#TBW35
Entry 35
The glowing haze light from a morning sun carpeted the small cemented floor, the hush blow of the wind from the trees around give chills to every human body it kissed, and the mud pathway on the sidewalks is drier now it's nearing summer. Ang mga tanim ay hindi pa handang maani dahil hanggang ngayon ay bumabawi pa rin ang mga magsasaka sa naperwisyo nilang pananim nang bumagyo noong isang buwan.
It's weird to grieve over non-living things, but it's devastating to think how everything they put an effort and time creating ended up putting into waste. Sa loob ng tatlong taong paninirahan ko rito sa San Fernando, naging malapit ako sa mga tao at nasaksihan ko kung gaano nila pinaghihirapan ang mga bawat gulay na tinatanim nila. Madalas pa ay ang mga kanilang kinikita sa pag-aani ay hindi sapat upang mabuhay ang buo nilang pamilya. Ang ilang buwan nilang hinintay na maani upang makabili lamang ng pagkain na tumatagal ng ilang linggo.
Minsan dumadako sa isip ko kung bakit hindi patas ang mundo—bakit mayroong mga taong nakakaangat at mga taong nasa laylayan. Bakit kailangang may mga taong magdusa at mga taong magdiwang. Bakit hindi na lamang maging patas ang mundo para sa lahat?
But I am no God and I don't have any explanation why this life is unfair—why this world is an aery for greedy evils and a hell for people who has no way around but only to survive.
"Ma'am, ayos na po ba kayo rito? Hindi na ho kasi makakaahon ang tricycle ko sa itaas."
Inalis ko ang atensiyon sa labas at sinilip si manong driver sa motor. Ala sais pa lang ng umaga ngunit mataas na agad ang sikat ng araw dahil malapit na ang summer season. Ang bayan ng San Fernando ay isang maliit na bayan lamang na may kakaunti ring populasyon. Ang pangunahing pangkabuhayan sa lugar na ito ay pagsasaka at pangingisda sa malayong dagat mula rito. Iilan lamang din ang mga pampasaherong sasakyan dito at ang madalas na transportasyon ay tricycle at iisang jeep na bumabyahe lamang isang beses sa isang araw.
"Ayos na po ako rito, tatang. Thirty minutes lang naman ang lalakarin ko na." Sabi ko at lumabas ng tricycle bago inabot sa kaniya ang bayad.
"Ay nako, Ma'am, huwag na!" Mabilis niyang winagayway ang kaniyang kamay at umiling. "Maliit na bagay lamang na ihatid kayo kumpara sa ginagawa n'yong sakripisyo para sa mga bata."
Napangiti ako. There are days when I believe there are reasons why there are people like him in this world—it is to keep the balance of good and evil dahil kung sino pa iyong mga taong walang-wala ay sila pa itong mga handang tumulong nang walang kapalit. I grew up with a silver spoon, lived in a gated mansion, and was an heir to one of the biggest companies in the country. I know I will never understand how hard is it for them to live like this, but I'm thankful that I got the chance to meet people like them in my life. Dahil sila ang nagbukas sa mga mata ko na kahit gaano kapangit ang realidad na kinalakihan ko, may maganda pa ring parte ang mundong ito. People like him are the beauty in this world where every evil is disguised by wealth and hypocrisy.
"Trabaho ko po na turuan ang inyong mga bata at trabaho n'yo ang magmaneho ng tricycle kaya," I widened my smile and forced the money on his palm, "kailangan n'yong tanggapin ang bayad ng pasahero ninyo."
Bumagsak ang balikat ni tatang at tinanggap ang pagkatalo niya sa'kin. Natawa ako. He reminds me so much of nanay.
"At maraming salamat ho dahil napakabuti ng puso ninyo para hindi ako pagbayarin." Huli kong sabi bago ako tuluyang nagpatuloy sa paglalakad.
Ang suot kong bota ay lumubog sa putik matapos kong maglakad ng kaunti sa konkretong kalsada. Nang makarating ako rito sa San Fernando tatlong taon na ang nakakalipas, hindi ako nagreklamo na ganito ang lugar nila. I grew up in a province too, but the land here is more cultivated than Cavite. Kahit mainit ang panahon ay mayroon pa ring iilang parte—katulad ng dinadaanan ko ngayon—na maputik at kailangan magbota kung ayaw mong marumihan.
"Magandang umaga, Ma'am!"
Sumaludo ako sa mga pamilyar na mukha mula sa sakahan na aking nadaanan. Ang lugar na ito ay nahahati sa ibabang bahagi at itaas na bahagi. Ang ibabang bahagi ay kung nasaan ang iilang mga bahayan—kung saan ako nakatira—na gawa sa bato at doon lamang nakakadaan ang mga sasakyan dahil sa sementadong kalsada. Samantala ang itaas na bahagi ng San Fernando ay kung saan ang mga sakahan naka-locate. Narito rin ang mas maraming kabahayan na gawa sa kawayan at iilang mga sirang kubo na hindi naisayos.
Sabi ng ibang tao sa'kin mula sa bayan ko, kung hindi ba raw ako natatakot na mamalagi rito gayong hindi ko kilala ang mga tao rito. Liblib din ang lugar na ito at nakakatakot at delikado raw tignan para sa isang babaeng katulad ko na manirahan dito mag-isa. But they are missing my exact point why I want here and I don't aim to explain it to them because I'm sure they will never understand.
And they are wrong actually. This place is the safest place I've ever been. Mahirap ang buhay pero mabubuti ang mga tao rito. Iyon ang realidad na wala sa syudad.
Three years ago, I was working in my parents' company which everyone knows that I will inherit someday. Three years ago, I was living in a comfortable condo unit in Manila and witnessed with my bare eyes how pretty the city lights are at night. Three years ago, I was living the life thrown at me, not the life I wanted for myself. And three years later, I'm here. I'm finally living the life I wanted from the very start.
I became a volunteer teacher in one of the most ruralized town in the country—it's here in San Fernando. Malayo sa bayan ang nadestinuhan kong escuelahan ngunit hindi iyon naging rason upang hindi ko ituloy ang pagtuturo. Nang una kong makita ang mga bata sa paaralang pagtuturuan ko, alam ko na agad na kailangan nila ako. At iilan lamang ang mga volunteer teachers sa Pilipinas at kung tatanggihan ko ang lugar na ito, paano na lamang ang mga bata?
Mayroon naman akong isa pang kasamang volunteer teacher at mula rin siya sa Maynila. Sampung taon ang tanda niya sa'kin at wala siyang pamilya dahil mas pinili niyang huwag magpamilya dahil naniniwala siyang ang rason niya kung bakit siya nabubuhay ay para sa mga batang hindi naaabutan ng edukasyon. And I admire her for that. Her happiness is here.
Bumibisita naman ako sa Cavite ngunit paminsan-minsan lamang din iyon. My parents was hesitant at first when they first heard from me that I will be assigned here, pero kalaunan ay tinanggap nila ang desisyon ko. My parents changed through the years and my hatred towards them when I was younger evolved into admiration. I saw how much they tried to improve and become a better version of themselves. Doon ko rin napatunayan na kahit matanda na ang isang tao, hindi iyon rason upang hindi magbago at piliin ang kabutihan. My parents are also constantly placing orders of school supplies to deliver here. Minsan na rin silang bumisita rito ngunit hindi na iyon naulit; naiintindihan ko rin naman dahil busy sila.
"Magandang umaga po," bati ko sa ginang na nakaupo sa kawayang silya at nagbabalot ng mga gulay sa sako habang kandong niya ang isang batang babae na isang taong gulang pa lang siguro.
Ngumiti ako sa bata.
"Magandang umaga rin ho, Ma'am." Balik nitong bati kahit ramdam ko ang pagsusuplada niya sa'kin.
Pagkatapos ng trenta minutos na paglalakad sa putikan ay nakarating ako sa unang bahay kubo na nadaanan ko. Dito nakatira ang estudyante kong grade 3 at kahit hindi ako madalas dito ay nagiging madalas na ngayon ang punta ko dahil ilang linggo na ring hindi pumapasok ang mga estudyante kong tiga rito.
"Kung hinahanap n'yo po si Anong ay hindi po siya makakapasok. Sa katunayan nga po ay hindi ko na po siya papapasukin."
I wasn't surprised to hear that from her. Sa ilang taon kong pagtuturo sa bayang ito, ilang beses ko na ring naranasan ang ganitong mga sitwasyon. Ilang beses na rin niyang sinasabi sa'kin na hindi niya na papapasukin si Anong ngunit ginagawa ko ang lahat upang mabago ang isip niya. She's only five years older than me but because she married at the age of 18, she already has five children in her home now. Balo siya dahil maagang namatay ang kaniyang asawa nang minsan itong mag-deliver ng gulay sa bayan.
"Agnes," I called her name in a warm voice.
Sa loob ng tatlong taon, alam kong suplada siya pero alam ko rin na gawa lamang iyon ng stress dahil sa limang anak na solo niyang binubuhay. At alam ko ring hindi niya gustong kinakaawaan siya kaya hindi iyon ang ipaparamdam ko sa kaniya. But she has to know that her children wouldn't stay here forever and do the only thing they could do here to survive. I'm here for both reasons that I need to teach the kids—including hers—and to let them know that there's a bigger world outside this town they have to see themselves someday and become the person they dream to become. We may lack some resources including the internet, but I'm always doing my best to find an alternative, therefore, the kids won't be left behind. All I just need is cooperation from their parents and the kids per se.
"Alam kong hindi magbabago ang isip mo," – agad – "kaya dinalhan ko na lang si Anong ng module para hindi siya mapag-iwanan sa klase. Dalawang linggo na rin kasi siyang hindi nakakapasok—"
"Ma'am, mawalang galang na po pero hindi po lahat ng tao rito ay katulad n'yo. Hindi ko alam kung anong buhay mayroon ka sa Maynila ngunit base sa kutis n'yo at hitsura at sa paraan ng inyong pagsasalita, nakakasigurado akong mayaman ka. Ilang buwan na kaming namomroblema sa ani at ang gulay na binababa namin sa bayan ay hindi man lang umaabot sa kalahati ang presyuhan. Isang beses na nga lang kami kumain sa isang araw at sa tingin n'yo po ba ay magagawa pa naming pagtuonan ng pansin ang pag-aaral ni Anong?"
Naiintindihan ko kung saan sila nanggagaling at naiintindihan ko rin kung bakit sila naiinis sa determinasyon kong pilitin ang kanilang mga anak na mag-aral. Pero sa loob ng tatlong taon na paninirahan dito, natanto ko na walang maidudulot na maganda ang pagpapatigil nila sa kanilang mga anak. Alam kong mahirap para sa kanila na tustusan ang pag-aaral ni Anong pero nandito ako para tumulong.
"Ma'am Tri!"
Ang salita sa lalamunan ko ay nahinto nang lumabas si Anong mula sa likod ng kanilang kubo. Malapad itong ngumiti nang makita ako at nagtatakbo palapit sa'kin.
"Anong," tawag sa kaniya ng kaniyang nanay ngunit hindi niya pinansin.
I known Anong for three years already. Ako ang guro niya simula noong nasa grade 1 siya at nakikita ko sa kaniya kung gaano niya kagustong makapag-aral. Nakakasigurado rin akong nakikita iyon ng kaniyang nanay. Perhaps she's right on the part where I can never understand their situation, but I'm praying that she could understand her own child—of how much Anong wants to change their life.
"May dala po kayo ulit na module? Tapos ko na pong sagutan 'yung dinala n'yo noong isang linggo!" Masiglang balita sa'kin ng bata.
Yumuko ako upang mapantay ang tingin sa bata at tumango. Nilabas ko ang module at inabot iyon sa kaniya. Her mother didn't react when I did so.
"Teka lang po at kukunin ko 'yung module." Aniya at nagtatakbo sa loob ng kubo at mabilis rin naman siyang bumalik dahil maliit lamang ang kanilang bahay.
"Ito po." Inabot niya sa'kin ang module.
"Very good, Anong. I-che-check ko 'to mamaya." I hide my sadness through my giddy smile.
Nalulungkot ako na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin siya makakasama sa escuelahan ngunit wala akong magagawa dahil nasa magulang niya pa rin ang desisyon kung babalik siya.
"Nakakamiss po pumasok pero baka po sa isang linggo ay makapasok na rin ako kapag nakabenta si nanay ng gulay."
Sinulyapan ko ang ina niya na pinapanood kami at nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa kaniyang mga mata. I know and I can feel how she also wants her kid to attend school, it's just the circumstances that hinder her to make the decision.
But I will patiently wait for Anong's return to school.
Bago ako umalis at nang bumalik si Anong sa loob ng kubo upang simulan ang module ay muli kong kinausap si Agnes.
"Alam ko kung gaano kahirap ang buhay para sa inyo pero karapatan ng iyong anak ang makapag-aral. At nakakasigurado akong nakikita mo rin kung gaano niya na-e-enjoy ang pagpasok sa escuela upang mag-aral at makipaglaro sa kaniyang mga kaklase. Sana ay hindi mo iyon ipagkait sa kaniya."
After that, I resume to other houses to give the modules to other kids.
I want the kids and their parents to understand how much education plays a big role in our world. Education will give them the choices. Ayokong dumating ang panahon na limitado ang pagpipilian nila sa buhay. I don't want them to live this life without the hope of seeing their future far from where they are right now. Hindi man nila iyon nakikita ngayon dahil mga bata pa sila ngunit darating ang panahon na magsasawa sila sa buhay na mayroon sila rito. They will aim to see a bigger world and chase bigger opportunities outside their home. At ayokong lalabas sila ng lugar na ito nang walang ibang pagpipilian kundi tanggapin ang ibibigay sa kanila ng mga taong hamak ang tingin sa kanila. They have to be more because I believe that they can be more. There's a beautiful future waiting for them. And I can't wait to see them have the options to choose whatever they want to become because they are no longer uneducated.
Education is for everyone, yes. Everyone has the right for education, true. However, not everyone has the access to learn, to be inside a classroom, more so to have a teacher in this small and secluded area of the country. Poverty kills people. I grew up having a house, foods in our table, and getting the things I need. I know I'll never understand how it feels to have nothing when you most needed something— money. Maraming tao ang hindi nakakayanang makapagpakonsulta sa doctor dahil walang pera. Maraming tao ang hindi nakakainom ng mga gamot para sa kanilang karamdaman dahil walang pera. At sa mga panahong ginugol ko sa lugar na ito, nakita ko kung gaano sinisikap ng mga magulang na pagkasyahin ang maliit na kita sa isang araw sa buong linggo nilang pangangailangan. That is why I chose to be here. Edukasyon ang susi para sa mga taong napagkaitan ng swerte sa mundo. Kailangang magsumikap at magtrabaho upang matugunan ang pangangailangan.
It's sad to see people living the life, I think, they don't deserve but we can't do anything but watch them as they make their own choices for their lives. But as a teacher, I want to guide my young students. Gusto kong tahakin nila ang tamang daan at ipaunawa sa kanila ang mga bagay na dapat pinipili nila. Success doesn't happen in one day, and money isn't earned in a day. It took years to be successful and it took almost a week to earn enough money. Life is fair but the world isn't. It lacks opportunities for people who are left behind.
Naalala ko noong sinabi ni Mommy na hindi na siya tutuloy sa pagtakbo bilang Mayora dahil kaya naman niyang tumulong nang wala sa politika. At ngayon, kung titignan ang gobyerno, mapapatanong ka na lang kung bakit patuloy na nahahalal ang mga taong ang nais lamang ay magkaroon ng kapangyarihan sa kanilang pwesto? Nang mamuhay ako sa lugar na ito, nakita ko kung gaano nagsisikap na maghanap buhay ang mga tao upang maiahon nila ang kanilang sarili sa kahirapan. Noon, akala ko sapat na ang tulungan mo ang sarili mo— na sapat nang may mga taong handang tumulong sa ibang tao. Pero mali ako. Hindi kailanman magkakaroon ng kaginhawaan ang mga taong nasa laylayan kung hindi sila ang prioridad ng mga taong nasa itaas. Totoo rin ang kasabihang nasa tao ang gawa— na tayo lang din ang makakapagpaunlad sa sarili natin— ngunit iba-iba ang sitwasyon ng mga tao sa mundo. Hindi lahat ay may kakayahang mabuhay at mag-isip katulad ng isang tao na nakakaranas ng prebilihiyo. Hindi lahat may kakayahang magkaroon ng pagasa na nasa sarili nila ang susi para sa ikauunlad ng kanilang buhay. Kung tapat lamang ang gobyerno, hindi sana ganito ang buhay ng mga Pilipinong ito.
Pagod akong bumuntong hininga at umupo sa batong upuan sa gilid ng konkretong kalsada. Pagkatapos ng tatlong oras kong pagbisita sa bahay ng aking mga estudyante ay bumalik na agad ako sa baba. Pagod na ang aking mga paa pero kailangan ko pa rin maglakad papuntang school dahil may klase pa ako.
"Ma'am!"
Nag-angat ako ng tingin at nakita si tatang sakay ng kaniyang tricycle. Kahit pagod ay hindi ko mapigilang mapangiti dahil alam kong bumalik siya upang ihatid ako sa paaralan.
"Salamat, 'tang!" Ani ko pagkababa ng tricycle at dali-dali na akong pumasok sa loob ng maliit na escuelahan ng San Fernando.
"Good morning, Ma'am Tri! It's nice to see you again!" Sabay-sabay na bati ng mga bata nang pumasok ako.
They are seventeen in total in my class pero dahil sa pitong estudyante kong absent, hanggang ngayon ay sasampu lamang sila. Ang mga batang ito ay ang mga batang nasa babang parte ng San Fernando at mas mabilis silang nakakarating sa escuelahan; samantala ang mga estudyante kong tiga-taas—katulad ni Anong—ay siyang mga hindi pa nakakabalik.
We started the day by singing the national anthem and reciting the pledge of alliance to the Philippine flag, followed by energizer video before finally starting the lecture. At nang mag-recess ay binigay ko sa kanila ang mga cupcakes at juice na binili ko sa bayan noong isang araw. Bumili rin ako ng mga papel at lapis dahil sa tuwing nauubos ang mga gamit nila ay ako na ang nagbibigay. Mahirap na para sa kanilang mga magulang na pag-aralin sila sa escuelahan kaya naman gusto kong bawasan ang hirap nila sa pamamaraan ng pagbibigay sa mga bata ng mga pangangailangan nila.
Maliit lamang ang sahod ng isang volunteer teacher—sa katunayan pa nga ay 'yung iba ay wala, pero swerte ako dahil kahit paano ay mayroon akong nakukuha—at iyon ang pinambibili ko ng mga kagamitan sa classroom at pagkain ng mga bata. At kung minsan ay hindi sapat ang maliit na sahod ko, bumabawas ako sa sarili kong trust fund. Hindi naman ako nanghihinayang at nagdadalawang isip gumastos kung para iyon sa mga bata.
I can see a bright future ahead of them. Hangga't mayroong isang tao na tutulong sa mga batang ito, nakakasigurado akong hindi sila maliligaw at matatahak nila ang magandang daan patungo sa bagong buhay na pinapangarap nila. Someday, that will become a reality.
"The life there is very poor. But every time I'll look into my student's eyes, I can see hope in them. At alam kong iyon din ang nakikita ng mga magulang nila." That's what I told my parents once.
I gave up the life I have in the City and people think I'm being ungrateful and stupid for choosing this. I know my job here wouldn't make any person financially stable, but just because my dreams are different from others doesn't mean mine is unimportant. People are so into their idea that sometimes they forgot we can't all share the same dreams. We need to learn that happiness varies depending on the things we love— and the truth is, we don't all love the same things.
"Mayaman ka na naman kasi kaya kahit pumunta ka pa sa bundok, hindi mo na poproblemahin ang pera."
I remembered one of my colleagues said that when I left my job in the company my parents own. Totoo naman ang sinabi niya. I'm privileged enough to choose this path without liabilities, however, I don't think they are right on the part where they think this is just some hobby I'd like to try because I have the money. Ang pagpunta rito para maging volunteer teacher ay hindi isang laro para sa'kin. I'm here to stay. I belong here.
I know I love teaching kids since I was young, but living here made me realize more about where teaching stands in my life. It's my purpose. I'm happy whenever I see the kids learning something new. I thought before that I hated people because they are loud and annoying, but I was wrong. I love them and I found more reasons to hope for the future of this generation. People— it's true that there are evils existing inside us— but we are capable of finding good in our hearts if we will only let ourselves find it. I believe that people are beautifully made inside and out. I've seen it in the faces of the kids I'm teaching. I've seen it in my own reflection.
I used to think that I was a bad person no matter how much I try to prove to myself that I wasn't my parents. I almost believed I'm an arrogant girl because that's what people used to call me when I was young. I thought I was selfish for choosing myself this time... but those are only living rent-free inside my head and people only see the exterior of my true self. Because the truth I denied to myself is... I'm not a bad person. I'm not arrogant. And I'm not selfish.
Before I grabbed the job to become a volunteer teacher, I decided to take a therapy session with our family's therapist. And I've been doing fine ever since I started seeing a therapist and it helped that I finally opened up to someone who doesn't know me and didn't give me advice out of friendship or romantic relationship. My therapist gave honest opinions and it helped me a lot. I still keep in touch with her every now and then but not as frequently as the first year. I can't say that I'm completely happy now, but I'm contented. I found peace in teaching the kids—in living the dream I always had.
Totoo na kapag na-e-enjoy mo ang iyong ginagawa, hindi mo namamalayan ang oras. Nang magdapit hapon at muling nalinis ang magulong classroom nang magsilabasan ang mga estudyante ko, roon ko pa lang naramdaman ang pagod ko sa maghapon.
"Ma'am, una na 'ko. Pupunta pa akong bayan."
Bumaling ako sa pintuan ng classroom. Nakatayo roon si Ma'am Zeny na siyang naging parang nanay ko sa nagdaang tatlong taon dito sa San Fernando. Kumaway naman sa'kin si Ma'am Rose—ang pinakaunang volunteer teacher dito—bago ito tuluyang lumabas ng school.
"Ingat, Ma'am!" Sagot ko at inayos na ang sarili kong mga gamit upang maghanda na rin sa'king pag-uwi.
Pagkatapos kong i-lock ang classroom ay lumabas na ako. Malapit lamang ang bahay na tinitirhan ko sa school kaya naman hindi na rin ako nag-abalang magmadali kahit unti-unti nang dumidilim. Ang mabining hangin ay humampas kasabay nang libo-libong nakaraang alaala na dumaan sa isip ko sa loob lamang ng mabilis na sampung segundo. Huminto ako at inangat ang tingin sa kulay kahel na langit.
Ang huni lamang ng mga ibon sa himpapawid ang tanging maingay sa tahimik na daang tinatahak ko. I always like the uncrowded and quiet place because it gives me the space to clear my mind and ready myself for whatever's coming. But sometimes I miss how it felt to live on the opposite side of my world. The chaos, the fights, and the fun that Dax once made me experienced.
I still remember that night when I broke up with him on our eighth anniversary and that morning he begged me to stay but I still chose to leave. It's still clear in my head like someone painted those scenes inside me.
Inangat ko ang aking kanang kamay at kuminang ang singsing nang tumama ang sikat ng araw dito. Three years has passed since the last time I saw him, but I still wear the promise ring he gave to me when we were 23. And now, I'm 33.
May iilan akong balitang narinig tungkol sa kaniya mula sa kaibigan kong si Allison. I never asked her about Dax but she still keeps updating me on his life as though she can read my mind. Allison's boyfriend, Helia, is a nurse in the same hospital Dax is working and they are friends. I no longer wallow in self-loathe and self-pity, but there are days when I think about him and I allow myself to feel melancholic for once in a while. And it happens that that day is today.
Pagkapasok ko sa bahay ay naglinis ako at nagluto ng hapunan bago ako nagsimulang maggawa ng lesson plan para sa susunod na linggo. At dahil na rin mabagal ang internet connection sa lugar na ito, madalang lang din akong makapag-open ng social media accounts ko. Allison and I settled with text messages and, if she's not busy, cellular phone calls.
After an hour of catching up with my best friend, I decided to finally rest and woke up with darkness still enveloping the world. At sa mga nagdaan pang araw ay iisa lamang ang naging routine ko: gigising ng 4 am at aakyat sa taas upang ibigay ang modules sa mga bata at 'saka didiretso ng school upang simulan ang klase sa sampu kong estudyante.
However, after two weeks, the kids' parents finally allowed their children to return to school and that what changed my daily routine. Ang araw na pagbabalik nila ay siyang araw din na mayroong bibisita sa school na Medical volunteers.
"Pumila ng maayos. By height ang pagkakasunod-sunod. Sinong mas matangkad sa inyong dalawa?" Tanong ko kay Anong at sa isa ko pang lalaking estudyante.
Napakamot silang dalawa sa ulo at nagpalit ng pwesto. I chuckled softly and patted both of their heads. Inayos ko na rin ang pagkakasunod-sunod nila sa pila dahil nagtutulakan at naglalaro pa sila at kung hihintayin kong sila na mismo ang mag-ayos sa kanilang sarili ay aabutin kami ng gabi.
"Ma'am Tri, may nakita po kaming sopas sa loob ng classroom." Malambing na sabi ni Yeva, siya ang nasa unahan dahil siya ang pinakamaliit sa mga estudyante ko.
Nasa likod niya si Anong na inaasar siya dahil sa pagbanggit niya ng sopas.
"Meron po, ate Yeva." I changed the tone of my voice to tease her. She pouted.
I smiled. "Pero mamaya pa po 'yon, ha? Pagkatapos kayong i-checkup ni Doc. At anong sasabihin pagtapos kayong i-checkup ni doctor?"
"Thank you po, doctor!" Sabay-sabay nilang sambit dahilan para mabaling sa'min ang atensiyon ng ibang teachers at ng mga bagong dating na medical volunteers.
"Aba't nagpapasalamat agad hindi pa man din nakikita si doc." Asar ni Ma'am Zeny sa mga estudyante ko.
Natawa ako. "Kaunti na nga lang at baka makabuo na kami ng choir dahil lagi silang sabay-sabay."
Nakipagkulitan pa siya sa mga estudyante ko bago siya umalis upang salubungin ang pagdating ng volunteer doctor. Muli kong inayos ang mga bata dahil nawala sila sa pila at giniya sila upang makalapit kami sa tent kung nasaan naroon ang mga volunteers.
Minsan lang sa isang taon magkaroon ng medical mission sa lugar na ito kaya naman halos lahat ng mga tiga-rito kahit hindi mga estudyante ay dumayo upang makapagpatingin. At taon-taon din ay iba-ibang volunteers ang dumadayo rito.
"Maligayang-maligaya kami, doc at nabigyan mo ng oras na pumunta rito. Sobrang layo namin sa syudad at hindi..."
Sumulyap ako kay Ma'am Zeny na kinakausap na ngayon ang doctor sa tent. Napapalibutan sila ng iba pang medical volunteers kaya hindi ko makita ang hitsura ng doctor. I tilted my head to get a better view of him but my student tugged my hand. Niyuko ko si Yeva na nakanguso at sinundan ang tinuturo niya. Gusto kong tumawa dahil hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin ang sopas na nasa loob ng classroom namin.
"Mamaya. Behave muna, okay? Kayo ang unang iche-checkup ni doc—"
"Ma'am Tri!"
Hindi ko natapos ang sinasabi ko kay Yeva nang isigaw ni Ma'am Zeny ang pangalan ko.
"Yes po. Opo. Nandiyan na!" Biro ko at bahagyang natatawang lumapit.
"Huwag kayong malikot. Pumila ng maayos." Bilin ko sa mga bata bago ako naglakad patungo sa tent kung nasaan si Ma'am.
Kumunot ang aking noo nang makitang lumabas sila ng tent at ngayon ay nasa gitna sila ng anino ng malaking punong Narra. Mataas na ang sikat ng araw ngunit hindi pa naman masakit sa balat ang araw dahil maaga pa. The school is filled with people of San Fernando and the students. Ang madalas na tahimik na escuelahan na tanging ingay lamang ng iilang estudyante ang maririnig ay nababalot ngayon sa malakas na komusyon dahil sa pagdating ng minsanang medical volunteers. Inayos ko ang aking uniform habang papalapit kina Ma'am.
"Ma'am Zeny," I called her and when she turned around to face me, that's when I also got a clearer view of the volunteer doctor.
Ang normal na bilis kong lakad ay unti-unting bumagal. The noise of my surroundings volume down until I could only hear my own footsteps and the familiar yet unfamiliar frantic rhythm of my heart. The wind blows and it deliberately danced my untie hair. The warmth of the sun hugging me a while ago turned into icicles it shivers me. And my logical mind turned shallow by the thousand memories I had with the man standing a few feet away from me. Because the six foot and three inches man with bronze skin, symmetrical face, tousled soft hair, and eyes that speak more than a thousand words an eye could ever make, is the man I've been wishing for the stars to see again.
In his plain white polo shirt and dark pants, he stood so well among others he could be mistaken as a model than a doctor had it not been with the stethoscope around his neck.
Dax.
I'd be lying if I say I never dreamed and prayed to meet him again. At all places, I never expected that it would be here—in my new home.
"Ma'am, this is Doctor Dax. And Doc Dax, this is Ma'am Tri. Ang pinakamasipag naming volunteer teacher."
And, then, the volume of my surrounding went normal again after I recovered from shock. Mukhang hindi napansin ni Ma'am Zeny ang gulat sa mukha ko dahil nagpatuloy siya sa pagpapakilala sa'kin kay Dax. If there's one thing that hadn't changed for the past three years, it's my talent in hiding my emotions through my impassive face.
I stopped three feet away from him and everything around us started to blur.
Three years and nothing much changed about him except for the fact that he's growing old like me. Or maybe... I just don't feel like something much changed about him because for the past three years, I still always feel like he's with me.
Eight years of us together compare to the three years I spent without him; it's like a movie that we could fast forward and it would feel like nothing much changed.
"Nice to meet you, Ma'am Tri." His voice resonated inside my head and I must admit, I missed it.
He held out his hand for me and I hesitated for a second before accepting it. The iciness inside me burned with the familiar warmth only he can give. His lips quirked and his eyes lit up with so much sunshine it was blinding. If he was surprised when he saw me, I didn't see it because I was too drawn by my own emotions I forgot to check if he reacted the same way I did.
"Nice to meet you, too, Doc." I shook his hand and as if we are not both ready to let go of each other again, our hands remained tied.
His eyes met mine and they never left. He looks at me the same way he does when we were together. His eyes remain the same, those eyes that loved me... those eyes who saw the real me.
"Nice to meet you? Baka nice to see you again!"
Our eye contact was torn apart when someone very familiar to me appeared and stood next to Dax.
Helia, Allison's boyfriend and a nurse slash friend of Dax, is beaming in front of my face.
"'wassup, Tri?" He wiggled his brows at me.
I frowned at him. I'm the one who helped him to court Allison and when they finally became official two years ago, he became a nuisance to my peaceful life. Allison, Helia, and Dax, all have the same personality and I can't grasp the idea of how I became friends with them.
"Sayang wala bebe ko. Hindi nakasama. Miss ka pa naman no'n." Dagdag niya at oblivious sa nasa paligid niya. What I mean is naguguluhan ang mukha ni Ma'am Zeny na nasa gilid niya.
I forced a smile out of manner. "Hi, Helia."
"Magkakilala kayo, Ma'am?" Sa wakas ay nakasingit si Ma'am Zeny sa usapan at tinanong iyon.
Tumango ako. "They are my... friends."
That's the right term... right?
"Ay ang tadhana nga naman! Alam mo bang sila ang bibisita sa'tin ngayon?" Natutuwang dagdag niyang tanong.
No. I didn't know.
Bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ni Helia.
"Hindi niya alam, Ma'am. Hindi din alam ni Doc para kunwari tadhana kahit planado naman." Walang prenong daldal ni Helia.
Wait.
I'm not dumb to unable to connect the dots in Helia's words. The only logical reason why Helia knows I'm here and Dax didn't is that he planned it with his girlfriend who happens to be my best friend as well.
Ma'am Zeny's face shows confusion but Helia is too oblivious to notice it. Sometimes I doubt he's a nurse.
"Ma'am Tri!"
"Doc Dax!"
My student yelled my name at the same time Dax was called by the other medical volunteers. One locked of our eyes again before we looked away and went back to our own duties.
My enthusiasm a while ago lowered to fifty percent and it took all my pride to not turn my head towards the tent to look at him. How fast are three years to feel like it was just yesterday? Or how long does the yearning feels to realize it was already three years that had passed?
Sometimes, forever is a feeling and not years.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top