#TTW18

Entry 18

"M-Ma'am, ayos lang po kayo?" Nag-aalalang tanong ni Manong.

Kinagat ko ang aking labi at humihikbing tumango. Pagod kong pinikit ang aking mga mata at sinandal ang ulo sa head rest ng upuan. Patuloy na lumalandas ang luha sa aking mga pisngi. Hindi ko alam kung paano sila patitigilin, parang ayaw nila. Parang wala silang planong huminto.

"N-Nandito na po tayo."

Parang lumabas sa kabilang tenga ko ang sinabi niya. Nanatili akong nakaupo at mahinang umiiyak sa loob ng sasakyan. Nawawalan ako ng lakas para tumayo at dumiretso papasok sa loob ng bahay. Unti-unti akong nawawalan ng lakas sa mga bagay na kailangan kong gawin dahil sa lintik na pusong 'to.

I always find Kaycee and Cohel's relationship cringe. I don't believe in love at this age. Tangina, ni hindi pa nga ako nahulog. Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng kakaiba sa pagkatao ko. At kahit may parte sa akin na gustong takasan ang lahat ng ito at itigil na lang dahil alam kong ako lang din naman ang uuwing luhaan sa huli, hindi ko na kontrolado ang isip at puso ko. Matagal na ata silang nagkasundo na sumugal kahit walang kasiguraduhan. Matagal na silang nagpasya na manatili sa larong ito kahit para sa'kin nagkakatotoo na.

Naramdaman ko ang panibagong mga luhang naglandasan. Malakas akong napahikbi at ang dibdib ko ay nagsimula na namang magtaas baba. Marahas ko silang pinalis at pinilit ang sarili na umayos. Hating gabi na at hindi ako nakakasigurado kung gising pa ang aking kapatid o ang mga magulang ko. And I can't gamble to strut there and make them see this messy.

Inayos ko ang aking sarili. Ilang beses kong pinaalalahanan ang sarili na huwag iiyak habang naglalakad. Lumabas ako at naglakad diretso papasok sa loob ng mansion. Sumalubong sa akin ang tahimik na salas kaya naman mabilis na akong nagtatakbo pataas. Sinarado ko ang aking pintuan at mabilis na tinakbo ang distansiya ng aking kama.

I buried my face in between my pillows and there I cried. I want to scream again, thinking that it could lessen the pain in my chest but I can't. Gusto kong magwala at ipaglandakan sa sarili ko na ang bobo at ang tanga-tanga ko kasi nahulog agad ako.

Who the fuck will fell in just a span of two months? Who the fuck will think this is love when in fact we're just fuck buddies? Sinong tanga ang iiyak gayong siya naman ang may pakana ng lahat?

Walang iba kundi ako lang. Hindi ko alam kung paano nangyari. Sa dinami-dami ng lalaking dumating sa buhay ko, bakit ngayon pa? Bakit sa isang tao pa na may mahal na iba? Bakit sa kaniya ko pa 'to naramdaman kung pwede namang sa iba na lang.

"Ang sakit-sakit." The pain is so obvious as I utter those words.

Never thought pain like this could actually exist. 'Yong tipo ng sakit na hindi lang bumabalot sa dibdib mo kundi sa buong katawan mo... sa buong pagkatao mo. The pain will cover almost all of your head until your brain felt suffocated. Hanggang dumating ka na lang sa punto na wala kang ibang magawa kundi ang ipaubaya ang lahat sa pag-iyak. Because no words could actually define how much it hurts.

Mula sa pagkakadapa ay sinubukan kong tumihaya. Iminulat ko ang mahapdi kong mga mata at tinitigan ang madilim kong kisame. Another set of tears fell from my eyes when I remembered his sleeping face. He seems so comfortable in my arms a while ago... na para bang ako ang kailangan niya.

Hindi ko kinaya at napapikit akong muli. I bit my lower lip to restrain myself from sobbing. Hindi naman ako 'yon, e. Hinding hindi ako ang magiging kailangan niya. I'll never be the one he looked upon when the sun rises. I'm not the one he needed to soothe him when he's not fine. Hahanapin niya pa rin ang isang babae na mahal na mahal niya, na kahit wala na dito, siya pa rin.

I hardly sleep that night. Ni hindi ko naisip na makakatulog pa pala ako dahil sa dami ng aking iniisip. Siguro dahil pagod na rin ang aking mga mata, wala na silang pagpipilian kundi magpahinga. Ngunit hindi ko alam kung ilang oras lang ba ang tinagal ng aking pagkakatulog. Nang nagising ako ay madilim pa sa labas.

Pagod ang aking mga mata na tumulala sa kisame. Hindi ko na namalayan ang oras at napansin ko na lang ang unti-unting pagpasok ng liwanag sa aking kwarto. My phone ring that made me look at the bed side table. Namatay ang tawag nang hindi ko man lang sinubukang abutin. Nanatili ang pagtitig ko dito hanggang sa tumunog itong mli.

Walang lakas akong bumangon at kinuha ang nag-iingay kong cellphone. My heart aches again seeing his name on my screen. I wanted to cancel the call but I guess, I'm totally dumb now.

"Good morning! Nandito na ako sa labas ng gate ninyo." He greeted me.

Pumikit ako ng mariin nang maramdaman ang traydor kong puso na naghaharumentado dahil lang narinig ko ang kaniyang boses.

"I-I'm sick. I can't attend classes today." Matamlay kong sagot.

Hindi siya umimik sa kabilang linya. Kung hindi ko lang naririnig ang mabibigat niyang paghinga ay iisipin kong binabaan niya ako ng tawag. Tumaas ang tingin ko sa aking bintana at walang pag-aalinlangan akong tumayo at dumiretso doon.

"Toby?" I called him when he didn't respond.

I heard him sighed heavily.

"Ok." Tangi niyang sagot bago niya pinatay ang tawag.

Kasabay noon ang pagbukas ko sa makapal na kurtina ng aking kwarto. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang mabilis na pag-alis ng kaniyang sasakyan sa harap ng aming malaking gate. Hindi ko na naman napigilan at tuloy-tuloy na umagos ang aking luha.

He didn't even leave a message. All he replied is ok. It's like a knife was suddenly stab in my chest. Nakakagago na wala man lang siyang pakialam. He sounds like he doesn't care.

Bumalik ako sa aking kama at doon tinuloy ang hindi matapos-tapos na pag-iyak. Hindi ko alam kung kailan sila mapapagod. Damn, I never cry this hard. Anong ginawa niya sa'kin at nagawa kong umiyak at masaktan ng ganito ay hindi ko alam.

Someone knocked on my door when hours passed. Tulala ako sa kisame at wala nang luhang naglalandasan sa aking mga mata pagkaraan ng ilang oras. Nagpapasalamat ako at sa wakas ay napagod na rin silang umiyak. Kasi ako napapagod na.

"Ma'am, hindi po ba kayo magb-breakfast?" Boses ng katulong iyon.

Bumuntong hininga ako at walang enerhiya na sinuot ang aking tsinelas at dumiretso sa aking pintuan ngunit hindi ko ito binuksan.

"Wala na ba sina Mommy?" I asked.

"Wala na po."

"Si Baste?"

"Kanina pa pong madaling araw umalis."

"Ok. Bababa na ako."

I don't want to get out with this kind of face. Ayokong usisain ako ng aking pamilya. They never saw me with swollen and tired eyes. Kung makikita nilang ganito ang aking ayos, nakakasigurado akong uulanin ako ng tanong.

I fixed myself on the bathroom before I finally decided to go down. Mag-isa lang ako sa hapag at halos hindi ko maubos ang aking pagkain dahil nawawalan ako ng gana sa tuwing naaalala ang nangyari kanina at kagabi. Mabilis kong tinabi ang aking pinagkainan at dumiretso muli sa kwarto. I almost cried again when I realized that I couldn't think clearly if I will stay in my room the whole day. Mamamatay lang ako kakaisip sa mga bagay na wala naman akong kontrol.

Umupo ako sa pang-isahang duyan na mayroon ang malawak na bakuran namin. Tumama ang masakit na sikat ng araw sa aking balat ngunit nang dumiretso ako sa makulimlim na parte kung nasaan ang duyan ay nilubayan rin ako nito. Humampas ang masimoy na hangin. Huminga ako ng malalim nang makaramdam ng kagaanan dahil doon.

Inabala ko ang aking sarili sa mga halaman at iniwasang isipin ang ano mang mga bagay na alam kong magbibigay lang sa'kin ng sakit sa ulo. Tanghali nang tumawag ang group mates ko sa thesis namin at tinanong ako kung bakit ako absent. I only told them that I am sick and I'll help them now through video chat. Iyon ang pinagtuonan ko ng pansin noong tanghali at bumalik lang ako sa hardin pagkatapos.

Dapit hapon nang makarinig ako ng ingay sa loob. Malakas na halakhak mula sa aking mga magulang ang naabot ng aking tenga. Walang pag-aalinlangan akong pumasok sa loob para sana batiin ang sino mang kasama nila. Iniisip ko na isa itong katrabaho nila o kamag-anak namin ngunit halos mapaatras ako pabalik sa bakuran nang makitang si Toby iyon.

Nakangiti siya habang binabati siya ng aking mga magulang. Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang suot at natantong nakasuot pa rin siya ng uniporme. Nang muli kong inangat ang aking tingin sa kaniyang mukha ay naabutan ko siyang nakatitig na sa'kin. Napawi ang kaninang ngiti at napalitan ng isang tikom na bibig. His eyes turned darker as he watched me being taken aback with his sudden presence in our house.

"Reese, hindi ka pala pumasok? Nandito ang boyfriend mo. Lumapit ka dito." Bakas ang tuwa sa tono ni Mommy kaya naman kahit nagtatalo ang aking mga paa ay wala silang choice kundi sumunod.

Naglakad ako palapit sa kanila ngunit mariin kong iniwasan ang titig sa akin ni Toby. I kissed Mom and Dad on their cheeks. Nagdadalawang isip pa akong tumabi kay Toby pero dahil ayaw kong isipin nila na may problema ako, mas pinili kong magpanggap at lumapit na sa kaniya.

"We'll just go upstairs to change. We'll be quick. Tell the maids to prepare the foods, Clarisse." Bilin ni Mommy bago sumunod kay Daddy paakyat.

"Yes, Mom." That was almost a whisper.

I decided to turn my back on him to order the maids to prepare the meriendas when suddenly I felt Toby's hand snaking around my waist. Pumikit ako ng mariin dahil sa hawak niya ngunit agad akong umayos nang pinilit niya akong humarap sa kaniya.

Dumapo ang kaniyang mainit na palad sa aking noo at ganoon rin ang ginawa niya sa aking leeg. Mababaliw na ata ako. I never thought that I could actually feel like this with just his touch. This is different because this is not like what I felt before... this is not lust.

Mariin kong tinikom ang aking bibig at pinanatili kong mulat ang aking mga mata dahil ayokong isipin niyang apektado ako sa mga haplos niya.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" He asked concernedly.

Tumango ako bilang sagot, nagbabara ang lalamunan ko.

Tumango siya at hinalikan ang aking pisngi. Parang nag-slow motion ang lahat dahil sa paglapat ng labi niya sa aking pisngi.

"Bakit ka nga pala biglang umalis kagabi? I woke up without you beside me." He asked after the kiss.

Nag-iwas ako ng tingin. Ayokong pag-usapan. Kaya naman nagsinungaling na agad ako.

"A-Ayaw ko lang matulog sa condo mo."

"Bakit?"

I lifted my gaze at him. I don't know what to answer. I am not prepared with my fake statements. I searched for lies when I suddenly heard my parents' footsteps making their way downstairs. Humiwalay ako kay Toby at nagpaalam sa mga magulang na uutusan ko lang ang mga katulong na maghanda ng merienda. Narinig ko silang inaaya si Toby sa swimming pool area.

Nakahinga ako ng malalim pagpasok ko ng kusina. I saw the maids baking cinnamons kaya naman nag-ask na lang ako ng juice. Hinintay ko iyon para magkaroon ako ng oras bago muling harapin si Toby. Nang binigay sa'kin ng katulong ang tray ay halos tahip-tahip ang tibok ng aking puso.

I smiled when I saw Toby's head turned to me. They are in the middle of a conversation when I sat next to him. Natanaw ng tingin ko ang malapad na ngiti ni Mommy kaya naman I suddenly felt awkward.

"Anong pinag-uusapan ninyo?" Kaswal kong tanong.

"Oh, we're just talking about his family. Alcaraz pala ang boyfriend mo, you didn't tell us." Natutuwang sambit ni Mommy.

Ngumuso ako. They never asked so why would I tell?

"'Yong kaibigan ko, siya ang company lawyer ninyo. Si De Leon, if you know him?"

Inayos ko ang juice at inilagay iyon sa kanilang mga harap. After that, I put the tray on the other side. When I saw our maid agad kong sinenyas sa kaniya na kunin ito.

"Actually, the company is not ours. It's my grandparents who owned it. So, I'm not very familiar with the employees there."

Binalingan ko si Toby na normal lang naman na nakatuon ang tingin sa aking mga magulang. Nang sinubukan niyang balingan ako ay nag-iwas agad ako ng tingin. Nakita ko ang pagtango ni Mommy at marami pa nilang tanong sa kaniya. I remained silent as I listen to their exchanging questions and answers.

"Paano kayo nagkakilala nitong anak ko? Hindi siya nagkekwento na may nobyo pala siya." Mom eyed me using his teasing stares.

I crossed my arms on my chest.

"Hindi naman kayo nagtatanong."

Tumawa si Daddy sa aking sinagot. Tumawa rin si Toby dahilan kung bakit mas naintriga si Mommy.

"Natutuwa kayo sa pagiging pilosopo ng batang 'to. It's not because you love her, you'll tolerate her." Istriktang untag ni Mommy ngunit bakas naman ang pang-aasar.

Umirap na lang ako dahil hindi man lang magawang seryosohin nila Mommy ang pag-uusap. Well, they are serious naman, masyado lang talaga silang komportable sa pag-uusap na ito na hindi ko magawang makitang seryoso talaga sila. Maybe because I was just used with movies where there's an intimidating air when the boyfriend first met his girlfriend's parents.

"Did you met my daughter in a bar? Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na laman 'to madalas ng clubs."

"Dad!" I called but he only smirked.

Tumawa si Toby at umiling. "I actually met her in Korea before."

I was about to speak more when he said that. Natigilan ako at napabaling sa kaniya. He's smiling cooly while looking at my parents.

"Sa Korea? Bakit naman do'n? Noong pumunta ka bang Korea, doon mo siya nakilala, Reese?" Mom asked curiously.

I looked at my Mom and I only nodded. Her mouth formed into an 'O' like she's very surprised.

"I remember that I met your Dad in Ilocos. Schoolmate na kami noong college but we never had interaction dahil magkaibang pre-law course ang kinuha namin." Mom reminisced enthusiastically.

"What happened in Ilocos po?" Tanong ni Toby.

Ngumiti si Mommy at nagpatuloy sa kaniyang pagkekwento.

"Wala naman. Nakita ko kasi siya kasama ang girlfriend niya that time. I really don't care about him, ni hindi ko nga siya type noon."

Umiling si Dad sa kwento ni Mommy. Mom eyed him before she continued.

"'Tsaka laman siya ng balita noon sa department ko. There's a rumor that spread around our department telling that this man," She pertaining to her husband. "Has a scandal. Mabilis kasi akong maniwala noon sa mga tsismis kaya naniwala ako kahit wala naman akong nakitang video ng scandal niya."

"It's because you are so quick to believe in rumors." Dad dismayed tone is much etched on his voice.

"Hindi ko naman itatanggi iyon. I was impulsive during my younger years. Iyon din ang dahilan kung bakit, 'tsaka ko lang tinanggap sa buhay ko itong si Gregory ay noong nag-top siya sa BAR."

Napangiti ako nang maalala ang kwentong iyon.

"What happened to your girlfriend, Dad?" Hamon ko na ikwento niya because he never told that part to us.

Tinaasan ako ng kilay ni Daddy na tila ba handang handa siya sa tanong ko.

"She died when I was studying law. That's also the time when your mother started to catch my attention."

Mabilis kong naitikom ang aking bibig. My heart rippled and I can feel my eyes tearing up. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko inasahan na iyon ang isasagot ni Dad.

"That's when I started to believe that you met a person for a reason. I thought I wasn't capable of loving someone else again after her but I met your mother. And if I'm going to choose who I want to spend another life time with, no thinking twice, I'll choose your mother, Reese."

Napaahon ako mula sa pagkakaupo. Nagulat sila sa aking ginawa. I don't think I can stand hearing their story anymore. Parang tinatarakan ng punyal ang aking puso. How I wish that me and Toby could turn that way but I am sure that it sounds beyond impossible.

Hindi niya ako magagawang mahalin.

"Titignan ko lang ang c-cinnamon..." I informed them before I proceeded to the kitchen.

Sinabihan ko ang mga katulong na ako na ang mag-aayos noon dahil ayoko munang bumalik sa labas. A tear fell in my eyes that I quickly wipe it but I almost jumped when I felt an arm snaking around my waist. A hot breath touching my ears like a feather.

"Toby," I called him and tried to remove his arms around me but they are so firm.

He started kissing my neck that I can't help but be stupid again.

Ilang oras pa lang simula nang maramdaman ko ang halik niya ngunit parang nangungulila na agad ako sa kaniya. His arms snaking around my waist tightened that I feel like I'm gonna break anytime soon. Naglakbay ang kaniyang halik mula sa aking leeg patungo sa aking tenga.

"I missed you the whole day." He whispered huskily.

Napapikit ako dahil sa mga haplos niya. Bumitaw ako sa counter at inilapat ang aking palad sa kaniyang maugat na braso. His lips kissed the side of my lips.

"I decided to get here because I missed you so bad."

Totoong tinatraydor na ako ng isip at puso ko. Totoong wala silang planong umalis sa kalokohang ito. Pumikit ako ng mariin.

"Ilang oras mo pa lang naman akong hindi nakikita." Mahina ngunit malambing kong sagot.

Tangina. Nasasaktan na rin naman ako... sasagarin ko na. Baka naman pwede pa? Baka may posibilidad pa? Paaasahin ko lang ang sarili ko.

"I don't know. I just missed you so bad."

Hindi ko na napigilan at hinarap ko siya. Naabutan ko ang pamumungay ng kaniyang mga mata. Nangilid ang luha sa aking mga mata.

Ang daya daya. How can I easily make him own me but I don't own him is a big question to me. Gusto kong itago ang nararamdaman para sa kaniya pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang kontrolin ang nag-uumpaw kong pagibig para sa kaniya.

I tip toed and kissed him on his lips sweetly. Alam kong masasaktan ako pero wala akong magawa. Mahal na mahal ko na siya na wala na akong pakialam kahit masaktan pa ako sa dulo.

Hinapit niyang muli ang aking baywang at diniin ako sa kaniyang katawan. He caressed my cheeks as his tongue started to wander inside my mouth. Nakita ko ang pagpikit niya at ang banayad niyang pagdama sa aking mga halik. I closed my eyes, too and felt like this is true.

"Ma'am-"

Halos itulak ko si Toby nang biglang may magsalita sa likod namin. Nakita ko ang batang kasambahay na nagkukumahog na lumabas ulit pagkatapos maabutan ang halikan namin. Namula ang aking pisngi at lumayo sa kaniya. I saw him licking his lips deliciously.

"I missed your lips." Panunuya niya.

Inirapan ko siya at padabog na inayos ang cinnamon rolls sa lalagyan at mabilis na umalis ng kusina. Narinig ko ang halakhak niya sa aking likod.

"Nahihiya ka kapag nasa bahay ninyo?" Natutuwa niyang tanong sa likod.

Naramdaman ko ang paghaplos ng kaniyang kamay sa aking tagiliran kaya napahinto ako. Binalingan ko siya para singhalan ngunit nagnakaw lang siya ng halik at inagaw na sa'kin ang tray at nauna na siya mismo palabas. My parents called him excitedly as they started again their new topic.

Madilim na nang nagpasyang umalis si Toby. My parents talked to him fondly that they almost forgot their works. Hinatid ko sa labas si Toby at nanatili namang nasa pintuan si Mommy.

"Ingat ka." Paalala ko sa kaniya.

Hindi niya pa tuluyang nabubuksan ang pintuan ng sasakyan nang lumapit ang mukha niya sa akin at hinalikan ako sa labi. Humiwalay siya at halos mawindang ako nang marinig mula sa labi niya ang salitang kahit kailan hindi ko inisip na sasabihin niya sa akin.

"I love you, Clarisse."

Pumasok siya sa loob at umandar na ang kaniyang sasakyan ngunit nanatiling nakapako ang aking mga paa sa lupa. Kumalabog ng husto ang aking puso na nararamdaman ko ang sakit sa aking dibdib. Napangiti ako ng wala sarili ngunit agad din iyong napawi nang matanto na sinabi niya iyon dahil nakatingin sa amin ang magulang ko.

I sighed and started walking towards our door again. Hinintay ako ni Mommy at hinawakan sa braso.

"Ang sweet ninyo naman." Panunukso niya.

Ngumuso ako at hindi nakaimik.

"I can remember myself to you. Ganiyan din ako noong naging kami ng Daddy mo. Nahihiyang sumagot."

"Mom, how did you realize that it was love?" I asked out of nowhere.

Bumukas ang pintuan sa likod at nakita namin ang pagpasok ng aking kapatid. Mom smiled at me and brushed my hair.

"Kasi hanggang ngayon, siya pa rin?"

Baste kissed her and eyed me suspiciously. Iniwan ko silang dalawa roon at dumiretso papasok sa aking kwarto. Isinandal ko ang likod sa aking pintuan at napatingala.

"I love you, Clarisse."

Those words echoed in my head. Hinawakan ko ang ibinigay niyang kwintas at muling tumulo ang luha sa aking mga mata. I know it's not true... but I still want to hope... that maybe it is possible.

I attended the classes the next day and I started become busy with our thesis. It will be presented next month kaya naman double time kami. I continue seeing Toby, minsan pa nga ay sumasama siya sa akin sa library kahit pa kasama ko ang aking mga kagrupo. Beatrice will look at me with teasing eyes that I'll only roll my eyes at her. There's also a time when Zaijan and Carter saw us alone in the library. Binati lang nila ako at si Toby pero hindi na sila nagtagal at umalis agad.

There's nothing changed between us after that. Pagkatapos ng bisita niya sa bahay ay nasundan iyon ng isa pa. Naging abala na nga lang rin siya sa thesis at sa ibang requirements dahilan kung bakit mas natuon ang atensiyon namin sa pag-aaral. But we remain the same. We remain cool and fine with each other... the only difference it only makes now is the feeling I have for him months ago arouses into something deeper.

I am wearing a white tube top, a retro jeans and black fila platform sandals for tonight's Paskuhan. I low pony tail my hair and wore the necklace he gave me. I put a light make up before I go down and saw Toby in our sofas. Ngumiti siya sa akin at agad na kaming nagpaalam sa aking mga magulang.

"You'll freeze to death later, Clarisse." Puna niya sa aking suot.

Ngumuso ako at hindi umimik. He chuckled with my reaction.

"Ako bahala sa'yo." He added.

Nakarating kami sa labas ng CvSU at naabutang marami nang estudyante sa tapat ng matayog na Christmas tree. Bumaba ako sa sasakyan niya at naramdaman agad ang pag-angkin ng mga braso ni Toby sa aking baywang. Tiningala ko siya at nginitian. He kissed my cheeks before we continue walking towards the giant Christmas tree.

"You look so beautiful." Bulong niya sa aking likod habang hinihintay naming sumindi ang mga ilaw.

Maingay ang paligid at panay ang pagkuha ng mga litrato ng mga estudyante. I tried to search for my friends but I guess they are in the other side of the campus.

"Thank you." Sa maliit na boses ay isinatinig ko.

He renewed his hold on my waist and hugged me tighter from the back. Sabay-sabay naming tinignan ang malaking orasan at nang matanaw na ilang segundo na lang ay sasapit na ang alas otso ay sabay sabay na kaming sumigaw.

"10, 9, 8, 7..." We counted.

Ngumiti ako at tinaas ang aking cellphone. I took a video of us at napangiti ako ng malapad nang makita si Toby sa aking likod. Bumaba ang tingin niya sa aking cellphone at nang matanto na kumukuha ako ng video ay ngumiti siya at pilit na idinantay ang kaniyang baba sa aking hubad na balikat. He kissed my cheeks as we continued counting.

When the giant Christmas tree finally light up the crowd cheered and shouted louder. Napasigaw na rin ako kasabay nang paghalik sa akin ni Toby. I returned all his kisses. The kisses his giving me now is far different to what we used to. This is way softer and sweeter.

Look how days passes quickly. It's just a month ago when I finally realized my feelings for him but now, it's already December. The Christmas and year-end is almost at its peak. Pagkatapos ng aming halikan ay pinagpahinga niya ang kaniyang noo sa akin. He smiled while staring directly into my eyes.

"I love you," He said but I am not sure if I heard it clearly dahil may dalawang lalaki na ang sumigaw sa gilid namin.

Si Zaijan at Carter ay parehas na nag-aagawan sa sopas na pinamigay. Halos iripan ko silang dalawa nang matanto ko na they purposely ruined our moment. Hinapit ako ni Toby sa aking baywang kaya binalingan ko siya. He pulled out his hoodie from his body.

"It's cold. Wear this." Utos niya at tinaas ang dalawa kong kamay.

He wears it to me and kissed me after. Ilang sandali pa kaming nanatili roon hanggang sa nakatanggap siya ng mensahe galing sa magulang niya. He needs to go because he has an event to attend to. Hinatid niya ako sa Bistro kung saan pinlano ng aking mga kaibigan na magkita-kita ngayong gabi.

Naroon na si Isaac at Odyssey nang pumasok ako. Binati ko sila ngunit abala sila sa pag-uusap kaya nagpasya na lang akong tignan ang instagram ko. I saw a hundred views in my story. I play it and smiled inwardly while watching the video of us.

Sabay na dumating ang apat pa naming kaibigan at nagsimula na silang umorder ng maiinom at pulutan. Nakita ko ang pag-iwas ni Kaycee kay Cohel at ang paglipat niya sa gitna ni Ody at Isaac. I was about to talk to her when Carter suddenly sat beside me.

"Kumusta?" Tanong niya at inakbayan ako.

I sighed and rested my head on his shoulder. Nakita ko ang pagbaling ni Zaijan sa akin at pinanood ang matamlay kong ekspresyon.

Kumusta ba ako? Gusto kong matawa dahil matalik ko silang mga kaibigan ngunit wala silang ka-alam alam sa nangyayari sa akin. I have no plans yet to tell them that I fall for Toby. I remember that Zaijan warned me but I didn't listen.

Tumunog ang cellphone ko dahil sa mensahe ni Toby. He replied on my story that made me smile.

@tobyalcaraz

We look so good together.

I typed in my reply and sent it to him before I answered Carter's inquiry.

"Ayos lang... I guess." Pumikit ako ng mariin nang maalala ang nararamdaman ko para kay Toby.

My heart gets heavier with the thoughts surrounding in my head.

"Nagka-fubu ka lang kinalimutan mo na kami." Pagtatampo ni Carter ngunit bakas naman ang pang-aasar.

I only slapped his thigh exhaustingly and raised my middle finger at him.

"Tangina mo."

"Shot lang katapat niyan." Ani Zaijan at inabutan ako ng isang beer.

Umiling ako at pilit na ngumisi. Tinanggap ko ang beer na binibigay niya at nagsimula na silang umingay. I busied myself with my phone as I am talking to Toby. Ngunit nang hindi na siya nagreply ay tinuon ko ang atensiyon sa mga kaibigan. Probably the event is now starting kaya hindi na siya nakasagot.

"I don't know with this Achileas. Lagi na lang nasa school ko. Papansin." Iritableng sambit ni Ody.

"School mo? Iyo 'yon?" Sagot naman ng katabi ko.

"Doon ako nag-aaral!"

"Pero hindi iyo 'yon!"

Natatawa akong tumayo at lumapit kay Kaycee na katabi si Isaac. Lumapit na kasi si Ody kay Carter para ihanda ang sarili na gantihan siya physically.

"Che!"

"And why are you calling me Achileas, Ody? Crush mo ako 'no? Nagsawa ka na ba sa lihim mong pagtingin kay Isaac-"

Hindi pa natatapos si Carter sa pagsasalita ay agad na siyang sinugod ni Ody. Carter jumped from his seat and run faster. Halata ang pagkapikon sa mukha ni Ody at mabilis ring hinabol ang kaibigan namin.

"Isip bata talaga si Carter. When will he grow?" umiiling na tanong ni Kaycee pero kapwa kami natatawa sa paghahabulan ng dalawa.

"If he started to grow, it will be the death of us, Kaycee."

Ngumisi siya sa sagot ko. "I want to see him act maturely."

I smirked too. Para kaming may parehas na brain cells. "You are a big time sucker of romance, Kaycee."

Nagtawanan kami. I only stopped when I noticed something.

"Pero ayos ka lang ba? Kumusta kayo ni Cohel?"

Hindi siya kumibo sa aking tanong. Instead, she gets a glass of cuervo and drank it straight.

"Tagal mong MIA, ah." Nagsalita bigla si Isaac sa aking tabi.

"Tangina mo." Galit kong sagot at kumuha na rin ng isang shot.

"What? Minumura mo ako hindi naman kita inaano diyan." Naguguluhang tanong niya.

I glared at him more. "Manahimik ka na lang."

Tumawa siya at nang makabalik si Odyssey sa tabi namin ay tumahimik siya. Nagpatuloy ang asaran at kulitan hanggang sa napunta kami sa sex life ni Carter. Ody whispered to my ears, she's obviously drank now.

"To whom did you lost your vcard?" Naningkit ang mga mata niya nang itanong sa'kin iyon.

"Big deal pa ba 'yon?" Umirap ako.

"Syempre! Hindi mo dapat basta ibinibigay ang virginity sa basta-bastang lalaki."

"Where are you, Ody? 21st century na."

"Even so! Not because it's a trend-"

"It's not a trend, Odyssey. It's conforming to the new norms."

"Well, exclude me because I will not give my virginity that easy." She declared and shrugged.

"So, easy girl ako para sa'yo?" I concluded.

Ngumuso si Ody at hindi kumibo. Ngumisi ako at inakbayan ang kaibigan.

"Ayos lang 'yan. Hindi lang ikaw ang may tingin sa'kin niyan."

"Reese! I used a wrong word. Maybe you're right, you're just conforming with the new norm." She defended herself nang mapansin ata na na-offend ako.

Tumawa ako at kinurot ang tagiliran ng kaibigan.

"Magkakaiba naman tayo ng opinyon." I shrugged that I am sure she understands.

My pretty friend pouted more and apologize all over again. Tinatawanan ko lang siya dahil tanggap ko namang iba-iba kami ng opinyon. And she's my friend, I understand her. I just hope she understands me either.

Pinasadahan ko ng tingin ang aking mga kaibigan. Wala sa sarili akong napangiti. Months from now, we'll started to finally see the real world. Magiiba na ang mga buhay namin. I missed them. I miss them everyday, what more in the future? I pray that we'll remain the same. We've been friends since we were in high school- we shared dreams and secrets, we experienced the teen age years all together, nakakapanghinayang kung bigla na lang masisira at mawawala. I pray that we'll turn out to be the people we dream... and still friends.

I spent my Christmas and New Year in New York. Dito rin naman kasi kami madalas mag-celebrate ng holidays dahil nandito ang halos lahat ng kamag-anak namin.

"Reese, I bet you heard it already?" My Aunt sat beside me as I am busy watching the younger kids playing with their toys.

Tumango ako bilang sagot. "I'm really planning to work on CNN Philippines, Tita. If hindi naman ako matatanggap, I'll try ABS-CBN. I just don't want to work here."

She smiled at me and nodded. "Just in case you'll change your mind, know that I could help you applying in New York Times."

Dahil masyado siyang pursigidong mapapayag akong magtrabaho sa bansang ito, she brought me in the building of NYT. I was amazed with their offices and news rooms. Napansin ni Tita ang pagkakamangha ko ngunit sigurado akong walang makakapagpabago ng aking isipan.

I was walking in the Times Square with Baste and Mom when my phone vibrated with incoming video call from Toby. I accepted it and saw him in the other line. Madilim ang paligid at natatanaw ko ang fireworks sa likod niya.

"Happy new year, Clarisse!" He greeted me happily.

I automatically smile when I saw him grinning.

"Happy new year, Toby." I greeted back.

He looks so happy. He doesn't seems sad eventhough Mia wasn't with him anymore. May pait na dumaloy sa aking puso. Pumikit ako at tumingala. I hope he will not be sad anymore...

Bumaba ako ng jeep at dumiretso papasok sa isang private cemetery. Hinanap ko ang sinabi sa akin ni Carter na pwesto. The guard opened the gate and I quickly get in.

Binasa ko ang mga pangalan sa lapida at napahinto ako nang makita ang hinahanap. I kneeled on the ground and placed the flowers in her gravestone. I slowly caressed the letters carved on it. Malungkot akong napangiti.

"Mikaela Analisa Fajardo, 1998-2018." I read.

"You're so young, Mia."

Tumayo ako at tiningala ang malinis na langit. Walang bakas ng ulap na tila ba masaya miski ang kalangitan sa pagsalubong sa bagong taon. Huminga ako ng malalim at nagsimulang lumabo ang aking mga mata habang nakatanaw sa kalangitan.

"I'm not sure if you can hear me... p-pero pwede bang akin na lang siya?" Nanginig ang aking boses.

Pumikit ako at dinama ang pag-agos ng luha sa aking pisngi. Humampas ang panghapong hangin dahilan kung bakit mabilis na natuyo ang mga nauna kong luha. I wipe it out and looked at her gravestone again. I kneeled again. I bit my lower lip to stop myself from crying but the thoughts inside my head is making my tears fell.

"Ayaw kong agawin ang isang bagay na hindi sa'kin. Pero wala ka na..." I trailed off as my sobs started.

Tumulo ang luha ko sa kaniyang lapida.

"Ipaubaya mo na siya sa'kin, Mia." Pagmamakaawa ko at nagsimula na akong humagulgol.

"Mahal na mahal ko 'yong taong iniwan mo... please... akin na lang siya." I pleaded more, hoping that she could actually hear me and respond but I know it's impossible.

I cried harder with the thought that I can never be sure if I can get a respond from her. Dahil siya lang ang may kakayahang isuko si Toby at ipaubaya na sa'kin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top