#TTW17
Entry 17
"Reese, tara siomai rice sa labas!"
Inaayos ko ang aking gamit nang yakagin ako nila Beatrice. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at sinakbit ang aking bag bago sila hinarap.
"Dadaan pa ako Pub House. Bawi ako sa susunod." Sagot ko sa kanila.
Tumango si Yrina at ang iba naming kaklase ngunit binigyan naman ako ni Beatrice ng makahulugang tingin. Tinaasan ko siya nang mapansin ko ang nakangisi niyang mukha.
"Pub House ba talaga o motel?" Panunukso niya.
Itinaas ko ang aking kanang kamay at pinakita sa kaniya ang middle finger ko.
"Fuck you." Natatawa kong sambit bago sila tinalikuran.
"Nagka-boyfriend ka lang diyan ng isang Toby hindi ka na sumasama sa night out kahit pati diyan lang sa labasan." Narinig kong habol nila.
Nasa pintuan na ako nang marinig iyon. Nilingon ko sila at halos matawa ako nang maabutan ang hitsura ni Beatrice na pilit na ngumunguso.
"Tangina mo, hindi bagay magtampo sa'yo!" Singhal ko.
Tumawa siya at narinig ko ang pagmumura niya sa akin bago ako tuluyang nakalabas ng classroom. Sumalubong sa'kin ang kulay kahel na langit. Ang masimoy na hangin ng Oktubre ay malamig na. Ilang araw mula ngayon ay papasok na ang Nobyembre at isusunod noon ang Disyembre.
The time just passes by so quickly. Yesterday I was a different person, today I am another version of what I am yesterday.
Bumuntong hininga ako sa naiisip at tuluyang nang umapak sa mga baitang upang makababa na. Wala pa si Toby dahil mamaya pa iyong alas siete. Sinabi ko sa kaniya na hihintayin ko na lang siya sa Pub House dahil papunta rin naman ako roon.
It took me almost 15 minutes before I arrived in Pub House dahil sa mabagal kong paglalakad. Lumilipad ang isip ko sa nangyari kagabi. I am wearing the necklace he gave me, and no matter how I tried to understand what is this all about... I can't name it.
Pinihit ko ang doorknob ng pintuan at unang bumungad sa akin ay ang adviser namin. Ngumiti ako at mabilis na lumapit. I am very confident in my article. Hindi ko pa nakikitang na-published iyon sa site namin but I am sure that it will later or tomorrow.
"Good evening, Ma'am." I greeted her.
She smiled at me and gave me a look through the thick eyeglasses she's wearing. Iminuwestra niya sa akin ang upuan na agad kong sinunod at umupo. I saw her holding the printed papers I know that's mine.
Bumuntong hininga si Miss Casabal at inilapag ang hawak na mga papel. Agad ko iyong sinundan ng tingin at agad sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ko na walang mapupulang marka doon. I knew it! I put all my efforts on writing that story.
"Clarisse, is there a problem?" The concern is much etched on her voice.
Agad akong nagtaka sa katanungan niya. Kumunot ang aking noo at hindi agad nakasagot.
"This is your second article rejection."
Nalaglag ang panga ko sa dinagdag niya. Namilog ang aking mga mata at bumagsak muli ang tingin ko sa aking papel bago itinaas muli ang tingin sa Ginang. Umawang ang labi ko para magtanong pero hindi ko magawang makabuo ng salita.
Anong problema sa article ko at rejected na naman?
"I know you're wondering why it got rejected when in fact there are no red marks here." She showed me my paper.
She smiled and shook her head disappointedly. "Pero ang choice of topic mo is inappropriate for the audiences."
"What's wrong with writing about the transparent anomaly of this current official?!" Hindi ko na napigilan at bahagyang tumaas ang boses ko.
I just don't understand why she's rejecting my article just because she doesn't like what I wrote.
Maamong mga mata ang itinuon sa akin ni Miss Casabal. Umayos siya sa kaniyang pagkakaupo at hinanda ang sarili para ipaintindi sa akin ang isang bagay na hindi ko alam kung maiintindihan ko ba.
"First, you rejected my article with Secretary Librador, then this? I don't want to question your professionalism on this part, Miss Casabal but... why do you have to reject my politics articles?" I asked frustratingly.
"I hope you're not taking this personally, Clarisse. I like you as a Campus Journalist. Matapang ka at may paninindigan sa pinaglalaban mo. You're very smart and creative, too, but I don't want any of you, especially you to get in trouble just because you write this kind of story. I've seen your potential since you joined the guild, and I don't want your future to be put into waste just because I let you in trouble." She explained.
Isinarado ko ang bahagyang nakaawang na labi. Nag-iwas ako ng tingin at may parte sa pagkatao ko ang gumuho. I joined Campus Journalism not just for my skill to improve but because from the very start I am aiming for a change. And that is not to get afraid. I may be still a student but I have the voice and privilege to do what is right. Yet, I am still here, getting limited to what I am writing because they are scared for my safety! I don't need protection.
I want to cry out of frustration. I want to disagree but what else can I do? I'm just a student-journalist. I still have nothing to show for them to believe in me that I am capable to write what I think is right, not something I am only capable to write.
"I hope you understand, Clarisse."
Ibinalik ko ang tingin sa Ginang. I saw a genuine regret in her eyes, it's like she's left with nothing but to save me from the article I wrote. Dahan-dahan ay tumango ako. Kahit pa labag sa kalooban ko ang pagtanggap na hindi na naman muling mapa-publish ang aking istorya.
"I understand." I said in a very low voice that I first time did.
Lumabas ako ng Pub House at matamlay na umupo sa bench kung saan madalas kong hintayin si Toby. Tumaas ang tingin ko at natanaw ang iilang lamp posts na nagsisimula nang umilaw. On my near left side is the Marketing Department.
"Hi, Reese! Ikaw pala 'yan!"
Tamad akong tumango kina Cheska. Sa tuwing nandito ako ay madalas ko silang makita. Hindi ko alam kung kaklase ba nila si Toby o hindi dahil nasa labas na sila at siya ay wala pa rin.
"You're waiting for Toby? Nagkaklase pa ata sila." Dagdag ni Cheska.
Siya lang naman ang kumakausap sa'kin. Si Jelai ay tahimik lang na pinapanood ako at si Dawn ay katulad noon, may sama pa rin ata ng loob sa'kin dahil sa nangyari sa magulang niya. I don't really mind. Hindi ko naman sila tinuturing na kaibigan.
"Yeah," Tamad kong sagot at pinakita sa kanila na wala akong pakialam sa kanila but they are very determined to talk to me.
"Co-journalist mo si Letixia, 'diba? Can you tell her to shut up? Sobrang ingay niya kasi sa facebook at twitter."
Awtomatikong kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi.
Ngumisi siya. "I mean, umaarte na siyang parang dyornalistika, laging nag-uupdate, tapos madalas pa mag-spread ng hate sa government natin. She's literally fucked up and bida bida."
"'Yong iba nga nag-iingay lang sa social media pero minsan lang mapublish ang article." Parinig ni Dawn.
Matalim ang mga mata kong binalingan siya. She knows that I am affected because I saw her smirked. I gritted my teeth and smiled fakely at them before I stood.
"Why don't you tell your concerns directly to her? Mukha ba akong messenger ninyo?" Sarkastiko kong balik sa kanila at iniwan sila roon.
I walked towards the Marketing Building and decided to just wait for Toby here. Tumayo ako sa tapat noon at natanaw ang pagtatawanan ng tatlo bago sila umalis. I rolled my eyes. Hindi ako nag-iingay madalas sa social media but I am clearly not ignorant of what is happening. I just know how to choose my words and when to speak.
A damp lip touched my cheeks. Agad akong napabaling sa aking gilid at nakita si Toby na magulo ang buhok at halos ibukas na ang buong polo niya at nagpapakita na ang tshirt na suot niya sa loob.
"Kanina ka pa?" He asked me and snaked his arms around my waist.
"Hindi naman. Galing akong Pub House." Hindi ko maiwasang magtunog dismayado.
He crouched and searched for my eyes. Tumaas ang kilay niya at nagtataka akong pinagmasdan. Kung hindi ko lang narinig ang sunod-sunod na paglabas ng mga estudyante ay baka naghalikan na kami ni Toby. Umiling ako sa kaniya at hinila na siya paalis doon.
"You want me to take you home straight or may iba ka pang gustong puntahan?" He asked me.
Binuksan niya ang passenger seat at hindi muna agad akong pumasok. Hinarap ko siya at parang baliw na kumalabog ang puso ko nang makita ang gwapo niyang hitsura.
"Saan mo ako dadalhin?" I playfully asked him but I feel like it's a force.
Ngumuso siya at inilagay ang takas na buhok ko sa aking tainga.
"May pasok pa tayo bukas, let's go somewhere else." Aniya at iminuwestra na sa aking pumasok.
Hindi na ako nagulat na ang sinasabi niyang 'somewhere else' ay ang palengke sa Tagaytay. Dito niya ako madalas dinadala kapag gusto niyang kumain ng street food. Nauna siyang bumaba ng sasakyan at sumunod naman ako. Hinanap niya ang aking kamay at magkahawak kamay kaming dumiretso sa mga vendors. Ngumuso ako nang makaramdam ng pinaghalong ligaya at pait.
"Let's buy you food and I'll listen to your rants." He announced.
Mabilis akong napabaling sa kaniya. Kunot ang noo ko ngunit alam kong namimilog ang aking mga mata. He pinched my nose kaya naman iniwas ko ang aking mukha sa kaniyang kamay.
"It's obvious on your expression. I know I'm not good at advising but... I can listen." Nagkibit balikat siya at sinabi ang order niya sa nagtitinda.
Wala sa sarili akong napangiti habang pinagmamasdan siyang nagsasabi ng mga bibilhin. Bumagsak ang mga mata niya sa akin at nang maabutan akong nakatitig sa kaniya ay nginitian niya ako. Ang hawak-hawak niyang kamay ko ay hinila niya para mas mapalapit ako sa kaniya. Dumikit ang ulo ko sa kaniyang dibdib at halos mahiya ako nang makita na pinanood kami ng mga katabi namin.
Humiwalay ako sa kaniya. "Hintayin kita d-do'n."
Agad akong tumalikod dahil sa kahihiyang ginawa ni Toby na pakiramdam ko ay hindi niya naman namalayan. He thinks that we're the only persons there kung maka-PDA. Padarag akong umupo sa nguso ng kaniyang sasakyan at hinintay siyang matapos sa pagbili. Nang naglakad siya pabalik ay tanaw ko na ang marami niyang binili.
"Doon tayo sa likod." Salubong niya.
Tinulungan ko siya sa mga dala niya. "Suking suki ka na, ah. Dami mo laging binibili."
Binuksan niya ang likuran ng sasakyan at doon kami umupo. Nakaparada ang sasakyan niya sa dulong parte ng parking lot kaya naman tanging pader lang ang nasa harapan namin. I started eating the siomai he bought.
"What happened?" He asked.
Nilunok ko muna ang aking kinakain. I stretched my legs that they reached his legs. Hinawakan niya ang aking hita at malamyos itong hinaplos. I lifted my gaze on him and found his eyes watching me. I sighed and started my rants.
"Anong nararamdaman mo kapag sinasabihan ka ng ibang tao na hindi ka magaling?" I inquired.
"Wala." Mabilis niyang sagot.
"Hindi ka nasasaktan? Sinabihan ka ng hindi magaling mag-basketball gano'n?"
Kumunot ang noo niya sa aking tanong.
"Why are you asking me that? May nagsabi ba sa'yong hindi ka magaling?"
Agad akong naalarma sa kaniyang tanong. Hindi dahil ayaw kong malaman niyang dismayado ako ngayon kundi dahil ayaw kong isipin niyang apektado ako. Ayaw ko ring isipin niya na... hindi ako magaling. I don't want people to think that I am not good.
"H-Hindi, ah!" Nanginig ang boses ko.
Nag-iwas ako ng tingin at pilit na binawi ang hita ko sa kaniyang hawak ngunit kinulong niya na iyon. I have no choice but to let him and look at him again.
"If you're not open with criticism, you'll not grow on your craft."
I know that. I've heard that many times. But... it's not about me growing on my craft. It's about them not accepting what I can do.
"Tss. Kahit nakakasakit sila? Nakakababa ng confidence 'yon!" I said randomly.
Disappointment is not in my vocabulary, but it seems to follow me everywhere. Na kahit ayaw 'kong ma-disappoint sa lahat ng ginagawa ko, patuloy namang nagkakaroon ng dahilan para madismaya ako. Naiinis ako dahil ayaw kong magkamali, moreso to be rejected. I know myself and I know that I'm good. It's just that people hate to hear the truth.
"Constructive Criticism is supposed to sound bad in the friendliest way it can. In that way, you'll know what's wrong with your work and improve it. You cannot grow by taking only the good comments."
Our eyes met. I saw nothing but sincerity in his eyes when he told me that.
And then it started to haunt me... did once in my life I ever accepted criticism? Maybe, I did but I always take it badly. Did I ever accept a defeat? Bumagsak ang mga mata ko sa aking kinakain. Did I ever? I don't remember being this guilty because I know that I... never.
"Ganiyan ka rin sa laro ninyo?" I asked when suddenly we are surrounded by silence.
"Lahat ng tao, Clarisse."
"Masakit kapag pakiramdam mo kulang ka. 'Yong ginagawa mo naman ang lahat pero kulang pa rin sa mata ng ibang tao."
I don't know why I said that. Pinaglaruan ko ang siomai. Kulang ako kasi akala nila hindi ko kaya ang aking sarili. Na kahit alam nilang tama naman ang sinusulat ko, natatakot sila sa maaaring mangyari sa akin. I get her point, but it hates to dawn me that I am capable to create a change as a student-journalist but she's limiting me.
"Lagi tayong kulang."
"Ano?!"
"We always lack in things. Kahit magaling ka pa, hindi magiging perpekto ang gagawin mo dahil walang perpektong tao."
Inirap ko ang pait na nararamdaman.
"Well, huwag mo akong isali. I am not a perfectionist, but I always want the best."
"Aren't you?" Agad niyang balik.
Natigil ako ng ilang saglit ngunit nakabawi agad ako.
"Ewan. May mas magaling sa'kin."
"There's always a better person than you, but that doesn't make you bad."
Ngumuso ako para mapigilan ang sarili sa pag-ngiti. "Oh ano? Natutunan mo 'yan kay Mia?"
He grinned. "Natutunan ko 'yan sa'yo. Sobra mong idealistic, e."
Am I idealistic? Maybe.
"Sabihin mo na kung anong nangyari. Did someone told you that you're not good?" Pagpupumilit niya sa hindi ko kaninang sinagot na tanong.
I eat another siomai before I finally decided to tell him what really happened.
"My article got rejected... again." Malungkot kong imporma sa kaniya.
Hindi siya nagsalita na para bang hinahayaan niya akong magkwento.
"Ang mga nakaupo, they aim nothing but power and abuse it. They think that wealth would save them from everything." I said while staring blankly somewhere.
"If the people will remain silent and kneeling because of fear, those who are in position will do the same thing. They'll remain to deceive and fooling us. Playing good outside but doing exactly the opposite by making their evil agendas as clean as possible."
I looked at him again. He's just stern and silent while listening to whatever I am saying. Why I am suddenly comfortable ranting to him is I don't know.
"Why people hate to hear the truth? Why people hate to realize that they are being fooled?"
I gasped and looked away. "Dahil ako? I always wanted to spread facts and what is right. I am living for the truth and only truth. Even if it will make me look bad for letting the dirt of these politicians spread out, I only did what I think is right. And if the time will come that I'll be a journalist, I wouldn't think twice to do what is right. Lagi nilang sinasabi sa'kin na may consequences ang lahat ng isusulat ko para sa politika, the reason why my adviser always limits my articles that will be published."
"Naniniwala ako na sa susunod na mga taon, you'll be able to write what is true without the doubt if your works will get published." Aniya.
Tumango ako. "I am very determined to do that. I will not bend my knees just to save my ass over these corrupt evil men. They are nothing but an eyesore in this country."
His hand caressed my thigh. Naagaw noon ang atensiyon ko.
"And if that time will come, I hope you're still with me."
Hindi ako nakaimik sa biglaan niyang sinabi. Pinanatili ko ang aking tingin sa kamay niyang hinihimas ang aking hita.
"So you're frustrated because your adviser doesn't want to publish your article?" Basag niya sa katahimikan.
Pumikit ako ng mariin. Halo-halo na ang nasa isipan ko. I don't know where to focus anymore. To my rejected article, to his touch, to my sudden comfort of ranting to him or to this weird feeling I am starting to feel. Hindi ko na alam.
"Clarisse-"
"Uwi na tayo. May tatapusin pa ako." Aya ko.
Agad niya namang sinunod ang gusto ko. I even barely sleep that night thinking about what happened the whole day. At sa dalawang oras na tulog ko, halos makatulog tuloy ako sa klase. Ilang beses akong napuna ng Prof namin at tinatawanan pa nila ako.
"Good morning, padlock girl!"
Inayos ko ang nagulo kong buhok mula sa pagkakaidlip ko sa lamesa. Nasa classroom kami at wala ang Prof. Inirapan ko si Beatrice na inaasar ako dahil sa kwintas ko. Pumangalumbaba ako at tamad na tumulala sa kawalan nang marinig ko ang pag-vibrate ng aking cellphone.
Toby:
Can you go here in the gymnasium?
Kumunot ang noo ko sa text niya. Agad akong nagtipa.
Ako:
Why? What happened?
Hindi na siya sumagot pa. Hindi ko alam bakit bigla akong kinabahan sa text niyang iyon. Hindi na ako makapag-isip ng maayos kaya dali-dali kong kinuha ang aking bag at walang paalam na umalis doon. Tinakbo ko ang distansiya ng department ko hanggang gymnasium.
Baka na-injured siya? Maybe he sprained his ankle? Or did he get into a fight? Umusbong ang kaba sa aking puso habang iniisip na may dugo ang mukha niya o di kaya hindi siya makatayo. Nabalot ang kaisipan ko sa mga maaaring nangyari kay Toby na hindi ko na namalayan kung ilang minuto ako naglakad at nakarating ako kaagad sa tapat ng gymn.
Binuksan ko ang saradong pintuan at tumakbo sa gitna ng court para hanapin si Toby. Walang tao ang buong pasilidad dahil umaga pa lang at nasa mga klase pa ang lahat.
Iyon ang akala ko.
I almost jumped and my heart started to hammer crazily when the lights suddenly turned on and some balloons fell.
Umawang ang labi ko nang makita sa aking harapan ang mukha ni Toby na nakangiting nakatingin sa'kin. He's holding a bouquet of flowers and I can't help but smile when he gets nearer. At saka ko lang napansin na kasama niya ang mga players nang naghiyawan ang mga ito. I even saw my brother who's not smiling and just intently watching us. Iniwas ko ang tingin sa kapatid at inangat ang tingin kay Toby.
"What is this?" Halos natatawa kong tanong dahil hindi ako makapaniwala.
He pouted and handed me the bouquet. Tumawa ako at tinanggap iyon. He kissed my cheeks and caressed them.
"I don't want to see you sad." He said tenderly.
Kumalubog ang kanina ko pang naghaharumentadong puso. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.
"I hope you like it,-"
"Reese." Agap ko dahil baka kung anong pangalan pa ang banggitin niya.
"Clarisse." He chuckled.
Hinapit niya ako sa aking baywang at maingat na inangat para magtagpo ang aming mga labi. The players cheered that I suddenly felt embarrassed but I remember that I am Reign Clarisse Santiano. I kissed him back and showed them that this is my man.
Bumukas ang pintuan ng gymnasium at halos marindi ako nang marinig ang iritan ng mga bagong pasok na estudyante. Humiwalay ako kay Toby. Inayos niya ang aking buhok bago ako tuluyang pinakawalan. At dahil ayaw ko namang mapapunta sa Detention, pinili kong magpaalam na. Hinatid niya ako sa aking Department at isang iglap, my day changed.
He changed my day into a brighter one.
Inaamoy ko ang kumpol ng rosas na hawak hawak ko habang papasok sa loob ng bahay. Hindi mapawi ang aking ngiti at muntik pa akong madapa dahil sa sariling katangahan. Masyado kong inisip ang nangyari kaninang supresa sa akin ni Toby na hindi ko namalayang nasa harapan ko ang aking kapatid.
"Oh ano?" Pamumuna ko sa kapatid kong matalim ang tinging iginagawad sa'kin.
Inagaw niya sa akin ang bouquet kaya naman hinampas ko siya at pilit na binawi.
"Baste!" Galit kong sigaw.
He eyed me again using his intimidating green eyes. Ibinalik niya sa akin ang mga rosas at agad ko siyang inirapan. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang bigla siyang nagsalita at naagaw noon ang atensiyon ko.
"You liked what he did?" Kritikal niyang tanong.
Huminto ako at tumalikod para muli siyang maharap.
"What do you mean?"
"You like his surprise means you like him, don't you?"
Umawang ang labi ko.
"What the heck are you saying-"
"Ate, I just care for you. That man hasn't moved on from his ex."
Tila punyal ang sinabing iyon sa akin ni Baste. I wanted to look away but I didn't. I showed him that I really... don't... care.
"Ano ba, Baste? Sabing hindi ko siya gusto."
"I can see that you're already falling. Mahirap magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba." He warned me.
Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Lumapit siya sa akin ngunit agad na akong umiling at dumiretso papasok. No. I'm not falling.
"Kung ano anong naiisip mo. Hindi ko naman gusto si Toby." Iyon ang sinagot ko sa kaniya bago nakapasok ng tuluyan sa loob ng bahay.
"Sana nga, Ate. Kasi iba na ang nakikita ko."
Iyon ang huli kong narinig sa kaniya bago ako nagmamadaling umakyat sa aking kwarto.
Sinarado ko ang pintuan at napasandal ako roon. I hold unto my chest that's beating so loudly. I closed my eyes tightly. Ilang beses akong umiling.
Hindi ako magkakagusto kay Toby. Hindi ko siya gusto. I'll never fall to a man who hasn't got over his past yet. We're just fuck buddies... wala akong ibang habol sa kaniya kundi ang katawan niya. At ganoon rin siya sa akin.
And that's what I wanted to believe in... that I'll never fall for him because it just sounds so impossible.
Wala ako sa sarili nang pumasok. Maaga akong pumasok at hindi na hinintay pa si Toby. Nag-commute ako papasok at madilim pa nang bumaba ako ng jeep.
The lady guard greeted me a good morning but I can't respond to it. My mind is wandering.
Umupo ako sa grandstand at tinanaw ang malawak na oval field. Unti-unting sumisikat ang araw at dumadami na rin ang mga estudyante. My phone vibrated for an incoming call. I thought it was Toby but I got disappointed when I saw that it is Pablo.
"Hello-"
"Reese! Your story got published!" Maligaya niyang balita sa'kin sa kabilang linya.
Nanlaki ang aking mga mata at awtomatiko akong napatayo mula sa pagkakaupo.
"S-Seryoso ka ba diyan, Pablo? Hindi mo ako niloloko?" Medyo kinakabahan ko nang tanong.
"Tanga, agang-aga lolokohin kita? Totoo nga! Check mo pa site natin! Congrats, Reese!"
"I'll check it. Kapag lang talaga niloloko mo 'ko."
Pinatay ko kaagad ang tawag at tinignan ang aming site. Halos manlamig ang mga kamay ko habang hinihintay na mag-load ang website. I scrolled on the timeline and I almost screamed because of too much happiness when I saw my story there!
Mabilis akong umalis sa grandstand at naglakad nang masaya papuntang Pub House. It's been two days since Miss Casabal told me that it will not be published on our site but she did! Kahit nainis ako sa kaniya, I can't help but feel thankful that she realized that it needs to be published. I am grateful that she realized that I may be a student, but I am a journalist in the heart. And I only want the truth to spread and not the misinformation.
"Oh, here she is."
Dumaan ako sa Marketing Department nang marinig ko ang pamilyar na boses. Iignorahin ko sana iyon ngunit nang dagdagan nila ang kanilang sinasabi ay napabaling na ako sa grupo.
"Journalism pero bias. Wala daw kinikilingan pero puro nega naman sinusulat." Tumawa si Dawn habang pinaparinggan ako.
Masama ang tinging ipinukol ko sa kanila. Tumigil ako sa harap nila at bumagsak ang aking mga mata sa mga cellphone nila. Nakita kong binabasa nila ang article ko.
"Oops. That's sarcasm, not intended for everyone. Sorry, Reese." Sarkastikong paumanhin ni Dawn.
Nagtawanan silang tatlo.
Ngumisi ako. "Sarcastic ka na niyan? Mukha kang tanga."
Laglag ang panga nila nang sinabi ko iyon. Gusto kong umirap ngunit hindi ko ginawa. I already expected this. Right after that article got published, I know that these are my consequences. Ang mga bulag ang siyang aatake sa'kin.
Nilagpasan ko sila at nagpatuloy sa paglalakad ngunit narinig ko ang pahabol ni Dawn.
"Mayabang! Akala mo kung sinong magaling. Sorry pero wala pa ring panama mga balita mo sa course ko."
Natawa ako. Isang beses ko silang nilingon.
"Tamang flex lang 'no kapag walang achievement. Weird flex, not cool. Pero kung saan ka masaya." I shrugged and continue my walk.
"Dapat objective ka sa binabalita mo hindi yung puro galit na lang ang nilalabas mo sa article mo! Iyan din siguro ang dahilan kung bakit hindi madalas i-publish ang stories mo because everyone knows that you are a bias campus journalist! Walang kwenta! Basura!"
Lumabas sa kabilang tenga ko ang lahat ng hinaing ni Dawn. Why would I listen to someone like her? Obviously, she's the one here who's ignorant and didn't read the whole article I wrote. Or maybe she just doesn't really like it and find it bias because it doesn't favor her stand. But whatever, I can defend my story if anyone would dare to question it.
Nakapasok na ako sa unang klase nang makatanggap ng mensahe kay Toby. Iyon ang reply niya sa sinabi ko kanina na mauuna na akong pumasok. Bumuntong hininga ako at tumingin sa harapan.
"I want to congratulate Clarisse. I admire how you can bravely write something like that." Natutuwang binigyan ako ng rekognisyon ng major Prof namin ngayon.
Ngumiti lang ako at nagpasalamat. Inusisa ako ng mga kaklase ko tungkol sa aking sinulat. And I am happy to know that they are aware.
"Hindi ko lang magawang isulat kasi alam mo namang estudyante pa lang tayo. Kaya nakaka-proud na ginamit mo sa tama ang posisyon mo bilang Campus Journalist."
Ngumiti ako sa samu't-saring papuri na natanggap. It's true when I say that not everyone will like what you wrote, but there are still people who will admire it because they know the truth. They are not blind. They are not a puppet.
Lumabas ako ng Department at nakasalubong si Kaycee na nagkukumahog na pumasok sa klase niya. She congratulated me and even hugged me pero kailangan niya nang umalis agad. Sinundan ko ng tingin ang aking kaibigan pero pinagkibit balikat ko na lang. Lumabas ako at agad napangiti nang matanaw si Toby na naghihintay sa akin.
Nakasandal siya sa kaniyang sasakyan ngunit nang makita ako ay agad siyang umayos sa pagkakatayo at sinalubong ako sa isang mahigpit na yakap. I felt his lips touched the top of my head that I felt a mixed emotion again of happiness and bitterness.
"Congratulations on your story, baby." He whispered.
Tinago ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Then my brother's words echoed in my head multiple times. I can't help but feel the pain in my chest. Pumikit ako ng mariin at hindi nakaimik.
Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at pilit hinanap ang aking mga mata but I conceal what I am feeling through my smile.
"Ramen tayo, Toby? I suddenly crave for ramen." I pouted.
Ilang segundo niya pang sinuri ang aking mukha nang unti-unti ay tumango siya. Ngumiti ako ng malapad at agad pumasok sa kaniyang sasakyan. My smile faded when I got in. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya sa unahan.
Nangilid ang luha sa aking mga mata na kinagulat ko. Tumingala ako at nang marinig ang pagbukas ng pintuan sa driver seat ay agad akong umayos at ngumiti.
He brought me to his place. May ramen daw kasing sini-serve sa isang maliit na resto sa condominium building niya.
"Hindi ako kumakain ng negi." I informed him nang makita ko ang negi sa ramen ko.
"Kumakain ka ba nito?" I asked him.
Tiningala ko siya at halos masamid ako sa sariling laway nang maabutan ang mga mata niyang nanonood sa akin. Tumango siya kaya naman ngumiti ako at inilagay sa bowl niya ang lahat ng negi. Tumawa ako nang makitang puro negi na ang bowl niya.
Umiling siya. "Kumain ka na."
"Bibilisan ko tapos akyat tayo sa unit mo, ha." I playfully requested.
Tinaasan niya ako ng kilay. Umakto pa siyang nag-iisip kaya inirapan ko siya.
"Okay. I'll give you a gift on my bed since you unlocked another achievement." Panunuya niya.
Halos matawa ako sa sinabi niya. He chuckled, too, and took us minutes before we started eating. And when I thought this was just fine... my heart started to act the opposite. It's aching while I am staring blankly at my ramen.
"Ayaw mo na ba?" Tanong niya.
Suminghot ako at ngumiti. Umiling ako.
"Ayaw na gusto ko pa." Wala sa sarili kong sagot.
Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa sinagot ko. Mahina akong tumawa. Uminom ako sa aking baso.
"Ayaw ko na pala..."
Tumango siya at uminom na rin sa tubig. Nagpunas siya ng tissue sa kaniyang labi at ganoon din ang ginawa niya sa'kin. When his hand touched the side of my lips, I can't help but make what I am feeling go wilder.
He kissed me on the elevator and we continued it until we reached his room. We're obviously both thirsty for each other that he entered me fast when he made me naked. Tumingala ako at dinama ang bawat halik niya sa aking leeg. His thrust gets hard, deeper, and faster. I moaned louder as I am extremely on the edge of exploding.
Galing ang mga mata ko sa kisame ng kaniyang kwarto nang gumilid ako para maharap si Toby. Mahimbing ang kaniyang pagkakatulog. Ngumiti ako at bahagya tumihaya. I lean myself to him and kissed his cheek. He moved a little that made me to fall on his chest. Niyakap niya ako sa baywang at halos ikulong niya ang sariling mukha sa dibdib ko.
Nakita ko ang aming repleksiyon sa salamin. I saw myself. Hubad ang aking itaas at nakikita ng kaunti ang aking boobs. Magulo ang buhok at pagod ang mga mata. Dahan-dahan ay umalis ako mula sa pagkakahawak ni Toby. Akala ko at magigising siya ngunit tunay na mahimbing ang kaniyang pagkakatulog. My fingers traced his perfect angled jaw until it reached his soft lips.
My vision of him gets blurred. As blurred as my future with him because it's impossible.
Pumikit ako ng mariin at mabilis na nagpasyang umalis. Nagbihis ako ng aking damit at habang naglalakad papuntang elevator ay tinawagan ko ang aming driver. Sinandal ko ang aking likod sa malamig na dingding ng elevator at tumingala para mapigilan ang umaambang mga luha.
I waited for our driver in the lobby at gusto ko nang sumabog ngunit hindi ko magawa. I can't cry under these bright lights. My heart rippled when I remember his peaceful face while sleeping. And Baste's words.
Tinawagan ako ng aming driver at sinabi nitong nasa labas na siya. Mabilis akong lumabas at pumasok sa loob ng sasakyan. I bit my lower lip to stop myself from bursting out but I can't help it anymore.
No matter how I try to deny it to myself. No matter how I try to ignore it... I can't. Tinatraydor ako ng sarili kong puso. Tinatraydor ako ng sarili ko. Dahil kahit pigilan ko ang sarili ko... hindi ko na magawa. I hate how in just a span of short period of time... I already fell.
I don't want to get attached, to expect, or moreso to be disappointed. Pero anong magagawa ko?
Bumuhos na parang gripo ang aking mga luha. Sumigaw ako at humagulgol na pakiramdam ko nag-aalala na sa'kin ang driver ko. Pumikit ako ng mariin dahil sa sakit na nararamdaman.
"Tangina!" Gigil kong sigaw na may halong pagsusumamo ng sakit.
Inilagay ko ang likod ng aking palad sa aking mga mata at marahas na pinapalis ang luhang tuloy-tuloy na naglalandasan.
Anong magagawa ko gayong nahulog na ako? I know that this is dangerous. Alam kong maling laban ang pinasok ko. Alam kong ako lang din ang masasaktan sa huli at kahit alam ko kung paano lulusutan at aalis dito... I am already tired denying to myself that I want out.
Because I don't want out. I like him... and it crazily sucks because no matter how I want to save myself from this I know that I can't because I like him.
Gusto ko na siya. Imposible... hindi pwede... pero... mahal ko siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top