#TTW11
Entry 11
"Thanks," I said before I exited his car.
Dumiretso ako sa malaking gate namin at muling hinarap ang sasakyan ni Toby. Hindi pa ito umaandar paalis na pinagtaka ko.
Lumapit muli ako sa kaniyang SUV at kinatok ang bintana niya. It rolled down and it showed his face. Madilim na ang paligid, siguro ay nasa pasado alas siete na ang oras. We took almost two hours there at wala naman kaming ibang ginawa kundi pagmasdan ang mga tao.
I don't know how I was able to handle the silence earlier. Alam kong ginusto niyang manatili doon ng higit dalawang oras dahil inaalala niya si Mia. I know it. The way I can see his eyes wanders deeply, like the first time I saw him thinking deeply on the grandstand. Nothing changed. He probably misses her so bad. Ngunit hindi ko maintindihan... at hindi ko magawang intindihin. Because why does people remained reminiscing the things that will only bring nothing but pain.
A memory may be the best thing that will be left with us forever, pero para sa'kin, may hangganan iyon. If that memory will only bring tears in my eyes and will only give heartaches, then I rather forget it. I am not martyr to remain inlove with someone who I know that do not exist anymore. Hindi ko ugaling magdala ng anoman mula sa nakaraan ko. I rather forget it all.
But then, I am not him.
"Hindi ka pa ba aalis? O baka naman nagbabalak ka nang ayain ako sa condo mo?" Tanong ko sa kaniya.
His forehead creased. Umiling siya at parang pagod na isinandal ang kaniyang ulo sa head rest ng kaniyang upuan. He rested his elbow on the window and started playing with his lowerlip.
"You're busy." Tangi niyang naisatinig.
I pouted to stifle my smile but I failed. I smirked and tilted my head on the other side, making myself looking cocky.
"Paano mo naman nasabing busy ako?" Tinaasan ko siya ng kilay.
He shrugged. "I just know. Pumasok ka na sa loob ninyo. Baka totohanin ko 'yang naiisip mo."
I laughed with his remarks. "You know that I'd rather come with you tonight than go home."
Tumawa na rin siya sa sinabi ko. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. I don't know but whenever he smiles, para bang nagkakasala ako sa aking sarili.
"Pumasok ka na." Natatawa niyang sinambit iyon.
I rolled my eyes at him.
"Hindi ko alam kung niloloko mo na lang ba ako o ano."
"Anong niloloko?" He probed.
"It's been almost two weeks since we agreed to this relationship yet wala pa ring nangyayari. Kaunti na lang iisipin kong sumang-ayon ka lang para may kasama ka sa pagpunta sa mga lugar na nagpapaalala kay Mia." I ranted.
Nagkasalubong ang kaniyang mga kilay at ang ngisi ay napawi. Dumilim ang kaniyang mga mata, kagaya ng gabi na walang ibang kulay kundi itim.
"Aren't that one of the reason why I agreed to this? Pumayag ako pero hindi ko sinabi na kakalimutan ko si Mia."
Tumikhim ako sa sinabi niya. I don't know why I am suddenly irritated again.
"Hindi ko naman sinabing kakalimutan mo si Mia. Ang akin lang, why are we taking so long to finally do it?"
"We did it already." Aniya.
Bumagsak ang dalawa kong balikat at bumuntong hininga.
"That night is exception. Ni hindi mo pa nga ako kilala noon."
Mas lalong lumalim ang gitla sa kaniyang noo dahil sa sinabi ko.
"Kilala na kita noon."
Tumango na lang ako sa mga sinasabi niya. Hirap naman nitong kausap. I get closer to him again to whisper.
"Ang sa akin, iniisip ko kung kailan ulit? Nakukuha mo ba?" Bakas na ang iritasyon sa boses ko.
"Are you really that eager to do it?" I can hear judgement on his voice while asking me that.
Napaayos ako sa pagkakatayo. Masyado ba akong nagmumukhang hayok? Eh, iyon naman talaga ang purpose ng relasyon naming dalawa 'diba?
"We'll do it after games week next week." Dagdag niya nang hindi ako nakaimik.
I looked at him in the eyes. He shot his brows up before he looked away and started the engine of his car.
"Pumasok ka na. We'll see each other again tomorrow."
"Kailangan ako sa Pub House the whole week, I might not have the chance to watch your practice game again."
Muli niyang ibinalik sa'kin ang tingin. Nagtagal ang titig niya sa'kin bago siya tumango.
"But I'll be the one to document your game." I added for his information.
"We'll have the time next week. I'm still gonna fetch you, don't ask favors with your friends anymore."
"It's not a favor. Both Carter and Zaijan are willing to drive me-"
Natigil ako sa gitna ng aking pagsasalita nang matalim na tingin ang ipinukol sa akin ni Toby.
"Oo na! Arte mo." I murmured my last words.
"Alis na nga!" I shouted once more before I turned again to our gate.
Pumasok ako sa loob at hindi na muling sinulyapan ang kaniyang sasakyan. But when I am already in the staircase, I looked back. Tahimik at madilim na gabi ang nasa harap ko. Nagpatuloy na ako sa aking paglalakad.
He was true to his words. Sumasabay ako sa kapatid ko papasok, at sa hapon, tuwing uwian ay si Toby ang sumusundo sa'kin. After that controversial scene in the court, naging laman ako ng usapan sa sarili kong Department. Even Beatrice and Yrina wonders how I make Toby my boyfriend.
"Seryoso 'yon si Toby. Kaya nga sila tumagal ni Mia. Kaya paano?" Nang-iintrigang tanong nilang dalawa sa'kin.
Inayos ko ang gamit sa aking desk at inilagay iyon lahat sa loob ng aking bag. I smiled at them.
"Mukha bang hindi seryoso si Toby sa'kin?" I asked them cockily.
Laglag panga si Beatrice samantalang tinawanan naman ako ni Yrina at may pagpalakpak pa na akala mo ay nanalo siya sa lotto.
"After years, Reese! Matutupad ata ang wish ko na makita kang magseryoso bago man tayo magtapos!"
Kinuha ko ang aking bag at pinakita ko ang gitnang daliri ko kay Yrina. Papalit palit man ako ng boyfriend, hindi naman ganon ka-imposible na magseryoso ako. Why does Yrina make it sounds like it's very impossible for me to take someone seriously?
"Tangina mo. Hindi na ba ako pwedeng magseryoso?" Inirapan ko siya at walang paalam na lumabas ng classroom.
Kahit nakalabas na ako ng pintuan ay narinig ko pa rin ang pang-aasar sa'kin ni Yrina.
"Saan ka ngayon, Reese?!" Habol niya pa nang makalayo na ako sa room.
Tumigil ako at hinarap ulit siyang lumabas ng classroom.
"Gymn. Magdo-document ako." Pinakita ko sa kaniya ang DSLR ko bago ako tamad na kumaway at mabilis na naglakad palabas ng department.
Hinanap ko pa si Pablo dahil sasabay sana ako sa kaniya para hindi ako maglakad ngunit hindi ko naman siya nakita. Wala akong ibang pagpipilian kundi ang maglakad.
I am wearing a black pants and our journalism tshirt. Today is the first day of University Games Week. Toby messaged me telling me that he's already in the court. Halos lahat naman ay abala at natutuwa dahil maraming mapapanood na laro.
Dumaan ako sa gilid ng oval at saglit na nakiusisa sa nagsisimulang laro ng Track n Field. Nakita ko roon sa pangatlong linya si Audrey na nakatirintas ang buhok at suot ang kanilang varsity uniform. Kasabay ng laro niya ang laro ng basketball... hindi niya mapapanood laro ng crush niya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at dumiretso papasok sa loob ng gymnasium.
"Ang tagal mo, ha!" Boses ni Franziel ang unang bumungad sa'kin pagapak ko sa loob.
Dumiretso ako sa kaniya at halos mabingi nang magsimulang umingay ang mga estudyante sa bleachers. Halo-halo ang kanilang sinisigaw na mga pangalan. Ang ilan ay may mga banners pa at ang halos lahat ay tumatalon at sumisigaw dahil sa kilig at tuwa.
"Sorry! Sasabay sana ako kay Pablo kaso hindi ko nakita kaya naglakad ako papunta dito!" Kinailangan ko pang sumigaw para lang marinig niya ang rason ko.
Tumango siya at nginuso ang court. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya.
Sa grupo ng mga naglalakihang manlalaro, wearing the University's varsity uniform, Toby looks so handsome than ever. Nagtama ang tingin namin na tila ba kanina niya pa hinihintay na tumingin ako sa banda niya. I saw him protruding his lips and I thought he's gonna looked away when Archie come to him but he didn't.
Kahit mayroong sinasabi sa kaniya si Archie ay pinanatili niya ang kaniyang mga mata sa'kin. Ako ang unang nag-iwas ng tingin at ibinalik ang mga mata sa kasama ko. Naabutan ko ang makahulugang ngiti ni Franziel sa'kin dahilan upang unti-unting tumaas ang kilay ko sa kaniya.
"Sa taas ako ng bleachers. Ikaw na dito." Hindi mapalis ang ngisi sa labi niya habang sinasabi iyon.
"Bakit mo ako tinatawanan?" Puna ko.
Defensive siyang umiling pero hindi pa rin makatakas ang ngisi sa labi niya.
"Tataas na ako. Dito ka na. Galingan mo, ha. Baka puro si Toby lang laman ng camera mo."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng journmate ko. Inaasar niya ako at gustuhin ko mang humabol ng mura sa kaniya ay mabilis na siyang nakaakyat sa bleachers.
Binuksan ko na ang camera ko at sinimulan nang kuhanan ng litrato ang mga manlalaro at ang mismong laro. Hindi nagtagal ay nagsimula na ang unang quarter.
Lumipat ako sa kabilang banda upang makuhanan ng magandang shot ang sino mang makakapuntos. I didn't plan it but I captured Toby's shoot. Ngumuso ako habang chini-check ang litratong nakuhanan. Nakatalikod siya sa litrato, ang numero at family name niya lang ang makakapagpakilala sa kaniya na siya ito.
"What's with the 8?" I asked myself.
Inangat kong muli ang tingin sa court at naabutang tumatakbo palapit sa kung nasaan ako si Toby. Naestatwa ako sa sariling kinatatayuan habang nakikita siyang palapit sa'kin. He's sweating and his hair is kinda damp now but he still looks so fucking attractive in my eyes. Ang malaki niyang katawan ay mas nadepina ngayong naka-jersey siya. Ang kulay ginto niyang balat ay bagay sa kulay puting suot nila.
"Where's my good luck kiss?" Tanong niya nang tuluyan siyang nakalapit sa'kin.
Napakurap-kurap ako dahil masyado ko atang pinuri ang pisikal niyang anyo. Umayos ako sa pagkakatayo at halos malaglag ko ang DSLR kung hindi lang ito nakasakbit sa aking leeg.
"Kung ayaw mong mapunta sa Discipline Office after your game, better hide your obvious hard on." I rolled my eyes and continue walking towards the other side.
Narinig ko ang nakakaloko niyang tawa ngunit hindi ko na siya muling binalingan. Nagpatuloy ako sa pagkuha ng litrato ngunit naging palaisipan na sa'kin ang numerong nakaimprinta sa jersey ni Toby.
"Go Climacosa! Go Trinidad! Go my loves! Ang gagwapo at galing ninyo! OMG!"
Halos marindi ako sa matitinis na boses ng mga estudyante sa likod ko. I have to close my eyes tightly and walk out of there and find a better place to take a shot but the whole court is just surrounded with chaos. Tumaas ang tingin ko sa bleachers para hanapin si Franziel at nakita ko siyang kalmado lang naman na kumukuha ng litrato. Minsan pa nga ay ngumingiti siya na para bang wala lang sa kaniya ang ingay.
If I want to have the best shot for today, then I better ignore the defeaning cheers of these wild students. I half-runned near the ring and almost kneel just to take a shot of the players in the court.
Pinagpag ko ang aking pantalon pagkatayo ko. I was about to continue my work when I got startled because Toby is already in front of me.
"Tangina! Nanggugulat ka naman!"
Napahawak ako sa aking dibdib at masama ang tinging ipinukol ko sa kaniya. Seryoso ang kaniyang mga mata na pinasadahan ako ng tingin.
"I saw you kneeling here. Why are you doing that?" Kritikal niyang tanong.
Lumagpas ang tingin ko sa likod niya. I saw that every player is still busy in the court yet he's here and talking to me.
"Bakit ka ba nandito? Bumalik ka nga roon!" Tinulak ko siya para makabalik siya sa court ngunit sadyang malaki siya at hindi ko siya kaya.
I glared at him more. "Hindi pa tapos ang laro ninyo!" I shouted again and pushed him.
"Huwag ka na ulit luluhod. Akala ko kung anong nangyari sa'yo." Malamig niyang isinatinig bago siya tumalikod at bumalik sa laro.
Sinalubong siya ng batang player at may sinabi dito. Naabutan ko rin ang mga mata ng aking kapatid na mapanghusgang nakatingin sa'kin. Nag-iwas ako ng tingin at lumipat muli ng pwesto.
Halos hindi na ako mapakali simula nang kausapin ako ni Toby.
Lumapit siya sa'kin dahil anong akala niya? Nadulas ako?
My heart started hammering. Kahit maingay ang buong gymnasium ay damang dama ko ang malakas na kabog ng aking puso.
"Waaah!"
Tumalikod ako kasabay ng malakas nilang iritan para sa pagkapanalo ng kung sino mang team. Halos mawala na ako sa sarili habang kumukuha ng litrato. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging pre-occupied sa sinabi ni Toby.
"Tara na-"
Naputol ang aking sasabihin nang nagsalita agad si Franziel.
"Hindi mo ba lalapitan jowa mo? Nanalo sila ngayong araw." She smirked.
I stared at her genuine smirk for a while before I nodded and turned around. Bumaba na ang halos lahat ng mga babaeng estudyante at nilalapitan ang bawat players. Ang ilang cheerleaders ay nasa tabi na ng winning team. Hinanap ng mga mata ko si Toby na hindi ko mahanap sa kumpol ng grupong iyon.
Muling nag-iritan ang halos lahat sa gymnasium, sakto sa pagkakaramdam ko ng isang malaking brasong umangkin sa aking baywang. Mainit na buga ng hininga ang nagpakiliti sa aking leeg. Muntik na akong matumba sa sariling pagkakatayo kung hindi niya lang ako hawak.
I turned to Toby and saw him giving me already a smirk. May kaunting pawis pa rin sa kaniyang noo at ang buhok ay nanatiling medyo basa pa rin. Ang kulay puting tuwalya ay nakapalibot sa kaniyang leeg.
"Congrats," It's almost a whisper.
Hindi ko alam bakit ang hina bigla ng boses ko.
"Thanks." Sagot niya at hinalikan ako sa pisngi.
Nakita ko ang mabilis na flash mula sa camera ni Franziel, nagtilian muli ang ibang babae na nakakita ng ginawa ni Toby kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Sana all!"
"Totoo pala? Sila na? Nakalimutan niya na ba si Mia?"
"Bakit si Reese? 'Yan 'yong journ student na malandi 'diba?"
Sari-saring komento ang narinig ko ngunit isa lang ang umagaw sa pansin ko. Humiwalay ako kay Toby at hinanap kung sino ang nagsabing malandi ako ngunit ang lahat ay bumalik na sa kani-kanilang ginagawa.
"May gagawin ka pa ba?" Naagaw ni Toby ang atensiyon ko nang itanong niya iyon.
I looked at him at hindi agad nakuha ang tanong niya. I only nodded absently when I get it.
"Pupunta pa akong radio station." Sagot ko.
He nodded. Natahimik kaming parehas at kung wala pang tumawag sa kaniya ay nagtitigan lang kami dito.
"We have to practice for Wednesday's game. We'll see each other later." He reminded me and kissed me on the cheeks once again before he turned to whoever's calling him.
Sinundan ko siya ng tingin ngunit sa halip na si Toby ang makita ko ay ang nangaasar na ngisi ni Cohel ang naabutan ko. Katulad ni Toby ay nakasuot rin siya ng jersey pang-basketball. Ang numerong nakaprinta sa harap ng damit niya ang anniversary nila ni Kaycee.
Does number matter in the relationship? Probably the 8 in Toby's jersey is... their anniversary, too.
"Akala ko ba hindi ka pumapatol sa ka-team mate ko?" Panimulang asar ni Cohel pagkalapit niya sa akin.
I rolled my eyes at him at hindi siya sinagot. Hindi ko magagawang magsinungaling sa mga kaibigan ko. Cohel should better assumed that we're not serious than to ask me if we really are.
"Congrats. Alis na ako." Paalam ko kaagad sa kaniya.
"Aalis agad? Hindi mo ba hihintayin si Toby?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "May practice pa daw ulit kayo. At saka pupunta pa akong radio station. Si Kaycee ang DJ ngayon."
Ang nakakalokong ngisi sa labi ng kaibigan ko ay unti-unting napawi nang hindi ko alam ang dahilan. His jaw clenched at iniwas ang tingin sa'kin. Kumunot lalo ang noo ko sa pinakita niyang reaksiyon.
"Cohel, tara na!" Tinawag siya ni Levi kaya naman tinanguan niya na lang ako bago siya sumunod.
Nanatili pa ako ng ilang sandali sa sariling kinatatayuan dahil sa inasta ni Cohel. May naiisip ako ngunit hindi ako nakakasigurado kung kaya't mas pinili ko na lang tuluyang umalis doon. Dumiretso ako sa Radio Station at naabutan kong kapwa sila mga abala.
Si Kaycee kasama ang isa pang DJ ay patuloy na nagsasalita sa harap ng mikropono.
"Hi, Reese!" Bati nila sa'kin nang mapansin ang pagpasok ko sa loob.
Ngumiti ako sa kanila at kumaway. This radio station is just near our Department. Ang Publishing House ang malayo dahil mas nauna iyong naitayo kumpara dito.
Nagtagpo ang mga mata namin ni Kaycee kaya ngumiti ako sa kaniya at kinawayan siya. She did the same and I was about to go near Franziel when I heard them talking meaningfully and I know it's me.
"May special guest dito sa station. Nandito ang one true love ni Toby." Kaycee enthusiastically beamed.
Nagtawanan ang mga katabi ko kaya masama ang ipinukol kong tingin sa kanila. Pero hindi sila natakot at nagawa pa akong asarin. Umiling ako at dumiretso kay Franziel para maibigay sa kaniya ang flashdrive na hindi ko naibigay kanina.
"Mia?" Sagot ng kasamang DJ ni Kaycee.
Tinatawanan ako ni Franziel habang inilalahad ko sa kaniya ang flashdrive. Panigurado kasing halata sa hitsura ko ang pagkakapikon.
"Gaga wala na si Mia! 'Yung bago."
"Ah! Si Reese!"
They played a laughing sound at nagpatuloy sa pagsasalita ng panibagong topic. I raised my middle finger and showed it to Kaycee before I turned my back at her at lumabas. Dumiretso ako sa oval at nanood ng laro para sa natitirang mga oras. Pagdating ng hapon ay dumiretso ako sa library at doon ginawa ang aking article. Wala kasing ibang estudyante ngayon dito dahil ang halos lahat ay nasa grandstand at nakikiisa sa aktibidad.
Halos abutin ako ng dilim doon at kung hindi lang ako tinawagan ni Toby ay hindi ko na namalayan ang oras. We're both tired kaya naman sa byahe ay walang umimik sa'min. Baste is already at home when I came in and he only ignored me.
"Mommy, how's your case with Librador?" Narinig kong tanong ni Baste.
Tumigil ako sa pag-akyat at nilingon ang likuran ko. Kagagaling lang ni Mommy sa kusina. Umupo siya sa couch habang hawak ang tsaa sa kanang kamay.
"Hindi tinanggap ng Daddy mo." Nag-angat ng tingin sa'kin si Mommy.
Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makapasok ako sa loob ng kwarto. I continued the article I didn't finish in the library. Nang matapos ko ay payapa akong natulog at nagising sa panibagong araw. I send my document to our adviser para mabasa niya ang article na ginawa ko about Librador.
Pagkatapos ng unang subject ko ay tumuloy ako sa library para masimulan naman gumawa ng istorya para sa naging unang araw ng Games Week kahapon. I transfer all the pictures on my flash drive to view it all on my computer. Pumili ako ng magagandang litrato para sa editorial page. Then I started to type in all the information.
It took me four hours before I finally felt exhausted. Pinisil ko ang aking mga daliri at isang beses kong inikot ang aking leeg dahil sumasakit na ang aking batok. I also stretched my back because I am already feeling the pain.
"What you doin'?"
Halos mapatalon ako mula sa pagkakaupo nang biglang sumulpot si Toby sa aking tabi. Kumunot ang noo niya sa pinakita kong reaksiyon. Umirap ako para maitago ang aking kahihiyan kanina sa pagkakagulat ko sa biglaan niyang presensiya.
Umupo siya sa aking tabi at inusisa ang ginagawa ko. Pumangalumbaba ako at tinignan siya ng isang beses bago ibinalik ang tingin sa screen ng laptop ko.
"I'm writing an article from yesterday's event." Nagkibit balikat ako at ni-save ang document ko.
Isinandal ko ang aking likod sa likuran ng upuan at isang beses ulit tumingala dahil sumasakit na talaga ang batok ko.
"So this is my journalist girlfriend." He commented and smirked.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Journalism is a deadline driven business. Just imagine my stress." I sighed.
Umayos na ako sa pagkakaupo at nagsimula muling magtipa ngunit wala nang lumalabas na mga salita sa aking utak.
"Can I help?"
Natatawa ko siyang binalingan. "Marketing student ka. Wala kang alam dito."
"You're underestimating my skills as a Marketing student."
"I'm not!"
"Then let me help you." He urged me to agree to him.
Nginiwian ko siya pero sa huli ay natawa ulit ako dahil mukhang totoong seryoso siyang gustong tumulong sa'kin. I make my eyes chinky and give my whole attention to him. Nakipagpaligsahan siya sa aking makipagtitigan.
"Ang sabi ko tutulungan kita, hindi makipagtitigan." Aniya sa malumanay na boses.
I heavily sighed and shrugged. Inabot ko ang bag ng DSLR ko at ibinigay sa kaniya. Kumunot ang noo niya dahil sa kwestyon nang paglalahad ko noon sa kaniya.
"Transfer all the remaining pictures here on my flashdrive. Tapos pumili ka pa ng ibang magandang shots ko. Papahinga muna ako."
I stretched my arms. Humikab rin ako dahil totoong nakakapagod ang ginagawa ko. Na-estatwa nga lang ako nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Toby sa aking batok. Unti-unti ay naramdaman ko ang kaniyang mga daliri na minamasahe ang aking batok.
"I'll massaged you first." Bulong niya at inagaw rin ang kamay kong nakapatong sa lamesa at isa-isa ring minasahe iyon.
He's massaging my nape while also massaging my fingers. Binalingan ko siya at naabutang seryoso ang titig niya sa akin.
"Masahista ka na ngayon, ah." I joked.
He smirked. "Sa'yo lang."
Natatawa ko siyang inirapan. Hinayaan ko ang sarili na sumandal sa kaniyang gilid habang minamasahe niya ako. It actually feels good. Inaantok tuloy ako at halos pumikit na ngunit nang makita kong may nakatingin sa'min ay hindi ko tinuloy.
I saw Letixia's cousin in the near shelf, standing while holding a book and transparently watching us. Nakita ko ang dilim sa kaniyang ekspresyon at ang mariing tikom ng bibig niya. Nakita ko rin ang pagdiin ng hawak niya sa libro dahil halos numipis ang makapal na libro dahil sa klase ng hawak niya. I was about to open my mouth and tell Toby that someone is watching us but Dimax suddenly disappear on the shelves.
"Do you feel better?" Tanong ni Toby kaya nawala ang atensiyon ko roon.
Binalingan ko siya at wala sa sariling tumango.
"I transfer these now." He said while opening my DSLR.
"Paano pala ang practice ninyo? May laro pa ulit kayo bukas."
He cockily tilted his head. "Hindi ko na kailangan 'yon. Magaling na ako."
"Yabang!" Singhal ko sa kaniya.
He only shrugged and focus on whatever I made him do. Pinagmasdan ko ang seryoso niyang mukha na sinusunod ang pinapagawa ko. Ngumuso at ibinalik ang atensiyon sa ginagawa.
My adviser called me at pinapapunta ako sa Publishing House kaya naman sumama na rin sa'kin si Toby. When I entered the Pub House, naroon si Letixia sa kaniyang lamesa ngunit hindi naman ako binalingan.
"Clarisse, how many times do I have to tell you that we don't publish this kind of article?" Panimula ni Miss Casabal.
Kumunot ang noo ko at lumapit sa kaniya. I saw her holding a printed paper and when I read the article's title, alam ko na agad na iyon ang ipinasa ko sa kaniya kagabi.
"Ma'am, that is about Secretary Librador's secret transaction while he's-"
"I know, Clarisse. I read your article. Maayos ang pagkakasulat mo ngunit hindi ito pwedeng ipublish sa site natin."
Umawang ang labi ko. I know that what we write on the School newspaper is very limited. But I thought that what I have written could be an exception.
"But Ma'am, that will be a big help for the students. Most especially that most of us doesn't know about Librador's wrongdoings."
"And we don't want our University to be red tagged just because we published an article from a reckless campus journalist." She strictly uttered.
Mas umawang ang labi ko dahil sa narinig at tila bala ang salita niya na tumama sa aking dibdib. I heard Letixia does almost laugh but she stifled it. I shut my mouth and played with my tongue. Blankong ekspresyon ang ibinigay sa akin ni Miss Casabal kaya naman wala akong ibang choice kundi sumangayon.
"Ok, Ma'am." I said while gritting my teeth.
I feel so fucking insulted again! This is her first time to call me a reckless campus journalist. I know that I am not the best here, I always have errors on my stories pero ngayon ko lang naramdaman na tila walang kwenta talaga ako.
"Work on the Games Week story, Clarisse." Paalala niya na tinanguan ko lang bago ako lumabas doon.
Letixia even heard it that makes it worse for me. Nangilid ang luha sa aking mga mata ngunit hindi ko hinayaang tuluyan silang maglandasan.
Pumasok ako sa loob ng sasakyan ni Toby at pahirapan pa para sa'king magsalita dahil sa bukol na tumubo sa lalamunan ko. Hindi niya rin naman ako tinanong kaya hinayaan kong tahimik kaming dalawa. I closed my eyes tightly and choose to just ignore whatever happened a while ago. That word won't make me stop from writing. Gusto ko na lang makapagtapos at nang sa gayon ay mawalan na ng limita ang mga sinusulat ko.
"Let's go."
Bumalik ako sa wisyo nang magsalita si Toby. Sumunod ako sa kaniya sa labas at dumiretso sa mga nakahilerang panindang turo-turo. Maaga pa naman kaya siguro naisipan niya na ring dumayo ulit dito.
"You looked so stress. Foods might help." Aniya at hinila ako palapit sa nagtitinda ng siomai.
Huminga ako ng malalim habang pinapanood ko siyang nagsasabi kung ilang order ng siomai ang bibilhin. Foods might help me? Ang sabihin mo, nandito tayo dahil gusto mong balikan ang alaala ninyo ni Mia.
May nakaupo sa bench na inupuan namin noon kaya naman inaya ko na lang siyang umupo sa bunganga ng sasakyan niya. The sky turned into dusk, hues of orange and pink.
"Why did you pursue Marketing?" I asked him randomly.
I am just wondering how others view their course. Iyon ba talaga ang pangarap nila?
Nagkibit balikat si Toby. Itinigil ko ang pagnguya at ibinigay ang buong atensiyon sa kaniya. He glanced at me but then returned his sight in front.
He looks so nonchalant with his answer. I don't believe that no one in this world has no dreams but seeing Toby now makes me doubts my own beliefs
"Don't you have dreams? Walang kwenta mo naman." I commented.
"I don't know. My skill fits the Marketing?"
"Yun lang? Hindi mo talaga pangarap maging marketing student? Or something like gusto mo maging negosyante gano'n?"
"I don't."
"Gago. Ang lungkot ng buhay mo kapag wala kang pangarap!"
"Bakit? Masaya ka ba na may pangarap ka?"
Natigil ako sa sinabi niya.
I'm a reckless campus journalist.
But because I have a dream, of course I won't let those words affect me in a negative way. Their words might be knives that would bleed me but they will never be the reason to stop me from dreaming. I am continuously working to better myself because I don't want anyone to think that I am worthless and uneffective storyteller.
"Syempre! Kapag nangangarap ka kasi, sinasama mo 'yong puso mo. Kapag gigising ka, nakakaramdam ka ng excitement kasi alam mo na 'yong gagawin mo ay ikagagalak ng puso mo." I blurted out.
"Wow. That's deep."
I rolled my eyes at him. "Bobo ka. Wala ka kasing pangarap kaya hindi mo maintindihan."
"Trabaho at karangyaan lang ba ang pinapangarap? Hindi ba pwedeng tao?"
"Mia! Si Mia pangarap mo? Ang corny, ha."
"Ikaw, hindi ka marunong magmahal kaya hindi mo alam. Magkaiba tayo, ikaw sa pangarap mong trabaho, ako sa pangarap kong tao."
Sa taong hindi na humihinga. Hindi na ako umimik at nagpatuloy na lang sa pagkain.
"I am still here because Mia wants me to study." He suddenly replied after a while.
Tumango ako. Maybe we all have different dreams... iba-ibang klase ng pangarap. But why do people dreams for other people? We have the choice and ability to build our own dreams so why put the depends on someone else?
"If you are pursuing something just because someone wants it for you, you'll regret something in the end."
"I won't regret anything." Sigurado niyang tugon.
I looked at him again. Pumungay ang mga mata ko habang pinagmamasdan siyang seryoso ang tingin sa kawalan.
"Maybe you misinterpret her? Baka naman 'yong gusto talaga ni Mia ay matanto mo kung gaano kahalaga ang pag-aaral."
Binalingan niya ako nang nakakunot ang noo. Ngumisi ako sa kaniya.
"She wants you to study for yourself and not for her." I assumed.
"You don't know a thing, Reese." Mariin niyang sambit sa mga salita.
Umawang ang labi ko. I looked away again. If that is his vision in life then be it. Buhay naman niya 'yan...
But I fucking feel insulted again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top