#HIW21

Entry 21

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. How I wish I have a friend to call. How I wish I have someone who I can go to when things are getting out of hand. But I have no one but myself. All I have is myself. It sucks being alone. It's tiring to be alone because I can't do this alone. I need someone. I need someone to hold on to. I need someone to talk with.

I aggressively wiped away the tears that continuously streaming on my cheeks while I am walking past the shadows of large trees on the sidewalks. Malayo na ako mula sa condominium building dahil kanina pa ako naglalakad. At hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng sarili kong mga paa.

The sun is still brightly showed up. And this is the only time I wish it was raining. Para hindi ako kuryusong pinagtitinginan ng ibang tao at magtataka kung bakit ako umiiyak ng mag-isa. Nagsasawa na akong makakita ng mga taong tinitignan ako ng mayroong simpatya sa kanilang mga mata ngunit hindi naman nila ako tinutulungan.

Pero ano pa nga bang aasahan ko? Walang pakialam ang ibang tao sa isang katulad ko na hindi nila kilala. Walang pakialam ang mundo kahit paulit-ulit akong masira. Patuloy na magtatapon ng liwanag ang araw, patuloy na magbubuga ng hangin ang kapaligiran, at mananatiling nagpapatuloy ang mundo sa sarili nitong pag-ikot habang unti-unti akong nawawasak.

I want to scream again, thinking that it could help me calm my nerves. I want to yell all my emotions and hope that I can be okay. Ngunit ilang beses na akong sumigaw at umiyak pero wala namang nagbago. Mag-isa pa rin ako. Nasasaktan pa rin ako. Wala pa rin silang pakialam sa'kin. Wala pa rin akong halaga sa kanila.

"Ano ba! Magpapakamatay ka bang babae ka! Putangina!"

Awtomatiko akong napahinto sa aking paglalakad at inikot ang paningin sa buong paligid. Nabingi ako sa sunod-sunod na busina mula sa mga sasakyang sabay-sabay na huminto dahil sa wala kong sariling paglalakad sa gitna ng daan.

Sa nanlalabong mga mata ay binaling ko ang tingin sa aking gilid kung nasaan ang lalaking sumigaw sa'kin sakay ng malaking truck.

"Baliw ka ba?! Umalis ka na diyan kung gusto mo pang mabuhay-"

"Sino may sabing gusto ko pang mabuhay?!" Sigaw ko, pinutol ang kaniyang sinasabi.

Bakas ang galit sa kaniyang mukha para sa'kin ngunit unti-unti iyong napawi nang singhalan ko siya pabalik. Parang gripo na muling tumulo ang aking mga luha at naguguluhan ang utak kong nagtatakbo sa kabilang kanto. Muli kong narinig ang maingay na mga busina at kung ano-anong salita ang narinig ko sa kanila.

Or maybe it is really just my fault. May mali sa'kin na hindi nagugustuhan ng ibang tao kung kaya't hindi nila ako matanggap. Maybe I am unaware of my actions. Maybe I am really evil, or something they can't accept because I look like I have sinned so much. Pero bakit hindi ko makita iyon sa sarili ko? Bakit hindi ko makita ang mga mali ko?

Tumakbo ako sa isang masikip at maliit na iskinita at tinago ang sarili doon. Bumuhos ang mga panibagong luha habang malakas akong humihikbi. Sinapo ko ang aking noo gamit ang aking palad at tumingala.

Sumalubong sa'kin ang maliwanag na sikat ng araw na tumatama sa buong kapaligiran. And I can't help but to let my anger rose inside my chest.

"Can't You see me? I'm alone! I'm all alone! Why can't You make me feel that You're here beside me?! Pati ba Ikaw napagod na rin sa'kin?! O simula pa lang ay ayaw Mo na talaga sa'kin kaya ganito ang trato sa'kin ng mundo?! Napaka-daya Mo!" Mapait kong sigaw sa kawalan.

Tama nga siguro ang driver ng truck na iyon. Nababaliw na ako. Bakit ako sumisigaw at umaasa na maririnig ng sino mang nasa itaas kung ang realidad ay hindi naman talaga Siya totoo. He's only made up to bring hope in people's lives pero ang totoo, walang Diyos na magliligtas sa'tin kapag nalulunod na tayo.

Mali. Ako lang ang hindi Niya kayang iligtas dahil pati sa'kin ay galit Siya! Everyone in this world hates me to depth for the reason I don't know. And I am so tired of it... pagod na pagod na ako.

Ayoko na.

"Anong ginagawa mo dito?! Teritoryo ko 'to!"

I glanced at my back and saw a thin little boy with grease all over his body. Nakasuot din ito ng sirang sumbrelo at may dalang supot ng pagkain na parang kinuha lamang sa basurahan. Umangat ang tingin ko sa kaniyang mukha.

"Tinitingin mo diyan? Umalis ka na dito!"

I swallowed the imaginary lump on my throat and get out of there. Ngunit bago ako tuluyang makalayo ay nilingon ko ang bata. Naabutan ko siyang nakaupo sa isang maliit na karton at nagsisimula nang kumain mula sa maruming supot.

Muling nanlabo ang aking mga mata. I bit my lower lip and get a 500 peso bill on my wallet. Binagsak ko iyon sa inuupuan niyang karton at walang salitang tuluyan nang nilisan ang iskinita.

This made me more believe that life is unfair. That He is unfair. Paano Niya natitiis na may isang batang lalaki, walang kasama, na mabuhay mag-isa?

Nagpatuloy ako sa paglalakad at tila ba hindi nakakaramdam ng pisikal na pagod ang aking mga paa dahil mahabang oras na ang ginugol ko sa kalsada. Hindi ko man lang din maramdaman na nagugutom ako kahit ang huli kong kain ay kahapon pa ng hapon.

And I don't know if I should be thankful for being like this or not.

Tumawid ako ng kalsada at inabot ng dapit-hapon sa kalsada. 'Tsaka ko pa lang naramdaman ang sakit sa aking mga paa nang tumuntong ako sa isang maliit na kwarto na tanging kama at isang lamesa lamang mayroon.

Habang naglalakad ako patungo sa hindi ko alam na destinasyon ay nadaanan ko ang three-star hotel na ito. At dahil malapit na rin magdilim, nagpasya akong dito na lamang magpalipas ng gabi. Ayokong umuwi. At wala na akong balak na umuwi sa condo ni Hendrix. Kung hindi ako tatanggapin ng aking mga magulang sa sarili naming tahanan, then I'm better off alone here. Sa lugar na hindi nila alam.

Umupo ako sa maliit na kama at inikot ang paningin sa buong paligid. Madilim ang buong silid dahil hindi ko binuhay ang ilaw. Maliit at masikip ang lugar na pakiramdam ko ay muli na namang naninikip ang aking dibdib.

I clenched both of my fists and inhaled then exhaled. I did that many times but I still like I am running out of breath. Tumayo ako at lumakad patungo sa lamesa ngunit nanatili akong nahihirapang huminga. Umiikot ang bawat bagay sa paningin ko ngunit hindi naman ako nahihilo. Para akong babagsak sa pinakamataas na bangin at hindi ko magawang makasigaw.

Mahigpit akong humawak sa lamesa at hinawakan ang aking kaliwang dibdib. Nilamukos ko ang aking damit nang wala sa sarili dahil totoong nahihirapan akong humanap ng hangin. Tumingala ako para lamang makakita ng kadiliman.

"Wala kang kwenta..."

Nanlaki ang aking mga mata at balisa kong nilingon ang likuran dahil sa aking narinig. I stepped backward when I saw nothing but darkness again. Umahon ang kakaibang takot at kaba sa aking dibdib.

"Magpakamatay ka na lang para masaya ka na..."

Another whisper on my ear and it made me turn my back on the other side, trying to search for where the voices are coming from. Dumiin ang hawak ko sa sariling kamay na nararamdaman ko na ang unti-unting pagdudugo ng palad ko. Ngunit wala roon ang atensiyon ko.

"Hindi ka nila mahal... wala kang halaga sa kanila..."

Marahas na bumagsak ang tingin ko sa sahig sa pag-aakalang naroon ang mga boses ngunit wala pa rin akong nakita. May hangin na tila pumasok sa aking tainga at hindi ko napigilang mapasigaw. Tinakpan ko ang dalawa kong tainga gamit ang aking mga kamay dahil natatakot ako sa mga boses na hindi ko alam kung saan nagmumula.

"Walang nagmamahal sa'yo..."

"Dito ka na lang sa'min. Masaya dito, tanggap ka namin dito..."

"No! Leave me alone!" I screamed hysterically and sat on the floor terrifyingly.

I closed my eyes tightly while my hands remained on my ears. Bumilis ang abnormal na tibok ng aking puso at pakiramdam ko ano mang oras ay maaari akong bawian ng hininga. Hindi ko kayang matagalan ang mga boses na naririnig ko sa aking tainga, kahit sa utak ko ay may mga nabubuo ng opinyon na hindi ko alam kung saan nagmumula.

Tama sila, wala akong kwenta. Tama sila, mas mabuti kung mawala ako sa mundong ito. Tama sila, mas masaya kasama sila. Siguro tamang tapusin ko na ang sarili kong buhay.

Marahas kong iniling ang aking ulo at sinabunutan ang sariling buhok dahil sa mga naiisip. No! Hindi ako puwedeng mamatay! Hindi ako puwedeng mawala sa mundong ito!

"Pero wala ka nang halaga sa mundong ito. Hindi ka na rin mahal ng mga taong mahal mo..."

Umiling ako at mariing tinakpan ang aking tainga. Ngunit patuloy na tumatakas sa aking pandinig ang mga nakakatakot na boses.

"Tara na..."

"Hindi! Ayoko!" I screamed while my eyes are still closed.

Another set of tears streamed on my face as thoughts continue to be messy inside my head. Nahahati ang isipan ko na maniwala at huwag silang pakinggan.

"Iwan mo na ang mundo... hinihintay ka namin dito..."

I bit my lower lip as I tried to suppress my sobs but I didn't win. Kumawala ang malakas na hikbi sa aking labi habang patuloy kong sinisiksik ang sarili sa pader ng kwartong ito.

I am drowned by my own thoughts. These monsters are starting to hunt me. The ghosts of my insecurities started to whisper. And I don't know how to get rid off of them.

Nagtaas-baba ang aking dibdib habang hinahapo akong huminga. Bumagsak ang dalawa kong kamay sa aking tagiliran dahil hindi ko kayang magpatuloy sa ganoong ayos habang kinakapos ako ng hininga. At hindi nakakatulong ang mga boses na naririnig ko. Mas lalo lamang akong natatakot.

"Hindi ka na naniniwala sa Diyos mo, oras na para bawiin na rin ang buhay mo..."

Minulat ko ang aking mga mata at halos mapatalon sa takot nang sumalubong sa'kin ang bakanteng kama. I slowly wander my eyes around, thinking that I would see someone I fear but I saw nothing.

"Tumalon ka... Mamatay ka na..."

Tinulak ko ang lamesang nasa gilid ko at marahas na tumayo. Balisa kong inikot ang paningin sa paligid, paulit-ulit hangga't naririnig ko ang mga boses. Ngunit wala akong makitang iba kundi ang madilim na kwartong ito!

"Tigilan mo ako!" Sigaw ko.

"Hindi kita titigilan hanggang sa sumama ka sa'kin..."

"Hinding-hindi ako sasama sa'yo! Leave me alone!"

Ngunit sa halip na lubayan ako ng mga boses ay mas lalo lamang silang dumami sa aking pandinig. Napupuno ng maraming magugulong salita ang isipan ko at pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko ano mang oras. Bigla ay nanuyo ang aking mga luha.

Tumakbo ako patungo sa kama at kinulong ang buong katawan sa manipis na kumot. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil sa sobrang sikip ngunit sinikap ko ang sarili na magtiis sa loob nito upang matakasan ang mga boses.

"Hindi mo ako matatakasan..."

Pumikit ako ng mariin at nagsimulang manigas ang buong katawan ko. My lips parted open as I tried to search for air but I can't move it. Sinubukan kong imulat ang aking mga mata ngunit hindi ko magawa. I am paralyzed!

"Kukunin na kita..."

Umiling ako at nagsisigaw sa aking isipan dahil hindi ko magawang ibuka ang aking bibig.

No! Don't take me!

"Kukunin kita. Iyon ang gusto mo noon pa man 'diba?"

Sinubukan kong gumalaw ngunit tila ako isang yelo sa loob ng freezer. Nanlalamig ang aking buong katawan at patuloy na naninigas. Kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang ikilos ang aking sarili.

Natatakot ako. Sobra akong natatakot pero hindi ko alam kung paano ko iyon maisisigaw. O kung sumigaw man ako, may makakarinig ba?

Memories started to flash like a film inside my mind. Hendrix and Hermary's image talking at our engagement party. Mga ngiti ni Hendrix sa tuwing kausap niya ang kaniyang nobya sa kaniyang cellphone ay kumislap rin sa aking isipan. Hindi ko man magalaw ang katawan ay ramdam ko ang paglandas ng mga luha sa gilid ng aking mga mata.

My classmates who are taking group picture without me, laughing and enjoying each other's company. Ang ibang mga estudyante na tinitignan ako sa paraang tila ba ako kinukutya, at ang mga bagay na ginawa nila para lamang maiparamdam sa'king hindi nila ako tanggap. The way they treat me badly and bullied me verbally. Idagdag pa ang mga taong sinasabing nandiyan sila para sa'kin ngunit iniwan rin ako. Lawrence who made me feel loved and worthy replaced me in just a blink of an eye. The people judged me for the things I didn't do. They loathe me for reasons I can never understand.

Maybe these voices are right. I have no place in this world anymore. I am not living my life anymore, so what's the need to continue breathing?

I opened my eyes and gasped aloud when I realized that I am in a congested place. Nanikip ang aking dibdib at marahas kong tinanggal ang kumot na nakatabon sa aking buong katawan. Bumangon ako at inikot muli ang paningin sa buong paligid.

Hindi na madilim ang kwarto dahil sa liwanag na tumatagos mula sa labas. I darted my eyes on the curtains. Naningkit ang aking mga mata dahil masyado ng mataas ang sikat ng araw sa labas.

Tumayo ako at hinarap ang sarili sa salaming nakadikit sa pader. My eyes are swollen and my lips are dry and a bit shaky. Magulo rin ang aking buhok at bagsak ang dalawa kong balikat. I'm a mess.

What happened last night, are those only a dream? No. Was it a nightmare?

Sana nga. Dahil ayoko nang marinig pa silang muli.

Mula sa kaunting gamit na mayroon ako sa aking bag ay inayos ko ang aking sarili. Pumunta ako sa malapit na tiangge at bumili ng damit pamalit.Bumalik ako sa hotel room na inukopa ko at naglinis ng katawan. I wore the white halter neck dress and tied my hair in a bun. Naglagay rin ako ng kaunting make up sa aking mukha.

I took a deep breath and stared at my reflection. Nanatiling may kung anong bumabagabag sa aking puso ngunit pinipilit ko ang sarili na maging maayos. Umalis ako ng hotel at nagtungo sa Mall upang libangin ang aking sarili.

I decided to watch a movie I am not even familiar with thinking that it could help me ease my thoughts but I was wrong. Sa kalagitnaan ng pelikula ay unti-unti na namang umaahon ang kaba at takot sa aking dibdib. Nahihirapan akong huminga dahil nagsisimulang lumiit ang espasyo sa paligid ko.

Tumayo ako na nag-sanhi ng ingay dahilan upang mapabaling sa akin ang ibang mga tao sa loob. Humingi ako ng paumanhin at mabilis na lumabas ng sinehan. Halos matisod pa ako sa hagdan dahil tumatakbo ako. Nang tuluyan akong makalabas at nakita ko ang maraming tao na naglalakad sa loob ng mall ay nalula ako.

"Tumalon ka do'n..."

My eyes turned round as I looked behind me. Wala akong nakita at nang subukan kong balingan ang gilid ko ay tanging mga abalang tao lang ang nakita ko.

"Tumalon ka..."

Tumuwid ako ng tayo at inignora ang mga boses na naririnig. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang wala sa sarili at hindi ko alam kung bakit tinutungo ng mga paa ko ang railings ng second floor. I stopped near it and looked down to see how tall the height is from here to the first floor.

"Talon na..."

Nanlamig ang aking mga kamay at gusto kong umatras ngunit hindi ko magawa. Nanatili akong nakatitig sa ibaba, iniisip ang sarili na bumabagsak mula sa mataas na palapag na ito.

I clenched both of my fists and gritted my teeth. Hinawakan ko ang malamig na railings at huminga nang malalim. I was about to lift my right leg when I heard a familiar voice behind me.

"Karina!"

Umikot ako at hinarap si Hendrix na nagtatagis ang bagang at nagkakasalubong ang makakapal na kilay. Bumagsak ang dalawa kong balikat at kumabog ng husto ang aking puso. Naramdaman ko ang pangingilid ng aking luha habang pinagmamasdan siyang nasa harapan ko.

Bakit ngayon ka lang?

"I've been calling and searching for you since yesterday. Where did you go? Saan ka nagpalipas ng gabi? Ang sabi ng katulong sa mansion ninyo ay hindi ka umuwi. Hindi ko masabi kina Tito na nawawala ka dahil ayoko silang mag-alala." Sunod-sunod niyang sambit.

My lips quiver and I can't help but burst into tears in front of him. Dahil simula kahapon, mag-isa lang ako. Maraming nangyari sa loob ng isang araw at pakiramdam ko masisiraan na ako ng bait.

"Kare," He called my name soothingly and hugged me tightly.

Bumulalas ako ng iyak sa kaniyang dibdib at wala nang pakialam kung pinagtitinginan kami ng ibang tao. Simula kahapon ay ngayon ko lang naramdaman na hindi ako mag-isa. Kahit pa sabihing isa siya sa mga dahilan kung bakit ako nagkakaganito ay hindi ko maitatanggi ang katotohanan na uhaw ako sa atensiyon... I am thirsty for someone's company. At siya lang ang taong nandiyan para sa'kin ngayon.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kaniyang yakap sa'kin habang patuloy akong umiiyak.

But I also frantically withdrew from the hug when I remembered what happened between us yesterday. I confessed to him and he rejected me. It's not like I ever thought of him reciprocating my feelings.

Umiling ako at humakbang paatras ngunit nahawakan niya ako sa aking palapulsuhan. Iniwas ko ang aking mga mata sa kaniya ngunit pilit niya itong hinahanap. Masuyo niya akong tinitigan nang tuluyang magtama ang mga mata naming dalawa.

"Umuwi na tayo, Kare. Please." Banayad niyang pakiusap.

Bakas ang pagsusumamo at matinding pagsisisi sa kaniyang mga mata ngunit ayaw kong magpaloko sa mga nakikita ko. They can be deceiving and I'll be hurt at the end again. I looked away and nodded to avoid any more discussions.

Marahan niya akong hinila palapit sa kaniya at hinawakan sa aking palapulsuhan. Hindi niya ako binitawan hanggang sa makarating kami sa kaniyang sasakyan. Nanatili rin kaming tahimik habang nasa loob ng kaniyang sasakyan pauwi. I want to ask what he's doing inside the Mall but I gone tired opening my mouth.

Pagkapasok ay nagtuloy ako sa aking kwarto kahit pa narinig kong tinatawag niya ang aking pangalan. Umupo ako sa gilid ng aking kama at sinapo ang mukha ko ng aking mga palad. Sumasakit ang aking ulo dahil sa sari-saring tumatakbo sa aking isipan. Hindi ko alam kung ano pang uunahing pagtuonan ng pansin.

"Karina, let's eat lunch."

Tumayo ako at binuksan ang pintuan. Sumalubong sa'kin ang natural na panlalaking amoy ni Hendrix at pakiramdam ko bahagyang gumaan ang aking pakiramdam. Ngunit panandalian lang iyon.

Strange, he took care of me. Siya ang naglagay ng pagkain ko sa aking pinggan at umaasta siya na para bang walang nangyari sa pagitan naming dalawa kahapon.

"Why are you doing this?" I asked coldly.

Binaba niya ang pinggan na naglalaman ng ulam at inangat ang tingin sa'kin. He stared at me with an expression I can't fathom.

"I confessed to you yesterday. You're smart and I know that by now you know that I am hurt because of you."

Umigting ang kaniyang panga at bahagyang iniwas ang tingin sa'kin ngunit nanatili siyang kalmanteng nakaupo sa kaniyang sariling silya. His expression, although hard and dark, his eyes changed into something gloomy and soft.

"I'm sorry. But I don't want to call off the engagement."

Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang sagot. "Not now for sure dahil hindi ka pa nakakahanap ng tamang oras para aminin sa mga magulang mo na may nobya ka. But when will you?"

Ang malambot niyang mga mata kanina ay mabilis na napalibutan ng kadiliman. Muli silang naging misteryoso para sa'kin. Bumagsak ang tingin niya sa sariling plato at hindi ako sinagot.

"Hendrix-"

"I don't know. Just... let's not talk about it." Pagtatapos niya sa usapan at nagsimulang kumain.

Tila tinarakan ng punyal ang aking puso dahil sa kaniyang sinagot. Hindi ko siya maintindihan.

Wala sa sarili kong kinain ang pagkain sa hapag at hindi pa nag-limang minuto nang matapos siya. Sinundan ko siya ng tingin nang umalis siya sa lamesa. I saw him walking upstairs. Bumagsak muli ang tingin ko sa sariling pagkain at nawalan ng gana.

Tinungo ko ang living room at tinitigan ang view sa malaking glass wall. Umupo ako sa gilid ng sofa at wala sa sariling natulala sa kawalan. Napagod na marahil ang puso kong tumibok dahil sa isang iglap, para akong patay na nanatiling mulat ang mga matang nakatitig sa kawalan.

Is everything I have still worth fighting? Is my life still worth living?

"Hindi ka na mahalaga sa mundong ito... walang matatakot na mawala ka sa mundong ito. Kaya kung ako sa'yo, magpapakamatay na ako..."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at hindi na nag-abala pang hanapin kung saan nanggaling ang boses na iyon. Akala ko at napagod na ang mga luha ko pero nagkamali ako. My tears started to stream again like mad while I can't take my eyes off in the blank view.

I am nonentity. I think... it's better if I will be gone. Wala namang iiyak kapag nawala ako dahil wala akong halaga sa kanila. Wala namang mangungulila kapag nawala ako dahil walang nagmamahal sa'kin. Walang nagbibigay importansiya sa presensiya ko kaya wala nang rason para magpatuloy sa buhay na ito.

"Kare,"

Napapitlag ako sa gulat nang marinig ang boses ni Hendrix sa aking likod. Tumayo ako at mabilis na umatras, sa nanlalabong mga mata ay nakita ko kung paano kumunot ang kaniyang noo dahil sa aking naging reaksiyon.

"H-Huwag kang lumapit s-sa'kin..." Nanginginig kong banta.

"Anong sinasabi mo?" Naguguluhan niyang tanong.

Marahas akong umiling at muling umatras nang maramdaman ko ang mabilis niyang paglapit sa'kin. I was about to run when he successfully jailed me with his arms. Histerikal akong pumiglas ngunit tila bakal ang kaniyang katawan dahil hindi ko siya magawang itulak.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ko kasabay nang pagbuhos ng mga luha ko.

Humigpit ang hawak niya sa aking braso at nilapit ako sa kaniya.

"Karina, ako 'to-"

"Kilala kita at bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" Pagsisigaw ko at malakas na humagulgol.

Nakitaan ko ng pag-aalala ang mukha niya ngunit patuloy akong nagpupumiglas mula sa kaniyang hawak.

"Bitawan mo ako sabi!" I screamed with all my heart.

"Damn, what's happening to you-"

"Hindi ko alam! Bitawan mo ako-"

"No! I'll give you tranquilizer to calm you-"

Mas lalong nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. The thought of a drug hysteria me.

"Ayoko!"

"You're tensed and panicking, Kare! You need to calm-"

"Ayokong kumalma! Ayoko nang kumalma!"

Hinawi ko ang kaniyang kamay at sinubukang tumakbo ngunit muli niya akong nahuli. Niyakap niya ako mula sa aking likod habang pilit akong kumakawala sa kaniyang hawak.

"Bitawan mo ako! Ayoko na! Ayoko na!" Paulit-ulit kong sigaw at ramdam ko ang pagkakabiyak ng aking puso.

"No. We'll go to psychiatrist kung ayaw mong uminom ng gamot-"

"Hindi ako baliw!" I snapped dreadfully.

Pilit niya akong hinarap sa kaniya habang patuloy na naglalandasan ang luha sa aking mga mata. Umiling ako at pilit na tinanggal ang kaniyang hawak sa aking braso.

"Hindi ako baliw..." My voice croaked.

"Hindi ka baliw, okay? Kailangan lang nating magpatingin-"

"Ayoko! Hindi ako baliw! Wala akong naririnig na mga boses! Hindi ko inisip na magpakamatay kaya bitawan mo ako!"

Naramdaman ko ang bahagyang pagluwag ng hawak niya sa'kin at ginawa ko iyong dahilan upang makatakbo ng mabilis ngunit hinarang niya ako sa puno ng hagdanan at hinila ako palapit sa kaniyang dibdib. He enveloped me with a tight but warm embrace and it still hurts me.

"I have been bearing this heavy feeling as long as I can remember and I don't want it anymore! I want it gone! I want myself gone!" I yelled against his chest.

Marahang humaplos ang kaniyang kamay sa aking likod at bahagya nitong kinalma ang nagpupuyos kong mga emosyon. I sobbed louder and shook my head.

"Ayoko na... Ayoko na, Hendrix..." I cried exhaustingly.

He hugged me even tighter and it worsens the pain inside my chest again.

"Gusto ko nang mawala..."

"No." Mariin niyang sambit sa kataga. "Hindi ka mawawala. Lalaban ka pa."

Umiling ako at marahas na hinampas ang kaniyang dibdib. "Hindi mo ba naiintindihan?! Pagod na ako! Pagod na pagod na! Ayoko na!"

Hinawakan niya ang likod ng aking ulo at diniin ang aking mukha sa kaniyang malapad na dibdib. I cried harder but he didn't say another word again.

He's here with me now, but what about tomorrow? The next day? Kapag na-call off ang engagement naming dalawa, mag-isa na lang ulit ako. Kaya wala nang dahilan para magpatuloy at magpauto sa walang kwentang buhay ko na ito! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top