#TBW07
Entry 07
"Nasaan na 'yung mga kartolina?!"
Napahinto ako sa gitna ng hallway nang makita ko ang ayos nito. Nasa pangatlong palapag kami ng building ng college namin dahil mga fourth year students na kami. Nang dumaan ako sa dalawang palapag ay maayos naman at walang nagsisigawan ngunit sa pag-apak ko sa sarili naming floor, ilang metro pa ang layo ko mula sa classroom ay dinig na dinig ko na ang boses ng mga kaklase ko.
Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang inayos nilang harang sa gitna ng hallway na magsisilbing entrance sa mga papasok sa horror house namin. Gamit ang kulay itim na mga kurtina na pinagdikit-dikit nila ay nagmukha namang maayos ang gagawing horror house.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at pumasok sa ginagawa nilang entrance. Hindi ko napansin na may tao nang buksan ko ang kurtina kaya naman agad umatras si Leovic nang makita ako, naging dahilan iyon upang madali niya ang iba naming kaklaseng lalaki na inaayos ang mga harang at nasira ang pinaghirapan nila.
"Putangina, Leovic!" Galit na sigaw ni Daven.
Hindi ko sila pinansin at nagdiretso papasok sa loob ng classroom na kumpara sa labas ay malapit nang matapos ang nasa loob. Kahapon ng hapon pagkatapos ng huli klase namin sinimulang ayusin ang classroom kaya siguro pumasok sila ng maaga upang matapos. Dahil sa hitsura ng classroom namin paniguradong wala nang papasok na professor para magturo.
"Anong nangyari?" Natatarantang lumabas si Elora upang tignan ang nangyari sa labas.
Hindi nagtagal ng ilang segundo bago namin siya narinig na madramang umungol at nagsimulang pagsabihan ang mga lalaki sa labas. Siya ang may ayaw sa horror house noong una pero siya pa rin naman ang tumututok sa pag-aayos ngayon.
"Good morning, Tri!"
Nakatayo lang ako sa gilid malapit sa blackboard— na puno ng kulay puti at pulang mga chalk— dahil wala naman akong uupuan sa loob nang sumulpot si Allison sa harap ko. She's holding a make-up kit in her arms.
"Sure ka na bang ayaw mong mag-multo bukas?" Tanong niya nang hindi ko ibalik ang bati niya sa'kin.
Umiling lang ako sa kaniya. Noong isang araw niya pa ako paulit-ulit na pinipilit na samahan ko siyang mag-white lady kahit halos lahat naman ng kaklase namin ay gustong manakot. And it's not that I don't like the idea of acting like a ghost for a day, but my parents will never just allow me. Sinabi ko iyon kahapon kay Mommy, ang tungkol sa horror house, at hindi niya ako pinayagan. She said that I will only look a fool.
"Bakit naman?" She pouted in front of me that I got reminded of someone because of that.
I stare at her as she continue to act cute in front of me or more like trying to act like she's sulking. Hindi ko sana siya sasagutin at umambang lalagpasan siya upang maghanap ng pwedeng gawin pero hindi ko rin alam, nitong mga nakaraan ay nakikita ko na lang ang sarili ko na sumasagot sa mga tanong na noon ay hindi ko pinagtutuonan ng pansin.
"Hindi ako pinayagan ni Mommy." I answered.
Nakita ko sa reaksiyon niya na hindi niya naintindihan ang sagot ko. But later on, she nodded. Hindi ako sigurado kung nakuha niya ba ang sinabi ko o tumango lang siya base sa pagkakaintindi niya. I don't think she'll understand. People only know that I have no problems with my parents. If they can't consider my parents frequent prohibitions.
"Aren't you like a robot for doing whatever your parents tell you to do?"
Nanlaki ang mga mata ko sa biglaan niyang tanong.
"He-he," she laughed awkwardly. "That's not what I meant. I m-mean..." she's lost for words, it's obvious how she's trying to clear herself to me.
Hindi niya kailangang baguhin ang tanong, naiintindihan ko. Ang hindi ko lang magawang maintindihan ay kung bakit nanatili lang akong nakatitig sa kaniya.
Did she notice? Or iyon naman talaga ang napapansin ng lahat? Sunod-sunuran lang ako sa mga magulang ko.
"I mean do you really love what you're doing? You love what they are telling you to do? Hindi ba labag sa loob mo ang lahat ng inuutos nila sa'yo?"
May karapatan ba akong salungatin ang sarili kong mga magulang? Sa pamilyang kinabibilangan ko, may parte ba ang boses ko sa mundo nila?
But before I could dwell more to the thoughts of what Allison brought up, she instantly diverted the topic and pulled me with her to make props. Nang dalhin ako ni Allison sa mahabang lamesa kung saan sila naggagawa ng mga props at costume ay agad nila akong binigyan ng espasyo. May isa pang kaklase ko ang umalis para lang makaupo ako.
I don't like being treated this way. Siguro para sa iba ay malaking pribilehiyo iyon, para sa'kin ay hindi. It's unfair to be treated this way— para sa'kin at para sa ibang tao na masyadong mataas ang tingin sa'kin. Pare-parehas lang naman kaming mga estudyante pero kahit kailan hindi ko naramdaman na katulad nila ako.
Bumagsak ang tingin ko sa kulay white na telang hawak ko. Allison is right... I don't decide for myself. I never had. And I don't think I will ever have the chance to.
Binitiwan ko ang tela at walang salitang lumabas ng classroom. Mabilis akong naglakad kahit walang palya kong naririnig ang boses ni Mommy sa utak ko. You should walk with grace, you should walk slowly. Kinuyom ko ang dalawa kong kamay at lumiko upang bumaba ng hagdanan nang tumama ang mukha ko sa isang malapad at matigas na bagay. Napapikit ako nang unang pumasok sa isip ko na masakit ang pagtama ng mukha ko sa bagay pero kalaunan ay natanto kong hindi naman.
I opened my eyes and saw a cream color buttoned polo. Our uniform. Unti-unting umangat ang tingin ko sa nabangga ko at agad akong kumalma nang makitang si Dax iyon.
"Sa'n ka pupunta? Nagmamadali ka, ah." Aniya, ang kaniyang palad ay nasa aking noo.
Kumunot ang noo ko nang matanto kong palad niya pala ang nararamdaman ko sa aking noo. Binaba niya ang kaniyang kamay at bahagyang yumuko upang mag-level ang aming mga mata. Ang itim na mga mata na kanina ay seryoso at malalim ay biglang lumambot, kasabay nang pagsilay ng nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi.
"Pa'no kung wala ako dito? Baka kung kanino ka nabangga." Hindi ako sigurado kung nang-aasar ba siya o seryosong nag-aalala siya.
I looked at his eyes alternately, trying to look for something I don't know what. My eyes wander around his face and I just now noticed how long his eyelashes are. Perpekto ang pagkakahugis ng kaniyang ilong at maging ang hugis ng mukha niya. His lips are full and reddish, tila pinaglihi siya sa isang diyos ng Gresya.
"Buti na lang lagi akong right timing."
Umatras ako ng isang hakbang mula sa kaniya nang matantong masyadong malapit ang mga mukha namin. Tuwid akong tumayo at iniwas ang mga mata sa kaniya. He's teasing me.
"You're being careless now, huh? Careless man's careful daughter."
I returned my gaze at him and found him smugly smirking at me. I glare at him.
"Ano? Hindi mo alam ang lyrics na 'yon? Mine by Taylor Swift?" Pinanlakihan niya ako ng mga mata na para bang hindi siya makapaniwala na hindi ko alam ang mga pinagsasasabi niya.
"I don't know what you're talking about." Sabi ko at dumaan sa gilid niya upang magtuloy pababa.
Naramdaman ko ang agad niyang pagsunod sa'kin.
"What? Hindi mo kilala si Taylor Swift? The one who wrote love story? You belong with me? Imposible!" Hindi niya makapaniwalang saad at pagilid na naglalakad habang sinasabayan ako.
I glanced at him and shot a brow. "I know Taylor Swift."
Tinaas niya ang dalawang kamay na hindi ko alam kung ano bang gagawin niya na hindi niya naman tinuloy. I don't understand him.
"Akala ko seryoso kang hindi mo siya kilala." He even let out a sigh of relief.
"I didn't say that." Inirapan ko siya at lumiko sa pangalawang hagdanan patungong first floor.
"You reacted like you don't know her." Pilit niya sa sariling argumento.
Nang mapadaan kami sa nagkukumpulang mga first year student na naghahanda sa sarili nilang booth para bukas ay saglit na nanahimik ang katabi ko. Pero syempre hindi naman siya mabubuhay nang hindi tinutuloy ang sinasabi niya dahil paglabas namin ng department ay nagpatuloy siya sa pagdaldal.
"But, really, you do know her, right? Who wouldn't know about her-"
"I know her. End of discussion, please." Putol ko sa mga gusto niya pang sabihin.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong tumango siya at umayos sa paglalakad, sinusundan pa rin ako. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy pa rin sa paglalakad kahit hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. I walked out there because something inside me tells me to turn my back. And now, I don't have any idea of where will I be going.
Biglaan akong huminto sa paglalakad. Hindi agad iyon napansin ni Dax dahil nagpatuloy pa siya sa paglalakad. Nang mapansin niyang hindi niya na ako kasabay ay tumakbo siya pabalik kung nasaan ako.
"Bakit?" Gulo niyang tanong.
Ngayon ko lang napansin na dala niya ang backpack niya.
"Why are you here?" Lumabas sa bibig ko.
Hilaw siyang ngumisi at nagkamot ng ulo. Naningkit ang aking mga mata habang sinusuri ang reaksiyon sa kaniyang mukha. Sa loob ng halos tatlong buwang nagdaan, lagi ko na lang siya nakakasalubong o 'di kaya ay lagi siyang sumusulpot mula kung saan.
Hinarap niya ang backpack niya sa kaniyang dibdib at binuksan iyon. Sinundan ko ang mga kamay niya na may kinuha sa loob na paper bag at nilahad niya sa'kin iyon.
"Churros ang nasa loob. Sinabi ko sa'yo no'ng isang linggo na magtatayo kami ng food stall this Foundation day, 'diba?"
Tumango ako, tinititigan pa rin ang supot na nilalahad niya sa'kin.
"I noticed you don't like crowded places kaya naisip kong dalhan na lang kita. Ako nagprito niyan, hindi ako ang naggawa ng mix pero at least nag-effort ako! I fried those churros." He grins.
Sa dinami-daming lumabas sa bibig niya, isa lang ang pumasok sa isip ko. He noticed that I don't like crowded places. How... did he notice that?
"Ayaw mo ba? Hindi ka ba mahilig sa sweets? I assumed that you do. You ordered sundae..." he trails off as if he's trying to think something.
He remembered that, too? Isang beses ko lang siya nakasabay kumain sa Jollibee but... he remembered.
"Siguro mali-"
Bago niya pa matapos ang sasabihin ay tinanggap ko na ang supot na nilalahad niya sa'kin. His eyes widened in shock for a second before they returned into their normal shape. Ngumisi siya sa'kin habang binabalik niya ang bag sa kaniyang likod.
"Nagluluto na agad kayo kahit hindi pa foundation day?" Tanong ko at sinilip ang loob ng supot.
"Hindi pa. Hindi nga nila alam na nagluto ako."
I looked at him with dagger eyes. "You're giving me something you stole?"
"Of course, not! Nag-ambag ako kaya hindi ko 'yan ninakaw!" Alarma niyang sagot and at the same time ay pinagtatanggol ang sarili.
Pinaningkitan ko lang siya ng mga mata bago kumuha ng isang churros at tinikman iyon. I resume my walk to nowhere as I realized that this is delicious. I wonder who made the mix. I never tried cooking in my entire life dahil sa lahat ng bagay na inutos sa'kin ng mga magulang ko na dapat kong matutunan, hindi kasali doon ang pagluluto. Well, actually, I tried cooking once. Noong grade 10 sa TLE subject namin and I really did a poor performance on that subject that my mother went furious because of that.
"Where you going?" He asked after a while.
Huminto ulit ako sa paglalakad at inikot ang paningin sa paligid. I actually have no idea where we are. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko na inisip kung saan ako tutungo.
"Where are we?" I asked absently and turn around to check where we are.
"We're heading to the gate, Tri."
"Oh," tanging lumabas sa bibig ko.
"Oh? Anong 'oh'? Naglalakad ka ba ng wala sa sarili?" Seryoso niyang tanong pero tunog nang-aasar iyon sa tainga ko.
I scowled at him. "I'm not!"
"I'm not? Ba't parang wala kang ideya kung nasaan tayo? Pa'no kung sinabi kong papunta na tayo kay St. Peter, maniniwala ka?"
I gritted my teeth and glares at him more. Is he making fun of me? Unti-unting umangat ang gilid ng labi niya at sigurado akong nang-iinis lang siya. I rolled my eyes at him.
"Thanks for the churros. I'll be heading back to my college now." Pormal kong sambit at tumalikod upang bumalik sa dinaanan namin kanina.
"'Yung totoo, anong trip mo?" Tumatawa niyang tanong sa'king likod.
Matalim ko ulit siyang binalingan na nagpaatras sa kaniya palayo sa'kin ng kaunti.
"Sinabi ko bang sundan mo 'ko?" Inis kong singhal sa kaniya.
"Hindi?" Patanong niyang sagot. "Pero sigurado akong sasamahan pa rin kita kahit saan ka magpunta." He, then, winks at me.
I frowned at him. "Go away." Walang gana kong sabi at nagtuloy sa paglalakad.
"Dax! Gymnasium!"
Bumagal ang paglalakad ko nang marinig iyon. I slowly turn my head on him on my back and saw him eyeing someone from a car that passed us. Binalingan niya ako kaya naman ibinalik ko agad ang tingin sa daan. I heard his footsteps coming towards me and later on found him joining me again on walking.
"Someone called you." I said.
"Si Danilo 'yon. May practice kami ngayon pero mamaya na." Aniya na parang wala lang sa kaniya.
I glanced at him without moving my head to his side.
"Kaya kong bumalik sa building namin ng mag-isa."
He looked at me, those tender eyes shaping like a crescent moon whenever he smiles.
"Alam ko. Pero alam ko ring kaya mong bumalik nang may kasama." He smirks at me.
I gritted my teeth to suppress a treacherous smile. "Hindi ka ba napapagod ngumiti?" I rolled my eyes at him.
"Hindi naman. Basta worth it 'yung taong makakatanggap ng ngiti ko."
Umiling na lang ako sa sinabi niya. Nang makabalik ako sa department namin ay walang paalam ko siyang iniwan sa labas. I kind of feel guilty for not turning to him but I realized that he always shows up wherever I am. There's no need for goodbye.
"See you later, Tri!" Habol niyang sambit.
I went back to the classroom and silently helped my classmates with the props. I didn't know I needed that walk until I did.
I ate the rest of the churros that Dax gave me when I went home that afternoon. I know I'm not allowed to receive anything from people when my parents don't approve of it, but it's Dax. For months of him having around me, I learned that he's no harm to me.
"Matakot ka sa'kin!"
I looked at Allison using my expressionless face when she showed up in front of me wearing a white lady costume and a make-up. Lahat ng pinaghirapan namin kahapon ay worth it dahil maganda ang kinalabasan ng horror house namin. At ilang minuto na lang ay bubuksan na nila ang entrance. Half of our class volunteered to be a ghost and monsters. Maliit lang ang classroom namin but they come up to an idea of making it look like a maze para hindi agad makalabas ang mga papasok.
"Hindi ba nakakatakot ang mukha ko?" Dismayadong tanong ni Allison nang hindi niya ako natakot.
Naglabas siya ng maliit na salamin at tinignan ang sariling repleksiyon.
"Kulang lang ako sa make-up." She motivated herself and went back to the chairs to fix her look.
Dahil wala naman akong gagawin sa loob ay pinili ko na lang lumabas. Hindi na ako nagulat na marami na agad nakapila dahil kaming section lang naman ang may horror house. Lalagpasan ko sana ang pila nang may humawak sa'king braso at hinigit ako.
"Akala ko naman makikita kong manakot ka ngayon!"
Pinanlakihan ko ng mga mata si Dax, sa pag-asang matatakot siya sa'kin pero ngumisi pa ang loko. What is he doing here?!
"Dahil hindi ka multo ngayon, sabay tayong papasok sa horror house n'yo." He suggested as if I will agree.
"No." Matigas kong sagot at umambang tatalikuran siya nang marinig ko ang mga kaklase kong nag-announce na open na ang entrance.
Dax's hand fell to my wrist and he delicately pulled me with him towards my own classroom. I tried to get away from his hold because I don't want to enter the horror house I exactly know what's inside but Dax already made his way inside with me beside him.
Ramdam ko ang usok na lumalabas sa ilong at tainga ko habang wala na akong choice na naglalakad sa loob ng classroom namin. The girls behind us shrieked in horror as if all these look so real.
"You did a good job, big girl!" He pats my head like I'm some kid to him when we're already in the middle of the maze.
Ang iba ay lumiko sa kabila dahilan upang lalo silang malito kung nasaan ang daan palabas. At dahil isa ako sa mga gumawa nito ay alam na alam ko ang daan palabas.
"Kaso hindi nakakatakot mga kaklase mo. Siguro kung ikaw ang white lady baka tumalon na 'ko." He chuckled beside me.
Madilim sa loob kaya hindi ko rin siya nakikita ng malinaw pero ramdam ko ang presensiya niya sa tabi ko. Hindi ko siya pinapansin sa buong panahon na naglalakad kami sa loob at mukhang hindi ako napansin ni Allison dahil masyado siyang invested sa kaniyang acting.
"That was fun!" He blurted out when we exited after only two minutes inside.
Iniwan ko siya doon at nagtuloy sa hagdanan upang makalabas at makaikot sa buong campus. Masyadong maraming tao sa classroom at sigurado akong hindi naman nila mapapansin kung wala ako doon.
Natigil ako dahil sa sariling naiisip. Did I just really think about that? Paano kung bumisita ang adviser namin at wala ako do'n?
"Bakit?" Dax appeared in front of me while he was brushing his hair with his fingers.
I stare at his eyes and saw wonder in them.
"Gusto kong umikot sana pero baka bumisita ang adviser namin at hindi ako makita-"
Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang hawakan niya ako ulit sa palapulsuhan at hinila ako kasama niya.
"Hey!" Tawag ko sa kaniya dahil tuloy-tuloy siyang bumaba ng hagdanan hanggang sa tuluyan kaming nakalabas ng building.
"Sigurado akong lagi kang perfect attendance. One absent won't affect your grades. Trust me. You're doing too well that it won't matter."
Here he is again. Saying things I never expected anyone to say at me. I'm doing well. I did a good job. He sees it.
I blinked my eyes twice when I felt a weird liquid running to the verge of my eyes. I looked up at him determinedly.
"Then, I'll go." Sambit ko.
He made a disappointed face. "Ikaw lang? Napakadaya!"
Inirapan ko siya. "Don't you have a food stall to think about? Hindi ka ba hahanapin-"
"I did my part yesterday. 'Tsaka ang liit lang ng booth namin. Hindi kami magkakasya lahat sa loob."
Inalis ko ang tingin sa kaniya at nagtuloy sa paglalakad. I smiled, but I didn't let him see it.
"So, saan ang first stop?" He queried as he tried to keep up with me.
I shrugged.
"Gusto mo sa wedding booth? Pakasal tayo?"
I looked at him with my piercing eyes. Tinawanan niya ako at ginulo ang aking buhok. Umiwas ako sa kaniya at inayos ang buhok ko.
"Biro lang! Papatayin mo ako sa tingin mo!" Humagalpak siya ng tawa na hindi ko maintindihan.
What's funny with that?
"Hindi ako sigurado kung may wedding booth. Pang high school lang naman 'yon. College na tayo dapat totoong wedding na!"
"Ewan ko sa'yo." Sabi ko at bahagyang binilisan ang lakad upang maiwan ko siya.
Tumigil siya sa pagtawa at hinabol ako.
"Huwag tayong dadaan sa stall namin." Aniya.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong.
Hilaw siyang ngumisi. "Baka dalawa na kayo ni Archie na i-salvage ako kapag nakita niya akong naggagala lang."
"You didn't run away from your responsibility, aren't you?"
Nagkibit balikat siya. "I'm rebelling."
Natigilan ako sa sinabi niya. I know he's not serious about it, but...
What does it feel if I rebel? What if I start doing the things I want? What will be my parents' reaction when they found out that I'm turning away from their orders to me?
"Dax," I called him.
He looked at me, he even bends down his head a little to level his eyes to mine. I looked straight into his pitch black eyes.
"I don't want to be called princess or more like to be treated like one because I'm not." I said, I know I will not make sense to him but that's what I thought of saying to him.
"Paano 'yan? Prinsesa ang tingin ko sa'yo?" His thick brows creased.
I didn't reply. I know he won't understand.
Nevermind.
I was about to resume my walk when he spoke. Now, in a pensive tone.
"But, seriously, not all people think or view you as a princess."
I looked at him again and found him staring deeply at me. A small smile appeared on his lips.
"For some people, you're just a normal girl born with a silver spoon. It doesn't mean that you have to be a princess. And if the thought of other people treating you like a princess bother you, maybe you should start acting like a normal person. Start acknowledging other people's presence in your life, and don't isolate yourself. Don't think as if you can always do things on your own. Even a princess does need help. Even you need to share a bit of your life in the world."
Acting like a normal person... how can I start living a normal life when I don't know where to begin?
I waited for him to speak again but nothing come out. He only stares at me the way I stare at him.
"People always have a reason why they want something. So, why do you want to be friends with me?" I asked.
I know I had asked him that many times already but I'm hoping to get a serious answer now. Something that will make sense to me.
"Well, I have a reason." He uttered, smile slowly leaving his lips.
Kumalabog ang puso ko at ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib. I know my heart is anticipating to hear his reason. I'm used to view the people around me the way I view my parents. But when I met Dax... a part of me tells me that he wasn't like them.
Because Dax noticed the little things I did. He remembers it all even if he barely knows me and I never acknowledge him as a friend. He remains to walk beside me wherever I go. He chooses to stay because he believes that walking side by side with someone is better than walking alone.
"What is it?" I asked in a small voice.
"I want to be part of your life."
I want to be part of your life. That echoed over and over again in my head.
What does it mean to be part of my life?
Nanay crossed my mind. She's been there with me since I was a little. I played with her and she always take good care of me. Hanggang ngayon ay hindi niya ako iniwan. She become part of my life even though we're not blood related. Is that what Dax means? He wants to be part of my life?
My life. Not my mother's or my father's. Mine. He wants to become part of my life.
"Frienship," I paused.
"Does it mean knowing each other? Sticking together? Does friendship work that way?" I continued.
I know I might look pathetic for asking that when it should be a piece of common knowledge. But I have no idea. Common knowledge doesn't apply to everyone.
"Yeah. Maybe?"
What does he mean? He has no idea, too?
"The meaning of friendship varies depending on how someone perceives it." He smiled at me.
"You'll know it. On your own accord."
Pumungay ang aking mga mata at hindi ko na napigilang unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko.
He believes in me. Maybe that could be a good start to knowing what friendship really means— trusting him.
"Then," I heaved. "Let's go."
The lines in his forehead wrinkled. "Okay? Where?" Hindi niya siguradong sagot, tila naguguluhan.
"Anywhere. Everywhere? As long as it is the normal life."
I may be rebelling, but he's right. There's more to this life than my comfort zone. And I want to know what that is. I want to know what kind of life I have been missing.
"It's everywhere." Sagot niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top