#TTW33
Entry 33
My colleagues returned to the dancefloor after they celebrated the proposal of Toby to me. Now, we're left alone again here on the sofa. Sa gitna nang maingay at magulong mga taong nagsasayawan, I feel like I'm still in the most serene place I could ever be... in his arms.
"You're not marrying me for the baby?" I asked while playing with his fingers.
His arms are snaked around my waist while his other hand is intertwined with my fingers. I smiled looking at the ring he wore to me. My heart started to hammer like crazy again.
"Of course not. I will marry you because I love you. Matagal na kitang mahal, hindi lang ako lubos noon nakakasigurado kung tatanggapin mo ba ulit ako sa buhay mo. Pero matagal ko nang naisip na kung hindi ikaw ang pakakasalan ko, I'd rather spend this lifetime alone."
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at naabutan ang mga mata niyang masuyong pinapanood ako. Ngumiti ako sa kaniya.
"Why? Are you thinking twice of marrying me?"
Umiling ako. "Most of my friends are married. I'm already 28 but I still remain single for six years. I've focused on my job and never thought of entering a relationship not until you come back to my life."
Muling bumagsak ang tingin ko sa mga daliri naming nag-uugnay.
"I never thought of marrying not until I saw you directing a ring to my finger. I am contented with my life not until I realize now that I also want to spend the rest of my life with you."
His hand on my stomach tightened as I felt my heart beating triple time compare to its usual beat. Tinanggal ko ang kamay ko sa kaniyang hawak at inabot ang lamesa para maabot ang tubig.
"I want to formally ask your hand to your mother."
Halos masamid ako sa sariling iniinom nang banggitin niya ang Mommy ko. I know that Mom has been assuming that he will marry me. Patuloy ko lang iginigiit sa kaniya na magpapakasal kami dahil hindi ko pa lubusang naiisip na darating kami sa puntong iyon. Masaya ako sa kung anong meron kami kung kaya't hindi ko inasahan ang proposal niya kanina lang. And now thinking about my Mom's reaction, she will surely rain me teases.
Binalingan ko siya pagkatapos kong uminom. Ang kaniyang seryoso at madilim na mga mata ay nakatuon sa aking labi. He gets a tissue and wipe the side of my lips.
"Hindi ba tayo masyadong nagmamadali?" Tanong ko sa gulat.
Nagkasalubong ang makapal niyang kilay. He lifted his stare on my eyes and I saw nothing but danger in it.
"You said 'yes' to me. Natural lang na ang kasunod ng lahat ng ito ay ipaalam natin sa mga magulang natin ang pagpapakasal."
I don't know how it happens. Nasabi ko lang naman iyon dahil iniisip ko na aabutin pa kami ng ilang buwan bago namin aminin sa mga magulang ang pagpapakasal.
"Are you reluctant to marry me?" Bakas ang pait sa boses niya kaya mabilis akong umiling.
"Then why you seem thinking twice?"
Iginiit ko ang mga naiisip niya sa pamamagitan nang pag-iling.
"Hindi ako nagdadalawang isip. Inakala ko lang na hindi agad natin sasabihin sa kanila. They might think that you're marrying me because of the baby."
"I never thought of our baby when I decided to marry you."
Ngumuso ako. "I'm sorry. Hindi ko intensiyong maramdaman mo na nagdadalawang isip akong magpakasal sa'yo."
Hinapit niyang muli ang aking baywang at inilapit ako sa kaniya na para bang hindi pa sapat ang pagkakalapit namin. He kissed my hair and rested his chin on my shoulder. I heard him sighed and renewed the hold on my hand.
"I'll set the date of our dinner. Or you want it to happen in the day?"
Muling tumaas ang tingin ko sa kaniya. Hindi nagbago ang intensidad sa mga mata niya sabagkus ay nadagdagan ito ng kakaibang passion. He kissed my cheeks while waiting for my response.
"Night na lang. Kailan ba free ang magulang mo? Para hindi tayo makaabala sa anong schedule ng family mo."
He smirked and nodded. "They are not that busy."
Nakagat ko ang aking labi habang tinititigan siya sa mga mata. I never met his parents even when we were in a relationship back in college. What will be their reaction kapag nakilala ako? Surely they only know about Mia.
My eyes went down to his lips when I remember Mia.
"Can we... visit Mia's grave? I want to visit her."
Isang matinding katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. I know that he still loves her. Kahit ilang beses niyang sabihin at ipadama sa akin na mahal niya ako, nakakasigurado pa rin akong may naiiwan pa ring pagmamahal sa kaniyang puso para kay Mia. At hindi ako isang sakim para pilitin siyang kalimutan siya. If not because of her, I am not sure if I will be able to meet him. She is his first love, she will forever remain be.
"Let's do that the other time. Gusto ko munang mamanhikan."
Napangiti ako sa kaniyang sagot. I looked at his eyes again and I was expecting to see the pain in it but there's none. His soulful eyes are full of only admiration and passion towards me.
Gusto kong magpasalamat kay Mia. Parang kailan lang noong lubos akong nagmamakaawa sa kalangitan, umaasa na maririnig niya ako upang ipaubaya na sa akin ang iisang taong lubos na nagmamahal sa kaniya.
"I hope she would accept me for you."
Kumunot ang noo niya sa sinambit ko.
"My mom? She will surely do."
Tumawa ako at umiling. Mas lalong lumalim ang gitla sa kaniyang noo dahil sa naging reaksiyon ko.
"Not your mom, but I also hope she will." I laughed again and stopped. I smiled longingly at him.
"Sana matanggap ako ni Mia para sa'yo."
Unti-unting napawi ang kaseryosohan sa kaniyang mukha. My tears are already on the verge again but I didn't let them out. His expression turned softer and shook his head like he's disagreeing.
"She'll be happy to know that I will marry the woman I love."
"The woman you love after her." Biro ko.
Umigting ang kaniyang panga at bahagya ulit akong hinapit para mayakap ako.
"Just kidding. I know you love me."
Hindi siya sumagot sabagkus ay mas diniin ang yakap sa akin. Umatras ang mga nagbabadya kong luha at napalitan ito ng isang kagalakan sa aking mga mata. I rested my head on his chest as I felt his hand caressing my stomach.
"I can't wait to spend this lifetime with you two." He huskily said while softly caressing my tummy.
Hindi ko napigilan at napangiti ako. Ako rin, hindi ko na mahintay na makasama siya sa habang buhay na ito.
Alas dose pasado na nang magpasya kaming mauna ni Toby na umuwi. Masyado pang maaga kumpara sa nakasanayang pag-uwi ngunit kailangan ko nang magpahinga dahil may pasok pa bukas. At mahirap na rin dahil kailangan ko ng wastong tulog para maayos ang pagdadalang tao ko.
Nakatulog ako sa byahe na agad kong pinagsisihan dahil masyadong mahaba ang byahe at naisip kong nabagot si Toby. But when I woke up and we're nearing to our house, I saw him silently driving. Seryoso at blanko ang ekspresyon ang nakatuon sa kalsada. Nang maramdaman ang paggising ko ay sinulyapan niya ako.
"Malapit na tayo." He said and caught my hands.
Hinayaan ko siyang hawakan ang aking kamay habang tumititig ako sa labas. Pumasok ang sasakyan niya sa malaking gate namin at natanaw ko ang pintuan na sarado. Walang ilaw na bukas akong natatanaw kaya nakakasigurado na agad akong tulog na si Mommy.
Tinanggal ko ang seatbelt at binalingan si Toby. Naabutan ko siyang seryosong nakatitig sa akin.
"I want you to live with me but I thought of your mother. Paniguradong hindi ka niya papayagang tumira sa akin hangga't hindi tayo nakakasal."
May bahay siya? Hindi ko alam kung anong mga nakamit niya sa nagdaang taon. It makes me insecure to think that I don't know him that much yet after years of not seeing each other but we have a lifetime to learn each other.
"Hindi ko rin naman maiiwan si Mommy, Toby. She's alone here. My Dad died." I shrugged.
Tumikhim siya at nakitaan ko ng simpatya ang kaniyang mga mata.
"I'm sorry. I didn't know about it."
At siya rin pala, maraming hindi alam sa naging buhay ko. Sa loob ng anim na taon, maraming nangyari nang magkahiwalay kami. Halos hindi na namin kilala ang isa't-isa dahil sa daming mga nangyari sa aming buhay. Ngunit ito kami, pag-iibig ang naglalapit at nagbubuklod sa aming dalawa.
Ngumiti ako sa kaniya at umiling. "Ayos na naman ako. Ang mahalaga ay hanggang ngayon matibay na nabubuhay si Mommy."
He nodded. "Then it will be hard for us to move in my house."
Ngumuso ako na agad niyang napansin. Tumawa siya at hinalikan ang aking kamay.
"Habang wala pang asawa si Baste, pwede naman sigurong dito muna tayo tumira. I don't want to leave my Mom alone when we get married."
Nakitaan ko ng multo ng ngisi ang kaniyang labi. Kumunot ang aking noo sa pagtataka.
"Bakit?" Kuryuso kong tanong.
"I am fine living in your mansion with your mother. Basta sigurado kang pakakasal sa akin."
Halos umikot ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi. Muli siyang tumawa at nagawa pang lumapit sa akin para mahagkan ako sa labi. When his lips brushes mine, I feel like in the cloud nine again. Ang kibot ng kaniyang labi na gumagalaw sa ibabaw ng labi ko ay nakakaliyo, nakakaadik. Kung hindi lang bumalik ang wisyo ko ay baka kung ano pang nagawa namin.
I withdrew from the kiss and I saw how his lips parted like he still wants more. I chuckled when I noticed that it's cherry red and almost swollen. Hindi ko napigilan at muli siyang binigyan ng malalim na halik bago humiwalay.
"Pasok na ako. Baka kung saan pa humantong ang halikan natin." Makahulugan kong asar.
Tinaasan niya ako ng kilay at tumaas ang sulok ng kaniyang labi na para bang natutuwa siya sa sinabi ko.
"Want to do it here?" Malisyoso niyang tanong.
I finally rolled my eyes. "Ewan ko sa'yo, Sethtopher! Buntis ako kung nakakalimutan mo."
"But we can still do it, though."
Naningkit ang aking mga mata.
"We can still do it. I searched last night."
Umawang ang labi ko sa inamin niya ngunit tinawanan niya lang ako.
"You never changed, Toby. Manyak pa rin."
"Manyak? Eh, ikaw itong kung ano-anong iniisip."
"Anong iniisip ko? Sinabi ko lang naman na baka kung saan tayo dalhin ng halikan natin."
"Saan ba tayo dadalhin?"
Hindi ko na kinaya at mahina kong sinampal ang pisngi niya. He let out a harsh bark of laughter and then caught my hands to stop me from hitting him again. Ngumuso ako at inirapan siya. Hindi ko siya tinignan kahit pa pilit niyang iginigiya ang aking baba sa kaniyang mukha.
"You're mad? I was just joking-"
"Hindi nakakatawa!" Galit kong sigaw sa kaniya.
He laughed again that made me in tears.
"Oh! You're crying!" Tuwa niyang sambit at mahigpit akong niyakap.
Kinulong niya ako sa kaniyang bisig at ibinaon ang aking mukha sa kaniyang dibdib. I slapped his forearm while my tears started to fell on my cheeks.
"Nakakainis ka!"
"You weren't like this. Why are you crying? I'm sorry." Kahit humihingi siya ng tawad ay bakas pa rin ang pagkaka-engganyo niya sa naging reaksiyon ko.
Mas lalong bumuhos ang luha ko dahil sa pang-aasar niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nagiging emosyon ko. Pakiramdam ko ang hina-hina ko dahil lang umiiyak ako sa isang asar.
"Nakakainis ka!" Sinampal kong muli ang kaniyang braso.
"Shhh." Tinahan niya ako at hindi ko na muling narinig ang pang-aasar sa tono niya.
Siguro ay natanto niyang hindi ako nagbibiro. Umiyak lang ako sa kaniyang bisig nang hindi ko alam kung ilang minuto. Kinalma ko ang aking sarili at kahit tuyo na ang aking luha ay hindi niya ako hinayaang lumabas ng sasakyan.
"Uwi ka na. Malalim na ang gabi." Napapaos kong sambit sa kaniya dahil sa pag-iyak.
He searched for my eyes and when our stares met, he sighed.
"Sorry."
Umiling ako sa kaniya. I kissed his cheek to bid him goodbye.
"Uwi ka na. Nagiging iyakin lang ako dahil sa pagbubuntis ko."
"You look cute, though."
Sinimangutan ko siya. He chuckled and kissed my cheeks once again before he opened the door on my side.
"Bye." Sa maliit na boses na paalam ko.
"I love you." Pahabol niya bago ko isarado ang pintuan.
Kinawayan ko ang kaniyang sasakyan na umaandar paalis bago ko tinahak ang hagdanan papasok. I smiled while walking towards my room. Kuminang ang mga diyamente nang tumama ang ilaw ng salas sa aking singsing.
I will marry him. And that's for sure.
Kinuha ko ang aking bag at bumaba na para masabi kay Mommy ang nangyari kagabi. Hindi ako sigurado sa magiging reaksiyon niya pero umaasa ako na magiging masaya siya para sa akin.
"Clarisse!"
Hindi pa ako lubusang nakakalapit sa hapag ay tinawag na ako ni Mommy. Binilisan ko ang aking lakad at hinagkan siya sa pisngi.
"Anong oras ka nakauwi? Hindi mo ako ginising."
"Pasado ala una na, My."
Umupo ako at tinignan ang magulang. Hindi ko alam kung paano sisimulang sabihin sa kaniya. Huminga ako ng malalim and when I was about to open my mouth, she spoke.
"So, you'll marry Toby?"
Namilog ang aking mga mata. Mom's eyes turned serious as she watched me on my reaction.
"How did you know?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
"Toby called me earlier this morning and told me that he proposed to you last night. Sinabi niya rin sa akin na sa linggong ito rin, gusto niyang pormal na hingin ang kamay mo sa akin."
Inilagay ko sa aking mga hita ang kamay. I saw how strict her eyes now which is very strange because I've never seen them before.
"You don't like it?" Maingat kong tanong.
She sighed. "Malakas na ang pakiramdam ko na pakakasalan ka niya. I saw in his eyes that he loves you."
Ngumuso ako at hindi umimik.
"I'm your mother, Clarisse. Ako ang nagluwal sa iyo sa mundong ito. Dinala kita sa tiyan ko ng siyam na buwan, iningatan at inalagaan hindi para lang bigla kang mawala sa akin."
May gumuhit na sakit sa aking puso. I lifted my hands and hold hers.
"Hindi kita iiwan, Mommy."
Umiling siya at ipinatong ang isang kamay sa kamay kong nakahawak sa kaniya.
"Nalulungkot lang akong isipin na darating ang panahon na magkakaroon ka ng sariling buhay kasama ang asawa at anak mo. I am very aware of it but it never crossed my mind na ipagdamot ka. You are now a grown independent woman. And I only want to see you happy. At kung nabubuhay ang Daddy mo, iyon din lang ang gusto niyang mangyari sa'yo. To see you marrying the man you love will make our hearts in complete gratitude and joy."
I bit my lower lip.
"I want to meet his family and I want to make sure if the man you'll going to marry is worth your heart."
Hindi ko napigilan at nag-uumapaw na naman ang emosyon sa aking puso. I stood and walked near her to hug her. I am happy that she's happy for me. And I will make sure that she will realize how worthy Toby is for my heart.
Sinundo ako ni Toby at may pinag-usapan pa sila ni Mommy na hindi ko na narinig dahil nauna akong pumasok sa kaniyang sasakyan. I waited for him and he didn't tell me what they talk about. Kahit pinipilit ko siya ay hindi niya naman sinasabi. Hindi ko na rin siya pinilit at tumuloy na sa trabaho.
Sinabi sa akin ni Toby ang araw kung kailan gaganapin ang dinner. At habang hindi pa nangyayari iyon, naisipan niyang lumabas kami. It's Sunday today and I have no work. After I published my story of Librador, I told my Boss that I am pregnant and I will have my maternity leave next month... also in preparation for my wedding.
Hindi pa man nakakapagmanhikan ay unti-unti na naming pinaplano ang kasal. We already have a date in our mind that we both agreed. Napag-usapan na rin namin kung saan kami ikakasal. Sa loob ng ilang araw, hindi naiwasang malaman na rin ng aking mga katrabaho ang tungkol sa kalagayan ko. They are happy for me. At ang mga kaibigan ko na lang ang hindi ko nasasabihan.
"What movie do you want to watch?" He asked while we are walking in this uncrowded Mall.
Inaya niya akong manood ng sine dahil gusto niya maramdaman na kahit ilang saglit ay maranas muli naming maging mag-boyfriend-girfriend. It makes me smile because I am lucky to have this romantic man as my future husband.
"Horror na lang?" Suhestiyon ko.
He looked at me curiously but I only smiled. Sinang-ayunan niya naman ako bago kami dumiretso sa counter. He bought us ticket at dalawang oras pa bago kami makapasok kaya naman nagpasya kaming libutin muna ang Mall. I stopped when he stopped.
Binalingan ko siya at sinundan ang mga mata niyang nakatitig sa gilid. My heart warms when I saw what he's looking into. It's a kid store.
Hinawakan ko ang kaniyang braso dahilan kung bakit siya napabaling muli sa akin. He smiled at me.
"You want to get in?" He asked.
Ngumuso ako at tinanaw ang loob ng store.
"Hindi pa naman natin alam ang gender ng baby natin kaya huwag muna. Next time na lang."
Tumango siya at muling sinulyapan ang store na para bang gusto niyang pumasok at tignan. I bit my lower lip to stifle a smile.
"Gusto mo bang pumasok?" Tanong ko sa kaniya.
Umiling siya at umamba nang maglalakad paalis doon ngunit hindi ako pumayag. Halata naman sa mukha niya na gusto niyang pumasok. At sino ako para ipagkait iyon sa kaniya.
I pulled him with me towards the store. Hindi ko na siya binalingan at dumiretso papasok. A lady greeted us and asked us what we are looking for.
"Gamit para sa mga baby." Si Toby ang sumagot kaya nilingon ko siya.
Bakas ang excitement sa kaniyang mga mata habang tinuturo sa kaniya ng sales lady ang daan patungo sa gamit ng mga bata. Ngumiti ako at sinabayan siya sa paglalakad. And if I am not more inlove with him now, hindi ko na alam kung ano itong nararamdaman ko ngayon.
Kinuha niya ang isang maliit na damit ng baby at nakita ko kung paano sumilay ang kaligayahan sa kaniyang mga mata.
"Paano kung lalaki ang baby natin?" Tanong ko, naiiyak.
Sinulyapan niya ako. Pambabae kasi ang hawak niyang damit.
"Edi tumingin din tayo ng panlalaki."
Tumawa ako para mapigilan ang sarili sa pagluha. I don't know how he just simply moves, I am falling even harder. Ginugulgol namin ang dalawang oras sa pagtingin sa mga gamit ng bata bago kami nagpasyang bumalik sa sinehan.
"Are you nervous?" Tinawanan ako ng aking kapatid nang pumasok ako sa kaniyang sasakyan.
Nasa driver seat siya at nasa tabi niya ako. Nasa likod si Mommy at tahimik kaming pinapanood dalawa.
"Shut up." Singhal ko kay Baste.
Ngayong gabi ang dinner na ini-schedule ni Toby. Kinakabahan ako dahil nang tumawag siya sa akin ay sinabi niya sa aking paalis na sila at papunta na sa restaurant. Hindi ko pa nakikita kailanman ang kaniyang mga magulang. Miski sa litrato ay hindi ko sila kilala kaya tahip-tahip ang tibok ng aking puso ngayon.
"Don't be nervous, Reese. Who won't like you?" Pampakalma sa akin ni Mommy.
I looked at her through the rear mirror. Sinimulang paandarin ni Baste palabas ang sasakyan.
"Yeah. Who wouldn't like you, Ate? Laman ka nga ng balita."
"Baste!" Galit na awat ni Mommy sa aking kapatid.
Hindi ko na lubos maisip pa ang mga pang-aasar ni Baste dahil mas dumudoble ang kaba sa aking dibdib. I never was this tense when meeting someone. Noong nag-apply ako sa NYT at CNN, ni hindi ako nakaramdam ng ganitong klaseng kaba.
"Mabait ang magulang ni Toby. I've met them years ago when we were still varsities. Hindi naman sila nangangain ng journalist."
Matalim kong binalingan ang aking kapatid na kanina pa ako inaasar pero sa tingin ko ay ginagawa niya lang iyon para hindi ako kabahan. Pero huli na siya dahil para na akong mamamatay sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Lumabas ako ng sasakyan nang makarating kami sa tapat ng hotel-resto na pagdadausan ng dinner. I saw Toby in his formal ash suit and hair in clean cut. Huminga ako ng malalim nang maramdaman ang pagdaloy ng lamig sa aking buong katawan.
Nang natanaw kami ni Toby ay agad niya akong nilapitan. Hinapit niya ako sa baywang at hinalikan sa pisngi bago si Mommy at Baste naman ang binati.
"Your girl is nervous, Toby." Imporma ni Baste.
Binalingan ako ni Toby. Kumunot ang kaniyang noo at inagaw ang malamig kong kamay. Ngumisi siya nang maramdaman ang kaba sa akin.
"They will like you. I am sure of that." He kissed me again on my cheeks before we entered the hotel.
Para akong lumulutang sa kawalan habang palapit kami sa pribadong room na nireserve ng kaniyang pamilya. At nang tuluyan itong bumukas at bumalandra sa akin ang dalawang matandang ginoo at ginang ay nadagdagan ang kaba sa aking dibdib.
Hinigpitan ni Toby ang hawak sa aking kamay habang palapit kami. I smiled even when I am hella nervous. Nang makita ko kung paano maligayang tumayo ang Mama ni Toby ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig at kumalma.
"It's finally nice meeting you, Clarisse! I am Toby's mother, Tamara."
Humiwalay ako kay Toby nang ibeso ako ng kaniyang ina. She looks very sophisticated and elegant with her wine conservative gown dress.
"Nice to meet you din po, Ma'am." Kinakabahan kong sagot.
Ngumiti ito at hinawakan ako sa kamay.
"Ano ka ba, Tita ang itawag mo sa akin. O 'di kaya'y Mama!"
Sumunod na nagpakilala sa akin ang halos kamukhang kamukha ni Toby.
"I'm Toby's father. I am Seth. It's nice to finally meet you, hija."
Ilang minutong pagpapakilanlan bago kami nagpasya na umupo. Hindi na masyadong pormal na nagpakilala si Baste dahil kilala naman ito ng mga magulang ni Toby.
Tumabi ako kay Toby. Samantalang ang kaniyang mga magulang ay nasa magkabilang kabisera. At si Mommy at ang aking kapatid ay nasa aming harapan.
The food was served na nagpawala ng tension sa akin. Kaswal na nag-usap sina Mommy at ang magulang ni Toby. They asked about Baste's and finally spoke to me. Pinunasan ko ang aking labi ng table napkin upang maituon ang buong atensiyon sa kanila. Toby looked at me and put a strand of my hair on the back of my ear.
"Sa balita lang kita nakikita noon. Hindi naman nagsasabi sa akin si Toby na may nobya siya." Panimula ng ina ni Toby.
Kinabahan ako at tumango. Hindi ko alam bakit biglang may bukol sa aking lalamunan. Ngumiti ang Mama ni Toby.
"Kailan lang niya sinabi na may nobya siya. Pero matagal ko nang napapansin na bukod kay Mia, may iba pang babae ang nagpapagulo sa isip niya."
Toby looked at his Mom. "Ma," tawag nito.
Umiling ang Mama niya. "Wala akong ibang intensiyon, hija. Naalala ko lang noon kung gaano nasaktan ang anak ko nang mawala si Mia."
"Ma-"
"Toby, it's okay." Awat ko sa kaniya.
Ngumiti ang Mama niya sa akin ulit.
"And I am happy that he found you. Ikaw ang nagbigay ng ngiti muli sa anak ko. If not because of you, I don't know what will happen to this man. I've told him many times before that he's still capable of loving someone but he always says that he won't."
Mapait akong napangiti. Nahuli ng aking mga mata ang seryosong pakikinig ni Mommy.
"Hindi ko rin alam kung ano ako ngayon kung walang siya sa buhay ko." Amin ko.
Toby looked at me in awe but I only smiled at him.
"I can see how much you love my son, Clarisse. And I can see how much my son loves you. Pero may iilan lang akong pangamba."
Muling umusbong ang kaba sa aking dibdib.
"You are pregnant. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang nangyari sa iyo. I've heard the news about you linking to the issue of Secretary Librador. Nangangamba lang ako sa iyong trabaho."
Huminga ako ng malalim. Hinawakan ni Toby ang aking kamay.
"I understand po." Ngumiti ako at ipinakita sa kaniya ang sinseridad ko.
"My job is risky, but I've been working in this field for six years. My love for it didn't change when my life was put in danger. All my life I thought that I could save myself, well I can. But I realized, now that I have someone inside me, I learned to be more cautious of my actions. Hindi na lang ang sarili ko ang iingatan ko kundi pati na rin ang baby ko. Kung ako lang din naman, hindi ako takot na mapahamak. Pero kung madadamay pati ang anak ko, I'd rather sacrifice myself just to save her."
"Clarisse," Toby called me, naalarma sa huling sinabi ko.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay sa ilalim ng lamesa at nagpatuloy. Let me finish my words, Toby.
"What I mean is, I will never let my baby in danger. He/she will be my life from now on and I can never afford to lose him/her."
Tumango si Tita Tamara.
"There's no mother on this earth will ever think of their child's disaster. Alam kong nais mo para sa anak mo ay tanging kaligtasan. Ngunit gusto kong malaman mo na bago iyon mangyari, kinakailangan na ligtas ka rin. How will you save your child if you can't even save yourself?"
"I promise that I will do everything to save my child against everything. Hindi ko siya ilalagay sa kapahamakan."
"And I'm here to protect them. I am the father and her future husband." Singit ni Toby.
Natanaw ko ang pagngiti ni Mommy dahil sa sinabing iyon ni Toby.
"Okay. I am now convinced that nothing will happen bad to my apo because of you two."
Nakahinga ako ng malalim. Binalingan ng Mama ni Toby si Mommy dahilan kung bakit napabaling ako sa aking magulang.
"How about you, Toby? How sure are you to marry my daughter?"
Napainom si Baste sa kaniyang baso. Hindi niya kami sinusulyapan ngunit bakas naman ang ngisi sa kaniyang labi.
"You might think that I'll marry your daughter because I get her pregnant. To be clear, I will marry your daughter because I love her. It's been six years since she left and I was stupid then to not realize quickly that she is what I needed in this life. Siya ang hinahanap ng puso ko noong mga panahong akala ko nanatili ang puso kong tumitibok sa isang taong wala na. And I am here, in front of you, to formally ask for her hand. Because I always believe that I could only marry her if you give your blessing to us."
Nangilid ang luha sa aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ako sinulyapan ni Toby samantalang namamangha ko siyang tinititigan.
"You're already at age. But, I just want to remind you two that this decision is a lifetime. The day you marry each other is also the day when everything ended. Your life individually will gone dahil pamilya na ang magiging prioridad ninyo. May sapat na pera na naman kayo at stable na trabaho, maybe you enjoyed your lives individually before, too kaya nagdesisyon na kayong magpakasal." Mommy said.
Mom looked at me and smiled so I returned my smile to her.
"I only want to see my children happy with their lives. I only want to be sure that they will end up to someone who is worthy of their hearts. And right now, looking through my daughter's eyes, I can't see anything but a complete desire to love you eternally."
My heart gets heavy because I am trying to hold back my tears. Napawi ang aking ngiti habang pinapanood si Mommy na nagsasalita. Itinaas ko ang aking kamay at agad naman iyong hinawakan ni Mommy. I saw tears forming in her eyes that made it harder for me to hold back my tears.
"Toby, I accept you as my daughter's husband. I am accepting you as part of my family... as my son."
Pinalis ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. Toby wiped it away while he said his gratitude to my mother.
"Thank you, Tita. I promise to never break your daughter's heart. I will love her with all of me."
Bumagsak ang tingin ko sa lamesa dahil hindi ko na kinakaya ang aking luha. I wiped it away while hearing them continue talking.
"Ibinibigay ko ang tiwala ko sa'yo, Toby. Hindi magiging madali, pero sana mapag-aralan mong piliin sa araw-araw ang pagmamahal na mayroon ka para kay Reese at sa magiging anak ninyo." Dagdag ni Mommy.
"I promise to learn to love her even harder each day. I promise that we will grow beautifully with our child."
Nag-angat ako muli ng tingin. Toby caressed my wet cheeks and kissed it.
"I just want to add that marriage is the messiest part of our lives. Magulo. Kaya kailangan ninyong matuto na kahit nakakapagod na, kailangan pa rin lumaban. Kasi iyon ang panghabang buhay na consequences ng pagpapakasal. Always remember the love you have for each other no matter what will happen in the future because it will save you both and the family you'll build together." His mother added.
"I will choose him over everything. I will love him intensely that it will be hard for me to let go of him."
Iyakan at isang matamis na ngiti ang ginawad namin sa isa't-isa. Toby hugged me sideways and whispered to me the words I always wanted to hear.
"I love you."
Nagpatuloy ang kaswal na pag-uusap tungkol sa plano namin. We told them about the venue and the date we planned. Nagbigay pa sila ng ilang opinyon. Napuno ng halakhak at kakaibang saya ang buong silid hanggang sa lumalim na ang gabi at kailangan nang umuwi.
Toby's mother came to me and reminded me to take care of myself and my baby.
"Ingatan mo sila, Toby." Paala nang kaniyang Papa nang sumakay kami sa kaniyang sasakyan.
Si Toby ang maghahatid sa akin dahil may driver naman ang kaniyang mga magulang. Samantalang si Baste at Mommy ay nauna na.
"Syempre." Toby boasted.
Tinapik siya ng kaniyang ama at ngumiti sa akin bago pinaandar ni Toby ang sasakyan. I looked at him while smiling. He glanced at me and lifted our intertwined fingers towards his lips. He kissed my hand like it is his precious.
I rested my head on the back of the seat and watched my man happily manoeuvering the steering wheel while holding my hand.
This is my happiest night... but I guess there will be more days coming that will be considered my happiest. When we get married and when my baby born.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top