Page 27
-
Alas dose ng matapos ang klase namin at mamaya ay babalik naman kami ukit para sa aming pang huling klase sa araw na ito.
Pero ngayon ay tapos na ang klase ko, dahil amgkaiba kasi kami ng major nila Arielle at Nicole, kaya mas konti ang subjects ko. Kaya ngayon ay papunta na ako sa coffee shop para mag duty. At si Nicole naman ay mamaya pang 3 pm. 4hrs lang ang magiging duty ngayon ni Nicole ako naman ay makukumpleto ang 6 hrs.
At dahil nga hindi ko kasama sina Arielle ay mag isa ako ngayon na naglalakad. Dahil nga tanghalian na rin ay bumili na lang ako ng isang slice ng pizza sa aming cafeteria at isang bote ng nagye- yelo na coke. Pampa tanggal ng hang over dahil nararamdaman ko na ang epekto ng pag inom namin kagabi. Nahihilo na ako. At yun nga ang kinain ko habang nag lalakad papuntang shop.
Minsan pala masarap din yung mag isa ano? Ang calming lang, lalo ngayon naiisip ko yun dahil naglalakad ako mag isa at tahimik pa sa paligid. Pakiramdam ko tuloy, ako lang ang mag isa sa buong kalye na 'to. Kahit pa may nakikita akong ibang naglalakad ay ayos lang. Nakakatuwa nga, kahit tanghaling tapat ngayon ay hindi ako masyadong naiinitan, salamat sa mga puno na nakahilera at nag sisilbing payong ko habang nag lalakad. Ang kagandahan nga naman ng maraming puno sa paligid.
Saktong 12:45 ay nakarating ako sa shop. At tulad pa rin ng dati, kapag lunch break, maraming students ang nakatambay galing sa mga katabing university.
"Oh. Mabuti naman at naandito ka na, Hatti. May back up na." salubong na sabi sa akin ni Jelo, yung isa sa mga waiter din na tulad ko. May dala pa nga itong tray na puno ng iced cofee. Nginitian ko siya pagtapos ay nakapagtime in na din. Dumiretso na ako sa locker room para na rin makapag bihis.
"Hatti, may bagong dating, table 7." Ani sa akin ng kasamahan ko.
"Okay." sabi ko at naglakad na palabas ng kitchen habang inaayos ang aking cap.
Agad akong dumiretso sa nasabing table. Mayroon nga tatlong lalaki na estudyante.
"Good day sir," bati ko sa kanila. "Are you ready to order po?"
Nginitian nung isa sa estudyante, yung chinito.
"Yes. Ahm, can we get a whole pie of Orea cake?"
Tumango naman ako at ngumiti. Tsaka isinulat iyon sa aking maliit na notebook na dala.
"Yes po."
"And.. have to have 5 frappe. 30 percent sugar, thats all. Thank you."
"Lahat po ng frappe, 30 percent ang sugar?" paglilinaw ko. Dahil dito kasi ay may hanggang 50 % ang sugar. Pinaka high na ang 50.
"Yes miss. Thank you." sagot naman nung isa pa nitong kasama.
"Alright sir's. Your order are 1 whole pie of Orea cake and 5 cups of frappe that has 30 percent of sugar."
"Yes. Thank you."
Mabilis kong ibinigay iyon sa cashier na nakaduty ngayon. Tsaka bumalik ako ulit sa labas para kumuha pa ng iba pang order.
Madami ngang tao, humupa lang iyon ng mag alas dos na. At yun na rin ang time na breaktime ko. Fifteen minutes lang naman iyon. Agad akong naupo sa aming locker room.
Ang tahimik. Kapag ganito pa naman na tahimik ay naaalala ko si mama ko. Pilit kong huwag ng isipin iyon baka kasi maisip din ako ni mama tapos mag alala siya. Ganoon daw yun kasi sabi ng mga matatanda.
"Behatti, pinapatawag ka ni sir sa office niya." sabi ng isa sa mga kasamahan ko.
"Sige. Pupunta na ako." ngiti ko sa kasamahan ko.
Mabilis kong tinago ang cellphone ko sa locker at dumiretso na nga sa office. Habang papunta sa office ay iniisip ko kung bakit naman kaya ako pinatawag?
Pero agad kong naalala na hindi nga pala kami nakapag pirma kanina ni Nicole. Dito kasi sa part time namin, every last day of the month kasi kailangan namin pumirma sa red na notebook kay sir Orlean. Ewan ko kung para saam iyon pero ang sabi lang sa amin ay para lang iyon masiguro na nagtatrabaho pa rin kami dito sa shop, like, buwanan na time- in.
Maybe dahil doon kaya ako piantawag?
Tatlong beses muna akong kumatok bago pumasok.
"Goodmorning p-" nabitin ang pag bati ko ng makita kung sino ang prenteng nakaupo doon sa swivel chair.
Si..
"Take a sit Miss Behatti." sabi ni Asher ilang sandali matapos makipag titigan sa akin.
Bakit parang gusto ng mga paa ko tumakbo? Pero hindi. Bakit naman ako tatakbo? Kaya kahit kinakabahan at mabigat ang mga paa ay umupo ako sa harap ng upuan na nasa harap niya.
Halatang kagagaling niya lang din ng school. Suot pa niya ang uniform namin e. Ang uniform nilang parang suit na din pero kulay black at sa dulo ng cuff nun ay may gold din na part doon. Habang ang pang loob naman ay kulay puti at ang neck tie naman ay kulay gold.
"Alam mo ba kung bakit kita pinatawag dito?" tanong niya pagtapos ilapag ang mga papel na hawak niya.
Umiling naman ako. "Hindi...po."
Tumango naman siya at tamad na tiningnan ako bago sumandal sa upuan niya. "Well.. same here."
"Huh?" pagtataka ko sa narinig.
"Nothing." iling niya. "I just want to ask something.."
Hindi ako sumagot o nag salita.
"Do you have a boyfriend?" aniya. At lalong nanlaki ang mata ko dahil don.
"Ha? Kasama ba sa trabaho 'yan?" di napigilang tanong ko.
Umiling siya habang hindi ako nilulubayan ng tingin. "No. That's why i ask that question while you're on a break."
"Bakit? Para mandiri sa akin kung sakaling amy boyfriend nga ako?" taas na kiaky na sabi ko. Dahil hindi ko pa rin nakakalimutan ang hitsura niya joong umalis siya sa bahay na para bang diring-diri.
"Wait-what? Anong mandiri?" kunot noo din na balik tanong niya.
"Ikaw!" hiyaw ko sa kanya. "Diba nandidiri ka sa bahay na meron ako? Kaya nga nagmamadali ka noong nandoon ka-"
"Ofcourse not!" hiyaw niya din. Pinanlakihan ko nga ng mata. "I mean no.. no, hindi ako nandidiri sa house niyo-"
"Liar mo Asher!" ani ko. "Ano pa bang rason? Eh nandidi-"
"Hindi nga."
"So bakit ka umalis?"
"Beacause of that guy you called Clyde. Is he your boyfriend?"
"Huh? Hindi no!"
"Good!" aniya at bigla siyang nag iba nang mood. Para siyang baliw na ngumisi. "You can back to work now."
"Huh?" lito ko pa rin na tanong dahil hindi ko pa rin magets kung anong trip nitong lalaki na 'to. "Nababaliw ka na ba?"
"Di pa." sagot niya at tumayo na.
Pinanood ko lang siya ng mag tungo siya sa may pinto. "Tapos na ang breaktime, Behatti. Back to work." aniya tapos ay walang paalam na umalis.
Ilang minuto pa akong natulala sa office na iyon kakaisip kung ano ba ang nangyari doon sa lalaki iyon, ano bang trip niya?
Kung ano ano na lang nasasabi..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top