#HIW27

Entry 27

Hindi pa man din kami nakakapagsimula sa binabalak kong pagluluto ay muli na namang tumunog ang door bell. Nagkatinginan kaming dalawa ni Mommy.

"Bumalik?" May multo ng ngisi sa kaniyang labi.

I made a face and rolled my eyes. Hinubad ko ang suot kong apron at naglakad patungong pintuan. I opened it and was again surprised to see who is standing in front of the door.

Behati smiled widely at me and waved her hand cutely.

"Hi!" Bati niya sa'kin.

Ngumiti ako pabalik at nilakihan ang siwang ng pintuan upang makapasok siya.

"Hi! I'm surprised by your sudden visit." Natatawa kong untag.

Hindi mapalis ang ngiti niya sa'kin nang ilabas niya ang isang binder. Kumunot ang aking noo.

"I brought some lectures. Naisip ko lang na dalawin ka kasi halos isang taon na noong huli kitang nabisita."

My heart warms with what she said. Last year, noong mga unang linggo ko habang nag-ho-home school ay isang beses niya akong pinaunlakan ng bisita. Akala ko noon walang may pakialam sa'kin kahit pa lisanin ko ang escuelahan, but Behati showed up in front of our door and visited me. Pakiramdam ko ay hindi lamang si Hendrix ang aking kaibigan. I consider her as one of my friends already, kahit pa hindi ako sigurado kung ganoon rin ba siya sa'kin.

"Thank you, Behati. Kahit hindi naman kailangan."

Pinapasok ko siya at pinaupo sa sofa. Lumabas si Mommy at binati si Behati dahil nakilala niya na ito noong isang taon. Mabilis nakagaanan ng loob ni Mommy si Behati dahil mabait siya. And Mom even told me that I am lucky to have a friend like her; matalino, mabait, at relihiyoso.

"Isang taon na mahigit noong huling bisita mo dito, Behati. How are you?" Natutuwang tanong ni Mommy.

"Oo nga po, e. I suddenly missed Karina kaya naisipan ko pong dumalaw."

Umupo ako sa tabi ni Behati at muli niya akong nginitian.

"Mabuti at naisipan mo siyang dalawin. She's so bored here. Ako lang ang madalas niyang nakikita at si Hendrix."

Pagkatapos ng maikling pangangamusta ni Mommy kay Behati ay nagtungo siya sa kusina upang mahandaan kami ng merienda. Behati looked at me and opened her bag. I remember that it is the same bag she has last year.

"May dala rin akong ilang mga libro. May ituturo ako sa'yo na kasali sa finals."

Umupo siya sa sahig dahilan kung bakit sumunod ako sa kaniya. Nilapag niya ang tatlong makakapal na libro at namangha dahil naglabas rin siya ng printed papers. Kinuha ko iyon nang ilahad niya sa'kin at natantong isa iyong reviewer.

"I made that last week." Dagdag niyang imporma.

Hindi ko alam ang aking sasabihin. Lubos akong namamangha dahil sa kabaitan at pagmamalasakit niyang pinapakita sa'kin. Hindi niya naman kailangang gawin ito pero nag-aksaya pa rin siya ng panahon.

"I-I don't know what to say... I'm really, really thankful." Naisatinig ko habang nanatiling nasa papel ang aking tingin.

"I never experienced being homeschooled, but I've seen you excelling in our class, Karina. Nanghihinayang ako na baka dahil sa sistema ng pag-aaral mo sa bahay ay hindi mo masyadong makuha ang lessons. And I want to help even in just my simple ways."

Awtomatiko akong napabaling sa kaniya. "This is too much, Behati. And I really appreciate it. Though, I am sure that I won't make it to the honor roll anymore."

Nalulungkot akong isipin na maaaring hindi ako makasali sa honor roll gayong iyon ang goal ko noon pa man. But then, I have come to accept that if it is not for me, then it will never be. At hindi naman doon masusukat ang galing ko sa bagay na gusto kong gawin. I can still excel in real life.

"Of course, not. Kahit hindi ka namin kasama ngayong taon, we all know how excellent you are. Don't worry, you got me. I will complain if you won't make it to the honor roll."

"And why'd you do that?"

"Because I'm your friend and I want the best for you."

Umawang ang aking labi dahil sa kaniyang sinagot. I bit my lower lip and smiled faintly. I am very touched by her actions and words. Hindi man kami ganoong kalapit sa isa't-isa ay siya ang tanging tao sa loob ng klasrum na nagtrato sa'kin ng tama. And I'm happy to think that she remains the same. Nanatili siyang nandiyan para sa'kin. Hindi man lagi, masaya na ring isiping kaibigan din ang tingin niya sa'kin.

"We are... friends." I almost utter it in a whisper.

"We are friends, Karina! Remember that I am always supporting you?"

Nakagat ko ang aking dila dahil sa biglaang pag-atras ng mga salita. Hindi ko napigilan at natural na nagkasalubong ang aking mga kilay. When did she support me? I tried to look back... but maybe she really did support me. I nodded, doesn't want to spur the moment.

"So, bago natin simulan ang lectures, gusto ko lang tanungin muna ang kaibigan ko. How are you? The class missed you!" She said enthusiastically.

Nanlaki ang aking mga mata sa huli niyang sinabi dahil hindi ako naniniwalang na-mi-miss nila ako.

"Hindi ka naniniwala?"

Mabilis akong umiling upang pabulaan ang kaniyang akusasyon.

"Hindi lang ako makapaniwala na na-mi-miss n'yo ako."

Gumuhit ang lungkot sa kaniyang mukha na may halong simpatya. Nag-iwas ako ng tingin dahil kung noon gusto kong makita ang ibang tao na naaawa sa'kin, ngayon ay hindi na. Ayokong magmukhang mahina sa mga mata nila. Ayokong tignan nila ako na para bang kailangan ko lagi ng tulong. I can handle myself. I am... strong.

"I know that our class had been a little rush to you, but believe me, we are all missing you."

Kinuyom ko ang aking mga palad dahil nagsisimula na namang manikip ang aking dibdib. Nag-angat ako ng tingin at hinayon ng tanaw kung nasaan si Mommy ngunit hindi ko siya makita mula dito.

"A-attend ka ba ng graduation rites?"

Ibinalik ko sa kaniya ang tingin at mabilis na tumango. Ngumiti siya at nginuso ang mga libro sa lamesa. Bumalik sa normal ang aking pakiramdam sa biglaan niyang pag-iiba ng topic.

I don't know but I don't want to hear anything or see anything that reminds me of my past. Kahit pa minsan ay pakiramdam ko wala nang epekto sa'kin ang nakaraan, may pagkakataon pa rin na tila bumabalik ako sa mga oras na iyon. At iyon ang mga panahon na ayaw ko nang maulit.

Behati left in the afternoon dahil may pupuntahan pa siya. I enjoyed the day with her and I'd admit that she's a big help dahil may mga lesson akong hindi naiintindihan. Right after she left ay nagpatuloy na muli kaming dalawa ni Mommy sa pagluluto.

"I'm surprised that you're better than I thought." Manghang komento ni Mommy sa aking likod habang tinatakpan ko ang pinapakulo naming adobo.

Nilingon ko siya at lumapad ang ngiti nang maalala na tinuruan ako ni Hendrix noon. And I have a great feeling that he will be so proud if I tell him that I'm the one who cooked it. Tinulungan lang naman ako ni Mommy sa pagtantiya ng mga ilalagay na ingredients, but I am still the one who cooked it.

Hindi nagtagal ay narinig ko na ang pagbukas ng pintuan. Pinatay ni Mommy ang stove samantalang nagtuloy ako palabas ng kitchen. Sinalubong ko si Hendrix na halata ang pagod sa mukha ngunit nanatiling walang emosyon ang mga mata.

"Hi!" Mataas na enerhiya kong bati sa kaniya.

A sneering smirk formed in his lips and put his bag on the floor. Bumilis ang lakad ko palapit sa kaniya at kumunot ang noo nang maglahad siya ng dalawang kamay.

"I'm tired. Would it be okay if you give me a hug?"

I bit my lower lip to conceal an upcoming sweet smile. Tinaasan niya ako ng kilay at tumango pa upang palapitin ako sa kaniya. Hindi ko napigilan at kusang kumawala sa pagkakakagat ang aking labi. I walked towards him and he welcomed me with his strong arms. I buried my face on his broad chest and I can hear his heart beating wildly. Kung dahil ba sa pagod o ano ay hindi ako sigurado.

"I'm home." He said against my hair.

I think that was supposedly a murmur but I still heard it vividly.

"I missed you the whole day, baby." Dagdag niya at mas humigpit ang yakap sa'kin.

Dahan-dahang tumaas ang aking dalawang kamay at pinulupot ko ito sa kaniyang baywang. I hugged him back and it felt so right to be in his arms. It felt harmonious to hug him back.

Isang mahabang minuto ng katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Walang nagsasalita, magkayakap lang kami at hinahayaan ang bawat sarili na maramdaman ang isa't-isa. Hanggang sa naalala ko kung bakit nga ba ako excited na sinalubong siya.

"I cooked adobo!" Bahagyang tumaas ang aking tinig dahil sa pag-iimporma ko sa kaniya.

He withdrew from the hug but remained crouching for our eyes level. I smiled at him widely and showed him my confident face.

"You did?" May nakakalokong ngisi sa kaniyang labi.

Tumango ako. Hinawakan ko siya sa kaniyang kamay at hinila siya patungong kusina. Naabutan namin si Mommy na naglalagay ng mga kubyertos sa lamesa. Hendrix went to her to greet her. Dumiretso naman ako sa niluto kong adobo at naglagay sa isang malaking serving bowl.

"I have a high confidence that this is better than the last time I cooked." Patuloy kong pagyayabang habang naglalakad pabalik sa lamesa dala ang mangkok.

Hendrix stood to help me but I already quickly settled it on the table. Umupo ako sa kaniyang tabi at hinarap siya na nanatiling na sa'kin ang atensiyon. I grinned at him and pointed the adobo I cooked.

"I made that."

Hindi mapawi ang ngiti sa kaniyang labi habang pinagmamasdan ako. At hindi ko iyon mapagtuonan ng pansin dahil naglalakbay ang isip ko sa maaari niyang maging komento sa niluto ko.

"Really? Let me taste it, then." He said languidly.

Tumango ako na parang bata at nilagyan ang kaniyang pinggan. Mom sat in front of us and looked at us with fondness.

"How's your OJT, Hendrix?" Mom spoke.

Kumuha rin ako ng kanin at nilagay iyon sa plato ni Hendrix habang sinasagot niya si Mommy.

"Today is the last day, Tita. It was fun. Iniisip ko nga na ma-i-enjoy rin ni Karina iyon kung sakali."

Huminto ako sa paglalagay at nakisali sa kanilang pinag-uusapan. I'm still taking my medicine as my maintenance for I don't know until when, at ayaw nila Mommy na mapagod akong muli. They suggested for me to stay here for one more year until I fully recovered. Kahit gusto kong subukang mag-OJT ay hindi maaari.

"Karina still has plenty of time to experience working on the company. After all, she's the only heiress of the Ochoa's." Mom said and glanced at me.

Hindi ako sumagot dahil nangako si Mommy na pagkatapos ng MBA ko ay pahihintulutan na nila akong humalili agad kay Daddy. I don't think I can because everything will be novel to me. At higit sa lahat ay natatakot ako. Our company was once on the edge of failing, I don't know what will I feel when I fail it again.

But I have to take the risk if I want to learn how to handle it. Dahil sa huli, ako pa rin ang hahawak no'n.

"She will be a great leader. I am sure of that." Certainty is very obvious in his tone.

Binalingan ko si Hendrix at naabutan siyang nanatiling nakatitig sa'kin.

Will I be? I remembered that I once told him that I fear handling our company. And he's the one who made me believe that I won't know if I will not try.

"I'm also sure she will be." Mom seconded that made me return my eyes to her.

Naabutan ko siyang may malapad na ngiti sa labi habang pinapanood kaming dalawa. Nakaramdam ako ng hiya dahil ilang segundo kong nakalimutan na nasa harap namin ang magulang ko at tinitignan kami. I avoided her eyes and stared at my empty plate. Sumandok ako ng kanin at naglagay ng ulam sa pinggan upang hindi nila mapansin ang pamumula ng aking pisngi.

"Her adviser already sent me the date of the graduation. It will be just weeks from now."

"Yes, tita. I just still have to present my thesis then I'm ready for the graduation practice."

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko si Hendrix na muli akong sinulyapan. I lifted my gaze and met his eyes.

"You will attend the commencement, right?"

I nodded.

"But I can't attend the practice." Malungkot kong saad.

He looked at me tenderly and put a stray of my hair behind my ears. Isang beses niyang hinaplos ang aking pisngi at binalingan si Mommy. Hindi ko naman magawang sulyapan ang aking ina dahil nahihiya akong makita niyang ganito kaming dalawa. Naalala ko pa noong sinabi ko sa kanila na hinding-hindi ko magugustuhan si Hendrix, but she's seeing us this way now.

"It's not that important. Ang mahalaga ay makadalo ka sa araw ng graduation. I told you, we will graduate together."

Kumabog na parang tambol ang aking puso habang pinagmamasdan ko siyang nagsasalita. May kasiguraduhan sa malalim at malamig niyang boses. And despite the coldness of his voice, I still feel warm whenever I'm this close to him. How could I forget someone like him?

I discarded the sudden thought that crossed my mind. 'Tsaka ko na iisipin ang paghihiwalay namin kapag dumating na ang oras na iyon. Sa ngayon ay gusto kong damhin ang kapayapaan at kasiyahang dulot niya sa aking sistema habang magkasama pa kami. I want to enjoy seeing him happy with me.

"Yeah." I said slowly. "I'm excited about it." I added.

Ibinalik ko ang tingin kay Mommy at naabutan siyang nanatiling nakatingin sa'min na may kasiyahan sa mga mata. I smiled at her and started eating. The topic changed at pinaalam ko rin kay Hendrix na binisita ako ni Behati at Lawrence. Wala siyang naging komento at hindi ko na iyon pinansin.

Sinarado ko ang pintuan pagkatapos magpaalam ni Mommy at hinarap si Hendrix. Nakaabang na ang kaniyang mga mata sa'kin dahilan kung bakit nagtama ang aming tingin. I slowly walked towards him and have to lift my head because he's so tall. Habang tumatagal ay mas lalo siyang tumatangkad samantalang nananatiling pareho ang height ko noon.

"What did Lawrence said to you?" Maingat niyang tanong, naroon ang bakas ng insekyuridad.

I bit my tongue to suppress a smile. "Just for a closure."

Nagkasalubong ang makakapal niyang kilay dahil sa ikli ng aking sagot. Hinawakan niya ako sa aking siko at marahan akong hinila palapit sa kaniya.

"Hindi naman bumalik ang feelings mo sa kaniya?"

Humalakhak ako sa kaniyang tono samantalang hindi siya mukhang natutuwa. I shut my mouth and shook my head as a response.

"Hindi na 'yon babalik."

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa'ming dalawa dahil hindi na siya nagsalita pa. I looked away to avoid his stares. Alam niya naman na gusto ko siya at hindi na kami ulit nagkaroon ng konserbasyon patungkol roon. At ayoko ring pag-usapan dahil natatakot ako sa maaari kong marinig mula sa kaniya. He already rejected me even before all these happened, and I don't want to hear it again.

Pagkatapos ng graduation, just a few more days of staying here, and I'll be leaving to take Masteral abroad. At sa mga panahong ring iyon ay tapos na ang ugnayan naming dalawa. And I'm wishing that when that time comes, sana handa na ako.

"Inaantok na ako, Hendrix." I voiced out.

Ayoko nang palawakin pa ang mga naiisip ko. Ayaw ko munang saktan ang sarili ko.

Tumango siya sa'kin at hinila ako patungong hagdanan. Nauna akong maglakad sa kaniya at pumasok sa loob ng aking kwarto. Dumiretso ako sa paghiga habang umuupo siya sa aking tabi. He's always staying up late watching me fall asleep. For months of staying in his room, he still never falters of taking care of me even on my own. Lagi pa rin siyang nakabantay at sinisiguradong mahimbing akong natutulog sa gabi.

Tinaas ko ang kumot hanggang sa aking ilong na tanging mga mata ko lang ang kita. Against the dim light coming from the cove lighting of the room, he still looks so surreal. Tumaas ang kaniyang kamay at hinaplos ang aking buhok. Ito ang lagi niyang ginagawa upang mas mapabilis ang aking pagtulog.

"Are you bored?" He asked huskily.

Ngumuso ako. "So bored that you wouldn't want to know."

Pumungay ang kaniyang mga mata at hinaplos ang aking ilong. Mahina akong tumawa nang makaramdam ng kiliti.

"It's weekend tomorrow. Wala naman akong klase. Let's have a short trip." Suhestiyon niya.

I stopped giggling because of what he said. Halos isang taon at kalahati na akong nasa loob lamang ng condo'ng ito at hindi lumalabas. Minsan ay bumibisita ako sa mansion ngunit hanggang doon lang. At ang marinig na maaari na ulit akong lumabas ay nagpapasabik sa'kin.

"Saan? Pwede na ba?" Hindi ko maiwasang ma-excite.

Sumilay ang pagod na ngiti sa labi niya at tumango.

"I've only been to La Union once. Let's go there."

And that what we really planned of doing the next day. Ginising niya ako nang wala pang araw sa labas at mabilis lamang akong nag-ayos ng gamit dahil kaunti lang ang damit na dadalhin ko. Dalawang araw lang kami sa La Union dahil kailangan niya pang maghanda sa thesis presentation niya sa lunes.

After putting a lip gloss on my lips ay lumabas na ako. I'm wearing a white ruffle strap tank top and my black maong shorts. Nang bumaba ako sa hagdanan ay inagaw na sa'kin ni Hendrix ang dala kong bag at dumiretso na kami sa kaniyang sasakyan.

It was a long ride from Cavite to La Union but I enjoyed it. I even opened the window para lamang malanghap ang sariwang hangin na humahaplos sa aking mukha. To finally breathe the world is something I never thought would mean so much to me.

"We'll go to Pugo first," Hendrix spoke again after we stopover for lunch.

Nasa La Union na kami ngunit may ilang oras pa bago marating ang resort na tutuluyan namin. At dahil gusto ni Hendrix na masulit ang araw na ito ay hindi muna kami magbi-beach. I only nodded at what he said dahil hindi ko naman alam kung saan 'yung pugo.

Mahigit isang oras 'ata bago kami huminto sa isang liblib na lugar. May isang lalaki na may mabuting loob ang nagturo sa'min kung saan ang Pugad Adventure at ni-guide kami kaya ligtas kaming nakarating dito. I went out of the car and saw greens all over the place.

Si Hendrix ang nagbayad ng entrance fee namin. Iniwan namin ang gamit sa sasakyan at naglakad patungo sa unang activity na gustong i-try ni Hendrix.

"Are we trekking?" I asked, medyo hinihingal na.

Kanina pa kami naglalakad ngunit parang hindi naman 'ata namin nararating ang destinasyon namin. Itinuon ni Hendrix ang atensiyon sa'kin at pinainom ako ng tubig na dala niya.

"Sumakay ka sa likod ko kung napapagod ka na-"

Mabilis akong umalma. "I was in your condo for almost one year and a half. I want to walk!"

Hindi ko na siya hinintay at nauna sa kaniya. Mabilis naman siyang nakahabol sa'kin at pinagsalikop ang aming mga daliri upang sabay kaming maglakad. Pinalis ko ang pawis na namumuo sa aking noo at tumingala. The sky is filled with cirrus clouds and it made me felt like I am in paradise.

Dumako ang paningin ko sa walang katapusang mga berdeng halaman at puno. Sariwa ang hampas ng hangin mula sa mga dahon ng puno at naririnig ko ang huni ng malalayang ibon sa himpapawid.

"We're here."

Dahil sa pagbibigay atensiyon ko sa kapaligiran ay hindi ko na namalayang nakarating na kami sa Giant Swing. Kakaunti lang ang tao dahilan kung bakit mabilis kaming nabigyan ng atensiyon ng mga staff roon. They explained something about the swing and told us the safety precautions. Unang sumubok si Hendrix habang pinapanood ko siya sa itaas.

Bumalot ang kaba sa aking puso dahil natatakot ako ngunit mas nanaig ang kagustuhan kong maramdaman na lumilipad katulad ng mga ibon.

"How was it?" I asked when he finished.

He smirked darkly and brushed back his hair once. "It was fun."

Tumango ako at nasasabik na pumwesto.

"I want to feel like I'm a bird." I voiced out and looked at Hendrix who's watching me while the harness is being put around me.

Madilim niya akong pinapanood hanggang sa unti-unti na akong umaangat. Umakyat si Hendrix sa itaas kaya kumaway ako sa kaniya. And in just a snap, I am swung like a bird. I spread my arms wide and keep my eyes open to see the view. At sa halip na makaramdam ng takot at pangamba ay kabaligtaran ang nangyari. My heart is at peace and very calm while I looked at every bits of the greens of this place.

So, this is how it feels like to fly. This is how the world looks from a bird's point of view.

Life is indeed majestic if we choose to see it in that way.

Smile is plastered on my face when I finally went down again. Tumatalon akong lumapit kay Hendrix at inamin na nagustuhan ko ang Giant swing. Gusto ko sanang umulit ngunit kailangan pa naming ma-try ang ibang activities. Malapit na rin mag-dapit hapon kung kaya't kaunti na lamang ang aming oras.

"You know how to drive that?" I asked him, referring to the ATV.

Hendrix decided for us to ride an ATV. Dahil hindi ako marunong mag-drive, aangkas ako sa kaniya.

He crouched to put the helmet on my head. Inayos niya ang aking buhok at nilagay ang ilang tumatakas na hibla sa likod ng aking tainga. Bumalik ang tingin ko sa kaniya at naabutan siyang seryosong sinusuot sa'kin ang helmet.

I caught my breath when I noticed how close our face is. I opened my mouth to speak when I remember that grape harvesting is very famous here.

"I've searched on Google before na meron ditong grapes harvesting. Can we try that later? Hindi ko pa nasusubukan 'yon. And Mom will surely like it."

Hindi pa siya nakakasagot ay muli na ulit akong nagsalita.

"Meron kaya silang green grapes? Gusto ko ng gano'n. Saan ba dito 'yon?"

Marahas na humampas ang hangin dahilan kung bakit nadala ang dulo ng aking mga buhok sa'king mukha. Hendrix's laugh growled for a second but it was gone instantly, too. Inayos niya ang buhok ko at muling ibinalik iyon sa likod.

"I should have tied my hair na lang kaso wala pala akong pamuyod." I said subsconsciously.

I lifted my gaze on him after he finished putting the helmet on me. He's looking at me with stares uncomfortable and hostile. He's smiling but his eyes seem to tell the otherwise. Maybe because he's just naturally dark and rugged.

Kumunot ang aking noo nang magdaan ang ilang segundo ay nanatili pa rin siyang nakatitig sa'kin at kumakawala ang nakakalokong ngisi sa labi.

"Bakit?" I asked consciously.

"I like it when you are talkative. It's enjoying to watch you happy."

My lips protruded that I have to avoid his eyes. I can feel my blood boiling and run towards my cheeks. He pinched my nose like a kid and I only pouted more.

"Let's go. After this, we'll look for a grape farm. Kailangan natin magmadali dahil baka abutan tayo ng dilim sa daan. Malayo pa ang resort."

He pulled me towards him at naunang sumakay ng ATV. Sumunod ako at kumapit sa kaniyang braso upang maging suporta ko sa pag-angkas sa kaniyang likod.

"Kumapit ka nang mahigpit kung ayaw mong mahulog!" He said a bit louder.

"I know!"

"The road is rocky. Hold on tight." Huli niyang paalala bago niya tuluyang pinatakbo ang motorbike.

Mahigpit akong kumapit sa kaniyang baywang nang maramdaman na umuuga kami dahil sa mabatong daan. But I have to keep my hands off him when I learned to appreciate the surroundings. Nag-angat ako ng ulo at ginala ang paningin sa buong paligid.

Mula sa mabatong trail, ang mga halaman, at ang nagtatayugang mga puno. Everything screams serenity. Hindi siya ang tipo ng lugar na kaaakitan dahil wala masyadong palamuti ngunit ang mga puno lamang at mga natural na tumutubo sa lugar ay nakakaakit na para sa'kin. The place is just so raw and natural.

And how I wish the trail is a little longer so I can enjoy the view more. Nakakabitin ang isang ikot lang ngunit kontento ang puso ko. Sa lahat ng nangyari sa'kin, ngayon ko lang naramdaman at nakita ang tunay na halaga ng kapaligiran.

Iyon lang ang activities na ginawa namin sa Pugad Adventure dahil gusto kong pumunta sa grape farm. Tumigil kami sa nadaanan naming grape farm at kalahating oras na nag-harvest. At dahil malayo-layo pa ang resort ay inabot kami ng dilim sa daan. Sakto lang upang makarating kami ng dinner. We have separated rooms and I really did enjoy the first day. Dahilan kung bakit maaga akong nakatulog at maaga ring nagising.

Nakatitig ako sa salamin at sinusuri ang sarili kong katawan. I am wearing a white tube bikini top and bottom. I am not flat chested but my boobs are not that healthy either. My butt is round like a peach. I have a slim body and I wasn't that so confident about it. Ngunit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagsuot ako ng bikini. Umaatras nga lang ang kumpiyansa ko dahil makikita ako ni Hendrix.

I took a deep breath repeatedly and lifted my chin. Kinuha ko sa lamesa ang binigay sa'kin kahapon ni Hendrix na sunglasses at sinuot iyon bago tuluyang lumabas. I covered myself with a white seethrough dress and already wearing dark sunglasses.

Nagkasalubong kaming dalawa ni Hendrix sa hallway at inaya na akong mag-breakfast. After eating, we quickly went to the sea shore. Hinubad ko ang aking dress at iniwasang sulyapan si Hendrix ngunit napatingin pa rin ako sa kaniya. Maybe because half of me is expecting to hear his opinion about me wearing a bikini.

Nagwala ang mga kabayo sa'king dibdib at nagliparan ang mga paru-paro sa'king tiyan nang maabutan ko siyang nakangisi sa'kin. I can't see his eyes because he's wearing the same sunglasses I am wearing, but I can guess that it remains dark and mysterious.

"You're sexy." His lips twisted and even whistled cooly.

I rolled my eyes at him though he can't see it. Malalim siyang humalakhak na para bang nakita niya ang ginawa ko.

Bahagya niyang binaba ang kaniyang salamin at kinindatan ako. Dahil sa ginawa niyang iyon ay nakita ko ang nakapaloob na paghanga sa kaniyang mga mata para sa'kin. And just like that, I was suddenly confident about my body.

A smile slowly crept on my lips. He went near me and possessively snaked his strong rough arms around my small waist. Naramdaman ko ang paglapat ng kaniyang labi sa'king buhok. At habang naglalakad sa dalampasigan ay hindi ko maiwasang mapansin ang mga taong binibigyan kami ng matagal na tingin. My cheeks heated with the thought that they are maybe thinking that we're a couple.

"I'll try their surfing. How about you?" He asked and removed his dark shades.

Ngumuso ako at tinanggal na rin ang sunglasses. "I'll swim."

Tumango siya at humiwalay na ako sa kaniya upang magtungo sa dagat. I was already near the deeper part when I looked back. I saw him standing still to where I left him and watching me darkly. I waved my hand at him before I take a dip. I enjoyed it because it's been almost two years since the last time I felt how to swim like a fish.

I went a little far and admire the view underwater. There is still a beauty hiding beneath the calm sea and unwavering waves. And it is the masterpiece of the Lord.

Umahon ako at hinabol ang aking hininga mula sa paglalangoy. Seawater drips on my face as I look above the sky. Nangilid ang aking luha sa natanto.

It's not yet too late, right?

Binalik ko ang pansin sa tubig at napadako ang tingin sa mga nag-s-surf. I saw Hendrix gorgeously owning the waves as if it is his. Dark, deep, and untameable like the waves, he really belongs here. Maybe he is Poseidon, the god of the sea.

Pagkaraan ng ilang minutong panonood sa kaniya ay umahon na ako. Kinuha ko ang aking dress sa buhangin at sinuot. Naglalakad ako patungo sa bilihan ng buko juice nang bigla ay may humarang sa aking harapan. Mestizo at matangkad, may kapayatan ang katawan ngunit may abs.

"Hi! Kanina pa kita nakikitang mag-isa. Want a company?" He asked in a so overconfident voice.

Umatras ako at hindi alam kung paano siya sasagutin. Ngumisi siya at umambang lalapit pa sa'kin nang bigla ay naramdaman ko ang pamilyar na init ng mga daliri ni Hendrix na humahaplos sa aking baywang. Slowly, his hands successfully devour my waist.

I looked at him and found him still wet; sea waters are dripping over his hair and face. And he looks incredibly hot like a sun in the sea.

"Oh. I didn't know you have a boyfriend."

Bumalik ang tingin ko sa lalaking kumausap sa'kin. My lips parted to speak when Hendrix's voice thundered like a lion.

"I'm not her boyfriend." Malamig niyang sambit.

Awtomatiko akong napaiwas ng tingin. A part of my heart breaks, pero hindi tulad noon hindi na gumuguho ang lahat ng parte ng puso ko ngayon. Natuto na silang maging matatag.

"I'm her husband."

Namimilog ang aking mga mata na napatingin muli sa kaniya. Nanatiling walang emosyon ang kaniyang mukha ngunit nasa boses ang pagdidiin. At ang sunod ko na lamang na alam ay tumalikod na ang lalaki at iniwan kami.

Kumabog na naman ang puso ko at hindi ko sila magawang pahintuin. Hendrix looked at me and dragged me towards him. Sumabay ako sa kaniyang paglalakad at doon pa lang ako nakabawi.

"I'm not your wife!" I said angrily, ngunit tahip-tahip naman ang tibok ng aking puso.

He put his arms around my shoulder and whispered. "You will be."

Hindi ko iyon pinansin dahil siguradong nagbibiro lang siya. Nagpatuloy kami sa paglalakad at nagpasyang kumain na ng lunch. After lunch, we tried their other activities together. Ngunit nang mag-dapit hapon, habang tumatama ang mala-apoy na sinag ng araw sa buong paligid ay nagpasya kaming kumuha ng litrato.

"Here," He muttered and placed a yellow hibiscus on my left ear.

Tinapat niya sa'kin ang camera ng kaniyang cellphone dahilan kung bakit awtomatiko akong ngumiti. I saw him smiling too while taking a picture of me. Pagkatapos ng ilang kuha ay pinakita niya iyon sa'kin.

Napatitig ako sa sariling litrato dahil hindi iyon ang Karina na nakikita ko noon sa salamin. The Karina in the picture looks genuinely happy against the fiery rays of the sun.

Inagaw ko sa kaniya ang cellphone. "Ikaw naman!"

Mabilis naman siyang kausap dahil pumwesto siya agad. Humanap ako ng magandang anggulo ngunit kahit saan naman ay guwapo siya at matipuno. I took the first photo. I wasn't satisfied and try another when I noticed something on his chest.

Umangat ang tingin ko mula sa camera at tinitigan si Hendrix. His tan is gleaming against the sunlight. He's lean and has sinewy muscles that scream power. Kung totoo si Poseidon ay siya iyon. Bumagsak ang mga mata ko sa kaniyang dibdib at napansin ang maitim na cover sa tattoo niya noon. Medyo malayo ako sa kaniya ngunit nakakasigurado akong wala na roon ang pangalan ni Hermary.

What happened?

"Why? There's a problem?" He asked worriedly.

Pilit akong ngumiti at umiling. Ibinalik ko ang tingin sa camera at kinuhanan siya ulit ng litrato. I don't want to voice out what's bugging me. I don't want to ruin our day.

After we took each other's picture, Hendrix called someone and asked to take a picture of us. Tumalikod kami sa malawak na karagatan at humarap sa kukuha sa'min ng litrato. He stood behind me, encircling his arms around me, and rested his chin on my left shoulder that sent shivers to my body. Nagtaasan rin ang mga balahibo kong pusa dahil sa pagkakadikit ng aming katawan.

Binalingan ko siya at naabutang nakatitig sa camera. Hindi nakangiti at nanatiling seryoso.

"1, 2, 3!" Mabilis na count ng babaeng kumukuha ng picture namin.

Hendrix looked at me and shot his eyebrow up when he found me staring at him. His lips protruded for a concealing smile.

"Look at the camera, Kare." Aniya sa mababa at namamaos na boses.

I swallowed hard the imaginary lump on my throat and looked at the camera. At sa pag-ngiti ko ay iyon ang huli. Binalik sa kaniya ang cellphone at nakitang tatlong kuha lamang iyon. Ang una ay nakatitig ako sa kaniya habang seryoso siyang nakatingin sa camera. Ang pangalawa ay ang magkatitigan kami. And the last one is we, both smiling, with a setting sun in the background.

Humiwalay ako sa kaniya at naglakad patungo malapit sa tubig. The waters kissed the shore and left a mark of ruining the sands. I lifted my gaze on the setting sun. Naramdaman ko ang paglapit ni Hendrix. I looked at him whose eyes are also at the sun.

"Hendrix," I called him.

He glanced at me. I smiled at him and tilted my head a little. His hair is dancing along with the wind.

"I know I've already said this, but I want to say thank you again for not leaving me. Thank you for staying."

Hindi siya umimik at nanatiling pinapanood ako. I looked at the sea again. The sun finally set but the sea waves remain the same.

Happiness comes with waves, and it will find me again. Everything will be subsided by the dark in time, but light will rise again. Magsasabog ng liwanag ang kalangitan sa panahong tinakda nito. Katulad ng kadiliman. Moon and sun have their own phase, so do I. Everything is just the same as another but that what will make us stronger and better.

"There is still a hole inside me that screams sadness, but I am glad that it didn't fill my whole heart. I'm happy to see myself slowly healing."

Nilanghap ko ang sariwang hangin mula sa dagat. I returned my gaze on him.

"Depression isn't something you can overcome overnight. But I am convinced that there will come a day that tears will be my strength. It will not be my weakness anymore."

Niyakap ko ang sariling braso sa aking sarili at nagpatuloy.

"Darkness came but that what made me find myself... I finally found myself."

He walked towards me. Naramdaman ko ang paglapat ng kaniyang labi sa aking noo. I closed my eyes and there are no tears to shed for this night because my heart is content. I am happy. With or without him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top