#HIW25
Entry 25
"Ate, can we play the Xbox now?!"
Pagbukas ng pintuan ng condo unit ay bumungad sa'kin ang kapatid ko na masyadong mataas ang enerhiya ngayon. Tipid akong ngumiti at naglakad palapit sa kaniya. Naramdaman ko si Hendrix na dumiretso sa aking mga magulang na nauna dito.
"Kayden, your Ate still needs to rest." Mom said in the background.
Mabilis na napawi ang ngiti sa labi niya at sumimangot. I squatted for our eyes to level. Hinaplos ko ang kaniyang buhok at masuyo siyang tinitigan. At hindi ko alam kung hanggang kailan mangingilid ang luha ko sa aking mga mata. Ngayon ko nararamdaman ang malalim na pagsisisi sa aking ginawa.
"Maglalaro tayo mamaya." I assured him.
Tumango siya at sinulyapan sina Mommy na pinapanood kaming dalawa. I found Hendrix's eyes watching me vigantly. Tumayo ako at bahagyang pinasadahan ng tingin ang buong unit.
"Sinabi sa'kin ni Mommy na dadaanan sila dito mamaya." Hendrix spoke.
Muli akong napalingon sa kaniya. Umahon ang kaba sa aking dibdib sa pagbanggit niya sa pangalan ng kaniyang mga magulang. Bago ako mawalan ng malay ay nasa isipan ko ang nangyaring pagkalat ng picture namin ni Lawrence sa internet. Hindi ko alam kung paano iyon nakarating kay Daddy gayong sa private group lang ng school iyon naka-post. At natatakot ako na baka nakarating din iyon sa magulang ni Hendrix.
"Hey, are you okay?"
Hindi ko namalayang lumapit sa'kin si Hendrix dahil sa aking mga naiisip. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at naabutan siyang sobrang lapit sa'kin na halos magdikit na ang aming mga katawan. Nakayuko siya at masuyo akong tinitignan sa mga mata.
I swallowed the imaginary lump on my throat and shook my head. Dumapo ang kaniyang kamay sa aking balikat at nag-aalala akong sinuri.
"May naririnig ka pa rin ba?" Maingat niyang tanong.
Nagtaas baba ang aking dibdib at umiling. I gritted my teeth to suppress my cry. Lumagpas ang tingin ko sa kaniyang likod at natanaw sina Mommy na naglalakad papunta sa balkonahe. Ibinalik ko ang tingin kay Hendrix na nanatiling nakaantabay sa aking sasabihin.
"Your parents..." I trailed off.
"What about my parents?"
Iniwas ko ang tingin sa kaniya at balisang naghanap ng isang bagay na maaaring pagtuonan ng pansin. Ngunit wala akong makita kung kaya't ibinalik kong muli ang atensiyon sa kaniya.
"Did they saw the picture?" Tanong ko.
Napatuwid siya sa kaniyang pagkakatayo at tumikhim. Nanatili akong nakatitig sa kaniya at hinihintay ang kaniyang sagot. He smiled faintly and shook his head.
"They didn't," he convinced me.
"But you did."
Umigting ang kaniyang panga at iniwas ang mga mata sa'kin. Nanikip ang aking dibdib at tila hiniwa sa gitna ang aking puso sa nakita kong emosyon na dumaan sa kaniyang mukha. He returned his gaze on me, eyes now unfathomable.
"Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit muntik ka nang mawala sa'kin, Kare. And I will make sure to find whoever spread it-"
"You don't have to. Matagal ng litrato iyon at wala akong pakialam." I looked away.
Ang totoo ay wala talaga akong pakialam sa litratong kumalat. Nasaktan lang ako dahil may isang parte ng aking isipan na iniisip na maaaring si Lawrence ang may kagagawan no'n. Idagdag pa na iyon din ang naging dahilan kung bakit labis na nagalit sa'kin si Daddy. Iyon ang unang pagkakataon na nakita ko ang galit sa mga mata ng aking ama kaya dumako sa isip ko na hindi nila ako mahal.
But I was wrong. Alam ko na ngayong mahal nila ako at pipilitin kong labanan ang ano mang magtutulak sa'kin na gawin ang isang bagay na alam kong hindi ko na mababawi. I don't know why I am given a second chance, but I will let my fate decides for me. Dahil napapagod na akong planuhin ang buhay ko. Napapagod na akong umasa kung sa huli ay wala rin naman pa lang magbabago. Mananatili lang rin pala akong nasasaktan.
"Kung lagi mong hahayaan ang ibang tao na apakan at maliitin ka, magpapatuloy silang gawin iyon sa'yo."
Do I have to prove anything to the people around me? Do I have to prove to them that I am not who they thought I am? I already did that before and nothing changed. At nakakapagod nang patunayan sa ibang tao na mabuti ang intensiyon ko dahil wala pa ring magbabago.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at hindi umimik. Huminga siya nang malalim at pinaglandas ang kaniyang kamay sa aking mga daliri.
"I have something for you."
I instantly lifted my head to see him. Marahan niya akong hinila patungo sa living room at may inabot siya sa coffee table. When he handed it to me, my lips parted. It's a bouquet of roses in different colors. Hindi ko napansin ang mga bulaklak pag-apak namin sa loob.
"I know you missed your roses." He said playfully.
I longingly stared at the roses and I can't help but for the tears to fell. It's just a flower but it already warms my heart. It made me realized that I will never able to see these again if I died.
"Thank you," garalgal kong sambit.
"You're welcome."
Hinaplos ko ang petals ng mga rosas. They are beautiful, almost looking like they are perfect. But they've got thorns, too. Kung ang panlabas na anyo lang ang titignan, nakakaakit sila. Kapag nilapitan at hinawakan, masusugatan ka dahil sa mga tinik nila. And humans will hate them for that. Hindi nila matatanggap na kahit ang pinaka-magandang bulaklak sa buong mundo ay may kapangitan ding taglay. But if you learn to appreciate their imperfections and saw the beauty within, you will love them.
"Maghahanda ako ng lunch. Want to join me in the kitchen?"
I lifted my gaze on him again. Umiling ako at hinayon ng tanaw ang balkonahe na sarado.
"Itatanim ko na 'to katabi ng iba sa balcony." Ani ko.
Ngumuso siya at tumango. Nilagpasan ko siya at nagtuloy patungo sa balkonahe. I clicked the lock para mabuksan ang sliding door nang marinig ko ang mga tinig ng aking mga magulang. Huminto ako sa pag-amba kong pagbubukas at pinakinggan ang kanilang pinag-uusapan.
"I already talked to Tristan." I heard Dad said.
Sumilip ako sa labas at naabutan silang dalawa na nakaharap sa barandilya.
"Sinabi ko na sa kaniya na i-call off ang engagement ni Karina at Hendrix pagkatapos ng kanilang graduation. By that time, nakakasigurado na akong nakabawi na ang kompanya."
"Anong sinabi nila Tristan?"
"Pumayag si Tristan."
"What about Kristine?"
"Tristan tried to talk to her pero ayaw ng asawa niya. Kristine is fond of our daughter. Gusto niya si Karina para kay Hendrix."
Tumingala si Daddy at sinapo ang kaniyang noo. "Our daughter's life is more important than that damn company. Nagsisisi ako na pinilit ko siyang ipasok sa sitwasyong ito."
Nanlaki ang aking mga mata at namuo ang mga luha. Lumapit sa kaniya si Mommy at hinaplos ang kaniyang braso.
"I am also regretful for forcing her to this engagement. Pero hindi natin kailangang magsisi habang buhay, honey. Sisiguraduhin natin na hindi na ulit ito mauulit kay Kare."
Umiling si Daddy. "Paulit-ulit niya akong kinausap noon tungkol sa call off ng engagement. At iyon ang gagawin ko. Ayoko nang makitang nahihirapan ang anak natin."
Tumalikod ako at nilisan ang pwestong iyon. Bumalik ako sa living room at umupo sa sofa. Nilapag ko ang kumpol ng mga rosas sa coffee table at tulalang tinitigan ito. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Matuwa sa kanilang desisyon o masaktan dahil hindi ko iyon gusto.
Sinapo ko ang aking mukha at hinilamos ang palad. Iyon ang gusto kong mangyari pero may parte sa'kin na ayaw nang ituloy iyon.
Narinig ko ang kanilang mga yabag sa likod dahilan kung bakit umayos ako sa pagkakaupo. Mom smiled at me and sat next to me. Sinuklay niya ang aking maalong buhok gamit ng kaniyang daliri.
"I'll take Dra. Aquino's advice, Mom." I voiced out.
Hindi pa nag-iisang oras nang makalabas kami mula sa opisina ni Dra. Aquino ngunit nakapagpasya na ako. Naisip ko na mas mapapadali ang aking paggaling kung narito ako sa bahay. I will not be exposed to the things and people that trigger my emotions.
"Mabuting sinunod mo ang payo ng doctor, Kare. And don't worry, I will be with you during the daytime and help you with your studies. I promise that you will graduate on time."
My eyes darted to Dad who's only watching us intently. Bumagsak ang tingin ko sa aking mapuputlang kamay.
"But I want to attend the classes tomorrow." Dagdag ko.
"Karina, it will not be good for you-"
"For the last day, Mom. Please." Pakiusap ko at muling inangat ang tingin sa kaniya.
Nag-aalinlangan ang kaniyang ekspresyon na pagbigyan ako na kailangan niya pang sulyapan si Daddy.
"Ako na ang kakausap sa adviser mo, hija. Hindi mo kailangang pumasok pa-"
Maagap akong umiling. "I just want to see the campus for the last time."
That place still holds the bad memory in my heart. Alam kong walang magbabago kung papasok akong muli sa escuelahan na iyon at ipaalam sa kanila na iyon na ang huling araw na makikita nila ako. But who cares about what will they say?
My attempt of taking my life changed a bit of how I view my life. And I don't know how in just a span of three days, I lost my interest in other people's opinions about me. Babalik ako sa school na iyon upang tapusin ang nasimulan ko at ipagpatuloy ang pag-aaral sa lugar kung saan gagaling ako.
"Okay." Malalim na huminga si Mommy at tumango-tango.
"Pero iyon ang huli, okay? At sa susunod na araw ka na papasok. Kailangan mo pang magpahinga."
Tinitigan ko sa mata si Mommy. "Bakit gano'n, Mommy? Kahit magpahinga ako, pagod pa rin ako?"
Nakita ko ang pagkislapan ng mga mata niya dahil sa namumuong luha. She pursed her lips and holds my hands softly.
"It will be not long, darling. Matatapos rin ang lahat ng pagod mo. And when that day came, we will go to church like we used to do before. Have you forgotten to pray already?"
Nagtagis ang aking bagang dahil sa kaniyang huling tanong. I don't think I still have to pray. He won't listen.
Hindi ako sumagot dahilan kung bakit nabalot sa katahimikan ang buong paligid. Nabasag lang ang katahimikan nang sumigaw si Kayden at hinila ako papuntang kusina kung saan naglalagay ng mga plato sa lamesa si Hendrix.
Nilingon ko si Mommy at Daddy na nanatiling nasa sofa at hinahabol kami ng tingin. I waited for them to say what I heard them talking about a while ago but they didn't. At hindi ako nakakasigurado kung handa ba akong marinig na tuluyan nang tutuldukan ang relasyong mayroon kami ngayon ni Hendrix.
Mom and Dad stayed the whole day on the unit. And with them around, I didn't have the chance to cry. Masaya akong makita si Kayden na naglalaro kasama si Hendrix. While Mom never left my side. Ngunit lahat ng araw ay may hangganan. They have to return to our house and leave me again with Hendrix.
"Babalik ako dito bukas ng maaga." Mom said and kissed my cheeks.
I bid them goodbye and returned to the living room after they left. Hindi pa man din ako nakakabawi sa pag-alis nila Mommy ay dumating naman ang mga magulang ni Hendrix. Mabilis akong tumayo at sinalubong si Tita Kristine at Tito Tristan na parehas nag-aalalang lumapit sa'kin.
"We were worried about you, hija. How are you feeling now?" Tanong ni Tita Kristine.
Kinagat ko ang aking labi at hindi alam kung anong isasagot.
"Umupo kayo, Mommy." Untag ni Hendrix.
Umupo ako at sumunod si Tita sa aking tabi. Sinusuri niya ako at hindi ko mapigilang mangilid ang luha sa aking mga mata. They cared about me.
"Ang laki ng nabawas sa timbang mo." Puna niya at sinulyapan ang anak niya na lumalapit sa'min.
Hendrix sat next to me that made me glanced at him. Ngumiti siya sa'kin at hinawakan ako sa aking kamay. Ibinalik ko ang tingin kay Tita at Tito na nanatiling nag-aalalang nakatitig sa'kin.
"Karina," She called me.
"Walang kasiguraduhan ang buhay ng tao. Hiram lang natin ang buhay na ito at wala tayong karapatan na tapusin ito ayon sa sarili nating kagustuhan. There are people who prayed to live longer but they didn't. There are people who prayed to be given a second life but they haven't. Kaya bigyan mo ng halaga ang sarili mong buhay, Karina. You weren't given a second chance for nothing."
Nag-iwas ako ng tingin at kinagat ang dila. Nararamdaman ko na naman ang umaambang luha sa aking mga mata at kahit ayaw kong umiyak sa harapan nila ay hindi ko kayang kontrolin ang sariling emosyon. I sniffed as tears started to streamed down on my cheeks.
Hendrix's hands flew to my shoulder and pulled me towards him. Humarap ako sa kaniya at umiyak sa kaniyang dibdib upang maitago ang mukha sa kaniyang mga magulang.
How indifferent am I to my life? Pero kailangan ko bang masisi kung iyon lang ang solusyon na alam ko ng mga panahong iyon para matakasan ang problema ko? O sadyang hindi ko na talaga kilala ang sarili ko. I turned into someone I don't even know.
The passion burning inside my heart turned into ashes. The dreams that living inside my head turned into just a figment of my forever imaginations. My faith has gone when my tears didn't wither. I turned stone cold and I don't believe in miracles anymore.
Lumakas ang aking hikbi dahilan kung bakit humigpit rin ang yakap sa'kin ni Hendrix.
"Mom," I heard him called his Mom warningly.
"I'm sorry, hija. Gusto ko lang ipaalala sa'yo. I understand your situation but please never think of taking your life again. It will not solve your problems." Puno ng pag-aalala at pagkataranta ang boses ni Tita.
Bakit ang mga taong gusto lamang akong mapabuti ang humihingi ng paumanhin? Paano ang mga taong sinaktan at dinurog ako? Bakit kailangang ang mga taong pinahahalagahan ko ang maapektuhan at hindi ang mga taong dahilan kung bakit ganito ako ngayon?
I cried even harder with my thoughts. Dahil sa muli kong pag-iyak at pagkabalisa ay hindi na ako nagawang kausapin muli nila Tita. They have to leave when the clock strikes ten. Naiwan kaming dalawa ni Hendrix sa loob ng kaniyang unit at nabibingi ako sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa.
"Kukunin ko ang gamot mo, Kare." Aniya at umambang tatayo ngunit humigpit ang hawak ko sa kaniyang braso.
Hinanap niya ang aking mga mata at nang matagpuan ay puno ng pagsusumamo akong tinitigan. I blinked my eyes to clear my vision and stared back at him.
"Kaya ko pa ba?" I said in a trembling voice.
Hinaplos niya ang aking pisngi kung saan naglandas ang panibagong luha. His eyes softened with so much pain etched in them. Hindi ko alam kung paano ang isang matipuno at malaking tao na kagaya niya ay maaaring makaramdam ng sakit katulad ko. It may not be obvious in his physical appearance but you can see it through his eyes.
"I will be with you on this battle. You don't have to fight alone."
Mas lumabo ang aking paningin dahil sa namumuong luha. My hold in his arms tightened even more.
"Aalagaan kita." He added.
"You will do that because you think I'm the type of girl who needs to be saved?" I asked through the tears.
He shook his head. "You're a fighter, Kare. In fact, you don't need me... but I want to be with you. I want to take care of you."
I sobbed and closed my eyes. "I'm not a fighter. I am weak. I am sensitive. Problems can easily break me. And I don't think I can do this on my own. And yes, I need a savior because I can't do this alone."
Bumulalas ako ng iyak dahil iyon ang totoo. Kahit anong pilit kong isipin na kaya ko ang aking sarili, na malakas ako, iba ang sinasabi ng katawan ko. That I am not strong as I thought I am.
"You're not alone. You have me. Your family, my family, and Kayden. Nandito kami para sa'yo."
Kinabig niya ako palapit sa kaniyang dibdib nang mas lumala ang aking pag-iyak. At nakakapagod na ang paulit-ulit na pag-iyak ngunit hindi ko alam kung kailan ito titigil. And time seems to move so slow when I needed it to speed up.
The next day was still hard for me. Nanatili akong malungkot at hindi mapakali habang nasa loob ako ng condo unit. Hendrix has to attend the class kaya naiwan ako kay Mommy. And for the next day, I finally able to breathe in the place again.
Kasama si Mommy at Daddy ay tinungo namin ang office ng aking adviser at kinausap nila ito. They had a discussion with her regarding my homeschooling and my situation. They considered me and approved me for modular learning. Nangangamba lang ako na baka hindi ako makasama sa honor roll.
Pagkatapos ng diskusyon na iyon sa aking adviser ay nagtuloy ako sa klasrum. Pumasok ako sa loob kasabay ng kasunod na subject professor namin sa oras na ito. Sabay-sabay na dumapo ang mga mata nila sa pintuan at pinanood akong maglakad patungo sa aking lamesa.
I silently sat on my chair. Binigyan ko ng isang tingin ang mga kaklase ko na nanatiling sa'kin ang tingin. I inhaled and exhaled and clenched both of my hands. This will be the last, I remind myself.
But strange, they started to treat me different from what I used to. Pagkatapos ng klase sa pangalawang subject ay nilapitan ako ng aking mga kaklase at kinamusta. Nalaman nila ang nangyari sa akin at hindi ko alam kung paano. Pero sadyang may pakpak talaga ang balita.
"Huwag mo na uulitin 'yon, ha!" Our class president went to me and said that.
Nginitian niya ako, hindi ngiting peke kundi totoo. I tried to smile back but I can't make my lips move.
"Oo nga! Sayang ang talino mo kung hindi magagamit sa future!"
Napabaling ako sa isa ko pang kaklaseng lalaki na nagsalita sa unahan.
Lumuwag ang pagkakakuyom ko sa aking kamay at pinasadahan ng tingin ang bawat kaklase. 'Tsaka lang nila pahahalagahan ang isang tao kapag may nangyaring masama. But regardless of it, I'm happy that I am receiving this kind of this treatment now. Because this is what I deserve. I deserve to be treated fairly.
"Sus. Naniwala naman kayo diyan. Gawa-gawa niya lang 'yon!" Fatima said a bit louder.
She looked at me detestly and cunningly. Hinawi niya pa ang buhok at inirapan ako. May binulong siya sa katabi na nagpatawa sa kaniya ngunit hindi sinabayan ng kausap niya. Iniwas ko ang tingin sa kaniya.
Dumating ang sunod na professor at kinamusta ako. Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung tama bang sabihin sa kanila na hindi pa rin ako maayos.
Pagsapit ng lunch ay naiwan akong mag-isa sa loob ng classroom. Lahat sila ay lumabas upang kumain sa canteen o 'di kaya ay umuwi.
"I knew you won't go out again."
Napaangat ako ng tingin mula sa aking lamesa nang marinig ang pamilyar na boses. Hendrix, wearing the male's school uniform without his I.D, is carrying a famous paper bag of fast-food chain near here on his hands. Umawang ang labi ko nang hinila niya ang silya sa unahan at dinikit sa'king lamesa.
"Bakit ka may dala niyan?" Naguguluhan kong tanong.
Binuksan niya ang supot at mabilis lamang akong sinulyapan, nakataas ang kaliwang kilay.
"Hindi ka na naman kakain. Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom." Aniya.
I stared at him in disbelief. Why is he doing this? Alam kong inaalagaan niya ako sa tuwing kami lang dalawa sa loob ng condo unit niya ngunit dito sa school? I know that he hates to be seen with me.
"Why are you doing this?"
Huminto siya sa paglalabas ng pagkain mula sa supot at ibinaling sa'kin ang buong atensiyon.
"Because I want to."
"But you don't have to." Agap ko.
"You want me to watch you starving and alone in this room?" Kritikal niyang tanong.
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang malambot na bagay na humaplos sa aking puso.
"Hindi ako nagugutom." Wala sa sarili kong sagot dahil abala akong titigan siya.
He smirked boyishly. "I bought burger and fries in case you won't really eat."
Ngumuso ako at pinanood siyang nilalabas ang mga pagkain mula sa supot. Nilapag niya ang isang kahon na may nakasulat na chicken and rice. Dinagdag niya sa lamesa ang fries and burger at inayos niya rin ang mga plastik na kubyertos.
Mabilis akong napaangat ng tingin sa pintuan nang marinig ko ang pagdagsa ng mga pamilyar na boses. At hindi ako nagkakamali dahil natigil sa hamba ng pintuan ang mga kaklase ko nang makita kung sino ang nasa loob kasama ko.
"Mauna kang pumasok!" Sigaw ng kaklase kong lalaki sa nasa likod niya at tinulak ito papasok.
They cleared their throat in sync and consciously find seats in front. Doon sila nagsiksikan kahit pa maraming bakanteng upuan sa likod at gitna. I even saw them looking at Hendrix na tila ba nahihiya sila sa kaniya.
I bit my lower lip and looked at Hendrix who remained unbothered and serious while fixing the food on our table. Bumagsak ang tingin ko sa pagkain at sinubukang buksan ang plastic ng burger ngunit muli akong nag-angat ng tingin sa aking mga kaklase. They are now looking at us curiously.
Sino bang hindi kung makikita nila na nasa loob ng classroom namin ang isang estudyante na hindi naman namin kaklase?
"Start eating, Kare."
Nagulat ako sa malalim na baritono ni Hendrix. Napayuko akong muli sa pagkain at sinimulan nang kagatan ang burger. I chewed it slowly because I can feel my blood running towards my cheeks. Hindi ako nahihiyang kumain kasama si Hendrix ngunit hindi ako komportable na pinapanood kami ng ibang tao.
Sinulyapan ko si Hendrix na kalmanteng kumakain at walang pakialam kung maraming mga mata ang nakatuon sa kaniya. Samantalang tila tuod ako sa harap ng aking mga kaklase.
Nagtama ang mga mata namin nang mag-angat siya ng tingin mula sa sariling pagkain. Kinuha niya ang fries sa lamesa niya at nilipat sa'kin.
"Dala ko ang gamot mo. Ubusin mo 'yan." Utos niya at kinuha ang isang bote ng tubig.
Binuksan niya ito at nilagay sa aking lamesa. I played with my tongue and tried to conceal my smile by protruding my lips. Why, he is so thoughtful. I returned my attention to my food and ignore the people who are curiously watching us.
Naunang matapos kumain si Hendrix at hinintay ako. Inayos niya ang kalat sa lamesa at pinunasan ng tissue ang gilid ng aking labi pagkatapos kong uminom ng tubig.
"Busog na ako." Sa maliit kong boses na sambit.
He smirked at me and didn't utter a word. And I don't know how that simple smile made my heart leaped. Tumayo siya at tinignan ang relo sa palapulsuhan. Gamit ang isang paa ay tinulak niya sa dating pwesto ang silyang kinuha niya.
"I'll be late. Hintayin mo ako mamaya sa sasakyan." Aniya at nilabas ang car key mula sa bulsa ng slacks niya.
Nilahad niya sa'kin iyon na nagpakunot sa aking noo.
"I know you don't know how to drive. Hanggang ala sais ang klase ko ngayon. Wait for me inside." Bilin niya at hindi pa man din ako nakakasagot ay nilagay niya na sa palad ko ang susi at dumiretso palabas.
My lips parted in surprise but I shut it instantly, too. Tinitigan ko ang susi ng kaniyang sasakyan at tuluyan nang napangiti. Pagkatapos ng huling klase sa hapon ay nagpahuli akong lumabas dahil ayoko sanang makasabay palabas ang aking mga kaklase. But I was wrong when I thought I was already left alone.
Nang nasa hamba na ako ng pintuan ay sumulpot si Fatima at hinarang ako. Nasa mukha ang matinding disgusto para sa'kin. I am not new to it. I know that she loathes me. I was about to exit on the other door when she followed me and grabbed me by my arm. Hinawi ko ang kaniyang kamay at isang pulgadang umatras mula sa kaniya.
"Now that you get the attention you want, masaya ka na?" She snapped enragedly.
Kumunot ang noo ko.
"Don't play dumb. You stage your suicidal para mapansin ka ng ibang tao, para matanggap ka. Ang totoo, nasisiraan ka lang naman talaga ng bait!" She yelled at my face.
My eyes turned round with what she said. Narinig ko na siya kanina na pinagkakalat na gawa gawa ko lamang daw ang tangka kong pagkakamatay ngunit hindi ko iyon pinansin. And I don't know what gotten to me but I am already done with her attitude towards me.
"I don't have to prove anything to you. I don't care if you think that I faked my attempt to suicide or whatever happening within me. Just go on with your life and stop meddling with mine. I never asked for your opinion, by the way." Mariin kong sambit, calmed but equalling the anger in her eyes.
I saw her stiffened and her eyes slightly widened with my remarks. Akala niya siguro at hindi ko siya papatulan pero napupuno na ako sa kaniya. I calmed myself and turned my back on her. Lumabas ako sa kabilang pintuan at iniwan siya sa loob ngunit narinig ko ang kaniyang pahabol.
"Whatever, insane! Huwag na huwag ka nang babalik dito!"
I ignored her. I won't listen to her. She will not contribute to my healing. I lifted my chin and continue walking towards the other floor. Naglakad ako sa tahimik na hallway at hinanap ang classroom ni Hendrix.
Kumalma ang puso kong nagwawala dahil sa galit nang makita ko siyang seryosong nakaupo at nakikinig. Nagkakasalubong ang dalawang makakapal na kilay at nakatikom ang mapupulang labi. Tamad siyang nakasandal sa likuran ng upuan habang bukas ang dalawag butones ng polo at hindi maayos ang pagkakasuot sa I.D.
Ginala ko ang paningin sa loob at nakita ang dalawa niyang matatalik na kaibigan sa likod ng upuan niya. Tulala si Shall at halatang hindi nakikinig, naglalakbay siguro ang isipan. Samantalang si Danilo ay nakayuko. Nagkasalubong ang aking mga kilay at napansin na patago siyang nagtitipa sa kaniyang cellphone.
Nang may sumulyap na kaklase niya sa labas ay mabilis akong nagtago. It's only 4 in the afternoon at dalawang oras pa akong maghihintay. Sinandal ko ang likod sa pader at niyakap ang librong binigay sa'kin ng prof ko sa major namin.
Pinaglalaruan ko ang susi habang mabagal na hinihintay na matapos ang klase nila. And just exactly five thirty ay bumukas ang pintuan. Pinagtitinginan ako ng iba niyang mga kaklase nang makita akong nakatayo sa gilid ng pintuan. I avoided their stares and waited for Hendrix. Huli siyang lumabas kasabay ng dalawang kaibigan.
Shall first saw me and grinned at me. "Oh, Kare! Hi!"
Danilo's eyes darted at me and smiled, too. Ngumuso ako at tumango lang dahil hindi ko magawang ngumiti pabalik. Lumipat ang tingin ko kay Hendrix na naabutan kong masama ang tingin sa pinsan bago ako binalingan.
Naglakad siya palapit sa'kin.
"Una na kami, Hendrix." Paalam ni Shall at sabay silang tumalikod ni Danilo.
Hindi sila pinansin ni Hendrix at tuluyan nang nakalapit sa'kin.
"Hindi ka naghintay sa sasakyan." Banayad niyang sambit at masuyo akong tinignan.
Lumabi ako at pinanatili ang tingin sa kaniyang mga mata na namumungay.
"Ayokong mag-isa do'n." Amin ko.
He smiled vaguely and raised his left hand to caress my hair.
"Let's go?"
"May gusto ka pa bang puntahan?" Dagdag niyang tanong at hinila ako palapit sa kaniya.
"May gagawin pa akong activities." Mahina kong sagot, halos bulong na iyon.
Tumango siya. "I'll help you with it."
"Kahit hindi na. Marami naman akong oras kasi sa condo na ako mag-aaral."
"Even so."
Tinikom ko ang aking bibig at hindi na sumagot. He intertwined our fingers and pulled me more towards him. Napapikit ako nang maramdaman ang paglapat ng kaniyang labi sa aking noo.
"Let's go home." Aniya at magkahawak kamay naming tinahak ang hallway pababa.
Curious eyes followed us but with him, I don't mind anymore.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top