Page 12

"Hindi pwedeng hindi ka sasama hatti," sabi ni Massi sa akin habang mag kasabay kaming nag lalakad sa open space ng school. Habang ang iba naman ay nauuna na at may kanya kanya rin na grupo.

Si Arielle at Nichole ang magkasamang naglalakad at ang ibang player naman tulad nila Uno at Lucky ang magkakausap habang nag lalakad. May kanya kanya silang bag na dala.

"Pagod na kasi ako Massi, ipapahinga ko na lang 'to." sagot ko sa kanya. Medyo totoo yun. Pagod na kasi talaga ako. At isa pang totoo ay.. wala na akong pera panggastos pa sa kakainan ngayon. Mas okay na sa bahay na lang ako kumain, tutal naman ay may mga de lata pa doon na natira galing sa mga padala ni ate dati. Mas tipid pa iyon.

Kanina kasi pagkatapos ng klase ay nag aya si Lucky sa restaurant daw ng family nila, may bago kasisilang bubuksan na branch, kaya inimbita niya kami para masubukan daw namin yung mga pagkain doon. Sinabi niya na sagot niya kami at wala kaming babayaran, pero kasi nahihiya ako. Basta nahihiya ako. Isa pa, hindi pa naman kami ganon ka-close para sumama agad ako sa invite nila.

Tumingin siya sa akin at ngumiti ng may kahulugan. At alam ko, alam na niya. "Sumama ka na, i promise, sagot kita."

"Ayoko pa rin." sabi ko.  "Parehas tayong dalawa na walang budget kaya bakit ako papayag na gastusan mo?"

"Dahil mag kaibigan tayo?" aniya at parehas na kaming natawa sa kanya. "Isa pa, wala namanntayong babyaran doon. Guest tayo doon."

"Basta nga Massi, ayoko ngang sumama."

"Hoy, sinong ayaw sumama?" biglang lingon ni Nichole sa amin. Nasa unahan kasi namin sila at kami ang nahuhuli ni Massi.

"Ikaw?" agad na tanong niya sa akin na para bang sigurado na siya. Tumigil pa nga sila ni Arielle kaya natigil din kami ni Massi. "Manahimik ka diyan Behatti ah! hindi ka na sumama kahapon kaya sasama ka na ngayon!"

"Eh, pagod na nga ako Nichole," sagot ko.

"Oh e, bakit ako hindi?" nakataas pa ang kilay niya. "Parehas lang tayo na nag trabaho kanina no."

"Kaya nga magpapahinga na lang ako dahil bukas may work na naman."

"Ay hindi! Saglit lang naman 'to!"

"Excuse me," paalam ni Massi bago umalis. Inirapan pa nga ito ni Nichole. Tinawag kasi ng isa sa team mates niya.

"Hayaan mo na si Behatti," si Arielle na nakisali na sa usapan. "Nakakapaagod naman talaga today, nag iisip ng-"

"Uy, Arielle, huwag mo nang kampihan itong kaibigan mo ah, isa ka pa!" sabi ni nichole bago ulit ako binalingan. "At isa pa Behatti, mas okay na na sumama tayo para na rin makakilala na tayo ng iba pang tao. Mas magkakaroon tayo ng maraming kaibigan."

Nginitian ko siya. "Nichole, okay na ako ng dalawang kaibigan. Kaya ipapahinga ko na lang ito."

"Puking i-"

"Is there a problem here?"

"-i- ho?!" si Nichole ng magulat sa biglaang paglapit sa amin ni.. Scott? Si Scott ata siya.. Mukhang na- intimidate pa nga si Nichole sa taas ng lalaki na lumapit sa amin.

"Kung may problema ba..." ulit ni Scott.

Ang gaan gaan ng awra nitong lalaki 'to kahit pa matulis ang kanyang mga mata. At isa pa, ang linis ng gupit niya, naka push back ang buhok niya. Kay linis tignan.

Si Arielle ang sumagot sa kanya dahil natatamad akong mag salita at si Nichole naman hindi nag sasalita. "Kasi si Hatti, hindi makakasama sa lakad natin today. Napagod yata sa duty niya kanina sa shop."

"Really?" ani nito at tinignan ako nang...

"Are you not feeling well?"

Umiling ako. "Hindi naman, pagod lang."

"Kung hindi ka sasama edi hindi na rin ako sasama!" si Nichole at kinuha ang shoulder bag ko na brown. Siya na daw ang magdadala.

"Me too." si Arielle. Napailing ako.

"Seryoso? Sumama na kayo! Okay lang naman ako e, para kayong tanga,"

"Basta-"

"Yeah. Tama siya-"

"Na para kaming tanga?" angil ni Nichole sa sinabi ni Scott. Mukha pa nga siyang nagulat sa bunganga ni Nichole.

"No. Ibig kong sabihin is.. tama siya na sumama na kayo kina Lucky, ako nang bahala mag hatid kay.. Behatti." nahuli ko pa aiyang tumingin sa akin bago niya banggitin ang pangalan ko.

"Sure ka Scott? Akala ko ba may meeting ka today?" tanong ni Arielle.

"Yeah meron but, on the way lang din naman yung house ni Behatti kaya pwede ko siyang idaan doon."

"Alam mo bahay namin?" tanong ni Nichole.

"Ay!" si Nichole na may naalala. "Oo, lam niya kasi kasama nga pala aiya ni Kuya Reyven noong sinundo nila ako dati, naalala mo pa?"

Tumango naman si Scott.

"Ano, hindi na. Kaya ko naman e, mag commute na lang ako."

"Hoy, akala ko ba pagod ka na?" si Nichole na nakataas na ang kilay. "Huwag ka ng mag ano diyan, pahatid ka na para less hassle. Oh siya sige na Scott, hatid mo na siya!"

"Hindi na n-"

"Ito yung bag niya oh," si Nichole ulit! na imbes sa akin iabot ang aking bag ay kay Scott niya ito inabot. "Sige na, una na kami ni Arielle."

"Kuya ingat sa pag drive!" ani ni Arille kay Scott pag katapos akong tapikin sa balikat.

Hindi ko talaga alam kung ano yung nararamdaman ko today e. Nag hahalo halo na kasi.. Dumadagdag din yung pagka miss ko kay mama.

"Shall we go?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

Nakakailang pa rin dahil ang tangkad niya. Tingin ko hanggang dibdib lang niya ako pero dahil nga may konting heels itong sapatos ng Celestial ay medyo umangat ako sa balikat niya

"Okay lang ba talaga?" paninigurado ko.

Nakangiti siyang tumango. "Yes. Ayos lang sa akin."

"Sige. Pero akin na yang bag ko, nakakah-"

"No it's fine. Ako na mag dadala sa car." nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya at sabay na kaming nag lakad papuntang likod. Dahil sabi niya nasa kabilang parking lot daw yung sasakyan niya dahil na late daw siya kanina.

Gwapo si Scott at matangkad, obviously. Pero ang napapansin ko talaga sa kanya yung balikat niya.. ang lapad ng balikat niya tapos nakasabit pa sa balikat niya yung bag ko, madalas ko lang itong nakikita sa mga anime yung ganitong balikat. Yung parang ang sarap sandalan ng ulo. Pahingahan.

"Ay, salamat." ani ko ng makarating kami sa sasakyan niya at pinag buksan pa niya ako ng pinto at inabot na rin sa akin yung bag ko.

"Is the car seat okay to you?"

"Huh?" litong tanong ko.

"Yung seat okay lang ba? Medyo naka slide yata,  -"

"Ah. Hindi okay lang naman. Ayos na 'to." sabi ko pa. Kahit medyo naka slide nga yung bandang likuran at medyo mababa yung seat.

"You don't look okay- a moment,"

"Huy!" tili ko at napakapit sa balikat niya ng magulat ako ng bigla na lang tumaas yung seat ko.

"There." aniya habang malapit pa rin ang sarili sa akin. "Si Kuya Jervy kasi ang naupo riyan kahapon." aniya kahit hindi naman ako nagtatanong sa kanya.

Napalunok ako. At pakiramdam ko narinig niya yung tunog ng lunok ko. Syete. Ang tunog e!  Habang nakatitig siya ay hindi ko kinakaya kaya tinignan ko na lang yung kamay ko na nakapatong sa balikat niya-

Mabilis ko itong inalis nang ma -realize na sobrang saya na nang kanang kamay ko doon. At dahil doon ay umayos na siya ng upo ngunit hindi pa rin nilulubay ang  kanyang titig sa akin.

"Okay na?" tanong niya pagkatapos niya akong titigan.

Bigla akong kinabahan sa tanong niya na iyon.

Punyeta anong isasagot ko?!

'Lapit ka ulit?'

'Konting titig pa?'

Shete!

"Ano.. O.. oo, okay na.."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top