Page 25
"Muntik na yun no?" ani Arielle habang palabas na kami ng arena.
"Super akala ko nga matatalo pa sila!" sagot naman ni Nichole.
Hindi ako nag salita at nakinig lang sa usapan nilang dalawa. Kanina habang naglalaro sila ay kinakabahan talaga ako. Para kasing may kanya kanyang mundo ang bawat manlalaro ng Celestial ngayon. Lalo na si Uno, Massi at Asher. Nag lalaro sila kanina na para bang wala silang ka team mate. Kapag nahawakan na nilang tatlo ang nola ay hidni na ito napapaikot pa dahil agad nila iyon ibinabato sa ring.
Kanina nga ay ngkaroon pa ng komusyon sa pagitan ni Uno at Dem at pagitan din ni Dem at Massi. Kaya siguro anging iba din ang timpla ng Celestial ay dahil na rin sa pang aasar ni Dem. Napansin ko iyon kanina, palagi siyang may sinasabi kina Uno at Massi. Na technical foul na nga siya dahil dito pero hindi naman siya tumigil sa pang aasar sa dalawa. Hidni ko ala kung paano niya nagwa iyon samantalang ang kalamado naman ni Massi. Siguro hidni talaga maganda ang sinabi niya kay Massi para mag react ito ng ganon.
Pero mabuti na lang at agad na naagapan ang nangyayari sa kanila dahil kina Lucky ay Scott. Nakita ko kung paano nila hindi binigyan ng pagkakataon si Dem na maka- score na sa buong 3rd quarter ay naka 2 points lang ito. At pinaulanan din ni Lucky at Scott ng 3 points ang buong 3 rd quarter. Kaya aiguro kahit na medyo nag kalat ang celestial sa 4rth quarter ay nanalo pa rin sila.
"Wait tawagan ko lang si Kuya Rom." ani Arielle nung nakalabas na kami. Nandito na rin kami sa gilid
"Uy bakla, daan tayo ng drive thru ah, nagugutom na me."
Tumangos i Nichole. "Okay."
Sabay sabay kaming napalingon ng mag ingay ang mga fans na naroon, anglakas ng mga tilian.
Lumabas na rin kasi ang players nauna ang Hanford. Lahat sila tahimik at dire-diretso na sumakay sa kanya- kanyang shuttle. Lahat naka earphone. Seryoso ang mukha. Ang iba naman ay naka cellphone, ang napansin ko nga si Dem at yung number 7 kanina na si Lee lang ang nagtatawanan. Parang wala lang sa kanila yung pagkatalo kanina.
Well.. dapat naman talaga ang mentality ng athlete, ang tapos ay tapos na. Tapos bawi na lang next game.
Pero..
"Ayan na ata yung Celestial, nakalabas na yung Hanford e." ani Nichole at sumisilip- silip pa.
"..yes po, nandito na kami.."
"Tignan mo ah, Ayan na sila Lucky." si Nichole. "Lucky!"
"Huy!" halos sabay na pigil namin si Arielle sa kanya. Paano ba naman, sumigaw pa!
"Mga pagod na iyan!" dagdag pa ni Arielle at hinawakan pa si Nicole sa braso dahil muli itong sumigaw.
"Lucky!"
Agd naman itong lumingon sa pwesto naman.
Napansin ko pa nga na dire-diretso ang pagpasok ng mga players sa shuttle. Walang lingon lingon bukod kay Lucky na naglalakad na papalapit sa amin.
Maging si Scott nga ay nasa gilid lang ni Massi, may pinag uusapan yata silang seryoso. Si Uno at Asher naman ay kasama ang kanilang Coach na sumakay.
"Hi!" bati ni Lucky ng makalapit. Pasimple pa nga itong kumindat.
"Congrats!" bati ko sa kanya.
Mahina niya akong tinapik sa balikat habang inilalagay ang kanyang earphone sa case nito. "Thanks, Hatti."
"Nako, kanina muntik na kayo matalo! 2 points lang ang lamang, anyare ba?" dire-diretsong tanong ni Nicole. Habang si Arielle ay lumayo dahil may kausap pa rin sa phone.
As usual, nakangiting umiling si Lucky. "Wala naman. Talagang medyo kinapos lang talaga kami kanina. Uuwi na ba kayo?"
Tumango ako.
"Oo. Pero si Arielle sa kanila Hatti matutulog, dahil mag sleep over kami tapos kwentuhan ganon." si Nicole at nilingon si Arielle sa likod. "Ano te, wala pa si kuya Rom?"
"Ayan na daw siya.." aniya at wala ngang ilang segundo ay may kotse na sa harap namin.
"Really? Alright, then enjoy girls!" ani Lucky. "I gotta go now, Nicole, Hatti and Arielle!"
"Okay sige, pahinga ka na rin ha!" sabi ko pa.
Hindi ko maintindihan kung bakit agad na nanliit ang mga mata niya sa akin. "Was that for me? or for..."
Agad ko siyang hinampas sa braso. "Ma- issue ka ano?"
"Why? Did i say anything? Wala naman," depensa niya.
"True!" sabat naman ni Nicole na kinakampihan pa si Lucky. "Wala namang name na nabanggit, guilty yan? Aish!" aniya at na ala korean pa sa huki niyang sinabi.
"Ewan!" sabi ko at sumunod na kay Arielle na kanina pa nasa sasakyan. Bago ko nga isarado ang pinto ng kotse ay nakita ko pang nag up-here ang dalawa, ku! Nako talaga, basta kalokohan tuwang tuwa si Nicole.
Agad akong napahinto ng pagkatingin ko kay Arielle nahuli ko pa itong nakatingin sa labas, kina Nicole at Lucky.
Tinapik ko siya. "Huy, napano ka diyan?" tanong ko.
"Wala naman." agad na iling niya at bumalik sa pagkalikot ng cellphone niya. Ako bilang ako, hindi ako agad naniwala. Parang may napi-feel akong hindi tama.
"Teka nga, napapansin ko lang ah.." panimula ko.
Nakasimangot siyang liningon ako. O, loko.
"..bakit parang lagi kang iwas kay Lucky? Ano meron be?"
"Ano?!"0 hiyaw na ikinagulat ko pati na rin si Kuya Rom, nag salubong pa nga ang mga mata namin sa salamin sa ibabaw.
"Te, pwede kalma ka?" natatawang sabi ko. "Masyado kang obvious, wala pa naman akong tinatanong."
"Eh, syempre, kilala na kita! Kaya alam ko na ang iniisip mo!" aniya at inirapan pa ako.
Halos gusto ko ng humalkahak dahil sa nakikita kong reaksyon niya. Lalo pa ngayon na halatang- halata ang pamumula niya kahit pa medyo madilim dito sa loob ng kotse niya.
"Ano.. ahmm.. Iniisip mo na ano.. na may crush ako aky Lucky, wala no!" halos kagatin ko na ang dila ko paea lang mapigil ang tawa ko dahil nga sa sobrang pamumula niya lalo na nung binanggit niya ang pangalan ni Lucky.
"Oh, edi wala! Bakit nasigaw?"
"Ewan ko sayo, Hatti. Bakit ba ang tagal ni Nicole?"
"Oo na po ma'am!" ani ko at sinigawan na si Nicole sa labas ng kotse. "Nicole! Halika na daw dito, aalis na! Nagagalit na si Madam Arielle-aray!" napahalakhak na lang ako ng kurutin ako ni Arielle sa beywang.
"Nakakainis ka naman e!" nakasiamangot na sabi niya habang nagpapadyak pa.
"Ito naman, makasigaw akala mo hindi tayo makakauwi!" si Nicole pagkasara niya ng ointo ng kotse. Doon siya sumakay sa passenger seat sa harap. "Excited?"
Umiling ako. "Nako, kung alam mo lang!" kindat ko kay Nicole. "Chika ko sayo later!"
"Hatti!"
Bumaba kami sa tapat ng street nila Nicole, dahil gusto na kausapin ang pamilya niya. Ilang buwan na rin naman kasi mula noong pinalayas siya ng mga ito. At naiintindihan ko si Nicole dahil miski ako, sobrang namimiss ko na rin si mama.
Medyo madilim na rin dito sa compound nila Nicole, tanging iisang ilaw lang ang gumagana. Tahimik na kaming naglalakad, mag kasunod silang dalawa habang ako ay nasa likod at hawak ang cellphone habang nakabukas ang flashlight.
"Shutaness, kinakabahan ako!" si Nicole at tumigil pa sa gitna ng daan at nagtata-talon.
Ngunit agad napasigaw si Arielle ng natalsikan ito ng tubig, paano naman kasi, nagta-talon si Nicole doon pa sa may tabi ng drum na blue, e may basa doon. Mabuti na lang at nasa may bandang likod ako kaya hindi ako nadamay.
"Huy, ano ba?!" si Arielle na nanlalaki pa ang mata. Hindi nga nito napigilan mapalo sa braso si Nicole habang maarteng pinupunasan ang basa sa binti.
"Aray ko naman, Yelle! Kinakabahan nga ako!"
"Eh, bakit kasi kinakabahan ka kang kailangan pang tumalon?!"
"Eh sa kinakabahan nga ako e!"
Napailing na lang ako sa dalawang ito. "Ano? Mag aaway na lang kayo, huwag na tayong tumuloy?" pigil na hiyaw ko dahil madilim na nga baka batuhin na lang kami ng kung sino dito.
Agad akong nilingon ni Nicole. "Eh kasi naman kinakabahan ako te! Bukas na lang kaya?"
Agad na sumagot si Arielle. "Eh kung sinasakal kita? Kung kailan nadumihan na ako tsaka mo pa naisipan umatras!"
"Bakit ang init yata ng ulo mo te?" di mapigilang tanong ko.
"Eh kasi crush niya yata si Lucky- aray!" si Nicole na pinalo ulit ng nakasimagot na Arielle. "Bakit ba? binibiro ka lang e!" ani nito at inakbayan na lang si Arielle habang natatawa pa.
"Dalian na lang kasi natin, baka mamaya mas uminit pa ulo ni Arielle." ani ko t sumingit sa akbayan nilang dalawa.
Hindi ko alam natatawa talaga ako sa aming tatlo. Pero ilang sandali lang naman ay nasa tapat na kami ng bahay nila Nicole.
"Sige, kaya mo 'yan." ngiti ko kay Nicole ng nasa tapat na kami ng gate ng bahay nila.
Tumango naman ito kahit kinakabahan. "Ma... Ate...." tawag nito.
"Tingin mo, pababalikin siya? Tingin ko hindi." bulong ni Arielle sa akin habang nakalingkis sa akin. "Sa ugali ng ate ni Nicole, mukhang malabo talaga." iling pa niya.
"Maa.."
Bumuntomg hininga na lang ako. Dahil sa totoo lang parehas kami ng palagay ni Arielle. Mukhang malabo talaga. Hindi naman sa nagdiya-judge kami, pero kasi, noon pa man na nakilala namin si Nicole at ang pamilya niya ay alam na namin na iba talaga ang trato nila kay Nicole. Palagi na lang pinapaboran ng mama niya ang ate niya kahit nga may mali na ito ay ito pa rin ang kinakampihan.
"Tingin mo?" lingon ko kay Arielle habang katabi namin ang mga halaman ni Aling Diyosa. Tumingin din ito sa akin tsaka tumango ng dahan- dahan. "Ako din, pero sana naman pabalikin na siya-"
"Oh? Ikaw pala.."
Agad kaming napaayos ng tayo ni Arielle ng bumungad ang ate ni Nicole sa pinto. Naka tshirt na puti at pajama na pula. Nakasimangot na agad.
Kumapit din si Nicole sa kulay itim na gate nila. "Ate Iyana.. nasaan si mama?"
Naaawa naman ako sa hitsura ni Nicole ngayon. Parang gusto na niyang talunin yung gate nila at yakapin ang ate niya.
Pero talaga yatang wala ng pakielam sa kanya ang pamilya niya.
"Ma! Tawag ka ng ampon mo oh?!" sigaw nito sa loob ng bahay bago lumapit sa may gate habang natatawa.
"Ate naman.."
Pagtapos ng sigaw ng ate niya ay hindi naman nag tagal ay lumabas na rin ang kanina pa na hinahanap ni Nicole.
Ang mama niya.
Umiiling pa nga ito at galit ang mukha ng makita si Nicole.
"Ma.. i miss you-"
"Ma? Tintawag mo akong mama? Anak ba kita?" sabi ng mama niya at hinila na ang ate niya papasok ng bahay. "Umalis ka na dito, bumalik ka na doon sa lalaki mo-"
Umiling si Nicole. "Ma, hindi. Sa kanila Hatti po ako nakatira-"
"Oh? Tama 'yan, mag sama kayo tutal parehas naman kayong malandi!" hiyaw ng ate niya.
Agad akong tinapik ni Arielle sa braso. Pampakalma. Dati pa naman ay galit na ang kapatid niya sa amin ni Arielle.
"Ate naman! Ano ba 'yang sinasabi mo?"
"Wala naman." ani nito at nabigla na lang kami ng may bumuhos na malamig na tubig sa harapan namin. At basang basa na si Nicole..
Agad kaming napatakbo kay Nicole.
"Te, halika na.. tama na 'yan." hila namin sa kanya.
"Oh, ayan na pala ang mga kaibigan mo!" sabi nito ng makita kami na hawak ang kapatid niya. "Tama 'yan! Magsama-sama kayong mga walang mararating sa buhay! Mga ambisyosa!"
Hindi na ako nakapag pigil at nasagot na rin. "Mas okay ng ambisyosa kaysa Inggitera ka!"
Nanlaki ng mata ng mama ni Nicole. "Aba, hoy! Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang anak ko!"
Sasagotin ko pa sana kaya lang ay hinila na ako ni Arielle. "Halika na, huwag mo ng patulan!"
At ayun nga, failed ang nangyari! Mabuti na lamang at kasama namin si Arielle, kung hindi baka nandoon pa rin kami at nakikipag sagutan sa mag ina na iyon.
Grabe sila!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top