#HIW01
Entry 01
Tatlo... apat... lima... anim...
Agad akong nag-angat ng tingin nang makitang natamaan ng maliliit na bato na aking sinisipa ang isang tao sa aking unahan. My throat gone dry and my lips parted in shock. I was about to say my apology when I met his eyes.
Hooded black eyes na kasing dilim ng gabi; malalim na wari'y isang mapanganib na parte ng karagatan. Mahaba ang mga pilik-mata at matangos ang ilong. Makapal ang kilay na tila higad at ang panga ay perpektong proporsyonal. Bumagsak ang tingin ko sa kaniyang katawan at halos masamid sa sariling laway nang mapansin na hindi siya ang tipo ng ibang lalaki na may kapayatan ang katawan.
He's tall and very big... not the bulky type but he's muscular. His skin is tanned, almost looking like he was sunburned. Nakasuot siya ng kulay puting tshirt at faded blue jeans na humahapit ng husto sa kaniyang baywang. My eyes almost squint when I noticed his belt. Isa iyong designer belt at nakakasigurado akong hindi replica dahil kahit si Daddy ay mayroong gano'n.
Then my eyes went to his shoes and I am also sure that it is the most expensive Nike rubber shoes. Muli ay tumaas ang tingin ko sa kaniyang mukha at halos mamula ang aking pisngi nang maabutan siyang mariin ang titig sa akin. I opened my mouth to speak but I can't make myself utter even a single word.
Gwapo siya, pero hindi ang tipo na hahangaan ko. And why I am suddenly left in awe is beyond my knowledge.
"Hendrix!"
Someone shouted it that made him turned around. Sinundan ko siya ng tingin habang mabilis niyang tinatahak ang kabilang kalsada. Ang mahahaba niyang biyas ay gumagawa ng dalawang hakbang na isang hakbang lamang kung ako ang maglalakad.
Nakalapit siya sa isang lalaki na mayroong suot na checkered long sleeve at humalo sa ibang tao. I sighed when I realized that I've been preventing myself from breathing. I placed both my hands on my lap and stared down again at my feet. Bahagya nang nadumihan ang suot kong kulay puting PUMA shoes dahil sa kanina ko pang pagsisipa sa maliliit na bato.
At kung hindi ko pa natamaan ang lalaki kanina ay baka hindi ko na naisipan pang itigil ang pagsipa sa mga bato. I was trying to kill my boredom. Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang sarili na maluha. Muli kong inangat ang aking paningin at natanaw ang aking mga kaklase na masayang kumukuha ng kani-kanilang litrato.
Ni hindi ko makuhang ngumiti dahil may kung anong nagbabara sa aking lalamunan at pumupunit sa aking dibdib. And I am very used with this feeling. Unang araw ko pa lang sa kolehiyo ay hindi na ako nagkaroon ng kaibigan. Ni minsan sa halos dalawang taon ko sa paaralan ay walang nagtangkang kaibiganin ako.
Why? Hindi ko rin alam.
Nang bumaling sa akin ang isa kong kaklase ay mabilis akong nag-iwas ng tingin. Ayokong mag-isip ng masama tungkol sa kanila pero hindi rin naman kasi nila tinatago ang pagkakaaliw sa sitwasyon ko sa tuwing mag-isa ako. At sa loob ng halos dalawang taon na ganoon ang turing nila sa akin ay mas pinipili ko na lamang na huwag pansinin.
I'm a second-year college student, marketing major, yet I still have no friends to call. Akala ko at magiging maganda ang buhay ko sa kolehiyo just to turn out that what I was expecting will never happen. Na kahit anong pilit kong makisama sa kanila, sila ang may ayaw na pakisamahan ako.
"Mag-isa ka,"
I almost shrieked in shock when I heard someone spoke beside me. Awtomatiko akong napaatras sa isang maliit na batong kinauupuan ko at muntik pa akong malaglag kung hindi niya nahawakan ang aking braso. My heart instantly leaped in the sight of this stranger man.
"Hindi ako masamang tao." He grinned. "Ang taas-taas ng sikat ng araw, oh. Tingin mo ba gagawan kita ng masama?"
I swallowed softly when I tried to survey his face. He's tanned, too, katulad ni Hendrix na nakita ko kanina. Kilala ko si Hendrix bilang isa sa mga sikat na basketball player ng aming unibersidad. But this guy right in front of me... I have no idea who is he. Nakaupo siya ngunit hindi naman mahirap mapansin na matangkad siya at malaki rin ang pangangatawan. Medyo mahaba ang buhok na nakatali sa likod. Mapula ang labi at mamasa-masa pa dahil sa madalas siguro nitong pagdila.
Humampas ang maalinsangang pang-tanghaling hangin at sumabog ang mahaba at umaalon kong buhok sa aking mukha. Kasabay noon ay ang pagkakagising sa ulirat na hawak pa rin ng estrangherong ito ang aking braso. Sa nanlalaking mga mata ay hinawi ko ang kaniyang kamay at inayos ang aking buhok na bumuhaghag dahil sa hampas ng hangin.
The man raised his hands in surrender stance. Naka-plaster ang ngisi sa kaniyang labi na para bang natutuwa sa aking naging reaksiyon.
"I won't harm you, Karina." He said, slightly laughing.
Nagkasalubong ang aking mga kilay at pinanatiling may distansiya ang pagitan naming dalawa.
"Bakit mo alam ang pangalan ko?" I snapped.
Binaba niya ang kaniyang kamay at prenteng tinukod ang mga palad sa likod. He shrugged and looked around before returning his gaze to me.
"Kilala kita,"
Hindi ko alam na kung bakit sa halip na makaramdam ng takot at kaba mula sa kaniya ay iba ang aking nararamdaman.
"Pinsan ka ng kaibigan ni Baste na si Audrey, right?"
Mas lumalim ang gitla sa aking noo sa narinig na pangalan. Ang tanging pamilyar sa aking pandinig ay si Ate Audrey at hindi ang sino mang Baste na sinasabi niya.
"Hindi ko kilala si Baste-"
"Pero pinsan mo si Audrey."
Naguguluhan akong tumango. He grinned again and stood.
"Hindi ako masamang tao, Karina. Nagkataon lang na nakita kita ditong mag-isa." Sinulyapan niya ang mga tao sa gilid namin.
"Sinong kasama mo?" He asked and looked at me again.
At dahil sa tanong niyang iyon ay 'tsaka ko pa lamang naramdaman ang muling pag-ahon ng kung anong bigat sa aking dibdib. Iniwasan ko ang kaniyang mga mata at ibinaling ang atensiyon sa aking sapatos. Sinipa ko ang maliit na bato palayo.
"None of your business," I said absently.
Ang maisip na kaawaan ako ng ibang tao dahil nakikita nila akong mag-isa ay nakadadagdag sa aking insekyuridad. Hindi ko gusto ang ideya na kinakaawaan ako. Kahit alam ko sa sarili ko na iyon naman talaga ang magiging tingin sa akin kung makikita nila akong mag-isa.
"Lagi kitang nakikitang mag-isa sa school. I never saw you with someone."
I lifted my gaze to meet his. "What are you? My stalker?" I rolled my eyes.
Malakas siyang tumawa na mas lalong nagpakunot sa aking noo. I glared at him that made him shut his mouth, trying to conceal his obvious laughter. Nangilid ang luha sa aking mga mata nang maalala kung paano ko narinig kanina ang pagtatawanan ng aking mga kaklase habang mag-isa ako dito at sila ay nagkakasiyahan.
"My bad that I laughed. But I just want to clear that you may be beautiful, but I am not a creep like you think."
I gritted my teeth. He flashed his amusing smirk.
"Nagkakataon lang na sa tuwing nakikita kitang naglalakad sa campus ay mag-isa ka."
"Lagi akong mag-isa. You can't expect me to be with anyone when they all hate me." Tuloy tuloy kong sambit.
Nakita ko kung paano nagkasalubong ang makakapal niyang kilay. Napawi ang ngisi sa labi at tinitigan ako sa paraang para bang sinusuri ako.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Bakit ka interesado?" I shot my eyebrow up.
He mirrored my reaction and suddenly held his hand out towards me. Kumabog ng husto ang puso ko dahil sa hindi mapangalanang emosyon. Or maybe because it was my first time.
"I haven't introduced myself yet. I'm Lawrence Mariscotes, your schoolmate, a year older than you. Accounting student." Pakilala niya sa sarili.
Tinitigan ko ang kaniyang kamay at napakagat sa pang-ibabang labi dahil sa sunod-sunod na emosyong umaapaw sa aking puso. No one ever dared to hold out their hands for me. No one ever dared to talk to me not unless it's very necessary. At hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng estrangherong ito at kinakausap ako.
Kilala ko ang aking sarili at wala akong nakakahawang sakit. Ngunit iyon ang pinaparamdam sa akin ng iba naming kamag-aral at ng sarili kong mga kaklase. Ang maisip na may isang taong kumakausap sa akin ngayon ay nakakagulat.
"B-Bakit mo ako kinakausap?" I asked, my voice a bit shaking.
Nang hindi ko tanggapin ang kaniyang kamay ay binawi niya iyon at tinago sa likod. Nagkibit balikat lamang siya at muling umupo sa aking tabi.
"Bawal ka bang kausapin? May karatula ka bang hawak na naglalahad na bawal kang kausapin?" Pilosopo niyang sagot.
Gusto kong umirap ngunit hindi ko magawa dahil pa rin sa pagkamangha.
"That's not what I mean. Hindi ako popular sa ating paaralan pero nakakasigurado naman ako na alam mo ang tungkol sa akin."
"Ano ang tungkol sa'yo?"
Napasinghap ako. "Everyone hates me! Kaya kung bakit lumalapit ka sa akin ngayon ay hindi ko alam!"
"You know what? Hindi ko alam kung bakit ka nilalayuan, o sadyang iyon lang talaga ang iniisip mo. Kung ayaw sa'yo ng lahat, then why I am even talking to you?"
"Precisely that's my point! Bakit mo ako kinakausap?" I can't hide my frustration.
He calmly shrugged again. "You're Audrey's cousin. At base na rin sa tuwing nakikita kita sa school, you're not that rude and bad. And your cousin told me that you're kind. Ang hindi ko maintindihan ay bakit ayaw sa iyo ng mga kaklase mo."
"Lahat sila, hindi lang mga kaklase ko." I corrected.
Umiling siya. "That's where you are wrong. Kung pupunta ka sa college namin ay hindi ka naman lalayuan. Baka nga pagkaguluhan ka pa nila."
Hindi ako nakaimik sa kaniyang sinabi. Hindi ako nakakasigurado kung papuri o pangungutya ang nais niyang iparating. Siguro ay nahulaan niya ang aking naiisip at mabilis muling nagsalita.
"Don't get me wrong. Ang ibig kong sabihin ay pagkakaguluhan ka dahil maganda ka. Maraming maganda sa CvSU but you have the most alluring face, don't you know that?"
Maybe a pretty face is not enough for me to be liked by everyone. Dahil kahit may maganda kang hitsura, kahit ikaw pa ang pinakamatalino sa buong mundo, kung ayaw sa'yo ng tao, ayaw nila sa'yo.
"Why, I will take that as a compliment." Sarkastiko kong untag.
He chuckled with my response but he didn't speak again. A short silence rose between us when he broke it again.
"May gagawin pa ba kayo?"
Mabilis kong sinulyapan ang aking mga kaklase na pawang mga abala na sari-sarili nilang ginagawa. We're currently in People's Park, umaga pa lamang ay narito na kami upang mag-shoot ng isang advertising film for our major subject. Pero pagkatapos rin mismo ng parte ko ay umupo na ako dito at hindi ko na nagawang makihalubiho sa kanila. Gustuhin ko mang umuwi na at iwan sila ay hindi ko magawa dahil nahihiya akong magpaalam.
"Kung wala na, sumama ka sa'kin."
Napabaling ako sa kaniya.
"Hindi ako masamang tao, uulitin ko. At kilala ako ng pinsan mo. Kung may mangyayaring masama sa iyo ay baka una pa akong patayin ni Audrey bago ng mga magulang mo."
And I don't know why I find him very funny. I bit my lower lip to conceal a smile.
"Pinipigilan mo lang ang sarili mo na ngumiti. You can smile. Girls turned prettier when they smile."
Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi at bago niya pa man din iyon mapansin ay hinila niya na ako patayo. I shivered when our hands touched. Nag-angat ako ng tingin sa kaniyang mukha dahil mas mataas siya sa akin ng ilang inches.
"Future lawyer 'to kaya ligtas ka sa'kin." He boasted and brought me towards my classmates.
Hindi ko alam kung ano ang unang pagtutuonan ng pansin. Ang pagkakahawak kamay naming dalawa o ang pagdadala niya sa akin sa harap ng aking mga kaklase. But my attention was caught by them when they synchronizedly turned their heads on us. Nakita ko pa ang pagtaas ng kilay ng isa kong kaklaseng babae.
"Pwede ko na bang nakawin si Karina sa inyo?" Lawrence first greeted them before asking that.
Sumulpot sa kumpol nila ang kaklase kong lalaki na may suot na salamin at tumango.
"Nakawin mo na, Kuya Lawrence! Wala naman kaming paki diyan." He even giggled na sinabayan ng iba.
Kung hindi pa muling humampas ang hangin at natakluban ang mukha ko ng aking buhok ay paniguradong nakita na nila ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. Pinigilan ko ang sarili na yumuko dahil tuluyan lamang na babagsak ang luha ko kung gagawin ko iyon.
"Oh, then you guys are blind to what a diamond is!" Lawrence said it meaningfully and dragged me out from them.
Narinig ko pa ang malakas na pagbubulungan ng iniwanan naming grupo ngunit pinili kong takpan ang aking tenga gamit ang dalawa kong kamay. Lawrence's eyes went to me when he noticed what I did. Hahawakan niya sana ako sa balikat ngunit umiling ako. Pinalis ko ang luha na naglandas sa aking mga mata at huminga ng malalim.
"Ayos lang ako. Salamat sa mabuting intensiyon, Lawrence, pero uuwi na ako-"
"Hindi ko ba pwedeng mahiram kahit isang oras mo lang?"
Natigil ako sa pagpupunas sa aking pisngi at tinignan siya sa mga mata. Nakita ko ang sinseridad sa kaniyang mga mata na ayain ako sa kung saan man.
"I am sure you haven't eaten lunch yet. Ganoon din ako. Gutom na nga ako, eh." Humawak pa siya sa kaniyang tiyan at hinimas iyon.
I pouted and wiped the tears away on my cheeks using my handkerchief. Ilang beses akong suminghot na parang bata bago nagpasyang pagbigyan siya. After all, siya ang rason kung bakit nagawa kong makaalis sa lugar kung saan kasama ko ang mga taong may ayaw sa akin.
"Okay," I muttered.
He smiled widely as if he won a lottery. I smiled faintly when he holds my wrist again and brought me to his car. Nasa kalagitnaan na kami ng byahe nang magpasya siyang dalhin ako sa isang sikat na Bulaluhan. Dumapo ang tingin ko sa labas ng bintana at natanaw ang tahimik ngunit umuusok na taal. Mataas ang sikat ng araw at may ilang ulap sa langit na wari'y humahalik sa karagatan ng talisay.
"I'm a good listener, you know." Lawrence broke the deafening silence between us.
I took a deep breath and glanced at him. Isang beses niya akong sinulyapan bago niliko ang sasakyan palabas ng Olivarez.
"Ano bang sasabihin ko?" Though I know what he means.
"Kahit ano. Kung anong makakagaan sa pakiramdam mo."
"Sino ba may sabi sa'yong mabigat ang nararamdaman ko?"
Ibinaling ko ang tingin sa harapan.
"Ngayon lang tayo personal na nagkakilala pero hindi ka mahirap hulaan, Karina. I want to know you."
Ang sakit sa aking puso ay napalitan ng kung anong pagwawala ng ano mang insekto sa loob nito. Hinawakan ko ng mahigpit ang aking kamay sa aking kandungan. Tinitigan ko ang naka-print na cartoon character sa aking oversized white shirt, it was tucked on my dirty white cargo shorts.
I want to ask why he's so interested but I refused to ask so. Minsan lang na mayroong isang tao ang magka-interes sa akin. At ayokong sirain ang ano mang kagandahang dulot ng araw na ito. I want to feel that once in my life in college, I found a one-day-friend named Lawrence.
Inihilig ko ang ulo sa backrest ng upuan at sa hindi siya tinitignan ay nagsalita ako.
"I'm Karina Tatiana Ochoa, a second-year marketing student." I started and smiled bitterly.
"I thought college will be good to me just to found out that it will never be."
"Hindi pa naman huli ang lahat para maisip mong hindi maganda ang kolehiyo. You still have two and a half years." He said.
Tumango ako, but, "Hindi pa naman ako nawawalan ng pagasa na magkakaroon ako ng maituturing at matatawag kong kaibigan. Pero minsan nakakapagod na ring umasa na may tatanggap sa akin. Katulad ng sinabi ko sa'yo, everyone hates me."
Sinulyapan ko ang mga nadadaanan naming mga kabahayan sa gilid dahil nararamdaman ko na ang pangingilid muli ng aking luha.
"Noong first year ako, akala ko normal lang na sa mga unang buwan ay hindi agad ako magkaroon ng kaibigan. But as months goes by, hanggang ngayon, unti-unti kong natatanto na hindi ako kabilang sa kanila. Kung bakit ayaw nila sa akin ay wala akong ideya."
I don't want to lift my own chair by telling that I am not ugly, in fact I am often requested to join pageants pero ako ang tumatanggi. Hindi rin naman ako bobo, I was a valedictorian in high school. Napapanatili ko hanggang ngayon ang mataas na grado pero hindi ko magawang manguna dahil naaapektuhan na ang confidence ko sa nangyayari sa akin sa loob ng paaralan.
Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nila sa akin.
"Sa tuwing papasok ako sa classroom, I always feel like an intruder. That I don't belong to them."
He stopped the car when we arrived at the Bulaluhan restaurant. I glanced at him and found him giving me this pity emotion in his eyes. I smirked humorless.
"Awa ang huling naiisip kong ibibigay mo sa akin," I told him.
Bumuntong hininga siya. "Hindi ko alam kung anong nararamdaman mo. But whatever they are trying to make you feel, hindi ko iyon ipaparamdam sa'yo."
"And why will you do that?" I asked critically.
His lips twisted. "Let's just say that I want to be your friend."
Literal na nanlaki ang aking mga mata at nalaglag ang aking panga dahil sa kaniyang pahayag. Tipid siyang tumawa at kinurot ang aking ilong.
"Anong nakakagulat roon?" Aniya at tinanggal ang sariling seatbelt.
I shut my lips and looked away. Kung sa kaniya ay nakakatawa ang pagkakagulat ko sa kaniyang pahayag, para sa akin na minsan lamang marinig ang ganoon ay nakakawindang sa pandinig. And for the first time in my two years in college, I finally able to genuinely smile again.
Lumabas ako at sumunod sa kaniya. He ordered for us while he started to talk about himself. At ang isang oras na hinihingi niya ay umabot ng halos tatlong oras. Dinala niya pa ako sa Mall upang maglaro kami ng arcade which I really enjoyed dahil muli ay iyon ang unang pagkakataon sa lumipas na mga taon.
And it feels strange to experience these things again. Hindi ko na maalala ang huling labas ko kasama ang mga kaibigan ko noong high school. Bumagsak ang tingin ko dahil sa naisip. My friends in high school all went abroad, ang iba ay nasa kanilang probinsiya. Kaya ngayon, uhaw ako sa kaibigan. Dahil hindi ko na alam kung anong pakiramdam nang mayroong tinatawag na kaibigan.
Not until this day came and the Lord gave Lawrence to me.
"Ang laki ng bahay ninyo," He commented when his car stopped on our driveway.
Ngumiti ako at tinanggal ang seatbelt. "Gusto mo bang pumasok sa loob? I'll introduce you to my parents."
Binalingan niya ako at malapad na ngumiti. And my heart went out for him again when he smiled handsomely. Kanina habang nasa restaurant kami, pinagmamasdan ko siyang nagsasalita at hindi ko maiwasang mapuna na totoong gwapo siya. Not the typical teenagers' ideal because he's big but can't also deny that he's really attractive.
"Gusto ko sana kaso nagmamadali na si Shan at Baste. Hinihintay ako."
"Shan? Baste?" Kuryuso kong tanong.
Ginulo niya ang aking buhok na para bang kababata niya akong kapatid.
"Mga kaibigan ko. Ipakikilala kita sa kanila. Sa lunes na ulit tayo magkita."
Lumabas ako sa kaniyang sasakyan at tinanaw ang paglabas niya sa aming malaking gate. I turned around to finally enter our house. Naabutan ko si Mommy at Daddy na nasa living room at nag-uusap.
"You're finally home, darling. Ngayon ka lang ginabi ng uwi, ah." Si Mom at tumayo upang halikan ako sa pisngi.
I smiled at Mom and kissed Dad on his cheek. Tumabi ako sa kaniya at nasulyapan ang pag-upo muli ni Mommy sa pang-isahang sofa.
"Hayaan mo si Kare at minsan lang naman siya ginagabi." Ani Dad at nilingon ako.
"How's your group project? Maganda ba ang kinalabasan?"
Ngumuso ako at agad nakaramdam ng guilt. They often asked me how's school and if I am doing good on my academics. Hindi naman sila nagalit sa akin nang malaman na hindi ako ang nangunguna sa klase ngunit nagtataka sila kung bakit bahagyang bumababa ang aking grado. At gustuhin ko mang sabihin sa kanila ang tunay na nangyayari sa akin sa escuelahan ay hindi ko magawa.
I don't want them to worry about me. Kahit pa minsan ay naisip kong lumipat na lang ng school.
"A-Ayos lang naman, Dad." Nag-iwas ako ng tingin.
"Mabuti naman. You still have two more years bago ka makapagtapos. Saan mo gustong kumuha ng MBA?"
And here it goes the conversation about my inheritance again. My family owns a construction company, which my Dad had built in his own sweat and hard work when he was younger. At bata pa lamang ako ay pinamulat na sa akin na ako ang magiging sunod na tagapamahala ng Ochoa's Construction Inc. And I'm scared about it. Kahit matalino at creative ako ay hindi ko alam kung may abilidad ba akong pamahalaan ang isang malaking kompanya.
But I have no choice. Hindi naman maaaring hawakan ng bunsong kapatid ko ang business namin dahil pinanganak itong may special needs.
Pagkatapos ng maikling pag-uusap ay pumanhik na ako sa itaas upang makatulog ng maaga. Dahil tuwing linggo ay tumutungo kami sa kapilya. After I took a warm shower ay dumiretso na ako sa paghiga sa malambot kong kama. Hindi na rin ako naghapunan dahil busog pa ako.
I was scrolling to my facebook's timeline when I saw Behati's post. Si Behati ay kaklase kong babae na minsan kong makausap sa loob ng klasrum. Mabait siya sa akin at gustuhin ko mang ituring siyang kaibigan ay hindi ko alam kung ganoon rin siya sa akin. Hindi siya sumasama sa akin at minsan lang ako pansinin sa classroom. But I am fine with it, kaysa sa walang kumakausap sa akin.
Pinigilan kong huwag umiyak ngunit hindi ko nagawang kontrolin ang sariling emosyon. I saw her posted a bunch of group pictures with our other classmates that she called her squad. Kasama ko sila kanina ngunit ni isa sa mga litratong pinost niya ay wala akong nakitang kasama ako. I want to slap myself with the thought.
Paano ako makakasama sa litrato, ni hindi nga nila ako inayang sumama sa kanila habang nag-g-group picture sila.
Tinago ko ang cellphone sa ilalim ng unan at tahimik na umiyak. And it is just one of those nights where I spent the whole night crying. Mabuti na lang at mabilis akong nakatulog at hindi namaga ang aking mga mata paggising. Kung nagkataon ay uulanin ako ng tanong ng aking mga magulang.
Wearing an olive green mid dress with a thin strap ribbon around my waist, I went out of my room. Tinaas ko ang aking cellphone pagkapasok ko ng passenger seat at tinignan ang sariling repleksiyon sa camera. I have a cream skin tone na bumagay sa simpleng nude makeup ko. I have a heart-shaped face which I inherited from my Mom; even my long wavy walnut blonde hair with streak almost white to red-brown ay namana ko sa kaniya. While I got my protruding hazel tender eyes from my Dad. Maamo ang mukha ng Daddy na hindi maiisip na istrikto siya.
There are two freckles on the bridge of my nose that Mom finds very pretty. Katamtaman lang ang aking tangkad at hindi matatawag na maliit. Depende na lang kung tatabi ako sa mas matangkad sa akin.
Isang oras ang ginugol namin sa loob ng kapilya and I don't know how many times I have already prayed for it, pero humiling pa rin ako na sana ay maging maganda na ang takbo ng buhay ko sa loob ng escuelahan. I know that I already found Lawrence, pero hindi naman ako nakakasigurado kung lagi nga ba siyang nandiyan gayong matanda siya sa akin ng isang taon.
Am I too demanding if I asked for a friend who can stay for long? 'Yong hindi ako iiwan.
"Napakaganda mo talagang bata, hija."
I smiled at the elder woman who always comes to me every end of the lection. Hinawakan niya ang aking braso at marahang hinaplos ang aking buhok na para bang manghang-mangha sa aking presensiya.
"Ang lamlam ng iyong mga mata at matamis ang iyong ngiti. Hawig mo si Maria." She added while still stroking my hair.
"Maria?" Kuryuso kong tanong.
"Ang ina ni Jesus. Taglay mo ang kagandahan ni Maria, hija."
I laughed faintly. Gusto kong itanong kung nakita niya na ba si Maria sa personal pero hindi na lang ako sumagot.
"Sayang at hindi Maria ang ipinangalan sa iyo ng iyong magulang."
Iniwan din naman agad ako ng nakatatanda nang tawagin siya ng kakilala. Sinundan ko ito ng tingin at nagkibit balikat. I find it weird whenever people tell me na kahawig ko si Maria gayong hindi pa naman nila ito nakikita. But my logical mind is telling me that Maria is a name for those who have almost perfect features of a pretty face like mine. Naikukumpara ang kagandahan ni Maria na nasa biblia sa aking hitsura.
I smiled sadly. Maganda nga ako, wala naman akong kaibigan.
"Ate Karina, doon tayo sa swing!" Hinigit ni Kayden, ang bunso kong kapatid, ang aking kamay dahilan upang mapayuko ako sa kaniya.
My younger brother is seven years old already yet he still looks four. Payat at maliit dahil na rin sa kaniyang kalagayan. He was born with special needs. My parents are doing everything to maintain him healthy despite all the medicines he has to take.
Kinarga ko ang bunsong kapatid at hinalikan sa pisngi. Unlike me, he is sheltered all his life. Hindi siya pwedeng mapagod dahil na rin mayroon itong asthma. He's homeschooling the reason why he has no friends. At madalas ako lang ang kalaro niya tuwing weekend at wala naman akong ginagawa. Parang ako siya, only the difference is, I am older.
"Mamaya. Puntahan muna natin sina Daddy,"
Binaba ko siyang muli sa lupa at inakay papasok. Naabutan ko ang mga magulang ko na nag-aabot ng isang puting sobre sa isang katiwala ng kapilya. Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit hindi ko na sila naabutang nag-uusap dahil naglakad na patungo sa amin sina Dad.
"Ano 'yon, Dad?" I asked out of curiosity.
"A little donation. It's just a small amount compare to the blessings we are receiving"
Hindi na ako umimik at sumunod sa kanila palabas. I just almost bumped into my mother's back when they suddenly stopped. Hinilang muli ni Kayden ang aking kamay at pilit akong niyayakag sa malapit na playground. Tumango ako sa kaniya at kinausap si Mom.
"Mom, gustong maglaro ni Kayden sa swing. Sasamahan ko lang saglit." Paalam ko.
Binalingan ako ni Mommy at tumango. "Bantayan mo ang kapatid mo. Huwag masyadong magpapagod, Kayden." She reminded her youngest.
Tuluyan na akong nagpahila kay Kayden palabas ngunit tumigil nang halos matisod ako sa batong nakaharang. Tumigil rin ang aking kapatid at sinipa palayo ang bato. Tumawa ako at ginulo ang buhok niya.
"Tara na, Ate!" Hindi niya makapaghintay na untag at nauna nang tumakbo.
Umupo ako sa isang lumang bench habang binabantayan si Kayden na sumakay sa swing. My eyes only darted to where my parents are when I noticed a familiar figure near them. It's Hendrix who I hit a stone yesterday. Magulang niya ata ang kausap ni Daddy at Mommy dahil nasa tabi siya ng mga ito.
Kumunot ang noo ko dahil ngayon ko lang sila napansing sumamba sa lugar na ito. He's wearing a long-sleeve buttoned shirt and dark slacks paired with black shoes. Malinis ang military cut hair niya na nagdedepina sa magandang hugis ng kaniyang mukha.
Handsome but not my type. Isa pa ay naririnig ko na mayroon itong girlfriend na sa Maynila nag-aaral kaya ilap sa ibang babae na sumusubok lumapit sa kaniya tuwing may laro sila. A one-woman man. Bihira ang ganoon.
Ibinaling kong muli ang tingin sa aking kapatid at ngumiti nang makitang tuwang-tuwa ito habang sakay ng swing. Then suddenly my phone beeped with Lawrence's friend request notification.
My heart pounded erratically. Gusto kong sumigaw dahil sa tuwa ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Hindi ko ikakailang sa unang pagtatagpo namin ay nakabuo ako ng kakaibang paghanga sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top