#HIW04
Entry 04
I awkwardly smiled while staring at him. Nasa harap na kami ng aming bahay at inabot kami ng dilim sa daan. Gusto ko siyang bumaba at ipakilala sa aking mga magulang ngunit ayaw ko naman silang biglain. Siguro ay ako muna ang kakausap kina Mommy. I am certain that they will be shocked when I told them that I already have a boyfriend.
"Gusto kitang ipakilala kina Mommy," I voice out.
He smiled cooly and nodded. Nakita ko kung paano siya umamba nang pagtatanggal ng kaniyang seatbelt kaya muli akong nagsalita.
"Pero ako muna ang kakausap sa kanila. Ayoko silang biglain."
Natigil ang kaniyang planong pag-alis sa seatbelt at muling inangat ang tingin sa akin. Marahan akong lumunok nang magtagpong muli ang aming mga mata. I've been going out with him for almost a month now but until now I can't get myself used to his killer smile.
And my heart started to beat madly again. Kanina pa sila nagwawala at tumigil lang saglit ngunit nagsisimula na namang muli. Ilang minuto pa lang ang nagdaan simula nang maging official kaming magkasintahan at hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang boyfriend ko.
It just seems so impossible from the beginning. Magkaiba kami ng mundong ginagalawan. While he can get all the attention by being famous on the campus, I am the opposite. Wala akong ibang kaibigan bukod sa kaniya. Tingin sa akin ng ibang tao, nakakaawa. Samantalang siya, hindi pa siya nagtataas ng daliri ay sunod-sunod na tapon na ng paghanga ang nakukuha niya.
"Okay. I can patiently wait, Kare."
I smiled wistfully. Binagsak ko ang tingin sa aking hita at muling hinaplos ang kahon ng regalo niya sa aking perfume.
"Sigurado ka ba sa'kin?" I can't hide the insecurity in my voice.
Hindi ko siya tinangkang balingan ngunit mas naramdaman ko kaysa nakita ang pagkakasalubong ng kaniyang kilay.
"Anong ibig mong sabihin?" Kritikal niyang tanong.
I licked my lower lip and took a deep breath before I finally lifted my eyes on him again. At katulad ng inaasahan ko, nakakunot ang kaniyang noo. He has soft features despite having a dark skin tone, but tonight, right now, I noticed how scary he can be when angry.
Hindi ko alam kung bakit may bumundol na kaba sa aking dibdib.
"I'm not famous. O kung popular man ako sa escuelahan ay hindi sa kadahilanang gusto nila ako kundi kinamumuhian nila ako."
I saw him clenched his jaw repeatedly and shook his head as if disappointed with me. Bumuntong hininga siya at ginagap ang aking kamay. When the skin of our hands touched, I instantly felt the electricity. Ang tambol sa aking puso ay mas lumala.
"Tingin mo ba ay may pakialam ako kung sikat ka o hindi?" He asked grimly.
Umiling ako at iniwasan ang kaniyang titig. "We have two different worlds, Lawrence. I might not fit in yours..." Sa wakas ay naisatinig ko.
"Then I will do anything to fit in yours. I will do anything for our worlds to crash. Nang sa ganoon ay wala nang dahilan para isipin mong hindi tayo para sa isa't-isa."
My heart warms with his words. My eyes heated and I can feel my mind slowly calming. All I wanted is assurance. Dahil natatakot akong maiwang mag-isa. When I met him, pakiramdam ko ay hindi na ako nag-iisa. Ang isipin na mawawala siya sa aking buhay ay hindi ko kakayanin.
"I am an insecure girlfriend, Lawrence. Mahirap akong pakisamahan. Madalas negatibo ang tumatakbo sa isip ko. Pakiramdam ko lagi akong nakakaawa." I laughed humourlessly.
"Will you still like me?" I met his agonizing eyes.
"I fell in love with the helpless Karina. I've seen you in your worst. But, did I falter?"
Nangilid ang aking luha. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay at marahan akong kinabig patungo sa kaniyang dibdib. He enveloped me with a heart-warming hug and I felt so secure in his arms. I buried my face on his chest, savoring the solemnity of his embrace.
"Thank you for coming into my life. Thank you for accepting me when everyone turned their back on me."
Hindi ko napigilan at bumuhos na parang gripo ang aking mga luha. His fingers caressed my hair and I felt his lips touched the top of my head. I always cry for the reason of being helpless, for being hopeless. Pero ngayon, ang luha na pumapatak sa aking mga mata ay sanhi ng labis-labis na kasiyahan at pagpapasalamat na dumating ang katulad niya sa buhay ko.
"You don't have to thank me because I will do everything just to be part of your world. Damn, I don't know what you did to me but I fell so hard. I don't know how to get up anymore."
I sniffed and withdrew from the hug. Pinunasan ko ang aking pisngi at mahina siyang tinawanan. Through the mist of my eyes, I saw him smirked, too.
"Do you have plans on getting up?" I asked playfully.
He let out a harsh bark of laughter. Kinagat ko ang aking labi dahil sa lakas ng kaniyang pagtawa. Tumigil rin naman siya kalaunan at umiiling akong hinagkan sa pisngi bago ako nagpaalam sa kaniya. Patuloy na kumakabog ng malakas ang aking dibdib nang bumaba ako sa kaniyang sasakyan.
Sinundan ko ng tanaw ang papalabas niyang sasakyan sa aming gate bago ako tumalikod at dumiretso papasok. At kung sino man ang makakasalubong sa akin ay iisiping nababaliw na ako dahil abot tenga ang aking ngiti.
Dumiretso ako sa aking kwarto at nilagay sa hilera ng mga perfume ko ang regalo ni Lawrence. Ilang minuto pa akong nakatayo sa harap ng cabinet at tinititigan iyon. Akala ko at magtatapos ako ng kolehiyo nang hindi man lang nakakatanggap ng regalo o makatagpo man ng isang kaibigan.
And how lucky I am for not only finding a friend but also a boyfriend in the same person.
After taking a quick shower, I went downstairs again to look for my parents. Nang hindi ko sila makita sa living room at dining ay dumiretso ako sa library. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang mukha ng aking mga magulang na hindi ako sigurado kung paano ipipinta.
Tila sila tumanda ng ilang taon kaysa sa totoong edad nila. Dad is sitting on his table's chair while Mom is in the sofa. Nang pumasok ako ay narinig ko na silang nag-uusap ngunit hindi malinaw sa akin ang kanilang pinag-uusapan.
Agad na tumayo si Mommy sa kaniyang pagkakaupo at sinalubong ako. Dahan-dahan ko namang sinarado ang pintuan at palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa habang naglalakad palapit.
"May problema po ba?" I asked carefully.
Mabilis na umiling si Mommy, which I find strange. Para bang may nais siyang itago kung umiling siya.
"Wala naman, hija. Bakit ka nandito? Ngayon ka lang ba nakauwi?" Then she looked at her wrist watch.
Tuluyan akong nakalapit kay Mommy at hinalikan siya sa pisngi. Tumigil ako sa kanilang harapan at binalingan si Daddy na hindi naman nagpumilit na ngumiti. Bakas ang pagod sa kaniyang mukha.
"I... I just got home, Mommy." Nag-aalinlangan kong sambit. "Sigurado ba kayong wala kayong problema? You both look tired."
Hindi ko mapigilang mag-alala. Hindi ito ang unang pagkakataon na napansin kong may problema sila. We usually spend the Sunday together bonding and going to church. Ngunit nitong mga nakaraang linggo ay mas naging abala sila at bihira na namin silang makasama ni Kayden. I want to think that it is just one of those normal days in the company na may problemang kinakaharap ngunit hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanilang dalawa.
Seeing my parents tired is one of my weaknesses.
Mom forced a smile that didn't even reach her eyes.
"Katulad mo ay kararating lang din namin ng Daddy mo. Huwag mo kaming alalahanin. What brought you here? May kailangan ka ba?"
Humugot ako ng malalim na hininga at umiling. Gusto kong sabihin sa kanila ang tungkol kay Lawrence ngunit mukhang hindi ata magandang ideya iyon ngayon. Itanggi man nilang may problema sila, hindi iyon ang nakikita ko.
Lumabas ako ng library at dumiretso sa dining area upang kumain ng hapunan mag-isa. Tulog na si Kayden nang makauwi ako, sina Daddy naman ay tapos nang mag-dinner sa labas. Binagsak ko ang tingin sa plato at nilaro ang chicken gamit ang tinidor.
Nag-angat ako ng mukha at hinayon ng tingin ang malayong pasilyo. Mula dito ay hindi ko tanaw ang pintuan ng library dahil nasa bandang dulo iyon ng mansion. I sighed again and continued eating. Siguro naman ay hindi ganoon kaseryoso ang kanilang problema. And knowing Dad, he can easily resolve whatever difficulty they are facing.
The following days are the happiest days of my life. Walang araw na hindi ako umuwi nang walang ngiting nakadikit sa aking labi. After being officially in a relationship with Lawrence, naging mas madalas pa ang paglabas namin. Hindi nga lang siya ang naghahatid sa akin pauwi dahil sinusundo ako ng aming driver.
At sinabi ko na rin sa kaniya na hindi ko muna masasabi sa magulang ko ang relasyon ko sa kaniya dahil mukhang hanggang ngayon ay may problema sila. At madalas rin silang wala sa bahay kaya hindi ko magawang makahanap ng tamang pagkakataon na masabi sa kanila ang tungkol kay Lawrence.
Lawrence understands it and I can't be more thankful for having a boyfriend like him. Bukod sa palagi niya akong pinapangiti at pinapatawa, he never failed on my making me feel that I always got him. Lagi siyang nandiyan at nakikinig sa akin, be it senseless topic or my drama. And he understands me always.
"Ikaw pala ang girlfriend nitong kaibigan namin." A man with porcelain skin and a handsome face twitched his lips.
Ngumiti ako. Binalingan ako ni Lawrence at pinakilala sa kaniyang dalawang kaibigan. Sa mismong unang araw ng pagiging mag-nobya at nobyo namin ay pinakilala niya ako sa matalik niyang mga kaibigan. And just like him, both men are handsome in their own ways.
"I'm Shan, but most girls call me 'baby.'" He said suggestively and shrugged.
Pabiro siyang sinuntok ni Lawrence sa dibdib. "Fuck you, dude. Stop flirting with my girl o uuwi ka ng duguan ang ilong."
Tumawa ng malakas si Shan at inakbayan ang isa pa nilang kaibigan na hindi man lang ngumingiti. Katulad ni Lawrence ay moreno rin ang lalaki. May katamtamang haba ng buhok para sa isang lalaki, malaki ang pangangatawan, at berde ang kulay ng mga mata. Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya ay sinulyapan niya lamang ako at tumango. Ni hindi man lang nag-abalang magpakilala.
"Nagbibiro lang ako. Wala akong planong manulot!" Shan's laugh resonated.
Nagtinginan tuloy ang ibang estudyanteng dumadaan sa aming pwesto. Nang dumapo ang mga mata ng ilang estudyante sa akin ay nakita ko ang pagguhit ng pagtataka sa kanilang mukha. Binagsak ko ang tingin sa aking sapatos at nanikip ang dibdib.
This is just one of those normal days whenever I'm with Lawrence. Tinitignan nila ako na para bang nakakapagtakang kasama ko ang isang katulad niya. Na para bang kasalanan na makitang kasama ako ni Lawrence.
"Nice meeting you, beautiful. Papasok na kami ni Baste." Muli ay inakbayan ni Shan si Baste at hinila paalis habang minumura siya ni Lawrence.
Napangiti ako habang pinagmamasdan si Lawrence na namumula ang mukha dahil sa inis. He returned his attention to me and quickly changed his expression. Nginitian niya ako at inabot ang aking kamay.
"Don't mind that bastard. Hindi ko na siya ulit papalapitin sa'yo." He gritted his teeth.
"Nagseselos ka?" I asked, trying to conceal a smile.
His eyebrow shot up and tilted his head on the other side. Ngumuso ako upang mas mapigilan ang sarili na huwag mangiti.
"Kung kay Shan lang din naman, hindi ako magseselos. Palabiro lang ang lalaking iyon pero nakakasigurado akong hindi niya tatangkaing landiin ka."
I chuckled softly. "I actually like Shan,"
Hindi ko pa man din tapos ang sasabihin ay napuna ko na ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Nagkasalubong ang mga kilay at umiigting ang panga.
"Not what you thinking!" Agap ko. "Ang ibig kong sabihin ay mukha siyang mabait at palakaibigan. Unlike your other friend. Ni hindi man lang ngumiti o umimik."
He spread his arms on my shoulder and dragged me towards his car. Sinulyapan ko naman ang relo sa aking palapulsuhan at natantong malapit nang magsimula ang panghapong klase ko.
"That's Baste. Kaibigan ng pinsan mong si Audrey."
"Ganoon talaga siya? Hindi marunong ngumiti?" Kuryuso kong tanong.
Yumuko siya upang magtagpo ang tingin namin. I was breathless again when I realized how close our face is. He smirked like a good devil. Kinurot niya ang aking pisngi at hindi naman sinagot ang tanong ko sabagkus ay binuksan ang passenger seat at pinapasok ako sa loob.
Nagkibit balikat na lamang ako at hindi na pinagtuonan ng pansin ang kaibigan ni Lawrence. Pagdating ko sa classroom ay may limang minuto pa ako bago magsimula ang unang klase sa hapong iyon. Hindi na ako nag-abala pang balingan ang mga kaklase ko dahil nakakasigurado naman akong hindi nila ako papansinin.
"Boyfriend mo si Lawrence?"
Nag-angat ako ng tingin dahil nakuha ng isa kong kaklase ang atensiyon ko. Binalingan ko si Fatima, ang muse ng section namin. Napakaganda sa porselana niyang kulay at itim na itim ang tuwid niyang buhok. Maganda ang hubog ng katawan at matangkad, matalino rin dahilan kung bakit madalas siyang manalo sa mga pageant.
And I once envy her... or until now. Because she got all the attention and love effortlessly from other people while a person like me can hardly earn it.
I smiled when I realized that she's talking to me. Sa loob ng dalawang taong mahigit na pagiging magkaklase namin ay hindi niya ako kailanman kinausap. Ito ang unang pagkakataon.
"Yes," I said proudly.
She smirked, but for unknown reasons, I find it sarcastic. Tumango pa siya at humalukipkip bago mabilis na sinulyapan ang iba naming kaklase na nakatingin rin sa'ming dalawa.
"Akala mo naman seseryosohin ka niya." Nanunuya niyang untag at paismid akong tinalikuran.
Tila nilubayan ako ng sariling kaluluwa dahil sa pagkapahiya. The whole room was suddenly enveloped with loud laughs for me. Napaupo ako sa aking silya at binagsak ang tingin sa lamesa. Uminit ang sulok ng aking mga mata at kung hindi sila titigil ay makikita nila kung paano umiyak.
At iyon ang kahuli-hulihang naiisip kong gawin. I gritted my teeth and with shaking hands, I opened my bag para lamang may mapagkaabalahan. Ngunit ang malakas nilang pagtatawanan at sari-saring komento ay tumatagos ng husto sa aking tainga.
Tinakpan ko ang dalawa kong tainga ng aking palad at tinago ang mukha gamit ang mahaba at umaalon kong buhok. My lips quiver and I can feel my chest tightening while trying to stop myself from bursting out.
"Tumahimik na nga kayo!" Dinig kong saway ni Behati sa aming mga kaklase pero hindi nakatakas sa aking pandinig ang bakas ng tuwa sa kaniyang tono.
At mas lalo lamang iyong dumagdag sa kahihiyang tinatamasa ko ngayon. How can people act like they care when they truly not? At siya ang kaisa-isang taong inaasahan kong hindi ako huhusgahan ngunit katulad rin siya ng iba. Pare-parehas lang sila.
"Sssh," Inalo ako ni Lawrence sa loob ng kaniyang condo unit nang sabihin ko sa kaniya ang nangyari kanina.
Today, we supposed to celebrate our first month but then this happened. Hindi ko na nagawang pasukan ang unang klase nang tuluyang bumagsak ang luha ko at nagtatakbo ako palabas. I stayed in the comfort room of our building and waited for him to pick me up. And when he saw me crying, he quickly hugged me.
Sa halip na dumiretso kami sa people's park kung saan binalak naming i-celebrate ang first month ay dinala niya ako sa kaniyang condo. Hindi ko na rin alam kung ilang oras ang ginugol ko sa kakaiyak. And I'm very grateful for having him beside me. He didn't dare to speak while I'm crying. He let me poured everything and it helped me to calm.
Humiwalay ako sa kaniyang yakap at pinalis ang luha sa pisngi. I probably look a mess now.
"I'm sorry," my voice broke when I said it.
Muli ay hinila niya ang aking kamay at mahigpit akong niyakap. Another set of tears rolled down my cheeks.
"I'm sorry if I ruined our plans today." I hardly uttered because of tears.
Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. "Don't be sorry." He spoke tenderly.
Hinayaan ko ang sarili na muling umiyak sa kaniyang bisig hanggang sa pakiramdam ko ay ubos na ang luha ko. Inihilig ko ang aking katawan sa kaniya at binagsak ang tingin sa magkawahak kamay naming dalawa. His thumb caressing my palm.
Mahapdi ang aking mga mata at bahagyang sinisipon dahil sa pag-iyak.
"Let's report it to your adviser, baby. Hindi pwedeng lagi ka nalang nilang-"
Mabilis akong umiling at humiwalay sa kaniya. Nagkasalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa naging reaksiyon ko. Thinking that it would reach my parents ay hindi ko kakayanin. Huminga ako ng malalim at nag-iwas ng tingin.
"Ayokong malaman nila Mommy ang nangyayari sa akin sa school, Lawrence."
I returned my eyes on him. Lumambot ang kaniyang ekspresyon at tumango bago muli akong hinila palapit sa kaniya.
"I got it. Pero hindi ko kaya na makita kang nasasaktan nang dahil sa ibang tao. Hindi mo dapat iniiyakan ang mga taong hindi ka naman pinapahalagahan."
Hindi ako umimik. Hindi ko alam pero may kirot na sumagi sa aking puso nang marinig ang huli niyang sinabi. It's like he's telling me that I should not cry. Na wala akong karapatang umiyak. I closed my eyes tightly and discard the thoughts away.
Overthinking sucks. Pati ang kaisa-isang taong alam kong pinahahalagahan ako ay iniisipan ko ng masama.
Siguro kaya hindi ako magustuhan ng ibang tao dahil ganito ako. Mahina ako at masamang tao sa loob. Na iniisip ko lang na mabuti ako dahil mukha akong nakakaawa pero ang totoo ay masama akong tao at iyon ang nakikita nila.
Without a word, I cried again.
"I have something for you."
Nang tuluyan na akong kumalma ay pumasok siya sa kaniyang kwarto at lumabas nang mayroong dalang bouquet of flowers. Nanlaki ang aking mga mata nang ilahad niya sa akin ang isang kumpol ng naggagandahang pulang rosas.
I automatically smiled, though my eyes are still sad because I have this weird addiction to roses. Na sa tuwing nakikita ko ang mga rosas ay kumakalma ang puso at isip ko. It's like they are my sunshine after long hours of a storm.
"You smiled." He noticed.
I lifted my eyes on him and nodded. "Thank you. I love roses."
Inamoy ko ang mga rosas at tila hinehele ako ng amoy nito. They are addicting.
"Iyan lang pala ang makakapagpangiti sa'yo. Bibigyan kita niyan araw-araw." He joked.
I was about to respond when my phone rang. Nag-echo ang ring tone ng aking cellphone sa buong pasilidad at nagmadali akong hagilapin ang bag upang makuha ang nag-iingay kong cellphone. My forehead creased when I saw it was Dad.
"Hello, Dad?" I answered.
Nasalubong ko ang tingin ni Lawrence at naabutan siyang nakakunot rin ang noo.
"Where are you? Umuwi ka ng maaga."
Lumagpas ang tingin ko sa bintana ng unit ni Lawrence at natanaw na may araw pa rin ngunit ilang minuto mula ngayon ay mag-aagaw na ang liwanag at dilim.
"Pauwi na ako, Daddy."
Tinapos ni Dad ang tawag dahilan upang magpaalam agad ako kay Lawrence. Inalok niya akong ihahatid ngunit sinabi ko sa kaniya na nasa ibaba na ang sundo ko. Nang lumabas ako ng kaniyang unit ay napansin ko ang pagdaan ng lungkot sa kaniyang mga mata.
Parehas lang kami ng nararamdaman. It's our monthsary yet I only bring drama. At ngayon ay kailangan ko na agad umuwi. I wanted to spend the remaining hours with him.
He noticed the regret and sadness crossed my face dahilan upang ngumiti siya at guluhin ang aking buhok. Sumimangot ako.
"Don't think you ruined our monthsary. We still have tomorrow; we can spend the whole day together. At marami pang monthsary tayong i-c-celebrate."
Hinapit niya ako sa baywang and without a warning, his lips made their way to mine. My eyes went wide when I felt his soft lips against mine. Tila ako pinako sa sariling kinatatayuan at hindi ko nagawang makagalaw. My lips parted and he took it as a sign to let in his tongue inside my mouth.
Hindi ko na napigilan at napapikit ako. Napakapit ako sa kaniyang leeg dahilan upang mapalalim ang halik na binibigay niya sa akin. His tongue delved deeper and wander it around. I moaned deliciously when he bit my lower lip.
Hinihingal ako nang huminto siya at inilapat ang kaniyang noo sa akin. I opened my eyes just to see fire burning in his eyes. Namungay ang kaniyang mga mata at marahang hinaplos ang aking pisngi.
"Ihahatid na kita sa baba. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko."
Hindi ko nagawang makapagsalita dahil pa rin sa pagkamangha. Hanggang sa loob ng sasakyan ay lumilipad ang isipan ko sa halik na ginawa ni Lawrence. And unconsciously, I smiled like an idiot. Hinaplos ko ang aking labi at napapikit nang maalala kung gaano kalambot ang kaniyang labi.
It was my first kiss. Hindi ako marunong humalik at instinct lang ang gumana sa akin upang mahalikan siya pabalik. Pakiramdam ko ay mukha na akong kamatis dahil sa pamumula ng aking pinsgi.
"Ma'am, nandito na po tayo."
Halos mapatalon ako sa pagkakaupo nang magsalita ang driver sa unahan. Napaayos ako sa pagkakaupo at binalingan ang labas. Hindi ko namalayang nakarating na agad kami sa bahay dahil naglalakbay ang isip ko sa nangyari kanina.
Lumabas ako ng sasakyan at nagtuloy papasok. Sinalubong ako ng kasambahay at sinabing magbihis ako ng pormal na damit dahil may bisita ang mga magulang ko. At dahil wala pa rin ako masyado sa aking sarili ay nagtuloy ako sa kwarto.
I chose the dark green dress with short puff sleeves and just brushed my hair once before going down again. Nakasalubong ko pa si Kayden kasama ang kaniyang yaya papuntang kwarto dahil napagod sa paglalaro sa ibaba. Dumiretso naman ako sa lanai kung nasaan ang mga bisita at magulang ko.
Tumagos ang panghapong sikat ng araw sa pagitan ng mga dahon ng naglalakihang puno sa tapat ng aming bahay. Natanaw ko na ang aming lanai at napansin ang tatlong pamilyar na bisita.
Ang lanai ay gawa sa istilong tila isa itong gazebo sa gilid ng aming mansion. May mga halaman at orkidyas na nakapalibot sa bawat sulok at entrada. Mayroon ding fishpond na may iilang goldfish ang naglalangoy. Sa taas noon ay ang flower bed na tinaniman ko ng mga rosas, sa iba't-ibang kulay. Ang nilalakaran ko ngayong pathway patungo sa lanai ay gawa sa bricks, sa harapan ko ay naroon ang matatandang mahogany tree na nakatanim na hindi pa man din ako pinapanganak. The trees are giving us a very refreshing breathes of air.
Sa gilid naman ng pader sa labas ay naroon ang punong caballero na tila nag-aapoy dahil sa mapupula nitong bulaklak.
"Karina!" Mom called me when she saw me coming.
Tumayo siya mula sa silya at sinalubong ako. There are six whicker chairs around the round black table.
Dumiretso ako kay Mommy at Daddy upang humalik. Pagkatapos ay hinarap ang mga bisita at ginawaran sila ng matamis na ngiti. They returned my smile as Mom introduced me to them. But my eyes darted to someone who I know.
Hendrix Gobert Alvarez or Hendrix, a famous second-year Management student, and an athlete is standing confidently in his dark knitted long sleeve shirt. Eyes cold and very dark. Sa sobrang lalim at dilim ay tila may misteryo nang nakapaloob sa kaniyang mga mata.
My heart pounded erratically that it pains my chest. Umahon ang pinaghalong takot at kaba sa aking dibdib dahil sa kaniyang malamig na titig. It's like I will put myself in danger when I look at him.
"And this is our son, Hendrix, hija." Pakilala ng ginang sa aking harapan.
Hindi ko na nasundan ang pagpapakilala ni Mommy sa dalawang nakakatanda- ang magulang ni Hendrix.
Ibinaling ko ang atensiyon sa ginang dahil hindi ko kinaya ang titig ng anak nila.
"N-Nice to meet you, po," I awkwardly said.
Malapad na ngumiti ang mag-asawa at hindi ko na magawang pansinin ang papuri nila dahil naiilang ako sa titig ni Hendrix na napapansin ko sa gilid ng aking mga mata. Ang sunod ko na lamang na alam ay nakaupo na ako sa tabi ni Mommy at nag-uusap silang apat. Me and Hendrix remained silent.
"So, when do you plan of announcing your daughter's engagement with my son?" Tito Tristan, Hendrix's father, inquired suddenly.
Hindi ko agad nakuha ang kaniyang sinabi ngunit nang sumagot si Daddy ay tila ako nabingi.
"Gusto ko sana ay pagkatapos na ng pangalawang semestre ni Karina mangyari ang engagement. Para na rin hindi makaabala sa kanilang pag-aaral."
Marahas akong napabaling kay Dad, nanlalaki ang mga mata. Anong sinasabi niya?!
"Well, it's also better that way. Magkakaroon ng mahaba-habang panahon para makilala nila Hendrix at Karina ang isa't-isa ng husto." Tita Kristine, Hendrix's mother, added.
Humalakhak si Daddy at sumang-ayon na para bang wala ako sa kaniyang tabi at nakikinig. Ayokong isipin na pinaglalaruan ako ng sarili kong magulang at nagawa niya sa akin ito. Dahil hindi ko maintindihan!
"Dad?" I called him nang hindi ko na kinayang manahimik.
Natigil ang kanilang pag-uusap at sinulyapan ako ni Daddy. Nagtatanong ang aking mga mata ngunit sa halip na ipaliwanag niya sa akin ang nangyayari ay tumayo siya at inaya ang mga panauhin sa loob ng bahay.
And even before I could finally process everything they said, I was already left alone at the table. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at mabilis na naglakad papasok ng mansion. Naabutan ko si Daddy sa puno ng hagdanan at hinarap ako.
"What was that, Dad?" Naguguluhan kong tanong.
Lumukot ang mukha ng aking magulang nang tignan ako. Napaatras ako dahil sa nakitang pagod sa kaniyang mukha.
"Kare, I'm sorry, but we need to do this-"
"You decided of marrying me to a stranger without consulting me!" I shouted angrily.
Kilala ko ang mga Alvarez, kilala ko sa pangalan at mukha si Hendrix, ngunit para sa akin ay isa pa rin siyang estranghero. And now I finally learned what they are trying to say. Dad decided to marry me with him without even telling me about it.
And I'm angry because I don't like it! Sinong nasa matinong pag-iisip ang magpapakasal sa isang taong hindi mo naman lubusang kilala?
"Well, sorry, too, Dad, but I won't participate in your delirium! I won't marry that man!" I finaled stubbornly and turned my back on him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top