#HIW12

Entry 12

"Let's talk." Malamig niyang untag.

I stopped just inches away from him. Naglakbay ang aking mga mata sa kaniyang kabuuang hitsura. Ang kabang umahon sa aking dibdib ay nahaluan ng kung anong takot.

Takot na nararamdaman ko lang sa tuwing pakiramdam ko... iiwan na naman ako.

"Mauna na ako, Kare."

Awtomatiko akong napalingon sa likod nang marinig ang boses ni Hendrix. Naabutan ko siyang mabilis akong sinulyapan bago tuluyang naglakad patungo sa elevator. I watched him entered the elevator holding the paper bags that contains my things. Ibinalik ko ang atensiyon kay Lawrence, who I found staring at me coldly.

"Anong oras ka umuwi-"

"Saan ka galing?"

Sabay kaming nagsalita dahilan upang maitikom ko ang aking bibig. My lips parted and smiled faintly. Humakbang ako palapit sa kaniya ngunit laking gulat ko nang humakbang rin siya papalayo. Tumuloy siya sa mas tagong pwesto kaya wala akong ibang pagpipilian kundi ang sumunod.

Puno ng tanong ang aking isipan kung bakit ganito ang trato niya sa'kin ngayon. What did I do wrong for him to treat me coldly?

"I texted you. Sabi ko aalis ako ngayong araw-"

"Pero hindi mo sinabing si Hendrix ang kasama mo!" He said a bit louder and angrily.

My eyes went wide with his reaction. Huminto ako sa balak kong paglapit sa kaniya at pinanatiling may espasyo ang pagitan naming dalawa. He brushed his hair using his fingers frustratingly and lifted his head. Nang muli niyang ituon sa'kin ang atensiyon ay hindi pa rin nagbago ang lamig sa kaniyang mga mata.

"I have no friends, Lawrence," I said the fact. "Well, okay. I'm sorry for not being clear. Akala ko at makukuha mo agad na si Hendrix ang maaari kong kasama dahil wala naman akong ibang kaibigan-"

"And now you're friends with your fiancé?" Sarkastiko niyang saad.

My lips parted in confusion. "Ano bang sinasabi mo?"

He smirked sneeringly. "We've been together for almost two months now, Karina. And I know you know what I mean."

Anong alam ko? Ni hindi ko makuha ang nais niyang iparating.

"I don't get you. Really. Can't I be friends with Hendrix?" It's not like we're really friends.

"That's it! I don't want you to be friends with him!"

Natulos ako sa aking kinatatayuan at hindi ko agad nagawang makabawi sa kaniyang sinasabi.

"His mother told us to shop and I have no choice-" I tried to explain but he cut me off.

"Because you're fucking engage with him! Na hindi mo magawang suwayin ang mga magulang mo dahil nakasalalay sa kamay ng mga Alvarez ang pagbangon muli ng kompanya ninyo! And your brother is at stake, too!"

"Bakit ka ba sumisigaw?" My voice slightly croaked.

Ito ang unang pagkakataon na pinagtaasan niya ako ng boses. He's always calm and very sweet when we're together. Ibang-ibang sa Lawrence na kaharap ko ngayon ang lalaking minahal ko noong unang araw pa lamang na makita ko siya.

I saw him took a frustrating deep breath. Mariin na nagtagis ang kaniyang bagang at galit na hinampas ang hood ng kaniyang sasakyan. I almost jumped in horror.

"Nahuhulog ka na ba sa kaniya?"

My irises went bigger. "Nahihibang ka ba, Lawrence? Ano bang pinag-iisip mo?"

"That's not impossible in my perspective, Karina. The way you exited from his car while smiling?" He sneered. "Damn, that's smile is only meant for me but you're giving it, too with that fucking fiancé of yours!"

Is he jealous? Kung sa ibang pagkakataon nangyari ang bagay na ito ay matutuwa akong malaman na nagseselos siya. But he's mad now. Galit na ngayon ko lang nakita sa isang tao.

"Are you jealous?" Banayad kong tanong.

His jaw clenched and looked away. I smiled faintly again and walked towards him. Hinawakan ko ang kaniyang kamay ngunit mabilis niyang iniwas sa'kin. Kumunot ang aking noo dahil sa naging reaksiyon niya.

"You know what? Matagal ko na itong pinag-iisipan. Siguro ito na ang tamang panahon para sabihin sa'yo."

Unti-unting napawi ang ngiti sa aking labi at muling sumibol ang takot at kaba sa'king puso. Hindi ko pa man din naririnig sa kaniyang bibig ang mga salitang wawasak sa aking puso ay may palagay na ako.

No. Please, no.

"Lawrence,"

Itinaas niya ang kamay upang patigilin ako sa pagsasalita. Hinubad niya ang dog tag na kaniyang suot na iniregalo ko sa kaniya noong una naming monthsary.

"I want to end this relationship, Karina. I am tired of being your secret."

My eyes heated that made my vision gets blur. Naramdaman ko ang literal na pagkawasak ng aking puso dahil sa talim ng salitang lumabas sa kaniyang bibig.

"N-No..." I hardly uttered.

Kinagat ko ang aking labi at paulit-ulit na umiling nang sapilitan niyang inilagay sa aking palad ang dog tag. Binitawan ko ito dahilan upang magdulot ito ng ingay sa buong parking lot. Tinitigan ko ang dog tag na nalaglag sa sahig. And my tears started to roll down like mad.

"B-Bakit... mo sinasabi 'to? You're just joking, right-"

"Hindi ako nagbibiro, Karina, at wala na akong panahon na makipagbiruan."

"Pero bakit?! Ayos naman tayo noong isang linggo, 'diba? I even met your parents-"

"And that's my biggest regret I could ever have in my life! Dapat ay hindi kita pinakilala sa aking mga magulang. I was wrong when I thought you were different from the other girls but you're just the same! You're a flirt hiding behind that vulnerable and innocent face!"

Napaatras ako mula sa kaniya at hindi makapaniwalang tinitigan siya. Hindi man malinaw ang paningin ko ngayon dahil sa luha ngunit nakakasigurado akong hindi nagbago ang kaniyang ekspresyon. Sabagkus ay nadagdagan lamang ang galit sa kaniyang mga mata.

I can't believe it. He just called me a flirt! Am I just hearing things? This is not real. Hinding-hindi magagawa ni Lawrence na pagsalitaan ako ng ganito. This is not him.

Iyon ang gusto kong paniwalaan.

"We're done-"

Mabilis na kinain ng aking mga hakbang ang aming distansiya. I hold on to his arms and almost beg for him to stay.

"Mag-usap tayo. You're being impulsive-"

"I am not! Matagal kong pinag-isipan ang bagay na ito at ngayon ang tamang panahon. Tapos na tayo."

Patuloy na bumabagsak ang aking mga luha habang nakikiusap. "No. We cannot be apart, Lawrence."

I sobbed loudly that I feel like I will be losing a breath now. Humigpit ang hawak ko sa kaniyang kamay habang ramdam ko ang pagpupumilit niyang iwaksi ang aking kamay.

"I-Ikaw na lang ang m-mayroon a-ako... huwag mo akong i-iwan..." I cried painfully.

"No, you're wrong. Nandiyan na si Hendrix-"

"I don't need him! Ikaw ang kailangan ko! Ikaw ang mahal ko!"

"I will not be your savior if you only think that you need me! Hindi ako superhero, for goodness sake!"

Marahas niyang tinanggal ang kamay ko sa kaniyang braso at tinulak ako palayo. At kung hindi ako nakabalanse ay babagsak ako sa sahig. My chest tightened with the fact that he pushed me away.

"I was wrong in the part when I thought you love me. You're just in love with the thought that you can have me when everyone else left you. We're done."

Halos mabingi ako sa sarili kong hikbi. Dahil sa atensiyong binibigay ko sa nawawasak kong puso ay sunod ko na lamang na naramdaman ay umandar na palayo ang kaniyang pick up. My legs wobbled the reason why I suddenly fell on the floor.

Tinakpan ko ang aking mukha ng aking palad at malakas na umiyak. Kung hindi ko ilalabas ang mga luha ko ngayon ay pakiramdam ko mamamatay ako ng wala sa oras. My chest is tightening that making it hard for me to breath. My heart is aching so bad.

Bakit kailangang ngayon siya bawiin sa'kin? Bakit kailangang bawiin pa siya sa'kin?! Siya na lang ang mayroon ako pero pinagkait Mo rin sa'kin!

Ang unfair naman.

Pinalis ko ang luha sa aking pisngi at hinayon ng tanaw ang tahimik na parking lot. A tear fell again, and I guess, I will spend the remaining hours of this day crying. I stood and while still my eyes are in mist, I walked towards the elevator.

Tinakpan ko ang aking bibig ng aking kamay upang hindi makapagkawala ng hikbi.

Why life is so unfair to me? Why can't my prayers be heard?

I just want a love that lasts. A person who will never leave me. Pero bakit parang hirap na hirap naman ata ang mundo na pagkalooban ako ng gano'n? Why others can easily have their wishes come true while I can't? Why I am always left with no choice at all.

Pinihit ko ang door knob ng unit at nagtuloy papasok. Natigil lang ako nang malaglag ang sunglasses mula sa aking ulo. Matagal ko itong tinitigan bago ko kinuha at nilapag na lang kung saan.

"You're here. Gusto mo bang tignan..."

Nag-angat ako ng tingin at hindi na nagulat nang maabutan si Hendrix na pababa ng hagdanan. Nakapalit na siya ng damit at nahinto sa kaniyang sinasabi nang mapansin ang luha sa aking mga mata. I looked away and brushed the tears away.

"We'll be fixing your flower bed." He said carefully.

I gritted my teeth to stop the tears from rolling down in front of him. Humugot ako ng malalim na hininga at umiling.

"'Tsaka na lang. Pagod na ako. I'll rest." Mahina kong sambit at nagtuloy sa hagdanan.

Nilagpasan ko siya at pumasok sa loob ng aking kwarto. I didn't even think of changing clothes first when I slammed on my bed. Kinulong ko ang mukha sa gitna ng aking malambot na unan at bumulalas ng iyak.

Anong mali sa'kin para maiwan na lang mag-isa lagi? Si Lawrence lang ang mayroon ako. Siya lamang ang tumanggap sa'kin noong mga panahong kailangan ko ng matatawag na kaibigan. He's the only guy who welcomed me in his life when everyone did not. He loved me when everyone hates me. At ngayon... pati siya ay nawala na rin sa'kin.

I clenched my fists on the bedsheet and cried even harder and louder; thinking that this would help me ease the pain I am currently experiencing.

I still believe that Lawrence could be my happily ever after. But how can I hold unto that anymore when he just broke up with me?

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at binuksan ang aking cellphone. Desperately, I dialed his number again. I kept on dialing his number but he's not answering. Pumunta ako sa messenger at sinubukan siyang iwanan ng mensahe ngunit mas lalo lamang nadurog ang pira-piraso ko ng puso nang makita kung anong ginawa niya. He blocked me.

Marahas kong hinagis ang cellphone sa tabi ko. I bit my lower lip as I lift my head on the ceiling. Hindi ko alam kung ilang oras na ang dumaan simula nang pumasok ako sa kwartong ito ngunit pakiramdam ko ay sobrang bagal ng oras.

It's not like I am excited for another day. Ano bang aabangan ko sa panibagong araw gayong wala na ang iisang taong nagdulot ng kagandahan sa madilim kong buhay.

He made me realized that I am worth loving. He made me feel that I am not alone. But he still left me.

"Karina,"

Narinig ko ang marahang katok sa aking pintuan at ang boses na pamilyar na sa'king pandinig. And for an unknown reason, I cried even harder again.

"Malilipasan ka na naman ng gutom."

My lips quivered while my shoulders are shaking. Humiga ako sa kama at binalot ang sarili sa makapal na comforter. I would love for Hendrix to think that I am asleep.

Tumigil ang kaniyang pagkatok sa pintuan at akala ko ay umalis na siya nang muli siyang magsalita.

"May pagkain sa lamesa. Kapag naramdaman mo na ang gutom, kumain ka."

Tinitigan ko ang walang buhay na puting kurtina. Gustuhin ko mang tumayo at subukang tanawin ang magandang tanawin sa labas ay nawawalan na ako ng enerhiya para doon. And I don't think there's any thing that could make me feel better.

He held my hand once in the dark. He even told me that I was his star. But all those were gone when he told me that we're done.

Pero mahal niya pa ako. Ang sabi niya ay napapagod na siya... he never told me that he learned to unlove me.

Nabuhayan ang aking puso sa kaisipan. Maybe he just needs a space, a time to think. I am certain that deep down in him, he still loves me. Nakakasigurado akong mahal niya pa ako dahil iyon ang nararamdaman ko.

Pumikit ako ng mariin at muling tumulo ang luha sa aking mga mata. The tranquil was only short-lived dahil muling bumangon ang bagabag sa aking puso nang maalala ang galit sa kaniyang mga mata. And I thought I will never have the chance to take even a short sleep but I did.

Mahapdi ang aking mga mata at mabigat ang mga talukap nang gumising ako. I stood and went straight to the bathroom and saw my ugly reflection in the mirror. Nanatiling suot ko ang damit kahapon. And my face is a mess. Bakas ang dami ng iniyak ko kagabi.

And suddenly, I burst into tears again. Ang sandaling payapang pagtulog ay natapos na at bumabalik na naman ang multo ng sakit sa aking puso. Ang mabigat na batong dumadagan sa'king puso ay muling umahon.

At kahit ayaw kong gumalaw buong oras, pinilit ko pa rin ang sarili na maligo at ayusin ang sarili. Wala akong ganang kumain ngunit lantarang kumakalam ang sikmura ko. Ang huli kong kain ay kahapon ng umagahan pa. And I will die not eating for a day. I am not a healthy person to survive a day without food or water.

I took a lot of deep breaths before going downstairs. Naabutan ko si Hendrix na nakaupo sa harap ng counter at nang marinig ang aking yabag ay nilingon ako. And I don't know why my heart leaped when he smiled. Umiwas ako ng tingin at inukopa ang stool bar na nasa gilid niya.

"Hindi ka kumain kagabi." He started.

Tinitigan ko ang pagkain sa hapag at natakam nang makitang paborito kong umagahan ang nasa pinggan. I swallowed. Nagsalin ako ng tubig sa aking baso at uminom. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Hendrix.

He's neither stupid nor dumb. Nakakasigurado akong napapansin niya na ang pamumugto ng aking mga mata. And he saw me crying yesterday. At hindi ko alam kung sound proof ba ang guest room; sa lakas ng aking iyak ay hindi na ako magugulat kung sabihin niyang narinig niya akong umiiyak.

At umaasa ako na uulanin niya ako ng pang-aasar ngunit hindi iyon ang dumating.

"I cooked adobo last night. Iyon ba ang gusto mong kainin ngayong umaga?"

Hindi ko na napigilan at nag-angat ako ng tingin sa kaniya. My eyes are wondering when I saw how his expression changed from being cold and dark to bright and sweet. Ngayon ko lang siya nakitang nakangiti. Not to mention the times I caught him smiling while talking to his girlfriend. Ngumingiti naman siya sa'kin minsan ngunit... parang iba ngayon. His eyes are not cold.

"That would be heavy for my stomach." Sagot ko nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya.

He shot his eyebrow up at me. "Hindi halata."

Sumimangot ako na hindi ko alam kung bakit nagpatawa sa kaniya. I rolled my eyes at him and put my favorite brand of cereal on my bowl. Inabot niya sa'kin ang fresh milk na nasa kaniyang gilid.

"Thanks," I said and poured the milk.

I started eating because I am really hungry when I noticed that he's still staring at me. I lifted my gaze on him but he only shrugged and resumed eating.

"Naalala mo ba ang gay na humahabol sa'tin kahapon?" He probed.

Nagkasalubong ang aking mga kilay at tumango. He smiled unemotionally.

"He sent a friend request to me on Facebook!" He announced and laughed.

His baritone chuckle echoed around the whole room. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kamanghaan. I laughed, too realizing that the one who's following us yesterday already reached on sending a friend request to him.

"Gusto niyang makipagkaibigan!"

Umiling siya. "He's creepy."

I bit my lower lip. "What happened yesterday freaked me out but it's kinda hilarious, too." I laughed a little again.

"Baka naman hindi talaga siya creepy. Maybe you just need to know him better." I added.

His eyebrows furrowed. "Would you want to be friends with him?"

Hindi ako nakaimik sa kaniyang tanong. Ibinagsak ko ang tingin sa aking cereal at pinaglaruan ito. Friends are a common word used. Pero para sa'kin, tila banyaga ito. Can I be friends with a creepy guy? I definitely would. That's how desperate I am to have someone I can call my friend.

"Nevermind." Basag niya sa katahimikang umusbong sa pagitan naming dalawa.

"Pinakailamanan ko pala ang ginagawa mong flower bed sa balkonahe. I put the roses you bought yesterday."

Napaahon ako mula sa pagkakaupo dahil sa gulat.

"Wait! Before you get mad at me, I have my reasons-"

Natawa ako na nagpahinto sa kaniyang mga sinasabi. The devil even raised his hands as if trying to surrender.

"Gaano ba kasama ang tingin mo sa mukha ko at akala mo ay magagalit ako?"

His cherry red lips parted and found my eyes. Nalaglag ko ang hawak kong spoon at mabilis na nag-iwas ng tingin. My broken heart pieces thudded for unknown reasons.

"That's new."

Tinabi ko ang aking kinakain at tumayo. Sinulyapan ko siya ngunit sinubukan kong huwag magtama ang aming mga mata.

"I-I want to see my flower bed." Tangi kong nasabi at naunang umalis sa kusina.

I woke up in a very gloomy mood and I have no idea how will I make this day passed without feeling sad and crying. And then now, for a very strange unknown reason, I feel like my heart is alive again. How could that be possible when I know that I am not okay?

Binuksan ko ang sliding door at lumabas sa balkonahe. Sumalubong sa'kin ang pang-umagang hangin ng Tagaytay. Hinawi ko ang buhok na humarang sa aking mukha bago tuluyang tinungo ang flower bed na hanggang ngayon ay inaayos ko.

I automatically smiled when I saw what Hendrix did to my flower bed. It's not that big but the roses I bought can occupy the whole place. Pinaghalo-halo ko ang kulay ng roses sa gitna ngunit binago niya iyon. Pinagsama-sama niya ang pare-parehas na kulay at ang may maliliit na stem ay nasa gitna.

"I am not good at it but that's it." I heard his voice resonated behind me.

Naniningkit ang aking mga mata dahil sa sikat ng araw na tumatama nang balingan ko siya. He's standing tall and massive near the door while both of his hands are on his short's pockets. Ang bahagya niyang humahaba ng buhok ay nililipad ng walang-awang hangin.

I am not certain anymore if he's arrogant or humble. Sinabi niya rin noon sa'kin na hindi siya marunong mag-drawing but what he drew for my assignment got the highest score. At ngayon sinasabi niyang hindi siya marunong mag-ayos ng mga bulaklak gayong hindi ko maiisip na maging ganito ito not until he did.

"Mas maayos tignan kaysa sa ginawa ko." I only said and returned my attention to the flower bed.

Naramdaman ko ang paglapit niya na muli na namang nagpabuhay nang gumuho kong puso kagabi. I stood straight and went to the railings. I leaned my back on the balustrade and watched him come near to my roses. Tila ako nalagutan ng sariling hininga habang pinagmamasdan siyang hinahaplos ang petals ng mga rosas.

He's not the type of man who looks like can do household chores, who are fond of buying home appliances, but he is. And I am still amused how a man as big as him could be ideal as a husband.

I looked away when I realized that my thoughts are getting further than they should. I crossed my arms on my chest and stared at somewhere.

"Have you ever gone to the Enchanted Kingdom?"

Naagaw niyang muli ang aking atensiyon dahilan upang ibalik ko sa kaniya ang tingin. Nanatiling nasa bulaklak ang mga mata niya.

"Of course. Who haven't?"

I saw him protruding his lips before uttering a word again. "Gusto kong pumunta doon ngayon."

Binalingan niya ako at tumuwid sa pagkakatayo. "Gusto mong sumama?" Dagdag niya.

I stuck my tongue on the side of my mouth to hold back my smile. I am not sure if he's just really genuine about asking me to go out with him or there's another reason. Maybe, he thinks that I am sad? That's what I want to think.

"Have you ever seen a devil with a halo?" I snapped.

Nagkasalubong ang makakapal niyang kilay dahilan upang lumalim ang gitla sa kaniyang noo. Gusto kong tumawa ng malakas ngunit pinigilan ko ang aking sarili.

"Because that's exactly what you look like right now." I continued.

He rolled his eyes that finally made me laughed. The devil is handsome like hell!

"You like complimenting me with your metaphors. Nasasanay ka na masyado."

"What metaphors did I use?" Maang-maangan ko.

He stared at me darkly but I can't feel the fear on it anymore.

"The devil."

"Oh, that?" I made a face and shot my eyebrow up. "That wasn't a metaphor. I mean it literally."

Umalis ako sa pagkakahilig sa barandilya at naglakad papasok sa loob. But I paused and looked at him again.

"Sasama ako sa EK. Maghintay ka diyan!" Ani ko bago tuluyang tinakbo ang hagdanan patungo sa aking kwarto.

I heard him say, "You could have just said 'thank you', woman!" before I finally reached the second floor.

Sinarado ko ang pintuan ng kwarto at nakangiting pumasok sa loob ng bathroom. Nang masulyapan ko ang sarili sa salamin ay agad napawi ang ngiti sa aking labi.

Should I be happy?

Huminga ako ng malalim at nagtuloy sa shower room. Pwede naman sigurong piliing maging masaya kahit alam kong malungkot ako, 'diba?

I promised myself to enjoy this day and try to divert my attention with the things that would make me laugh and smile. Nang makarating kami sa Enchanted Kingdom at natanaw ko ang ilan sa mga paborito kong lugar ay mas nabuhay ang kagustuhan kong lumigaya kahit ngayong araw lang.

I can cry again when we returned home, but for today, here, I want to enjoy and be happy.

"Saan tayo una?" I asked him when we finally passed the entrance gate.

Niyuko niya ako habang nakapikit ang isang mata dahil sa sikat ng araw. Tumingkayad ako at hinawi pabagsak ang sunglasses niyang nasa tuktok ng kaniyang ulo. Hindi man lang siya ngumiwi nang bumagsak iyon sa kaniyang mga mata, making his eyes hide under it.

"Better! Para walang humabol sa'tin mamaya!" Natatawa kong sambit.

He only smirked at me and dragged me towards the pathway.

"Sa Brooklyn muna! I want to take pictures first then we'll start riding!" I suggested at nauna na sa kaniya sa paglalakad.

At pinagbigyan niya naman ako sa gusto ko. We took pictures on almost every single side of the place dahil walang pangit na area sa lugar na ito. Everything is aesthetic inside the Enchanted Kingdom. It feels like I am at Disneyland, it's just that there's no giant Mickey mouse here.

We ate lunch at the kiosks and spent the remaining hours of the afternoon riding rides and going thrice inside a horror house. I was laughing hard when we both exited the horror house for the third time dahil nagtataka na ang mga multo kung bakit pabalik-balik kami.

"It's already dark. What's our last ride?"

Tiningala ko ang makulay na ferris wheel sa hindi kalayuan mula sa aming kinatatayuan. Namungay ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang mabagal na pag-ikot nito.

"There," Tinuro ko ang ferris wheel.

Tinaasan niya lamang ako ng kilay at walang salitang hinila ako patungo sa pila ng ferris wheel. I got excited when we entered the cabin and only turned silent when we reached the top and it stopped. Bumagsak ang tingin ko sa ibaba.

"We're already on top," I said the obvious.

I looked at him just to found him staring at me darkly. "What happened yesterday?"

I stiffened at my own seat with that question. I looked away as I can feel my tears started to hover in my eyes again.

"I saw you crying... and I heard you crying the whole night."

I knew it. He knows that I am sad the reason why he tried to asked me out.

But isn't that okay? At least, someone cared for my mental health.

I smiled bitterly.

But until when again? Hanggang sa masanay ako na mayroong taong may pakialam sa'kin at bigla na lang ulit bawiin? But, isn't that what I want? A lot of but's. Dahil kahit anong pilit kong magalit sa mundo, nananatili pa rin akong naniniwala na maririnig ang panalangin ko.

All I want is a love that lasts. But I guess, all I have is myself at the end of the day. Because I have no one. The perfect guy, who I thought would never leave, was now gone in my life. Happy ever after only happens in the fairytale. And my life is not magical as I thought it is. It's a drama and a reality.

"Lawrence and I broke up..." I almost said that in the wind.

I intertwined both of my hands and looked at him while my eyes are starting to mist.

"He ended our relationship." My voice croaked.

Pinalis ko ang luhang lumandas sa'king pisngi at tinanaw ang malayong kawalan sa labas. Tahimik akong humikbi at hindi siya nagtangkang basagin iyon. And no matter how I don't want to cry in front of him, I can't stop myself from bursting out.

"Sana hindi kayo masira ng girlfriend mo. Masakit 'yon, e." Untag ko nang makabawi mula sa pag-iyak, but still sobbing.

"I don't know what happened but a simple adult conversation can clear up a lot of childish misunderstandings."

I glared at him. "I'm not childish!"

Umangat ang sulok ng kaniyang labi na nagpaahon ng iritasyon sa aking damdamin. Inirapan ko siya at pinunasan ang basa kong pisngi.

"Sa tingin mo ba may pagasa pa kaming magkabalikan?" Naisatinig ko.

He shrugged his shoulder. "Talk to him."

I stared at his deep-set pair of dark eyes.

"But never beg." He added before our cabin landed on the ground.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top