#TTW34

Entry 34

Nagising ako na masama ang tiyan na para bang lalabas lahat ng kinain ko sa aking lalamunan. Hindi pa ako lubusang nakakakusot ng aking mga mata at hindi ko na nagawang hagilapin ang aking tsinelas nang tumakbo ako sa aking banyo.

Hinawakan ko ang gilid ng inidoro at sumuka na parang lahat nang nasa tiyan ko ay lalabas. My throat hurts and my mouth taste so weird. Nangilid din ang aking mga luha dahil sa agresibo kong pagduduwal.

"Clarisse?"

I heard my room's door opened. Pumikit ako ng mariin at kumapit nang mahigpit sa gilid ng inidoro at humiling na sana ay matapos na ang pagsusuka ko. It's been a week since the dinner happened at naging madalas ang punta namin sa Ospital para magpa-check-up. Sinabi sa akin ng Doctor na mas lalala ang mga sintomas na nararanasan ko. I might turn more emotional and will feel nausea every morning. Mahirap kung kaya't kailangan ko nang kasama.

Toby wanted to be with me through my pregnancy but I don't want him yet to live with me while we're not married. Mom is very modern, she doesn't mind us living together but for I don't know reason, I feel like I am the one who is now primitive when it comes to marriage.

"Clarisse!" Malalim na baritono ni Toby ang bumalot sa aking pandinig.

Gustuhin ko mang lumingon at imulat ang aking mga mata ay hindi ko magawa dahil patuloy pa rin ako sa aking pagduduwal. Naramdaman ko ang pagdapo ng mainit na kamay ni Toby sa aking likod at ang marahang paghagod niya dito.

Dumura ako nang maramdaman kong wala nang lalabas. I opened my eyes and flashed the toilet. A rough hand is scooping my hair towards my left shoulder. Binalingan ko si Toby na may halong pag-aalala sa seryoso niyang mga mata. Matamlay akong ngumiti sa kaniya.

Inabot niya ang tissue at marahang pinahid sa aking mukha. Hinaplos niya rin ang mga mata kong bahagyang nagkaroon ng luha dahil kanina.

"You scared the shit out of me," Mariin niyang untag.

Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Mas lumapad ang aking ngisi kahit pa naghihina ang pakiramdam ko dahil sa nangyari.

"Ang dami kong sinuka. Noong isang araw naman, hindi ganito." Imporma ko sa kaniya.

He looked into my eyes and my heart can't help but beats louder as I saw in his eyes how much he cares for me. Ang mga mata niyang seryoso ay nahaluan ng pangamba at takot na minsan ko lang makita.

"Should we go to the Doctor? Is it unusual? Shouldn't it happen?" Sunod-sunod niyang tanong.

Ngumuso ako at tinaas ang nanghihina kong kamay upang mahawakan ang kaniyang pisngi. Lumambot ang kaniyang ekspresyon nang maramdaman ang aking haplos.

"The Doctor said na normal lang ito sa pagbubuntis. At hindi naman gano'n kahirap-"

"Hindi mahirap? I saw how you closed your eyes and tears are already forming when I get in here. Kung hindi ako dumating ay anong mangyayari sa'yo?"

Halos matawa ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo na agad namang sinundan ni Toby. Ngayon ko lang napansin ang kaniyang ayos simula nang pumasok siya dito. He's wearing a casual white shirt and faded jeans. Naalala ko na ngayong araw pala namin napagplanuhang bisitahin ang puntod ni Mia. We need to be early because my friends will visit me in the afternoon.

"Walang mangyayari, Toby. Nagsuka lang naman ako-"

"Kung pumayag ka lang kasi na tumira na ako kasama mo ay sana naaalagaan kita."

Lumabas ako ng banyo at pinasadahan ng daliri ang bahagya kong magulong buhok.

"Toby, nag-usap na tayo 'diba? I don't want us to live together while we're not still married. Mas maganda na magsama tayo kung legal na mag-asawa na tayo."

Kinuha ko ang ponytail ko at pinusod ang mahaba kong buhok bago siya muling hinarap. I saw how he gritted his teeth before his long legs ate the distance between us. Hinapit niya ako sa baywang at tinitigan sa mga mata.

"And ilang buwan na lang naman. Kailangan nating matutong maghintay sa mga bagay na gusto nating magtagal."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Dahil ang lahat ng bagay na minamadali, hindi nagtatagal." Dagdag ko.

When we are impulsive to decide for things, we have often forgotten of what will be its consequences. Madalas, ang mga bagay na masyado nating minamadali, mabilis ding nawawala at nasisira.

That's what happened between us when I impulsively decided to enter his life not thinking that I could never surpass the love he has for Mia. Na may mga bagay sa mundo na kahit anong pilit nating maging sa atin kaagad, hindi pa rin ipagkakaloob kung hindi pa tamang panahon.

And I never thought of a perfect time not until I am watching him right in front of me now.

"Toby," I called him when he didn't speak.

Lumunok siya ng malalim at hinaplos ang aking pisngi ng isang beses bago ako hinalikan. Isang mahabang halik iyon na pakiramdam ko ay wala siyang balak tanggalin.

"I love you and I hate to see you struggling." He whispered huskily.

Kinagat ko ang aking labi para mapigilan ang pagsilay ng ngiti ngunit hindi ko napigilan at napangiti ako. I put my arms around his waist to return his hug to me. I rested my head on his chest and feel his heartbeat. Kung may paborito man akong musika sa mundong ito, iyon ay walang iba kundi ang tibok ng kaniyang puso. Because it's real.

"We'll get married soon, Toby. Maaalagaan mo rin ako sa paraang gusto mo."

Ilang minuto pa kaming nagtagal sa kwarto bago ako nagpasyang maligo na. Pinauna ko na siya sa baba dahil masyado akong mabagal para hintayin niya. Ngunit paglabas ko ng walk in closet ay naroon pa rin siya sa aking kama at bagot na nakaupo. Nakatuko ang dalawang siko sa magkaparte niyang hita habang wala sa sariling pinaglalaruan ang labi.

"Hindi ka bumaba?" Tanong ko sa kaniya.

Bitbit ko ang aking flat shoes habang palapit sa kaniya. Nag-angat siya sa akin ng tingin at umiling. Umupo ako sa kaniyang tabi at sinuot ang sapatos.

"Let's go downstairs together."

Kinuha ko ang sling bag ko bago tinanggap ang nakalahad niyang kamay. Sabay kaming lumabas ng kwarto at bumaba sa hapag. Nagmano si Toby sa aking Mommy na sa tingin ko ay kanina pa kami hinihintay. Napag-usapan sa hapag ang mga plano namin ni Toby sa nalalapit na kasal.

"Mom, pansamantala muna kami dito maninirahan ni Toby hangga't wala pang asawa si Baste." Sagot ko sa katanungan niya kung kailan namin bibisitahin ang bahay ni Toby.

Mom looked at me with her eyebrows furrowed.

"Iniisip mo ba ang kalagayan ko? Marami tayong katulong at kaya ko naman ang sarili ko, Reese."

Ngumuso ako at umiling. "You are my mother. It's only right to not leave you."

"Hindi mo responsibilidad na manatili sa aking tabi. Magkakaroon ka na ng sariling pamilya at doon mo ituon ang iyong buong atensiyon."

"Pero hindi ibigsabihin noon na kakalimutan ko ang obligasyon ko sa inyo bilang anak ninyo. We will stay here for a while because I don't want to leave my mother alone. You never left me when I was young, so why would I?" Paliwanag ko sa kaniya.

Nakita ko kung paano kumislap ang mga mata ni Mommy dahil sa narinig na mga salita sa akin. Binalingan niya si Toby habang nakangiti.

"Hindi talaga nagpapatalo itong asawa mo." Sumbong ni Mommy kay Toby.

Tumawa si Toby kaya naman napairap ako.

"Huwag ka nang magalit, Reese at baka makasama pa iyan sa bata. At oo na. Hindi rin naman ako nangangamba na pagkatapos ninyong magpakasal ay susunod na agad si Baste."

Muling tumawa si Toby kaya masama ko siyang pinukulan ng tingin. He shut up but an amused smirk remained on his lip as he continues eating.

"Baste will probably take a year or so before he finally gets married, Mom."

"Oh, hindi ka diyan nakakasigurado. Magaling kang mamamahayag pero hindi ka magaling manghula."

Napailing na lang ako sa lahat ng sinasabi ni Mommy tungkol sa aking kapatid. Nagpatuloy ako sa aking pagkain habang pinapakinggan si Mommy. Kumunot na lang ang noo ko nang maisip na hindi naman malabo na months from now, baka may ipakilala na rin ang aking kapatid na nobya niya.

"Aalis na po kami, Tita." Paalam ni Toby sa aking ina.

Hinalikan ko sa pisngi si Mommy bago umikot para makatuloy papasok sa kaniyang sasakyan.

"Mag-ingat ka sa pagmamaneho, Toby. Nagdadalang tao ang kasama mo." Dinig kong paalala ni Mommy.

Pumasok si Toby at sinimulan na ang ignition ng sasakyan. Kumaway ako kay Mommy at umayos sa pagkakaupo nang makalabas kami ng gate. Binalingan ko si Toby nang hawakan niya ang aking kamay.

"Are you excited?" Tanong ko sa kaniya.

Sinulyapan niya ako at hindi ko mabasa ang emosyon sa kaniyang mukha.

"Kailan mo ba huling binisita si Mia?" Dagdag kong usisa.

"It's been years since the last time I visited her."

Ngumuso ako at tumango. He really did move on, huh? Or he only did that to finally move on?

"Panigurado magiging masaya siya na bibisita ka na ulit." Bakas ang kasiyahan sa aking boses, hindi ako nagpapanggap.

Humigpit ang hawak niya sa aking kamay.

"And I'm with you."

Napangiti ako. "Kasama mo na ako ngayon."

Binalingan niya ako at nginitian. Ibinalik ko ang tingin sa labas at hindi nagtagal ng isang oras ay nakarating kami sa sementeryo.

Bumaba ako sa kaniyang sasakyan at pumasok kami sa gate. Pang-umagang hangin ang humampas nang sinubukan kong lumakad palapit kung nasaan ang lapida niya. Bumagal lang ang aking lakad nang maramdaman ko ang pag-angkin ng mga daliri ni Toby sa akin.

Hindi ko na siya sinulyapan pa at nagpatuloy sa paglalakad. Hinanap ng aking mga mata ang dating napuntahan ko nang pwesto. Nang huminto si Toby ay natigil ako sa paghahanap. Tinignan ko siya at naabutan kong nasa ibaba na ang kaniyang tingin. Bumagsak rin ang aking mga mata roon at isang mabigat na bagay ang dumagan sa aking puso nang mabasang muli ang nasa lapida.

"Mikaela Analisa," Banggit ko sa buong pangalan ni Mia.

Bumitaw ako sa hawak ni Toby at lumuhod para maibaba ang bulaklak na dala namin. Isa itong puting mga rosas na pinili ni Toby, sa tingin ko ay ang paborito niyang bulaklak.

"Kumusta ka?" Tanong ko.

Hinaplos ko ang pangalan niyang nakaukit sa itim na lapida. Naramdaman ko ang pagluhod rin ni Toby kaya naman sinulyapan ko siya. Mapait akong napangiti nang makita kung paano niya titigan ang lapida ng taong mahal na mahal niya.

Nagsimulang mamuo ang luha sa aking mga mata kaya naman nag-iwas ako ng tingin. Ibinalik ko ang tingin sa lapida at pinilit ang sarili na ngumiti upang mapigilan ang sarili sa pagluha.

"It's been... 8 years? Ang tagal na panahon na simula noong nawala ka. At anim na taon na rin ang nakakaraan simula noong huli kitang nadalaw."

Naramdaman ko ang pagbaling sa akin ni Toby dahil sa huli kong sinabi. Lumunok ako at huminga ng malalim, hindi ko sinubukang sulyapan siya.

"Nakikita mo ba kami ngayon o naririnig man lang? Kung oo, kasama ko ngayon si Toby." Pumiyok ang aking boses dahil sa nagbabarang kung ano sa aking lalamunan.

I felt Toby's hand draped over my shoulder. Ngumiti ako at umiling para makapagpatuloy.

"Naalala mo 'yong pakiusap ko sa'yo noon?" Tuluyan nang tumulo ang aking luha ngunit agad kong pinalis.

"Clarisse," Toby called me softly.

I looked at him and shook my head. He sighed and let me. I returned my sight on her grave.

"'Diba nakiusap ako sa'yo noon na ipaubaya mo na siya sa akin kasi ang hirap-hirap makita siyang nasasaktan? Nangako ako sa'yo noon na mamahalin ko siya ng buo at totoo. Hindi ko siya iiwan. Ilang taon ang nakalipas nang magkahiwalay kami. Pero ngayon..." Kinagat ko ang labi ko dahil sa patuloy na pag-agos ng luha.

"N-Ngayon, totoong mahal niya na ako, Mia. M-Mia, mahal na ako ng taong iniwan mo." Garalgal kong sambit.

Patagilid akong niyakap ni Toby at kinulong ako sa kaniyang bisig. Umiyak ako sa kaniyang yakap habang patuloy kong pinagmamasdan sa nanlalabong mga mata ang kaniyang lapida.

"Magpapakasal na kami. At sana... sana masaya ka para sa'min. Kasi siya?" I gritted my teeth and wiped my tears away.

"Si Toby, sobra siyang masaya. Masaya siya sa piling ko."

Hindi ko na kinaya at mas bumuhos ang luha sa aking mga mata. Isang maingay at mahabang hagulgol ang pinakawalan ko habang yakap niya ako. Parang gripo sa sobrang dami ang mga luha ko.

"Shhh. I love you." Toby tried to calm me down but I continue crying.

Inasahan ko na namang magiging emosyonal ako sa pagbisita ko sa kaniya. Dahil sa lahat ng taong malapit sa puso ni Toby, siya ang unang minahal niya. Kung hindi siya umalis at nawala, walang Toby na darating sa buhay ko. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ko makikilala si Toby.

Toby kissed my forehead repeatedly as I am crying harder. Ilang minuto pa ang tinagal ng iyak ko bago ako kumalma. Humiwalay ako kay Toby at pinalis ang luha. Tinulungan niya ako sa pagpalis ng aking luha. Nang matanaw kung gaano kaseryoso ang kaniyang mukha ay hindi ko mapigilang mapangiti.

Tumaas ang tingin niya sa akin at kumunot ang noo nang makitang nakangiti ako sa kaniya.

"Ikaw? Wala ka bang sasabihin sa kaniya?" Mahina kong tanong.

He remained staring at my eyes until he sighed heavily. Binalingan niya ang lapida ni Mia at wala akong ibang maramdaman kundi panghihinayang nang banggitin niya ang mga kataga para kay Mia.

"I miss you, Mia." Malungkot niyang wika.

Muling nanlabo ang aking mga mata ngunit kinusot ko sila. Gusto kong makita at marinig ng malinaw ang mensahe niya para sa kaniya.

"I loved you. I still love you. Pero si Clarisse, mas minahal ko siya higit pa sa buhay ko. And now, I will finally marry her. I found the love and happiness I always wanted when I lost you."

Mas kumirot ang puso ko sa dinagdag niya. Nang makita ko kung paano kuminang ang kaniyang mga mata dahil sa luha ang siyang nagpadagdag ng bigat sa aking dibdib.

"At magkakaroon na kami ng baby." He proudly smiled.

"I always thought before that I can't love after you until she came. Mia, I know I already told you this before, but may you forgive me if I have loved another woman."

Sinulyapan ako ni Toby. He smiled at me and caught my hands.

"I am ready to be sinful if that what it takes to finally have her." Sinambit niya iyon nang hindi pinuputol ang titig sa akin.

Ngumiti ako at tumayo. Tumayo na rin siya at hinapit ako sa baywang. Panibagong hampas ng hangin ang tumama sa aming mga mukha. Ang lagaslas ng mga dahon mula sa naglalakihang puno na nakatayo sa lugar na ito ay umingay.

"I bet she's happy. Nakakasigurado ako na tanging kaligayahan mo lang ang hinahangad niyang makita." I said as I looked at the sunny clear sky.

Malinis at maganda ang sinag ng araw, tila ba walang nagbabadyang ano mang sakuna ang paparating. Ang simoy ng hangin ay maaliwalas rin. Nabalot sa katahimikan ang buong lugar. Toby withdrew his hold on my waist to hug me from the back. Ikinulong niya ang dalawa kong braso sa kaniyang yakap at parang bata na siniksik ang mukha sa aking leeg.

Binagsak ko ang tingin sa braso niya. Napangiti ako nang may maisip.

"Kung hindi dahil kay Mia, hindi kita makikilala. Kaya nagpapasalamat ako, kasi kahit gaano pa kasakit ang dinulot ng pagkawala niya sa buhay mo, naging daan iyon para makilala kita."

Inangat ko ang tingin sa kaniya. Dinungaw niya ako at hinalikan sa pisngi.

"I always think why life has to take away the only person I want to spend this lifetime with. Isang malaking hamon ang kinaharap ko nang mawala siya. I almost lost myself when she left. Thinking that she's gone breaks me into little pieces. I feel like a dead, too when I lost her. Akala ko hindi na ako makakaahon..."

Napangiti ako habang pinapakinggan ang kaniyang mga sinasabi. This is his first time to tell me things about Mia and his agony. He never talked about her because he's in pain. And now that he's sharing it with me, I am now sure that he trusts me.

"But then, life has the weirdest way to make us fall in our destiny. Mia was a good partner that I once thought I will spend forever with her not until I saw you and the world made me realize that you are the right person. Na ikaw ang taong nakalaan sa akin. It made me learned that we need to go through pain so we can fell to the person who will accept us despite of our flaws and past. And you accepted me, Clarisse. You accepted me before and I am beyond blessed that you accepted me again after all the pains I cause you."

Umikot ako at hinawakan ang dalawa niyang pisngi. My eyes are already blurred but I still manage to say what's on my heart.

"I love you, Toby. At kahit ilang pagkakataon pa na kailangan kong piliin kung tatanggapin ba kita o hindi, paulit-ulit kong pagbibigyan ka ng pagkakataon."

Umiling siya.

"You won't have to give me chances again because I promise to never break your trust to me."

Niyakap ko siya ng mahigpit dahil sa nag-uumapaw na emosyon.

"Do you want to go to your father?" He asked.

Tumango ako at isang beses pa ulit naming sinulyapan ang lapida ni Mia bago kami nagpasyang umalis. Hindi naman nagkakalayo ang himlayan kung kaya't nakarating agad kami. Nang pumasok kami sa loob ng gusali ay agad nagbadya ang luha sa aking mga mata.

Nilapitan ko ang nityo ni Daddy na sa itaas nito ay naroon ang kaniyang litrato. Bumuhos ang luha ko ngayong nararamdaman ko na naman ang lubusang pangungulila sa kaniya. Parang kailan lang noong nabubuhay pa siya. Parang kailan lang noong nararamdaman ko pa ang mga yakap niya... ngayon, totoong wala na siya.

"I miss you so much, Dad." Niyakap ko ang litrato niya.

Life has the most painful way of making us realize of what matters and how to cope up with things. May mga temporaryong buhay na permanenteng mawawala sa oras na kunin na sila ng may kapal. Walang kasiguraduhan kung kailan muli sila makakasama dahil tanging alaala na lang ang iniwan nila.

"I'm sorry if I wasn't there when your Dad died." Toby hugged me tightly from the back.

I smiled "I was in New York that time nang marinig kong wala na si Dad. I decided to fly back here and work here because that's what Dad wants me to do... to listen to what I really desire. And that is working here. It's just sad that he has to leave without even saying goodbye to me. I also kinda regret working in New York, but then, things happen for a reason. And I think, those in the past have their reason why they happened."

Mapait akong ngumiti habang pinapalis ang luha. Masakit isipin na kailangang mawala ng mga mahal natin sa buhay para lang matanto natin ang mga bagay na magpapabago sa takbo ng ating buhay. Mapapatanong ka na lang kung bakit kailangang gano'n, pero babalik ka sa kaisipang... bakit ka magrereklamo? Sino ka para kwestyunin ang mga paraan Niya?

Lubos akong naniniwala na hindi man maganda ang paraan Niya dahil mahirap at masakit, may magandang plano naman Siya para sa atin pagkatapos ng lahat ng iyon. Kailangan lang matutong maniwala at maghintay dahil lahat ay may rason.

"He's surely proud of you." Bulong niya.

"I hope he is."

Lumabas kami ng gusali. Binalingan ko si Toby at nginitian.

"Mia and Dad are probably talking now."

Sabay naming tiningala ang langit. I miss my Dad... and he probably misses Mia, too. She is his first love and no matter how I deny it, there will always be a space in his heart that only belongs to her. And I accepted him for that. Dahil ang mahalaga, nakakasigurado akong mahal niya ako at ako ang pipiliin niya. Siya ang nauna, ngunit ang mahalaga ay ako ang naging wakas niya. At magpapatuloy pa ang aming istorya.

Bumalik kami sa kaniyang sasakyan at inaya niya akong kumain sa labas. Ngumuso ako at hindi muna tuluyang pumasok sa loob.

"Our wedding will happen months from now. You know that I am eating too much than normal. I don't want to look like a whale at our wedding." I pouted as I burst my insecurities.

Naningkit ang kaniyang mga mata. He cupped my face using his palms and guided it near to his face.

"So what if you get fat?" Hindi niya maintindihang tanong.

"You don't get it, Toby. Wedding and wearing the white gown is our girls' dream. And I don't want to look bloated while walking towards the aisle. I want to still look pretty!"

"Aren't you pretty? Will you stop it, Clarisse? No matter how much you gained weight, you will remain the most beautiful woman in my eyes. And you're carrying my child, so what's the need of getting shy about it?"

Unti-unting napawi ang simangot ko. I can see the sincerity in his eyes and it makes my heart warm to think that he's not embarrassed by me whether I will walk in the aisle looking like a whale because of my figure at that time.

But who cares? My weight means I am carrying the person who will bring completeness to my life: my baby.

Pagkauwi namin sa bahay ay halos maglulundag ako sa saya nang makita ang aking mga kaibigan. Niyakap ko sila at inisa-isa kung kumpleto sila.

"Toby! Kailan pa kayo nagkita nito?" Gulat na tanong ni Cohel.

Hindi ko hinayaang sumagot si Toby. Itinaas ko ang aking daliri at pinakita sa kanila ang aking singsing. Sabay nalaglag ang panga ni Ody at Kaycee nang matanto kung ano ang ibigsabihin ng pinakita ko.

"Oh my god!" They screamed excitedly.

Tumawa ako at dinagdag ang mas magpapagulat sa kanila.

"I'm pregnant." Ngiti kong imporma sa kanila.

Ngayon, pati ang mga lalaki ay nagulat sa binulgar ko. Tumawa ako nang sabay-sabay silang tumakbo sa akin at niyakap ako. Nakita ko pa kung paano nangilid ang luha sa mga mata ni Carter kaya naman naiyak na rin ako.

"Ang bilis mo naman, Toby! Kababalik mo lang pero naka-double win ka na agad!" Lintaniyang biro ni Carter.

Hinampas ko ang kaniyang braso pero nang niyakap niya ako ng mahigpit at sumunod si Zaijan ay hindi ko napigilang mapahagulgol. I rarely see them now because we have separated lives built when we started to hit another chapter of our lives. But the feeling when we see each other remains the same. They are my bestfriends and they will remain to be forever.

"I am happy for you, Reese." Carter genuinely showed me his happiness for me.

"I guess, all the pains are worth the tears," Zaijan uttered and the smile didn't falter in his face.

Isang mahabang kumustahan at pagbabalik tanaw ang nangyari sa aming magkakaibigan kasama ang lalaking mapapangasawa ko. They asked about our story so it's another hour of storytelling. And everything is worth it. Ang oras, ang pagod, ang lahat. Ang makita na magsama-sama muli kami sa pagkakataong ito ay bumubusog sa aking puso.

"Ninong ako, ha! Walang aagaw!" Carter shouted.

"Siraulo! Gusto mo ikaw lang?" Ganti ni Odyssey.

Tumawa ako at inawat sila. "Lahat naman kayo."

"Dapat lang na lahat tayo! Ilang taon nating hinintay na magkaanak ka para may kalaro ang mga anak ko!"

And moments are fading as time continues to fall like sands.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa aking computer chair nang pumasok ang aming boss.

"I want to take this time to finally recognize Clarisse Santiano as the most outstanding journalist of the year."

Tumawa ako dahil sa mga kalokohan nila. Binigyan ako ng Boss ko ng isang sertipiko na naglilimbag sa titulong binanggit niya.

"This is just pre-recognition, Reese. Ang tunay na medalya ay matatanggap mo sa susunod na buwan. Nga lang ay magli-leave ka na kung kaya't naisipan ko ito." Ani ng Boss namin.

Naghiyawan ang mga kasamahan ko at napailing sa mga naiisip nila. Ngunit tumagos sa aking puso ang sertipikong, kahit hindi totoo, nagpapahayag na isa akong mahusay na mamamahayag.

"You are a brave soul, Clarisse. And I wish that more journalists will follow your step. You'll be more successful in this field. Nakikita ko na marami kang mababagong buhay, makakapag-iwan ka ng malaking pagbabago sa mundo ng media kung ipagpapatuloy mo lang ang malinis mong hangarin para sa publiko at sa ating bansa."

I smiled at our Boss. "My duty as journalist will never change not unless the world decided that truth should be forgotten."

Dahil ito ang huli kong araw sa trabaho, nagpasya ang mga kasamahan ko na mag-bar kasama ang ilan naming boss. Kasama ko si Toby nang pumasok kami sa club at nahiwalay lang ako sa kaniya nang kausapin ako ni Laila Guzman. Halos tumalon palabas ang aking puso nang makaharap siya.

"I am proud of you, Clarisse. I've read your article and I witnessed in the news of how you struggled to fight for the truth. Marami kang pinagdaanan ngunit pinagpatuloy mo pa ring isiwalat ang katotohanan."

Nakagat ko ang aking labi. "That is our job, Ma'am."

Ngumiti ito at tumango. "That is our job, Clarisse. And I am beyond grateful that there is a Clarisse Santiano existing in this field."

Noon, mas pinapansin ko ang mga kumukontra sa aking sinusulat. Lumaki ako na naniniwalang sa lahat ng katotohanang isusulat ko, may masasabi pa ring hindi maganda ang ibang tao. Ngunit sa lahat ng iyon, kailangan kong piliin na pakinggan kung anong makakabuti sa akin.Tumatanggap ako ng kritisismo, dumaan ako sa parte ng buhay ko na pakiramdam ko na hindi ako magaling dahil sa dami ng aking pagkakamali. I was idealistic not knowing that I am not that good enough.

And now, hearing good comments from the people I look up to made me realize that experiences will bring us to the place we always wanted to be. I am a journalist who is still capable of making mistakes and failures but I am a human who also has the capability to learn and grow.

"Hi, Reese! Long time no see."

My lips parted with shock but I smiled to Cheska. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon at dito pa. She changed. Well, lahat naman ay nagbabago.

"Long time no see, Cheska."

"I know we're not really friends back then, and I am one of your... you know, hater, when it comes to the campus papers. But I admire you now. You have a brave soul for standing to what is right and true."

How heartwarming it is to see people changed.

"It's my job." Sagot ko sa kaniya.

She nodded. "It's always been your job."

Bahagya akong tumawa bago tumango.

"And I heard you're getting married to Toby. Congrats, Reese. I was wrong then when I thought you will not last forever."

Pumungay ang aking mga mata nang maalala ang nakaraan. I looked at her eyes.

"Thank you."

Nagpaalam na siya sa akin para daluhan ang ilang kakilala samantalang nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa kung nasaan ang mga kasama ko. Sa hindi kalayuang sofa ay natanaw ko si Toby na mag-isang nakaupo at pinapanood akong palapit.

I smiled looking at the man who is wearing a black button long sleeve and dark slacks. His stares at me are dark, very different from the first time I saw him. He seems so lost that time in the bar staring at nowhere. Pero ngayon, hindi na, dahil alam kong na sa'kin ang mga mata at atensiyon niya.

I smiled at him but he didn't return my smile. What a snob!

I put my hands on my back and realized that things fell in the right place at the right time. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top