#HIW10

Entry 10

Umakyat si Hendrix sa itaas pagkatapos naming maghapunan, samantalang ako ang naghugas ng mga pinggan. Bumalik ako sa living room kung saan ang mga gamit ko ay nasa coffee table. Nang mapagpasyahan kong magluto ng dinner namin ay kasalukuyan akong gumagawa ng assignment kaya naman ngayon ko itutuloy.

I sat on the cold tiled floor and opened the book I borrowed in the library. I opened the page I will study before turning to do the illustration of my ad. Madali lang sana ito kung pinayagan kaming digital art ngunit ang gusto ng instructor namin ay manu-mano.

"You occupied my workplace."

Nag-angat ako ng tingin dahil sa tinig ni Hendrix. He's already wearing that favorite white sleeveless shirt of his and cotton shorts. Mamasa-masa na rin ulit ang kaniyang buhok, mukhang naligo siya nang umakyat siya sa sariling kwarto.

Sumimangot ako dahil sa kaniyang sinabi.

"Napakaliit kaya ng study table sa guest room mo. Ni hindi nga magkasya ang mga gamit ko roon." I complained.

Hindi ko naman maiisipang dito sa salas gawin ang aking homeworks kung hindi lang sana maliit ang study table na mayroon siya sa kaniyang guest room. At dahil ayoko namang maging demanding sa kaniya, hindi ko na iyon isinatinig. Not until now he accused me of occupying his workplace.

"Bakit ka nagagalit?" Pilosopo niyang sagot.

I gritted my teeth and glared at him. He only remained smirking before he went to my side, dala ang sarili niyang laptop.

"Hindi tayo kasya dito! Malaki naman ang table mo sa kwarto mo, ah." Umusog agad ako sa espasyong nasa tabi ko upang hindi siya makaupo.

Nahinto siya sa pag-ambang pag-upo nang makita ang ginawa ko. Bigla akong nakaramdam ng guilt dahil sa inasta ko. Hindi ko naman pamamahay ito pero kung makapagdamot ako ng table ay parang pag-aari ko ang condo'ng ito. I gulped and looked away.

"I can't concentrate on my room. Dito ako madalas nag-aaral noong wala ka pa dito. Kaya umusog ka at uupo ako." Utos niya.

Mas lalong nagusot ang aking mukha dahil sa tono ng boses niya. Para bang hindi siya magdadalawang isip na itulak ako kapag hindi ko siya sinunod. But then, I don't know what's with Hendrix that is awakening my hard-headed side.

"Hindi ako makakapag-concentrate kapag may katabi! Doon ka na lang sa lamesa sa kusina-"

"Sa pagkakatanda ko, bahay ko 'to. At 'yang inu-okopa mong coffee table ay binili ko. Pagma-may-ari ko."

Marahas kong ibinalik ang nanlilisik kong mga mata sa kaniya. "Hindi ko naman sinabing akin 'to!"

"Then don't act like you own it, madame. You either share it with me o ikaw ang aalis. You choose."

Tinaasan pa ako ng kilay ng demonyong ito sa aktong nanghahamon. Ilang segundo akong nakipagpaligsahan sa kaniya ng masamang titigan bago ako padabog na umusog. I heard him sighed and quickly settled himself beside me.

"Hindi naman kasya laptop nating dalawa dito." Untag ko nang mapansing hindi kasya ang espasyo sa lamesa para sa laptop niya.

Hindi niya ako pinansin sabagkus ay kinuha niya ang librong nasa gilid ko at walang pasubali iyong inilagay sa kandungan ko. I glared at him when his eyes met mine.

"Nag-table pa ako!" Singhal ko sa kaniya.

His face is very few inches away from me and if only I don't know him better, makakaramdam ako ng hiya. Pero sa nagdaang mga araw na magkasama kami sa iisang bubong ay natutunan ko na siyang pakibagayan. Kung masasabing pakikibagay ang madalas naming pag-aaway dalawa.

"Hindi ka naman paniguradong pinalaki nila Tita na madamot. Dinamay mo pa nga ako noong umorder ka ng breakfast mo last Monday. Kaya bakit ba ang init-init ng ulo mo ngayon?"

Unti-unting napawi ang masamang tingin sa aking mga mata nang marinig ang sinabi niya. So, he knows, and yet he didn't even thank me.

"Hindi naman pagkain ang pinaghahatian natin ngayon. Table! Table na sobrang liit. Kaya pwede ba doon ka na lang. Hindi ako makakapag-aral ng ayos sa'yo."

I saw him clenched his jaw before he stood again without a word. Bumagsak ang dalawa kong balikat at kumalma dahil sa ginawa niyang pagtayo. Akala ko at aasarin niya na naman ako pero nagtuloy-tuloy na siya ng lakad patungo sa dining area at inukopa ang malaking lamesa doon.

Nakatalikod siya sa'kin dahilan upang hindi ko makita ang kaniyang hitsura. Nagkibit balikat na lamang ako at tinuloy ang ginagawa.

"Hendrix, may ruler ka ba diyan?" Sigaw kong tanong habang nakatutok pa rin sa bond paper ang mga mata.

Gumilid ako upang pumantay ang guhit ko sa ginagawa kong box pero hindi naman ako nagtagumpay. Ngumiwi ako nang makitang parang alon ang dapat ay tuwid na linya. Nag-angat ako ng ulo at hinayon ng tingin ang likod ni Hendrix na hindi man lang napitlag sa sariling ginagawa.

"Hendrix, pahiram ng ruler!" Sigaw ko ulit dahil mukhang hindi ako narinig.

He turned his head on me and removed one airpod on his ear. Nalaglag ko ang hawak kong lapis nang magtamang muli ang aming mga mata. Kalahating oras pa lang ata ang lumilipas nang lumipat siya sa dining table ngunit natuyo na agad ang kaniyang basang buhok. Nang una ko siyang makita ay naka-military haircut siya, but now, humaba na iyon ng ilang pulgada.

"What?" Nakakunot noo niyang tanong.

Umayos ako sa pagkakaupo at binagsak ang tingin sa coffee table. Ano nga bang ulit sinasabi ko? Pumikit ako ng mariin ngunit tumatakas sa memorya ko ang hitsura niya nang humarap sa'kin.

"Tinawag mo ba ako?"

I heard the chair creaked the reason why I have to lift my eyes again. Naabutan ko siyang dala-dala ang kaniyang Macbook at naglalakad ulit palapit kung nasaan ako. My heart, for an unknown reason, started to thud like a mad hammer.

Hindi ko nagawang putulin ang tingin sa kaniya hanggang makalapit siya sa'kin. His huge body occupied the space beside me. Muli niyang inilagay sa lamesa ang laptop and this time, nagkasya na iyon.

"Ang sabi ko kung may ruler ka. Hindi ko sinabing bumalik ka dito!" Nakabawi ako mula sa panandaliang pagkakawala sa sarili.

Mas lumalim ang gitla sa kaniyang noo nang ibaling sa akin ang atensiyon. I suddenly want to step back when I felt a very strange of hold in my heart when his charcoal tantalizing eyes met mine.

"Wala akong ruler. Bakit mo kailangan?"

My heart still continues pumping like there's no tomorrow when I felt his breath just inches away from me. It's a combination of mint from his breath and that manly aftershave from his whole being. Napakurap-kurap ako at padarag na binagsak ang ginusot kong papel at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"Wala." Tangi kong nasabi at muling humugot ng panibagong papel.

"Tapos na ako sa ginagawa ko." Aniya kahit hindi ko naman tinatanong.

"E'di umalis ka na dito." I still said without looking at him.

Inilapat ko ang lapis sa aking puting papel at sinubukang gumuhit ng tuwid na linya. Ngunit hindi pa man rin ako nakaka-kalahati ay lumiko na. I groaned in frustration. Muli kong ginusot ang papel dahil ayoko namang magbura. Masyadong madiin ang paglapat ko ng lapis sa papel kaya pangit ang kalalabasan kung susubukan ko pa ring burahin.

Handa na akong muling gumuhit nang maramdaman ko ang siko ni Hendrix na dumidikit sa aking siko. I glanced at him and found him watching the paper I am working unto. Nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kaniya ay humarap siya sa akin.

"Marunong ka bang mag-drawing?" I asked.

Hindi naman talaga ako marunong gumuhit, sinusubukan ko lang dahil wala naman akong ibang aasahan. Pero mukhang kahit anong subok ko ay hindi ko magagawa. And I have no choice left but to seek for help. At siya lang ang taong narito kasama ko.

"Depende sa depinisyon mo ng marunong. But I can draw an apple tree."

I almost rolled my eyes at his response. I opened a file on my laptop and searched for the outline of my ad.

"Hindi naman nagkakalayo ang mga subject natin kaya nakakasigurado akong alam mo ang ginagawa ko. I'm not confident with my advertising illustration," I paused and looked at him.

Dumilim ang kaniyang mga mata sa hindi ko malamang dahilan. But I continued speaking.

"You're an Alvarez, syempre magaling ka sa ganito. Baka lang naman matulungan mo ako."

"What's my surname has to do with my skills?" He pried grimly.

My lips protruded as he took the bond paper from my hands. Yumuko siya at nagsimulang gumuhit ng linya sa bawat gilid gamit ang librong nasa lamesa. I feel stupid for not actually thinking of using that book as a ruler.

"This is so basic. Hindi mo na kailangan ng ruler." Aniya at ibinaling ang atensiyon sa screen ng laptop ko.

"Your product ad is very common. Think of another."

Isinandal ko ang aking sarili sa sofa'ng nasa likuran namin. Tinaas ko ang tingin sa chandelier na para bang makakaisip ako ng ibang product ad kapag tinitigan ko ito.

"Wala akong maisip. Ano bang unique? Gusto ko 'yong walang katulad sa mga kaklase ko."

Ibinalik ko ang tingin sa kaniya at naabutan siyang malalim ang iniisip habang nakatitig sa papel.

"Okay." Tangi niyang nasambit at tinuloy na ang ginagawang pagguhit.

Kumunot ang aking noo at muling lumapit sa lamesa. Tinignan ko ang mahahaba niyang daliri na malayang nakahawak sa lapis. Ikiniling ko ang aking ulo at hindi maiwasang mamangha dahil pino at malinis siya kung magsulat at gumuhit. He could pass as an engineer student.

"Pinangarap mo bang maging engineer o 'di kaya architect?" I blurted out as curiosity hunts me.

"No," He shook his head.

Hindi niya inaalis ang atensiyon sa ginagawa kaya tinikom ko na lang ang aking bibig. Tahimik kong pinanood ang kaniyang pagguhit at kuryuso kung ano bang gagawin niya sa assignment ko. Later on, I noticed that he's drawing a bulb.

Mas lumalim ang gitla sa aking noo. "Bakit naman bumbilya?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

He lifted his gaze on me. "Do you have to explain your ad illustration?"

"Syempre naman. Kaya nga sa'yo ko pinaubaya ang assignment ko dahil may mas sense ka siguro sa paggawa ng mga ganiyan. I have no talent in drawing." Malungkot kong saad sa huling pangungusap.

Ni hindi ko nga alam kung may talento ba ako. Maybe I am smart when it comes to academics but I can't consider myself to have a talent... kahit isa. Kung hindi lamang matataas ang grades ko ay iisipin kong ako ang pinaka-bobong nilalang sa buong daigdig.

Muli ko na sanang isasandal ang likod sa sofa nang manlaki ang aking mga mata sa insektong dumapo sa aking braso. I shrieked in horror at winagayway ang aking kamay upang lumipad palayo ang nakakadiring ipis na dumikit sa aking balat.

"Oh my god! Oh my god!" I screamed hysterically.

Pinagpapadyak ko na rin ang aking mga paa dahilan upang umusog ng bahagya ang coffee table. Halos itumba ko na rin si Hendrix na nasa aking gilid dahil sa pwesto niya ako umaatras. I screamed with all my heart as I tried my best to remove the insect from my skin.

"Mommy! May ipis!" Naramdaman ko na ang pangingilid ng aking luha dahil hindi man lang mapitlag ang ipis kahit anong gawin kong pagwawala.

I was about to stand when Hendrix's hands spread over my shoulder and pulled me towards his side. Dumapo ang kaniyang kamay sa aking braso at pinitik ang ipis palayo. Sa isang iglap, nakita ko na lamang na nakahandusay ang ipis sa sahig.

Mabilis kong hinubad ang aking pambahay na tsinelas at buong pusong pinatay ang ipis gamit ito. Hinahapo ako nang ma-satisfy ako sa aking ginawa.

"Ipis lang iyon pero kung makasigaw ka ay akala mo ahas ang dumikit sa'yo."

Inihilig ko ang ulo sa sofa dahil napagod ako sa ginawang pagsigaw. Pinunasan ko ang aking noo na nararamdaman kong pinamumuuan ng pawis.

"They are dirty," Mahina kong sagot sa pang-aasar niya. "Ang ganda-ganda ng bahay mo pero pinupugaran pa rin ng ipis!" I added irritably.

'Tsaka ko lang naalala na hawak niya ako sa balikat nang alisin niya ang kamay sa aking balikat. Umalis ako sa pagkakasandal sa sofa at tinignan si Hendrix na ibinalik ang atensiyon sa papel.

"I don't know what to call you. A modern Maria Clara?" He smirked in amusement.

Umahon ang iritasyon sa aking katawan dahil sa narinig na naman sa kaniyang bibig.

"What!" I snapped, annoyed.

Nagkibit balikat siya. "You're classy and proper but very maarte and suplada."

Nakagat ko ang sariling dila dahil sa pagpipigil kong mapahalakhak. I've been hearing him speaking tagalog with an accent and I find it cool but now, gusto ko na lang matawa.

"Conyo." I murmured. "Hindi ako maarte at suplada!" Bawi ko sa sinabi niya.

I am not rude nor a snob. Kung hindi lang ako nilalayuan ng ibang tao ay kaya kong maging palakaibigan. The truth is, I am friendly back when I was in high school and elementary. I'm gregarious and very talkative even with strangers. But when I entered college, everything has changed. Pinilit ko noong una na maging malapit sa kanila ngunit sila na rin mismo ang lumalayo sa'kin.

At nakakahiya nang ipagsiksikan ang sarili ko sa isang grupo na kahit kailan ay hindi ako tatanggapin. My confidence vanished in just one blink of an eye... ni hindi ko namalayang bigla na lang akong naging tahimik at mag-isa. Ang dating maraming kaibigan na nakapalibot sa akin, biglang naglaho.

"Now you're shouting. Or 'di kaya pusa ka? Mukhang maamo pero agresibo kapag napipikon."

I saw him smiled mischievously. Bumalik ang isip ko sa kasalukuyan at matalim siyang tinignan kahit hindi siya nakatingin sa akin.

"May idadagdag ka pa?" Sarkastikong tanong ko.

Hindi siya sumagot at nakita ko ang pagtagis ng kaniyang bagang. Umirap ako at inilapat ang braso sa coffee table. I rested my cheek on my arms as I watched his grim expression.

"You are no different from them," I whispered.

He turned his head on me as his forehead creased in question of what I said.

"What?"

Umiling lang ako sa kaniya at inilipat ang tingin sa kawalan. I can feel his stare on me pero agad niya rin namang binawi. Nang yumuko siya upang ipagpatuloy ang ginagawang assignment ko ay hindi ko na napigilan ang sariling punahin ang kaniyang hitsura.

Pumungay ang aking mga mata. His expression is unfathomable. How can he be nice and arrogant as hell? Paiba-iba ang ugali na hindi ko maintindihan kung kailan siya magiging mabait at hindi. Katulad ngayon, he's so nice for doing my assignment. Pero kahapon ay daig pa niya ang walang puso kung galitin ako.

I sighed silently. Ganito rin ba ang ugali niya sa girlfriend niya? Iniinis niya rin ba ang girlfriend niya? Naiinis ba sa kaniya si Hermary? O hindi man lang ba siya gumagawa ng kahit anong bagay na ikagagalit nito?

How is he as a boyfriend to her?

"Kailan babalik ng Cavite ang girlfriend mo?" Wala sa sarili kong naitanong.

Nakuha ko ang kaniyang atensiyon at nagkakasalubong ang mga kilay na binalingan ako.

"Bakit mo naitanong?"

Bakit nga ba? I only shrugged and shook my head again. "Nevermind. Tapusin mo na 'yan. Malapit na akong antukin."

Unti-unting nagbago ang kaniyang ekspresyon at napalitan iyon ng nakakalokong ngisi. Hindi ko siya pinansin at ipinikit na lamang ang mga mata. At tila nagkatotoo ang sinabi kong inaantok na ako dahil sa pagmulat ko ng mga mata ay nasa loob na ako ng aking kwarto.

Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa aking katawan at tumayo mula sa kama. Madilim sa labas dahilan kung bakit binuksan ko muna ang ilaw bago tinungo ang ibaba. I went to the coffee table and saw my things neatly organized there.

Marahan akong umupo sa sahig at binuksan ang libro kung saan nakasingit ang ginuhit ni Hendrix. Hinaplos ko ang papel at napangiti. He drew a bulb with skyscrapers inside and small plants. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito pero ako na ang bahala na gumawa ng explanation bukas.

Tumayo ako at balak na sanang kuhanin ang mga gamit ko nang may pumasok sa aking isipan. Tumaas ang tingin ko sa second floor.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakakatulog pero base sa katahimikan ng buong unit, mukhang tulog na rin siya. Napailing ako sa sarili nang mamalayang nakangiti pa rin ako. May kabutihan rin pala sa budhi ang isang iyon.

Bumalik ako sa kwarto at pinagpatuloy ang nagambala kong tulog. And days went on and on. Sobrang bagal ng panahon para sa'kin dahil hindi ko nakikita si Lawrence sa school. He's busy with his OJT kaya buong linggo kaming hindi nagkita. Malayo rin ang Laguna, kung saan siya nag-o-OJT, at nakakapagod ang byahe kaya mas pinipili niya na lamang magpahinga pagkauwi kaysa puntahan ako.

And I am fine with it. Naiintindihan ko naman na abala siya dahil sa susunod na taon ay graduating na siya. And he is also preparing for his LSAT. And I can't be even prouder for having a boyfriend as ambitious as Lawrence. Bihira ang mga lalaking may plano sa buhay at pursigidong makamit ang kanilang pangarap. And I will never be a hurdle to his dreams. Kaya iniintindi ko siya.

But he promised to meet me this coming Sunday. Ang sabi niya sa akin ay isasama niya ako sa kanila upang makilala ng kaniyang mga magulang. At hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na iyon. I badly want to meet his parents. His family.

"Laro tayo nito." Usal ko nang makita ang xbox niya sa ilalim ng malaking flat screen tv.

Umupo si Hendrix sa sofa at nginuso sa aking dalhin sa kaniya ang isang controller. Lumapad ang aking ngiti at kinuha ang dalawang controller at tinakbo ang sofa. Inilahad ko sa kaniya ang isa at nang tanggapin niya iyon ay agad akong pumili ng laro.

"Ginagamit mo ba 'to? Mukhang bago pa." Komento ko habang nag-i-scroll sa tv ng pwedeng laruin.

Pinili ko ang madalas kong laruin kalaban si Kayden. Mabilis kong kinuha ang chopsticks na nagkalat sa coffee table at binuhol iyon sa'king buhok upang hindi maging sagabal ang aking buhok sa paglalaro. It's Saturday and I have nothing to do. May pasok ngayon si Lawrence kaya hindi rin ako makakalabas. And Hendrix is as bored as I am.

"I just used it once. Hindi ako mahilig maglaro kaya hindi ko na ulit nagamit. It was a gift from Hermary."

Ngumuso ako at tumango. I sat in lotuse position wearing my oversized printed shirt and short shorts. May iilang hibla ng buhok ang bumabagsak sa aking mukha na hindi nahagip ng chopstick na ginamit kong pampusod. Nang sulyapan ko ang aking katabi ay naabutan ko siyang nakatanaw sa akin. Pero agad siyang bumawi at pinindot ang start ng game kahit hindi pa ako handa.

"Sandali! Hindi ko pa nga hawak controller ko!" Reklamo ko ngunit pinagpipindot pa rin ang controller upang matalo siya.

Halos sumigaw ako dahil sa tuwa nang matalo ko siya. I stick my tongue out at him when he looked at me. Umiling lang siya at naghamon ng isa pang laro. Pinagbigyan ko siya pero natalo ko pa rin siya. I laughed triumphantly.

"And you just said that you don't have talent. Woman, why are you so good at this game?"

Binagsak niya ang controller sa sofa at sumuko nang makipaglaro. Ngumiwi ako dahil sa ginawa niya.

"Ang boring mo naman kalaro!" Singhal ko at kinuha ang controller upang ilagay sa coffee table.

"It's not just my thing-"

Naputol ang kaniyang sasabihin nang parehas naming narinig ang doorbell. Tumayo siya at tinungo ang pintuan. Nang makita ko kung sino ang mga pumasok ay mabilis akong tumayo at sumunod kay Hendrix upang mabati ang mga magulang namin.

"How are you here, hija?" Nakangiting tanong ni Tita Kristine at bineso ako.

"I'm fine here, tita." Sagot ko at pagkatapos ay nagmano kay Tito Tristan.

Niyakap ko naman si Mommy at Daddy na katatapos lamang batiin si Hendrix. Nang tumuloy sila sa sofa ay apat na pares ng mga mata ang sumuri sa aming dalawa. I am standing next to Hendrix because I don't know what to do next. Hindi ko inaasahan na bibisita sila ngayong araw.

"Ate!"

Nagtatakbo si Kayden sa'kin at niyakap ako. Huli siyang pumasok kasama ang personal yaya niya. Yumuko ako at hinalikan sa pisngi ang aking kapatid.

"How's my handsome little brother?" Ginulo ko ang kaniyang buhok.

He pouted and I can't control myself but smile. "The house is boring without you, Ate. Hindi mo ako binibisita."

I was about to answer him when Dad spoke. Dumiretso si Tita Kristine sa kusina upang gumawa ng kape at agad akong nakaramdam ng hiya. Sumunod ako sa kusina at nagprisintang ako na ang gagawa ng kanilang kape. Sila ang bisita kaya dapat ay hindi sila ang gumagawa dito sa loob.

"Masaya akong makita na mukhang nagkakasundo na kayo ng anak ko, Karina."

I forced myself to smile. Ilang minuto pa lamang sila dito pero paano nila napansin na nagkakasundo na kami? O iyon ang nakatatak sa kanilang isipan kaya inaakala nilang maayos kaming dalawa.

But, aren't we?

I returned to the living room to give them their coffees. Umupo naman ako sa tabi ni Hendrix dahil iyon na lamang ang bakanteng upuan. Habang nag-uusap sila ay tumuon ang pansin ko sa aking kapatid na nakatitig sa akin ng madilim, pagkaraan ay ngumiti ng malapad. I smiled back at him.

Kinamusta lamang nila kaming dalawa at wala akong ibang magawa kundi ang pumeke na nagugustuhan ko na ang pananatili dito. Hindi ako pwedeng magreklamo sa harap ng magulang ni Hendrix.

"Ate, is he your boyfriend?" Kayden asked me when he was left alone with me here in the living room.

Tumungo kasi ang matatanda sa balkonahe upang makalanghap ng sariwang hangin. And my parents are curious how does the view of tagaytay looks like in this floor.

Napasinghap ako sa tanong niya. "M-May xbox ang Kuya Hendrix mo. Gusto mo maglaro?"

His face lit because of excitement. "I would want to!"

I smiled widely at my brother. Kinuha ko ang controller at binuksan ang tv upang makapili siya ng larong gusto.

"How's your school going, Kayden?"

"Hindi mo ako binibisita, Ate. Don't you miss me?" Tanong niya, hindi sinagot ang tanong ko.

May kumirot sa aking puso dahil sa tanong na iyon ng aking kapatid. Lumapit ako sa kaniya at masuyo siyang tinignan sa mga mata.

"I'm sorry. Bibisita ako kapag hindi na busy si Ate."

"Isasama mo ba si Kuya Hendrix? I like him! He's cool!"

Napangiwi ako sa sinabi ng sarili kong kapatid. "He's not cool." Bulong ko at umirap.

Paano naman nito nasabi na cool ang demonyong iyon gayong kakikilala niya pa lang dito.

"He is, Ate! I never had a male friend and Kuya Hendrix is my first! Therefore, he is cool!"

Pinagmasdan ko ang aking kapatid na itinuon na ang atensiyon sa tv. Then he spoke again.

"Actually, I don't have friends. Kapag sinama mo si Kuya Hendrix, then it will be you, me and him! Maglalaro tayo sa bahay ng ganito!"

May kung anong punyal ang tumarak sa aking puso habang pinagmamasdan ang inosente kong kapatid. In misty eyes, I hugged my brother.

Why life is unfair for the two of us? Bakit hindi na lang ako ang malasin? Bakit kailangang pati ang kapatid ko ay dumanas ng ganito? He deserves to see the world. He deserves to gain friends. Pero ang labo-labong mangyari ng bagay na iyon sa kalagayan niya.

"Kuya Hendrix! Sabi ni Ate sa'yo daw po ito. Can we play?"

Humiwalay siya sa aking yakap at tinakbo si Hendrix na kagagaling lang mula sa balkonahe. Nakita kong naiwan ang magulang namin sa labas. Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay naabutan ko siyang seryosong nakatingin sa'kin.

Nag-iwas ako ng tingin at kinusot ang aking mga mata. Ang sunod kong alam ay narinig ko nang tumatawa at humihiyaw ang kapatid ko sa tuwing natatalo niya si Hendrix. I looked at them again and there's something in my heart that softened when I saw both of them laughing genuinely.

Naputol nga lamang ang aking panonood sa kanila nang bumalik sa loob ang magulang namin at nagsimulang magpaalam. Nalungkot si Kayden at nagpumilit na magpaiwan ngunit hindi siya pinayagan ni Daddy.

Hinabol ko si Daddy nang mauna siyang lumabas ng condo unit ni Hendrix.

"Dad," I called him.

Nilingon niya ako at masuyong nginitian. "Bakit ka pa lumabas? Magpaalam ka muna sa Tita Kristine at Tito Tristan mo."

I bit my lower lip and went near him. Hindi ko siya magawang kausapin kanina sa loob dahil naroon ang mga magulang ni Hendrix. At gusto ko siyang pribadong makausap. Dahil hanggang ngayon, ayokong manatili sa poder ni Hendrix. Ayoko pa ring magpakasal sa kaniya.

"Hanggang kailan 'to? Hindi na ba talaga pwedeng mahinto ang engagement-"

Iglap ay dumilim ang kaniyang ekspresyon dahil sa aking sinabi.

"Sa nakikita ko ay nagkakamabutihan na kayong dalawa, Kare. Bakit gusto mo pa ring umayaw?"

I am very close to telling him that I never broke up with my boyfriend and I love Lawrence pero pinigilan ko ang aking sarili. Kahit maayos na kaming dalawa ni Hendrix ay alam ko sa'king sarili na hindi ko gustong matali sa isang taong hindi ko mahal. And Hendrix has a girlfriend. Katulad ko ay sinisikreto niya iyon.

Nang hindi ako nakakibo ay nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Our company is losing. An investment from my business friends wouldn't be enough. We need Alvarez's name after us. At pumapayag lang sila dahil ikaw ang gusto nilang mapakasal kay Hendrix."

Narinig ko ang boses ng mga magulang ni Hendrix sa likod dahilan upang humakbang ako paatras. Nagpaalam ako sa kanila at pumasok pabalik sa condo ng dismayado. I closed the door and walked towards the living room just to see Hendrix talking to his girlfriend again on his phone.

Nag-iwas ako ng tingin at tahimik na nagtuloy sa guest room. I am tired. Hindi ko alam kung bakit pero wala namang bago doon. Lagi naman ay pakiramdam ko napapagod ako. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top