#HIW05
Entry 05
"The company is losing."
That what made me stopped from my plan of walking out. Marahas akong tumalikod ulit upang maharap si Daddy. Nanatili siyang nakatayo malapit sa hamba ng hagdanan at sa napapagod na mga mata ay tinitigan ako.
"What do you mean, Dad?" Naguguluhan ko pa ring tanong.
He sighed and took one step towards me ngunit huminto rin agad. Hindi ko matiis ang saglit na katahimikang bumalot sa'ming dalawa dahil gusto ko nang maintindihan ang nais niyang iparating.
"Karina, listen. The company has been on the verge of losing in the last five months. Your mother and I did everything to save it, but..." He trailed off.
Napako ako sa sariling kinatatayuan nang makita ang sakit na dumapo sa kaniyang mukha. Bata pa lamang ako ay namulat na ako na may kakayahan ang mga magulang ko na pag-aralin ako sa magandang escuelahan at ibigay sa akin ang mga bagay na kailangan at gusto ko. In other terms, I was born having a silver spoon on my mouth.
But Dad never failed to make me realize of how much he worked hard to build the company by himself. Na siya rin ang dahilan kung paano at bakit nakapag-aral ang mga kababata niyang kapatid. More than anyone, I know how much he treasures the company. Para sa kaniya ay para na rin niyang anak ang kompanya. Na kung mawawala ito sa kaniya, para na rin siyang pinatayan ng anak.
"You know what I mean, anak. Please don't make it hard for me, sa amin ng Mommy mo. I never wanted to decide for whom you want to marry but we need to do this."
Nagtiim bagang ako at iniwas ang tingin sa kaniya. Ayaw niyang magdesisyon para sa'kin pero iyon mismo ang ginagawa niya. Ayokong magalit sa mga magulang ko dahil bukod kay Lawrence, pamilya ko na lang ang mayroon ako. At hindi ko hahayaan ang anomang sirkumtansiya sa buhay na ito ang maging dahilan para lumayo ang loob ko sa kanila.
But life is really challenging me now. Bakit kailangang pagsabay-sabayin ang problema ko? Hindi ba pwedeng isa-isa lang?
"Bakit kailangang humantong sa kasal, Dad? Can't they help us without the sanctity of marriage?"
Muling humakbang si Daddy palapit sa akin.
"And they are our competitors." I added.
May ideya na ako kung bakit gusto niya akong ipakasal sa anak ng mga Alvarez pero gusto ko pa ring marinig mismo mula sa bibig niya ang dahilan.
"Exactly. At pumapabor sa atin na willing silang tulungan ang pabagsak nating negosyo."
"With me marrying their son! Dad, ayoko!" Hindi ko napigilan at bumulalas ako ng iyak.
I'm still very young, only 20, yet I am here, bounded to marry someone I don't even know. I know how businesses works pero ni minsan sa dalawampu't-isang taong nabubuhay ako ay naisip kong ipapakasal ako sa isang taong hindi ko lubusuang kilala. At higit sa lahat ay ang ipagkasundo ako nang hindi ko man lang nalalaman.
"Darling," Dad called me soothingly. "Wala tayong ibang pagpipilian kundi ang i-merge ang company natin sa kanila-"
"What about the de Ayala's? Dad, kamag-anak natin sila!" Umahon ang pagasa sa aking puso nang maalala ang kamag-anak namin.
I am certain that they can help us. We are family after all.
"Magkaibang daan ang tinatahak ng negosyo natin at ng de Ayala. And they just had signed a contract with another construction company."
Kumunot ang noo ko. Hindi ako nakakasigurado kung gumagawa lang ba ng dahilan ang ama ko para sumang-ayon ako sa kaniya o totoo ang lahat ng lumalabas sa bibig niya. But no. There's no way in hell I will marry that man.
"Pwede tayong umutang sa kanila para makapagsimula ulit at mabawi-"
"I have shares in the de Ayala's Corp but it's not enough. And it's not just as simple as you think it would be to resolve this. Binibigyan na tayo ng napakadaling paraan para hindi tuluyang bumagsak ang negosyo natin. The Alvarez's genuinely offered their help on us."
At kapalit no'n ay ang pakasalan ko ang anak nila! I want to scream frustratingly but I need to think of other ways to get out of this. I am sure that there is another option to save the company.
"What about the Delavin's? They are your friend! Malaki ang livestock business nila-"
"I already asked for their help. They already lend me money but it's not enough, Karina. At mababaon tayo sa utang kung uutang pa ulit ako."
Hindi ako nakaimik. Sinubukan kong mag-isip ng iba pang paraan, ng iba pang kakilala na maaaring tumulong sa'min ngunit wala na akong maisip. At gusto kong mainis sa sarili dahil wala na akong maisip na iba. Muling nagbuka ng bibig si Daddy nang hindi ako kumibo.
"I know you love the company, Karina. It will be your legacy. At ikaw ang mamamahala nito sa takdang panahon. I believe you don't want to lose it as much as I don't want, too."
Nag-angat ako ng tingin sa kaniyang mukha. I sniffed and wasn't able to react again. Totoo iyon. I love the company. Bata pa lamang ako ay hindi na nakalimot ng paalala sa akin si Daddy na ako ang sunod na mamamahala noon. Despite my fear of handling it because I have doubts and insecurities about my leadership skills, I still want to hold it. Ayokong mapunta sa iba ang pinaghirapan ng magulang ko para sa aming dalawa ng kapatid ko.
"May boyfriend ako, Dad." I voiced out.
Paano si Lawrence? Paano kapag nalaman niya 'to? Isang buwan pa lamang kaming may relasyon at hindi pa humahantong ang imahinasyon ko sa pagpapakasal sa kaniya ngunit hindi ko rin naman gustong bigla na lang siyang ibasura gayong siya itong mahal ko.
Kung magpapakasal lang rin naman pala ako sa batang edad, then I rather marry the man I love.
And I don't love Hendrix. Ni hindi ko siya kilala bukod sa pangalan at hitsura!
"Broke up with him." He announced drily.
My eyes went round with his heartless respond. Hindi iyon ang inaasahan kong magiging sagot mula sa kaniya pagkatapos kong aminin na may boyfriend ako. Akala ko ay susubukan niya akong maintindihan.
"Dad, mahal ko si Lawrence."
"Siya ang una mong nobyo, tama ba ako?"
Mabilis akong tumango. Umayos siya sa pagkakatayo at tumango rin, iniwas ang tingin sa akin.
"Normal lamang sa edad mo ang magkaroon ng unang nobyo. Makakalimutan mo rin siya kapag nakagaanan mo ng loob si Hendrix."
Muli ay umahon ang galit sa aking dibdib. I can't believe this!
"Dad, naririnig mo ba talaga ako? May boyfriend ako at mahal ko si Lawrence. I won't leave him just because I am forced to marry someone I don't know!"
"Kilala mo si Hendrix-"
"Bukod sa pangalan at hitsura ay hindi ko na siya kilala!"
Dad stilled when I shouted. Agad akong nagsisi dahil sa pagtataas ko ng boses sa kaniya. Pinalis ko ang luha sa aking pisngi at huminga ng malalim.
Paano ba niya ako maiintindihan?
"Dad, ayoko. Ayokong magpakasal." Pakiusap ko habang mahinang humihikbi.
"Si Kayden," He said that made me stopped from wiping the tears away.
"Hindi pwedeng maubusan ng gamot ang kapatid mo. Regular din ang therapy niya. Kapag bumagsak nang tuluyan ang kompanya, ang kapatid mo ang pinakamahihirapan. Isipin mo na lang kung paano natin maibibigay sa kapatid mo ang pangangailangan niya kapag tuluyan tayong nawalan ng source of income, Karina."
I gritted my teeth and looked away. Mas lalo akong nalito kung ano ang dapat gawin. I love my younger brother. Wala akong ibang hinahangad para sa aking kapatid kundi ang magkaroon siya ng komportableng buhay. Dahil sa kalagayan niya, mas kinakailangan niya ang regular na pagpapagamot. Kung ako lang ang mahihirapan ay kakayanin ko, ngunit kung kasama ang kapatid ko... hindi ko kaya.
"I'm still young..." My last resort.
Mariin akong pumikit at kinuyom ang kamay. Pero kahit ano pang gawin kong rason, alam ko sa sarili ko na hindi ko kakayaning isugal ang kalusugan ng aking kapatid.
Damn. Fuck life!
"Hindi pa naman kayo magpapakasal agad. You still have two years to get to know each other. Pagka-graduate ninyo'y 'tsaka natin pag-uusapan ang kasal. I don't want to give you to any man, Kare, but we have no choice." Bakas ang pagsusumamo sa kaniyang tono.
I felt his arms spread around me and hugged me tightly. My lips parted and sobbed a bit louder nang hindi ko na kinaya ang paninikip ng aking dibdib dahil sa pinipigilang hikbi.
I am torn between agreeing to the fixed marriage with Hendrix to save the company and for my brother, and to my relationship with Lawrence. Kaka-isang buwan palang namin ngunit binibigyan na agad ako ng dahilan ng mundo para isuko ang isang taong lubos kong pinahahalagahan.
What will be my days at school without him? Kapag nawala si Lawrence sa buhay ko, mag-isa na ulit ako. Ayaw ko.
Ilang beses ko ba dapat sabihin at isigaw na 'ayoko' para naman marinig ako. Bakit parang ang hirap-hirap kong marinig? Bakit palaging dapat ako ang nahihirapan?
Humiwalay ako kay Daddy at pinunasan ang basang pisngi gamit ang sariling palad. Suminghot ako at hinayon ng tingin ang tahimik na pasilyo patungo sa dining area kung nasaan ang mga bisita.
"I'm sorry, anak."
I lifted my head just to see my Dad also in tears. My heart tears into two seeing him like this. Mabilis kong ginagap ang kaniyang mga kamay at umiling. Ayoko man ngunit wala rin naman akong ibang pagpipilian. O kung mayroon man, iyon ay ang talikuran ko ang sarili kong pamilya. And that will be the last thing I will do in this life.
"Ayoko, D-Dad," my voice croaked as a new set of tears fell but I forced myself to speak.
"Pero wala na rin naman akong magagawa para mabali ang desisyon ninyo para sa'kin, 'diba?" I uttered painfully.
"Hindi namin sinabi sa'yo ng Mommy mo ang tungkol dito dahil alam kong hindi ka papayag. And I apologize for doing that, anak. I may now look like the most heartless father you'll ever meet but know that I am only doing this for you and Kayden."
Gusto kong tumanggi ng paulit-ulit hanggang sa makaramdam siya sa akin ng awa ngunit wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak. At hindi ko man isinatinig, alam kong ginawa nang senyales ni Daddy ang hindi ko muling pagtanggi bilang pagsang-ayon.
"Dito ka umupo, honey." Mom stood and guided me towards the next chair beside Hendrix.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Dad ay ilang minuto pa akong umiyak bago nagpasyang ayusin ang sarili sa itaas at muling bumaba upang masaluhan ang mga bisita sa hapunan. I forced myself to smile even I know that it will only look like fake.
Umupo ako sa silyang gusto ni Mommy at hindi tinangkang sulyapan kahit isang beses ang katabi ko. My eyes are still swollen and I'm just thankful that the other two oldies didn't notice it. Hindi ko rin alam ang irarason kung tatanungin nila kung bakit namumugto ang aking mga mata.
I only finish half of my food because I lost my appetite. Sa tuwing naaalala ko ang pag-uusap namin ni Daddy ay gusto ko na lang bumulalas ng iyak. Idagdag pa na hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Lawrence ang nangyaring ito.
Sa hapag ay naging payapa ang atmospera. Ang totoo, ako lang naman talaga ang may magulong isip ngayon. Paminsan-minsan ay nakikisali si Hendrix sa usapan at pagkatapos ay tahimik na muling kakain. Nanatili naman akong walang imik dahil tungkol sa negosyo ang kanilang pinag-uusapan.
Hindi na nila muling napag-usapan ang tungkol sa engagement dahil inakala nilang alam ko na ang tungkol roon. I want to smirk with no humor thinking that I was deceived by my own parents.
Kuryuso ang mga magulang ni Hendrix sa library ng mansion namin dahilan upang mahikayat sina Daddy na ayain sila patungo roon upang makita. Doon dumiretso ang matatanda pagkatapos kumain. Nang makita kong tumayo rin si Hendrix upang sumunod ay nagmadali akong umalis sa kinauupuan at hinabol siya.
"Sandali lang, Hendrix!" Habol kong tawag sa kaniya.
Huminto siya at hinarap ako. Biglaan naman ang pagtigil ko at mumuntik pang mabangga sa kaniya dahil sa bilis ng aking takbo. Para akong nilagutan ng sariling hininga nang muling magtagpo ang aming mga mata. Tila ako nakatitig sa isang malalim at malamig na kadiliman.
"What?" Malamig niyang untag.
I gasped silently and blinked twice. Umatras ako ng isang hakbang upang mabigyan ng distansiya ang pagitan naming dalawa. I took a deep breath before finally speaking my mind. Ito na lang ang huling naiisip ko para parehas naming matakasan ang plano sa aming dalawa ng mga magulang namin.
"May girlfriend ka 'diba? Bakit ka pumayag sa arrangement na ito?"
Nagkasalubong ang dalawa niyang makakapal na kilay. Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa pag-ahon ng hindi pamilyar na pakiramdam. Pinaghalong kaba, takot... at hindi ko alam.
"Akala mo ba gusto kong magpakasal sa'yo?" A cynical smirk plastered on his face.
"Then sabihin mo sa magulang mo na ayaw mo." I pleased, hoping that this would work.
I am very sure that he also doesn't want this.
Mas lumalim ang gitla sa noo niya nang marinig ang sinabi ko. Tila ba hindi niya ako maintindihan at ibang lenggwahe ang ginamit ko. My eyes unconsciously went to his body. I gulped subtly when I realized how big he is. Nakikita ko na siya madalas sa campus, kung minsan ay nakakapanood ako ng laro sa gymnasium at napapansin ko siya. He is really tall and muscular.
Pero madalas ay sa malayo ko lamang siya nakikita. Ngayon ko lang siya natitigan nang malapitan.
No. Pati pala noong nasa People's park ako. I accidentally hit him with the rocks. Pero may ilang pulgada pa ring layo iyon. Now, it's more noticeable how bone-chilling man he is. Titigan pa lang ay may takot ka nang agad na madarama, idagdag pa ang malamig at walang emosyon niyang boses na para kang nakikipag-usap sa yelo.
"Akala mo gano'n lang 'yon kadali?"
Nakuha niyang muli ang aking atensiyon nang magsalita siya. I braved myself to look at his eyes.
"Parehas nating hindi gusto ang isa't-isa. I am certain of that. At ikaw lang ang may kakayahan para hindi matuloy ang binabalak nila-"
"Bakit ako lang? Ikaw ang gumawa kung gusto mong 'wag matuloy ang kasalan!"
Bumagsak ang dalawa kong balikat. "Kung kaya ko lang sanang baguhin ang isipan ng mga magulang ko ay nagawa ko na."
Hindi man lang nagbago ang emosyon sa mukha niya nang sabihin ko iyon. Nanatiling nakakunot ang kaniyang noo at walang awa akong pinagmasdan.
"Then suffer from your parent's decision."
Mabilis na umahon ang galit sa aking puso dahil sa sinambit niyang iyon. Umamba siyang tatalikod ngunit nagsalita na ako bago pa man din niya ako maiwan.
"Tuta ka ba? Sunod-sunuran ka sa gusto ng mga magulang mo kahit hindi mo gusto-" But he cut me off.
"Lumabas pa talaga sa bibig mo. Hindi ba't gano'n ka rin? Wala kang ibang pagpipilian kundi ang magpakasal sa'kin."
"Dahil hindi ko kayang suwayin ang mga magulang ko!"
I saw him clenched his jaw repeatedly and how his eyes produced an unfaltering desire to hurt. For a moment, I was scared. Takot na ngayon ko lang naramdaman sa isang tao. He's big and obviously capable of hurting me physically but I want to think that he's not savage as his body.
Napahawak ako sa lamesang nasa gilid at tatlong beses na humakbang paatras dahil sa takot na baka bigla niya akong hilahin at hawakan sa leeg.
"Ito ang tatandaan mo, hindi kita gustong pakasalan." May diin sa bawat salitang saad niya.
"Then call off it!" My voice slightly shakes because of fear.
"May sira ka ba sa ulo o sadyang bobo ka lang? Sabing hindi 'yon gano'n kadali! Tangina naman."
Then he walked out. Bakas ang galit sa kaniyang mukha at hindi na muling lumingon hanggang sa mawala siya sa aking paningin. My leg wobbled and I have to find a chair to sit into. Napahilamos ako sa aking mukha at pinigilan ang sarili na bumulalas ng iyak.
Naninikip ang aking dibdib at gusto ko na lang sumigaw habang bumubuhos ang luha ko. I want to curse so loud at him for wrongly accusing me that! Wala siyang pinagkaiba sa mga taong kinukutya at nilalayuan ako ng walang katanggap-tanggap na dahilan. They are all the same!
I bit my lower lip to suppress a sob. I know I am a recipient of hate and grimace, no doubt Hendrix yelled at me angrily. Pero nakakainis siya! Nakikipag-usap ako sa kaniya ng maayos para parehas kaming makawala sa kadenang mga magulang namin ang naglagay pero parang wala naman ata siyang balak na kumawala!
Hindi ko sinadya na sabihan siya ng tuta ng pamilya niya pero hindi ko rin alam kung bakit bigla niyang napaahon ang galit sa aking puso. I am always tamed and proper talking with others because I want them to like me, pero hindi iyon ang nangyari sa pagitan namin ni Hendrix. And until now, the hate blood is pumping in my heart.
"Napakaganda mo talaga, hija. Nakakasigurado na akong maganda at gwapo ang magiging anak ninyo ni Hendrix."
Napaismid ako sa huling sinabi ni Tita Kristine. Why, she's too advanced! Nahagip ng aking mga mata si Hendrix na nasa tapat na ng kanilang mamahaling sasakyan at mukhang nangangati nang umuwi. I rolled my eyes at him and bid a farewell to Tito Tristan.
After bidding of goodbyes ay dumiretso na sila papasok ng kanilang sasakyan. Nang matanaw na nakalabas na ng gate ang kotse ay nagpaalam na akong didiretso sa kwatro. Mom tried to talk to me but Dad stopped her. Pagod na rin ako at hindi ko na kaya pa ang pangalawang pag-uusap tungkol sa fix marriage na iyon.
I took a warm shower and quickly crawled to my bed to sleep. At normal na ata talaga para sa akin na umiyak muna bago tuluyang makatulog. Agad akong hinila ng antok dahil sa pisikal at mental na pagod. Kinaumagahan ko na muling nabuksan ang cellphone at nabasa ang tambak na mensahe mula kay Lawrence.
Umusbong ang kaba at sakit sa aking puso. I typed my reply and decided to tell him about my arrange marriage with Hendrix. At umaasa ako na maintindihan niya ako. Kung hindi man at piliin niyang iwan ako, wala akong magagawa.
But thinking about that can already bring me to the near-death. I can't afford to lose him. Siya ang tanging taong tumanggap sa akin sa paaralang iyon. Sana naman ay hindi siya agad bawiin sa akin. Sana hindi na siya bawiin sa akin.
Lawrence:
Sa gymnasium kita susunduin.
Pagkatapos ng huli kong klase sa umaga ay dumiretso na ako sa gymnasium katulad ng sinabi ni Lawrence sa mensahe niya sa akin. Kanina pa ako kinakabahan sa magiging reaksiyon niya pero gusto kong maging positibo.
Pumasok ako sa loob ng gymnasium at sumalubong sa aking tainga ang maiingay na friction shoes ng players. I licked my lower lip and searched for an empty seat. Nang bumaling sa akin ang isang grupo ng mga estudyante na nakaupo sa unahan ay sabay-sabay silang suminghap at lumipat ng pwesto.
Natigilan ako dahil sa naging reaksiyon nila sa aking presensiya. I sighed and occupied the seat they abandoned. Hindi naman na ako bago sa pag-iwas nila sa akin pero hanggang ngayon kasi ay umaasa ang puso ko na, isang araw, magbabago ang trato nila sa akin. That they will learn to like and accept me.
Pinaglaruan ko ang porselas sa aking palapulsuhan habang naririnig ang hagikgikan ng mga estudyante sa paligid. Ang ilan ay sumisigaw ng pangalan ng mga players. Out of curiosity, I lifted my eyes to the court. But I only have to regret it as soon as possible when I met Hendrix's eyes.
Suot ang kulay puting jersey at tumatagaktak ang pawis sa noo at leeg ay tumakbo siya patungo kung nasaan ako. Eyes still cold and dark, face is impassive. The beating of my heart doubled with the thought of him nearing.
Teka, bakit ba 'to lumalapit?
"Bakit ka nandito?" Malamig at mahina niyang tanong, sapat lang para sa aming dalawa.
My forehead creased with his question. "Pakialam mo ba? Pag-aari mo ba 'tong gymnasium?"
Tinaas niya ang kanang kamay at mula sa Gatorade na hawak niya ay uminom siya roon. Nag-iwas ako ng tingin ngunit muli ring ibinalik sa kaniya sa hindi ko malamang dahilan. He shrugged when he finished drinking.
"Ayokong malaman ng teammates ko ang relasyon ko sa'yo."
Naramdaman ko ang pagsagi ng sakit sa aking puso. It's like everyone else. Ayaw sa akin ng lahat. Pati ng sarili kong so-called-fiance. My eyes heated for upcoming tears pero mas pinili kong mainis kaysa magmukhang nakakaawa sa harap niya.
Nagtaas-baba ang aking dibdib dahil sa galit na umusbong sa aking puso. Bukod pala sa pagiging mapanghusga ay napakayabang din ng lalaking ito. Kung malaman siguro ni Daddy na ganito ang ugali nito ay baka magbago ang isip niya na ipakasal ang unica hija niya sa isang katulad ni Hendrix.
"Napaka-feeling mo naman para isiping nandito ako para ipaglandakan sa kanila na may relasyon ako sa'yo." I hissed angrily.
He shot his eyebrow up and twitched his lips for an amusing smirk.
"Lumalaki butas ng ilong mo kapag nagagalit. Ang pangit tignan."
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat. Napatayo ako ngunit naging kahiya-hiya lang ang height ko sa tangkad niya. Nevertheless, I am mad!
"Nakakapikon ka na, ah! Umalis ka nga sa harap ko!"
Hindi pa man din ako tapos sa pagpapaalis sa kaniya ay nanunuya na siyang ngumisi at tumakbo pabalik ng court. Tila ako hinihingal dahil sa mabilis na pagtaas-baba ng aking dibdib. Damn him. Ni hindi pa ako nagalit ng ganoong husto sa isang tao.
I glared at his back and sat again. Nang bumaling ako sa gilid ay naabutan ko ang pagbubulungan ng ibang mga estudyante at nakatingin sa akin.
"Sino ba siya para sigawan si Hendrix? Napaka-feeling entitled naman ng babaeng 'yan." They murmured that I heard.
Bumagsak muli ang tingin ko sa aking kandungan at kinalma ang sarili. I was very close to crying when I saw a familiar hand reached mine. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang nakangiting mukha ni Lawrence. And suddenly, I felt safe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top