Simula

Simula

"Dad,"

Mabilis na nag-angat ng tingin si Daddy nang marinig ang aking boses. He gave me his affectionate smile, but I can't even return it. I remained emotionless... or that's what I want to think. Dahil kung titignan ko ang sariling repleksiyon sa salamin ay nakakasigurado akong kulimlim ang pumapalibot sa aking mga mata.

"What brought you here, darling? Nasa itaas pa ang Mommy mo at nag-aayos." Nilingon niya ang isang katulong na nasa tabi ng mahabang lamesa.

"Kumuha kayo ng pinggan para kay Karina-"

"Hindi ako magtatagal, Daddy." Agap ko sa kaniyang pag-uutos.

Kumunot ang kaniyang noo dahilan upang maglabasan ang kaniyang wrinkles. I bit my lower lip and remained to stare at Dad who looks like he aged ten years older than his actual age. At ayoko mang isipin na alam ko ang tunay na dahilan nang bahagyang pagtanda ng kaniyang hitsura ay hindi ko mapigilan.

Sa nagdaang ilang buwan ay nakita ko ang panunumbalik ng sigla sa kaniyang mukha. He wasn't stressed as before.

Binaba niya ang kubyertos sa magkabilang gilid ng kaniyang plato at inihilig ang likod sa likuran ng silya. He raised his chin up and surveyed me as if I am one of his employees who did something wrong. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng aking mga mata ngunit tinatagan ko ang aking sarili.

"Anong sasabihin mo?" He asked drily.

I took a silent deep breath. Kinurap ko ang aking mga mata dahil sa nagbabadyang luha.

"I want to call off the engagement, Dad." My voice slightly shakes.

Through the mist of my eyes, I saw how he stood angrily. Agad rin ang pag-ahon ng kaba sa aking dibdib. Alam kong hindi niya gustong marinig ang sinabi ko.

"Are you out of your mind, Karina?!" He screamed furiously.

My lips quiver as I shook my head. Sinubukan kong lumapit patungo sa kaniya ngunit isang hakbang lang ang kinaya ko. I am scared. Hindi lang dahil kaharap ko si Daddy ngayon, kundi dahil sa lahat! Natatakot ako. Napapagod na ako.

"Dad, ayoko na..." I uttered helplessly.

Tuluyang bumagsak ang luha sa aking mga mata dahilan upang marahas kong palisin ang mga ito sa aking pisngi.

"Jesus! Ano na namang pumasok sa kokote mo at gusto mong i-call off ang engagement?! Hindi ba at nag-usap na tayong dalawa? Nagkaintindihan na tayo-"

"Hendrix has a girlfriend, Dad!" I screamed painfully, trying my very best to make him understand my situation.

Umigting ang kaniyang panga at umalis mula harap ng silya upang malapitan ako.

"Anong kinalaman ng nobya ng fiancé mo dito?" He interrogated.

"Can't you get it, Dad? May nobya siya! May iba siyang gustong pakasalan at hindi ako-"

"Nakausap ko na ang mga magulang ni Hendrix, hija, bago pa man din mangyari ang engagement ninyo. Sinabi niya na hiniwalayan niya na ang girlfriend niya-"

"He lied, Dad! At ayokong sirain ang ano mang relasyon mayroon siya sa babaeng iyon! I want out. Gusto ko ng itigil ito. Napapagod na ako..." My voice cracked in the last words.

"Hindi dahil napapagod ka na ay susuko ka na, Kare."

Matalim ang ipinukol kong tingin sa sarili kong ama. Nanikip ang aking dibdib at nararamdaman ko ang hindi normal na pagtibok ng aking puso. Kinuyom ko ang aking mga kamay dahil sa biglaang pag-ahon ng galit sa aking katawan.

Diyan sila magaling! Ang husgahan ako na para bang hindi sapat ang ginagawa ko. Na para bang lagi na lang akong kulang.

Umiling ako at pinigilan ang sarili na muling lumuha sa harapan ng aking magulang.

"Ayoko na-"

"Paano si Kayden? Ang kapatid mo. Kung napapagod ka na ay isipin mo ng paulit-ulit ang kapatid mo. Sa tingin mo ba ay makakaya nating mintenahin ang pagpapagamot sa kaniya at mga pangangailangan niya kapag umurong ka sa engagement na ito?"

I stilled for a moment. I heard footsteps from behind that made me turn my back. Natanaw ko ang nakangiti kong kapatid na bahagya pang tumatalon-talon na patungo sa akin.

"Ate!" He shouted excitedly.

Niyakap niya ang aking baywang nang tuluyan siyang makalapit sa akin. Para akong pinako sa sariling kinatatayuan nang maalala ang bunso kong kapatid. Tears rolled down on my cheeks again as I put my arms around him.

"Why are you crying, Ate?"

I squatted and hugged my younger brother tightly. Hindi ko kailanman naisip na ikatutuwa ko ang pagkaka-engage kay Hendrix. I never thought of agreeing to it not until Dad mentioned my brother; na ang dahilan kung bakit ako pumayag sa engagement na ito ay dahil sa aking kababatang kapatid at wala nang iba pa.

Pero paano naman ako?

I bit my lower lip as thoughts rush like mad. Hindi ko matitiis kahit kailan ang aking kapatid. Gagawin ko ang lahat maibigay lang sa kaniya ang komportable at masayang buhay. Even if it means putting myself in distress.

Pilit na humiwalay sa akin si Kayden at hinawakan ang aking magkabilang pisngi. Using his own hands, he caressed my cheeks to wipe the tears. I stared at him and smiled wistfully.

"May nang-away ba sa'yo?" He asked innocently.

I gritted my teeth and shook my head. Muli ko siyang niyakap nang mahigpit at hinayaan ang sarili na maramdaman ang presensiya ng aking kapatid. Dahil kung muli kong makakalimutan na ginagawa ko ito para sa kaniya ay baka tuluyan ko nang talikuran ang ano mang kahibangang ito na binigay sa akin ng sarili kong magulang.

I calmed myself and stood after a while. Naramdaman ko ang paghila ni Kayden sa aking kamay ngunit umiling ako.

"Aalis na rin agad ako, Kayden. Kumain ka na," I told him.

He pouted and nodded submissively. Nilagpasan niya ako at nagtuloy sa mahabang lamesa kung nasaan si Daddy. I took a deep breath before I faced my Dad again.

My Dad isn't a stone towards me, he actually loves me. Pero simula nang magipit ang sarili naming business ay wala siyang ibang pagpipilian kundi ang gawin akong paraan para maisalba iyon. And no matter how I wanted to hate him for that, I can't. Dahil ako ang panganay. Anak ako ngunit may responsibilidad ako sa pamilyang ito. At mahal ko ang kompanya.

"Karina," He called me soothingly.

Nag-iwas ako ng tingin. "Ang daya, Dad." Iyon ang huli kong sinabi at walang paalam na lumabas ng bahay.

Nagtatakbo ako palabas at halos matisod sa malaki naming hagdanan ngunit nagpatuloy ako. Pinagbuksan ako ng gate ng aming security guard at nagpatuloy sa paglalakad. But I only stopped when I am already in the shadows of the big and tall mahogany tree near our mansion.

Marahas akong tumingala sa langit at kahit sa nanlalabong mga mata ay nakita ko ang malinis na kalangitan at mataas na sikat ng araw. I stared at it angrily and I can't help but clenched both my hands.

"You can't even give me a solution for this! Tapos sa tingin Mo maniniwala pa ako Sa'yo?!" I hissed indignantly.

My jaw clenched repeatedly as I am trying to suppress my own emotions and tears. Pinalis ko ang aking luha at mabilis na nagtuloy palabas ng subdivision. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top