#TTW20

Entry 20

"Bye," Sa maliit na boses na paalam ko sa kaniya.

He smiled and nodded. Lumabas ako ng kaniyang sasakyan at pumwesto sa gilid upang mahintay ang kaniyang pag-alis ngunit hindi naman ito umaandar. Bumaba ang bintana ng driver seat at ipinakita nito ang seryosong ekspresyon ni Toby.

Tumaas ang kilay ko sa ginawa niya.

"Bakit?" Tanong ko sa pagkalito.

Umiling siya at nakita kung paano niya pinaglaruan ang mapupula niyang labi habang nakadantay ang siko sa bintana. Inirapan ko siya ngunit hindi ko rin napigilan at bahagya akong natawa. Naglakad ako palapit sa kaniya.

"Alis na!" Bugaw ko.

His lips protruded to hide a smile and even have the guts to remain his expression blank when it's now very obvious that he finds this funny. Pinasadahan niya ng tingin ang aking katawan bago niya muling ibinalik ang tingin sa aking mukha.

"Don't tell me you want to bring me to your condo?" Makahulugan kong tanong.

He let out a harsh bark of laughter. Tuluyan akong nakalapit sa kaniya at sinubukang hampasin ang kaniyang braso. He bit his lips to stop himself from laughing.

"Papadala ka ba?" Hamon niya.

I scoffed with his respond. Natatawa kong inirap ang aking mga mata at hinampas ang kaniyang pintuan.

"Umalis ka na nga. Dumidilim na!"

"You're avoiding my question. Ayaw mo na sumama sa'kin? Don't you miss me?" Patuya niyang tanong.

Halos ngumiwi ako sa mga kalokohang lumalabas sa bibig niya.

"Bakit? You miss me na?" Balik ko.

Tumaas ang kaniyang tingin at umakto pang nag-iisip.

"Ewan ko sa'yo, Toby! Uwi na dali. Baka abutin ka pa ng traffic sa daan."

"You're too excited to make me go home. Anong gagawin mo?" Naningkit ang kaniyang mga mata.

"Huh?" Lito kong tanong.

"Sinong bibisita sa'yo? May bibisita ba sa'yo-"

"Gago!" Humagalpak ako ng tawa dahil sa narinig ko mula sa kaniya.

"Sino namang bibisita sa'kin? Sina Isaac?"

Mas lalong lumalim ang gitla sa kaniyang noo. "Sino si Isaac?"

Natigil ako sa aking pagtawa nang matanto na hindi niya nga pala kilala si Isaac.

"Kaibigan ko. You don't know him-"

"Bibisita siya sa'yo ngayon?"

"Hindi. Walang bibisita sa'kin ngayon."

"Bukas meron?"

Umawang ang labi ko sa mga sagot niya. "Meron. Kung bibisitahin mo ako." I shrugged.

Nakita ko ang multo ng ngisi sa labi niya ngunit agad niya itong tinago sa pamamagitan ng pag-nguso. Para akong baliw na napangiti dahil sa reaksiyon niya. I slapped his car door again.

"Alis na!"

Matalim niya akong tinitigan sa mga mata. "I'll go now. Open your account later, we'll video chat."

Iyon ang huli niyang sinabi bago siya nagpasyang itaas na muli ang bintana at patakbuhin ang sasakyan. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang pag-alis ng kaniyang sasakyan. I never thought that I could be this happy and contented watching him leave.

Pumasok ako sa loob ng gate at masayang binati ng magandang gabi ang aming security guard. Binati ako nito pabalik at para akong baliw habang naglalakad sa aming rotunda. I am hopping while walking towards our door. Binati ko ang mga tao sa salas at didiretso na sana ako sa itaas ngunit nagsalita si Mommy.

"You're too happy." Saad niya habang nakangiting pinapanood ako.

Baste's eyes lingered to me and give me a look I am already used to. Inignora ko ang tingin sa akin ng aking kapatid at nilapitan si Mommy na nakaupo sa sofa. She's still on her suit and I guess she just got home.

"Nasaan si Dad?" I asked her.

"Nasa itaas. Bababa iyon mamaya. Bakit parang masyado kang masaya ngayon?"

Ngumuso ako para mapigilan ang ngiti sa aking labi pero hindi sila paawat. My heart is just too happy to contain everything inside. I want to jump and screamed. I never felt this kind of happiness before, this is my first time. Maybe this is their reason why they say love is a combination of happiness and pain. Sa iba't-ibang pagkakataon, sa iba't-ibang pananaw, sa iba't-ibang tao, magkakaiba ang nagiging depinisyon sa pagibig. Kung dati hindi ko maisip na iibig ko sa ganitong edad, ngayon nagkamali ako. Because even this is my first time, I know that this is love. The feelings I have for Toby are deep and real that it brings both pain and happiness to me. Na kahit minsan mas nangingibabaw ang sakit, hindi ko magawang umatras at sumuko dahil umaasa ako na may posibilidad kaming dalawa.

At nagpapasalamat ako sa aking sarili dahil hindi agad ako sumuko. He told me that he loves me. And I think it is already enough to consider that it is real. That we're both feeling the same way.

I shrugged at Mom. "Wala lang."

"Hay nako, Clarisse. Ganiyang-ganiyan din ako noong nililigawan ako ng Daddy mo. Alam ko ang galawan na iyan." Lintaniya ni Mommy at tumatawang umiiling.

Tumawa ako sa sagot ni Mommy ngunit hindi na umimik. Isinandal ko ang aking likod sa sofa at natanaw ang madilim na tingin sa akin ni Baste. Tinaasan ko siya ng kilay.

"How about Baste? Can you tell that he's courting someone based on his actions?" Tanong ko kay Mommy.

Akala ko at maaapektuhan ang aking kapatid sa biglaan kong tanong na iyon pero nanatili lang na nakakunot ang kaniyang noo at madilim ang mga matang nakatingin sa'kin. Inirapan ko siya.

Mom gave out a hearty laugh. "Mukha namang laging may nililigawan ang kapatid mo. Hindi nga iyan nauubusan ng girlfriend."

I played with my tongue. Nanunuya kong sinulyapan ang aking kapatid. Naabutan ko ang pagbaling niya kay Mommy.

"Bata pa naman si Baste. One day he'll lose his interest in playing." Mommy added.

Tumikhim ang aking kapatid sa sinabi ni Mommy. "I'm done with playing, Mom."

"Oh, really? My son grew fast, then!" Mom used her most dramatic voice that made us laugh.

Baste only shook his head and returned his eyes to his phone. Tumaas ang kilay ko nang may naisip.

"Sino ba ang ma-swerteng babae, Sebastian? I hope it's Gillian."

Halos mamilog ang mga mata ko sa binanggit ni Mommy na pangalan. It's his bestfriend and I don't think he'll fall for her. Tamad na nag-angat ng tingin muli si Baste sa magulang namin.

"May boyfriend si Gillian." Walang ganang sagot ni Baste.

"Meron? Hindi naman nakakagulat. Pero sayang at boto ako roon para sa'yo."

"Too bad she probably doesn't want Baste kaya sa iba nahulog." Dagdag ko sa asaran.

"Too bad either I don't like your boyfriend." Ganti niya.

I glared at him but he ignored me. Dumagundong ang boses ni Daddy nang bumaba siya. He asked what we are doing and sat beside Mom. I smiled at him before I decided to take a shower and come back to the living room. Pagbalik ko ay nakatutok na ang mga mata nila Daddy at Mommy sa ipad.

"Reese, come here. Your Tita wants to talk to you."

Halos umismid ako sa sinabi ni Mommy ngunit sumunod pa rin ako. I know that she'll pursue me again. And I am not wrong; she really did still at it.

"You're graduation is so near, Reese. Haven't your mind changed yet?" Maligaya nitong tanong.

Ngumuso ako at umiling. "I'm sorry, Tita but I really want to work here."

Ngumiti ang aking Tiyahin at tumango na parang naiintindihan niya ako.

"I just told my boss that I have a niece who's about to get her degree. There's a position waiting for you here if you ever change your mind, Reese."

I smiled. "My mind won't change, Tita. I am decided to work here."

Pagkatapos ng maikling pag-uusap ay ibinalik ko kay Mommy ang ipad. Tumaas ang tingin ko kay Daddy na naabutan kong pinapanood ako. I smiled at him. The white hairs are already showing on his head. Napawi ang aking ngiti.

"Why do you want to work here, Clarisse? Mas malaki ang oportunidad sa New York." Baritono niyang untag.

Huminga ako ng malalim. I still remember their conversation about Librador.

"I just genuinely want it here, Dad. My passion for writing is igniting every time I am hearing news about the subtle anomaly and corruption that this administration is creating. Too much abuse of power will lead those in position to finally hold the press in their neck and I don't want that to happen. I want it here because I want to show something to the world that not all Filipino journalists are eaten by their fear."

Seryosong tumango si Daddy. Binalingan kami ni Mommy at seryosong pinanood.

"Good to hear that you're doing it with purpose."

"Dad, that's what journalists do."

Tumangong muli si Daddy. "I'm just scared for your security, Clarisse. The time will come, you'll start life on your own alone. No Daddy, no Mommy, just you alone in the field with uncertain protection. I don't want to lose a child just because she did her job."

Malungkot akong ngumiti. I walked closer to him and hugged him.

"This is how I want to live my life, Dad. Amidst the chaos of disasters and uncertain security, I still want to pursue it. Dahil bukod sa pagsulat, hindi ko na makita ang aking sarili na lulugar sa ibang larangan."

My Dad caressed my back. "I'm scared but I believe in you. I can see the future with your name being the noise of the newsbreaks because you did your job so well."

Nagtawanan kaming dalawa sa propesiya niya. And while I'm hugging my father, I realized that I am really their daughter. Despite me taking a different path, ang dugong Santiano ay nalalantay pa rin sa'kin. Nakuha ko ang pagiging matapang sa kanila.

I looked forward to Monday. Katulad ng sinabi ni Toby, we video called that night, and told me that we'll see each other on Monday because he has some presentation to think of.

"I can't concentrate when you're here." He said on the other line.

Umirap ako sa sinagot niya at pinatayan siya ng tawag pero tinawagan niya ulit ako.

"Sabi mo hindi ka maka-concentrate-"

"But that doesn't mean I don't want to talk to you through the phone! Tangina naman, Clarisse 'wag mong ibaba ang tawag ko." Iritado niyang sambit ngunit bakas ang kaba sa tono.

Pinigilan ko ang pagtawa at ang pang-aasar sa kaniya dahil baka hindi niya pa matapos ang ginagawa. I silently watched him doing his works for that weekend.

"Good morning!" Bati niya pagkababa ko ng hagdanan.

Nasa living room na siya kasama ang aking mga magulang. Tinapik siya ni Daddy bago ito naunang lumabas at sumunod sa kaniya si Mommy. Mom gave me a meaningful stare before she finally exited our house. Tuluyan naman akong nakalapit kay Toby na agad akong binalot sa isang mainit na yakap.

Siguro nga baliw na ako. His hug and touches are taking me into another world where the sadness has no place in it. Sa tuwing yakap niya at hinahalikan ako pakiramdam ko tumitigil ang mundo.

I hugged him back and buried my face on his chest. I missed him. Dalawang araw pa lang kaming hindi nagkikita ngunit sobra-sobra na ang pangungulila ko sa kaniya.

"Hindi mo naman ako na-miss." Bakas ang pang-aasar sa boses niya.

Humiwalay ako sa kaniyang yakap at inirapan siya. Humalakhak siya sa reaksiyon ko at hinanap ang aking kamay. Hinila niya ako palapit muli sa kaniya at binalot ako sa panibagong yakap. He hugged me tight that I am sure I won't have the chance to get out from his hold anymore. Nagpaubaya ako sa kaniyang yakap at dinama ang marahang paglapat ng kaniyang labi sa tuktok ng aking ulo.

"Damn. I didn't know that missing you this bad could be possible." He hissed.

Natawa ako sa kaniyang sinabi at ilang saglit pa kaming nagyakapan doon bago ko siya inayang lumabas na. Wala na ang sasakyan ng aking mga magulang nang lumabas kami. And while we're on our way to the school, he's holding my hand. I took a picture of it and posted it on my IG story with the caption "don't let me go."

Hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi bago ako bumaba at masayang naglakad sa corridor ng second floor. I was nearing our classroom when my phone vibrated and saw Toby's replied to my story.

@tobyalcaraz

I won't.

Napangiti ako at para akong tanga na naglulundag at tinakbo ang distansiya ng kinatatayuan papasok sa classroom. Sabay-sabay ang ulo ng aking mga kaklase na binalingan ang pintuan kung saan ako pumasok.

They are in the middle of a discussion when I barged in and I fucking suddenly want to disappear now because of embarrassment. Nakabawi ako at humingi ng paumanhin sa aming Prof at mabilis na umupo sa aking silya. I heard my classmate's giggles kaya matalim ko silang tinignan pero hindi sila papigil at mahina pa rin silang tumatawa. Kung hindi pa sila sinaway ng Ginang sa unahan ay hindi nila ako lulubayan.

Pagkatapos ng unang klase ay inulan ako ng kantiyaw at pang-aasar. I only raised my middle finger to them before I continued my walk out of that room to attend another class.

Ganoon ang naging takbo ng buhay ko sa nagdaang isang buwan. Habang tumatakbo ng mabilis ang oras, mas nararamdaman ko ang paparating na pagtatapos. But I always wish that all this will end according to what I want and planned.

Madalas pa rin ang paglabas naming dalawa ni Toby. Nagdi-date kami kung may bakanteng oras ngunit dahil kapwa abala kami sa nalalapit na graduation, we seldom don't see each other. We never did 'it' again after months. And I don't know with me but I find it wholesome. That our relationship doesn't revolve around anymore with sex... that we have a relationship now for real.

"Nasaan ang mga graduating nating journos?"

Nag-angat ako ng tingin mula sa aking macbook nang marinig ang istriktang boses ng aming adviser. Nasa loob ako ngayon ng Pub House kasama ang ibang journos. We're actually complete now.

"Bakit, Miss?" Tanong ni Franziel.

Hinanap ni Miss Casabal si Franziel, pagkatapos ay si Pablo, at huli ako. She gave us a smile and sat at her table while not tearing eye contact with us. Hindi siya umimik dahilan kung bakit nabalot sa matinding katahimikan ang buong office. That's when we only realized that Miss Casabal is smiling sadly at us.

"Another journos will leave the Pub House." Emosyonal nitong pahayag.

Tumayo si Franziel at nilapitan si Miss Casabal. Nakita ko naman ang bahagyang pag-iwas ng tingin ni Pablo. Tumawa ako para maitago ang bahagyang kirot na naramdaman.

"I am always praying for the success of you three after you get your degree. I saw how you guys improve on your craft and how you put so much passion into your works. I've seen you three grow here in the pub house. I know that I never been the best and kindest adviser you ever have..." Mapait siyang ngumiti at tumigil sa pagsasalita.

"But I only did those for your sakes. I don't want anyone of you to step into the reality of journalism and get cultured shock with its environment. You'll encounter more hardships. More rejection, more criticism. But keep in mind that those are the only ways to improve yourself in the field. Make those as your weapon to strengthen your determination to better." She advised us.

Dumapo ang tingin sa akin ng Propesor. "Clarisse," She called me.

I shifted on my seat and anticipated her message.

"Continue your bravery when you graduate. The media needs more journalists like you."

Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Sinunod niya si Pablo na ngayon ay naluluha na. May kirot na muling dumaan sa aking puso. But it's a different type of pain. It's the kind of pain that will make me smile. This room... no matter how many rejections I received, how many insecurities I have felt, I can't deny the fact that those helped me grow. Pub House has become my second home.

Namuo ang luha sa aking mga mata. Weeks from now, iiwan ko na ang paborito kong lugar.

"Ate Reese," Letixia called me.

I looked at her. She smiled at me like she always shows... like the first time I saw her.

"I know that the first time I enter here, hindi mo na ako gusto." Aniya.

I was shocked by her sudden remarks. I wasn't able to speak back because... I didn't expect that. Umiling siya at ngumiti.

"Naiintindihan ko naman iyon, Ate Reese. Not everyone will like me. And I am aware of my actions. That there are actions I refused to acknowledge to myself. I always think that I am right that I usually forgot to listen to others. At dahil sa'yo, sa tatlong taon nating pagsasama sa office na ito, I learned a lot from you."

Umawang ang labi ko sa narinig mula sa kaniya. I don't really exactly hate her... I am just damn insecure whenever I see her. I felt guilty about the days I spent treating her badly. We never used to be close because there's a wall I created between us.

"Gusto ko lang sabihin na I won't ever forget you, Ate Reese. Whenever I say that your article is good, I really mean it. Like how I look up to you."

"What?" Natatawa kong tanong.

She chuckled, too. "Oo. I look up to you. E, sino ba naman kasing hindi hahanga sa'yo? Sa ating lahat, ikaw lang ata itong may lakas ng loob na magsulat ng istorya na pwede mong ikapahamak!"

Tipid akong tumango at ngumisi. She's right. Ako lang ata ang may lakas ng loob na gawin ang mga bagay na iyon kaya madalas hindi ma-publish ang articles ko.

"You have a very bright future ahead, Ate Reese. Ngayon pa lang hinahangaan na kita, paano pa kaya sa mga susunod na taon? When I finally see you on the National TV, or when I see your name already printed on news sites? I'll be the proudest. I am so happy to meet a person like you. You're... very smart and good-hearted."

I was taken aback by her last words. Did she just say that I am good-hearted?

"Letixia, mabait ako sa paningin mo?" I joked.

"You are, Ate Reese. The people who don't see you everyday won't notice it or won't ever realize it but we," Inikot niya ang tingin sa ibang journos. "We know that you are more than what you let others see."

Hindi ko alam bakit gumaan ang dibdib ko sa sinabing iyon ni Letixia. We're not exactly friends... I never thought that she could be my friend... but now it makes me wonder. Why we meet people? Simple. Because they have something to offer in your life: a lesson, an experience, a piece, a love.

"Thank you." The only word that comes out from my mouth.

Letixia smiled and initiated a hug. Pinagbigyan ko siya at halos matawa nang nakisali ang iba.

"Tara Bistro mamaya! Hindi tayo madalas nagba-bonding. Laging screen ng laptop kaharap natin!" Pablo suggested.

Kaya naman nagkasundo kami sa gabing iyon na tumambay sa Bistro. And that's when I only realized that time is always unfair when you are happy and contented.

"Cohel!" I called him but he ignored me.

I tried to run to keep up with him but someone held my wrist. Nilingon ko ang pumigil sa'kin at naabutan ang madilim na mata ni Carter.

"Hayaan na natin ang gagong 'yon." Matigas niyang saad.

Nanlaki ang aking mga mata. "What did you say?"

Bumagsak ang tingin niya sa aking mga mata. Umiigting ang panga na para bang nagpipigil siya ng galit.

"Reese, he fucking broke up with Kaycee. Let that asshole realize what he lost. Kung ayaw niya na tayong makasama, hayaan mo siya."

Hinila niya ako paalis doon at subukan ko mang hanapin pa muli si Cohel ay hindi ko na siya makita. I sat on his car's passenger seat.

"Kaycee is devastated. The graduation rites will happen weeks from now. Two weeks to be exact, Carter! I don't want Kaycee to walk on that stage with swollen eyes and a broken heart!" I complained.

"Anong gagawin natin? Pakiusapan si Cohel na magpanggap na mahal niya pa si Kaycee kahit hindi na?!" Galit niyang sigaw pabalik.

Natigil ako sa pag-ambang pagsasalita. Pumikit ako ng mariin at hinilot ang aking sentido. I don't really like the idea of Kaycee following and begging Cohel to come back again to her arms... pero naaawa na ako sa kaibigan ko. And fuck Cohel. Bakit parang ka'y dali para sa kaniya ibasura ang pagkakaibigan namin? Dahil lang naghiwalay sila ni Kaycee, pati kami ay kaniya nang kinalimutan!

"I don't want our friendship gone." Malungkot kong isinatinig ang aking iniisip.

"Hindi masisira pagkakaibigan natin-"

"But that is exactly what is happening now, Carter! Kung kailan magtatapos na tayong pito, 'tsaka naman nagkanda-letche-letche!"

Carter sighed and started the engine. He didn't say a word again but I know that he's also unhappy with what's happening. Lumagpas ang tingin ko sa labas at bagsak ang balikat na pumasok sa klase. I tried searching for Kaycee but she only told me that she's busy that we'll talk when she already finishes her requirements.

Tumingala ako sa langit. Kahel na ang kulay ng mga ito. Kanina lang ay maliwanag pa ngunit dumidilim na agad. Sobrang bilis ng panahon. Parang kailan lang, ayos pa ang lahat, pero ngayon, gumugulo na ulit.

I sighed and tried to call Toby but he's not answering. Halos mag-isang oras na akong nakatayo dito sa tapat ng aming college dahil hinihintay ko siya. Ang sabi niya sa'kin ay susunduin niya ako at alas kwarto ang tapos ng klase niya. Pero malapit na mag-ala singko at wala pa ring bakas ng pagdating niya.

I tapped my phone and looked around. Umuunti na ang mga estudyanteng dumadaan kaya naman nagpasya na akong puntahan siya sa kaniyang department. I left a message telling him that I'll walk there and just wait me. Nagmadali ako sa aking paglalakad. Malayo pa ako ay tanaw ko na agad ang kanilang building.

Siguro ay biglang nag-overtime ang Prof nila.

I walked faster until I get nearer but my attention got distracted by the noises. Bumaling ako sa aking gilid at natanaw ang kumpulan ng mga estudyante. Ang ilan ay umirit pa hindi dahil sa kilig kundi dahil sa takot.

Kumunot ang aking noo at lumapit sa komusyon. I tried to tiptoe to see what's happening but there are just too many heads that I can't clearly see the center. Because of my curiosity, I tried to get in between these students. May ilang babae pa nagalit sa'kin ngunit hindi ko na sila pinansin.

"Gago ka! Minahal ka ni Mia! Ang bilis mong humanap ng kapalit niya! Tangina mo, Toby!"

Sa wakas ay nakarating ako sa harap ngunit halos manlaki ang aking mga mata nang makita na si Toby iyon at, kung hindi ako nagkakamali, ay ang pinsan ni Letixia ang sumuntok sa kaniya. I tried to walk towards them to stop them from fighting because I can clearly see from here Toby's bloody lips.

"Clarisse is just a distraction-" He was cut off by Dimax's sudden outburst again.

"Tangina mo ulit, Toby! Gago! Dalawang taon palang pero ang bilis mong nakahanap ng pamalit kay Mia! Minahal ka niya! Tapos ganito? Sana hindi ka na lang-"

I stiffened when I slowly processed what they are fighting about. Napako ang aking mga paa sa lupa at hindi ko na nagawa pang tumuloy para awatin sila.

"Hindi mo alam, Dimax." Mariing sambit ni Toby sa mga kataga.

Dimax laughed without humor. "Anong hindi ko alam? Toby, bulag na lang ang hindi makakakita kung paano mo kabilis pinalitan si Mia-"

"Wala kang alam, Dimax! Hindi ikaw ang nakaramdam ng mga nararamdaman ko. When I lost Mia, you don't know how much I suffered! I miss her everyday that I almost forgot that I am living for myself! Kaya wala kang karapatan para kwestyunin ang pagmamahal ko sa kaniya."

Halos mabingi ako sa mga salitang lumabas sa kaniyang bibig. Namuo ang luha sa aking mga mata.

I know that... but why does it still hurts? Kinagat ko ang aking labi at bigong pinanood ang dalawang lalaki na pinag-aawayan ang isang taong wala na.

"Pagmamahal? Can you hear yourself? You can't love two people at the same time, Toby! Kung mahal mo si Mia, ano si Reese?"

"Clarisse is out of here-"

"You're just denying it! Fuck you, Toby! Sagad! Wala na si Mia pero hindi ibigsabihin no'n, hindi mo na siya bibigyan ng respeto! She loves you! Ikaw ang hinanap niya bago siya mawala kahit wala ka roon! Na kahit ako ang nando'n bago siya mawala, ikaw pa rin ang hinahanap niya!"

Dimax face turned red, his veins corded which shows that he's mad. He was about to punch Toby again when suddenly, a familiar girl, Letixia push her cousin away.

"I regret that day that I wasn't there before she lost her breath. I almost lose myself thinking of what ifs. Kung naroon sana ako bago siya nawala-"

"Useless! Pinagpalit mo pa rin si Mia sa babae mo-" Hindi paawat si Dimax at nagpumiglas sa hawak ni Letixia.

Letixia pushed him with all her might and screamed.

"Kuya Dimax, stop it! People move on!" Tinulak niya ang pinsan palayo kay Toby, inaawat ang dalawang lalaki na nagtatalo dahil sa iisang pangalan.

Mia is gone, but why it does still feels like she's here.

Dimax eyed his cousin menacingly before turning again to Toby. Galit at poot ang mga nasa mata habang dinuduro ang lalaki sa harapan niya.

"People move on, yes! But this fucked up man chose to forget her!" Dimax spat.

Sinubukang itulak ni Toby si Dimax ngunit agad na ulit pumagitna si Letixia. Tinulak niya si Toby palayo sa kaniyang pinsan at pilit na inawat. The crowd remains curious of what will happen next. Walang umaawat dahil gusto pa nilang manood.

Pero ako? Ayoko nang marinig ang susunod... ngunit traydor ang sarili kong katawan. Ngayon pa nila naisipang ma-estatwa gayong gustong-gusto ko nang tumakbo paalis at lumayo sa lugar na ito.

"Hindi ko kinalimutan si Mia! Hinding. Hindi. Ko. Siya. Kakalimutan." May diin sa bawat salita at bakas ang sakit sa bawat bigkas.

Traydor na tumulo ang mga luha ko. Nabalot sa katahimikan ang paligid.

"Mahal ko pa rin siya." He said in a very low voice but I still able to hear it.

Parang gripo na bumuhos ang aking mga luha. Gustong gusto kong gumalaw ngunit hindi ko magawa. I was too stunned with all these that I can't even move. My heart is so heavy that I don't think I can even handle the pain. Para akong sinaksak habang nakamulat.

"Fuck you!" Sigaw ni Dimax.

My sobs came out that made the eyes of the audience turned to me. Iyon din ang naging dahilan kung bakit napabaling sa pwesto ko si Toby. I saw how his eyes widen to see me here but I am fucking tired to believe again.

Sapat na ang isang beses. Now that I heard it clearly from him, tapos na ang mga pantasya ko.

Tangina!

Nakita ko ang mabilis niyang paglakad palapit sa'kin ngunit nagkasundo na ang katawan at isip ko. Tumalikod ako at mabilis na tumakbo palayo roon. Palayo sa mata ng mga taong kuryuso sa aking pagluha.

Bakit ang daya naman ata? Akala ko ba ayos na ang lahat? Bakit naman pinagsabay-sabay?

Pinalis ko ang aking walang sawang nag-uumapaw na luha habang mabilis na tumatakbo. May ilang estudyante ang pinagtitinginan ako ngunit hindi ko na sila pinansin. Hindi ko alam kung anong direksiyon ko. Ang gulo-gulo ng isip ko. It remains thinking the words I heard just a while ago. The pain is echoing like madness.

Dumiretso ako sa parking area kung saan walang tao at nagpasyang tatahakin ang daan patungo sa oval ngunit may pamilyar na mainit na kamay ang dumapo sa aking siko. Mariin akong napapikit dahil sa haplos na iyon.

I sobbed loudly. Marahas kong pinalis ang aking luha sa aking pisngi. I turned to him with my eyes blurred because of tears. May bukol sa aking lalamunan ngunit pinilit ko ang sarili na magsalita.

"Mahal mo pa pala si Mia pero ganito ka sa'kin." My voice croaked.

Panibagong luha ang naglandasan sa aking pisngi. I felt his hand caressing my cheeks, trying to wipe my tears away. Iniwas ko ang aking mukha sa kaniya at umatras. Nakita ko ang pagdaan ng kabiguan sa mga mata niya.

Gusto kong maniwala na nasasaktan siya para sa'kin. That the pain in his eyes is for me, but who I am kidding?

"Clarisse-"

"Ang tanga ko. Wala ka naman talagang kasalanan. Ako lang naman ang nahulog. Kung hindi na lang sana kita pinakailamanan. Nakakainis." I almost screamed that.

He tried to touch me again but I stepped back. Tumigil siya sa pag-ambang paglapit at bagsak ang mga balikat na tinignan ako sa mga mata.

"Clarisse, you know that this is just all play-" he trailed off when he realized something.

Mas lalo akong umiyak.

"You fell for me?" Lumamig ang kaniyang boses.

Sinapo ko ang aking noo at nag-iwas ng tingin. Nagtataas baba ang aking dibdib dahil nahihirapan na akong huminga. Pinalis ko ang aking luha at muli siyang binalingan. Malungkot ang aking mga mata na dahan-dahang tumango bilang sagot.

"You... can't fall for me." He uttered breathily.

I pursed my lips and bit my lower lip. I nodded.

"Alam ko. T-Tanggap ko naman na wala akong magiging puwang diyan sa puso mo dahil si Mia pa rin naman 'diba? Na kahit wala na dito 'yong tao, nananatili pa rin siya diyan sa puso mo. W-Wala akong laban. Talong talo ako pagdating sa kaniya." Nanginig ang aking labi.

Para akong baliw na tumawa para maitago ang sakit na halatang-halata na.

"Kasi ano ba naman ako? Isang babae na malandi na inaya kang pumasok sa isang arrangement na ayaw mo naman talaga pero pinilit kita. Tangina. Ang tanga-tanga ko talaga." Napahilamos ako sa aking mukha.

Malakas akong humikbi nang hindi ko na mapigilan ang paghagulgol. I waited for his answer but he didn't respond. Mas lalo akong nasaktan dahil parang pinapamukha niya sa'king tama ako. Na napilitan lang siya. Na lahat nang nangyari sa'min ay pawang walang ibang kahulugan para sa kaniya. Na ako lang talaga ang umasa.

Ako lang ang nahulog.

"Tapusin na natin 'to, Toby. Ayoko na." Nanghihina kong sambit pagkaraan ng ilang sandali.

Kinalma ko ang aking sarili bago siya muling tiningala. Nanatili ang mumunting mga hikbi ko.

He guiltily shook his head. His lips opened for a word but he shut it again.

Umiling ako. "I'm not going to blame anyone but I want to ask you... where do I stand in your life? Anong puwang ko diyan sa puso mo?"

Namilog ang kaniyang mga mata sa tanong ko. He tried to hold my arms but I stepped back once again.

"Clarisse, please, let's go and talk it somewhere privately-"

"No! I am hurt, Toby! Sobra akong nasasaktan kasi I thought we're already building something deeper than this play but I was wrong!" I finally burst out.

All the things we did. All the words he said. What are those? Lies?

"What about me, Toby? Saan mo ako ilulugar sa buhay mo?" The pain is much etched in my voice.

Bumagsak ang kamay niyang sinubukang hagilapin ang aking braso.

"Just answer me w-where do I stand in your l-life..."

Ilang segundo ang nagdaan ay hindi siya nagsalita. Nanatiling nakatikom ang kaniyang bibig na para bang hindi niya alam ang isasagot.

Dumoble ang sakit na nararamdaman ko nang maintindihan ang katahimikan niya. Hindi niya kayang sagutin kasi wala akong puwang sa buhay niya.

I turned my back on him and decided to run as fast as I can. Ayoko na. Tama na, Reese.

When I thought he already loves me... I was wrong. Umasa lang ako. Naniwala sa mga salita na wala namang kasiguraduhan kung katotohanan ba. How did I forgot that words are easily fabricated.? Na ang dali-dali manloko gamit ang mga salita. Na kaya maraming umaasa dahil may mga tao na masyadong minamanipula ang paggamit ng salita. They'll utter words that they can't even prove. They'll use words and failed to do it so. Maraming umasa sa mga salita na sa huli ay hindi rin naman napatunayan.

At ang tanga ko, dahil natagurian akong isang campus journalist na tanging hangad ay katotohanan pero naniwala pa rin ako sa mga kasinungalingan niya. I refused to acknowledge the facts that... he can't love me. He will never love me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top