#TTW31
Entry 31
"Is that my child?"
Namilog ang aking mga mata sa tanong niya. Inasahan ko nang tatanungin niya iyon pero hindi ko inaasahan na iisipin niyang siya ang ama ng dinadala ko.
Hindi ako nakasagot. Nag-iwas ako ng tingin at pinilit ang sarili na magsalita ngunit hindi ko alam kung paano gagamitin ang mga salita para umamin sa kaniya. Natatakot ako. What if he's just purely curious if this is his child? Anong mangyayari pagkatapos niyang malaman? Iiwasan niya na ba ako? Tatanggapin niya 'yong bata, pero paano ako?
Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang sarili sa pag-ambang pagluluha. My tears are already on the verge, knocking to finally come out but I don't want to show it to him.
"Clarisse," He called me softly.
Naramdaman ko ang pagdapo ng isang mabigat na kamay sa akin. Bumagsak ang tingin ko sa lamesa at nakita roon ang kaniyang mga kamay. He searched for my hand on the table and held it like he wanted to touch it for a long time.
Mas lalong nanlabo ang aking mga mata. Mas umatikabo ang pagtibok ng puso ko para sa kaniya. Sa sobrang bilis ng tibok nito, nasasaktan na ako ng pisikal.
Dahan-dahan akong umiling para itanggi ngunit totoong traydor ang emosyon ko sa aking sarili. My tears fell shamelessly in front of him. Umiling ako at iniwas ang aking kamay sa kaniya. Pinalis ko ang sariling luha habang patuloy na umiiling.
"H-Hindi..." Garalgal kong sagot.
Napapikit ako dahil sa sobrang pag-agos ng aking mga luha ngunit patuloy lang akong umiling at nagpalis ng luha. Naramdaman ko ang bahagya niyang paglapit dahil sa pagdampi ng kamay niya sa aking pisngi.
"If not, why are you crying?" Malumbay niyang tanong.
Dahil sa tono ng boses na ginagamit niya, mas lalo akong nasasaktan. Mas nahihirapan akong mag-sinungaling kasi tinatraydor na rin pati ako ng sarili kong isip. Umaasa kasi ito na hanggang ngayon may pagasa kaming dalawa. Umaasa pa rin ito na pagkatapos ng ilang taon, siya pa rin ang para sa akin. Thinking about the past, I know he never loved me the way he loved Mia and it still hurts. Dahil kailan ko ba siya mapapantayan? Kailan ko siya malalagpasan? Kung mahal niya ako... paano si Mia? Nakalimutan niya na ba siya?
What if he's just only inlove with the thought of loving me? What if he's just lonely the reason why he feels like he loves me? Ayokong maramdaman ng anak ko na pinipilit ko siya sa buhay ng isang taong hindi kami lubusang mahal.
"Clarisse..." He called me again but I can't just stop crying.
Wala na akong pakialam kung may nakakakita sa amin. Pero sa tingin ko naman, hindi kami kita dito dahil pinili ni Toby ang table na malayo sa ibang tao.
"I am the father." Hindi iyon tanong.
Isang beses ko pa ulit pinalis ang luha ko sa aking pisngi bago ako nag-angat ng tingin. When our eyes met, my vision gets blurred again. Ang bukol sa aking lalamunan ang siyang nagpapahirap sa aking magsalita ngunit nagpatuloy ako.
"H-Hindi... T-This... is... n-not your... c-child." I hardly said those words dahil sa patuloy kong paghikbi.
I didn't dare to look at his eyes again. Inabala ko ang sarili ko sa pagpupunas ng sariling luha. Hinintay ko ang pagsagot niya ngunit ilang minuto na rin akong nagpapakalma ng sarili ay wala man lang akong narinig na sagot mula sa kaniya.
I returned my eyes to him again just to see him longingly watching me. Pumungay ang kaniyang mga mata at umayos sa pagkakaupo. He sighed and shook his head.
"I never thought that you could lie."
Muli akong nagulat sa sinabi niya. His eyes changed, from being soft to something I am always scared of. It's dark and deep, very mysterious like the night.
"I always see you as someone who could never fake her statements. Magaling kang magtago ng feelings, Clarisse... but your words can never lie. You can't do lying, baby. You suck on it."
Tila nahiya ang mga luha ko sa sinabing iyon ni Toby. He smirked without humor. He crossed his arms and looked straightly to my eyes. At hindi ko magawang matagalan iyon dahil pakiramdam ko nalulunod ako sa tuwing tumititig sa magaganda niyang mga mata.
"Now tell me the truth. I am the father, right?"
"Hindi nga sabi-"
"You should tell the truth."
"Iyon naman ang totoo pero hindi ka naniniwala." Pumiyok ako dahil nagbadya na naman ang mga luha ko.
I rolled my tears but they just won't stop.
"Because you're not good at lying. I know it when you lie-"
"Then why are you still asking? Paniwalaan mo na lang kung anong gusto mong paniwalaan."
Nasapo ko ang aking mga mata at pinilit na huwag umiyak ngunit para akong bata ngayon na inagawan ng candy dahil sa paghagulgol. Hindi siya nagsalita dahilan kung bakit nabalot sa matinding katahimikan ang pwesto namin. Tanging mga hikbi ko lang ang naririnig.
Naiinis ako sa kaniya. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Kanina nasasaktan ako sa mga negatibo kong naiisip, ngayon naman ay naiinis ako sa kaniya dahil ayaw niyang maniwala sa akin. Hindi ko alam bakit ganito. Siguro dala na rin ito ng aking pagbubuntis.
Ilang minuto pa akong humikbi hanggang sa nagawa ko nang mapakalma ang aking sarili. Suminghot ako at inayos ang sariling mukha.
"Are you now okay?" Tanong niya.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagsinghot at pagpalis sa mga tuyong luha. I heard him sighed heavily that made me glance at him but it's just quick because I looked away again.
"I'm sorry." Aniya.
Hindi pa rin ako umimik.
"Hindi na kita pipilitin. If that is not my child, then no. Just... stop crying. I don't want to see you hurt."
Muling bumuhos ang panibagong luha sa aking mga mata. Hindi niya na rin natiis at lumapit siya sa akin at tinulungan ako sa pagpapalis ng aking luha. I looked at him with teary eyes and I don't know how I bravely uttered it, but I did.
"Nakakainis ka... H-Hindi mo naman k-kailangan na panagutan a-ako kasi pagkakamali 'yong nangyari sa'tin."
I know he was taken aback with what he just heard because he stiffened. Tumigil ang pagpalis niya sa aking luha ngunit hindi nagtagal ay muli kong naramdaman ang kaniyang paghaplos sa aking pisngi. Hindi siya umimik na mas nagpakaba sa aking dibdib. Negative thoughts are surrounding my head again.
Now that I confirmed it with him, is he now realizing that he don't love me? Iiwan niya na ba ako ulit? Hindi na naman ba ako ulit pipiliin? Kailan ba ako pipiliin? Wala na si Mia pero pagod na pagod na akong makipagpaligsahan sa kaniya sa puso ni Toby.
"I know that you still love her... I know that it's always M-Mia..." I trailed off.
Napakagat ako sa aking labi dahil sa paghikbi ngunit sinubukan ko pa ring magpatuloy.
"G-Gusto kong i-itanggi sa'yo kasi ayokong isipin m-mo na ginagawa ko itong dahilan para lang m-mahalin mo ako-"
"I love you, Clarisse." He clearly uttered and cupped my face.
"Pero hindi katulad ng pagmamahal na meron ka kay Mia." I gritted my teeth and looked at his sad eyes, too.
Pumatak ang luha ko at pinalis niya iyon. Ang nakapagitan sa aming lamesa ay isang malaking hadlang para tuluyan niya akong mayakap.
Pumikit siya ng mariin bago siya muling nagmulat ng mga mata. I looked away.
"Yes, you're the father of my carried baby but that won't make you less a lover to Mia. Dahil hindi kita pipilitin na panagutan ako kasi kaya ko 'to. I am not asking you to choose me-"
"Hindi ka makikiusap kasi talagang pipiliin kita."
I stopped and looked at him.
"Clarisse, ikaw ang mahal ko. Sinabi ko na sa'yo 'diba? Ilang beses ko nang pinaulit-ulit na ikaw ang mahal ko. What made you think that I won't choose you? I love you-"
"That's what you told me before. You told me you love me but then I was still left in pain because you don't love me as much as you love her! At ang sakit sakit no'n, Toby."
Nagtaas baba ang aking dibdib dahil sa bigat ng aking pakiramdam. Humikbi ako.
"I am scared that what happened years ago might happen still today. Hindi na lang ako ang masasaktan. I have my baby with me and no matter how I know that you deserve to know about this... ayoko namang sirain ang buhay ko."
I don't know if I am hallucinating or what but I saw tears on his eyes. Nanlaki ang aking mga mata at umatras ang mga nag-aamba kong luha.
"I'm sorry. I know I have been asshole before. I hurt you. I made you cry. It's understandable that you're scared to give me a chance again."
My chest got hurt with his words. The last time I saw him this pained was years ago.
"I know that it will be hard for you to accept me again because of my past. I have loved someone who isn't here anymore... Mia is my first love but she's gone. You are my love now. You made me fall for you so hard. Noong mga panahong akala ko hindi na ako ulit iibig, bigla kang dumating. And I don't know what I will do if I won't mark you mine because I want you in this lifetime."
My lips parted with his confession. He smiled sadly and continued his words.
"I regret the day you left without realizing that you are the one I love. I hate the days I made you cry without realizing that I love you more than I could think. I hate the days I spent alone without you because of my stupidity. I failed to make you feel that you are different from Mia. I failed to make you feel that you are the one I love. I failed to tell you how much you mean to me because all I thought... I will never forget her."
My eyes watered again. Pumikit ako at dinama ang pagdausdos ng mga luha sa aking pisngi. Hindi ko alam kung kailan ba matatapos ito. Dahil sa lahat ng salitang babanggitin niya, nasasaktan ako.
"I am not inlove with you just because I feel alone. I didn't fell for you this hard just because I thought I am inlove with you. Clarisse, mahal kita kasi mahal kita. Mahal kita kasi hindi ko makita ang sarili ko na hindi kita kasama."
Tuluyang bumuhos ang luha ko. Dahil na rin siguro sa sobra-sobrang emosyon na nararamdaman ay hindi ko na napigilan ang sariling damdamin. I stood and get near him. Bago pa man din ako makalapit sa kaniya ay tumayo na siya at sinalubong ako. I hugged him tight and cried on his chest.
No matter how I deny it, I can't hide my emotions. I can conceal my real feelings through faking my words and how I act but I can never hide my real emotions. Hindi ko kayang magpanggap na hindi ko siya mahal kasi mahal na mahal ko siya.
I slapped his back using my weak hands. Tinago ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib habang nararamdaman ko ang marahan niyang paghapit sa aking baywang. Humigpit ang yakap niya sa akin dahilan kung bakit bigla akong nakaramdam ng kapayapaan sa kaniyang bisig.
"I'm sorry for making you cry. I'm sorry for hurting you." He whispered so soft.
Pumikit ako ng mariin at dinama ang matigas niyang bisig. I can't speak because I am still sobbing hard.
Mahirap tumanggap muli ng taong minsang naging aral sa buhay mo. Mahirap muling tumanggap ng isang taong minsan ay nag-iwan ng malaking marka ng sugat sa puso mo. Pero katulad ng pagsulat, katulad ng pagkakamali sa larangan ng pamamahayag, sa bawat pagkakatutong ko sa aking pagkakadapa, natuto akong bumawi at bigyan pa ulit ng pagkakataon ang sarili.
I healed for who broke me. I healed and moved on... and I can still manage to give another shot of chances because he deserves it.
And my baby... he deserves a father.
"Damn. I will father your child. I am the father of your child!" Bakas ang kasiyahan sa kaniyang tono kung kaya't hindi ko rin napigilan at napangiti ako.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang tinagal namin na kapwa magkayakap. Halos makalimutan ko pang nasa loob kami ng restaurant. Iyon ang nagpagising sa akin sa realidad kaya humiwalay ako sa yakap. He tried to catch my eyes by crouching but I looked away. Pinunasan ko ang aking pisngi at tahimik na bumalik sa aking silya.
I didn't dare to look at him while I was fixing myself. Hindi ko alam kung dumating na ba kanina ang waiter at umalis lang ulit o talagang ngayon lang siya bumalik. I lifted my eyes to the waiter who's serving us silently. Tila alam niya ang kung anong nangyari sa'min kani-kanina lang.
"What are your cravings?"
I was already cutting my steak when he asked that. Bahagya akong huminto at nag-isip ng kasagutan.
"I don't specifically crave for something. Iba-iba, araw-araw." Mahina kong sambit.
Hindi siya kumibo kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. I saw him watching me soothingly and smiled darkly when our eyes met. Ngumuso ako at tipid na binigyan na lang siya ng ngiti bago ako nagpatuloy sa pagkain.
"Kailan mo nalaman na buntis ka?"
I chewed my steak before answering. "I just knew it yesterday. Pero malakas na ang pakiramdam ko na may kakaiba sa nararamdaman ko because I don't usually crave for something or eats too much. Hindi rin naman ako iyakin dati kaya naisip kong... baka..." Hindi ko matuloy-tuloy.
He nodded.
"I will let you choose your lunch from now on."
Naningkit ang aking mga mata sa narinig.
"Because you might not like the food I'll give you-"
Mabilis akong umiling. Kaya ko naman ang sarili ko ngunit masyado na ata siguro akong nasanay sa kaniya na kahit simpleng pagpapadala niya sa akin ng lunch ay pinaka-iingatan kong huwag mawala.
"It's okay for me."
I saw a ghost of smile on his lips but it's gone quickly. His eyebrows shot up and his lips twisted like he's trying to stifle a smile. Kumunot ang noo ko sa reaksiyon niya. He shifted and leaned a bit to the table.
"Hindi naman ako titigil magpadala sa'yo ng lunch. Ikaw lang ang pipili."
My mouth went 'O' but I hid it. Sumimangot ako habang pinagmamasdan ang maliit na steak sa aking pinggan.
"Ayos lang naman sa'kin ang mga pagkaing pinipili mo."
Sa sobrang baba ng boses ko, hindi ako nakakasigurado kung narinig niya ba iyon. Ngunit nang mag-angat ako ng tingin at nakita kung paano sumilay ang ngiti sa kaniyang labi ay nakasigurado akong narinig niya.
"Okay, then!" Tuwa niyang untag.
Tumaas ang kilay ko sa reaksiyon niya ngunit pinagsawalang bahala ko na iyon. I feel like my baby is hungry because my tummy is growling. Naparami ang kain ko na kahit tapos na ang dinner namin ay naghahanap pa rin ang tiyan ko ng pagkain.
Toby is holding me on my waist when we get out from the restaurant. My side bangs were swayed when we got out and the wind welcomed us. Binalingan ako ni Toby at marahang hinawi ang bangs na humarang sa aking mga mata.
He opened the shotgun's door for me but then I remember something. I bit my lower lip and lifted my eyes on him. Naabutan ko ang mga mata niyang madilim ang titig sa akin.
"I... I have the copy of my ultrasound. Do you want to see it?" I asked him.
The emotions in his eyes didn't change when he nodded. Tumango rin ako at hinanap sa maliit kong bag ang copy ng picture ng ultrasound. When I found it, I smiled widely again. I handed it to him and he accepted it.
Pinanood ko ang kaniyang mukha na para bang naguguluhan sa sariling nakikita. Ngumuso ako at hinawakan ang kaniyang palapulsuhan upang maibaba niya ang kamay. Sinundan niya ng tingin ang kamay kong nakahawak sa kaniya.
"Ito," I pointed the little circle on the picture.
"Ito 'yong baby natin." I told him.
Tiningala ko siyang muli at napangiti nang makitang seryoso ang titig niya sa litrato. Noong una ay naguguluhan pa rin siya ngunit unti-unti nakita ko ang biglaang pagbabago ng emosyon sa kaniyang mga mata. I saw how his eyes shined while not tearing off the stares on the picture.
May malambot na humawak sa aking puso. Tinagilid ko ang aking ulo at pinagmasdan ang halos nangingiyak na Toby sa aking harapan. Nang makabawi siya ay binalingan niya ako at mabilis akong niyakap ng mahigpit.
"Thank you. Thank you." He repeatedly said those words while kissing my forehead.
Hindi ko napigilan at naluluha na rin ako. I returned his hug and let him cry for a second on my neck. I never saw him cry even before. And it's so heartwarming to see a Toby cries like a baby because of his baby.
"Thank you. I love you." Aniya at muling hinalikan ang aking noo.
It took us hours to finally arrive at my house. Nang pumasok sa malaking gate namin ang sasakyan niya at tumigil ito sa tapat ng aming mansion ay agad akong nalungkot. I never felt this happy for so long that it's quite strange to end it now.
Tinanggal ko ang seatbelt ko at sinulyapan si Toby. Naabutan ko siyang nakatitig na sa akin at pinapanood ako. Ngumiti ako sa kaniya at tinuro ang labas.
"Baba na ako. Ingat ka-"
"Where's my kiss?"
Namilog ang mga mata ko sa tanong niya. He laughed to make it lighter because I was shocked.
"Just kidding. We just get back together again so I understand if you're still not comfortable-"
"What are we? Kids?" Bwelta ko.
Ngayon, siya naman ang nagulat sa sinabi ko. Ilang segundo kaming nagkatitigan bago siya tumawa.
"And when I thought my Clarisse changed, hindi pala." He said and quickly leaned to kiss me.
Pumikit ako at hinintay ang labi niya. And when our lips touched, I feel like I am in cloud nine. I put my arms around his neck while he held on my nape to deepen the kiss. His tender lips feels like a feather that I always wanted to kiss.
He withdrew from the kiss. Bumagsak naman ang tingin ko sa kaniyang labi na ngayon ay namumula dahil sa halikan namin. I bit my lower lip and looked at his eyes. Namungay ang kaniyang mga mata habang nakangiti sa akin.
"I missed your lips." Amin niya at marahang hinaplos ang pang-ibabang labi ko.
"I missed your lips, too."
His lips parted but then it turned to smirk. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin ngunit muling bumalik sa kaniya.
"I'll go now. It's already late, you should go now, too." I feel like a woman with my voice now.
Tumango siya at isang beses pa ulit akong hinalikan sa labi bago hinaplos ang tiyan ko.
"Good night to my babies."
Para akong reyna ng mga paru-paru ngayon dahil naglabasan sila sa tiyan ko. Bago pa man din akong magmukhang teen ager na kinikilig ay nagpaalam na ako sa kaniya at bumaba ng kaniyang sasakyan. Hinintay ko ang paglabas ng kaniyang sasakyan bago ako dumiretso papasok sa loob ng bahay. And I almost jumped when I saw Baste and Mom in the sofas.
"Bakit ka nandito?" Salubong ko kay Baste.
He walked towards me and rolled his eyes. "Bahay ko rin 'to, malamang nandito ako."
I rolled my eyes at him. Hindi ko siya pinansin at binalingan si Mommy at hinalikan siya sa pisngi.
"Si Toby ba iyon? Nag-usap na kayo?" Tanong niya agad.
I played with my tongue and nodded. Makahulugang ngumiti ang aking magulang samantalang nagtaas lang ng kilay sa akin si Baste.
"Oh anong sabi? Papakasalan ka daw ba?"
"Mom!" Agap ko dahil kung ano-ano agad ang naiisip niya.
"What? I am just asking. Teka, alam niya na ba? Sinabi mo ang totoo?"
"Sinabi ko sa kaniya ang totoo-"
"Oh anong reaksiyon? Papanagutan ka ba?" Baste butt in.
Dahan-dahan akong tumango. "He was happy-"
"Edi papakasalan ka nga!" Mom happily assumed.
Ngumiwi ako at gustuhin ko mang umalma ay sunod-sunod na ang kaniyang mga sinabi.
Hindi ko naman naiisip pa na magpapakasal kaming dalawa. I am happy with what we have right now. He accepts our child and he loves me... I don't know what we are but I am happy with it. We can take it slow now that we just got back together again.
Para akong lumilipad sa alapaap habang inaalala ang lahat ng nangyari kanina. It was hard to tell him the truth because I am scared but thinking of his confession made my heart go on wild that it's hard for me to tame it anymore. Ngumisi ako at niyakap na parang baliw ang unan.
Nagising ako sa panibagong umaga at agad pumasok sa aking isipan ang mga kaibigan. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang pagdadalang tao ko but I will tell it to them soon. Kapag natapos ko ang istorya kay Librador. I'll take a break and will schedule a meeting with them.
Bumaba ako at kumain kasabay sina Mommy at Baste. Marami silang pinag-uusapan dalawa na hindi na nila nagawang usisain pa ako. I think Baste is asking for my Mom's expertise in law.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako at gusto pa sana akong isabay ni Baste ngunit sinabi ko na sa kaniyang kaya ko. I was already on the stairs when I remembered that I didn't bring my car home dahil hinatid ako ni Toby.
Nasapo ko ang aking noo at babalik na sana sa loob nang makita ko kung sino ang naghihintay sa akin sa baba ng hagdanan.
"Good morning, lady!" He greeted me.
Nanlaki ang mga mata ko at para akong bata na nagmadaling bumaba ng hagdanan para lang mapuntahan siya. Gusto ko siyang yakapin ngunit umusbong ang kahihiyan sa katawan ko kung kaya't tumigil na lang ako sa kaniyang harapan.
"You're here?" Hindi ko maiwasang magtunog maligaya.
He smiled and nodded cooly at me. Para bang alam niya na natutuwa ako sa presensiya niya ngayong umaga.
"You didn't bring your car home so I came here. At ayokong pumasok ka na mag-isa. I care for your safety and our baby therefore I should make sure you will arrive safe on our workplace."
Alam kong romantiko at maalaga siya noon pa man, ngunit hindi ko akalain na hanggang ngayon ay ganoon siya. Napangiti ako.
"Toby!" Mom's voice cracked behind us that made my eyes shuts tightly.
At ang sunod ko na lang na alam, they are already talking like they miss each other. Nagawa pang tapikin ni Baste si Toby sa balikat bago siya dumiretso sa sariling sasakyan na para bang ayos na sila. Sinundan ko ng tingin ang kapatid ko ngunit naagaw na ni Mommy ang atensiyon ko.
"Mali-late na ako, Mommy. Kailangan na naming umalis."
"Hay nako, Toby. Hindi ko 'yan mapipigilan sa pagtatrabaho. Baka sa'yo makinig 'yan kapag pinagbawalan mo."
Binalingan ko si Mommy at nangunot ang noo dahil sa narinig. She only smiled at me sweetly and caressed my cheeks. She just told me that she won't stop me from doing my job but here she is trying to ask Toby to stop me from working.
"It's always her choice po. I'll respect her every decision. Your daughter is very smart and keen, she knows the best for herself and for the baby."
Halos masamid si Mommy sa naging sagot ni Toby kaya napairap ako.
"Bahala nga kayo. Kailan mo na lang papakasalan ang anak ko-"
"Mom!" Awat ko.
Mom giggled and I saw how Toby smiled with my Mom's teasing.
"Tara na, Toby. I'll be late."
Nauna na ako sa paglalakad at pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan. May huling sinabi pa si Mommy sa kaniya dahilan kung bakit natagalan siyang sumunod. Akala ko at may sasabihin siya pagkapasok ngunit nasa highway na kami at parehas pa rin kaming tahimik.
Mom's words suddenly appeared on my mind.
"Don't mind my Mom. She's getting old that's why she's like that."
"Uh-huh," tangi niyang sagot.
Sinulyapan ko siya at naabutan siyang pinaglalaruan ang labi gamit ang daliri habang nagmamaneho. Ibinalik ko ang tingin sa kalsada.
"What do you want for your lunch? I'll order later."
Iyon ang naging laman ng pag-uusap namin habang nasa byahe. Sa tingin ko rin kasi, hindi pa dapat namin pag-usapan ang ano mang nasa utak ni Mommy na pagpapakasal. Although we're both on age na, ngayon pa lang ulit kami nagkabalikan at masaya naman ako sa estado namin. What matters is that I know he loves me.
Sabay kaming lumabas at naghiwalay lang kami nang tumigil ang elevator sa floor ko. Bumalik rin naman ako sa baba dahil may iko-cover ulit akong insidente sa kalapit probinsya.
And while on our way and I can see whorship buildings, all I can think about is my future.
Marriage are for those who are sure for each other... for those who are ready to build a new chapter of their life together...
I let out a sigh dramatically before I focus on my report. I took almost the whole day on the field and I ate my lunch on the near fast food with my camera man and other journos I'm with. Nang sumapit ang dapit hapon ay doon palang kami nagpasyang umalis na dahil buo na rin ang impormasyong nakalap ko.
"Clarisse, you're here again!"
Bagsak ang dalawa kong balikat dahil sa pagod at sabayan pa na nakita ko si Richard ngayon. I tried to smile to show my respect.
"Are you done with your work? Can I have now dinner with you?" Swabe niyang tanong.
"I'm sorry, Richard but I-"
"Oh don't tell me you're with someone again. Nakita ko na camera man mo lang ang kasama mo ngayon." He smirked.
Dahil na rin siguro sa pagod, wala akong ibang maramdaman sa kaniya kundi inis sa pangungulit niya. He's being friendly but I am tired.
"I'll have my dinner with my boyfriend tonight. Kaya, I'm sorry."
He was taken aback with what I said. Hilaw siyang tumawa nang makabawi.
"You have boyfriend?" Halos hindi pa siya makapaniwala.
"Yes, meron." Pagod kong sagot.
Ngumisi siya. "Sino? 'Yong kasama mo noong isang araw?"
Umayos ako sa pagkakatayo at inabangan ang susunod niyang sasabihin. Ngumisi siya na para bang hindi siya makapaniwala.
"Marketing Manager ninyo 'yon, 'diba?"
Bakas ang tono ng pangmamaliit sa boses niya. I feel so offended because I know that he's filthy rich but that doesn't give him the benefit to think us low.
"Yes. And with all due respect, Richard, I don't like you from the very start kaya please refrain yourself from talking to me from now on whenever you see me."
"Why are you so mad? I'm just asking." Tumawa siya.
Umirap ako at mas lalo pang umusbong ang inis sa aking katawan nang makita kung sino ang sakay nang dumaang limousine. It was Secretary Librador with his eye glasses. Nakangiti pa at hindi ako napansin.
"It's alright. Bagay nga kayo ng Marketing Manager ninyo."
Bago pa man din ako makapag-react ay nilagpasan niya na ako. Gusto kong sumabog at magwala dahil sa pagod at sinabayang inis na mayroon ako kay Richard at Librador but then I remember my child.
I looked at the car which now turning so little habang palayo.
I will make sure that the truth will prevail no matter how bloody it may be. Kaunting panahon na lang, matatapos ko na ang istorya at makakasigurado na ako ng kaligtasan para sa anak ko.
Pumasok ako sa sasakyan nang makarating ang kasama ko. Habang nasa byahe ay wala akong ibang maisip kundi ang mukha ni Librador na nakangiti. How can he smile knowing that there are people suffering because of him? How can he smile knowing that he almost killed me? But then, ano nga bang pakialam ng demonyo. Wala na siyang puso.
Pagkatapos kong maipasa ang istorya ay naghanda na ako para sa pag-uwi. Bumaba ako sa parking at lahat ng pagod at inis ay napawi nang makita kung sino ang naghihintay sa akin.
I smiled when our eyes met. Lumapit ako sa kaniya at sinalubong niya ako sa isang yakap. He kissed my forehead that makes everything worth it. I love this man and I don't know how he can change my mood quickly.
"You look so tired." Puna niya habang hinahaplos ang aking pisngi.
Ngumiti ako at umiling. "Ayos na ako."
He stared at my eyes for a while before he smirked and stole a kiss. Tumawa ako at pinulupot ang kamay sa kaniyang leeg. I tiptoed and kissed him longer on the lips.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top