#HIW26
Entry 26
"So, how can I help you?"
I lifted my head from what I am doing and saw Hendrix standing in front of the coffee table. Ngumuso ako at hinayon ng tanaw ang kusina at inisip kung tapos na ba siyang magluto. Pagkauwi namin ay dumiretso siya sa kitchen upang mag-handa ng dinner namin habang ginagawa ko ang activities ko dito sa living room.
He went near me and sat next beside me. Hinawakan niya ang ginuguhitan kong bond paper at tinitigan.
"I'll help you with this. Ano bang iguguhit mo?" He asked, eyes still on the paper.
Sumimangot ako at sinulyapan ang drawing ko.
"Does it look so bad that you are suggesting redrawing it?" Matabang kong tanong.
Binalik niya sa'kin ang tingin at nag-angat ng dalawang kamay na para bang sumusuko sa isang pang-a-aresto. May multo ng ngiti sa kaniyang labi habang paulit-ulit na umiiling.
"I didn't say that!"
I rolled my eyes at him. "You know that I am not really good at this. My skills are for business and marketing."
Inagaw ko sa kaniya ang hawak na papel at tinitigan ang sariling gawa. Ang totoo ay wala pa naman talaga ako sa kalahati ng aking ginuguhit, kung masasabing drawing nga ba itong ginawa ko.
"Of course. I know that."
Mabilis kong ibinaling muli sa kaniya ang atensiyon at naabutan siyang inaabot na ang lapis sa lamesa. He crouched a little to draw something on the blank paper he got from my things and lifted his gaze on me again.
"What am I gonna draw?" Nakataas niyang kilay na tanong.
I bit my lower lip and shrugged. "I really don't know. Hindi ko maintindihan 'yong lesson."
Hindi ko alam kung talaga bang hindi ko makuhang maintindihan ang mga nakasulat sa libro o dahil nawawalan ako ng focus. After all, I am still not okay.
Iniwas ko ang tingin sa kaniya at muli na namang nangilid ang luha sa aking mga mata. Hindi nagtagal ay tuluyan na akong humikbi at nanikip ang aking dibdib. Wala akong ideya kung para saan at anong dahilan kung bakit bigla akong umiiyak.
"I don't think I can continue my studies when I am like this. Lagi na lang akong biglang iiyak nang walang dahilan. Nakakainis!" I cried.
Kinabig niya ako palapit sa kaniya at mahigpit na niyakap. At isa lang iyon sa madalas na mga mangyari sa loob ng condo sa nagdaan pang mga buwan na nag-ho-home schooling ako. Mahirap para sa'kin ang mag-focus dahil sa mga bagay na tumatakbo sa aking isipan. Idagdag pa na nanatili akong may mga naririnig.
But there's nothing that can't be healed by time. As time goes by, when the sun rises and sets, when stars start to shine bright at night, I know that I am moving. Mahirap maramdaman kung talaga bang may progreso sa sarili ko pero iyon ang gusto kong paniwalaan.
It was hard, and it's still hard. Naging regular ang pagpunta ko sa aking psychiatrist at patuloy ang naging treatment sa'kin. Halos apat na buwan ko ring pinaglabanan ang mga naririnig at ang pagkaramdam ng takot at kaba. Taking my life never crossed my mind again. Ngunit hindi naalis sa isip ko noon na wala akong halaga. But Hendrix is always there for me. My parents are always there to take care of me and remind me that I am loved.
Mom stays at day and leave at night. Siya ang kasama ko sa tuwing nag-aaral ako sa umaga at naiiwan kay Hendrix sa gabi. Hanggang sa muling sumapit ang pasukan sa huling taon ko sa kolehiyo ay mas pinili ng aking mga magulang na magpatuloy na lamang akong home schooled. Hindi ko iyon kinontra dahil hanggang ngayon, umaasa pa rin ako sa tuluyan kong paggaling.
"Ako ang magpapasa ng midterm mo bukas. How was it?" Hendrix drops a question while we're eating dinner.
I swallowed the food before answering. "Ayos lang naman."
Ngumisi siya sa'kin at nagpatuloy sa pagkain. Months had passed and it changed a lot of things between us. Throughout the process of coping up with depression, he never falters in taking care of me. Siya rin ang madalas na nagtuturo sa'kin ng mga lesson na hindi ko maintindihan. And I can't be more grateful for having him beside me.
Hindi ko siya naririnig na kausap ang kaniyang nobya. Hindi rin siya umalis noong bakasyon patungong Maynila upang makipagkita kay Hermary, pero siguro at iniiwasan niya lang na iparinig o ipakita sa'kin. After all, he knows that I have feelings for him.
Minsan naiisip ko na binibigyan niya lang ako ng konsiderasyon na huwag masaktan dahil sa aking kondisyon. Ngunit sa oras na tuluyan akong gumaling, magkakaroon na rin siya ng lakas ng loob upang tapusin ang ano mang ugnayan mayroon kaming dalawa.
And I am wishing that when that time came, I am already healed. Dahil mahirap magpagaling sa sakit na sabay na nararamdaman. I know because I've been there.
The wind kissed my face and I can't help but closed my eyes to feel it. Sa loob ng halos sampung buwan na nakakulong ako sa loob ng condo, halos makalimutan ko na rin ang hitsura ng mundo. At kung hindi ako nabigyan ng pangalawang pagkakataon upang mabuhay muli, hindi ako magkakaroon ng tsansa na muling makita ang magandang likha ng Panginoon.
Nilanghap ko ang sariwang hangin na malayang pumapasok sa aking ilong. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at sumalubong sa'kin ang walang palyang kagandahan ng Tagaytay.
Hendrix brought me here to the rooftop of this condominium's tower. Sa loob ng halos dalawang taon naming pagsasama at paninirahan ko dito ay ngayon ko lang narating ito. And I remember how I planned on going here, and now it happens.
"Do you like the view?" He asked hoarsely behind me.
Niyakap ko ang aking mga braso sa sarili at tumango. Hindi ko inalis ang tingin sa magandang view sa harapan. I watched the silent but majestic orange and pink hues of the sky slowly turned into dark. The sun that sets at the west along with the fading clouds of pretty hues, I realized that I am like them. Regardless if it is day or night, the world will remain moving and doing its purpose. Regardless if it is bright or dark, the sky will remain beautiful.
My lips parted as I sighed and smiled. World is complicated. Some days I am okay, some days I feel like I am progressing, and some days I feel like my life is ugly. Ngunit kagaya ng mga ulap sa kalangitan, gaano man kadilim o kalinaw, mananatiling kaakit-akit sa mata ng mga taong nakakaalam ng tunay na ibigsabihin ng kagandahan.
And I know now what it means to be beautiful against everything. It's slowly learning who you really are. It's realizing that you can be you without other people's validation. I am a fourth-year college student, Karina Tatiana Ochoa, a 22-year-old wild dreamer. Once in a lifetime means there's no second chance and that what made me believed that while young, we must live the life we want. I don't need to fit in, because I am me and there is a space in the center that belongs to me. I can stand out alone.
"I like the view, too."
Sinulyapan ko siya sa aking likod at naabutan siyang nakatitig sa'kin. Pumungay ang aking mga mata at pinagmasdan siyang nanatiling suot ang kaniyang uniporme. Months had passed and I don't remember thanking him for staying with me.
"Thank you for being my friend, Hendrix." I whispered against the wind.
Having one real friend who stays is enough. Totoo pala na darating na lang bigla 'yong oras na pakiramdam mo napapagod ka ng mainggit at ma-insecure. Iyong pakiramdam na kung ano na lang ang ibigay sa'yo ng mundo, sige lang. Ayaw ko ng umasa. Kasi sa tuwing umaasa ako, sinasaktan ko lang ang sarili ko. Pinapaasa ko ang sarili sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Kaya ngayon, hahayaan ko ang mundo kung saan man niya ako dalhin.
I will trust the process. No matter how slow it may be to get there.
My heartbeat doubled when he started to discreetly move towards me. Umayos ako sa sariling pagkakatayo at hinintay siyang makarating sa aking harapan. Niyuko niya ako at masuyong tinitigan sa mga mata. For all the bad things that happened to me, I never falter to see hope in his mysterious dark eyes. I still get lost whenever he's around.
And I'm happy that he stays... until now.
"I love seeing you happy, Kare. Please be happy forever." Bulong niya at hinaplos ang aking pisngi.
I caught my own breathe and bit my lower lip to conceal a smile.
"Forever is fictional." Natatawa kong sagot.
He shot his eyebrow up and crossed both of his arms on his chest.
"Then, be happy everyday?"
Kumawala ang mahinang halakhak sa aking labi at tumango-tango. "That's more realistic."
His smirk went wider. Hinawakan niya ang aking siko at marahan akong hinarap muli sa magandang tanawin. Dark, but still a masterpiece. Mula dito ay malaya kong natatanaw ang kalakhan ng Tagaytay. Ang mga ilaw mula sa mga establishemento ay tila mga bituin sa kalawakan.
"After OJT, we will have our final presentation for the thesis." Imporma niya sa'kin.
"Then graduation na." Dagdag ko.
He glanced at me with eyes full of aspiration. Tiningala ko siya at hindi ko mapigilang mamangha sa simpleng pagsasayaw ng hangin sa humahaba niya ng buhok.
"Sabay tayong magtatapos."
"You need a haircut." Sabay naming sambit.
Tinikom ko ang aking bibig at tumango. Noon, takot akong mag-home school dahil baka hindi ako makasali sa honor roll. But as days go by, and as I am slowly healing, I realized that my grades will never define me. I can reach my dreams nevertheless if I won't make it to the top achievers. I can still succeed in real life.
"Graduation seems so far when I first stepped in college. Pero ngayon, ilang buwan na lang at mangyayari na ang pinakahihintay ko." Amin ko.
Ibinalik ko ang tingin sa harapan at naalala ang mga taong iniwan ko sa escuelaha'ng iyon. Sa huling araw ko sa klase ay naging maganda ang trato nila sa'kin. Ngunit iyon na rin ang huling pagkakataon na nakita at nakasama ko sila. Hindi ko man maamin noon ay masaya ako na kahit sa huling araw ko ay natanggap ako ng ibang tao. Pero hanggang doon na lang iyon. Dahil tapos na akong ipilit ang aking sarili at patunayan ang sarili sa ibang tao.
"I regretted spending the nights over thinking about the people's opinions about me. Dapat pala inisip ko na lang kung paano ko patatakbuhin ang kompanya nang walang tulong ni Daddy." I laughed at my half-joke.
Tumigil rin agad ako nang manatiling seryoso si Hendrix sa aking tabi. I intertwined both of my fingers and looked down. Napangiti ako nang makita kung gaano kataas ang kinatatayuan namin ngayon.
"But I get over it. Not totally because there is still a hole, but I can move on... I can continue living."
Sinulyapan ko siya at nakita siyang maingat akong pinapanood at pinapakinggan.
"For yourself." He added.
I smiled and nodded. "For myself and for the people who love me."
Silence enveloped both of us that only the whisper of the wind is heard. I was about to return my eyes to the view when he spoke again.
"I'll get a haircut tomorrow, Madame."
Ngumiwi ako sa kaniya at inirapan siya. Humalakhak siya at hinila ako palapit sa kaniya upang maakbayan. We watched the infinite darkness with city lights for I don't have an idea how long.
Days went on and Hendrix's OJT started. Naging mas abala siya sa escuelahan dahil sa nalalapit naming graduation ngunit hindi siya kailanman nahuli sa pag-uwi. He always comes home early just to be with me. At kahit wala na si Mommy o si Daddy sa umaga ay nananatili akong masaya dahil nandiyan si Hendrix.
But everything always has its ends.
"We already talked to Hendrix's parents, hija. Napagdesisyunan namin na i-call off ang engagement pagkatapos ng graduation n'yo. It will be not long, sweetie. Just wait a little more." Mom said and caressed my arms.
Sinulyapan ko si Daddy na binaba ang kaniyang kubyertos. He's wearing a three-piece ash grey suit, looking so ready for a business meeting. Ngunit nandito siya ngayong lunch dahil gusto nila akong kausapin dalawa.
And I don't know what to feel. I've heard them talking about the call off of engagement months ago but they never repeated it again in front of me. At ngayong sinasabi na nila ito sa'kin ng harapan, may parte sa'kin na gustong tumanggi. That I am fine here... I am happy with Hendrix. Pero alam kong mali iyon. He's not mine. I love him but he will never love me the way I do. Para sa kaniya, isa lamang akong kaibigan na responsibilidad niya dahil engaged kami.
Dahan-dahan akong tumango at binagsak ang tingin sa pagkain. It should be fine, right? Iyon ang tamang gawin, 'diba? And Hendrix already had enough of taking care of me. Panahon na rin siguro para ako naman ang mag-alaga sa sarili ko.
"Kare," Mom called me softly.
I blinked my eyes and looked at her. Our gaze met and sadness is very evident all over her face. I forced a smile.
"What's with the sad face, Mom?" I faked a little laugh.
Umiling siya at muling hinawakan ang aking kamay. She glanced at father once and turned it to me again.
"Honey, I am your mother and I'm very sorry for forcing you to an arrangement you don't like." She started and saw tears forming in her eyes.
Nanikip ang aking dibdib dahil sa nakikitang sakit na bumabalot sa kaniyang mukha. I tried to speak but there's a hollow inside my throat that making it hard for me to spit out words.
"I always thought before that I am doing the best for you. Akala ko noon, nabibigyan kita ng sapat na atensiyon. I even thought I made you feel that I really, really love you. Pero doon ako nagkamali. I forgot to ask how you are. Or if I ever did, hindi ko naman napansin ang lungkot sa mga mata mo sa tuwing sinasabi mong ayos ka lang."
Pinalis niya ang luhang naglandas sa kaniyang pisngi dahilan kung bakit hindi ko na rin napigilang maiyak. Dad went to Mom and caressed her back but she continue talking.
"I asked your Dad to be here para na rin makahingi kaming parehas ng kapatawaran sa lahat ng pagkukulang namin-"
"Hindi kayo nagkulang, Mom. Ako 'yong nagkulang kasi hindi ako nagtiwala sa inyo." My voice croaked.
Mom shook her head. "Stop blaming yourself for things you never did, darling. Hindi ka kailanman nagkulang sa mata naming dalawa ng Daddy mo. Isa kang masunuring anak at masipag na bata. Mapagmahal at maalaga kang Ate. Mabuti ang puso mo na kahit labag sa loob mong sundin ang gusto namin, pinagbigyan mo pa rin kami."
Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko makayanang makitang lumuluha ang sarili kong mga magulang. Pinalis ko ang luhang naglandasan sa aking pisngi at tahimik na humikbi habang pinapakinggan si Mommy.
"When I saw you lying unconsciously on the hospital bed... pakiramdam ko nawala ka na rin sa'kin. Hindi ko kaya iyon, Karina. Ikaw lang ang nag-iisang anak kong babae at mahal kita higit sa ano mang bagay sa mundong ito. Kung hindi ko iyon naparamdam sa iyo, patawarin mo ako."
"I am stupid for not realizing earlier who I will lose by trying to fix the company I built on my sweats. Importante sa'kin ang ating kompanya pero walang halaga ang lahat ng iyon kung ikaw ang mawawala sa buhay namin ng Mommy mo." Dad finally spoke after a while.
Pumikit ako ng mariin at binalingan sila. Wala mang luha sa mga mata ng aking ama ay ramdam ko ang labis niyang pagsisisi at kalungkutan. I bit my lower lip to suppress my sob.
"I'm sorry na kailangan pang humantong sa ganito ang lahat bago ko makitang nahihirapan ka, anak."
Umiling ako at tumayo mula sa pagkakaupo. I went to them and hugged both of them tightly. Narinig ko na sila noon na humingi ng kapatawaran ngunit ngayong naulit ito, mas nasasaktan ako. At hindi man lang ako makapagsalita dahil sa labis kong pag-iyak.
"Forgive us, hija." Mom pleased.
They don't have to ask for it because they are always forgiven. They maybe faltered once to make me feel loved as their child but it doesn't matter. Dahil alam kong sa huli, mamahalin pa rin nila ako. Sila pa rin ang mga taong tatanggap sa akin kahit anong mangyari.
"I love you, Mom and Dad." Garalgal kong sambit.
Mom returned my hug and cried even harder, too. "We love you, anak."
After that conversation with my parents, I feel like there is a part in my hole that been covered. Kung ano iyon ay hindi ako sigurado. Just one thing I am sure of, I am healing. At kailangan kong tanggapin na kailanman ay hindi magiging para sa'kin si Hendrix.
And I must start teaching myself to be okay with that.
I was fixing my things on the coffee table when I heard the doorbell. Awtomatiko akong napahinto sa ginagawa at tinitigan ang malayong pintuan.
"Are you expecting a visitor today?" Mom shouted from the kitchen.
Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita. Sinulyapan ko ang wall clock at nakitang pasado alas onse pa lang ng umaga. Nilapag kong muli ang mga libro sa lamesa at naglakad patungo sa pintuan.
Who could this be? Malabong si Hendrix dahil nasa OJT pa iyon. Daddy is in Taguig.
Binuksan ko ang pintuan at nanlaki ang mga mata sa gulat nang makita kung sino ang nasa harapan ng pintuan. Lawrence in his casual white polo shirt and faded jeans, with a bouquet of flower in his hands, is staring straight at me.
"L-Lawrence! What brought you here?" Nakabawi ako mula sa pagkabigla.
He smiled sheepishly and handed me his flowers. "Visiting." Tangi niyang sagot.
Tumaas ang aking dibdib at tumango. Nilakihan ko ang siwang ng pinto pagkatanggap ko sa kumpol ng mga bulaklak at pinapasok siya sa loob.
"Who is it, sweetie?"
Sumulpot si Mommy sa living room suot ang apron at nahinto nang makita kung sino ang kasama ko. Mom eyed me with questions. Sinulyapan ko si Lawrence na naglahad ng kamay kay Mommy at nagpakilala bago pa man din ako makapagsalita.
"Hello po, Tita. I'm Lawrence."
Mom's mouth formed into an 'o' and accepted his hand. "Lawrence." Ulit niya sa pangalan.
"Sounds familiar." Makahulugan niyang dagdag.
Ngumuso ako at hindi pinabulaan ang ano mang maaaring tumatakbo sa isipan ni Mommy. Alam kong kilala niya si Lawrence bilang ex ko dahil siya ang nakita niyang kahalikan ko sa litrato. Speaking of that picture, I don't know what happened to it anymore. I detoxed myself from social media for almost a year now kaya wala akong balita. Hindi naman ata iyon nakalabas pa mula sa private group ng school.
"Maiwan ko muna kayong dalawa at nagluluto ako. I'll give you both privacy since I can sense that you have something to clear." Aniya at kinindatan ako.
Ngumiwi ako sa sinabing iyon ni Mommy ngunit hindi ko na pinansin. Inaya ko si Lawrence na maupo sa sofa habang nilalapag ko ang mga bulaklak sa coffee table. When I finally settled myself on the sofa across him ay nabalot sa awkward silence ang buong paligid.
He cleared his throat and fixed himself on the seat. Tinitigan ko siya at hinanap ang noon kong nararamdaman para sa kaniya ngunit hindi na nagwawala ang puso ko para sa kaniya. Seeing him now in front of me reminds me of our past, both memorable and painful. And when I thought I will never get over him, I did. When? I don't know. Bigla ko na lang iyon naramdaman. One day, I woke up and there are no tears to cry more for him.
"Kumusta ka?" He asked.
Ngumiti ako sa kaniya. Hindi man naging maganda ang dulo ng istorya naming dalawa, nagpapasalamat pa rin ako na minsan ay dumating siya sa buhay ko noong mga panahong kailangan ko ng isang taong magpaparamdam sa'kin na kamahal-mahal ako.
"I'm okay. Not totally, but I'll get there." I shrugged.
Pumungay ang kaniyang mga mata at lumambot ang kaniyang ekspresyon. He sighed deeply before uttering a word again.
"Okay. I will not really stay long here, Kare. I just want to say that..." He paused and looked straight into my eyes.
"That I'm sorry." He resumed.
Bakas ang sinseridad sa mga mata niya at wala akong balak na hindi siya paniwalaan. They are right, time heals all wounds.
"I'm sorry for leaving you in times you needed me the most." Nabasag ang kaniyang boses.
I bit my tongue and let him continue talking. I want to hear him.
"I was an asshole for breaking your heart. I was stupid for ignoring you just for some petty reasons. I was jealous of Hendrix and I thought that time that you're slowly slipping away from me. Pakiramdam ko naaagaw ka na sa'kin ni Hendrix. I am selfish because I thought of breaking up with you para hindi ako masaktan." He scoffed at himself.
"Pero mas lalo lang akong nasaktan. I thought that hating you can erase all my feelings for you. But I was wrong again."
"Si Mild. You're happy with her now-"
"We are nothing, Karina. She's just a friend."
"Pero nakita ko kayong naghalikan sa bayan." Maingat kong sambit.
Tumango siya. "I saw you."
My irises went wide with what he said. He smiled mockingly at himself.
"And again, I was an asshole. Hindi ko naisip noon kung anong sinayang ko."
Huminga ako ng malalim at binagsak ang tingin sa mga bulaklak sa coffee table.
"Things are supposed to happen as they should be, Lawrence." Tangi kong naisagot sa lahat ng kaniyang sinabi.
"Siguro nga." Mahina niyang sambit. "But I am still regretful for what I did."
"Maybe because you still don't hear me forgiving you." I returned my eyes to him.
"Matagal na kitang pinatawad. Hindi ka pa humihingi ng kapatawaran, binigay ko na. Because I moved on."
Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kaniyang mga mata ngunit saglit lang iyon at iglap ding nawala. He nodded and another second of silence appeared before he spoke again.
"'Yung kumalat na picture natin... hindi ko alam kung paano iyon nangyari. I don't have an idea how that private moment of ours was taken."
"Hindi ko rin naman naisip na ikaw ang may gawa no'n. And I already got over it, too."
He pursed his lips and nodded again. "You look happy now."
Am I? My eyes darted at the glass wall that shows the half of Tagaytay City. Maaliwalas at mataas ang sikat ng araw sa labas.
"I don't know if I really am. But I'm trying." Sagot ko at ibinalik ang tingin sa kaniya.
Tinitigan ko siya sa mga mata at tila ako binabalik ng mga iyon sa nakaraan. I unconsciously smile remembering what we had.
I have long accepted ago that we are done and we are not meant for each other. What I had felt for him is a love I needed to feel that I am not alone. Ibang-iba sa pagmamahal na mayroon ako ngayon kay Hendrix. I love Hendrix because it just happens that he can make my heart at peace and in love.
Maybe I really don't fall in love with Lawrence. I was just in pain and alone, very vulnerable that I needed someone to hold onto. At noong mga panahong iyon, si Lawrence ang sumalo sa'kin. He was my companion and the one who saved me from loneliness. I fell in love with the thought that I love him when the truth is not.
I fear losing him before because I will have no one after him. Pero hindi takot ang nararamdaman ko ngayon para kay Hendrix. It's pain. Dahil alam kong hindi niya ako magagawang mahalin higit pa sa isang kaibigan.
"Thank you for the memories, Lawrence. Thank you for being there with me when I needed someone to hold on tight."
I saw his eyes widened when I suddenly spoke. Pumungay ang aking mga mata at tipid na ngumiti.
"I am thankful for the lessons our relationship made me learned. I am thankful for meeting you. Pero hanggang doon na lang iyon. I'm happy for where life brought us now."
A faint smile plastered on his face as he nodded. "Thank you, too. It's been almost two years since our break up but the memories are still clear. But nevertheless, I am happy for you."
Tumawa siya at tumingala. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya ngunit nang ibalik niya sa'kin ang tingin ay doon ko lang natanto na may namumuong luha sa kaniyang mga mata. My heart breaks seeing him in tears.
"We're still both young. I am pretty sure that you're still about to meet the girl meant for you. At mamahalin mo siya ng higit sa pagmamahal na mayroon ka sa'kin noon."
He remained smiling through the tears. "Sana. Wala kang katulad, eh."
Sumimangot ako. "Hindi ka hahanap ng babaeng katulad ko. Ibibigay sa'yo ang babaeng para sa'yo."
Hindi ko namalayan na tumulo na rin pala ang luha ko dahilan para matawa ako. Pinalis ko ito at tumayo.
"I'm not crying because I still like you." I joked.
Tumawa rin siya at tumayo. Naglahad ng kamay na muling nagpasalubong sa aking mga kilay.
"I am Lawrence, by the way." Aniya.
I lifted my eyes on him. Puno ng pighati at panghihinayang ang mga mata ngunit may ngiti sa labi. I took a deep breath and accepted his hand.
"Karina. Nice meeting you." Sinakyan ko ang kalokohan niya.
"Thank you for everything. This is the closure we both needed and I am ready to say goodbye now."
I went to him and hug him for the last time. Naramdaman ko ang pagtulo ng mainit niyang luha sa aking balikat at siya rin ang unang bumitiw.
"I'll get going. See you when I see you." Paalam niya at ilang segundo pa akong tinitigan bago naglakad patungo sa pintuan.
Sinundan ko siya at pinagbuksan ng pintuan. Akala ko at muli siyang lilingon sa'kin ngunit nagpatuloy siya sa paglalakad patungong elevator. Kinurap ko ang mga nagbabadyang luha at sinarado ang pintuan. I walked towards the living room and found Mom waiting for me.
"Are you finally now ready to start again?" Tanong niya.
"I'm already starting, Mom," I replied confidently.
"Slowly." I added.
"It's okay. It's still a progress." Mom smiled and held her hand for me.
"Sabi mo magluluto ka ng adobo para kay Hendrix, remember?"
Tinanggap ko ang kaniyang kamay at tumango. "I'm going to show that man that I am a pro now at cooking adobo!"
Mom chuckled and dragged me towards the kitchen.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top