#HIW08
Entry 08
"Hindi mo kailangang makipag-unahan sa'kin. Iyong iyo na ang paghuhugas ng kalat mo."
Nanlalaki ang butas ng aking ilong na nilingon siya. Naabutan ko siyang kalmanteng umuupo sa mataas niyang stool bar at nag-angat ng tingin sa akin. His charcoal eyes as deep as an ocean gave that sneering look that he's the only one who can give.
I am a recipient of hate and mockery and I always get hurt. Pero ang pinapadama sa akin ngayon ni Hendrix ay hindi sakit kundi galit. Kung paano niya iyon nagagawa dahil sa mapang-asar niyang ngisi ay hindi ko alam.
"Ba't ang sama ng tingin mo? Parang ako pa ang may kasalanan, ah." Angil niya.
Nagtagis ang aking bagang dahil sa pinipigilan kong pagsabog sa harap niya. The nerve of this guy to ask that! Gaano ba kasama ang ugali niya para hindi niya mapansin na may mali rin naman siya sa pagtrato sa akin kaya ganito na lamang ako umasta sa kaniya.
I rolled my eyes and turned my back on him to face the sink. Tinitigan ko pa ng ilang segundo ang tambak na mga hugasin na ginamit ko sa plano ko sanang pagluluto. I am not an expert when it comes to washing dishes but I, at least, know how to do it.
"Marunong ka ba niyan? Baka kailangan mo pa ng tutorial video."
Nanggagalaiti kong binuksan ang gripo at binunton ang inis sa kawali at mga plato. Hindi ko pinansin ang pang-aasar ni Hendrix sa likod ko. I put enough portion of dishwashing soap on the sponge and brushed it first on the plates.
I grew up not learning how to do the household chores. In other terms, I was raised in a princess-way. But I learned how to wash dishes dahil sa tuwing nagca-camping kaming pamilya ay laging ako ang nakatoka sa paghuhugas ng mga pinagkainan at nilutuan. And it's not that hard, I actually enjoy it.
"Ilang manok ang nasunog?" He asked on the back.
Iyan na naman ang mokong sa pagtatanong ng tapos na. Kailan ba siya makaka-move on sa sinayang kong manok niya? Nililinis ko na nga ang kalat ko.
Huminga ako ng malalim at sinulyapan ang malapit na basurahan kung saan ko tinapon ang nasayang na karne. Iyon ang huling karneng mayroon siya sa kaniyang refrigerator. At ayoko mang ma-guilty ay hindi ko mapigilan dahil wala na kaming mailuluto mamaya.
"'Y-Yong huling buong manok ang ginamit ko." Sagot ko at ibinalik ang atensiyon sa paghuhugas ng kawali.
"In other terms, sinayang mo lahat."
Marahas ko siyang hinarap. "Ilang beses ko bang uulitin sa'yo na hindi ko nga sinadya!"
Inihilig niya ang kaniyang likod sa maliit na backrest ng stool bar at nakahalukipkip na tinignan ako sa mga mata. And I don't know why I suddenly get uncomfortable staring at his deep-set pair of eyes. Bumagsak ang tingin ko sa kaniyang leeg at pinanatiling kalmante ang aking pustura upang hindi niya mapansin na hindi ako komportable sa presensiya niya.
"It's easier to say sorry than to shout at me, Kare."
My irises went wide when realizations hit me. Didn't I apologize a while ago? My eyes automatically went to his eyes again and I found his still staring back at me. My heart thuds like there's a marathon inside it. Kung bakit ay hindi ko alam.
"I-" Nautal ako at nakagat ang pang-ibabang labi.
"You what?" Tumaas ang isa niyang kilay at hinihintay ang aking sasabihin.
Madali lang naman akong kausap. Kung ako ang may kasalanan ay hindi ako nagdadalawang isip na humingi ng paumanhin. Pero hindi ko alam at bakit umaahon ang matayog kong pride at nahihirapan akong humingi ng dispensa sa kasalanang nagawa ko.
"Sa nakikita ko mabait ka namang tao sa iba. Magalang ka rin. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit lagi kang nakasigaw sa mukha ko."
Nagkasalubong ang mga kilay ko dahil sa biglaan niyang sinabi. "Ano?" Asik ko.
He smirked with no humor. "Look at you. Wala naman akong ginagawang masama sa'yo pero kung taliman mo ako ng tingin ay parang handang-handa kang patayin ako ano mang oras na malingat ako."
"Oh, then, thank you for giving me an idea! Gagawin ko talaga 'yan sa oras na malingat ka."
Nagbago na ang isip ko. Hindi na ako hihingi ng pasensiya dahil pinapainit niya na naman ang aking ulo. Tinalikuran ko siya at ibinalik ang atensiyon sa ginagawang paghuhugas. I heard him chuckled that made my forehead creased more. Pinigilan ko ang sarili na harapin siya at muli siyang singhalan.
"You're a savage. Alam ba iyan ni Lawrence?"
Sa pagbanggit niya ng pangalan ng aking boyfriend ay awtomatiko na akong napaharap muli sa kaniya. Natatandaan kong nasabi sa akin ni Lawrence na nasa iisang circle of friends lang sila ni Hendrix at hindi naman ganoon kalapit.
"Alam mo na boyfriend ko si Lawrence?" Tanong ko sa kaniya na puno ng pagtataka.
Napawi ang ngisi sa kaniyang labi at nagkasalubong ang makakapal na kilay. Tumango lang siya at hindi sumagot na para bang tinatantiya ang aking mga reaksiyon.
Umahon ang matinding kaba sa aking dibdib when thoughts started to rush on my head. Humakbang ako palapit sa counter at nang ilang dipa na lamang ang layo ko mula sa kaniya ay huminto ako.
"Alam mo na may boyfriend ako pero hindi mo man lang nagawang kontestahin ang kagustuhan ng mga magulang mo na magpakasal sa'kin."
Dahil sa sinabi kong iyon ay agad nagbago ang kaniyang ekspresyon. I was suddenly taken aback when I saw a combination of darkness and danger in his eyes. I saw him clenching his aristocratic jaw repeatedly as if he's trying to control anger.
"Hindi ko gustong magpakasal sa'yo-"
"Alam ko iyon. Hindi ako istupido para hindi malaman na may girlfriend ka at ayaw mong magpakasal sa'kin. We both don't like this arrangement but we can't do anything to get rid off of this, aren't we?" Puno ng sarkasmo ang aking boses.
Mas lumalim ang gitla sa kaniyang noo ngunit ang takot na saglit kong naramdaman dahil sa pinapakita niyang galit ay naglahong parang bula. Napalitan iyon ng kagustuhan na malaman kung bakit hindi niya magawang kumbinsihin ang mga magulang niya na itigil ang planong ipakasal siya sa'kin.
Pero paano ang kompanya namin? Si Kayden? Kung hindi matutuloy ang planong kasalan, matutulungan pa rin ba kami ng mga Alvarez na isalba ang papalubog naming kompanya?
"May naiisip ka bang ibang paraan para hindi matuloy ang engagement natin sa darating na bakasyon?" He asked acidly.
I stilled for a moment with his question. May naiisip akong paraan para hindi matuloy ang engagement party sa susunod na taon ngunit hindi ako nakakasigurado kung kakayanin ko ba. I've already received more than enough loathes and disgusts from people who don't even exactly know me, at hindi ko na kayang madagdagan pa ang mga taong sumali sa hate group para sa akin.
Umiling ako. Kung sasabihin ko sa kaniya na siraan niya ako sa magulang niya, gagawin niya kaya? Dahil iyon lamang ang solusyon na nakikita ko para parehas naming matakasan ang kadenang hindi namin parehas na ginustong itali sa'min.
"Alam ba ng girlfriend mo ang sitwasyon mo ngayon?" I asked curiously.
The darkness in his face subsided with the mention of his girlfriend. Nanghina ang aking balikat dahilan upang bumagsak ito at kasabay no'n ay ang pagpapakawala ko sa mga kamay kong hindi ko namalayang naikuyom ko. He must be so in love with his girlfriend.
I smiled when I remembered Lawrence.
"She knows and we're still in a relationship. Hindi kami naghiwalay." Malamig niyang sagot.
Tumango ako nang maintindihan. "Hindi ba siya galit sa'yo?"
"Naiintindihan niya ang sitwasyon ko." He looked away and stared at I don't know.
Mas lumapad ang ngiti ko nang maalala muli si Lawrence. Why, we are so lucky for having understanding partners.
Nang hindi ako nakaimik ay muli niyang ibinalik sa'kin ang tingin. "What about Lawrence?"
Then, I remember something. Bakit nga ba kami nag-uusap ng isang 'to, gayong kasasabi niya lang noong isang linggo na hindi kami mag-uusap kung hindi kailangan.
"Ba't mo tinatanong? Akala ko ba hindi tayo mag-uusap kung hindi kailangan?"
He shrugged languidly. "Well, we're already now talking. And I realized just now that I have no choice. Hindi naman kita pwedeng itratong hangin gayong nakikita kita. I am not that rude and snob."
Napangiwi ako sa kaniyang huling sinabi. Anong hindi rude at snob, eh, may sungay ka nga sa paningin ko. Gusto kong umirap dahil sa kasinungalingang lumalabas sa bibig niya pero naalala ko kung paano siya nag-alala sa'kin kanina. Kahit sabihin nang napikon ako pagkatapos niya akong gamutin, I can't deny that he still has a good side.
Sinuri ko ang kaniyang mukha na halos masaulo ko na dahil sa araw-araw kong pagkakakita sa kaniya dito sa loob ng condo. Sa loob ng halos isang linggo, hindi man kami nag-uusap, ay lagi ko naman siyang nakikita.
Siguro kailangan ko lang siyang kilalanin... maybe we can be friends.
Or not.
"Alam ni Lawrence ang tungkol sa'yo. And he understands me, too." Sagot ko sa kanina niyang tanong.
"Alam ba ng mga magulang mo na hindi ka nakipag-break sa kaniya?"
Umiling ako. "Lawrence is my first boyfriend at balak ko na siyang ipakilala kina Mommy nang bigla ay inimporma nila sa'kin na kailangan kong magpakasal sa'yo."
Nalukot ang aking mukha nang maalala kung gaano ako kasaya sa nagdaang buwan sa kaisipang makikilala nila Mommy ang taong mahal ko. Just to turned out that I will be left with no choice but to keep him as my secret.
"Ayokong isipin na sinisisisi mo ako." Sarcasm is oozed in his voice.
Sumimangot ako. "Wala naman akong sinabi." I sighed. "Alam ko rin namang hindi lang ako ang nahihirapan sa'ting dalawa. Did you have to keep your girlfriend a secret, too?"
Umingit ang silyang inuupan niya nang sinubukan niya itong hilahin palapit sa counter habang nakaupo pa rin siya.
"I have no choice." And now I heard pain crossed his tone.
Pumungay ang aking mga mata. Parehas lang pala kami. How selfish I am to think that I am the only one who finds this arrangement hard and worst?
"Ilang taon na kayo ng girlfriend mo?"
He smiled without looking at me. Nakita ko ang kinang sa kaniyang mga mata senyales ng kasiyahan.
"We are already together since we were in grade 8. So, six years to be exact." Then he lifted his gaze on me.
Six years, wow. Napakatagal na pala nila kung ganoon. No wonder kung bakit kalat sa buong campus na one-woman man siya. Na kahit sinong nagtatangkang makipag-flirt sa kaniya ay hindi man lang nakakadikit kahit saglit sa balat ni Hendrix. He is so much in love with his girlfriend and very faithful that no girl could ever make him cheat and break up with her.
A very rare man. Tatagal rin kaya kami ng ganoon ni Lawrence?
"And I won't put those six years into waste just because I am bounded to marry you."
Wala naman masamang sinabi si Hendrix pero hindi ko alam kung bakit biglang umahon ang inis sa budhi ko. I unconsciously glare at him but he continued talking.
"I apologized for how I treated you on your first day here in my condo. Katulad ng sinabi ko, may girlfriend ako at ayokong isipin niya na mangyayaring mahuhulog ako sa'yo dahil lang magkasama tayo sa iisang bubong."
"May boyfriend rin ako, Hendrix. At alam nating pareho ang limitasyon natin. We are both committed to our own partners, so nothing beyond being together inside this condo will happen."
His lips twitched for an amusing smile. Kumunot ang aking noo dahil hindi ko alam kung bakit siya natutuwa.
"Magkakasundo naman pala tayo." He said amusingly.
My lips parted and for an unknown reason, I laughed a little. "Yeah. Kung pag-uusapan natin ang boyfriend at girlfriend natin, magkakasundo tayo."
He grinned and nodded. "Well, that's all for now. What matters is we both know where we both stand in our lives. There is a boundary between us and no one should walk past it."
Ngumisi ako. "You're speaking metaphors but I agree."
Tumayo siya dahilan upang bahagyang umangat ang aking ulo dahil matangkad siya.
"Continue what you are doing. Ako na ang magluluto ng hapunan."
Umamba siyang tatalikod sa'kin nang magsalita ako. "Wala na tayong ulam."
I bit my lower lip as I finished saying that. Natulos siya sa kaniyang kinatatayuan at tinitigan ako sa paraang para bang nagbibiro ako. At sa malalaking hakbang ay tinungo niya ang ref at binuksan ang lagayan kung nasaan ang mga frozen food.
I heard him sighed deeply. "Bibili ako sa labas." Aniya at mabilis na tinungo ang living room.
Narinig ko ang mga yabag niyang tumatakbo sa hagdanan dahilan upang makahinga ako ng maluwag. Akala ko at magagalit na naman siya sa akin nang malaman niyang wala na kaming ulam sa ref. I returned to the sink and continue washing the dishes.
Subconsciously, I smiled. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon kami ng kalmanteng pag-uusap ni Hendrix nang hindi ako sumisigaw at hindi siya nagmamayabang. Maybe I was really wrong; he's not that bad after all. I just really don't know him that much.
Gamit ang remote control ay sinarado ko ang makapal at malapad na kurtinang magtataklob sa glass wall ng first floor ng unit. Nang marinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pintuan ay sinalubong ko si Hendrix na may dalang supot na naglalaman panigurado ng aming hapunan.
We talked about our partners over dinner. At natutuwa ako dahil parehas naming na-enjoy ang pagkikwento naming dalawa tungkol sa sari-sarili naming lovelife.
"Sana nga tumagal rin kami ni Lawrence ng six years." I finally spoke what's on my mind.
"Nasa tao 'yan. If you're both mature enough to handle a relationship then it will surely last long." He said, still while eating the sushi on his plate.
Ngumuso ako at binagsak ang tingin sa sariling plato. I'm a fatalistic person. I'm a firm believer of destiny and fate. Naniniwala ako na kung para sa'yo, para sa'yo.
"Nagbago na isip ko. Gusto kong si Lawrence na ang maging the one ko. Ayaw ko ng six years kasi lilipas ang mga taon. I want it eternity or a lifetime." I announced determinedly.
Dahil kung oras lang ang babasehan, lumilipas iyon. Ang mga taon ay hindi na muling magbabalik. And I want more than six years.
"Then you need a miracle." He laughed.
Matalim ko siyang tinignan sa mga mata. "Hindi himala ang kailangan ko. Hindi ako sigurado kung si Lawrence ang nakatadhana para sa'kin pero iyon ang gusto kong hilingin sa itaas."
"Sa kwarto mo?" Pilosopo niyang sagot.
I groaned inwardly. Tumayo ako at inirapan siya.
"Aakyat na ako. Bago pa magbago ang isip ko at magmukha ka na namang demonyo sa paningin ko." I said the last sentence almost in a blurry and went straight to my room.
Still wearing my pyjamas, I went out of my room. Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng makakain pero wala akong nakita. Nasapo ko ang aking noo at umupo sa stool bar. May liwanag na sa labas pero hindi pa rin ata gising si Hendrix dahil hanggang ngayon ay wala pa ring umagahan.
"You're awake. Pupunta akong palengke. Sasama ka ba?"
Napapitlag ako mula sa pagkakahalumbaba sa counter nang marinig ang baritonong boses ni Hendrix. Bago pa ako makalingon ay nakita ko na siya sa harap ng ref at kinuha mula sa loob ang pitsel at nagsalin ng tubig sa baso.
Nawala ang aking antok nang mapansin ang kaniyang ayos. His hair is still damp from shower and he's wearing the casual dirty white shirt and dark pants. Pinasadahan niya ng kaniyang daliri ang buhok niyang tumutulo pa ang mga tubig.
Tinaasan niya ako ng kilay at naalala kong tinatanong niya nga pala ako. Humikab ako at kinusot ang aking mga mata.
"Inaantok pa ako. At saka sabi mo ayaw mong makita ng iba tao na kasama mo ako, kaya bakit mo ako inaaya ngayon?" Dire-diretso kong sambit.
Muli akong pumangalumbaba at naabutan siyang hindi nagbago ang ekspresyon. He remain as dark as the raging storm.
"Tinanong lang naman kita. Bahala ka kung ayaw mo." Then he walked out from the kitchen.
Sinundan ko siya ng tingin at mabilis na bumaba sa stool bar upang tumakbo. Nilagpasan ko siya at umakyat sa hagdanan habang sumisigaw.
"Hintayin mo ako sa parking lot. Maliligo lang ako!"
I went to my room and took a warm shower in the morning. Nakarating na naman ako ng palengke dahil noong high school ako ay madalas kong samahan si Mommy sa pamimili ng mga karne kapag naiisipan niyang siya ang mamimili. Mas gusto niya kasi ang mga karne sa palengke dahil fresh kaysa sa supermarket. At gusto ko na muling makabalik sa palengke. And being here alone will bore me to death. Hindi kami magkikita ni Lawrence dahil may pupuntahan silang pamilya.
Wearing my dirty white shirt, which I got randomly on my closet, and dark pants ay lumabas na ako ng unit. Naabutan ko si Hendrix sa ground floor at sinundan ko siya patungong parking lot. Hindi ko alam ang kaniyang sasakyan dahilan upang magpalinga-linga ako.
Then we stopped in front of the black Honda civic. Dumiretso siya sa driver seat kaya natanto kong kaniya na ito. I opened the passenger seat and silently sat inside his car until we reached the market.
Maraming tao sa palengke dahil sabado. Puno ng mga sari-saring paninda ang bawat gilid ng daan. Nagkalat rin ang maliliit na kainan at carinderia na dinadayo ng mga namimili. Pinarada ni Hendrix ang sasakyan malapit sa labasan dahilan kung bakit kinailangan naming lakarin ang papasok.
"Madulas, Kare." I heard he said that I didn't get it.
Dahil abala ako sa pagtingin sa mga panindang kakanin ay hindi ko namalayang nauuna na siya sa'kin. Bahagya akong tumakbo palapit sa kaniya at muntik nang madulas kung hindi ako napakapit sa siko ni Hendrix. Bumagsak ang tingin ko sa sahig at natantong puno ng tubig at naglulumot na ang dinadaanan namin.
"Bingi ka ba talaga? Sinabi ko nang madulas, ah!" Galit niyang sigaw sa akin at inalalayan ako paalis sa lugar na iyon.
I glared at his back when we finally reached the dry floor and he left me. Hinawi ko ang buhok na humaharang sa aking mukha at sinundan siya. At dahil wala sa'kin ang pera ay hinayaan ko siyang bumili ng mga isdang hindi ako pamilyar kung anong tawag.
"Ano 'yan?" Kuryuso kong tanong sa hawak niyang kulay red na isda.
Binalingan niya ako at inilapit sa akin ang isdang hawak niya. I shrieked and slapped his hands away. Malakas siyang tumawa na sinabayan pa ng mga tindera bago siya nagbayad at kinuha ang binili. I rolled my eyes at him but I smiled at the vendors who are smiling back at me.
Dahil malaking tao si Hendrix at gwapo, hindi kataka-takang agaw pansin ang kaniyang presensiya sa loob ng palengke. Even with just his casual clothes, he still looks like a gorgeous magazine male model. At hindi madalas makakita ng isang mala-adonis na lalaking naglalakad sa loob ng palengke kung kaya't sinusulit na ng mga kababaihan ang pagkakataon.
Napailing ako habang tinititigan ang kaniyang likod. The devil doesn't have an idea that he's getting so much attention from these people. Pinapanood siya na tila ba sarili niyang entablado ang palengke at mga namimili at mga tindera ang audience.
Napasinghap ako nang bigla siyang tumalikod at natagpuan akong nakatingin sa kaniya. Nagkasalubong ang kaniyang kilay at kinain ng mahahaba niyang binti ang malaking distansiya naming dalawa.
"Napakabagal mong maglakad. Doon tayo sa mga karne." Aniya at walang puso akong hinila sa aking palapulsuhan.
Kung hindi ko lang sana naramdaman na muntik na muli akong madulas ay nasampal ko na ang kaniyang braso at nasigawan siya. Binawi ko ang aking kamay sa kaniyang hawak nang matapat kami sa nagtitinda ng karneng baboy.
"Hi, Miss Ganda! Anong inyo? Mura lang karne ko!" Maligayang bati sa'kin ng tindera.
Napangiti ako sa kaniyang tinawag sa'kin. Sa aking tingin ay nasa late sixties na ang matandang ginang pero malakas pa rin.
"Hello po. Magkano po ang kilo?" Tanong ko.
Marunong akong mamili sa palengke dahil madalas akong isama dito noon ni Mommy. Hinayaan ko lang kanina si Hendrix na mamili ng mga isda dahil hindi niya naman ako pinapansin at wala akong pera.
"Ay murang-mura! 280 lang ang kilo!"
Ngumuso ako at hinawakan ang karne ng baboy. Alam ko rin kung paano pumili ng fresh meat.
"Pwede ho bang 250 na lang? Dalawang kilo ho bibilhin ko!" Pakikipagtawaran ko.
Napakamot sa ulo ang ginang at nagdalawang isip. "Eh, ineng, mataas ang bentahan ng baboy ngayon. Mura na nga ang 280."
"Sige na po, Lola. Dalawang kilo naman ho bibilhin ko." Pagpupumilit ko.
"Ay sige na nga. Maganda ka namang bata." Suko nito.
I clapped triumphantly and looked at Hendrix who I found watching me amusingly. Tinaasan ko siya ng kilay at naglahad ng kamay.
"Pahinging pera." I said.
Umiiling-iling siyang ngumisi at ibinigay sa akin ang isang libo. Binayad ko iyon sa tindera at sinunod ang nagtitinda ng manok. Muli ay nakipagtawaran ako na pinagbigyan naman nila. And this is what I like in palengke. The oldies seems to fancy me and I really like the attention I am receiving whenever they are talking to me.
Bibihira kasi ang mga taong nakikipag-usap at nakikipagtawanan sa akin. Hindi katulad na kapag narito ako ay lagi akong pinapatawa ng mga tindera.
"Salamat po." I said when I received the plastic.
Nang balingan ko si Hendrix sa aking gilid ay naabutan ko na naman siyang naka-plaster ang natutuwang ngisi sa labi. I shot my eyebrow up at him.
"Tinitingin-tingin mo diyan?" Asik ko.
"Ang yaman-yaman mo pero kung makipagtawaran ka akala mo wala kang pera."
"For your information, mahirap na ako! Kaya nga ako nakatira sa bahay mo 'diba?" I rolled my eyes.
"Chill. Huwag mong sabihing hanggang dito ay aawayin mo ako?"
I snorted at his response. Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy sa pamimili ng karne. Nang lumabas kami sa bilihan ng mga isda at karne ay umikot kami upang makabili ng mga gulay. Tumaas ang tingin ko sa pangalawang palapag ng building market sa kabilang kalsada. Gusto ko ng pakwan at ang alam ko ay doon lang mayroong nagtitinda ng mga prutas.
I glanced at Hendrix who is busy buying vegetables. Tumalikod na ako at nagtuloy sa kabilang kalsada. Saglit lang naman ako at hindi maliligaw kaya ako na lang ang bibili.
Muli ay nakipagtawaran ako sa tindera ng pakwan na inabot pa ako ng halos limang minuto bago ko siya napapayag. Gusto ko rin sana bumili ng iba pang prutas pero wala akong dalang pera kung kaya't nagtuloy na muli ako sa pagbaba. Tumawid ako sa kabilang kalsada at wala na si Hendrix sa kung saan ko siya naiwan kanina.
Umikot ang tingin ko at natanaw ang mga nagbebenta ng bulaklak. Nagningning ang aking mga mata nang makita ang kumpol ng mga rosas.
"Saan ka ba nagsususuot?!"
Nagulat ako sa malakas at galit na pamilyar na tinig ni Hendrix sa aking likod. Hinarap ko siya at naabutan siyang nanggagalaiti sa akin. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.
"Bumili ako ng pakwan." Tinaas ko ang supot na may lamang pakwan.
Nagtagis ang kaniyang bagang at marahas na hinablot sa akin ang supot. He only 'tssed' at iniwan ako sa aking kinatatayuan. Hinabol ko siya at natantong papunta na siya sa kung saan niya pinarada ang Honda civic niya.
"Ang bilis mo naman magalit!" Sinabayan ko siya sa paglalakad at hindi man lang ako pinansin ng demonyo.
"Hendrix," I called him.
"What!" Galit niyang sagot nang hindi pa rin ako binabalingan.
I played with my tongue as I felt my cheeks blushing. Nahihiya ako pero wala naman akong ibang choice kung gusto kong mabili ang mga rosas na nakita ko.
"Pautang ako." Sambit ko pagkaraan ng ilang sandali.
Bigla siyang tumigil dahilan upang mapahinto rin ako. Hinanap niya ang aking mga mata at hindi makapaniwala ang kaniyang ekspresyon na tinignan ako.
"Huwag ka ngang judgemental! Babayaran kita mamaya sa condo pag-uwi natin. Wala lang akong dalang pera." Nag-iwas ako ng tingin dahil sa kahihiyan.
I heard him sighed deeply after a while. "Anong bibilhin mo?"
Nabuhayan ako sa sinagot niya. Tinuro ko sa kaniya ang mga nagtitinda ng bulaklak na sinundan niya naman ng tingin.
"Bibili ako ng roses. Sa bahay kasi mayroon akong mga tanim na rosas. At naisip ko na maggawa ng flower bed sa balcony sa first-floor ng condo mo at ilalagay ko ang roses." Excited kong imporma sa kaniya.
He nodded nonchalantly and looked at me. "Tara doon." At nauna na siyang maglakad.
Sumunod ako sa kaniya at hindi na pinansin kung pinapanood niya akong agad na dinaluhan ang mga naggagandahang rosas. Pumili ako ng kulay red, pink, at white na roses. When I feel like it's already enough ay hinarap ko si Hendrix upang humingi ng pera. Hindi niya binigay sa'kin sabagkus ay diniretso ang bayad sa tindera. Nagkibit balikat na lamang ako at tinanggap ang supot.
"Umuwi na tayo." He declared.
Sumunod ako patungo sa kaniyang sasakyan at hindi umimik sa loob habang bumabyahe palayo sa palengke. Abala ako sa pagsusuri sa mga rosas na hawak ko nang mapadaan kami sa San Francisco. It's a town proper in Tagaytay owned by my uncle who is living for years already in America.
Hinayon ko ng tanaw ang mga nakikita kong puro sira nang mga kabahayan. Wala rin akong taong nakikita na nagpapagala-gala na pinagtaka ko. It's used to be filled with a lot of families living there. Pero ngayon, kahit isang tao ay wala akong makita.
"Put your seatbelts on, Kare."
Nawala ang atensiyon ko sa labas dahil sa boses ni Hendrix at isinuot ang seatbelt na nakalimutan kong isuot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top