Page 17

Sabado ngayon at wala kaming pasok sa eskwelahan pero may pasok kami sa coffee shop. 8 to 5 ang pasok namin. Kaya ngayon ay ala siyete pa lang ay naglalakad na kami patungo sa shop. Humihikab pa nga ang katabi ko. Parehas lang kamimg naka tshirt at maong pants.

"Inaantok ako te.." sabi niya at kumapit sa akin.

"Huwag ka ng antukin, sahod na natin mamaya."

Natawa ako ng agad siyang naging bibo ulit. "Oo nga no! Te, kain tayo jabi mamaya after work reward na natin sa sarili natin te. Nanunuya na kasi ako kaka sardinas e, pakiramdam ko nga tinutubuan na ako ng hasang."

"Arte mo ah," irap ko sa kanya. Yung sarsinas na sinasabi niya ay isang linggo na naming inuulam. Naubos na kasi yung cornbeef na pinadala pa ni ate last year at puro sardines na lang ang natira. Paminsan naman ay bumibili si Nichole ng lutong ulam sa karinderya ngunit minsan lang dahil nga medyo may kamahalan para sa amin na wala namang budget.

"Oo nga te. Kaya kain tayo mamaya doon ha? Tapos ikaw sa grocery ako na lang sa bigas. Isang kaban na bibilhin ko para matagal maubos." aniya.

"Bakit? Wala ka na bang balak bumalik sa inyo?"

"Meron.." buntong hininga niya. "Pumunta ako doon noong isamg linggo lang dahil nga namimiss ko na sila mama, kaso pagdating ko doon sinampal ako ulit ni ate. Hindi na ako gumanti at pumasok na lang sa loob para hanapin si mama, pero sinalubong din ako ng sampal e."

Nagulantang naman ako sa kwento niya. Hindi ko ito alam. Di niya naikwento. "Ano? Bakit di mo sinabi sa akin iyan? Bakit ka daw sinampal?"

"Ayun, sabi kasi ni mama naglalandi na daw ako. Nakita kasi ako ni ate noon na kasama yung varsity team. Yung nanlibre si Lucky sa restau niya doon ako nakita ni ate na may kasama daw na mga lalaki. Tapos ayun, nag conclude agad sila na nanlalaki na ako." bakas naman sa mata niya ang lungkot habang nag kukwento. Huminga pa siya ng malaim bago ulit nagpatuloy. "Pinalayas na ako ng tuluyan ni mama. Nilagay na niya sa box yung mga gamit ko at hinagis sa labas nang hindi man lang ako tinatanong."

"Naniwala siya agad sa ate mo bakit? Isa pa.. wait nga, ampon ka ba?"

"Bwisit ka!" natatawa niyang sabi.

"Gagi ka sagutin mo iyong tanong ko. Kasi alam mo, pakiramdam ko di ka nila itinuring na pamilya, lalo na 'yang ate mo."

"Sanay naman na ako te." sagot niya. "Mula naman nung mawala si papa palagi na akong pinagtutulungan nila mama. Diba nga, kakampi ko si papa, si ate naman kay mama."

"Alam ko pero hanggang ngayon ba na malaki na kayo ganon pa rin?"

"Oo.."

"At isa pa 'yang ate mo, hindi ba siya pwedeng matuwa na lang sa mga nagagawa mo? Like, ito! Nakapasok ka sa celestial, achivement mo ito! Achivement niyong pamilya-"

"Wala. Hindi ko na lang iniisip yun." aniya at kumapit muli sa akin. "Ayos na ako, atleast nandiyan ka naman pati si Arielle. May family pa rin ako."

-----

"Here is your first sahod!" nakangiti si sir Orlean nang iabot niya sa amin tag isa ni Nichole ang sobre na puti. Katatapos lang kasi ng duty namin ngayon. 


"Naman oh! maiiyak ako neto ih!" nag kukunwaring iyak ni Nichole habang may papunas punas pa nang mata niya.

Hindi ko napigilang matawa dahil doon.

"Salamat naman dito sir!" dagdag pa nito. "At dahil diyan, kain tayo sa labas libre ni Behatti!"

"Hoy!" biglang nanlaki ang mata ko dahil doon. Napaka siraulo talaga nitong babae na 'to.

Maging ang iba naming kasamahan ay di napigilan matawa dahil sa kalokohan ni Nichole.

"Maloko ka talaga Nichole." ani ni sir Orlean. "Itabi ninyo 'yang perang pinaghirapan ninyo, kumain kayong dalawa sa labas bilang reward na rin dahil masisipag kayo."

"Yun nga po ang balak namin sir." sagot ko naman habang inayos kaunti ang bag pack sa likod. "Mauna na kami sir, salamat po ulit!"


"Okay. Mag ingat kayo."

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na titigan ang envelope na hawak ko. First sahod ko ito! At ang saya ng pakiramdam ko ngayon. Kahit pa, kumikita naman na ako dati sa paglalako ng almusal ay masaya pa rin ako.


"Saan tayo kain te?" tanong ni Nichole sa akin pagka labas namin ng shop.

"Ikaw saan ba gusto mo?"

"Sa Jabi te? Keri?" tanong niya. Tumango naman ako dahil payag ako at gusto ko rin naman ang mga pagkain doon.

Mabuti nga at walking distance lang ang isang branch ng fastfood na yun mula  sa shop kaya hindi naman kami masyadong naglakad ng malayo.

"Ako na mag order te, ano ba gusto-"

"Oh bakit?" tanong ko kay Nichole ng tumigil siya bigla at natulala na lang. Wala sa sariling sinundan ko ang tingin niya at nakita sa direksyon si Arielle na kumakain kasama ang isang lalaki.

"Si Arielle." sabi ko.

"Siya nawa." ani ni Nichole at hinablot ako papunta sa aming kaibigan.


Huminto kami sa tapat ng lamesa nila Arielle sa may gilid.

Nang mag angat ito ng tingin sa amin ay nanlaki ang mata nito at mabilis na tinignan ang kasamang lalaki.

"Hi, Arielle!" agad na bati ni Nichole. Si Arielle naman ay agad din tumayo.

"Uy," si Arielle na halatang nabigla sa pag sulpot namin.

"Uy ka din noh, sino 'yan?" rinig kong bulong ni Nichole sa kaibigan namin.

"Ano.. wait nga," si Arielle na hinawakan kami sa braso. "Kuya Reyven, ito nga pala yung mga kaibigan ko, ito si Nichole at Behatti." turo niya sa amin.

"Hello po!" maganang bati ni Nichole dito.  Ngunit hindi man lang ito ngumiti sa amin.


"Kayo ba yung mga taga compound na kaibigan ni Arielle?" tanong nito sa amin. Pakiramdam ko may laman iyon kaya napatingin ako kay Arielle.

"Yes po." wala sa sariling sagot ni Nichole.

"Kuya.." tawag ni Arielle dito.

Naupo ito ngunit sa patuloy sa pag tatanong.
"Are they?" patuloy na tanong nito sa kapatid. Muli itong tumitig sa amin ni Nichole. "Well.. i assume, you're friend with my sister because she's rich?"

Sabi ko na nga. Gwapo ngunit mayabang. Kung gaano naman ka- humble si Arielle y siya naman itong kina hambog ng kapatid niya.

"Mawalang galang na po.." panimula ko. "Kaibigan ho namin si Arielle mula ng elementary kami yun po yung time na wala pa kayo sa buhay niya. Noong pinaghahatian namin tatlo ang isang pirasong fudgee bar. Yun pong time na walang wala kami pare- pareho." napatingin ako kay Arielle ng hawakan niya ang kamay ko. Nginitian ko siya.

"I think i heard that line?" may accent sa sabi ng kuya niya. "Oh. In a drama series?"

"Ang baho po ng lumalabas sa bibig niyo ano?" di napigilang tanong ko dahilan kung bakit natigil ito sa pag ngisi at tinitigan ako ng masama.

"You-"

"Kuya stop!" suway ni Arielle sa kuya niya. "Aalis na kami nakakainis ka!" ani nito at inaya na kami ni Nichile umalis.

"Arielle bumalik ka dito! Arielle!" rinig naming hiyaw ng kuya niya bago kami lumabas ng kainan na iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top