Page 23
Maayos na kaming nakaupo tatlo sa mga pwesto namin. Kasi naman, nung makapasok kami ay dumiretso kami sa ibang lagusan na hindi ko na alam. Panay lang kasing sunod kay Arielle kung san man siya amg susuot. Magkakahawak kamay kaming tatlo nila Nichole. Kaya nga hindi ko na rin alam kung paano kami nakarating sa kinauupuan namin. Isa pa, first time ko rin dito sa moa. Madalas kasi ay hanggang novamall lang ako.
Basta ang pwesto ay malapit lang. Kitang kita namin ang magiging laro. Hindi ko na kasi alam kung pang ilang row kami, basta nasa kabilang pwesto kami ng bench ng mga players. Magandang pwesto ito. Narinig ko, Vip seats daw ito.
At ngayon nga ay tinatawag na ang both teams pero hindi naman namin maintindihan dahil puro hiyawan lang ang naririnig ko. Puro bunganga naririnig ko. Iba't ibang tao na ito e. Ewan ko, hindi ko alam kung puro pa rin ba ito taga celestial o tiga Hanford, yung kalaban ng celestial ngayon. Ewan ko ba. Dumadagundong nga itong moa e.
Hindi ko na rin marinig kung sino na ba ang tinatawag nila. Nakaka bingi.
Mabilis kong kinuha ang kulay blue na bucket hat ko sa aking maliit na sling bag at sinuot iyon. Nakita ko pa ngang nagse-cellphone ang dalawa, panay nialng kinukuhanan ng litrato yung paligid.
Hindi ko nga alam kung anong anngyari pero bigla na lang kumalma yung crowd. Agad nga akong napalingon sa likod, dahil nakakabigla na kumalma sila. Lahat sula tulala sa kung saan, kaya sinundan ko kung saan sila nakatingin.
Sa court.
Nasa gitna na ang mga palyers, at nasa kanya kanya ng mga pwesto. Lahat sila ay seryoso.. Mariin silang nakatingin sa dalawang matangkad na lalaki na pinagigitnaan ng bola na hawak ng referee.
Si Asher yung isa.. nakasuot ng kulay gold na Jersey at yung isa naman na seryoso rin ang mukha at base sa jersey niyang kulay puti ay siya si Astrolavio jersey number 1.
Kahit hindi mo alam kung ano ang nangyayari, ngunit habang nakatingin ka lang sa kanilang dalawa ay mararamdaman mo rin ang tensyon. Kaya pala nanahimik ang crowd. Ang intense nilang dalawa.
"Bakit? May something ba?" narinig kong tanong ni Nichole kay Arielle kaya napatingin din ako kay Arielle at nag hintay ng sagot. Nasa gitna kasi namin si Arielle dalawa.
Nagkibit balikat si Arielle. "Ewan. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero.. Kilala ko yung number 1." ani Arielle.
"Sino siya?" hindi makapag hintay na tanong ko.
"Im not sure.. But i think siya si Vladimirr Astrolavio or Dem for short." ani Arielle. Parehas lang kaming nakikinig ni Nichole sa kwento niya. "And i think siya yung guy na umalis sa Celestial dahil sa issue na hindi ko alam. And also.. i think huh.. Di ko sure, pero siya ata yung pinalitan ni Massi."
"Talaga?" si Nicole. "So ibig sabihin proxi lang talaga si Massi? Ibig sabihin saling kitkit?"
"Ewan.. Pero hindi naman siguro dahil may talemt naman si Massi." sagot ni Arielle.
Nabaling ang tingin ko ng biglang humalakhak si Nicole. "Sabi na e! Pa epal lang 'yan si Massi diyan! Dapat nag kargador na lang siya sa palengke O dun na lang dapat siya sa La doña. Hindi naman kasi mgaling mag basketbal masiyadong ambisyoso. Kargador dapat hindi basketball player."
"Nicole!" di makapag pigil na sigaw ko sa kanya. "Ano ba 'yang sinasabi mo? Naririnig mo ba sinasabi mo?"
"True. Sobra na 'yan ah.." dagdag ni Arielle.
Hindi pa rin makapaniwalang tinignan ko siya. "Kaibigan kita bakla, pero sobra naman ata yung pagda- down mo kay Massi, sino ka Nicole.. no one as in NO ONE ever has the right to tell someone that their dream is not for them."
"Oo nga. Isa pa, wala naman akong nakikitang masama kung naging panakip butas lang siya sa kawalan ni Dem. At hindi din naman naging madali ang pagpili ng Celestial, dumaan si Massi sa butas ng karayom para lang makapasok sa celestial team."
Kunoot pa rin ang noo ay hinarap ko si Nicole. "May problema ka ba sa kay Massi?"
Nakita ko kung paano siya humugot ng hangin. "Sorry.. hindi naman yun yung ibig kong sabihin. Pasensya na." aniya at mababakas din sa mukha niya ang guilt dahil sa nasabi niya.
Tumango ako at nginitian siya.
"Forgiven bakla." ani Arielle na may kasamang hug. "Basta huwag ng uulitin ah. Love you."
"Thank you." ani nito.
Wala naman sigurong perpektong pagkakaibigan diba? Like kaming tatlo, alam naman namin na minsan ay may pagka pasmado ang bibig ng bawat isa, pero kaya nga nandito din kami para itama ang isa't isa. May kanya kanyang flaws at kapintasan pero mananatiling magkakaibigan. Ito rin naman ang gusto ko sa amin tatlo, hindi kami takot mag sabi ng mali ng bawat isa. At walang samaan ng loob pag naitama.
"Pero balik tayo, bakit ba siya umalis?" tanong ni Nicole.
"Ewan. Issue yun between the players lang kaya hindi ko knows."
"Maybe 'bout girls?" dagdag ni Nicole. "Usually naman ganon diba?"
Hanggang ngayon ay hindi pa din nag starta ng games. Nag sasalita pa kasi yung referee. Maybe ng mga instructions.
"Girls?" sali ko sa usapan nila. "Sa mga mukhang ganyan? I mean.. tingin ko hindi.. personal issue siguro."
"Tingin mo?" tanong ni Nicole.
Tymango ako. "O-"
"Sus! May mga alagad pala si Aling baby dito di ko napansin.."
Halos sabay kaming napatingin kay Arielle ng marinig iyon.
"Ah talaga?" si Nicole at pabirong kinurot ang tagiliran ni Arielle. Humalakhak naman si Arielle.
"Kasi naman ang daldal nin- oh, ayan na jumpball na!"
Lahat kami ay natahimik ay nanoood lang nang mag umpisa ang laban. Si Asher ang naka tap ng bola at mabilis naman ang galaw ni Lucky at Massi upang makuha ito, at hindi naman sila nabigo dahil agad na nakuha ni Massi ang bola at sabay sabay na tumakbo ang Celestians sa kanilang court ring.
Nang makapag settle na ang lahat ng Celestians ay huminto si Massi at may simpleng sinenyas sa kanyang mga kakampi.
Ibang-iba ang aura na meron ang bawat manlalaro ngayon.. Nung napanood ko ang Celestial vs. Phoenix ay iba na ang level nun, pero ngayon na kalaban nila Hanford ay ibang klase naman ng level, yun bang nakalagay na sa mga noo nila na mananalo sila. Alam mong hindi papayag ang isa't- isa sa magpatalo. Iba din ang awra nila ngayon. Lalo na si Lucky, kilala ko si Lucky na panay ang ngiti tuwing may laro. Nakangiti naman siya ngayon habang nag didriboll ngunit ang ngiti niya ay ibang klase, mapang- asar. Yung ngisi na may binabalak.. At isa pa.. Kadalasan ang airband niya ay kulay gray. Pero ngayon ang nakalagay sa ulo niya ay kulay puti na may maliit na itim na check sa gilid. Nakita ko iyon dahil pinokus siya sa led. Sa kanya kasi ipinasa ni Massi ang bola sabay bumaba si Massi sa ilalim at nakipag bantayan sa number 8 ng kalaban. Sobrang higpit ng bantayan nila. At si Luis ay nakikipag sayaw sa bantay niya. Masyadong ambilis ang pangyayari kaya hidni ko na alng din namalayan na ipinasa na ni Lucky ang bola kay Asher at agad na tumalon para sa isang dunk!
At kasabay nga ng hiyawan ay pito ng referee.
Celeatians ang unang nakabutas.
Dahil sa pagtalon si Asher ay sumabay ang number #1 jersey at nagkaroon nga ito ng foul.
Kaya nagkaroon ng 2 points ang celestians at may kasama pang isang free throw.
Nakita ko kung paano tinapik ni Uno si Asher at binulungan sandali habang papunta sa free throw line. Pagka alis ni Uno sa tenga ni Asheray sa pwesto ko diretso ang tingin niya sa kaya nabigla ako.
Ang kanyang seryoso at matulis na tingin ang nag pigil ng pag lunok ko.
Habang nakatingin sa kanya ay napahawak ako sa didbdib. Hindi ko maintindihan ngunit ang lakas ng kabog ng puso ko. Wala akong ideya kung ano ang nangyayari sa loob ng katawan ko pero parang nagkakagulo sila.
At laking pasalamat ko ng nag iwas na siya ng tingin at nakatalikod na sa akin ngayon dahil hinagis na ang bola sa kanya ng referee. Tsak lang ako nakahinga ng maayos- ngunit akala ko lang pala iyon dahil bago niya inihagsi ang bola ay tinignan niya muna ako, at ang kasunod nun ay ang hiyawan ng buong Arena dahil pumasok ang bola.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top