#HIW19

Entry 19

I exhaustingly sat at the edge of my bed and stared blankly at the white walls. My tears have gone dry and I am glad that they have thought of resting for tonight. Dahil ayoko nang umiyak. Ilang beses ko nang sinabi sa aking sarili na ayoko nang lumuha muli ngunit kahit ang sarili kong damdamin ay hindi ko na magawang kontrolin.

My emotions have been taking over me since I can't remember when. Naging sunod-sunuran ako sa sarili kong emosyon dahil hindi ko na alam kung paano sila susuwayin.

I slowly lifted my eyes to the ceiling and found the dim lights of my room. Tanging ang cove lights lang ang binuhay ko. My shoulder weakened and all I wanted for tonight is to take a rest and forget everything for a moment.

I have to turn my back on them and stop eavesdropping because I can't take the pain in my heart anymore. Ang gumuguhit na sakit sa puso ko dahil sa aking narinig ay hindi ko alam kung saan nagmula at paano sila nahulma. I should not feel this way, but I am.

And no matter how I try to ignore this pain, I can't. At mas lalo lamang nadepina ang sakit na nararamdaman ko sa aking sistema ngayong gabi. She's very pretty wearing that elegant long old rose gown and her body matured. Wala akong problema sa aking pisikal na anyo ngunit nang makita ko si Hermary, tila ako nanliit.

And there's no way that Hendrix could change his decision of freeing us from this chain the moment he saw the right timing to call it off. At sa halip na matuwa at magpasalamat katulad ng nais ko noon, hindi ko na magawang mahanap ang kasabikan na mahiwalay sa kung anong mayroon kami ngayon.

"Ate!"

Mabilis akong napabaling sa likod at nakita si Kayden suot ang kaniyang kid tuxedo sa tapat ng aking pintuan. Ngumiti ako sa kaniya at tumayo upang lapitan siya ngunit mabilis siyang tumakbo patungo sa'kin.

"Hindi ka pa ba napapagod? You should be sleeping now." Hinawakan ko ang kaniyang palapulsuhan upang mahila siya palapit sa'kin.

I hugged my younger brother so tight that I forgot for a second that he's fragile. Binawi ko kaagad ang mahigpit na yakap at hinaplos na lamang ang kaniyang pisngi. I stared at my brother longingly. If there is one reason why I should keep on living, it's because of him. He has no one but me and my parents. At hindi ko kakayaning isipin ang maaari niyang maramdaman sa oras na mawala ako sa buhay niya.

"Kuya Hendrix told me that you'll be sleeping now so..." Pinahaba niya ang bigkas sa huling salita at ngumiti ng malapad. "I will be sleeping now, too!" He giggled.

Lumapad ang ngiti ko dahil sa nakikitang kasiyahan sa mukha ng aking kapatid.

"You look so happy, huh. Anong meron?" Usisa ko.

"There are kids downstairs, Ate. And they talked to me!" He exclaimed, I saw how his eyes glitter in happiness.

Unti-unting napawi ang aking ngiti dahil sa narinig mula sa kaniya. Katulad ko, sabik siya sa kaibigan, sa mga taong nais siyang makausap. I shook the thought away and smiled at him again. Tumaas ang haplos ko sa kaniyang buhok.

"Anong pinag-usapan ninyo?" I asked in a crack voice.

Nasasaktan ako para sa'king kapatid. Nasasaktan ako para sa aming dalawa. We shouldn't be asking for attention and for the people who can accept us. Pero bakit ganoon ang nangyayari?

"We talked about my toys. Pero sabi nila sa'kin, Ate, that they are attending school and they can't visit me. Bakit nasa school sila, Ate? Don't they have teachers at home?" Inosente niyang tanong.

Umawang ang labi ko at mas lalong nabiyak ang puso ko para sa'king kapatid. He's innocent. Hindi man namin sinikreto sa kaniya ang tunay niyang kalagayan ay nahihirapan pa rin kaming ipaintindi sa kaniya na hindi siya dapat lumalabas ng bahay at nagpapagod.

He's just a kid and all he wanted is to play with other kids. But he's playing alone. Studying alone with his only teacher. And he will never know how does it feel like to attend school.

Hindi man maganda ang estado ko ngayon sa escuelahan, naniniwala ako na may iba siyang kapalaran. That when he started to attend school, he will gain a lot of friends. Hindi niya mararanasan ang nararanasan ko. Pero sadyang hindi patas ang mundo para sa'ming dalawa. Parehas kaming pinagkaitan ng kasiyahan.

"Ganito kasi 'yon, Kayden," I tried to make him understand. "They are attending school pero wala naman iyong pinagkaiba sa pag-aaral mo dito sa loob ng bahay."

"But they asked me if I can play outside! They invited me to the park..." He trailed off. "I forgot the name of the park."

I nodded. "Alam mo naman ang sagot nila Mommy diyan, 'diba?"

Suddenly, the smile on his lips faded. Malungkot siyang yumuko at dahan-dahang tumango. I took a deep sigh and pulled him towards me.

"You're better here inside, Kayden. Baka rin mapahamak ka sa labas kung sasama ka sa kanila."

"But I want to have friends." He uttered sadly.

I shifted on my seat and searched for other words to make him feel okay. Pero anong masasabi ko kung pati ako ay ganoon rin ang gusto.

"I-I'm your friend,"

"You're my Ate, not my friend." He pouted more.

I bit my lower lip and stared at my brother for seconds. "But I can also be your friend."

"How can you be when you're not always here? Lagi ka na lang nasa bahay ni Kuya Hendrix."

Oh, how I wish I can't go back there anymore. Sana ay hindi na lang nangyaring nasa panganib nang pagbagsak ang aming kompanya at hindi ko na kailangan pang magpakasal sa kaniya. Sana ay nagpatuloy na lamang ang buhay ko noon. Because my life worsens when I met him.

"Bumibisita naman ako, ah. At saka abala si Ate sa school. Alam mo ba na third year na si Ate sa pasukan? One more year and I will graduate na." Bahagya kong niyugyog ang kaniyang balikat upang ipakita sa kaniya ang excitement ko.

Bumalik ang ngiti sa kaniyang labi dahil sa sinabi ko. "I'll see your graduation, Ate!"

"Syempre naman dapat nandoon ka." Napangiti ako nang mapansin na nakalimutan niya na agad ang lungkot tungkol sa bagay na hindi niya maaaring gawin.

"Yehey!" He even jumped cutely.

"Yehey, really." Natatawa kong sambit. "Matulog ka na at masyado nang malalim ang gabi para sa'yo."

He nodded submissively and kissed my cheeks. "Good night, Ate."

Tumakbo siya palapit sa pintuan upang lumabas nang bigla ay huminto siya at hinarap ulit ako. Tumaas ang kilay ko sa ginawa niya. He grinned.

"You are very pretty tonight, Ate! And Kuya Hendrix told me to kiss you a good night!" Then he shut the door closed before I finally heard his footsteps running in the hallway.

Naiwan akong tulala sa pintuang kaniyang nilabasan at nabingi sa huli niyang sinabi. I want to think that Kayden is fooling me but he's not the kind of kid who can joke. Napapikit ako at sinalampak ang aking likod sa malambot na kama.

I stared at the ceiling of my room and gritted my teeth. There are a lot of things running in my head and I don't know what to prioritize anymore. Hell, I shouldn't be prioritizing my problems but I have no choice.

Bumangon ako at hinubad aking stilettos before I went inside my walk-in closet to change. I took a quick warm shower to remove my makeup and some stickiness of my skin before I return to my bed to sleep soundly. Dahil sa sobrang pagod ay nagawa kong mabilis na makatulog.

Just to wake up to another day with a heavy thing remaining inside my chest. I went out of my bed and walked straight downstairs. Naabutan ko ang ilang mga hindi pamilyar na tauhan na naglalabas masok sa aming mansion upang tanggalin ang mga lamesa at silyang ginamit kagabi.

Dahil sa kuryusidad ay nagtuloy ako sa hall kung saan dinaos kagabi ang party. Maraming tao sa loob na naglilinis. Lumabas din agad ako at nagtuloy sa dining area upang mahanap sina Mommy.

"You're finally awake, hija. Anong oras ka uuwi sa condo?" Mom saw me coming and asked that without even greeting me a 'good morning' first.

"Good morning, Mom," I said with a hidden sarcasm in my voice.

Ngumiti siya at nilahad ang upuan sa tabi. "Good morning, darling. I'm sorry, I was excited."

Umupo ako sa silyang katabi niya at sinulyapan si Daddy na nagpatuloy sa kaniyang pagkain. Wala pa si Kayden sa hapag.

"What are you excited about? Tapos na ang party." Iniwas ko ang tingin at naglagay ng sariling pagkain sa pinggan.

"Of course I am excited about your wedding. Ngayong anunsiyo na ang engagement ninyo, everyone is waiting for the church wedding."

My eyes are sharp when I glanced at Mom. I gritted my teeth and looked away instantly, too. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya na hindi mangyayari ang ano mang pinapangarap nilang pagpapakasal sa'kin kay Hendrix dahil gagawin niya ang lahat upang hindi iyon matuloy. Kung anong plano niya ay wala akong ideya. Or maybe he will take my advice of running away with his girl.

"Mukha namang nagkakamabutihan na kayong dalawa ni Hendrix, hija. Bakit busangot pa rin ang mukha mo sa tuwing pinag-uusapan ang kasal ninyo?"

Because it will never happen!

Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa pagkain.

"The way Hendrix stared at you last night, I am convinced that he's in love with you now."

Binagsak ko ang hawak na kubyertos at binalingan si Mommy. Hindi ako makapaniwala na lahat na ata ng kasinungalingan ay maaaring lumabas sa kaniyang bibig para lamang mabilog ako na buong pusong pumayag sa kasal.

I don't want out of this arrangement because I want to stay with him but if it means breaking myself, I have no choice but to agree with the fact that this won't last. At kung may maiisip akong paraan para ma-call off ang engagement na ito, I will do it. Ayokong sirain ang ano mang relasyon mayroon siya sa kaniyang nobya. At higit sa lahat, ayoko nang saktan ang aking sarili.

"Don't spit pseudo, Mom." I said drily.

Ngumiwi siya dahil sa'king sinabi. "What are you saying? Totoo ang sinasabi ko, honey. Ganoon na ganoon ang mga mata ng Daddy mo noong nagkagusto siya sa'kin."

Dad has to lift his head on us when he heard what Mommy said. At kung ibang pagkakataon lamang ito ay mapapangiti ako.

"Karina, whatever your plans in your head, don't try doing it. Magpapakasal ka kay Hendrix."

What happened to the Dad I used to have? He was never this manipulative before. Paano niya nakakayanang ipamigay ako sa isang tao na hindi niya rin naman lubusang kilala? Ngunit kahit anong rason ang ibigay ko sa kaniya, hindi niya na ako mauunawaan. All he wanted now is to save our failing company.

"What plans are you talking about? Ano iyon, Kare?" Mom asked curiously.

Akala ko at magtutuloy-tuloy na ang pagkatuyo ng luha ko ngunit nagkamali ako. I am now again on the verge of crying. Umiling lamang ako at ibinalik ang atensiyon sa pagkain.

"I want to stay here until the end of my vacation, Mom. That's my plan-"

"Sure, honey-" Mom was cut off by her words when Dad spoke.

"No, you can't." Matigas nitong sambit sa mga kataga.

Muli akong napaangat ng tingin sa aking ama.

"Uuwi ka ngayon kay Hendrix. Mainit ang mata ng ilang mga investor natin. And they want the assurance na totoo ang engagement ninyo ni Hendrix."

"Isn't it enough that we had a grand engagement party last night? Ano pa ba ang maaari nilang pagbasehan upang isipin na niloloko ninyo sila? You can't make a fake grand party and announcements like that for nothing!" I burst out.

Dad stared at me grimly. Umahon ang kaba sa aking puso dahil sa tinging ipinupukol niya sa'kin.

"You have to be seen with your fiancé. Uuwi ka sa condo ni Hendrix ngayon." Mariin niyang saad at walang pasubaling tumayo at umalis sa harap ng hapag.

Umawang ang labi ko dahil hindi ako makapaniwala. Sinunod ko na ang gusto nila at ngayon ay uutusan na naman ako. I don't think I still have choices left with my own life! I am controlled by my parents and for what other people think about me! This is not the life I want!

"Karina," Mom called me soothingly.

Umiwas ako ng tingin at tumayo. Iniwasan kong makita ang reaksiyon ni Mommy at mabilis na nagpatuloy pabalik sa aking kwarto. Umupo ako sa aking kama at kinulong ang mukha sa dalawa kong palad.

I am tired of living this life. And I have no idea how to get rid of this.

Wala akong ibang pagpipilian kundi ang umuwi sa condo ni Hendrix sa hapon ring iyon. Naabutan kong walang tao ang loob ng unit at muli na namang umahon ang hindi ko gustong sakit sa aking puso. Saan pa ba siya maaaring pumunta ngayon kundi sa girlfriend niya.

I didn't know that he invited Hermary to our engagement party. Paano niya nasikmura na makita ng sarili niyang nobya ang pagpapahayag ng engagement namin?

Sinarado ko ang pintuan at nagtuloy sa balkonahe upang matignan kung maayos pa ba ang mga rosas ko. Yumuko ako at sinuri ang mga bulaklak. They don't look dry. Mukhang inalagaan sila ni Hendrix sa dalawang araw na wala ako dito.

I sighed and went inside again. Bumagal ang lakad ko patungo sa hagdanan nang matanaw si Hendrix na pumasok. He looked at me and walked towards me.

"You're home." Aniya.

Iniwasan ko ang kaniyang mga mata at tumango lamang. Bago nangyari ang party kagabi ay malayo nang muli ang loob namin sa isa't-isa. At ramdam ko ang pagbabalik ng awkwardness sa pagitan naming dalawa.

"Ubos na ang laman ng refrigerator natin. Gusto mong sumama sa palengke bukas?" Kaswal niyang tanong.

Pinanatili ko ang tingin sa kaniyang tshirt at umiling. Tumikhim siya at mas naramdaman ko ang pagtango niya kaysa nakita. Awkward silence enveloped us.

"Anong gusto mo sa dinner? Magpapa-deliver na lang ako."

"Kahit ano na lang. Aakyat muna ako." I said and continued walking towards the staircase.

Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy sa loob ng kwarto. Dumiretso ako sa kama at pahalang na humiga. I closed my tired eyes. I am dying to know kung anong ginagawa ng girlfriend niya kagabi sa party ngunit ayoko rin namang pag-usapan naming dalawa ang tungkol roon. Kung anong pinag-usapan nilang dalawa tungkol sa kanilang relasyon at kung anong desisyon nila ay sa kanila na lamang iyon. I shouldn't be asking about it.

Weeks went on and like I expected, the wall between us gets taller by the time. Hindi kami nag-uusap dalawa sa loob ng unit at may ilang araw din siyang wala upang puntahan ang girlfriend niyang, narinig ko ay, bumalik na sa Maynila. Hanggang sa pagsapit ng unang araw ulit ng klase ay wala kaming imikan.

And it is better that way. Upang ang anomang nagsisimulang damdamin na tumutubo sa aking puso ay hindi na tuluyang lumaki pa.

Unang araw ng klase at naging laman ng balita ang tungkol sa pagiging fiancé ko ni Hendrix. Marami akong narinig na masasakit at masasamang salita tungkol sa'kin mula sa kanila. At hindi ko alam na sa halip na masanay na sa mga ito ay mas lalo akong nahihirapang tanggapin ang relasyong mayroon ako ngayon kay Hendrix.

It's wrong to be engaged with him.

"Dinig ko malapit na daw bumagsak ang negosyo nila kaya walang choice kundi ipakasal kay Hendrix. Tss. If I know, hindi naman talaga gusto ni Hendrix ang isang outcast na katulad niya."

I heard those words while I was trying to search for a book inside the library. I gritted my teeth and hold back my tears. Pilit kong itinuon ang pansin sa paghahanap ng libro ngunit tumatakas sa aking pandinig ang kanilang pag-uusap.

"E'di ba't ka-bi-break niya lang kay Lawrence? Grabe naman siya. Akala mo mabait pero halatang nasa loob ang kulo."

"Tama. Parang nilalandi niya si Hendrix. Nakikita ko sila dati na laging magkasama sa canteen at gymnasium."

"Ang galing talaga manira ng relasyon. Pati 'yong matagal na relasyon ni Hendrix sa girlfriend niya, nagawa niyang sirain. Ano kayang ginawa niya?"

"Baka binilad ang katawan sa harap ni Hendrix. Balita ko nakatira na 'yan sa condo ni Hendrix."

"Kaya naman pala. Nadala sa libog."

Then they laughed.

Dumiin ang kagat ko sa aking dila at mabilis na nilisan ang library. Hindi ko na nagawang hanapin ang librong kailangan ko dahil hindi ko na makayanan ang aking mga naririnig. At akala ko ay makakahanap ako ng katahimikan sa loob ng classroom pero hindi pa rin pala. Kahit sa loob ng klase ay ako ang pinag-uusapan nila. At katulad ng narinig ko kanina mula sa mga taong hindi ko kilala ay ganoon din ang opinyon sa'kin ng mga kaklase ko.

"Ikaw talaga si Maria na pinagpala sa babaeng lahat, Karina! Akalain mo 'yon, nabingwit mo ang dalawang lalaking pinapangarap ng marami!" Fatima said mockingly.

Nagpasak ako ng airpods sa aking tainga upang hindi sila marinig ngunit nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang mga mukha nilang nagtatawanan. And how I pray so hard that this day won't last long but He can't just hear me. Dahil nagpatuloy akong usap-usapan sa loob ng campus sa loob ng apat na buwan.

At kahit hindi sinasabi ni Hendrix na naiinis siya sa pagkalat ng engagement namin ay nakakasigurado akong ganoon ang nararamdaman niya. Noon pa man ay sinabi niya na sa'king ayaw niyang may ibang makaalam ng relasyon ko sa kaniya. But what now? Everyone in this town knows it already!

Pinalis ko ang mga tuyong dahon na nakatabon sa malaking bato at umupo roon. I took a deep breath and inhaled the fresh air. I stared at the majestic peaceful view of Tagaytay City lights.

Ito ang unang pagkakataon na muli akong bumalik dito sa cliff pagkatapos noong huli kong punta dito. At nagpapasalamat ako na hindi ko naabutan si Lawrence at Mild. I've been searching for a place that could make me forget my problems and this is the only place I know. Ngunit ngayon lang ako nakabalik sa takot na maaari kong makitang muli si Lawrence.

It's been four months since our engagement was announced. Apat na buwan simula noong magsimula ang klase at walang araw na lumipas na hindi ko narinig na pinag-uusapan ako ng mga estudyante. I heard things about me that will never define who I really am, but I am still affected. At walang araw ang nagdaan na hindi ko naramdamang napapagod na ako.

And now, this is the only place I know that I could burst out crying out loud. Ito lang ang lugar na alam kong puwede akong sumigaw.

"Pwede ba isa-isa lang?! Bakit sunod-sunod ang problema na binibigay sa'kin?! Can't you make me, at least, breathe?!" I screamed painfully.

Bumuhos na parang gripo ang aking mga luha. Kumawala ang malakas kong hikbi at wala akong planong pigilan ang aking sarili. I have been dying to shout all my thoughts because I can't take it anymore. At ngayong may kalayaan akong ipagsigawan ang problema ko, gusto kong abusuhin ang oras.

"Hindi Mo ba nakikita na napapagod na ako?! Bakit ayaw Mo akong tulungan?!"

Nagtaas-baba ang aking dibdib dahil sa hindi ko normal na paghinga. Ang malakas kong hikbi ay mas lalo pang lumala. Humampas ang malakas na hangin dahilan upang bahagyang matuyo ang luha sa aking pisngi ngunit walang sawang naglalandasan ang aking mga luha.

"Why did you make me fall for Hendrix?! Bakit mo hinayaang mabuo ko ang damdaming ito sa kaniya?! Bakit kailangang magustuhan ko siya?!"

For months of being confused about my own feelings, I have come to realize recently that I like him already; that the strange emotions building inside my chest started to scare me the moment I realized that it is something I don't want to consider. I don't want to fall for him.

Ayokong mahulog sa isang tao na alam kong may mahal na iba. And I never wanted to fall for someone who I know could break my heart. Dahil durog na durog na ang puso ko, hindi ko na kayang tuluyang mawasak pa ito.

Mariin kong pinikit ang aking mga mata at dinama ang paglandas ng mga luha sa aking pisngi. Kinuyom ko ang aking mga palad nang unti-unti ay nararamdaman ko ang pagkakaupos ng aking hininga.

I opened my mouth and frantically breathe in and out. Naninikip ang aking dibdib at nahihirapan akong huminga. I opened my eyes to search for something I can hold onto. Pinilit ko ang sarili na makatayo upang makalapit sa isang puno. Hinawak ko ang dalawa kong kamay dito habang kinakapos ako ng paghinga.

It's already dark and the weather is cold. Ngunit nakakasigurado akong hindi iyon ang dahilan kung bakit nababalot sa lamig ang buong katawan ko at para akong naninigas na yelo.

"Ah!" I tried to shout but it only worsens my breathing.

Bumuhos ang mga panibagong luha mula sa aking mga mata dahil umahon ang kakaibang takot sa aking dibdib. Iyon din ang naging rason kung bakit mas lumala ang hindi normal na pagtibok ng aking puso. Hinawakan ko ang aking dibdib at halos mapunit ko ang sariling blouse dahil hindi na ako makahinga.

Hindi ako makahinga! Hindi ako makahinga! My mind is getting hysterical by the thought at hindi ko magawang maisatinig iyon dahil nahihirapan ako.

Kumawala ang pinaka-malakas kong hikbi dahil nadagdagan ang aking takot.

Hindi ko alam ang gagawin ko! Gusto kong huminga!

Napayuko ako at napaupo sa lupa habang pilit akong naghahanap ng hangin. Nangunyapit ako sa mga dahong naaabot ng aking kamay at sinandal ko ang sarili sa puno. I tried to think logically and tried my very best to stop myself from crying. Mas humigpit ang pagkakakuyom ko sa aking palad hanggang sa unti-unti ay naramdaman ko ang pagbabalik normal ng aking paghinga.

I opened my eyes and saw the view again. Tila walang nangyari dahil nanatiling walang pakialam ang mundo sa'kin. I quickly stood and left the place. Pumara ako ng jeep at nakipagsiksikan dahil gusto ko nang umuwi. Nang makapasok ako sa unit ay sinalubong ako ni Hendrix ngunit balisa ko lamang na inikot ang paningin sa buong paligid.

"Bakit ganiyan ang hitsura mo? What happened?" I saw him walking near me the reason why I stepped backward.

I lifted my eyes on him and found his thick eyebrows meeting each other. Nanlaki ang aking mga mata at walang salitang nagtatakbo patungo sa aking kwarto. I locked myself in the room and terrifyingly wander my eyes around.

Muli ay naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib.

Sobrang dilim. Ang liit ng espasyo. Pakiramdam ko ay hindi ako kasya at hindi ako makahinga.

Binuksan kong muli ang pintuan at mabilis na naglakad pababa ng hagdanan. Nagtuloy ako sa balcony upang makalanghap ng sariwang hangin ngunit hindi iyon nakatulong. When I tried to look down, I was dazed with the height. Strange because I never fear heights!

Bumalik ako sa loob at balisang inikot muli ang tingin sa paligid. There's light around the whole room. But I don't feel this place. At ang sunod ko na lamang na alam ay bumubuhos na ang luha ko.

"Karina!" I heard Hendrix's panicked voice somewhere.

Nanlalabo na ang aking paningin at hindi ko nakitang nasa harapan ko na siya. Ngunit nang maramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking balikat ay mas lalo lamang akong nahirapang huminga.

"Why are you crying? Bakit ka balisa? Anong nangyari?" Tuloy-tuloy niyang tanong ngunit tanging iyak lamang ang naisasagot ko.

"Kare-"

Hindi ko siya pinatapos at marahas na hinawi ang kaniyang kamay sa aking balikat.

"A-Ayos lang ako." I said in a shaking voice and run faster towards the staircase.

Muli kong ni-lock ang pintuan ng kwarto at nakapikit na tinungo ang kama. Nagpatuloy ako sa pag-iyak at pinilit ang sarili na huwag magmulat ng mga mata dahil ayokong makita ang nakita ko kanina.

Sinabunutan ko ang aking sarili at malakas na humagulgol hanggang sa hindi ko namalayan ay hinila na ako ng antok. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top