Page 14

"Oh. Did'nt know you're here."

Naptingin sa kanya si Scott at ako naman ay nilingon ko kung sino iyon at napairap ako agad sa nakita.

Jusko, sana pala hindi na ako lumingon.

Si Asher.

Si Asher na naka black shirt at  white na kakhi short. May auot din itong rubber shoes na may check sa gilid.

Hmmp. Panget.

"Asher," sambit ni Scott. Mukhang nagulat din siya nang makita si Asher. Jusko naman kasi, yung feeling na gutom ka na nga tapos makakakita ka pa ng mga ganitong tao? Nakakawalang gana. Alam ko ang pakiramdam ni Scott.

Napapailing akong bumalik sa aking pagkain. Haay.. Nakakawalang gana, mabuti na lang at mabait naman si Scott plus gwapo pa. Okay na rin.

Wala naman akong narinig na inaya siya ni Scott o sinabihan na umupo na ngunit bigla na lang siyang umupo sa may tabi ko. Mabilis ko siyang inirapan.

Inurong ko nga kaunti yung upuan ko. Ang laki laki kasing taon sumisiksik pa sa masikip. Nahagip ng mata ko na napatingin siya sa akin ngunit, may pake ba ako? Wala.

"Hindi ka sumama kina Lucky?" tanong ni Scott sa kanya.

"Hindi na, mabo-bored lang ako doon." aniya at kumagat pa sa kanyang pizza habang nakakalat ang kanyang mga mahahabang hita. Akala mo kung sinong may ari ng daan. Naptingin na nga sa kanya yung dalawang babaeng taga celestial din.

"Ayusin mo nga 'yang upo mo, nakaka- istorbo ka sa mga dumadaan." di napigilan na sabi ko.

Parehas silang napatingin sa akin. Habang si Asher naman ay nakatitig na sa akin. Dahan dahan pa siyang umayos ng upo at ngumisi pagkatapos.

"Why? Are you jealous dahil maraming nakatingin sa akin?" ani pa nito.

Natawa naman ako sa kalokohan nito. "Ang feeling mo, anong jealous? Nakakaasar lang kasi na alam mong daanan 'yan, pero iniharang mo pa yang mahaba mong hita diyan. Hindi ka ba nag iisip? Parang wala kang utak."

"The way you talk to me.. are you mad?" tanong pa niya, putik hindi ba obvious?

Tumigil ako sa pagkain ko. Sayang oras kung kakausapin ko pa itong tao na ito.

"Scott.. una na ako," paalam ko kay Scott bago tumayo.

"Alright-"

"Are you still mad because of what happen outside the shower room?"

Agad na nanlaki ang mata ko. Ang bwisit na 'to!

"Why? what happen?" si Scott.

Tumingin ako kay Scott. "Hinalikan niya ako ng walang pahintulot. Oh diba? Ang manyak ng team captain ninyo?!"

Parehas silang gulat sa sinabi ko ngunit mas gulat si Asher. Hidni niya yata inaasahan na sasabihin ko iyon sa harapan nilang dalawa. Ano bang akala niya? Na mahihiya ako kaya bin-bring up 'yon? Pwes hindi. Bakit ako mahihiya? Siya 'tong dapat mahiya.

"Sige, salamat ulit sa pagkain Scott," paalam kong muli at umalis na doon. Ngunit sa aking likod ay alam ko naman na nakasunod si Scott sa akin.

"Behatti wait," habol nito sa akin pagkalabas namin ng fastfood.

"Oh?" pansin ko sa kanya ngunit hindi pa din huminto sa paglakad at namalayan ko na lang siyang nasa tabi ko na.

"Kailan nangyari 'yon?" maingat niyang sabi. Napataas niya ang kilay ko ngunit ng makitang walang halong iba ang pagtatanong niya ay kumalma naman ako. Purong pagtatanong lang at wala namang iba. Inexamine kong maige ang mukha niya at inosente itong nag tatanong at walang halong malisya.

"Noong laro niyo bago ang semis.." sagot ko.

"Did he harrassed you? Pinilit?"

Napatingin ako sa tanong niya at umiling. Well..  tingin ko naman ay hindi kayang mag harassed ni pointless.. I mean, siguro mambwisit pwede pa, pero harrased? Di ko sure.

"Hindi naman." iling ko. "Dahil kasi iyon sa banner na binigay sa akin noong babae. May part din na kasalanan ko dahil hindi ako nagbabasa ng banner."

"Why? Ano ba ang nakalagay sa banner?"

"Let me taste your lips, De rizzo."

"What?" gulat niyang reaksyon. Natawa naman ako.

Same. Kahit naman ako ay ganoon din ang anging reaksyon ko ng mabasa ko ang banner pagkauwi ko.

"Oh sige na, magko-commute na lang ako mula dito- may dumadaan namang trisikel oh," sabi ko ng makarating sa parking lot. Mabuti na nga lang at medyo malapit sa highway ito.

"Ihahatid kita sa inyo, Behatti." sabi pa niya pero umiling na ako at mabilis na pinara ang nakitang trisikel.

"Hindi na. Salamat sa pagkain Scott," sabi ko at tinapik pa soya sa braso bago sumakay sa tumigil na trisikel.

Ayaw pa nga niya ngunit kumaway na ako sa kanya para tumigil na siya sa pag salita. Kumaway na ako ng mag umpisang umandar ang trisikel.

Nang malagpasan na siya ay tsaka lang ako sumandal sa upuan. Jusko, ng sabi koa y magpapahinga ako ngunit mas napagod yata ako ngayon ah.

Hindi ko napigilan mapangiti ng maalala yung first time ko na makita si Scott noon. Putik, tinama oa niya yung grammar ko. Ang akala ko ay masungit siya ngunit hindi naman pala. Mukha lang siyang masungit dahil sa mata niyang matalim ngunit hindi naman pala. Natutuwa ako na kahit papaano ay nakilala ko na siya ng kaunti.

Sayang nga lang at hindi kami masyadong nakapag kwentuhan dahil may dumating na hindi kaaya- ayang tao. Ewan ko ba, kumukulo talaga amg dugo ko doon sa Asher na iyon.

Naalala ko, nakita ko siya dati na naglalaro ay okay naman ako.. nagwa- gwapuhan pa nga ako sa kanya.

Nag umpisa lang naman itong pagka- imbyerna ko sa kanya noong ginawa niya iyon. Hindi ko lang kasi alam kung anong mararamdaman ko doon sa nangyri.

Dapat ba akong magalit o ano? May part na galit ako pero may part din na okay na. Hindi naman ganoon ka- big deal iyong nangyari. Hindi ko naman first kiss iyon kaya siguro hindi naman ganon kalala yung reaksiyon ko. Kaya nga hindi ko alam kung bakit bwisit na bwisit ako doon sa lalaking iyon.

Ang gulo ng ulo ko!

Tapos ang hilig pa niyang mang asar. Palagi niyang pinapakita yung mukha niya kapag badtrip ako? Tapos ang yabang pa niya. Akala mo kung sinong may ari ng kung ano para umasta ng ganoon.

Oo nga at gwapo siya pero gwapo rin naman si Scott pero hindi mayabang. Sila Lucky, si Massi. Siya lang itong naiiba sa lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top