#TTW19

Entry 19

"Mia," Humihikbi kong tawag sa pangalan niya.

Pumikit ako at dinama ang walang sawang pagbagsak ng aking mga luha. Am I selfish to ask her to give up Toby when I am not even sure if he feels the same?

"Masaya ka na naman siguro 'diba?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago muling nagmulat ng mga mata. I looked at her gravestone with a pool of water in my eyes.

"Pwede bang... P-Pwede bang pagbigyan mo ako? P-Pwede ba a-akin na lang si Toby? I know that he still loves you. M-Mahal na mahal ka pa rin niya, Mia... pero..."

Pinalis ko ang luha sa aking pisngi at hindi ko magawang matapos ang aking mga salita dahil sa aking mga hikbi. Ang hirap-hirap. Ang bigat-bigat ng dibdib ko.

"M-Mia... I can make him happy. I will make sure to make him happy. Siguro naman iyon din ang gusto mo 'diba?"

Tumayo ako mula sa aking pagkakaluhod at tumingala. Nakakasilaw ang liwanag mula sa langit ngunit nanatili ang pagtitig ko dito. Dahil na rin siguro nanlalabo ang aking mga mata ay hindi naging dahilan iyon para kausapin ang kalangitan. Kausapin ito na para bang naroon si Mia... na para bang maririnig niya ako.

"Mia, can you hear me?" I shouted while sobbing hard.

"I promise to make your love... your man to be happy. Hindi ko siya sasaktan.Hinding hindi ko siya iiwan. Kaya please... please, Mia, akin na lang siya. Mahal na mahal ka niya... pero mahal ko na rin siya."

I cried harder. Ang nakadagan sa dibdib ko ay mas nadagdagan. I never beg someone in my entire life. Damn, it's not even in my personality to please. Kung bakit nandito ako ngayon ay dahil iyon ang nagagawa ng lintik na pusong ito para kay Toby.

I never believed that anyone who is dead can actually hear our voices again... pero tangina, wala akong choice. Desperada na akong ipaubaya niya sa'kin si Toby. Gusto kong mahalin siya nang may kasiguraduhan. Dahil nakakapagod. Nakakapagod umasa na ganito kami, na ganito ang nararamdaman ko sa kaniya pero siya, 'yong puso niya nananatiling tumitibok para sa iba.

"A-Ang swerte-swerte mo, Mia." I croaked.

"Mahal na mahal ka pa rin niya kahit wala ka na... Nakakainggit."

Humampas ang panghapong hangin dahilan kung bakit bahagyang nahawi nito ang aking buhok. I tucked my own hair behind my ears. Pinalis ko ang mga luha sa aking pisngi at bumagsak ang tingin ko sa kaniyang lapida. I smiled while staring at her name.

"Nakakainggit. Kasi ako? Buhay na buhay ako. Nararamdaman niya ako... pero wala pa rin akong laban sa'yo. Na kahit nahahawakan niya ako... na kahit kasama niya ako... i-ikaw pa rin ang hinahanap niya."

Panibagong mga luha ang naglandasan sa aking pisngi.

"Kasi nananatili ka sa puso niya. I used to laugh at him because how could you stay in his heart when you're not even here anymore? Ngayon, nakakarma na ata ako kasi ganito pala 'yong nararamdaman niya. Ang hirap-hirap palang magmahal. Ang hirap magmahal ng isang tao na hindi mo alam kung..." I trailed off because my voice shakes.

"Hindi mo alam k-kung babalik ba sa'yo 'yong pagmamahal na binibigay mo. Kahit hindi sigurado, lumalaban... umaasa... humihiling pa rin sa posibilidad kasi wala naman ibang magagawa kundi maniwala na lang na baka pwede."

Suminghot ako at kinagat ang labi. Mapait muli akong ngumiti at pagod ang aking mga mata na pinagmasdan ang lapida. Humihiling na sumagot siya pero alam kong imposible.

"Naranasan mo nang mahalin siya... Naramdaman mo nang mahalin niya... Baka naman pabigyan mo na ako? Ako naman." Pumikit ako. "Ako naman... ako naman sana. Akin na lang siya... please..."

Naramdaman ko ang biglang pagbuhos ng mga mumunting patak ng ulan. Inikot ko ang aking paningin at mabilis na umatras para makahanap ng masisilungan. Tinakbo ko ang distansiya ng isang malaking puno sa dulong bahagi ng area na ito at doon pansamantalang sumilong.

I fixed myself. Pinunasan ko ng aking panyo ang nabasa kong buhok at braso. Pinalis ko rin ang luha sa aking pisngi ngunit nanatili naman ang malakas kong paghikbi. Tumingala ako sa kalangitan para humanap ng senyales kung lalakas ba ang ambon, ngunit pinaglalaruan ata ako dahil muling sumikat ang araw.

Huminto ang ambon at muling umusbong ang liwanag na hatid ng panghapong araw. Mapait akong tumawa at umiling habang pinagmamasdan ang malinis na kalangitan.

"What is that? Is that an answer, Mia?" Natatawa ngunit naiiyak kong tanong sa kawalan.

"Sana binulungan mo na lang ako. Hindi ko naman naintindihan ang sagot mo." I joked to myself.

Bumalik ako sa kaniyang lapida at ilang beses huminga ng malalim. Lumuhod ako at yumuko. I traced her name again slowly as I smiled.

"I'll take that little rain as an answer, Mia." I whispered.

Tumayo ako at isang beses pa ulit tinignan ang kaniyang lapida bago ako nagpasyang umalis roon. Nginitian ako ng guard at binati. I smiled back and continue my walk out of that cemetery. Huminto ako sa isang shed at tinignan ang sariling repleksiyon sa salamin.

My eyes are swollen and my red lips are shaking. Umupo ako at inayos ang aking sarili sa pamamagitan ng paglalagay ng kaunting make up. Itinali ko ang aking buhok. Tinanaw ko ang highway sa aking harapan na may iilan lang na dumadaang sasakyan.

My phone vibrated in my bag. Kinuha ko ito at nakita sa screen ang pangalan ng aking kaibigan.

"Are you still there?" It's Carter.

Huminga ako ng malalim at tumango.

"Reese?" He called worriedly.

"Oo. Nandito pa ako." I replied in a low voice.

"Nasa loob ka pa? Sunduin kita diyan. Didilim na, ang dalang pa ng bumabyahe diyan."

Napangiti ako nang marinig ang pag-aalala at bahagyang pagkakataranta sa boses ng kaibigan.

"Nandito na ako sa labas. Naghihintay na lang ako ng jeep."

"Ok. I'm on my way."

"Huh? Agad?" Gulat kong tanong.

"May pinuntahan ako. Madadaanan ko 'yang cemetery. I'll hang this up. Nakikita na kita."

Pinatay niya ang tawag kaya naman binaba ko na rin ang cellphone. Huminto ang pamilyar na sasakyan ni Carter kaya pumasok na ako sa loob. I smiled at him but he only gave me a blank expression.

"You cried?" Maingat niyang tanong.

Nag-iwas ako ng tingin at inayos ang seatbelt sa aking katawan. I didn't answer him. Hindi na rin siya kumibo at sinimulan niya nang paandarin ang sasakyan. I bit my lower lip and my mind is fighting if I'll tell it to him now... but I'm scared. I told them clearly before that I'll never fall and that this is just a game. And Carter believes that I can handle myself.

"Bakit mo binisita si Mia? You tried to ask for her permission?" He joked but I can sense the meaning of his words.

Bumagsak ang tingin ko sa kamay kong hawak-hawak ang cellphone. Hindi ko siya magawang sagutin.

"I didn't tell Zaijan about this because I am sure that he'll act violently when he found out this."

"What do you mean?" Nagtataka ko siyang biglaang binalingan.

He smirked without humor. "You can't keep a secret from me. I know you since we were kids. Saulong-saulo ko na kung paano tumatakbo 'yang utak mo."

"Carter-"

"Don't worry, I won't tell anyone. And like what I have said, I know you very much. You are independent." He glanced at me and smiled.

"I am sure that you can handle it. Whatever's going on in your life right now, Reese, know that I am always here for you. I'll support you whatever you'll do because I believe in you. Naniniwala ako na hindi ka susugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan."

"What if I'm doing it wrong now?" Nag-iwas ako ng tingin.

"Paano kung hindi na ako 'yong Reese na sigurado sa mga ginagawa niya?" I added.

"You may be impulsive most of the time, but you're smart and wise. Bukod kay Kaycee, ikaw lang ata ang kilala kong babae na masyadong matapang. And now that you're telling me that you're not the same Reese? Masyado ka naman atang binago ni Toby." He chuckled. "Why the hell did he turned you into a person you're not?"

Hindi ko rin alam. Malaking tanong rin sa'kin iyon. How did he change me like my life was dependent on him? Why does it feel like he's controlling me? That I can't be happy because I am not certain of his feelings. My happiness becomes dependent on him.

Nabalot kaming dalawa sa katahimikan. Natanaw ko ang unti-unting pagbabago ng kulay ng langit. Mula sa pagiging asul ay naging kahel ito, senyales na malapit nang matapos ang araw.

"I'm a man, Reese. I may be a playboy but my girlfriend's happiness is always one of my priorities." He looked at me when we stopped due to traffic.

"You're not going to beg someone to let you in in their life when you have no space there. You deserve better."

Sinarado ko ang pintuan ng kaniyang sasakyan at dumiretso papasok ng bahay. Hindi na ako huminto at walang pag-aalinlangang tumuloy sa aking kwarto. Naging palaisipan sa'kin ang sinabi ni Carter.

Pumikit ako ng mariin. Isang beses lang. Isang beses lang akong susugal at aasa. Titignan ko lang kung may posibilidad ba. Baka kasi... pwede naman talaga. I don't want to regret something just because I didn't try. Walang kasiguraduhan... pero gano'n naman talaga sa buhay. We're not always certain but we still try and wait for what will be the result of it all. Depende na lang sa tao kung paano nila iha-handle ang resulta. At kung hindi man aayon sa kagustuhan ko ang resulta... I can handle it. Alam ko ang palabas sa mundong pinasok ko.

"Ga-graduate kaya ako?" Tanong ni Beatrice sa kawalan.

Napabaling ako. Nagtawanan kaming magkakagrupo. Beatrice looked at us with disbelief.

"Bakit ninyo ako tinatawanan?!" Singhal niya.

"Gaga ka kasi. Ilang buwan na lang tapos hindi ka pa rin sigurado na ga-graduate ka?" Yrina fired while laughing.

She rolled her eyes at us.

"Palibhasa matataas grades ninyo kaya siguradong-sigurado na makakapag-martsa. E, ako? May tres nga ako!"

"'Yong iba ngang walang ginawa sa klase makaka-graduate pa rin, ikaw pa kayang masyadong studious?" Asar nila sa kaniya.

Tipid na lang akong nakitawa at ibinalik ang atensiyon sa ginagawa.

"Tangina ninyo, wala kayong kwenta mag-advice." Aniya at nagpaalam na kakain muna.

Dahil sa sinabi niyang iyon ay napatingin ako sa aking orasan. It's already lunch ngunit hindi ko man lang napansin iyon dahil masyadong nakatuon ang atensiyon ko sa ginagawang thesis. This will be presented next month kaya naman kailangang matapos na agad.

"Sige, mauna na kayo. Sunod ako." I told them.

"Sure ka? Baka magalit ka tapos sabihin mo pabuhat kami."

"Tangina ninyo. Hindi! Umalis na nga kayo!" Natatawa kong sigaw.

Nagtawanan sila dahilan kung bakit pinatahimik kami ng librarian.

"Alis na sabi!"

"Weh? Baka naman may darating kaya pinapaalis mo kami." Makahulugan nilang sambit.

I glared at them and was about to reply when they synchronously turned their back on me. I rolled my eyes and returned my gaze on the screen. Inayos ko ang aking gamit at nagpasyang lumipat sa madalas kong upuan dito sa library.

I was settling myself on the table when I heard familiar footsteps nearing. I smiled when I saw Toby's evil smirk when I lifted my eyes. Naglalakad siya suot ang isang itim na hoodie. Magulo ang buhok na sa tingin ko ay resulta ng malakas na hangin sa labas.

We're already in the middle of February. Parang kailan lang noong pumasok ang bagong taon ngunit halos sumisilip na ang Marso. At sa loob ng halos dalawang buwan sa bagong taon na ito, mas lalong lumalim ang nararamdaman ko para sa kaniya. Siguro ganoon talaga kapag halos araw-araw ay kasama mo siya.

"How's your thesis going?" He asked when he finally sat beside me.

He kissed my cheeks and surveyed the papers on my table. Hinawakan niya pa ang papel na hawak ko kung saan binibilang ko ang mga questionnaires. Binitawan ko iyon dahil inakala kong kukunin niya ngunit nang makita ang unti-unting paglapat ng kaniyang kamay sa akin ay napangisi ako. His fingers occupied the spaces between mine.

"Hindi pa kami tapos. Kasama ko sila kanina pero nagugutom na kaya naiwan ako." I replied and smiled at him.

Inayos niya ang buhok kong masyado na atang magulo dahil ilang beses kong pinasadahan ng aking daliri. I saw how his eyes lingered on my head.

"Hindi ka pa kumakain? It's already lunch."

"Mamaya na ako. Kapag bumalik sila, tayo naman."

Ngumisi siya at tumango. Nilubayan niya ang aking buhok at kamay. Unti-unti ay naramdaman ko ang marahan niyang pag-angkin sa aking baywang. Halos tumigil ang aking paghinga nang maramdaman ang kaniyang haplos. I know that we've been doing this for months, but I'm still not used to the feeling now. Dahil alam kong hindi na ito pawang pagnanasa na lang. His touch means something different to me now because I like him.

Inangkin ng kaniyang braso ang aking baywang at ang kaniyang mga kamay ay malamyos na humagod sa aking tiyan. Pinagpahinga niya ang kaniyang baba sa aking balikat at nanunuyang halik ang iginawad sa aking leeg.

"Toby, kapag naabutan tayo dito."

I tried to warn him but knowing him, he won't even feel afraid. Sa ilang buwan na pagbisita niya sa akin dito at ang madalas niyang pagtambay sa aking tabi habang abala ako, hindi kailanman sa mga araw na iyon na kinabahan siya sa tuwing may nakakakita sa pagiging malapit namin. He will just casually eyed them and ignore them quickly.

At kagaya ng inaasahan ko ay hindi niya ako pinansin. Sabagkus ay nagpatuloy siya sa paghalik sa aking leeg pataas sa aking pisngi. Bahagya akong nakiliti sa mga halik niya kaya hinampas ko ang kaniyang kamay.

"Toby!" I hissed but he ignored me again.

He kissed the side of my lips and I'm already wriggling when he caged my arms. He kissed me tenderly on my lips that even when I am still giggling I suddenly stopped to feel his kisses. Unti-unting nanghina ang kamay niyang nakahawak sa akin dahilan kung bakit nagkaroon ako ng lakas upang maipulupot ang mga ito sa kaniyang leeg.

His tongue tastes all the corners of my mouth that I can't help but slightly moan. He stopped the kisses and rested his forehead on mine. Hinihingal kaming parehas ngunit bakas naman ang ngisi sa kaniyang labi.

"We're in the library, Clarisse." He reminded me without tearing his eyes off of me.

Natatawa ko siyang inirapan.

"If you just don't initiate kisses."

He chuckled with my remarks, too.

"Magseseryoso na ako dito. This will be presented weeks from now. Kapag hindi ko ito natapos, ikaw sisisihin ko." I jokingly threatened him.

"I just want to make out with my girlfriend. I'm sorry." He taunted.

"Ewan ko sa'yo, Toby. Lagi ka na lang nandito kaya hindi agad ako natatapos, e." Reklamo ko.

"I want it here. Nandito ka." His breath caressed my ears.

I started to type on my keyboard. Pinagpahinga niya namang muli ang baba sa aking balikat. He's always like this. He always wanted us close.

"Pansin ko lang, you're not staying in oval anymore?" I asked.

Hindi siya kumibo sa tanong ko. Ngumuso ako at nagkunwaring may titignan sa questionnaire.

"Favorite place mo na ang library... at hindi ang oval?"

Again he didn't reply. May pait na gumuhit sa aking dibdib dahilan kung bakit nangilid agad ang luha sa aking mga mata. I smiled forcefully and deny to myself to remember his past. This is his present. I am her present. Hindi man sigurado na parehas kami ng nararamdaman... I rather think that he can move on from Mia because of me.

I'll make sure that he'll forget Mia... and he will fall for me.

"Let's eat now. You'll starve." Aniya at humiwalay sa akin.

Sinimulan niyang ayusin ang kalat sa lamesa at gustuhin ko mang pigilan siya ay mukhang buo na ang desisyon niyang mag-lunch kami. I pouted when he looked at me. Tinaasan niya ako ng kilay at hinalikan ulit ako sa labi ng isang beses bago mabilis na nilikom ang mga papel. He also put my macbook on the bag at siya na mismo ang nagdala ng gamit ko.

"Let's go." Hinanap niya ang aking kamay at iginaya na ako palabas ng library.

Napangiti ako habang pinapanood siyang suot ang laptop bag ko at hawak ang aking kamay. May ilang estudyante na papasok ang tumitingin sa'min ngunit parang wala namang pakialam si Toby sa kanila. I keep up with his speed and happily asked him where we gonna eat.

"You want ramen?"

Huminto kaming sabay sa harap ng kaniyang sasakyan. Tumaas ang tingin ko sa kaniya at naabutan na seryoso lang siyang nakatingin sa'kin.

"Ramen? Tanghaling tapat?" Naguguluhan kong tanong.

His jaw clenched and didn't utter a word again.

"Ayos lang naman din kasi malamig ngayon. Pero saan ba meron no'n? Kung pupunta pa tayo sa condo mo, matatagalan tayo."

He licked his lower lip. Nag-iwas siya ng tingin na para bang nahihirapan siyang sumagot. Muling gumuhit ang pagtataka sa aking mukha.

"Toby-"

"I just assumed that ramen is your favorite so I suggested that we'll eat that today." Mabilis niyang untag.

Napaawang ang labi ko sa narinig mula sa kaniyang bibig. He tried to keep eye contact with me but maybe because he's too embarrassed, he looked away. Mahina akong tumawa. I didn't know that... he actually remembers that I like ramen.

"Mahilig naman talaga ako sa ramen." Natatawa kong sambit.

He looked at me with eyebrows furrowed. "Then, why are you laughing?"

Kinagat ko ang aking labi at umiling.

"You're laughing. Tara doon tayo sa canteen kakain-"

Hinampas ko ang kaniyang braso. "Madaya! Sabi mo ramen tapos canteen bagsak natin?"

"Because you're making fun of me." Lumalim ang gitla sa noo niya.

"Hindi naman. Natawa lang ako kasi bakit parang nahihiya ka? Nahihiya kang aminin na naalala mo favorite food ko?" I teased.

He rolled his eyes at me. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan sa aking likod at tinulak ako papasok. Humagalpak ako sa tawa dahil iniiwasan niyang sagutin iyon. Umupo ako at habang inaayos niya ang aking seatbelt ay patuloy ko siyang inasar.

"You know what, you don't have to be shy about it. Tanggap ko naman kung sabihin mong naaalala mo ang small things-"

"Shut up." Seryoso niyang sambit.

Nang matapos niyang ayusin ang aking seatbelt ay nagtagpo ang aming mga mata. I stifled my smile by biting my lips. He shook his head and shut the door but I saw him smirking while walking towards the other side.

My heart leaped with all the thoughts running in my head. I liked him so much that even the smallest things, I am giving meaning to it.

"Ayaw mo na ba mag-street food?" Salubong ko pagkapasok niya.

He glanced at me before he started the engine.

"I lost my interest in it." Malamig niyang sagot.

My eyes get chinky. "Bakit ka nagsawa?"

He only shrugged. Tumango ako at ibinaling ang atensiyon sa labas.

"Kaya ka siguro hindi na natambay sa oval kasi marami nang umuupo doon tuwing lunch."

Komento ko nang madaanan namin ang grandstand at natanaw ko ang maraming nakaupong mga estudyante sa bleachers.

Hindi siya umimik. Binalingan ko siya at naabutan ko ang malalim niyang titig sa harapan. Bumagsak ang tingin ko sa kamay niyang komportableng nakahawak sa manibela.

"I rather spend my hour breaks with you in the library than to spend it there."

I lifted my eyes on his face. His expression remained the same. Umangat ang sulok ng labi ko.

"Bakit? Nagsawa ka na rin bang alalahanin si Mia?"

Inasahan ko ang galit niya dahil sa sinabi ko ngunit ilang minuto ang dumaan ay hindi man lang siya umimik. Mapait akong napangiti at nag-iwas ng tingin. May bukol na bumara sa aking lalamunan na sa tingin ko mahihirapan akong magsalita kung subukan niya mang kausapin ulit ako.

"Siguro." Sagot niya na nagpabilog sa aking mga mata ngunit tumigil na ang sasakyan at mabilis na siyang bumaba.

Naiwan ako sa loob at tahip-tahip ang tibok ng aking puso. I hold on to my chest as it started to beat wildly. Gusto kong maiyak sa tuwa ngunit hindi natuloy nang katukin ni Toby ang bintana sa gilid ko. Huminga ako ng malalim at lumabas. Iniwasan niya ako ng tingin ngunit base sa kaniyang mga galaw... wala akong ibang maisip kundi... gusto niya na rin ako.

March came like a whirlwind and our thesis presentation just ended yesterday. Sa sobrang bilis ng panahon, pakiramdam ko may hinahabol na kung ano ang mundo. Pakiramdam ko may hinahabol na isang bagay ang oras. Katulad na lang nang nalalapit naming graduation. It's like time is telling us that the stressful days will end soon without even realizing it.

Ngumiti ako sa harap ng salamin habang inaayos ang aking buhok. Nakita ko ang ngisi sa akin ni Beatrice at Yrina sa repleksiyon sa salamin. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Magdo-document ka lang pero bakit ganiyan porma mo?" Makahulugan nilang komento.

Ngumisi ako at nilagyan ng lip gloss ang aking labi. Inipit ko ang kalahati ng aking buhok sa likod gamit ang barette.

"Iba talaga kapag tapos na sa thesis 'no? Wala nang problema kundi ang lumandi sa boyfriend."

Pinasadahan ko ng tingin ang aking suot. I am wearing a white crop top with Toby's surname printed on it, black shorts, and white long socks that will make me look like a cheerleader when I am actually the one who will document the game.

Hinarap ko ang dalawa kong kaibigan. "You'll know the feeling when you started to date, Yrina and Beatrice."

Humiyaw silang dalawa sa sagot ko at sumunod sa akin palabas ng girl's bathroom.

"Sobrang effort naman ng cheerleader ni Toby. Swerte niya sa'yo." Yrina pinched my waist.

I only raised my middle finger to her.

"Bagal ninyo. Mauna na ako sa gymn." I said to them and walked faster.

Narinig ko ang pang-aasar nila ngunit hindi ko na pinansin. Natatawa na lang din ako sa aking sarili dahil ngayon ko lang ito ginawa sa tanang buhay ko. I actually asked permission from my adviser if I can wear this kind of clothes, luckily, they let me.

Matagal ko na itong plano. Simula noong makita ko siyang nagt-training for the upcoming year-end tournament ay naisipan kong iprinta ang pangalan niya sa tshirt ko. But then I saw a cheerleader randomly on facebook that made me end up doing this instead.

Pumasok ako sa loob ng gymnasium. Maingay na agad ang buong pasilidad kahit hindi pa naman napupuno. Dumiretso ako sa gilid ng mga bleachers at nakita ang ilang pagbaling ng mga ulo sa'kin. Inignora ko ang ilang tumawag at dumiretso sa court.

Nakatalikod si Toby sa kung nasaan ako. Mukhang may sinasabi siya sa kaniyang mga teammates when suddenly all their eyes turned to me. Nakita ko ang pagngisi ni Felix at Archie. They tell something to Toby that finally made him look at his back. His eyes met mine and I saw how his lips parted.

I smirked at him while I confidently continue my way on the court. Nagpatuloy ang maingay na sigawan ng mga estudyante. Sa tingin ko ay dumating na ang makakalaban ng unibersidad namin ngunit hindi ko iyon binigyan pansin. Itinuon ko ang atensiyon sa lalaking unti-unting tumataas ang sulok ng labi habang pinapanood akong palapit.

"Ganda ni Reese." I heard Levi said beside him.

Toby crossed his arms on his chest. He cockily tilted his head on the other side and caressed my body using his sensual eyes.

"That's my girl." He said cooly and smirked wider.

Nakalapit ako sa harapan niya. Binati ako ni Levi at tinanguan ko lang siya. I heard Baste's fake cough somewhere ngunit inangkin na ni Toby ang aking baywang dahilan kung bakit naharangan ng kaniyang katawan ang ilang manlalaro.

"Hi! Good luck with your game." I said sweetly.

Naningkit ang kaniyang mga mata na para bang sinusuri ako. I laughed and gave him a peck on his cheeks before I decided to proceed with documenting. Humiwalay ako sa kaniyang hawak at tumabi na sa isang gilid. I take a shot of him and smiled when I saw him mouthing a curse before returning to his teammates.

Nagsimula ang laro kasabay nang pagsisimula kong maging seryoso sa ginagawa. Every time Toby would run near me, he'll always give me a look with meaning. I'll ignore him and he'll only laugh. Siniko ako ni Franziel nang mapatabi ako sa kaniya.

"Mukhang patay-patay sa'yo boyfriend mo, a." She playfully said.

I looked at her. "Hindi pa sure, pero sana totoo. Magdilang anghel ka."

Kumunot ang noo niya sa sagot ko pero tinawanan ko lang siya bago nagtatakbo sa kabilang side. I take a shot of Toby's back again when I noticed something. Ibinaba ko ang aking camera at sinundan siya ng tingin habang nakikipag-agawan ng bola sa kabilang team. His jersey number changed into 22.

I bent a little to take a good shot of him when the number occupied my mind. Why did he change his jersey number? At anong meron sa 22?

The game is very interesting, based on how the crowd is cheering. I am not into basketball for real, so I don't get how they cheer after someone is pointing. Bigla nga lang ako nagtatalon nang i-announce na nanalo ang school namin.

I excitedly run towards Toby who's now waiting for me. I hugged him even he's sweating.

"Congrats, Alcaraz!" Natutuwa kong bati.

Hinalikan niya ang aking sentido at ramdam ko pa rin ang naghahabol niyang hinga dahil katatapos lang ng laro.

"Sana all!" They shouted.

Tumawa ako at humiwalay sa kaniya. Nginitian ko siya at pinunasan ang basa niyang noo gamit ang tuwalyang dala ko. He drank on his Gatorade and after that, he announced something solely for me.

"For my prize, you owe me a date."

"'Yon lang? Hina mo naman." Hamon ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ngayon."

"Huh?"

"Ngayon tayo magdi-date. I'll just change. You wait here." Aniya at mabilis akong tinalikuran at tumakbo papunta sa kanilang locker.

While everyone is cheering I was left alone here. Hindi naman nagtagal si Toby at agad na akong inagaw sa nagkakagulong court. He brought me to his car at kahit wala pang destinasyon ang planong ito, he already started driving.

"Sa EK tayo ulit?" I asked while I am putting my camera bag on the back.

Kinuha ko naman sa loob ng aking bagpack ang aking jeans kanina. Walang pag-aalinlangan kong hinubad ang aking medyas at shorts para makapagpalit ng ripped jeans.

"I don't want it there. Where do you wanna go?" He asked me back.

Umangat ako ng bahagya para masuot ng maayos ang jeans habang nag-iisip. Nang masuot ko na nang tuluyan ay inayos ko ang shorts at socks sa bag.

"Skyranch? Para malapit lang." I suggested.

He glanced at me and nodded. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa Skyranch. Sabay kaming lumabas at humampas sa'min ang malakas na simoy ng hangin. Pinagsalikop ni Toby ang aming mga daliri.

"Bakit nga pala iyon ang suot mo kanina?" He suddenly asked while we are walking towards the main entrance.

Sinulyapan ko siya. "Hindi mo ba nagustuhan?"

Bumagsak ang tingin niya sa akin. "Who won't like it?" His forehead creased.

Ngumiti ako. "E, bakit mo tinatanong?"

"Kasi ikaw lang ang may ganoong suot." He reasoned.

Lumabi ako at tumango. "Well, I just wanted to support you."

"Kaya surname ko ang naka-imprinta diyan sa top mo?"

His eyes surveyed my top. "You look so sexy on that top and shorts. I like it."

"Dapat lang 'no! Effort 'yon. Bawal 'yon pero ginawa ko pa rin para inspired ka sa laro mo."

"Sure I got inspired. Nanalo nga kami."

Pabiro ko siyang inirapan. "Yabang."

"I like seeing my surname printed on your shirt." He commented and told the cashier that we'll get a two tickets.

"Bakit?" I asked in a very girly voice.

Binigay ang tickets sa'min. Pumasok kami sa loob at agad akong namangha sa ganda ng park. Under the bright light of sun rays, the rides and some cute establishments are very beautiful.

His arms snaked around my waist.

"Dahil pag-aari kita." He casually responded after a while.

I looked at him with shock eyes. Hindi ako agad nakaimik ngunit nang magtagpo ang aming mga mata ay pilit akong ngumiti.

"Ang daya naman ata. Pagmamay-ari mo ako, pero hindi ka akin?"

Hinapit niya ang baywang ko na para bang hindi sapat sa kaniya ang closeness namin. Namungay ang kaniyang mga mata.

"You own me, too." Sagot niya na sapat na para tunay kong maramdaman ang kasiguraduhan at kasiyahan ngayong araw.

He kissed my cheeks before we both decided to enjoy the park. Sumakay kami sa mga extreme rides at kumain nang makaramdam ng gutom. We tried to ride a kiddie ride that we are both laughing while seating. Pinagtitinginan kami ng mga tao ngunit masyadong kaming natutuwa para pagtuonan pa sila ng pansin. The next thing we did is play the games but I think we're not really for it because we didn't win anything.

"Let's ride the Ferris wheel now para kita pa rin ang taal." I asked him.

Pinagbigyan niya naman ako at sumakay kaming dalawa. Nang dumating kami sa tuktok ay hindi ko maiwasang mamangha sa kalikasan. I've been seeing Taal lake since I was a kid. I grew here in Tagaytay that I am already very used to its physical shape but I can't deny the fact that this scenery always keeps me in awe. It's like a majesty piece of art directly right in front of my two bare eyes. That even I know that it is disastrous, I still find it very beautiful.

"Nga pala..." I looked at him.

Galing ang mga mata niya sa labas nang ibaling sa akin ang tingin.

"I noticed that you've changed your jersey's number."

Umigting ang kaniyang panga. Akala ko at mag-iiwas siya ng tingin ngunit nanatili ang titig niya sa'kin.

"Yeah." Tipid niyang sagot.

Tumango ako at hindi na inusisa kung anong dahilan. Baka masaktan lang ako at masira ang magandang araw na ito.

"It's your birthday." He added that shocked me.

"Hin...H-Hindi ko alam."

He chuckled with my reaction. He tried to stand the reason why our cell suddenly shakes. I almost shrieked but when he sat next to me and hugged me sideways, the fear is gone quickly.

"I love you, Clarisse." He said tenderly.

Parang huminto ang lahat sa paligid ko. Pakiramdam ko huminto ang sinasakyan namin nang sabihin niya iyon. Kumalabog ang puso ko at hindi ko maiwasang mamuo ang luha sa aking mga mata. Now that we're only two here, with no noise around from the other people, I clearly heard what he confessed.

Hinawakan niya ang aking pisngi at marahang hinaplos iyon. Mapait akong napangiti. I want to believe that it is true... I want to be convinced that this is now real but then...

Bumagsak ang aking mga mata sa kaniyang labi na bahayang nakaawang. I gritted my teeth to stop myself from a sudden cry.

"Don't say it when you really don't mean it." My voice almost croaked.

Naramdaman ko ang bahagya niyang pag-atras dahil sa sinabi ko. And I feel like I was stab again in my chest. Pinanatili ko ang pag-ngiti upang hindi niya mapansin na mayroong iba sa sinabi ko. Inangat ko ang aking tingin at naabutan ko ang namumungay niyang mga mata na nakatanaw sa'kin. Yumuko siya at iginiya ang aking baba palapit sa kaniyang mukha.

He kissed me. I kissed him back. We kissed... but the pain is very inevitable. 

Bumaba kami ng ferris wheel at tumuloy kami sa ibang rides. Natigil kami nang may isang bata ang sumasayaw sa gitna ng daan. Binalingan ko si Toby at naabutan siyang masayang tumatawa habang pinapanood ang nasa harapan namin.

Tumulo ang luha sa aking mga mata kasabay nang pagdilim ng paligid. Nag-iwas ako ng tingin at pinalis ang aking luha. Suminghot ako at ngumiti. I looked at him again and saw him remaining his eyes on the little girl. Sumindi ang mga lamp post at nagbigay kulay ang ilaw ng mga rides.

Amidst the darkness are the bright lights... and under the aesthetic lights of this park is someone who's genuinely happy. Tumaas ang tingin ko sa kalangitan at natanaw ang kalahating buwan na nagtatago sa makapal na mga ulap. I smiled at it and returned my eyes to Toby. Binalingan niya ako at tinuro ang bata. He laughed genuinely that it sounds so surreal to me now.

Mia, alam kong parehas lang natin gustong makitang masaya si Toby. So, let me... believe in his words. That he loves me. I promise to make him smile every single day. Kahit ngayong pagkakataon lang. Kahit ngayong panahon lang... sa susunod na buhay, hindi ko na siya aagawin sa'yo. Kaya naman pagbigyan mo na ako.

I hugged Toby sideways and watched the little kids dancing. His laugh sounds like music to my ears. I want to hear it everyday.

Sabihin mo sa kaniya na pwede na siyang maging masaya... na pwede na siyang...

Magmahal ng iba...

At mahalin ng iba.

Please, Mia.

"I love you, Toby." I whispered.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top