#TTW22
Entry 22
My parents took a reservation in a famous Filipino cuisine in Tagaytay. May mangyayari mamayang party sa aming bahay ngunit gusto nila Mommy na magkaroon kami ng celebration exclusively only for us four. They are so proud of me. Iyon ang napansin ko dahil walang sawa si Mommy sa kaniyang mga papuri sa akin habang bumabyahe kami.
Baste is beside me but he's not talking. Tanging ingay lang ni Mommy ang bumubuhay sa tahimik naming sasakyan. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa restaurant na sinasabi nila. Lumabas ako kasabay ni Baste at natatakot akong tignan siya sa mga mata.
By now, I am sure he knows what happened. He'll probably insist that he's right, na hindi ako nakinig sa kaniya. Siguro ay hindi niya lang maisatinig iyon ngayon dahil kasama namin ang aming mga magulang. They'll notice that we're fighting. At ayokong malaman nila Mommy na nag-aaway kami dahil kay Toby. Ni hindi ko nga alam paano ko sasabihin sa kanila na wala na kaming dalawa.
Dapat una pa lang, hindi na ako pumayag na makilala niya ang magulang ko. Bumuntong hininga ako. Wala na rin naman akong magagawa. Habang buhay akong magsisisi sa isang bagay na hindi ko na mababalikan. Nasa sa'kin ang desisyon kung hahayaan ko itong gambalain ako araw-araw o kakalimutan ko na lang.
Umupo ako kasabay ang aking mga magulang sa four seater table. The food started to serve and no matter how delicious they may look, I can't feel the starvation. Pinilit ko ang sarili na hawakan ang mga kubyertos upang hindi mapansin nila Mommy ang pagkawalang gana ko sa sarili kong graduation.
"I didn't see Toby earlier, Reese." Mom spoke out of nowhere.
Kumalabog ang puso ko pagkarinig ko pa lang sa pangalan niya. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanila na wala na kami. Or should I? Hindi naman talaga kami. Nagpanggap lang kami na may seryosong relasyon ngunit ang totoo ay wala naman. He acted in front of my parents like he really loves me when in fact there's nothing true in all the things he did for me.
Kinagat ko ang aking labi at bumagsak ang tingin sa mga pagkaing nakahain. Hindi ko nagawang sagutin ang tanong na iyon ni Mommy dahil hindi ko alam kung anong tamang salita ang dapat gamitin. I tried to divert my attention from the food and started acting that I am interested in it even I am not hungry.
Narinig ko ang pagtikhim ni Mommy. Dahan-dahan ang pag-angat ko ng tingin sa kaniya at naabutan ang matamang titig niya sa'kin. I smiled at her before I gaze down on the foods again.
"Are you sure about New York? Your decision is so sudden. I hope you're not being impulsive this time."
Nagsisimula na akong maglagay sa sarili kong bowl ng sabaw ng bulalo nang sabihin niya iyon. Tinigil ko ang ginagawa at tuluyan nang nag-angat ng tingin. I raised my chin up and nodded.
"I'm decided, Mom." I replied with conviction.
Alam kong kekwestyunin nila ang biglaan kong pagbabago ng isip. Biglaan ang pagdedesisyon ko, oo. But I know that this decision will bring me nothing but good. Hindi rin naman ako magdedesisyon na tanggapin ang offer ni Tita na magtrabaho sa New York kung hindi para sa aking ikabubuti.
No matter how I want to get rid of Toby, I am not desperate to risk my future. But in my case, Toby has become one of the reasons why I decided to grab the opportunity. Hindi ko makikita na malaking oportunidad ang pagtatrabaho sa ibang bansa kung hindi nangyari sa'min ito.
"Anong nangyari sa sinasabi mo noon na gusto mo ditong magtrabaho?" She asked seriously but smiled.
I shifted on my seat. "I'll comeback."
"Of course you should. Always remember your purpose why you started it, Reese. Don't let the unfortunate events interfere your way."
Tumango ako at nag-iwas ng tingin. Naramdaman ko ang pagtikhim ni Baste sa aking tabi kaya naman sinulyapan ko siya. I saw him eyeing me using his stern eyes. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Iniisip ko palang na sisisihin niya ako sa nangyari sa akin ay naiiyak na ako. Bakit kasi hindi ko nagawang makinig sa kapatid ko. Lagi na lang akong nagmamagaling kaya dito ako humantong.
Dahil masyado kong inisip na lagi akong tama, na kaya ko ang aking sarili, dito tuloy ako dinala ng pagiging arogante ko. Kung marunong lang sana akong makinig... edi sana hindi naging ganito.
"Ikaw na rin ang nagsabi na kailangan ka dito. The public needs you, Reese. Although New York will help you grow, it's always better to look back on where you started. On where your dreams started." Dad added.
Nananatili naman ang kagustuhan kong magtrabaho sa bansang ito. Dito nagsimula ang pangarap ko. Sa lahat ng nangyayari sa sarili kong bansa, mas sumiklab ang kagustuhan ko na manaig ang katotohanan sa publiko. But then, this is life. Some things don't go in plan.
"My determination to give service to the Filipinos remains the same, Dad. It's... just that... I want to experience working in New York."
I lifted my eyes on them again. Naabutan ko ang pagtititigan ng aking mga magulang na para bang alam nila ang rason ko sa biglaan kong kagustuhang umalis. Dad returned his attention to me and nodded.
"You're my daughter. Naniniwala ako sa mga desisyon mo sa buhay. I saw you grow and I saw you failed in your life. Just a little reminder that I am sure you already knew. In the reality of work and life, you need to strengthen your emotion. Dahil kung mahina ka, matatalo ka ng mundo. New York will be your home for the next years, expect that your plans won't go as concrete as you thought it will be."
Mapait akong ngumiti. "I know, Dad. Ngayon pa nga lang, hindi na umaayon ang mga plano ko sa'kin."
"But that doesn't imply that you won't get to wherever you want to be. Hindi lang aayon ang daan sa kagustuhan mo, pero sa huli mangyayari din ang pangarap mo."
Tumango akong muli.
"And heartbreaks are part of our lives, Reese. It's inevitable." He added.
Umawang ang labi ko sa dinagdag niya ngunit ngumiti na si Dad sa'kin. Tinikom ko ang nakaparte kong labi at binagsak ang tingin sa mga pagkain. We started eating silently but they started talking again. Naging palaisipan ang sinabi sa'kin ni Dad hanggang nasa sasakyan na ulit kami.
I rested my head on the window beside and watched the cars on the other lane. Pumikit ako at hinawakan ang malamig kong mga kamay.
Heartbreaks are part of our lives. Maybe because I grew thinking that life would always be on my side, I never thought I would fail. Dahil masyado kong iniisip na perpekto ang lahat ng ginagawa ko, nakalimutan ko nang tao rin ako at may pagkukulang at mayroon pang dapat matutunan. I am too idealistic and impulsive, a two contradicting combination that leads me to where I am now. And I thought I was good, when in fact, I am immature and naive.
Toby's hopeless face flashed in my mind. My eyes heated with the thought of him. I never felt this emotion before. I never have been in love in my entire life. I never thought that I would fall at this age. Ang tangi ko lang laging iniisip noon ay ang magiging kinabukasan ko. I am entering a relationship because I find it fun but when I get tired, I'll find it boring. Doon umikot ang pananaw ko pagdating sa relasyon not until Toby came and made me realize that I am also capable of catching feelings. That I am human, too. That I am susceptible to pains.
"Pupunta ba lahat ng kaklase mo, Reese?" Mom asked that made me open my eyes.
Umayos ako sa aking pagkakaupo at naabutan siyang may katawagan sa cellphone.
"Hindi naman lahat. But some of my batchmates will also go kaya marami sila mamaya." I responded.
She nodded and I realized that she's talking to one of our maids in the mansion para sa magiging party mamaya. I opened my phone to message my friends when the first name that appeared on my inbox was Toby's. Mabilis ko itong pinatay at nagpasyang huwag na silang iwanan ng mensahe. Alam naman nila kaya pupunta ang mga iyon kung gusto nila.
Nauna akong bumaba ng sasakyan kaysa kay Baste upang hindi niya ako maabutan. I ran towards my room and changed quickly to casual clothes. I don't have plans to isolate myself here when it is my graduation. I need to be happy. I should be happy. There's a party waiting for me later so I need to regain my energy and keep in my mind that the world won't stop just because I am sad. I need to continue the life I have.
Lumabas ako at nakita ang swimming area na maraming lamesa at mga monoblock. There's a long table for the buffet. Bumalik ako sa loob para tanungin kung nasaan ang speaker. Agad naman nila akong pinakinggan at nilabas iyon sa pagdadausan ng party. I checked the food and smiled. I saw my Mom instructing some of the maids of where to put the things. I was about to go near her but I saw my brother running down the stairs. I stepped back and decided to return outside.
"Reese!" Nilingon ko ang maingay na boses mula sa living room.
Beatrice and Yrina are with my classmates. They are in their casual clothes but still looking pretty with their makeups. Ngumiti ako at nilapitan sila.
"Ang aga pala namin."
Umiling ako. "Hindi, a. It's already seven pero 'yong iba wala pa rin. Baka hindi pupunta?"
"Pwede ba 'yon? Ito ang huling gabi na magsasama-sama tayo kaya hindi pwedeng kulang!"
Marami pa silang sinabi at nagawa pang tawagan ang ibang mga kakilala na pumunta na. Medyo nag-alala pa ako na baka may kakilala akong magsama kay Toby dito. Malaki naman ang aming bahay, at mukhang dadami ang mga darating pa. Kung pumunta rin siya, kaya ko siyang iwasan.
"Kumain na kayo. The drinks will be served later." I told them.
Pumunta sila sa buffet table samantalang pinili kong puntahan ang mga kaibigan ko na nasa iisang table. Carter called me and asked for the alcoholic drinks.
"Maghintay ka, gago!" Sigaw ko sa kaniya dahil lumalakas na ang hugong ng music.
Nasa harapan ang mga lalaki na may alam pagdating sa musika kaya sa kanila ko na pinaubaya ang sounds.
Tinawanan ako ni Carter at hinigit ako palapit sa kaniya. Umupo ako sa kaniyang tabi at naabutan ang nanunuring titig sa akin ni Zaijan. I shot my brows at him. He smirked at me.
"I would like to think that you're happy but you don't seem to be." Aniya.
Napaayos ako sa aking pag-upo. Hindi ako nakaimik dahil sa sinambit niya. I thought I am already happy. Pinipilit ko namang mag-enjoy... pero...
Umikot ang tingin ko nang mas dumagsa ang mga tao na dumating sa aming bahay. I am starting to see unfamiliar faces that make my heartbeat doubled. Nang matanaw ko si Baste kasama ang mga kapwa niya atleta ay napatayo na ako. I unconsciously searched for him on Baste's group but I only got disappointed when I didn't saw him.
Bumagsak ang dalawa kong balikat at nag-iwas ng tingin. Bumalik ako sa aking silya at tinitigan ang lamesa na ngayon ay nilalagyan na ni Carter ng isang case ng San Mig. Mabilis akong kumuha ng isa at uminom. Nangangalahati pa lang ako ay nagpaalam na ako sa kanila para batiin ang mga bagong dating.
The girls and boys are starting to strip to swim. Nag-iritan at mas lalong umingay nang makita nila ang paghuhubad ng isang kilalang freshmen basketball athlete. Natatawa akong umiling at lumapit kay Ody na kanina pa naglalakad at parang may hinahanap.
Kinalabit ko siya at mabilis niya akong nilingon. She's smiling but when she saw me, her grin fades.
"Kanina pa kita nakikitang umiikot. Hinahanap mo ba si Isaac? Kasama nila Carter do'n." Tinuro ko ang lamesa namin.
Hilaw na ngumisi ang kaibigan ko sa'kin at umiling. "I'm not looking for a-anyone." Sagot niya.
Kumunot ang noo ko. "Talaga ba? Kanina ka pa kaya hindi mapakali!"
Mas bumilis ang pag-iling niya. Mas lumalim naman ang gitla sa aking noo dahil sa pagiging defensive ni Odyssey.
"I-I was just wondering... hindi ba..." She trailed off.
Tumaas ang kilay ko. "Hindi ba?" Ulit ko sa sinasabi niya.
"Nevermind. Congrats pala, Reese!"
Niyakap niya ako bago siya nagpasyang puntahan na ang aming lamesa. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa lamesa ng kapatid ko. I tried to avoid him and greeted the players he's with.
"5 seconds, walang malisya! 5 seconds, walang malisya!" They yelled.
Kagagaling ko lang sa loob para humingi ulit ng drinks nang maabutan kong nagkakagulo na sa labas. Bumuo sila ng isang bilog at sinubukan kong makisingit. Nakita ko si Carter at ang isang hindi ako pamilyar na maputing babae ang nasa gitna. Mukhang lasing na si Carter nang halikan niya ang babae sa labi. The crowd started to count and I can't help but laugh at my friend.
"Si Zaijan ang isunod ninyo!" Sigaw ko.
"Basta ba ikaw ang hahalikan!" Someone shouted back.
I tried to search for that someone but they seem to focus on Carter and the girl. Hindi ko na pinansin at nagpatuloy sila sa kanilang laro. Carter walks towards me and winked at me.
"Tangina mo, bastedin ka sana ng nililigawan mo." I told him and laughed.
Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya sa sinabi ko. I cockily tilted my head on the other side. He was about to speak again but I already walked past him.
"Si Reese! Si Reese!" Sigaw nila sa pangalan ko.
I raised my middle finger to them. "Tangina ninyo, may jowa ako!" Tawa ko.
"Wala namang malisya!" Hinaing nila pero umiling lang ako at hindi sila pinagbigyan.
They get tired with that 5 seconds thing after a while at bumalik sila sa pags-swimming. Ang iba naman ay tahimik nang umiinom. May mga nagsimula nang magpaalam sa'kin nang tumuntong ang alas dos. Hindi naglaon ay unti-unti na silang umuwi hanggang sa mga kaibigan ko na lang ang natira.
"Kulang 'to. Party tayo ulit bukas." Carter suggested.
Binalingan ko ang kaibigan kong bagsak ang katawan sa sofa ng living room. Katabi niya si Odyssey na lasing rin at nakapikit na.
"Akala ko naman bagong buhay ka na." I commented.
Tumaas ang tingin niya sa'kin. Tinuro niya ako at pumipikit na ang mga mata pero nagawa pa ring magsalita.
"Magbabagong buhay tapos hindi pa rin naman paha...halagahan!" Lasing niyang untag.
My eyebrows furrowed with his remarks. Tumawa si Zaijan sa sinabi ng aming kaibigan.
"Minsan nakaka-putangina rin kayong mga babae, e. Ang gulo ng isip ninyo." Bulong bulong niya na narinig ko naman.
Umiling na lang ako at pinahanda sa mga katulong ang guest rooms para sa mga kaibigan kong hindi ko na pauuwiin dahil masyado na silang lasing para magmaneho.
"Uuwi ako! S-susundu... in ako ni kuya." Ody murmured.
Hindi nagtagal ay dumating nga si Kuya Lester at binuhat na ang kaniyang kapatid na wala nang malay dahil sa kalasingan. Ginising ko naman ang mga natira kong kaibigan. Zaijan and Carter are hugging each other while they are walking upstairs. Pinabuhat ko naman kay Isaac si Kaycee at sinabing sa kwarto ko dalhin.
Inikot ko ang aking tingin sa buong living room at nang wala ng makitang bakas nino man ay nagpasya na rin akong umakyat.
I was walking in the hallway when suddenly I realized I'm not smiling anymore. Bumagsak ang tingin ko sa ibaba at naabutan ang tahimik naming living room. Wala na ang ingay kanina.
I heard a footsteps the reason why I need to return my eyes in front. Natanaw ko ang madilim na tingin sa akin ng kapatid habang naglalakad siya palapit. Nag-iwas ako ng tingin at lalagpasan na sana siya ngunit hinarangan niya ako.
"If you're going to blame me-" I was cut off when he suddenly hugged me.
My eyes heated. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang matanto na hindi niya ako sinigawan. Instead, he hugged me because he knows that I am not fine.
Hindi ko napigilan at tumulo ang luha ko. I hid my face on his chest and cried.
Natatakot akong harapin siya dahil alam kong magagalit lang siya sa'kin, at ayaw ko no'n. Ayokong sigawan niya ako dahil pakiramdam ko mas magkakaroon ako ng rason na magalit para sa'king sarili dahil hindi ko nagawang pakinggan siya.
I sobbed on his chest. Hindi siya umiimik ngunit ang presensiya niyang ito ay sapat na para kahit papaano ay gumaan ang loob ko. The thought of my brother who isn't angry with me soothed me. At least, he doesn't hate me for not listening to him.
Pumasok ako sa aking kwarto pagkatapos kong umiyak sa kapatid ko. I found Kaycee's peaceful face while sleeping on my bed. Mapait akong napangiti at nagpasyang maglinis ng katawan.
I opened the shower. Tumingala ako at dinama ang mainit na tubig na dumadaloy sa aking katawan. Naalala kong muli ang hitsura ni Toby kanina. Muling bumagsak ang mga luha ko. I tried to remove him from my thoughts by busying myself with the party, but whenever I am alone, when I don't have anything to do anymore; all I could remember is him.
Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang sarili sa paghikbi ngunit traydor silang kumawala. I sobbed louder that I think I'll lose my voice later. Nakakainis dahil bakit ang dali daling gumawa ng mga memorya pero ang burahin sila, ang hirap-hirap naman.
I cried myself in the bathroom. It took me almost an hour before I decided to go out. Tahimik akong nahiga sa tabi ni Kaycee at pinilit ang sarili na makatulog. Ngunit kahit nakapikit ako, traydor pa ring naglalandasan ang mga luha ko.
Kinabukasan, maagang umalis ang mga kaibigan ko. They only remind me to prepare before 7pm dahil nag-aaya silang mag-club. Kahit sumasakit pa ang ulo ko ay pumayag na ako. My flight will be days from now. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang plano kong paglipad sa New York, tanging si Zaijan at Carter lang ang nakakaalam, kaya naman pagkakataon ko na rin ito na masabi sa kanila.
And I want to spend time with them. We don't know, maybe after this, we'll not see each other anymore that much. Dahil, kaunting oras na lang, sasalubungin na kami ng realidad.
Lumabas ako ng sasakyan ni Zaijan at sabay kaming pumasok ng club. We saw Kaycee, Carter, Isaac and Ody on the long table with drinks placed on it already. Ngumiti ako sa kanila dahil sa halip na maligayang mga mukha nila ang maabutan ko, parang pinagsakluban pa sila ng langit at lupa.
"Ano bang mga hitsura 'yan, may patay ba?" Natatawa kong tanong.
Carter eyed me seriously. Inirapan niya ako at uminom siya sa kaniyang shot glass.
"Samahan ba 'to ng mga broken hearted?" Tawa ko ulit ngunit hindi nakatakas ang pait sa aking tono.
Pumangalumbaba si Ody at pinaglaruan ang tequila na hawak niya. Malungkot akong tipid na ngumiti. How sad that I will leave them like this.
Kinuha ko ang isang shot ng tequila at nilagok iyon. Inabutan ako ni Zaijan ng lemon at asin.
"I'll leave." Basag ko sa katahimikan.
Sabay-sabay nila akong binalingan. Kaycee eyed me curiously.
"Tinanggap ko ang offer ng Tiyahin ko na magtrabaho sa New York Times."
I saw how Kaycee's jaw dropped. She smiled widely at me.
"Congrats, Reese! Ang laking oportunidad niyan!" Maligaya niyang komento.
Tumango ako sa kaibigan. We both have the same dreams. I wonder if she'll love to work abroad, too.
"Aalis na ako sa Friday, tapos ganito pa tayo. Ano bang ipapabaon ninyo sa'kin sa New York? Lungkot at sama ng loob?" I joked but my tears pooled in my eyes.
Tinungga ko ulit ang isa pang tequila.
"Tangina kasi nitong si Carter. Wala namang lovelife pero kung makapag-emote daig pa iniwan ng jowa!" Kaycee ranted.
Carter glared at our friend. Nagtawanan kami dahil nagmukha siyang pikon. Hindi naglaon ay nabalot sa asaran at ingay ang aming lamesa. Nakisali ako sa pang-aasar nila kay Carter na unti-unti nang napipikon.
"Tigilan ninyo nga ako! Si Isaac at Ody ang pagdiskitahan ninyo!" Pikon na saad niya.
Binalingan namin si Isaac at Ody ngunit sabay naman silang tumahimik at sumeryoso. Bumagsak ang tingin ko sa lamesa. Ang dami ko palang hindi na alam sa mga kaibigan ko. Simula nang tumuntong kami ng kolehiyo, umunti ang oras namin para sa isa't-isa. Nagsasama-sama pa rin ngunit nakakalungkot isipin na sa isang araw, maraming pwedeng mangyari na hindi mo inaasahan. Ang masayang pagsasama ni Kaycee at Cohel, bigla na lang naglaho.
Tumaas muli ang tingin ko sa mga kaibigan. Carter, Kaycee, Ody, Isaac, and Zaijan... I remember how we used to smile and laugh like we have no problems. Pero gano'n talaga, hindi na kami bata.
I want to be with them. Gusto ko nasa tabi nila ako habang humaharap sila sa kanilang mga pagsubok sa buhay ngunit imposible na iyon ngayon. Hindi na kami mga estudyante na hawak namin ang oras. Na kahit anong pagkakataon, maaari naming samahan ang isa't-isa.
May sari-sarili tayong buhay, may iba't-ibang prioridad at pangarap. Kaya kahit gustuhin man nating manatili sa tabi nila, hindi na minsan maaari dahil may sari-sarili na tayong gampanin. Nakakalungkot dahil habang tumatanda, mas natatanto mo na nagkakaroon ng maliit na oras para sa mga taong mahal mo dahil nagkakaroon ka na ng responsibilidad, hindi lamang para sa sarili mo, kundi pati na rin sa bansa at ibang tao.
The world won't just revolve around me and my friends; real life is more than that. But that doesn't mean that they can't count on me anymore. I will always be their friend. We will always be friends; it's just that we will take different paths now. Magsisimula na ang totoong hamon ng buhay, at kailangan na naming matutong tumayo sa sarili naming mga paa. Dahil ang realidad, hindi habang buhay may kasama kang lumalaban.
"Tara na nga mag-saya! Baka mamaya mag-iyakan na kayo diyan!" Kaycee shouted when the silence is starting to deafen us.
Tumayo ako at sumama sa kaniya sa dance floor. Magkahawak kamay pa kami noong una ngunit nang dumami ang tao ay naghiwalay na kami. Sumayaw ako salin sa tugtog ng DJ. Pinasadahan ko ang aking maikling buhok ng aking kamay.
I caressed my waist upwards and close my eyes to feel the presence of the music in my body. Tumingala ako at gumiling na para bang sa pamamagitan nito, dinadala ako sa ibang dimensiyon ng mundo.
A big calloused hand touched my abdomen. Nagmulat ako ng mga mata at bumagsak ang tingin ko sa kamay na sumakop sa maliit kong baywang at tiyan. Unti-unti ay napanood ko ang marahan nitong paghaplos sa tagiliran ko.
The alcohol I drank is already taking my body. I leaned my back on the guy behind me and rested my head on his chest. I ground my butt on his erect that I felt turned on quickly. Kinagat ko ang aking labi dahil sa init na nararamdaman.
Pumikit ako ng maramdaman na bumagsak ang kaniyang kamay sa aking hita. His rough calloused hand caressed my thighs slowly that I feel like I am losing my mind now. Hinimas niya ito ng paulit-ulit hanggang sa naramdaman ko ang bahagyang pagtaas na kaniyang daliri sa loob ng aking skirt. The man's hot breath caressed my neck. Lumapat ang kaniyang labi sa aking tenga na pakiramdam ko magkokombulsyo na ako kahit may damit pa ako.
He dry humped my back that made my breath hitched. Mabilis akong tumalikod para maharap siya at mahalikan sa labi. I put my arms around his neck and was so ready to kiss him when our eyes met. Namilog ang aking mga mata at umawang ang aking labi.
Kumalubog ng husto ang aking puso na pakiramdam ko mawawasak na ang aking rib cage. Mabilis na nangilid ang luha sa aking mga mata. Buong lakas kong tinulak palayo sa akin si Toby dahilan kung bakit napalingon sa'min ang mga katabi namin sa dancefloor.
Kaya pala ang bilis-bilis kong sumuko dahil siya pala iyon! At ang traydor ng katawan ko dahil hanggang ngayon hindi nila nakakalimutan ang haplos ng taong nakauna sa kanila.
Tumalikod ako at umambang aalis sa dancefloor nang hawakan niya ako sa braso. Dahil sa lakas ng paghatak niya sa'kin ay naging dahilan iyon para maharap siyang muli. Naabutan ko ang pagdaan ng kabiguan sa kaniyag mga mata.
"Let me go." Pinilit kong manlaban ngunit lumapit na siya sa'kin.
I gasped when I felt our sudden closeness.
"Let's talk, Clarisse. Please..." Bakas ang pagsusumamo sa kaniyang boses.
Lumabo na ang aking mga mata. Nag-iwas ako ng tingin at pinilit pa ring makawala. Sumuko lang ako nang maisip na pagbigyan siya.
Aalis na rin naman ako. Hindi na kami magkikita.
"Ok." Malamig kong sagot.
I returned my eyes to him. I saw how the slight hope flashed on his expression.
"Thank you."
Hindi ko na siya pinatapos at buong lakas na binawi ang aking kamay. Naglakad ako palabas ng club at alam kong nakasunod siya sa'kin.
"Give me an hour, Clarisse." Pakiusap niya.
Hindi ko siya binalingan nang tumango ako. Saglit lang naman 'yon. Isang oras lang naman.
Hinawakan niya ang aking kamay dahilan kung bakit mas lalong sumakit ang dibdib ko. Hinila niya ako papunta sa kaniyang sasakyan at pinapasok ako sa passenger seat. I sat there and waited for him.
He drove the car at hindi ko siya inimik. Hinayaan ko siya sa gusto niyang mangyari.
"Ibalik mo ako after one hour. My friends will look for me."
"I will. I promise." Sagot niya.
Hindi nagtagal ay natanaw ko ang lugar kung saan niya ako gustong dalhin. Huminto ang kaniyang sasakyan sa parking ng Skyranch. Pinatay niya ang makina at nabalot sa katahimikan ang buong loob ng sasakyan.
Nanatili ang pagtitig ko sa madilim na labas. Hinintay ko ang pagsasalita niya ngunit hindi naman dumadating. Binalingan ko siya at halos lumundag palabas ang puso ko nang makita ang malungkot niyang titig sa'kin. Nag-iwas ako ng tingin. Huminga ako ng malalim para mapigilan ang sarili sa pagluha.
"I missed you." Pauna niya.
Ibinaling ko ang tingin sa gilid upang maitago ang traydor na paglandasan ng aking mga luha. Marahas ko silang pinalis.
"I'm sorry... for what happened to us." He added.
Kinagat ko ang aking labi para mapigilan ang sarili sa paghikbi. Pumikit ako ng mariin habang dinadama ang tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko.
"I... I tried... but I can't love you the way I loved Mia."
Ang dobleng sakit na nararamdaman ng aking puso ay dumoble ng dumoble. Sa sobrang sakit, pakiramdam ko wala na akong maramdaman.
Bumuhos na parang gripo ang aking mga luha at wala sa sariling tumango.
He tried... he tried but he can't just love me back the way he loves Mia. Putangina naman ang sakit.
"I-I understand." My voice croaked.
Naramdaman ko ang pagdapo ng kaniyang daliri sa aking braso. I gritted my teeth at isinuksok sa aking isipan na huwag nang bigyan malisya ang mga haplos niya.
"I'm sorry." Bigo niyang sambit ulit sa mga salita.
Binalingan ko siya habang patuloy na naglalandasan ang luha sa aking pisngi. He leaned a bit and caressed my cheeks with his calloused hands. Gusto kong awatin siya at umiwas ngunit wala na akong lakas para pigilan pa siya.
"Y-You don't have to. You don't h-have to feel s-sorry for not giving b-back the love I have for you." My voice shakes.
Panibagong luha ang naglandasan sa'king mga pinsgi. Umiling ako at hinawakan ang kaniyang braso bilang suporta.
"Hindi mo r-responsibilidad na mahalin ako pabalik dahil lang mahal kita. I know from the very beginning that it's still her. That it's always Mia..." I trailed off because of my sobs.
"Clarisse," He called me and wiped my tears away more.
Umiling ako at hinawakan siya sa kaniyang dibdib upang mailayo siya sa'kin.
"Sa lahat ng nangyari sa'tin, alam kong ni minsan sa mga a-araw na 'yon na naramdaman mong mahal mo ako. I am sorry if I-I m-make you f-feel like you owe to give back the feelings I have for you." Ngumiti ako.
Nakita ko ang pag-iling niya bilang protesta ngunit nagpatuloy ako.
"Hindi kailangan, Toby k-kasi matagal ko na namang tanggap na siya pa rin. Na kahit wala na siya, alam kong m-mahal mo pa rin siya. Masakit pero... mawawala rin 'to."
Iniwas ko ang mukha sa kaniya. Pinalis ko ang sariling mga luha at pinilit na pinakalma ang sarili.
He searched for my hand. Pinagsalikop niya ang aming mga daliri. Bitterness surrounded my heart.
The thought of us seems so blur. Mahal na mahal ko siya na minsan inisip kong siya ang gusto kong makasama sa habang buhay na ito pero ang daya ng mundo kasi hindi naman niya ako pagbibigyan. Kasi 'yong taong gusto kong makasama habang buhay, iba ang hinihiling na makasama.
"I... don't want to let you go, Clarisse."
Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. Umiling ako sa kaniya.
"Kailangan mo akong pakawalan kasi nasasaktan na ako, Toby." I sobbed.
Nakita ko ang pamumula ng kaniyang ilong at mga mata. Tumulong muli ang luha ko.
"Hindi ako robot na makakayanang tiisin na makasama ka sa araw-araw at diktahan ang sarili ko na huwag masaktan. Toby, hindi ko kaya 'yon."
Bigo siyang tumango. "We can't be friends, then?"
Malungkot akong umiling. Binawi ko ang kamay ko sa kaniya. Inayos ko ang aking sarili at kinalma. Nabalot muli sa katahimikan ang buong sasakyan. I looked at my watch and we still have a half hour left.
"Can..."
Binalingan ko siya. Malungkot siyang ngumiti sa'kin.
"Can I date you tonight? For the last time."
Napangiti ako sa suhestiyon niya. Ngayong gabi lang. Pagkatapos nito, tapos na. Tatapusin ko na ang koneksiyon ko sa kaniya. Magkakaroon na kami ng sarili naming buhay ng wala ang isa't-isa.
"Okay." I smiled.
Lumabas kaming dalawa ng kaniyang sasakyan. Dumireto kami papasok ng skyranch at katulad ng una namin dito, we tried to ride rides. Ngunit dahil ilang oras na lang magsasara na ang park, we decided to ride the ferris wheel.
"Let's take a picture." Aniya.
Nasa labas ang tingin ko nang sabihin niya iyon. Tumango ako at tumabi sa kaniya. We took a selfie on his phone. Isang beses lang at mabilis niya nang tinago.
His fingers occupied the spaces between my hands. Ngumiti ako at nag-angat ng tingin sa kaniya. Nasa tuktok na kami. Natatanaw ko na ang kalangitan na puno ng mga bituin at buwan.
"Toby..." I called his name while staring straight into his eyes.
I felt his grip on my hand tighten. My vision of him gets blurred as another set of tears are starting to pool.
"Alam mo ba ang hirap-hirap?" Naiiyak kong sambit.
I looked away. "Kasi I never felt that kind of emotion before. 'Yong pakiramdam na hindi ko alam kung anong nangyayari sa loob ko. Ano 'yong parte sa pagkatao ko na gumuguho..." I trailed off.
"It's hard for me because I never felt confused in my entire life. This is my first time. My life is always clear. I always have my concrete direction but when I met you? The moment we fucked? Is also the moment I wasn't aware that my life will be fucked up."
Kaunting kalabit na lang sa'kin, pakiramdam ko babagsak na ang mga traydor kong luha.
"That..." I sighed heavily and a tear fell but I quickly wiped it out. "T-That was the strangest feeling I ever felt."
Pumikit ako ng mariin at dinama ang pagbagsak ng mga luha ko. His fingers left mine to wipe my tears away. He cupped my cheeks and made me look at him.
"When you kissed me that day in the court... w-when you told me you loved me... I know that I only made myself hope... b-but those were the best days of my life. That was the best feeling I ever had."
I smiled sadly remembering the feeling I had when he told me he loves me. Parang totoo. Mukhang posible.
I bit my lower lip to restrain myself from sobbing. Nagmulat ako ng mga mata at nakita ang malungkot na mukha ni Toby.
I missed him so bad. I want to hug him...
"And even I would say that I hate how it gave aches; I still want to feel that emotion again. That passionate and strong feeling of... love. Because, Toby... this is my first time to fall hard. It's just unfortunate because I fall for someone who hasn't forgotten his past yet and that's you." I hardly uttered that because my sobs started to come out.
Malakas akong napahikbi. He hugged me tight as I hid my face on his chest and there I cry harder.
"I love you, Toby... mahal na mahal kita." Nabasag ang aking boses.
Humigpit ang yakap niya sa'kin. And it hurts to think that he can't utter back my I love you because he doesn't love me.
He cupped my face again. Kahit puno ng luha ang aking mga mata ay nagawa kong makita ang pamumula ng kaniyang mga mata. His hand touched my jaw and guided my face towards his lips. When our lips touched, the world seems to stop rotating suddenly. He kissed me tenderly and passionately but I know it meant nothing. It's just a kiss. Nothing... else is meant by his kisses.
Pumikit ako ng mariin at dinama ang marahang haplos ng kaniyang labi sa akin. His hand caressed my jaw and cheeks as my eyes are continually producing tears. I placed both of my arms around his neck to deepen the kiss, to make him feel that I don't want to let go... but we both know that we need to.
Our lips parted. He buried his face on my neck as I hid mine on his shoulder. Bumagsak ang panibago kong mga luha habang mariin akong nakapikit. Dumoble ang sakit sa aking puso nang maramdaman ang mainit na luha na pumapatak sa aking leeg. His hold on my waist tightened. Mahigpit ko ring niyakap siya pabalik.
"I-I need to go now." Pagod kong paalala sa kaniya.
Humiwalay siya sa'kin. Pinalis niya ang luha sa kaniyang pisngi at tumango. Sakto sa paghinto ng aming sinasakyan sa ibaba. Hawak niya ang aking kamay ng lumabas kami. We entered his car and had the journey in the road of the Tagaytay silently. Patuloy ang aking mahihinang paghikbi. Bumilis ang kaniyang patakbo na hindi nagtagal ay nakabalik kami sa tapat ng club.
Bumuhos muli ang aking mga luha. Nilingon ko siya. Gusto ko siyang hawakan ulit. Gusto kong maramdaman ulit ang mga halik niya. Gusto kong makasama siya... pero...
"Baby..." He called me.
The pain in my chest doubled when I decided to turn my back on him and opened the shotgun's door. I ran out from his car and make my way towards the club's entrance while my eyes are blurred because of tears. Tinakpan ko ng aking palad ang aking bibig.
I love him so much but it hurts like hell to think that he can never love me back.
Ang sakit isipin na sa unang subok ko sa pagibig, bigo agad ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top