#HIW18
Entry 18
Tinulak ko ang pintuan pabukas at pagod na naglakad patungo sa aking cabinet. I searched for the notebook I have back when I was in high school. Mula sa kahon na sinama ni Mommy na ipadala sa condo'ng ito ay kinuha ko ang hinahanap ko.
I Indian sit on the floor and opened my old diary. Binuklat ko ang bawat pahina at umagos ang walang katapusang panghihinayang sa mga panahong hindi na mababalikan.
I used to be fine. I used to feel contented with my life with my friends around me, with the people who appreciate and treat me better. But all those days were now gone. Funny how I kept a diary during my happiest days but not now that I have no one to tell the things I want to say out loud.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at pinalis ang luhang parang gripong naglandasan sa aking pisngi. Gusto kong bumalik sa mga panahong hindi ako nag-iisa, iyong pakiramdam na hindi ako abala at pinipilit ang sarili sa ibang tao. Ngunit paano pa maibabalik ang panahon na kinalimutan na rin ng mga taong nakasama ko?
Hinugot ko mula sa aking wallet ang picture na kinuhanan kanina ng estrangherang ginang. I blinked my eyes twice to unblur my vision. A faint smile crossed my lips as I stared longingly at our picture. Ang puso ko ay nagsimulang tumibok sa paraang minsan ko noong naramdaman. But I find it weird to feel it towards Hendrix.
"Karina,"
Mabilis kong inipit ang picture sa notebook at marahas na sinarado ito nang marinig ang boses ni Hendrix sa aking likod. Lumingon ako at naabutan siyang nasa hamba ng pintuan at nakakunot noong nakatingin sa'kin.
"B-Bakit?" Gulat kong tanong at tinago ang notebook upang hindi niya makita.
Lumipat ang tingin niya sa aking gilid na para bang nagtataka kung anong tinatago ko. Magsasalita sana ako nang muli niyang ibalik sa akin ang tingin.
"What happened a while ago-"
"It's nothing!" Agap ko.
Mas lalong lumalim ang gitla sa kaniyang noo ngunit mabilis ring naglaho at iniwas sa'kin ang tingin. He nodded and stepped forward once.
"I'm sorry about it. I... I don't know why I did that." Puno nang pagsisisi ang kaniyang boses.
At hindi ko alam kung bakit tila hinahati ang aking puso dahil lamang humihingi siya ng paumanhin. I force a laugh and shook my head fakely to make it look like that I am not really affected.
"W-Wala 'yon. That was just a mistake." I laughed it all.
He took a deep breath that made me found his lips suddenly again. I swallowed the imaginary lump on my throat as I remember how his soft red lips brushed mine. I've been kissed before and I was in love during those times, but I was never this frantic. His kisses are something I can't explain. I am confused.
"Yeah. I'm sorry again. I should have not done that."
I gritted my teeth and lifted my chin up to prevent my verging tears to come out. I nodded and avoided his eyes.
"Apology accepted." Natatawa ko pa ring untag.
Ibinalik niya sa'kin ang tingin at wari'y muling tumalon ang aking puso sa pinakamataas na tuktok ng isang bundok. Kinuyom ko ang aking palad sa'king likod upang magising sa realidad na hindi ko dapat ito nararamdaman sa kaniya.
"I-I am sorry, too. I responded." Iniwasan ko ang madilim niyang mga mata at nahiya sa sariling sinabi.
But I am really sorry for responding to his kisses. He's committed and what we did is a sin. I was hurt when I saw Lawrence and Mild kissing, and I never wanted to be the third party on Hendrix and his girlfriend's relationship. I am more than that. And it's not like there's something romantic going on between us. It's just purely a mistake.
But I can't also deny that a part of me enjoyed that mistake. Stupid me.
Nang mabalot sa nakakabinging katahimikan ang silid sa pagitan naming dalawa ay napasinghap ako.
"A-Ano kasi, m-may ginagawa ako-"
"Yeah. Aalis na ako. Good night, Karina." Tuloy-tuloy niyang sambit at tumalikod upang makalabas.
Naiwan akong tulala sa pintuang kaniyang sinarado. Inikot ko ang aking paningin sa buong kwarto at marahang niyakap ang aking mga binti. Ang kanina ko pa pinipigilang mga luha ay tuluyan nang kumawala.
Hindi ko na alam kung ano pang dahilan ng pag-iyak ko ngayon. It can't be the friends I can't have, it can't be the people who can't treat me right. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Hindi ko alam kung bakit naninikip ang aking dibdib at parang winawasak ang aking puso. Hindi ko maintindihan ang aking sarili.
Nagpatuloy ang araw na para bang hindi man lang ito marunong makisimpatya sa aking nararamdaman. Ang noon na malaking distansiyang nakapagitan sa'ming dalawa ni Hendrix ay mas lumawak pa. At alam naming parehas kung bakit biglang naging ganito.
"You are so pretty, Karina Tatiana. You are really my daughter!" Puri ni Mommy pagkatapos kong maisuot ang gown na pinili niya para sa'kin.
Days passed like a whirlwind because tonight is the set date of our engagement party. Ang bilis ng panahon dahil parang kailan lang noong ipaalam sa'kin ng aking mga magulang ang pagpapakasal ko sa lalaking hindi ko lubusang kilala. The son of one of the famous construction magnate needs to marry me to save our failing business. And I have no choice but to agree.
Ngumiti ako kay Mommy at hindi nagawang makasagot sa kaniyang papuri. Umikot ako upang makita ang sariling repleksiyon sa malaking salamin. Unti-unting napawi ang aking ngiti nang makita ang sarili.
I am wearing a purple long gown dress with a flower belt. My hair is braided sideways with flower ponytails at both ends near my nape. My long curly bangs on the sides made me look like some Disney princess.
I am pretty. I was raised in a family everyone dreams to have. And people will think that my life is perfect. But no one ever saw that behind the glamorous life I have, I am alone and sad.
"Hendrix, hijo, you're here! Ang gwapo naman talagang binata."
Napabaling ako sa pintuan kung saan may taong pumasok at namamanghang pinagmasdan ang kabuuang ayos ni Hendrix ngayong gabi. I've seen him with his casual clothes, school uniform, and even in his jerseys, but the Hendrix tonight is a fairytale prince that comes to life.
The dark tuxedo and pants are hugging his muscular body so well. Kulay abo ang kaniyang necktie at nasa palapulsuhan ang isang mamahaling relo sa buong mundo. Wala masyadong nabago sa kaniyang buhok dahil nanatili itong malinis at maikli. His face, as ever, remained rugged and gorgeous.
"Hi, Tita. You look stunning tonight." Bola niya sa aking magulang.
And there I only realized that my heart has been frantically beating loud with the sight of him. Huminga ako ng malalim upang mapakalma ang sarili. Hendrix's eyes darted on me and the smile slowly fade away on his lips. Sa malalaki ngunit mabagal na mga hakbang ay naglakad siya patungo sa aking pwesto.
And when I thought I can finally calm down, I was wrong.
I smelled his natural manly scent with the combination of an expensive perfume he sprayed. Nevertheless, his addicting natural scent overpowers the fragrant liquid.
"You're beautiful, Kare." He complimented me using his deep baritone.
My lips quiver as I smiled at him. "You look good, too."
Tumaas ang sulok ng kaniyang labi at ikiniling ang ulo.
"I only look good?" Tanong niya. "Well, I don't really put so much effort in making myself presentable for this night, but do I just really look good in your eyes?"
Ngumiwi ako sa kaniya at hindi ko na napigilang iikot ang aking mga mata. He laughed which made the staff in the room stopped what they are doing. Ang makeup artist ay nakangiting bumaling sa'min.
"Okay. You look gorgeous. Ayos na 'yon?" Sarkastiko kong usal.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at humalukipkip. "You don't really mean it but I'll accept it anyway."
I was about to open my mouth again when the door opened. Iniluwa nito si Daddy kasama ang mga magulang ni Hendrix. Tita Kristine is all smiles when she went to me and kissed me on my cheek. Umatras si Hendrix at nilapitan si Daddy at ang kaniyang ama.
"You are perfect, darling! Why, you have a celestial beauty!" She praised me exaggeratedly.
Lumapit si Mommy at nakisali sa mga sinasabi ni Tita Kristine.
"Kanino pa ba magmamana." Hinaplos ni Mommy ang aking buhok.
Sari-saring papuri ang natanggap ko mula sa mga magulang ni Hendrix at ganoon din sa sarili kong magulang bago sila tuluyang unang bumaba. Hendrix held out his hand for me that made my eyebrows furrowed.
I lifted my eyes on him. "Hindi ka ba tatakbo? Tatakas?" I asked him.
"Hindi pa tayo magpapakasal. I still have a lot of time to think of ways for both of us to be free from this chain." He uttered coldly.
My chest tightened with what he said, but didn't that what I really expected from the beginning? Ang pinagkaiba lang, siya na lang ang may rason kung bakit gusto niyang makawala. I have lost my reason.
Tinanggap ko ang kaniyang kamay at sabay kaming bumaba ng engrandeng hagdanan ng aming mansion. Sumalubong sa'min ang mga kilalang tao na panauhin ngayong gabi. Inikot ko ang paningin at humanap ng mukha na maaaring pamilyar sa'kin ngunit tanging mga kamag-anak ko lang ang nakilala ko. Ate Audrey saw me and waved at me but she didn't come near me.
"You're cold." Bulong ni Hendrix sa'king tabi.
Binalingan ko siya at naabutan siyang nakayuko sa'kin. Lumunok ako at ibinalik ang tingin sa harapan.
"Kinakabahan lang ako." Sagot ko.
Iyon ang totoo. I've been to a lot of formal parties but this is my first time to get nervous. Dahil hindi ako nakakasigurado kung tama ba ang mangyayari ngayong gabi. Knowing that there is someone who will be hurt hearing this. His girlfriend, Hermary.
"How I wish my brother is here." He spoke again beside me.
Gulat akong napabaling sa kaniya. "May kapatid ka?"
Binalingan niya rin ako at naguguluhang tumango. Nag-iwas ako ng tingin nang bigla ay umalingawngaw sa buong pasilyo ang boses ng Master of Ceremony.
Lumakad kami patungo kung nasaan ang aming mga magulang at hindi na halos nabigyan ng pansin ang kanilang mga sinasabi. My mind is at the thought of what he said. May kapatid siya ngunit hindi ko man lang iyon alam.
Inangat ko ang tingin sa kaniya at naabutan siyang seryosong nakikinig sa sinasabi nila Tito. Wala akong alam tungkol sa buhay niya. Never siyang nagkwento ng kahit ano tungkol sa buhay niya sa'kin. Pero ano nga ba at wala naman kaming relasyon higit pa sa pagkakaibigan.
Umakyat sa maliit na entablado si Daddy at bumilis ang tibok ng aking puso nang magsimula siyang magsalita tungkol sa merging ng Alvarez at Ochoa companies. And later on, the Ochoa's unica hija's marriage with the youngest son of Alvarez's was announced. It's me and him.
But it doesn't feel right.
Tila ako nakalutang sa ere at nabibingi ako sa palakpakang naririnig. Nanlaki ang aking mga mata at hindi makapaniwala sa dami ng taong nakatingin sa'min. Nanlamig ang buong katawan ko at bumilis ang tibok ng aking puso na nagpapasikip sa aking dibdib. I feel like I am suffocated. And I want to cry out loud and get out of here. I don't want here!
"Kare,"
Hindi ko namalayang humigpit ang hawak ko sa braso ni Hendrix. Nakita ko ang pamumula ng braso niya dahil bumaon ang aking kuko sa kaniyang balat. Mabilis kong tinanggal ang aking kamay sa kaniyang braso at nag-angat sa kaniya ng tingin. Naabutan ko ang nag-aalala niyang mga matang nakatuon sa'kin.
"Are you okay?" Banayad niyang tanong.
I gritted my teeth and avoided his eyes. I only nodded and forced a smile to the crowd. Pagkatapos ng maikling pagpapahayag ng engagement ko kay Hendrix ay mabilis na akong bumaba ng entablado upang makaupo. Uminom ako sa basong naglalaman ng tubig sa lamesa namin at kinalma ang sarili.
Minutes later, I started to feel okay again. Nag-angat ako ng tingin at hinanap si Hendrix ngunit wala siya. Pagkababa namin kanina sa entablado ay naghiwalay na rin kami ng landas. Ang mga magulang namin ay abala sa pakikipag-usap sa ibang panauhin.
"Ate Karina, I finally met you!"
Mula sa magulong grupo ng mga tao ay dumako ang tingin ko sa magandang babaeng lumapit sa lamesang kung nasaan ako. Dumapo ang tingin ko sa kasama niya at nakilalang si Shall iyon na guwapo rin sa sauot niyang itim na tuxedo.
Tumayo ako at umambang maglalahad ng kamay upang makipagkilalanan sa babae nang bigla niya akong yakapin. My eyes went wide in shock. I saw Shall smirked in amusement. Mabilis rin namang humiwalay sa'kin ang babae.
"I'm sorry." Hingi niya ng paumanhin, her voice is soft. "Na-excite lang ako masyado kasi nakilala na kita finally!"
"Can you, at least, introduce yourself first to her? Naguguluhan sa'yo si Karina." Shall butts in.
"Ah, yeah! I'm Blair. Your fiance's cousin!" Inilahad niya ang kaniyang kamay sa'kin na tinanggap ko naman.
Kumunot ang noo ko sa pangalang binanggit niya. "Blair?" Naisatinig ko.
"Arabella Claire Alvarez. Familiar ba?" She asked gullibly.
Dahan-dahan akong umiling. Napawi ang ngisi sa labi niya ngunit muli ring bumalik.
"Okay lang! Hindi naman ako famous kaya hindi mo talaga ako kilala." Lintaniya niya.
"Ilang taon ka na?" I asked curiously.
"Nineteen! You're just a year ahead of me. Nakikita kita madalas sa campus pero hindi kita malapitan kasi parang ang snob mo." Tuloy-tuloy niyang sambit.
Hindi ako nakaimik dahil sa huli niyang sinabi. I look like snob?
"No offense." She added and smiled widely. "You're beautiful. And you look intimidating. Sana ganiyan din ako para maraming natatakot sa'kin." She giggled.
"Blair," Shall called her cousin.
Blair pouted prettily. "Just kidding. It's nice to be friendly kaya."
Hindi ko alam kung anong isasagot sa lahat ng mga sinasabi niya. Nang mapansin niyang hindi ako umiimik ay muli siyang nagsalita. And I can't help but noticed how pretty she is. She has black protruding eyes, na sa tingin ko ay namana niya sa mga Alvarez. Matangkad at morena ang kaniyang balat. May mahaba at tuwid siyang buhok na bumabagay sa hugis puso niyang mukha. She screams elegance and classiness, natural para sa isang anak-mayaman katulad niya.
"Did I already say that you're really pretty? Kung hindi pa, sasabihin ko. Ang ganda mo, Ate Karina. Do you know Maria? 'Yong mother ni Jesus? You look like her! Ano nga ba 'yong sinasabi ng matatanda? Ah! Ang pinagpala sa babaeng lahat!" Walang preno niyang sambit sa mga kataga.
Shall chuckled behind her and stopped her from talking. "Pagpasensiyahan mo itong si Blair. Maganda ang hitsura pero isip-bata."
Blair glared at her cousin and pushed him away. "Don't mind him. Have you eaten yet? Sabay tayong kumuha ng pagkain."
Hinawakan niya ako sa aking kamay at hinila ako palayo sa lamesa, iniwan rin si Shall na hindi naman sumunod.
"Nasaan ba si Kuya Hendrix? 'Diba dapat magkasama kayo?" She asked while we're walking towards the food.
Ang totoo ay hindi ako nagugutom at ayokong kumain ngunit napilitan akong sumama sa kaniya nang higitin niya ako. But I really find it heart-warming for someone to drag me by my hand like her. Dahil pakiramdam ko, gusto niya rin akong maging kaibigan.
"I don't know where he went. Pero baka nandiyan lang siya-"
"Nevermind. Huwag nating pag-usapan ang pinsan ko. Hindi ako interesado do'n." Putol niya.
"What's your skincare routine?" Bago niya sa topic.
Napangiti ako dahil sa kadaldalan niya. She's just a year younger than me but I feel like I found a younger sister on her. Sinagot ko ang kaniyang tanong at napilitan na ring kumain katulad niya upang masabayan siya. And I enjoyed talking to her because she has a lot of topics to talk about. Ang boredom ko sa party'ng ito ay nawala dahil sa kaniya.
"Teka lang. Hinahanap ako ni Mommy." Aniya nang may mabasa sa kaniyang cellphone.
She looked at me apologetically. "It was nice talking to you, Ate Karina. See you when I see you again." She grinned and bid her goodbye.
Sinundan ko siya ng tingin na humalo sa maraming tao. I sighed and also stood to look for Hendrix. Kanina ko pa siya hindi nakikita. Kung wala dito ang kaniyang magulang ay gusto kong isipin na tumakas nga siya katulad ng sinabi ko sa kaniya kanina.
Bumilis ang aking lakad nang makita ko si Daddy na kumukuha ng wine sa isang waiter na dumaan.
"Dad," I called him.
Lumingon siya sa'kin at hinintay akong makalapit. The waiter left to serve to other guests. Nang makalapit ako ay mabilis niyang itinaas ang isang kamay sa paraang pinatitigil niya ako sa ano mang gusto kong sabihin.
"Don't start, Kare. The shareholders of our company are here. They had planned of withdrawing their shares and if it not because of the Alvarez, I'm certain that we're nothing now. At nakakasigurado ako na mas dadami ang ating investors dahil announce na ang merging ng companies natin. So, please, Karina, just enjoy the night." He warningly hissed at me.
He kissed my forehead before turning his back on me and went to other guests. Ni hindi man lang ako nakapagsalita.
Bagsak ang dalawa kong balikat na nagtuloy sa paglalakad at binabati pabalik ang mga taong bumabati sa'kin. Nagtuloy ako malapit sa entrada ng mansion at nanlaki ang mga mata sa nakita. Sa isang madilim na parte ng gilid ng kabahayan ay natanaw kong kausap ni Hendrix ang isang pamilyar na babae.
It's Hermary. Hindi ako maaaring magkamali dahil sa ilang beses kong nakita ang litrato niya sa cellphone ni Hendrix ay halos nasaulo ko na ang kaniyang hitsura.
Did she come to our engagement party? Alam ba ng mga magulang ni Hendrix? And why they are hiding?
Idiot. Malamang para hindi sila makita.
Wala sa sarili akong naglakad patungo kung nasaan sila ngunit humalo ako sa ibang tao upang hindi nila makita. I saw them talking earnestly. Base sa ekspresyong nakaguhit sa kanilang mukha ay parang hindi sila nagkakaunawaan.
I walked more near them until it was enough for me to hear their conversation.
"Hendrix, nakakapagod 'to. Hindi okay sa'kin na panoorin ka kasama ng babaeng iyon." Hermary said a bit irritated.
"Hermary-"
"Hanggang kailan? Ang layo-layo ko sa'yo tapos may fiancé ka pa. Hanggang kailan ako magiging sikreto, Hendrix?"
Pinigilan ko ang sarili na huminga dahil sa sakit na nahimigan ko sa boses ni Hermary.
"I will get away from this. I promise. Hindi ko siya papakasalan." He assured her.
Awtomatiko na akong tumalikod at bumalik sa crowded na area dahil nagsimula nang tumugtog ang isang nakaka-enganyong musika. Tumayo ang ibang panauhin at nagtungo sa dancefloor upang magsayaw. At ginawa ko iyong paraan upang humalo sa kanila at tuluyang makalabas ng mansion nang hindi nakikita nila Mommy.
I walked at the covered pathway towards the back of our mansion. Humaplos sa'king mukha ang mabining hangin. It's summer but the wind pressed cooly at me. Hindi ko inalintana ang hangin at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa likod.
Ang ilaw mula sa tatlong poste sa likod ang tanging nagbibigay liwanag sa madilim na parteng ito ng kabahayan. Nagtuloy ako sa bahagyang madilim na parte at tinitigan ang mga naglalakihang puno. There's nothing here but trees and the wind. I lifted my eyes above and found nothing but a clear dark sky.
"You're not an intruder to me, Kare."
His words echoed inside my head. Dinama ko ang pag-agos ng luha sa gilid ng aking mga mata habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan.
He's wrong. To him and everyone, I am nothing but an intruder.
"I will get away from this. I promise. Hindi ko siya papakasalan."
Pumikit ako at paulit-ulit na narinig ang kaniyang boses. Iyon ang plano niyang gawin noon pa man at iyon ang nararapat. Because what we have is nothing but a forced arrangement made by our parents. He will never learn to love me. We will be nothing more than friends.
"Kailan ako pahahalagahan ng ibang tao? Kailan sila matatakot na mawala ako sa buhay nila? Bakit kailangang layuan at iwan ako?" I whispered painfully against the wind.
Niyakap ko ang aking sarili at tahimik na umiyak sa lugar kung saan walang nakakaalam na narito ako at nasasaktan.
"Lagi na lang akong mag-isa. Bakit gano'n?" Nag-angat ako ng tingin sa kalangitan.
"I always believe in Your plans but I am starting to doubt now if You can really hear me. I trusted You."
I let out a loud sob and closed my eyes tightly. Kinagat ko ang pang-ibabang labi upang mapigilan ang sarili na huwag mapalakas ang iyak ngunit hindi ko magawa. It took me almost half an hour crying at this dark place until I finally decided of returning inside.
"Where did you go?"
Walang emosyon kong tinitigan sa mukha si Hendrix at nag-iwas din ng tingin kalaunan.
"Pagod na ako. Magpapahinga na ako." Tangi kong nasagot at hindi na siya hinintay na magsalita.
Hinanap ko si Mommy na agad ko namang nakita at nagpaalam na magpapahinga na ako. She surveyed me worryingly that made her agreed for me to rest. Tumalikod ako sa maraming taong nasa paligid at naglakad patungo sa hagdanan. I didn't dare to look back to search for Hendrix. Hindi na rin ako magtatangkang magtanong kung nasaan si Hermary.
I already had enough for this night. I am tired.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top