#HIW20

Entry 20

I thought I was sleeping, but I was not. I thought I took a rest, but I am still exhausted. And I thought the tears gone dry, but they weren't.

I want to move my body but I can't. Gusto kong magsalita ngunit hindi ko magawa. Nanatiling mulat ang aking mga mata habang wala sa sarili akong nakatitig sa madilim na kisame ng aking kwarto. Hindi ko alam kung anong oras na, o kung ilang oras na ba ang nagdaan simula nang mahiga ako dito.

Nagtaas-baba ang aking dibdib habang pinipilit ko ang aking sarili na makahinga ng maayos ngunit nanatiling naninikip ang aking dibdib. I tried to clench my fists just to feel like my body was put in a fridge. Naninigas ang buong katawan ko at hindi ko magawang igalaw kahit anong parte nito. At natatakot ako.

Sa tuwing naaalala ko ang nangyari kanina sa gubat habang mag-isa ako, pakiramdam ko ay iyon na ang katapusan ko. I thought I will die without others seeing how I was taken away. And it pains me to think that even on the probable last day of my life, I was still alone. No one came to save me. No one heard me screaming for help. They are busy with their own lives, laughing, while I was crying to save my own.

I have no one. How will I survive this life if I have no one?

From the highest peak of the mountain, I felt my body fall. From the cold freeze place, I felt my body move. Marahas akong nagmulat ng mga mata at natantong nasa isipan ko lamang ang kanina ay akala kong nakatitig ako sa kisame. Nasa isipan ko lamang ang akala ko ay hindi ako makagalaw at makahinga.

Marahas akong bumangon mula sa pagkakahiga at inikot ang paningin sa kabuuan ng aking kwarto. At katulad kagabi, nanatiling masikip ang tingin ko sa loob. Tila ako iniipit ng apat na haligi ng silid na ito. Pumikit ako at tinakpan ang aking dalawang tainga ng aking mga kamay.

My room is huge but why does it look congested to me now?

Mabilis na umahon ang kaba sa aking dibdib nang bigla ay makarinig ako nang hindi malinaw na hugong sa aking tainga. I drastically opened my eyes and searched for it just to found nothing but darkness again. My eyes darted to the curtains which are slowly swaying against the wind that passing through.

Tumayo ako at tinungo ang bintana at natantong bukas ito. Bumagsak ang tingin ko sa ibaba para lamang mapapikit ako dahil sa sobrang taas. An image of me falling from the above of this condominium building flashed in my mind. Awtomatiko akong napaatras at tinakbo ang bathroom.

Kahit sa loob ng banyo ay pakiramdam ko masikip ang paligid ko. Pakiramdam ko ay kinukulong ako sa maliit na hawla at hindi ako makahinga. Tumingala ako upang maramdaman ang patak ng mga tubig sa aking mukha na nanggagaling mula sa shower ngunit hindi iyon nakatulong. Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa kakaunting tubig na bumubuhos sa aking mukha.

Inabot ko ang tuwalya at binalot sa aking katawan. Nagbihis ako ng school uniform at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Madilim ang buong unit at hindi ako nakakasigurado kung anong oras na. Tinakbo ko ang hagdanan at lumabas ng unit.

Nang umapak ako sa labas ng building at humaplos sa akin ang masimoy na pang-madaling araw na hangin ay gumaan ang aking pakiramdam. Mula sa aking kinatatayuan ay tanaw ko ang ilang mga sasakyang malayang tumatakbo sa kalsada. Namamanaag na rin ang araw at hindi magtatagal ay sisikat na ng tuluyan ang araw.

Humakbang ako at wala sa sariling tinungo ang sakayan. Binati ako ng lady guard at nagtaka dahil masyado akong maaga ngunit hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin. Nagtuloy ako sa aming department at nakasabay ang ilang mga estudyanteng maaga rin pumapasok.

Pinihit ko ang door knob at tinulak ang pintuan upang makapasok. Sumalubong sa'kin ang tahimik at malinis na klasrum. Iilang memorya nang madalas nilang tawanan ang naalala ko.

This is how peaceful the classroom is without them.

Naramdaman ko ang pangingilid ng aking luha kaya kinailangan kong kumurap. Tumuloy ako sa aking lamesa at tahimik na umupo, hinihintay na matapos ang panibagong araw na ito.

I woke up early just to wait for this day to ends quickly. Hindi ko magawang maintindihan ang aking sarili. Hindi ko alam kung para saan ang paninikip ng aking dibdib at ang pinagsamang kaba at takot na nararamdaman sa tuwing mag-isa ako.

"Karina, you're early!"

Naputol ang hindi ko alam kung ilang minuto kong pagtitig sa kawalan. Bumaling ako sa aking gilid at naabutan si Behati sa pintuan na nakangiti. Mabilis siyang naglakad patungo sa akin at hindi mapawi ang ngiting ginagawad sa'kin. At hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang suklian ang ngiti niya.

"Bakit ang aga mo ata?" Kuryuso niyang tanong.

Tinitigan ko ang kaniyang mukha. Pinaglandas ko ang tingin mula sa kaniyang mga mata hanggang sa kaniyang ilong patungo sa kaniyang labi. She's nice. But she never has been friends with me.

I avoided her eyes and looked down at my table. "M-Maaga lang akong nagising."

Muli akong nag-angat ng tingin at naabutan siyang tumatango. She renewed another wide smile and sat on the vacant table in front of me.

"Uhm... about what happened months ago sa bistro, I'm sorry about it." She said apologetically.

Naramdaman ko na naman ang unti-unting pamumuo ng aking luha ngunit pinigilan ko ang sarili na lumuha sa harap niya. I know she never judged me, unlike how our other classmates see me. She's the only person inside this class who treats me right. Ngunit hindi ako kampante na umiyak sa harapan niya.

Pagkatapos ng party'ng iyon sa bistro ay hindi na muli kami nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap tungkol doon dahil lagi siyang inaawat ng mga kaibigan na kausapin ako. Ngayon lang ulit kami nagkausap dahil kaming dalawa pa lamang ang nasa loob ng klasrum na ito.

"N-Nakalimutan ko na 'yon." I lied. Dahil mananatiling nasa memorya ko iyon at magiging alaala ko kung gaano ako kinamumuhian ng ibang tao.

She smiled at me while my tears are on the verge. Yumuko ako upang maiwasan ang kaniyang mga mata at umaasa na hindi niya mapansin ang luhang umaamba sa aking mga mata. Isang mahaba at nakakabinging katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa hanggang sa narinig ko ang pagsisimula nang pagdating ng aming mga kaklase.

Iniwan niya na ako dahil dumating na ang mga kaibigan niya. And I have no choice but to listen them laugh and tease each other while I am alone here. Kinuyom ko ang aking mga kamay at ilang beses huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili.

When this will end? Pagod na pagod na ako.

Ngunit habang hinihintay ko ang oras na bumilis, mas lalo lamang itong bumabagal. Sinubukan kong ituon ang sariling atensiyon sa sinasabi ng guro sa unahan ngunit sadyang naglalakbay ang isipan ko sa mga bagay na nagpapabigat lamang ng aking damdamin.

I spent the whole day inside the classroom. Hindi rin ako lumabas noong nag-lunch break dahil ayokong lumabas. I listened to music the whole lunch break while I'm resting my head on my table. Pansamantala kong nakalimutan kung nasaan ako at bumalik lamang sa realidad nang magsimula na ulit ang klase.

"Karina, wait lang."

Inaayos ko ang aking bag na nakasakbit sa likod ko at plano nang lumabas nang marinig ko ang boses ni Behati sa aking tabi. I looked at her and found her smiling at me sympathetically.

Hinintay niyang makalabas ang iba naming kaklase hanggang sa kami na lang dalawa sa loob.

"Bakit?" Tanong ko.

Sumulyap pa siya ng isang beses sa labas bago niya ako hinila ng kaunti papasok. Akala ko at uupo kami ngunit nanatili siyang nakatayo.

"Napapansin ko kasi parang may problema ka. Nitong mga nakaraang araw, parang wala ka sa sarili mo."

My eyes slightly widened with what she said. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at hindi ko makuhang maintindihan kung paano niya napansin iyon.

"Tama ako?" She presumed.

Hindi ako sumagot at nanatili akong nakatitig sa kawalan. May problema ako. Noon pa man ngunit ngayon lang niya napuna.

"Karina, look at me." Banayad niyang utos sa'kin.

I slowly lifted my gaze on her and found her still smiling from ear to ear. Hinawakan niya ako sa magkabila kong braso at isang beses humakbang palapit sa'kin.

"You know what? Prayer can solve everything. Kailangan mo lang mag-pray para lumakas ang loob mo. 'Yong iba nga diyan may mas malaking problema pero nagagawa pa ring magpatuloy sa buhay."

My lips quiver as my tears started to knock again. I tried to avoid her eyes but I remained to stare at her.

Gaano kaliit ang problema ko kumpara sa ibang tao? Pero iba ako sa kanila. Kung may problema sila, may problema din ako! Bakit kailangan kong ikumpara ang problema ko sa kanila? Tao ako at nasasaktan rin! Kahit gaano kaliit ang problema ko sa mata nila, nahihirapan pa rin ako!

And how can they assume how petty my problems are if they don't even know a single thing about me?

"Trust me. Manalangin ka lang at matatapos nang hindi mo namamalayan 'yang problema mo."

I gritted my teeth as anger started to rise in my heart. I want to believe but I can't anymore. Paano ako maniniwala sa isang bagay na kahit kailanman ay hindi naging totoo. Ilang taon akong humingi ng pagasa, nakiusap na pakinggan Niya ako, but did He heard me? No. He never did! Because if He did, bakit ganito pa rin ang estado ng buhay ko? Bakit nahihirapan pa rin ako?

"Alis na ako. Huwag mo kalimutan ang payo ko na manalangin lagi, huh?"

Sa nanlalabong mga mata ay hindi na ako nagtangka pang mag-angat ng tingin sa kaniya. Naramdaman ko na lamang ang pag-alis niya sa aking harapan at muli na naman akong naiwan mag-isa.

See what I mean? How would I believe if I can't feel it? Ayos lang sana kahit hindi ko makita pero hindi ko rin nararamdaman, e. The church never failed to teach me that He loves us. Or maybe He really is. Sa ibang tao, hindi sa'kin! He never loved me! Because if He do, hindi Niya matitiis na makita akong nahihirapan! He's unfair!

Marahas kong pinalis ang aking luha at tinahak ang hallway palabas. Patuloy kong kinakalma ang aking sarili habang mabilis na naglalakad sa gilid ng oval nang huminto sa harapan ko ang pamilyar na Honda civic.

I automatically stopped my walk. The windows from driver's seat rolled down and it showed Hendrix's face. I leered at him and decided to ignore him. Umamba akong tatalikod upang maiwasan ang sasakyan niya nang marinig ko ang ma-awtorisado niyang boses.

"Get in, Kare. Makakarating sa Daddy mo ang ginagawa mo kapag hindi ka sumunod sa'kin."

Nagpupuyos ang aking dibdib nang humarap akong muli at sapilitang pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan. Nagdadabog kong sinuot ang seatbelt at hindi nagtangkang sulyapan siya. Ngunit ang ilang minuto naming pagtigil at hindi man lang siya nagsisimulang paandarin ang engine ay kinaiirita ko.

"Umalis na tayo-"

"Bakit maaga kang umalis ng condo kanina?" He cut me off.

I looked at the side mirror and saw some group of students laughing for something I don't know. I envy them, if it is not still obvious.

"Wala kang pakialam." Malamig kong sagot.

Narinig ko ang pagtikhim niya at akala ko ay pipilitin niya akong sumagot ngunit hindi niya ginawa. Sa halip ay nagsimula nang umandar ang sasakyan niya palabas ng school. I took a deep breath just to catch it again when I saw him handing me a familiar paper bag from a famous fast-food chain.

"Hindi ka kumain kanina." Aniya.

Kumunot ang aking noo. Paano niya nalaman?

"I went to your classroom this lunch, ang sabi sa'kin ng kaklase mo ay hindi ka lumalabas."

Pumungay ang aking mga mata at mabilis akong napasulyap sa kaniya. Nanatiling nasa harapan ang kaniyang atensiyon. Tinanggap ko ang nilalahad niyang supot at nakaramdam ng guilt dahil sa pagsusuplada ko sa kaniya.

Nang maamoy ko ang burger at fries sa loob ay nagising ang mga nagugutom kong bulate sa tiyan. Ngayon ko lang natanto na nagugutom ako dahil kanina ay hindi ko iyon nararamdaman.

"Salamat," sa mahinang boses kong sambit.

Hindi siya sumagot kaya naman tahimik kong kinain ang burger at fries. At hindi ko mapigilang masaktan sa tuwing ganito siya. Mas nahihirapan akong kalimutan ang nararamdaman ko sa kaniya sa tuwing mabait siya sa'kin.

Sakto sa pagkaubos ko sa mga pagkain ang pagdating namin sa condo. Sabay kaming pumasok sa loob at walang imikang tinungo ang sari-sarili naming kwarto.

At katulad kagabi at kaninang umaga, nanatiling masikip ang tingin ko sa aking kwarto. Therefore, I have no choice but to force myself to close my eyes to finally sleep. Ayokong imulat ang aking mga mata dahil pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga.

I was half-awake sleeping. At sa panibagong araw na aking kinamulatan, nabuo ang desisyon sa puso ko. Namamanaag pa lang ang araw nang magpasya akong umalis ng condo unit. It's Saturday today and I planned to go home.

Kokomprontahin ko na si Daddy tungkol sa pag-call off ng engagement. Dahil hindi ko na kayang tumira sa iisang bubong kasama si Hendrix. I am tired forcing myself to fit in his life when the truth is I can never be. Hinding-hindi ako magkakapuwang sa buhay niya.

"Good morning, Ma'am!" Bati ng security guard sa'kin nang makita akong papasok sa loob ng mansion.

Tumango lamang ako at nagtuloy papasok sa loob. Sumikat na ang araw nang makarating ako sa aming subdivision dahil naging pahirapan para sa'kin ang makipagsiksikan sa jeep. Hinanap ko ang aking mga magulang at narinig mula sa kasambahay na nasa hapag si Daddy.

"Dad,"

Mabilis na nag-angat ng tingin si Daddy nang marinig ang aking boses. He gave me his affectionate smile, but I can't even return it. I remained emotionless... or that's what I want to think. Dahil kung titignan ko ang sariling repleksiyon sa salamin ay nakakasigurado akong kulimlim ang pumapalibot sa aking mga mata.

"What brought you here, darling? Nasa itaas pa ang Mommy mo at nag-aayos." Nilingon niya ang isang katulong na nasa tabi ng mahabang lamesa.

"Kumuha kayo ng pinggan para kay Karina-"

"Hindi ako magtatagal, Daddy." Agap ko sa kaniyang pag-uutos.

Kumunot ang kaniyang noo dahilan upang maglabasan ang kaniyang wrinkles. I bit my lower lip and remained to stare at Dad who looks like he aged ten years older than his actual age. At ayoko mang isipin na alam ko ang tunay na dahilan nang bahagyang pagtanda ng kaniyang hitsura ay hindi ko mapigilan.

Sa nagdaang ilang buwan ay nakita ko ang panunumbalik ng sigla sa kaniyang mukha. He wasn't stressed as before.

Binaba niya ang kubyertos sa magkabilang gilid ng kaniyang plato at inihilig ang likod sa likuran ng silya. He raised his chin up and surveyed me as if I am one of his employees who did something wrong. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng aking mga mata ngunit tinatagan ko ang aking sarili.

"Anong sasabihin mo?" He asked drily.

I took a silent deep breath. Kinurap ko ang aking mga mata dahil sa nagbabadyang luha.

"I want to call off the engagement, Dad." My voice slightly shakes.

Through the mist of my eyes, I saw how he stood angrily. Agad rin ang pag-ahon ng kaba sa aking dibdib. Alam kong hindi niya gustong marinig ang sinabi ko.

"Are you out of your mind, Karina?!" He screamed furiously.

My lips quiver as I shook my head. Sinubukan kong lumapit patungo sa kaniya ngunit isang hakbang lang ang kinaya ko. I am scared. Hindi lang dahil kaharap ko si Daddy ngayon, kundi dahil sa lahat! Natatakot ako. Napapagod na ako.

"Dad, ayoko na..." I uttered helplessly.

Tuluyang bumagsak ang luha sa aking mga mata dahilan upang marahas kong palisin ang mga ito sa aking pisngi.

"Jesus! Ano na namang pumasok sa kokote mo at gusto mong i-call off ang engagement?! Hindi ba at nag-usap na tayong dalawa? Nagkaintindihan na tayo-"

"Hendrix has a girlfriend, Dad!" I screamed painfully, trying my very best to make him understand my situation.

Umigting ang kaniyang panga at umalis mula harap ng silya upang malapitan ako.

"Anong kinalaman ng nobya ng fiancé mo dito?" He interrogated.

"Can't you get it, Dad? May nobya siya! May iba siyang gustong pakasalan at hindi ako-"

"Nakausap ko na ang mga magulang ni Hendrix, hija, bago pa man din mangyari ang engagement ninyo. Sinabi niya na hiniwalayan niya na ang girlfriend niya-"

"He lied, Dad! At ayokong sirain ang ano mang relasyon mayroon siya sa babaeng iyon! I want out. Gusto ko ng itigil ito. Napapagod na ako..." My voice cracked in the last words.

"Hindi dahil napapagod ka na ay susuko ka na, Kare."

Matalim ang ipinukol kong tingin sa sarili kong ama. Nanikip ang aking dibdib at nararamdaman ko ang hindi normal na pagtibok ng aking puso. Kinuyom ko ang aking mga kamay dahil sa biglaang pag-ahon ng galit sa aking katawan.

Diyan sila magaling! Ang husgahan ako na para bang hindi sapat ang ginagawa ko. Na para bang lagi na lang akong kulang.

Umiling ako at pinigilan ang sarili na muling lumuha sa harapan ng aking magulang.

"Ayoko na-"

"Paano si Kayden? Ang kapatid mo. Kung napapagod ka na ay isipin mo ng paulit-ulit ang kapatid mo. Sa tingin mo ba ay makakaya nating mintenahin ang pagpapagamot sa kaniya at mga pangangailangan niya kapag umurong ka sa engagement na ito?"

I stilled for a moment. I heard footsteps from behind that made me turn my back. Natanaw ko ang nakangiti kong kapatid na bahagya pang tumatalon-talon na patungo sa akin.

"Ate!" He shouted excitedly.

Niyakap niya ang aking baywang nang tuluyan siyang makalapit sa akin. Para akong pinako sa sariling kinatatayuan nang maalala ang bunso kong kapatid. Tears rolled down on my cheeks again as I put my arms around him.

"Why are you crying, Ate?"

I squatted and hugged my younger brother tightly. Hindi ko kailanman naisip na ikatutuwa ko ang pagkaka-engage kay Hendrix. I never thought of agreeing to it not until Dad mentioned my brother; na ang dahilan kung bakit ako pumayag sa engagement na ito ay dahil sa aking kababatang kapatid at wala nang iba pa.

Pero paano naman ako?

I bit my lower lip as thoughts rush like mad. Hindi ko matitiis kahit kailan ang aking kapatid. Gagawin ko ang lahat maibigay lang sa kaniya ang komportable at masayang buhay. Even if it means putting myself in distress.

Pilit na humiwalay sa akin si Kayden at hinawakan ang aking magkabilang pisngi. Using his own hands, he caressed my cheeks to wipe the tears. I stared at him and smiled wistfully.

"May nang-away ba sa'yo?" He asked innocently.

I gritted my teeth and shook my head. Muli ko siyang niyakap nang mahigpit at hinayaan ang sarili na maramdaman ang presensiya ng aking kapatid. Dahil kung muli kong makakalimutan na ginagawa ko ito para sa kaniya ay baka tuluyan ko nang talikuran ang ano mang kahibangang ito na binigay sa akin ng sarili kong magulang.

I calmed myself and stood after a while. Naramdaman ko ang paghila ni Kayden sa aking kamay ngunit umiling ako.

"Aalis na rin agad ako, Kayden. Kumain ka na," I told him.

He pouted and nodded submissively. Nilagpasan niya ako at nagtuloy sa mahabang lamesa kung nasaan si Daddy. I took a deep breath before I faced my Dad again.

My Dad isn't a stone towards me, he actually loves me. Pero simula nang magipit ang sarili naming business ay wala siyang ibang pagpipilian kundi ang gawin akong paraan para maisalba iyon. And no matter how I wanted to hate him for that, I can't. Dahil ako ang panganay. Anak ako ngunit may responsibilidad ako sa pamilyang ito. At mahal ko ang kompanya.

"Karina," He called me soothingly.

Nag-iwas ako ng tingin. "Ang daya, Dad." Iyon ang huli kong sinabi at walang paalam na lumabas ng bahay.

Nagtatakbo ako palabas at halos matisod sa malaki naming hagdanan ngunit nagpatuloy ako. Pinagbuksan ako ng gate ng aming security guard at nagpatuloy sa paglalakad. But I only stopped when I am already in the shadows of the big and tall mahogany tree near our mansion.

Marahas akong tumingala sa langit at kahit sa nanlalabong mga mata ay nakita ko ang malinis na kalangitan at mataas na sikat ng araw. I stared at it angrily and I can't help but clenched both my hands.

"You can't even give me a solution for this! Tapos sa tingin Mo maniniwala pa ako Sa'yo?!" I hissed indignantly.

My jaw clenched repeatedly as I am trying to suppress my own emotions and tears. Pinalis ko ang aking luha at mabilis na nagtuloy palabas ng subdivision.

Ayokong bumalik sa condo ngunit saan naman ako pupunta? Hindi ko na alam ang direksiyon ng buhay ko at mas lalo lamang akong naguguluhan dahil miski ang sarili kong magulang, hindi ako maintindihan. I thought I have my family. At gusto kong isipin na sapat sila pero paano ko iyon matatanggap kung hindi ko maramdaman na nandiyan sila para sa'kin?

Pinagtitinginan ako ng ibang pasahero sa jeep nang sumakay ako, nagtataka kung bakit ako luhaan. Ngunit hindi ko sila pinagtuonan ng pansin at ibinaling ang atensiyon sa labas. At gustuhin ko mang pabagalin ang oras pabalik ng condo ay imposible.

Tinitigan ko ang matayog na condominium building at bahagyang nasilaw sa mataas na sikat ng araw. Nagtuloy ako papasok at umakyat gamit ang hagdanan upang mapabagal ang panahon ko pabalik. Ngunit pakiramdam ko walang nagbago dahil nakarating pa rin ako sa loob ng unit.

"Umuwi ka sa inyo?"

Huminga ako ng malalim at hinarap si Hendrix na nagsalita sa aking likod. Mukhang kanina pa siya gising base sa kaniyang hitsura, at galing siya sa kitchen.

Nanikip ang aking dibdib at ramdam ko ang sabay-sabay na pagkawasak ng sari-saring emosyon sa puso ko. I stared at his deep-set pair of dark eyes and felt my tears knocking at the verge again. Naramdaman ko ang pamumukol ng kung ano sa aking lalamunan at mas lalo lamang akong nasaktan.

Bakit sa tuwing gusto kong gumawa ng solusyon, laging palpak? At sa tuwing hinahayaan ko naman ang mundo sa plano sa'king buhay, nasasaktan ako. Ano bang dapat kong gawin?

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at tumango. Umamba akong aatras upang makataas sa kwarto nang magsalita siya ulit.

"Bakit?" Malamig niyang tanong.

Matalim ang aking mga mata na itinuon sa kaniya. "My Dad certainly called you before I got here. Bakit ka pa nagtatanong?"

Nagkasalubong ang kaniyang mga kilay at madilim akong tinitigan. At sa halip na makaramdam ng takot dahil sa kalamigan ng kaniyang mga mata, mas nadagdagan lang ang bigat sa aking puso.

"I want to hear it from you-"

I smirked cynically. "Gusto mong marinig sa'kin? Sige, sasabihin ko sa'yo." I gritted my teeth and looked at him indignantly, trying to hide the pain behind my tears.

"I told Dad na ayoko na! Ayoko nang makasama ka sa iisang bubong! I want to call off the engagement because this is getting me tiring!" I screamed with all my heart.

Tila ako kinapos ng hininga dahil sa pagsigaw kong iyon. My eyes started to get misty as I still tried to suppress them.

Hindi siya umimik na mas lalong nagpahirap sa aking nararamdaman.

"Kaya ka umuwi sa inyo-"

"Alam kong iyon din ang gusto mo! I know how much you wanted to be with your girlfriend and I am hindering you to finally do that!"

Tuluyan nang bumagsak ang mga traydor kong luha. Umatras ako at marahas na pinalis ang mga luhang naglandasan sa'king pisngi. I told them to not come out but they still did, damn!

"Iyon ba ang dahilan kung bakit gusto mong itigil ang engagement?"

Nanlaki ang aking mga mata dahil hindi iyon ang inaasahan kong maririnig mula sa kaniya. Huminto ako sa pagpapalis ng aking luha at naguguluhan siyang tinitigan. Ngunit hindi nagtagal ay muling bumuhos ang mga panibagong luha ko.

Kumawala ang malakas na hikbi sa aking labi at naramdaman ko ang plano niyang paglapit sa'kin ngunit hinawi ko ang kaniyang kamay.

"Can you believe that I fall for you?" Garalgal kong tanong.

I felt him stiffened with my sudden confession. Gusto kong sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko, umaasa na sa paraang ito, magigising siya sa katotohanang kailangan niya nang kumilos para hindi na kami magkasiraan pa. O kung hindi pa ba ako nasisira. Pakiramdam ko kasi wasak na wasak na ako.

A deafening silence enveloped us that my sobs are the only sounds heard. Pumikit ako ng mariin at sinaktan ang sarili upang matigil sa pag-iyak.

"You're joking." Untag niya pagkatapos ng ilang sandali.

"How I wish I am but I'm not!"

"But you can't fall for me-"

"I already did! Don't worry, hindi ko ipipilit ang sarili ko. Pagod na akong ipagsiksikan ang sarili ko! Sa'yo at sa inyong lahat!" I shouted in distress.

Hindi siya nakakibo dahil sa malakas kong pagsigaw. I turned my back on him and drastically run out of the unit. Narinig ko ang boses niyang tinawag ako ngunit nagtuloy ako sa elevator.

Nakakapagod ipagsiksikan ang sarili ko sa kanilang lahat. Pagod na pagod na ako. Gusto ko nang lumayo. Gusto ko nang mawala sa buhay nila dahil kahit kailan wala akong halaga sa kanila. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top