siguro limited lang talaga ang alam ko when it comes to volleyball.

"Let me guess.." ani Antonia napansin niya yatang wala akong interes. "'Di ka interesado sa volleyball?"

"Interesado naman kaso lang-"

"Oh. I knew it." aniya na parang nabasa na ang nasa utak ko. "Well, di naman kita masisi, kakaunti lang talaga ang may interes sa men's volley. Don't worry, i understand."

"Ikaw mahilig ka?" tanong ko din.

"Yes." mabilis na sagot niya. Hinawakan niya ako sa braso. "Huwag ka munang umalis, try mo lang munang panoorin sila."

Tinignan ko ang mga lalaki na nasa loob ng box line. Nag hahanda na rin ang mga magiging referee nila, mag start na yata ang game.

"Sige." sabi ko.

"Good. Let's go lipat ng pwesto para mas mapanood natin."

Yakap ni Antonia ang laptop niya at nasa kabilang kamay naman ang iced coffee niya habang umskyat kami sa iilang baitang ng bleachers, nasa may gitnang tuktok ang napili niyang pwesto kaya sumunod lang ako. Maganda naman ang view, kita naman both teams. Nag buzzer na nga kanina at nag start na agad ang game.

Tunog palang ng bola kapag hinahampas nila ay nakaka-kaba na. Jusko, ang tining, ang lakas.

"Magaling 'yan sila.." patuloy na kwento sa akin ni Antonia. "Tapos magaling yung number 1 diyan, si Andal.."

"Pero parang magaling din yung number 4," sabi ko mapansin na nakakailang puntos na ito.

Alcovendas. Ang apelyido.

"Sus," komento ni Antonia kaya napatingin ako sa kanya.

"Basher yan?"

"Nope. Cousin ko." sagot niya kaya natango ako.

"Magaling ang pinsan mo," komento ko.

"Oo na nga," aniya at tumigil na rin ako at nag concentrate na lang sa panonood.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top