#HIW06
Entry 06
Hindi siya umimik nang sabihin ko sa kaniya ang buong detalye ng nangyari kagabi. Iniwas niya sa akin ang tingin na nagpadurog sa aking puso.
I know it will be hard for me to tell him about it, pero hindi ko rin naman kayang itago sa kaniya ito. Umaasa lang talaga ako na baka maintindihan niya ako.
"Lawrence," Mahina kong tawag sa kaniyang pangalan.
Nagtagis ang kaniyang bagang at binalingan ako. Nasa likod kami ng kaniyang pickup at mas piniling sabihin sa kaniya sa pribadong lugar ang tungkol dito. But the silence is killing me. Ni wala akong marinig na iba kundi ang paghinga naming dalawa.
"What do you want me to say?" He asked drily, pain oozed in his voice.
My eyes heated with his reaction. Naramdaman ko ang pagbundol ng sakit sa aking puso dahil pakiramdam ko ay mangyayari ngayon mismo ang bagay na ayokong mangyari.
I sighed hopelessly and looked at him sadly.
"H-Hindi ko rin alam." Nabasag ang aking boses.
Yumuko ako at pinilit na paganahin ang aking utak upang makahanap ng salita na magpapanatili sa kaniya sa aking tabi. Ilang beses ko nang sinabi sa sino mang nakakarinig sa akin na hindi ko kakayaning mawala siya sa aking buhay. I love him that if the only reason we will fall apart is because of this marriage I am forced to agreed, hindi na ako sigurado kung ano pang dapat maging maramdaman.
I was already deprived from the option of disagreeing with my parent's decisions, and then I was also deprived of happiness with Lawrence. Gusto ko na lang isipin na sa dinami-daming tao sa mundo, ako ang napiling maging malas.
I heard him sighed deeply that made me look at him. Nabuhayan ang halos nawawalang pagasa kong puso nang gagapin niya ang aking kamay. Hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap sa paraang tila ayaw niya akong makawala.
"Pumayag ka lang para sa kapatid mo," He repeated what I said.
Mabilis akong tumango at sinubukan siyang tingalain ngunit inilapat niya na ang kaniyang baba sa tuktok ng aking ulo. I refrain from looking up to him and returned my gaze to our intertwined hands.
"Naiintindihan ko."
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga dahil sa kaniyang dinagdag.
"Ayokong magpakasal kay Hendrix. I will do everything for our relationship to not work until my parents decided to stop my engagement with him." Determinado kong untag.
I love Lawrence so much at wala akong makitang ibang taong maaari kong mahalin katulad ng pagmamahal ko sa kaniya. If my parents think that my relationship with Hendrix will sooner reached what they are expecting, then they are wrong.
Pero paano si Kayden? Ang kompanya?
Pumikit ako ng mariin nang maalala ang dahilan kung bakit ako pumayag sa gusto ng magulang ko. Ano ba ang maaari ko pang gawin nang hindi nailalagay sa alanganin ang kapatid ko? But I have no idea how to save our failing company. Katulad ng sinabi ni Daddy, imposible na muling makabawi ang kompanya kung hindi kami tutulungan ng mga Alvarez.
"Kilala ko si Hendrix. Nakakasigurado akong naipit lang din siya sa sitwasyon ninyo ngayon. He's very faithful to his girlfriend na nasa Maynila. I believe that he will do everything to get away in your engagement."
Tuluyan na akong kumawala sa kaniyang pagkakayakap upang maharap siya. Kumunot ang noo ko sa pagtataka kung bakit alam niya ang parteng iyon kay Hendrix. He smiled faintly.
"We're in just one circle of friends, Karina, kaya alam ko. Hindi man ako ganoon kalapit kay Hendrix, alam ko ang tungkol sa parte ng buhay niyang iyon. At hindi rin naman sikreto sa lahat ang pagkakaroon niya ng girlfriend. Wala akong problema kay Hendrix dahil nakakasigurado akong hindi niya rin gustong makasal sa iyo. Nagpapasalamat na lang ako at hindi ka sa ibang lalaki pinagkasundo..."
He suddenly stopped mid-sentence and looked away. "Pero hindi rin ako natutuwa na nasa ganito kang sitwasyon."
"Hindi ka naman makikipaghiwalay sa'kin, 'di ba?" Insecurity is much etched in my tone.
Nagkasalubong ang mga kilay niya at lumalim ang gitla sa noo nang maintindihan ang sinabi ko.
"What made you think of that?"
Iniwas ko ang tingin sa kaniyang titig. Hindi ko napigilan at lumandas ang luhang kanina ko pa pinipigilan. He quickly pulled me towards to him and gave me a warm tight embrace. Mas lalo akong naiyak nang maramdaman ang kaniyang mahigpit na yakap. Iyon ang kailangan ko ngayon at binigay niya sa akin.
"I-I just thought you will propose a break up after I told you about my engagement with another guy." I sobbed silently.
Naramdaman ko ang paglapat ng kaniyang labi sa tuktok ng aking ulo at mas hinigpitan ang yakap sa akin.
"You were forced to an arrangement you don't like, Kare. Wala kang kasalanan at wala kang ibang pagpipilian. Kung iiwan kita, you will have no one. Hindi ko kakayanin iyon."
He's right. I will be left with no one if he leaves me now.
"Pero paano tayo ngayon? Dad wants me to break up with you."
I felt him stiffened which made me lift my head on him. His expression turned blank as he looked into my eyes.
"Ikaw ata ang may balak na makipaghiwalay at hindi ako." He snapped coldly.
I shook my head in disapproval. "No! Hindi ko kailanman naisip na makipaghiwalay sa'yo."
"Then we will remain the same."
I bit my lower lip with an idea that crossed my mind. "W-We'll keep our relationship a secret for the meantime, Lawrence."
Muli ay hindi siya nakakibo sa aking pahayag. Nahihirapan ako na sabihin sa kaniya ang mga naiisip ko dahil hindi ko gusto na maging ganito ang unang problema namin sa aming relasyon. Why, I expected less painful problems to appear in our relationship.
"Dad isn't a savage, but I am scared of what he can do if he found out that I didn't end my relationship with you."
Marahan siyang tumango at pilit na iniwas sa akin ang kaniyang mga mata. Humigpit naman ang hawak ko sa kaniyang kamay upang maramdaman niya na hindi ko rin gustong isekreto siya pero wala akong ibang pagpipilian kung gusto kong mapanatili ang relasyon naming dalawa.
"Okay. I am fine being your secret. I can do everything just for you. I will do everything just to be with you."
Malas ako sa ibang bagay pero hindi sa boyfriend ko. I am very lucky for having him as my boyfriend. He's very understanding and considerate, every girl would dream of having such a man like him in their life and I got mine.
"Kaya kong magtiis at maghintay hanggang sa kaya mo na akong ipakilala sa magulang mo."
Hindi nakaiwas sa pandinig ko ang sakit na dumaloy sa kaniyang tono. I don't want to ignore it but I also don't want the remaining hours of us together ugly.
"I'm sorry. Hindi 'to magtatagal, pangako. I will find a way to get rid of this."
He only nodded and kissed my cheeks. Tumayo na siya at lumabas. He reached his hand out for me and I gladly accepted it. Inalalayan niya ako nang patalon akong bumaba mula sa likod ng kaniyang truck. Binalot niya akong muli sa isang mainit na yakap at hindi ko mapigilang ipikit ang aking mga mata upang damhin ang pakiramdam na dinudulot niya sa akin.
"Stop saying sorry. Hindi mo kasalanan." He mumbled against my hair and finally dragged me towards the passenger seat.
Ibinalik niya ako sa tapat ng department ko at hindi ko maiwasang makaramdam ng pangungulila nang umalis na ang kaniyang sasakyan. I feel like our conversation isn't enough. Alam kong sinabi niya na sa akin na naiintindihan niya ang sitwasyon ko at hindi kami maghihiwalay, but why do I have this feeling of uncertainty? Bakit pakiramdam ko binibigyan lang ako ng palugit para makasama siya?
I shook my head. I trust and believe him. Naniniwala ako na hindi niya ako iiwan at mahal niya ako. At dumating lang ang problemang ito upang subukin ang relasyon namin. Malalagpasan rin namin ito. I will find a way for the marriage to not happen.
"Hija, nakauwi ka na rin sa wakas."
My pace slowed down when I saw my parents standing near the sofas. Gusto ko silang iwasan at huwag kausapin pansamantala dahil hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na pinagkasundo nila ako nang hindi man lang pinapaalam sa akin.
I took a deep breath and decided to walk towards them. Hinalikan ko silang dalawa sa pisngi ngunit hindi ko magawang salubungin sila ng maluwag sa aking dibdib. May kaunti pa ring sama ng loob ang namumuo sa aking dibdib para sa kanilang dalawa.
"Umupo ka, Kare. May sasabihin ako."
Dad and Mom sat but I remained standing. Kumunot ang aking noo dahil may pakiramdam ako na tungkol pa rin sa engagement ko kay Hendrix ang sasabihin nila. And I am already tired of hearing things about it. Ni ayoko nang marinig pa ulit ang tungkol roon.
"May gagawin pa ako, Dad. Ano po bang sasabihin ninyo?" Hindi ko maitago ang iritasyon sa aking tono.
Dad didn't look at me when he spoke. "Ganoon ba," He sipped on his coffee and finally turned his eyes on me.
Hindi ako kumibo at nanatiling nakatitig sa kaniya. He smiled faintly that made some of his wrinkles showed.
"Nakausap ko ulit kanina ang Tita Kristine at Tito Tristan mo. We talked about your marriage with their son. At dahil ilang buwan pa naman bago mangyari ang engagement party ninyo, we decided for the both of you to know each other first." He informed me casually.
Suminghap ako at pinigilan ang sarili na gumawa ng anomang reaksiyon. Well, I am happy to hear that the engagement party is still months from now, meaning I still have a lot of days to think of how can I get rid of this.
"And the easiest way for the both of you to know each other deeper is by living on the same roof. Lilipat ka sa condo ni Hendrix sa linggo. Naimpake na ng mga katulong ang lahat ng gamit mo."
Nanlaki ang aking mga mata at marahas na naglakad palapit sa harapan ni Daddy. Nagpupuyos sa galit ang aking puso dahil hindi ako makapaniwala na malayang nagagawa ng sarili kong magulang na manipulahin ang buhay ko.
Living with Hendrix in one roof?! The hell will freeze first!
"Dad, are you serious?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
Tumayo rin siya dahilan upang bahagya niyang maungusan ang aking tangkad. Dad in his prime 50s is still tall and masculine and undeniably good-looking. Kahit sa edad niyang ito at lingid sa kaalaman ng lahat na may dalawang anak at may asawa ay marami pa ring sumusubok na paluguran siya. Hoping that they can be my father's mistress, but Dad is faithful to my Mom and I know how much he loves her. Kung hindi ko lang alam kung gaano siya kabaliw kay Mommy ay iisipin kong makakaya niyang ipagpalit si Mommy sa iba... katulad ng ginawa ng Daddy ni Ate Audrey.
"No doubt I am serious, anak."
My lips parted and my chest started to heave like mad. I can't believe this!
"Hindi pa ba sapat na pumayag ako sa gusto ninyo at kailangang tumira pa ako sa iisang bubong kasama siya?"
Nasapo ko ang aking noo at binalingan si Mommy na pinapanood lang kami. I am not sure kung pagsisisi ang nakikita kong emosyong nakapaloob sa kaniyang mata o ano.
"Mom," I called for help.
Tumayo rin siya at nilapitan ako. Hinawakan ako sa balikat at akala ko ay maiintindihan niya ako pero hindi rin pala. Parehas lang sila ni Daddy.
"Matututunan mo ring kagaanan ng loob si Hendrix, hija. He's a good man."
You bet! Hindi ko isinatinig iyon dahil pinigilan ko ang sarili. Matututunan kong kagaanan ng loob si Hendrix? Magugunaw muna ang mundo bago mangyari iyon. I don't think I will last a day with that devil! Hindi ko kaya ang tabas ng kaniyang dila at idagdag pa kung gaano siya kayabang.
"Your things were already sent to his condo-"
Napabaling ako kay Daddy. "What?! Dinala ninyo ang gamit ko sa lugar niya nang wala man lang pahintulot ko?! Dad, ano bang gusto ninyong gawin sa akin? Hinayaan ko kayong ipagkasundo ako sa lalaking iyon pero sobra na naman ata kung pati ang pagtira ko sa lugar niya ay iuutos ninyo pa sa akin."
I gritted my teeth and lifted my head a bit to stop the tears from coming out. Hindi ako makapaniwala na ang sarili ko pang magulang ang maglalagay sa akin sa sitwasyong hindi ko kailanman ninais.
"Iyon lang ang naisip naming paraan para makilala ninyo ng husto ang isa't-isa."
"Ayoko siyang makilala, Dad! Dahil ayokong magpakasal sa kaniya!" Hindi ko napigilan at lumabas sa aking bibig ang mga salitang iyon.
Dad looked at me in disbelief. Naitikom ko ang aking bibig at nag-iwas ng tingin.
"Nagkasundo na tayo kagabi, Karina. Hindi ka na pwedeng tumalikod. You can't be selfish now that you know how our company is suffering. Pati si Kayden ay madadamay."
Tumalikod ako at pinalis ang luhang naglandas upang hindi nila makitang umiiyak ako. Paano ba ako makakaalis sa sitwasyong ito nang hindi ko nagagawang tuluyang masira ang pinaghirapan ni Daddy na kompanya? Nang hindi nadadamay ang pangangailangan ni Kayden?
Why I am left with no choice?!
Hindi na ako nakaimik dahil hindi ko na rin alam kung paano igigiit ang gusto ko. Why can't I just be selfish and think of myself? Alam kong malabong mangyari iyon dahil pinahahalagahan ko ang kompanya at si Kayden. Wala akong ibang magagawa kundi ang maging sunod-sunuran sa gusto ng magulang ko.
Tuta. Baka nga ako 'yong tuta dahil hindi ko sila magawang suwayin kahit gaano ko pa kagustong makatakas sa sitwasyong ito.
"Nakipaghiwalay ka na ba sa boyfriend mo?" Malamig na tanong ni Daddy pagkatapos ng ilang minutong katahimikang nagdaan.
I swallowed the imaginary lump in my throat and dry my wet cheeks. Hinarap ko silang dalawa ngunit mas pinili kong iwasan ang kanilang mga mata.
Wala sa sarili akong tumango.
"Good. Ayokong makikita kang kasama ang ibang lalaki bukod kay Hendrix. Masisira ang reputasyon mo sa kaniyang mga magulang. At ayokong mangyari iyon."
My eyes turned blur again because of tears, therefore I have no choice but to nod like a dog. Bakit pa sila humingi ng pasensiya kung patuloy pa rin pala nilang didiktahan ang mangyayari sa buhay ko. And now, I don't know if I should still call this house my home kung pati dito ay nahihirapan akong maging masaya.
Mom went to me and hugged me. Hindi ko napigilan at bumuhos na parang gripo ang aking mga luha. Inalo niya ako na parang bata ngunit hindi ko naman narinig mula sa bibig niya ang gusto kong marinig. I want her to say na magkakampi kami, na hindi niya hahayaang magpakasal ako sa isang taong hindi ko mahal. But it never came.
"We're just doing what's best for you." She whispered soothingly in my ears.
Umiling ako. "You're doing what's best for the company and Kayden, Mom. Hindi para sa akin."
Sapilitan akong humiwalay kay Mommy at nagtatakbo paakyat sa engrande naming hagdanan. Nagkulong ako sa kwarto magdamag at pinadala na lamang ang dinner sa loob. Pero hindi ko rin iyon nagalaw dahil ginugol ko ang buong magdamag sa pag-iyak. I can't even call Lawrence to tell him how much I am suffering now dahil pati siya ay pakiramdam ko binibigyan ko lamang ng problema.
He did everything for me yet I can't even give him what he wants: ang makilala siya ng aking mga magulang. Gusto niyang maging legal ang relasyon namin pero ang labong mangyari no'n ngayon dahil sa sitwasyon ko. And now, he's my biggest secret. Masakit iyon dahil sinong tao ang gustong maging sikreto ng taong minamahal nila.
I let out a loud sob thinking that it would help me to calm. Ngunit mas lalo lamang nanikip ang aking dibdib at panibagong mga luha ang nagbagsakan.
I guess there's no other route out of this. Dahil sa parehas na labasan ng maze na ito ay nakaharang si Kayden at ang kompanya. And I will be suffering for the rest of my life inside this maze.
Saturday nang makatakas ako sa mansion dahil wala sina Daddy. Nagkita kami ni Lawrence sa mall at gustuhin ko mang sabihin sa kaniya ang tungkol sa paglipat ko sa condo ni Hendrix ay ayoko namang sirain ang date namin. Hindi na nga naging maganda ang monthsary namin kaya ayaw kong sirain pati ang araw na ito.
And I indeed enjoy that day with him. Tuluyan lang nasira ang nalalabi kong kasiyahan nang ihatid ako ni Mommy at Daddy sa mismong tower kung saan nakatira si Hendrix.
"Good morning, Tita, Tito, come in." Hendrix welcomed both of my parents but not me.
Matalim na tingin ang pinukol ko sa kaniya nang sulyapan niya ako sa likod ng aking mga magulang. He gave me that annoying sneering smirk and made my parents let in. Sumunod ako sa kanila at hindi maiwasang punahin ang kabuuan ng kaniyang unit.
He was on the most top floor and already has this penthouse at the age of 20. Inikot ko ang buong paningin sa loob at hindi maiwasang mamangha. It has a manly interior with black and white as its color. Two-storey condo unit with a spiral staircase towards another floor. Marble ang ginamit na tiles sa floor at malaki ang glass wall na nasa harapan at hinahantad ang kalakhan ng syudad ng Tagaytay.
I walked near the sofas and silently admire the skyscrapers outside. Pati ang langit ay malinis at tirik na tirik ang pang-umagang araw sa labas. Umangat ang tingin ko at napansin ang isang modernong chandelier. Sa hindi naman kalayuang pasilyo ay natanaw ko ang kaniyang kitchen at dining area. Malinis at maluwang ang kaniyang condo. May magandang view ng Tagaytay sa harapan. Hindi na rin masamang tumira dito kung sana lang ay hindi katulad niya ang makakasama ko.
"What do you want? Coffee or juice? Pasensiya na po at wala akong katulong dito sa condo. I was living alone."
Naputol ang pang-uusisa ko sa kabuuan ng condo nang marinig na magsalita si Hendrix. I noticed that he has this accent when speaking tagalog. Siguro ay dahil ingles ang nakasanayan niyang lenggwahe.
"Huwag ka nang mag-abala, hijo. Hinatid lang talaga namin dito si Karina. At huwag ka ng mag-alala sa katulong, Karina can take care of you."
My eyes went round when I looked at my Dad. Anong sinasabi niya? Ni hindi nga ako humahawak ng sandok at walis sa bahay namin, dito pa kaya?
Hendrix glanced at me and faked a smile. Halos mapangiwi ako dahil sa kaplastikan ng lalaking ito. Porque nasa harap niya ang mga magulang ko ay umaastang akala mo santo.
"Inaasahan kong pagsisilbihan ako ni Karina." He said indulgently.
Hindi mo ako katulong! I want to shout it that to him but I refused myself to do so dahil nasa harapan namin ang magulang ko. Pinigil ko ang sarili na huwag sumabog dahil sa inis at pilit na tumahimik habang may sinasabi si Daddy sa kaniya.
"Oh, siya at hindi na kami magtatagal, Hendrix. Babyahe pa kami papuntang Taguig." Dad looked at me and walked near me.
"Aalis na kami, hija. Be a good girl." He kissed my cheeks and turned his back on me.
Be a good girl? Mukha ba akong masamang tao para bilinan niyang magpakabait? Huminga ako ng malalim dahil sa mga iniisip at sinundan sila palabas.
Isang beses pa muli akong niyakap ni Mommy bago sila tuluyang umalis. I sighed aggressively that caught Hendrix's attention. At bago pa man din magtagpo ang mga mata namin ay bumalik na ako sa living room at muling mabilis na pinasadahan ng tingin ang buong kabahayan.
"Saan ang kwarto ko?" Malamig kong tanong.
Inangat ko ang tingin sa pangalawang palapag ngunit hindi ko naman makita mula dito ang kabuuan nito.
"Follow me."
I gasped when I noticed how he said that like I am just some of his dogs. I gritted my teeth in anger ngunit pinigilan ko ang sarili na singhalan siya. Sa halip ay nanatili akong tahimik na sumunod sa kaniya sa itaas.
Malawak at malinis rin ang hallway sa pangalawang palapag. May isang halaman sa paso akong nakita at agad pumasok sa aking isip na magtanim ng roses sa balcony sa ibaba. Kanina ay natanaw ko na may halaman siyang nakalagay sa balcony at mas gaganda iyon kung malalagyan ng ilang bulaklak.
I only stopped myself from planning of redecorating his house when I remembered that I don't like it here.
"Ito ang kwarto mo."
Hindi ko namalayang tumigil na siya dahilan upang tumama ako sa kaniyang malapad na likod. Para naman akong humampas sa bato dahil sa tigas. Hinawakan ko ang aking noo at umatras palayo sa kaniya.
"What are you doing? Gusto mo bang dumikit sa'kin?"
Marahas akong napaangat ng tingin dahil sa sinabi niya. "Ano?!" Galit kong usal.
He smirked with no humor and crossed his strong arms on his chest. He even tilted his head on the other side as if mocking me.
"Nasa teritoryo kita, titira ka dito, pero hindi ibigsabihin ay may karapatan ka ng dumikit sa akin."
My irises went bigger because of his shameless remarks. Damn, the devil is so full of himself!
"Excuse me? At saan mo nasagap ang impormasyon na gusto kong dumikit sa'yo?"
Nakipaglabanan siya sa akin ng titigan at kung nakakapaso lang ang apoy na nag-aalab sa aking mga mata ay paniguradong abo na siya ngayon. Dumaan ako sa kaniyang gilid at mabilis na pumasok sa kwartong binuksan niya ng pinto.
The room is large with a queen size bed on the center. May side table sa gilid na mayroong maliit na alarm clock. Sa tabi ng isang malaking cabinet ay naroon ang study table. Naningkit ang aking mga mata nang mapansin na nakaayos na ang mga sapatos at bags ko sa lagayang nakikita ko. Dad and Mom really made sure na wala nang dahilan upang makatakas ako sa condo'ng ito.
"Sinabi ni Tita na ibigay ko sa iyo ang isa sa malalaking kwarto. This is the guest room, princess."
I was glaring when I returned my eyes on him. Alam kong ginamit niya ang salitang iyon upang tuyain ako. Inaakala niya na prinsesa ang turing sa akin ng mga magulang ko. Which is true naman.
"Kung nagugutom ka, pumunta ka sa kusina at magluto. Kung may problema, katukin mo lang ako sa kwarto ko. Iyong dulong pinto ang kwarto ko." Aniya at umambang tatalikod ngunit muli akong hinarap.
"And one more thing, huwag mo akong kakausapin kung hindi kailangan."
I scoffed in disbelief. "Huwag kang mag-alala. Ito ang una at huling mag-uusap tayo sa loob ng bahay mo!"
Tinaasan niya ako ng kilay na para bang hindi naniniwala. Kaunti na lang talaga at sasabog na ako sa galit dahil sa lalaking ito.
"Ano nga bang sinasabi ng matatanda? Huwag magsalita ng tapos, baka kainin mo sa huli." He mocked.
Kinuyom ko ang aking mga palad at nagtaas-baba ang aking dibdib.
"Hipokrito ka! Ang bait mo sa harap ng mga magulang ko pero napaka-sama ng ugali mo kapag tayo na lang dalawa!" I lashed.
Hindi man lang nabali ang bagot niyang ekspresyon sabagkus ay nginisian pa ulit ako ng demonyo.
"May girlfriend ako, Karina. I may be bounded to marry you but I will do everything to not make it happen."
"Then why don't you do it now?! Akala mo ba gusto kong magpakasal sa'yo?"
He shrugged lazily. "Wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ipaalala sa'yo, nasa bahay man kita at nagsasama tayong dalawa ay hanggang doon na lang iyon. Don't expect that we can get along."
"The feeling is mutual-"
"And never try to flirt with me."
Pinaypayan ko ang aking sarili dahil pakiramdam ko ay bigla akong napapalibutan ng apoy. The guts of this man! Gwapo siya pero hindi ang tipo ng pagpapantasyahan at papangarapin ko. Why, he's so full of himself!
"If you think I like living with you, you can think again! Talk about your monumental ego! Ang yabang mo! Madapa ka sana mamaya!" I snarled and aggressively shut the door.
Tumalikod ako at naglakad patungo sa kama ngunit nadapa ako nang hindi sinasadya ay nadali ang paa ko sa maletang nasa carpet. I bit my lower lip to suppress a painful scream.
Nakakainis!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top