#TTW15
Entry 15
"Hindi ako si Mia, Toby! Bakit ba lagi ka na lang naka-Mia? Ako ang nandito!" I added to my frustration.
Hindi siya nakaimik agad sa biglaan kong pagsigaw. Nanatiling namimilog ang kaniyang mga mata na tila ba hanggang ngayon ay pinoproseso niya ang biglaan kong pagpapakita ng ganoong reaksiyon.
Nag-iwas ako ng tingin. I can feel my heart aching for I don't know reason. Maybe because I find this ridiculous.
Ridiculous what, Reese?
Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan.
I just hate how he pronounces Mia's name like she's alive and here. I hate how he can repeat her name all over again like I am not the one he's with. Ang pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay nakukumpara ako sa iba. I don't want to be someone else moreso to be a reminder of someone else!
"Kahit minsan naman sana banggitin mo pangalan ko kapag hinahalikan mo ako at pagkatapos may mangyari sa'tin. Lagi na lang si Mia, e." I gritted my teeth again to stop myself from pouring more anger.
"Nahuhulog ka na ba sa'kin?" Sa mababang tono ay itinanong niya iyon.
Umawang ang labi ko sa tanong niya. I shifted my weight and search for an answer in my head but I can't find one. It took me almost a minute to finally processed what he said.
Malabo! Imposible!
Ako mahuhulog sa kaniya? What is this? Some romantic novel books where the fubu partner will fall to the other one? No, it's not. And it will never be like that.
It's just that...
"Of course not! Nakakawalang respeto lang dahil hindi ako si Mia." Sagot ko nang makabawi.
I saw how his jaw clenched again like he was controlling something. Isang beses siyang tumingala at hinilot ang sentido. I looked away, too, and saw the people almost leaving the amusement park.
"Yeah. You're right. Hindi ikaw si Mia." I can sense the stain of sadness in his voice.
Binalingan ko siyang muli at naabutan ang malalim niyang mga tingin sa akin. His eyes are hooded and like the darkness, they are full of nothing but mysteriousness. Thinking of what is inside behind his dark brooding eyes. And although I can hear a slight pain in his voice, I know for sure that it is not because of me.
The statement clearly shows that he's again reminded of Mia. Si Mia na wala na pero hanggang ngayon nagmumulto ang mga alaala niya sa taong hindi siya kayang kalimutan. Anong meron sa'yo bakit ang hirap mo naman atang kalimutan?
Nanuyo ang lalamunan ko. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko at nangingiting tumango.
"Exactly." I said firmly while nodding. "Hindi ako si Mia kaya stop including his name on your every fucking sentence because I am not her. And I will never be her."
Ang madilim at walang emosyon niyang mga mata ay nahulaan na ngayon nang hindi mapangalanang sakit. Well, it hurts to realize that I can never be her, right?
"Yeah..." He agreed again.
Tumango pa siya habang nag-iiwas ng tingin. Nagtaas baba ang aking dibdib dahil sa abnormal kong paghinga. I tried to calm myself when he suddenly returned his gaze on me again. Pinasadahan niya ng tingin ang aking buong mukha bago siya lumapit. I want to step back but I feel like a stone cold now.
"Let's go home." He announced and dragged me out of there.
And just like that, he refused to acknowledge how offended I am! Mas pinili niyang umalis at hindi pansinin ang galit ko. At dahil sa kaisipang iyon, mas nainis ako. Ang masaya kong araw ay napalitan ng hindi magandang gabi.
Padabog kong binuksan ang pintuan ng kaniyang sasakyan at walang imik na umupo sa kaniyang tabi. He drove silently as I decided to just watch the outside. Inaya niya akong kumain sa labas pero mabilis na akong tumanggi.
"Are you mad?" Tanong niya nang makapasok na ang kaniyang sasakyan sa subdivision namin.
"Hindi." Sagot ko at hinanda na ang aking sarili sa pagbaba.
Hindi na siya umimik. Pasimple ko siyang sinulyapan at naabutang madilim ang titig niya sa harap. The veins in his arms are showing as he firmly holding unto the steering wheel. Nag-iwas ako ng tingin nang huminto ang sasakyan sa harap nang malaki naming gate. Tinanggal ko ang aking seatbelts at walang paalam na sana siyang iiwan ngunit nahawakan niya ang aking siko.
I have no other option but to look at him. Naabutan ko ang pamumungay ng kaniyang mga mata. His lips parted to say something but he shut it again. Kumunot ang noo ko dahil roon pero natigil lang ang pag-amba kong pagiisip nang dumampi ang labi niya sa akin.
Pumikit ako at hindi ko alam bakit biglang nag-init ang gilid ng aking mga mata. Bago pa man din ako mabaliw kakaisip sa hindi mapangalanang nararamdaman ay ako na ang unang humiwalay sa halikan. Hinabol niya ang aking labi para mahalikan ulit ngunit iniwas ko na ang aking mukha.
"Baka hinahanap na ako ng magulang ko. Good night." Paalam ko sa kaniya bago mabilis na bumaba.
Naabutan ko pa ang bahagyang nakaawang niyang labi na tila ba hinihintay niyang halikan ko ulit siya. Pumikit ako ng mariin at dumiretso sa nakabukas naming gate. Pinilit ko ang sarili na huwag na siya ulit lingunin ngunit totoong traydor ang aking sarili at hindi ko napigilan ang sarili na ibalik ang tingin. Nanatiling nakatigil ang kaniyang sasakyan.
"Go home! Lumalalim na ang gabi!" I shouted that I am sure he heard.
Hinintay ko ang ilang minuto bago niya muling pinatunog ang makina ng sasakyan. Dahan-dahan ay nagsimula itong umalis. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa aking paningin.
"Saan ka galing?"
Tumaas ang tingin ko sa katapat na bahay. I saw Zaijan on his boxer sa kaniyang veranda. Nakatukod ang mga siko sa barandilya habang masuri akong tinitignan mula sa itaas. Marahan akong lumunok at umiling. Nagpasya akong hindi siya sagutin at nagpatuloy sa pagpasok sa loob.
I kissed my Mom on her cheeks at hindi na naman niya inintriga kung saan ako galing. Baste is not yet home kaya hindi na rin ako nagtagal sa living room. Dumiretso ako sa aking kwarto at pagod akong gumapang sa aking kama. I bended my knees and hugged my pillows tight. And for the nth time I don't know reason, a tear fell from my eye.
Nakatulugan ko ang pagkakaroon ng mabigat na nararamdaman. Nagising sa panibagong araw na tila panaginip ang lahat ng nangyari. Inaantok akong bumangon at dumiretso sa aking banyo dahil nakalimutan ko palang mag-shower kagabi. Nakatulog ako na suot ang damit ko galing labas.
Dumiretso ako sa harap ng salamin para makapaghilamos ngunit naagaw ng aking atensiyon ang hanggang ngayon ay suot-suot kong hairclip. May pait na umusbong sa aking loob. Mabilis at marahas kong hinubad iyon at tinapon sa basurahan.
How quick we change preferences? A minute ago, that hairclip is my favourite, but now I hate it already. Pagkatapos kong maligo ay inipon ko ang lahat ng hairclips ko sa aking drawer. Inilagay ko ito sa isang maliit na kahon at dumiretso sa baba para matapon ang lahat ng iyon sa basurahan.
"What's that?" Isyuso ng kapatid ko.
"Nothing." Malamig kong sagot at nilagpasan siya.
If the hairclips will only make him reminds of Mia, then I rather not wear one anymore. Kung ayaw niyang kalimutan si Mia, then be it. Pero huwag na huwag niya akong idadamay sa kagustuhan niyang patuloy na alalahanin ang taong wala na. Dahil kahit kailan, hindi ako sumuporta ng isang tanga.
The whole weekend, I am nothing but a mad ape. Ni hindi ko magawang maayos ang mga ginagawa ko dahil nababadtrip ako. Mabuti na lang at pagdating ng lunes ay kahit papaano naging kalmado ako. Toby fetched me. We're cool like nothing happened. Ayaw ko na rin namang balikan pa iyon dahil maiinis lang ako.
Bakit ba ako naiinis?
The midterm came the reason why I became busier. Ganoon rin si Toby na pinagsasabay ang training ng basketball pati ang pagre-review sa midterm. I don't know if he's studious but for sure he don't want to have failure grades. Graduating na rin kami at wala nang panahon pa para sa mababang grado at pagbagsak. Na kahit hindi naman ganoon katalino, magiging grade conscious ka kasi all you think about is your upcoming graduation. Na dapat kasama rin ako sa mga magmamartsa.
"Library lang ako." Nagpaalam ako kina Pablo na kasama ko sa Pub House.
They only nodded at me habang palabas ako. Lahat sila ay nakatutok sa kani-kanilang cellphone o 'di kaya laptop dahil seryoso silang nag-aaral para sa darating na midterm week. Ngumuso ako at nagpasya nang lumabas. Dumaan ako sa Marketing Department at ilang saglit natigil. When someone from the building came out, I quickly returned to my walk. Dumiretso na ako sa library at doon tinuloy ang istoryang sinusulat ko.
Midterm is coming yet I am here working on a story that needed to be submitted after midterm. Masyado ko itong siniseryoso dahil ayokong bumalik na naman ito sa'kin with matching full of red marks. Ayokong bumalik sa akin ito na para bang hindi ko na ito makilala dahil maraming mali.
Bahagya akong nagulat nang mayroong biglaang dumapong labi sa aking pisngi. Nangingising aso na Toby ang tumabi sa aking upuan at binalot ako sa isang maluwag na yakap sa baywang. He closed the gap between us and almost kissed my neck.
Bahagya ko siyang tinulak at tiningala ang ceiling ng library. I searched for the CCTV but there's none.
"Takot kang maabutan tayong naghahalikan?" He asked me maliciously.
I glared at him. He chuckled at my reaction and tried to kiss me on my lips. I returned all his kisses but I stopped when I realized that I still have a lot of things to do.
"Tumigil ka nga. Inaabala mo ako." Reklamo ko at humiwalay sa kaniyang halik.
Umuupo ako sa dulong bahagi ng library. Nasa likod ako ng mga naglalakihang book shelf at nag-iisa ang lamesang ito. Walang tao madalas sa pwestong ito dahil wala naman dito ang mga kakailanganin ng estudyante. Wala dito ang computers and even the books here are too old to use.
"I'm a distraction?" Bakas ang pang-aasar sa kaniyang tono kaya naman inirapan ko siya.
Pinagpatuloy ko ang pag-aayos sa kumpulang papel sa aking lamesa. His arms around my waist slowly caressed it. Gumapang ang isang kamay niya sa aking tiyan at gumuhit siya doon ng iba't-ibang hugis.
"Stop it, Toby." Banta ko sa kaniya.
Kinagat ko ang aking labi dahil unti-unti na akong nakakaramdam ng kakaiba sa bawat haplos niya. His lips on my ears felt like a feather that I suddenly shivered. I glanced at him and showed him my angry eyes.
"I'm not doing anything." Malamyos niyang wika at bahagya pang tinago ang mukha sa aking batok.
I playfully scratched my nails on his arms which made him groan.
"Masakit 'yan, Clarisse!" Halos isigaw niya iyon.
Mahina akong tumawa at inulit iyon sa braso niyang nasa tiyan ko pero hinuli niya ang aking kamay. He bit my neck the reason why I slightly moan. May dumaang nerd na lalaki sa harapan namin kaya mabilis akong napayuko. I tried to remove Toby's hands from my body but he just seems to not give a damn whether we're seen like this.
"Toby, kapag naabutan tayo dito ng Librarian-"
"Hindi 'yon mangyayari."
"And how sure are you?" Binalingan ko siya nang maramdaman na wala na iyong nerd.
Inikot ko ang aking paningin at natanto na kaming dalawa na lang ulit ang nandito.
"Kapag sinumbong tayo ng nerd na iyon, I might have record in Discipline. Ayokong mangyari iyon dahil running for honors ako." I reasoned, slightly annoyed.
Humiwalay siya sa'kin pagkatapos niyang halikan ng isang beses pa ang aking pisngi.
"Have you eaten lunch?" Bago niya sa topic.
Ngumuso ako at umiling. Tinignan ko ang relo ko at nakitang pasado alas dose na ng tanghali. I have 1pm class at kung kakain pa ako ay hindi ko matatapos ang ginagawa. Mamaya na lang ako kakain.
"Mamaya na ako kakain. Tatapusin ko lang 'to."
Bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo dahilan kung bakit tiningala ko siya. Iminuwestra niya ang palabas sa'kin.
"I'll get you food. Hintayin mo ako dito." Aniya at mabilis na umalis sa kung nasaan ako.
Pinanood ko ang kaniyang malapad na likod na unti-unting nawala sa aking paningin. I returned my eyes on the papers I am doing when I realized something.
He's turning into a person I am not sure if he was when I didn't meet him yet. He's thoughtful and no matter how I tried to deny it to myself... he's sweet.
Sinapo ko ang aking noo habang nararamdaman ko ang aking puso na unti-unting kumakabog. Hindi nagtagal ay lumakas ang kabog sa aking dibdib na nararamdaman ko na ang sakit. It's weird... strange... impossible. I am sure that what I am thinking won't happen. Siguro ay naninibago lang ako... na ganito siya.
Was this supposed to happen? Is it supposed to turn out this way? I hope not because I don't like the idea. Panigurado at ganito rin siya kay Mia. He brings her food when she's skipping meals because she's busy with her work. May pait na namang dumaan sa aking dibdib but I again refused to acknowledge it.
Nagmulat ako ng mga mata at ibinalik ang tingin sa screen ng macbook. What happened in Enchanted Kingdom flashed in my mind again. Halos ngumiwi ako nang maalala kung paano ko siya sinigawan. I have to remind myself multiple times that we're fuck buddies. Dapat ay labas ako sa ano mang nangyayari sa buhay niya o ano mang tumatakbo sa isip niya. I am only here to satisfy his thirst, and him to sate me. Why I suddenly crossed the line for bursting out is still a question to me.
I regret what I did. I realized that I shouldn't have done that... ngayon ko lang natanto na I sound so pained and bitter on that part. It's like I am very desperate to make him move on from someone I don't even know. Due to my impulsiveness, I reacted quickly that way because I am offended. I get easily offended.
"Here."
Bumalik ako sa wisyo at hindi ko na namalayang tumakbo pala ang oras at nakabalik na si Toby. Ni hindi ko pa nagagawang ituloy ang naantala kong gawain. I lifted my eyes on him as I watched him sitting next to me. May hawak siyang supot ng popular na fast food malapit dito. He smiled at me and brings out the food he has.
"Bawal kumain dito." I stated as he started to put my entire thing on the other side and changed it to the meals he bought.
"At saka ang dami naman ata nito." Puna ko sa halos panglimahang taong binili niya.
"Kumain ka na. Your mind won't function well if you skipped meals."
"Bawal nga kumain dito-"
Natigil ako sa aking gustong sabihin nang maabutan ko ang mga mata niyang mariing nakatitig sa akin. I pouted and started eating the food he bought. Kinuha niya ang printed papers ko at nakita ko ang pagpasada niya ng tingin doon.
"Ano? Alam mo ba 'yan?" Hamon ko sa kaniya habang kumakain ako ng spaghetti.
He looked at me cockily. Natatawa ko siyang inirapan. Napakayabang!
"I don't know this topic. Finish your food so you can continue this." Aniya at ibinalik ang papel sa lamesa.
His hand grazed my ear as he tried to tuck my hair behind it. I glanced at him but he remained menacing as he watches my hair.
"Anong hinahanap mo diyan? 'Yong hairclip? Hindi ko na isusuot iyon-"
"When is your birthday?" Putol niya sa aking sinasabi.
Natigil ako sa pagkain.
"May 22." I answered, medyo confuse sa biglaan niyang tanong.
He only nodded at me and opened another food container na mayroong chicken and rice.
"Eat this next. Hindi ka mabubusog sa spaghetti lang."
Sinunod ko ang gusto niya. Inutusan niya rin akong kainin ang dessert na binili niya at hindi na ako nagreklamo. Alam kong madadagdagan ang timbang ko dahil sa carbs ng mga ito ngunit gutom na rin ako kaya nilantakan ko na. Sayang rin at libre niya lahat 'to.
Lumabas siya para magtapon ng basura nang kinainan ko. Bumalik siya at tahimik na pinanood ang aking ginagawa. Hindi ko na siya pinagtuonan ng pansin dahil kaunting oras na lang at magsisimula na ang klase ko. Bumagal nga lang ako nang mag-text sa akin si Pablo at binalita na wala kaming klase sa major. Nakahinga ako ng malalim at bahagyang pinatunog ang aking leeg.
"Where did you get your eyes?" He randomly asked.
He's probably bored now kaya kung ano-ano na lang ang tinatanong niya. Isinandal ko ang aking likod sa upuan ngunit nagulat ako nang maramdaman doon ang braso ni Toby. Tinignan ko siya at naabutang pinapanood niya ang bawat galaw ko.
"From my mother. Her ancestors are German."
Tumango si Toby sa aking sagot. Naramdaman ko ang magaspang niyang mga daliri na dumapo sa aking batok at minasahe iyon. Nakaramdam ako ng kaginhawaan dahil sa ginawa niya.
"Bakit mo natanong?" I probed.
"They look beautiful." He answered it while directly staring to my eyes.
Natahimik ako sa narinig mula sa kaniya. Pinupuri niya ba ako? I've heard so many compliments from the people I know and I just met but for unknown reason... his is shocking.
Hindi ko siya inimik at hinayaan kong masahihin niya ang batok ko. Nang bumalik ako sa aking pagtitipa ay bumuntong hininga siya at naramdaman ko ang pagayos niya sa kaniyang pagkakaupo. Nabalot kaming dalawa sa katahimikan at tanging tunog lang ng keyboard ko ang naririnig. I bit my lower lip as I am starting to get preoccupied for what he said.
Pumangalumbaba ako at iniwasang isipin iyon. Tinitigan ko ang screen na puno ng mga salita ngunit hanggang ngayon ay kulang. Hindi ko na alam ang idadagdag. Nilingon ko ang katabi ko. Naabutan kong malambot ang tingin niyang iginagawad sa'kin. Tumaas ang kilay ko dahil roon.
"What?" Tanong ko nang mahuli ko siyang nakatitig sa'kin.
He only sighed and shrugged. I snorted bago ibinalik ang tingin sa macbook. But I get uncomfortable again when I felt his eyes watching my every move. Muli ko siyang nilingon at nahuli na namang nakatitig sa akin. Ni hindi man lang siya nag-iwas ng tingin nang maabutan ko siyang ganoon ang titig sa akin.
"Why are you staring at me? Kanina ka pa!"
"Nothing..." He said slowly like he was still thinking when he uttered that.
Umayos siya sa pagkakaupo at hinawi ang takas na buhok ko. My eyebrows furrowed with his move but I shut myself up when I felt his fingers brushing my hair. Seryoso at mataman ang kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ang labi ko.
"I'm just curious about how..."
Bumaba ang kamay niya sa aking baba. Dahan-dahan ay inilapit niya ang mukha sa'kin ngunit hindi tinuloy ang paghalik.
"How?" Tuloy ko sa hindi matapos tapos na pangungusap niya.
"Nevermind." He said and kissed my cheeks before he finally decided to stand.
Sinundan ko ng tingin ang kaniyang pagtayo at bahagyang paglayo sa aking lamesa.
"I'll fetch you later." He reminded me before leaving me alone.
Bumagsak ang balikat ko at ilang minuto pang nawala sa sarili bago ako bumalik sa ulirat. Toby... is giving me a real hard time. Fuck.
The midterm came. Naging abala na rin si Toby katulad ko kung kaya't naging madalas ang pagsabay ko kay Carter paguwi at kay Baste naman tuwing papasok. Hindi na rin naman ako nag-demand pa ng oras para may mangyari sa amin dahil naiintindihan ko ang kapwa naming pagiging abala.
I am walking alone under the bright rays of sun towards the UMall to eat my lunch. It's been almost five days since we saw each other. Ang huli naming pagkikita ay noong abala ako sa library at dinalhan niya ako ng pagkain. At hindi na iyon nasundan pa ulit. Hindi niya rin naman ako mini-message kaya wala rin akong dahilan para kumustahin siya.
It's not like we're obligated to ask how are we after days of no talking. Ano ba kami? Pagnanasa lang naman ang kapwa habol naming dalawa sa isa't-isa.
Pumasok ako sa loob ng UMall at hindi ko inaasahan na ngumingising Felix ang makakasalubong ko kasama ang kaibigan niyang si Leonel. I smiled at them and was about to pass them when Felix spoke.
"Mag-isa ka ata? Nasaan si Toby?" Bakas ang pang-aasar sa boses niya kaya naman sarkastiko ko siyang nginisian pabalik.
Nakita ko ang ngisi rin ni Leonel sa akin. Suminghap ako nang maalala na bigla na lang akong nakipaghiwalay sa kaniya at hindi ko na siya ulit pa nakita after that.
"He's busy." Tangi kong sagot.
Tumango si Felix sa akin at binalingan ang kaibigan niya.
"Dito ka ba magla-lunch, Reese?" Tanong niya.
"Oo."
"Si Leonel rin. Busog na kasi ako. Kumain ako sa labas. Baka pwede mong isabay ang kaibigan ko? Hindi naman siguro magagalit si Toby." Makahulugan niyang suhestiyon.
I don't trust Felix. He's a friend but I know him. Kaugali niya ang nagkakagusto sa kaniya. Kung ano-anong kalokohan ang naiisip.
"No problem." I smiled genuinely at him.
He chuckled at my reaction at tinapik ang balikat ni Leonel.
"Pa'no ba 'yan, una na ako. Enjoy your lunch, mag-ex!" Asar niya at bago pa ako maka-react sa pang-aasar niya ay nawala na siya at umalis.
"Felix sounds like he's gonna do something interesting." Leonel casually told me.
Binalingan ko siya at naabutan ang nangingiti niyang ekspresyon sa'kin. Kumunot ang noo ko dahil nakakasigurado ako na hindi iyon ngiti na para bang may plano siyang iba. It's likely more a friendly smile.
"Tara na? Gutom na ako." He even touched his stomach to prove a point.
Umiiling akong tumawa at sumunod sa kaniya. Umupo kami sa four seater table. Nauna akong umupo at sumunod siya sa aking harapan. Siya ang nagprisintang umorder para sa'min at siya na rin ang nagbayad. Gusto kong bayaran ang sa'kin ngunit ayaw niyang pumayag.
"It's okay, Reese. Libre ko na dahil sinabayan mo ako."
Tumikhim ako sa narinig mula sa kaniya. "Kakain rin ako. Nagkataon lang na nagkasabay tayo."
Agad siyang umiling habang nangingiti pa rin.
"Don't get me wrong, Reese. I have no intention other than to pay for our bills. Maybe you were thinking that I'm trying to get you back."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
I don't want to sound arrogant, pero hindi ba? All my exes, when we see each other, all they tryna do is to get back on me.
"I moved on from you." He confidently confessed.
Namilog ang aking mga mata pero agad akong nakabawi. Tumango ako. I've been with Toby for the past month that hearing the word 'move on' sounds like a miracle now. Dahil sa pagsama ko sa kaniya, naging palaisipan na ata sa'kin na mahirap maka-move on when in fact, nasa tao iyon. If they choose to move on or continue staying to where they are now.
In Toby's case, he chose to stay.
Teka, bakit ko ba iniisip si Toby? I have a midterm to think about. I don't want to stress myself out.
"Good for you." Natatawa ko ring sagot.
He only grinned at me before we proceeded to eat. My attention only gets diverted when Leonel talks again.
"You see that girl?" Nginuso niya ang nasa gilid namin.
Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya at nakita ang isang magandang babae na may mahabang buhok. She looks like a high-class girl with how the way she carries herself.
"'Yan ang gusto ko." Aniya.
Kumunot ang noo ko habang pinupuri ang ganda ng hubog ng katawan ng babae at ang kaniyang hitsura. It's my first time to see her. Hindi siya pamilyar sa akin.
"Mukhang suplada. Wala kang pagasa diyan." I commented and returned to my food.
Leonel chuckled and agreed to what I said.
"You're right. Suplada iyan at walang pinapansin. Noong sinubukan kong kausapin, iniwan ako!"
Nilunok ko ang aking kinakain at napainom sa aking tubig bago tinawanan si Leonel. I can imagine his embarrassment when the girl suddenly left him. He's gwapo and very matalino kaya nakakapagtaka na ang isang katulad ni Leonel ay biglang iniiwan.
"You're handsome and smart. Nakakapagtaka na bigla ka niyang iniwan!"
"Bigla mo nga lang rin akong hiniwalayan."
Halos mabilaukan ako sa sariling laway nang sabihin niya iyon.
"Ibang usapan 'yan. You are aware that I don't take relationships seriously."
"But then you're doing great with Toby, huh." He meaningfully fired back.
Hindi ako nakaimik. Tumawa siyang muli dahil sa naging reaksiyon ko.
"Just kidding. I don't want you to feel guilty-"
"Who said I'm guilty?" I rolled my eyes at him.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Ang confident pa rin."
"No one will change in just a span of one month, Leonel." I said to him.
Tinaasan niya ako ng kilay. His curve lips formed into unending smile.
"Meron. Ikaw." Tinuro niya ako gamit ang tinidor na hawak.
Kumalabog ang puso ko dahil sa kabang biglang naramdaman. Nabitawan ko ang aking kubyertos at nawalan ng ganang kumain. I forcefully rolled my eyes at him.
"Anong course no'ng crush mo? Tulungan kita." I changed the topic.
"Management. I'm sure you don't know her, kaya huwag na lang. At hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa kaniya. Mukhang may ibang gusto."
"Oh? What's her name ba? At sinong nagugustuhan? Baka naman mas gwapo ka pa do'n."
"Trishastrea."
Unique name. Binalingan ko kung nasaan ang babae at naabutang nagbubukas na ito ng isang libro about businessn math. Her square-shaped face suited her light make up. She looks really beautiful and familiar. Naningkit ang mga mata ko.
"Mahirap makausap at 'tsaka parang may ibang gusto."
"Sinong gusto? Kilala mo?"
Umiling siya. "I heard may gusto sa kaniya 'yung team mate ni Felix."
"Sino do'n? E'di pasabi mo kay Felix na crush mo si Trishastrea!"
"Bakit ko babakuran, e, hindi naman kami. Hindi niya nga ako gusto."
Natahimik ako sa sinagot niya. Why do his words suddenly become like a bullet? I was already lost in my own thoughts when I suddenly heard a creak from Leonel's table and shrieks from the people who are inside the UMall, too.
Agad akong napatayo nang makita ang galit na galit na si Toby. He punched Leonel's face hard that his lips quickly bleed.
"Toby!" I called him but he ignored me.
He's about to punch Leonel again when I stand in front of him. Ang pinaghalong galit at sakit sa kaniyang mga mata ay halatang halata. Namumula ang kaniyang mukha at mariing nakakuyom ang kaniyang kamao. His arms corded and his veins showed in his face.
"What the fuck, dude?!" Reklamo ni Leonel.
Nakita ko ang pagtayo ni Leonel kaya naman inagaw ko na ang kamay ni Toby. I pulled him with me with all my might.
Why he suddenly showed up and punched Leonel is I don't know! He caused a ruckus and I hate it!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top