#TTW08

Entry 08

"Sino 'yon?"

Mabilis akong tumalikod at nakita si Kaycee na mukhang kanina pa ata sa aking likuran. Nagkakasalubong ang kaniyang kilay at may bakas ng pagtataka sa kaniyang ekspresyon.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Tumayo ako ng tuwid at hilaw na ngumisi sa kaibigan.

"Hindi naman kay Zaijan o kay Carter na sasakyan iyon. Hindi rin kay Leonel." Aniya sa tono ng pagtataka.

Galing sa likod ko ang kaniyang mga mata nang ibaling niya sa akin ang atensiyon. Tinaasan niya ako ng kilay at nginisian. I rolled my eyes at her because I know what she's thinking.

"Hiwalay na kami ni Leonel-"

"I knew it! Sino ang bago mong boyfriend? Mukhang rich kid 'yon, ah. Hyundai SUV, Reese! Bihira ang mga ganoong sasakyan dito."

"Baste has a cooper, Kaycee." I reminded her.

Ngumiwi siya sa sinabi ko. "And Archie has range rover." I added.

"Alam ko naman 'yon. Ang akin lang bihira sa school na 'to ang mga bigating sasakyan, Reese. And if we saw one, it only means na mayaman 'yon!"

Inilingan ko si Kaycee. I tapped her shoulder and signed her that I'll go.

"Don't leave me hanging, Reese. Sino 'yong naghatid sa'yo?"

Hindi niya ata kilala ang sasakyan ni Toby. Hindi rin naman siya ganoon ka-popular sa mga kaibigan ko.

"Wala 'yon." Sagot ko at nilagpasan na siya.

Narinig ko ang tawag niya sa'kin ngunit tamad ko na lang na winagayway ang aking kamay bilang pamamaalam sa kaniya.

Umupo ako sa designated seat ko at nilabas ang aking cellphone. I started to type in my message to Leonel. I don't do serious break ups because at the first place I am not serious. Kaya naman sana ay ganoon din si Leonel. I hate it when my exes continue asking why when in fact it's all clear from the very beginning that I am just up to games and nothing more.

Leonel:

Why are you breaking up with me? Is this about what happened a while ago? I told you that we'll talk but you left.

Umirap ako sa naging sagot ni Leonel sa sinabi ko. Maybe Carter is right. Si Leonel ang tipo ng lalaki na hindi lang laro ang habol sa relasyon. Now I regret getting into a relationship with him.

My phone beeped again.

Leonel:

Mag-usap tayo, Reese. Ayokong makipaghiwalay.

Halos matawa ako sa inis dahil sa sagot niya. And so what if he doesn't want a break up? Akala niya ba oobra sa akin ang mga galawan niya?

Ako:

Stop texting me and stop asking me why's. We're done.

Right after I sent that message ay binura ko na ang number niya. Pinanatili ko ang dating mga mensahe dahil baka magamit ko rin ito balang araw if they'll try to blackmail me or something.

The Prof entered our room dahilan upang umayos ang magulong klase. She started calling names to recite. Nang matawag ako ay wala na siyang ibang naging katanungan pa. My eyes darted in the far green trees outside the windows. Nasa gitnang row ako ng klase at may isang katabi ngunit tanaw pa rin sa aking pwesto ang labas.

My thoughts wandered to what happened a while ago. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi ni Toby na susubukan niya ako pero hindi niya kakalimutan si Mia. Ayos lang naman sa akin iyon dahil tawag lamang ng loob ang kapwa habol naming dalawa sa isa't-isa. I am not expecting him to take our arrangement seriously soon. Kagaya ng sinabi niya, we're not living in a fictional world.

Naiinis pa rin ako sa kaniya. The insults that came out from his mouth for me is not that easily erasable but maybe we can fuck without letting our personal issues intermeddle? At ano bang pakialam ko kung isipin niyang pokpok ako? And by now, I am sure na iniisip niyang tama ang opinyon niya sa akin. Who in the right mind will agree to his offer when he just clearly insulted me? Nakakawalang respeto... pero hindi ko alam kung bakit pumayag pa rin ako.

I am twenty two year old girl who is stressed and likes to over work everything, meticulous and competitive, kagaya ng sinabi ni Carter, the physical contact I'll have with my fubu would at least release the stress I have?

I don't know. We'll see.

Natapos ang tatlong oras na klase na major namin at nakakapangsisi dahil wala akong ibang naisip kundi ang pagsang-ayon ko sa gusto ni Toby. I even forgot to ask for his number.

Pumasok ako sa loob ng sasakyan ni Zaijan. Sinilip ko ang labas at nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Malayo pa ang Highlands pero ayos lang dahil mabilis naman magmaneho si Zaijan. Magkakaroon pa rin ako ng oras na magawa ang gawain ko.

"Why are you smiling?" Puna niya.

Kumunot ang noo ko nang binalingan ko siya. Blanko ang kaniyang ekspresyon habang umiiling. He manoeuvred the car and didn't utter a word again.

Tinignan ko ang aking sarili sa rear mirror at nagulat sa sariling hitsura. I look like an idiot for unconsciously smiling! I don't even know why I am smiling.

Agad akong ngumuso at tinago ang ngiting tumatakas sa aking labi. Kanina pa ba ako nakangiti? Bakit naman ako nakangiti?

"Bakit ang saya mo?"

Hindi ko rin alam.

"Leonel and I broke up."

"Kaya ka masaya?"

Hindi ako kaagad nakasagot. Nakita ko ang pagsulyap niya sa akin ngunit hindi ko na lang pinansin. I shrugged.

"Bawal na ba akong maging masaya?"

Ngayon, siya naman ang hindi nakasagot. I smirked thinking that he find my tone too dramatic.

Inihilig ko na lang ang aking ulo sa bintana at natanaw sa side mirror ang pamilyar na sasakyang kasunod lang namin. Palabas palang kami ng gate 2 kaya hindi na nakakagulat na sa likod namin ay naroon din ang sasakyan ni Toby.

I closed my eyes and let my eyes rest. Then I remember again that I forgot to get his number. Nakakahiya naman kay Zaijan na tumigil para lang mapuntahan ko si Toby at hingin ang numero niya.

Bukas na lang o kaya kung kailan kami magkikita.

But I wonder, paano ba ang magiging arrangement namin?

Padabog kong binuksan at sinarado ang pintuan ni Baste. Narinig ko ang malakas niyang pagrereklamo dahil sa ginawa ko. I only looked back once and winked at my brother bago dumiretso sa Pub House.

Sobrang aga kasing nagising ni Baste. Hindi naman alas siete ang simula ng kaniyang klase pero hindi ko alam kung bakit lagi niyang inaagahan ang pagpasok. Nagalit siya sa akin dahil daw napaka-kupad kong kumilos. While on our way to school, hindi siya tumitigil sa kakatalak na naiinis siya sa akin.

I don't know what's his problem, really.

Inilagay ko ang takas na buhok sa aking tainga habang naglalakad ako palapit sa Pub House. Ngunit bago pa man ako tuluyang makapasok ay natanaw ko na sa isang lumang bench si Toby. He's wearing the men's school uniform. Seryoso ang mga mata at tamad na nakahalukipkip at nakasandal ng patagilid sa pader.

I tried to stifle my smile through pouting but I can't control myself from smirking inwardly. Nilapitan ko siya at ganoon din naman ang ginawa niya dahilan kung bakit nagkasalubong kami sa gitna.

"Good morning! Hinintay mo talaga ako, ano?" Asar ko.

Nakita ko kung paano naging iritado bigla ang kaniyang hitsura. I am kinda insulted with that but I remember that he's Toby who is bitter in life. Hindi marunong magsaya dahil nangungulila pa rin sa isang taong hindi na humihinga.

"Pumunta ako kahapon sa CAS para sunduin ka. The heck you let me waited for you for nothing!" Mababa ngunit may diin sa tono niyang sambit.

Hindi naman agad ako nakabawi sa sinabi niya. Galit na galit naman lagi 'to. May araw kaya sa susunod na magiging masiyahin naman siya?

I rolled my eyes at him. "Malay ko bang pupunta ka do'n. Sinabi ko bang hintayin mo ako? At hoy! Ayaw mo nga akong ihatid kahapon tapos sasabihin mo hinintay mo ako?"

"Tss." Suplado niyang tanging sagot at nag-iwas ng tingin.

Lumagpas ang tingin ko sa mga estudyanteng papasok sa Pub House. I even saw Letixia who is eyeing us with curiosity. Kasama niya ang isa pang journo na kasalungat ng ekspresyon ni Letixia. She's smirking at me and even showed me thumbs up bago sila tuluyang nakapasok sa loob.

"Diyan ka na nga, papasok na ako-"

"Nag-uusap pa tayo."

I crossed both of my arms on my chest and lifted my gaze. Dahil masyado siyang matangkad kumpara sa akin, kinailangan ko pa siyang tingalain. I heard some students murmuring something while passing us.

I looked at them using my most bitchy stare. Sabay-sabay silang suminghap at nagmadaling dumiretso papunta sa Marketing Department.

"Ako ang maghahatid at susundo sa'yo. You don't need to hop in your friend's car."

Tumaas ang isang kilay ko dahil sa narinig mula sa kaniya.

"Bakit mo gagawin 'yon?"

Aasarin ko sana siya ngunit nang maabutan ko ang hindi mapangalanang galit sa kaniyang mga mata ay hindi ko na tinuloy.

"We have a relationship."

"Yeah? Fuck buddies tayo?" Patanong kong sagot.

May dalawang lalaki ang tumawag sa kaniya. Sinubukan kong silipin pero hindi ako nagtagumpay dahil masyadong malaki ang katawan ni Toby. I only saw how he raised both of his middle fingers in the air. The boys laughed.

"Sino 'yon-"

"We're fuck buddies, Clarisse. Gusto ko lang makasigurado na hindi ka papatol sa ibang lalaki hangga't tayo."

"Talagang pokpok ang tingin mo sa'kin, 'no?" I probed with a hint of dismayed in my tone.

He rolled his eyes cooly. Umiling ako at nagkibit balikat. Whatever.

"We're just only talking about our arrangement, Clarisse. Hindi natin kailangan na isali ang ano mang nararamdaman mo."

Wala talagang puso ang isang 'to. I may not be the kindest person on earth but I know how to value and respect someone. Kaso mukhang wala sa bokabularyo ng isang 'to iyon.

"Oo na! What do I expect from you? Malamang at katawan ko lang talaga ang habol mo!"

"Didn't we agree yesterday? Na walang mahuhulog? Nahuhulog ka na ba sa'kin?" Naningkit ang kaniyang mga mata habang tinatanong iyon sa akin.

I scoffed. Gusto kong tumawa at magwala dahil nakakaloka siya. I saw how his eyes smiled and his lips curved into smirk. Ako ata ang inaasar niya.

"Hindi ko alam kung ako ang nasobrahan sa kababasa ng libro o ikaw, Toby. Get your shits together, I will never fall for you." Hinampas ko ang kaniyang dibdib at tinalikuran siya.

Narinig ko ang halakhak niya sa aking likod kaya naman tumigil ako sa paglalakad. Hindi pa ako nakakalayo sa kaniya nang ipakita ko sa kaniya ang dirty finger ko.

"Fuck you!"

Mas lalo siyang tumawa dahil sa pagiging iritable ko sa presensiya niya. Dadagdagan ko pa sana ng isa pang dirty finger kaso natanaw ko sa hindi kalayuan ang pagbaba ng adviser namin. I gritted my teeth and marched towards him again. Inilahad ko sa kaniya ang cellphone ko.

"Put your number here. Ayokong pinaghihintay ako sa wala." I pertained to what he wants.

Aniya ay gusto niyang sunduin ako, at hindi ko hahayaang gawin niya lang akong tangang pinaghihintay gayong 'di naman pala siya darating.

"Do I look like I ditch girls?" Tanong niya nang nakangisi habang nagtitipa sa aking cellphone.

Tinanggap ko ang phone ko nang ibalik niya. Ang kaniya naman ang kaniyang nilahad. Mabilis kong tinipa ang akin.

"You ditched me on our first night."

Padabog kong inilapag ang kaniyang cellphone sa kaniyang palad. His smirk fades and his expression turned darker again. His jaw clenched and I thought he'll say something more but he just turned his back on me. Dumiretso siya sa kanilang department nang hindi man lang nagpapaalam.

Napaka-walang modo talaga!

"Clarisse, nandito ka pa sa labas. Tara na sa loob."

Ngumiti ako sa adviser namin at sinabayan na siya papasok sa Pub House. Pagpasok ko ay sumalubong sa'kin ang makahulugang mga ngisi nila sa akin. Tumabi ako kay Pablo na agad naman akong siniko.

"Break na kayo ni Leonel?" Bulong na tanong niya.

Nakita ko ang pagbaling ni Letixia sa'min. She's just inches away from us at hindi naman ganoon kalaki ang kwarto dito kaya sigurado akong narinig niya ang tanong ni Pablo.

"You're nosy, Pablo. Tsismoso ka ba?" I hissed and put my bag on my desk.

"Journalist ako, Reese. Tsismoso talaga ako." Panunuya niya kaya peke ko siyang nginitian.

"You're still not journalist, Pablo." Mahinhing epal ni Letixia.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi ko inangat ang aking ulo at nanatili ang titig ko sa aking macbook. Our adviser started discussing things but I can't get myself to focus on it. Ngumisi ako ng wala sa sarili.

"Baliw ka, Reese? Bakit ka ngumingiti?" Puna na naman ni Pablo.

Wala na ang adviser namin ngayon at naiwan na lang kaming mga journo dito sa loob.

"Nakuha mo ba 'yong pangarap mong topic?"

Umiling lang ako. I bit my lower lip to stop myself from smiling.

"Si Toby iyon na tiga-Marketing department, 'diba, Ate Reese?"

Sabay-sabay naming binalingan si Letixia na nakangiting nagtatanong sa akin. Nasa harapan ko ang kaniyang lamesa kaya nagkasalubong ang aming mga mata.

"Oo." Tipid kong sagot.

She smiled sweetly again. Minsan, sa sobrang iritable ko sa kaniya, iniisip kong hindi totoo ang ngiting ipinapakita niya sa akin.

"I know him. Siya 'yong boyfriend ni Ate Mia, 'diba?"

Tamad lang akong tumango sa tanong niya. Nakisali sa pagtatanong ang mga kapwa journo namin dahilan kung bakit nabalot bigla sa ingay ang kwarto. Well, it's always loud here. Nga lang, sa ibang dahilan ang ingay ngayon.

"Oy sobra kong iniidolo si Mia at Toby! I mean super ideal ng relationship nila."

I eyed Lizzette who is talking dreamily while reminiscing Toby and Mia.

"Anong ideal do'n?" Bulong ko na hindi naman nila narinig dahil nagpalitan na sila ng opinyon.

"Nakakalungkot lang na nawala agad si Ate Mia. She's nice. Hindi nakakapagtaka na hanggang ngayon mahal pa rin siya ni Kuya Toby." Si Letixia.

Nag-angat muli ako ng tingin at naabutang hinihintay niya ang tingin ko sa kaniya. Binagsak kong muli ang tingin sa aking macbook. I continued typing while listening to their exchanging opinions.

"Paano ka naman nakakasigurado na mahal pa rin ni Toby si Mia? Matagal ng patay si Mia." Si Pablo na gusto kong yakapin bigla.

I like what he said!

"Pinsan ko si Kuya Dimax. Ate Mia and Kuya Toby are friends with him, Pablo. Madalas ako dati kina Ate Mia dahil malapit sila ng pinsan ko. And I'm not overreacting when I say, the love they both have for each other is beyond death. I'm still young to understand it. NBSB ako pero alam mo 'yon? Whenever I look at them, maiinggit ka na lang dahil halatang sila talaga ang para sa isa't-isa."

Tumigil ako sa pagtitipa at nakisali na sa pakikinig sa kwento ni Letixia. She smiled at me again for the nth time.

"Kaya nakakapagtaka na kasama mo siya, Ate Reese. Ang alam ko ay mahal niya pa rin si Ate Mia."

"Mia is dead, Letixia."

Tumango siya na tila ba sumasang-ayon siya sa sinabi ko.

"But love has no end, Ate Reese. If you truly love someone, even when they are nowhere found in this place, you'll remain in love."

Naghiyawan ang mga kasama namin dahil sa sinabi niya. Gusto kong umirap dahil ang bida-bida niya naman.

"You're still young, Letixia. Darating ka sa punto ng buhay mo na magsasawa ka ring maghintay sa imposible." Sagot ko.

Dahil hindi ako naniniwala na people will remain in love despite the no physical or emotional contact. They said communication is the root of our needs. If the person dies, saka lang mawawala ang komunikasyon. So does when you say you're in love too. How will you remain in love to someone who is not alive anymore?

Hindi ko makita ang sarili ko sa opinyon ni Letixia. Maybe in time, when I get older, I'll realize that love really conquers death. Pero sa edad na ito? Sa edad ni Toby? He's still capable to fall in love again. He can't just forever live in grief and hope for miracle to happen when it is clearly now impossible.

"You can't tame a person who dreams, Ate Reese."

Mariin ang tinging ipinukol ko kay Letixia. Anong ibig niyang sabihin?

"If you think that you can make him fall for you, I'm warning you that it sounds beyond more impossible."

I gritted my teeth. I smiled fakely at her.

"Thanks for the concern, Letixia but we're just playing."

"Mukha nga. Hindi rin naman ikaw 'yong tipo ng babae na nagseseryoso at seseryosohin." She smiled and made it all sounds humbly and I hated it.

Tangina mo, Letixia!

Dahil sa inis ko kay Letixia ay ako ang naunang lumabas ng Pub House. Hindi ko naman pinahalata na nabadtrip ako dahil ako ang magmumukhang talo kung gano'n. Inabala ko ang sarili sa activities at discussion for that day para mawala ang inis ko.

I expected Toby to fetch me but he texted na hindi niya ako masusundo. Sumabay na lang ako kay Zaijan. Pagkarating ko sa bahay at sa pagsapit ng panibagong araw ay hindi na muli ako nakatanggap ng mensahe mula kay Toby.

It's not like I expected us to be a frequent textmates.

Umupo ako sa abacca'ng duyan dito sa aming garden. Pinagmasdan ko ang iba't-ibang klase ng halaman na nakatanim. I was about to get near them when my phone beeped.

Toby:

Are you free tonight?

Ngumuso ako at sinilip ang loob ng bahay. Ako lang ang nandito at ang mga kasambahay.

Ako:

Wala akong pasok. Tapos ko na naman lahat ng gawain ko kaya, oo.

Matagal bago siya nakapag-reply. Nagawa ko pang isa-isahin tignan ang mga halaman bago siya sumagot.

Toby:

Sumama ka sa'kin sa M2Club.

Halos mapairap ako dahil sa ikli ng kaniyang sagot.

Ako:

Anong gagawin mo?

Hindi siya sumagot kaya dinagdagan ko ang tanong ko.

Ako:

Anong oras ba?

Toby:

Pumunta ka doon ng 7pm. I can't fetch you, uuwi pa ako para magbihis.

Nagkibit balikat ako at pumayag na lang sa gusto niya.

Ako:

Okay.

I decided to wear a simple outfit for tonight. I am thinking that we're now starting. Mas madaling matanggal ang damit na ito kung may mangyari man sa'min ngayong gabi. Kinuha ko ang itim na spaghetti strap top ko at kinuha ang high-waist short. I paired it with my one inch white sneakers and I'm ready to go.

Wala ang driver namin ngayon dahil ginamit nila Mommy. I decided to commute na lang papuntang Dasma.

Nasa hamba palang ako ng bunganga ng bar ay naririnig ko na kaagad ang malakas na hugong ng tugtugin. Marami rin akong nakasalubong na mga kakilala. I smirked at one of my exes who found my eyes. He tried to hold me but I quickly cleared that I am here for my boyfriend. Naghiyawan sila kaya naman umiling na ako at iniwan sila roon.

"Reese!"

Ngumiti ako kay Ody na hindi ko inaasahang makikita ko ngayong gabi dito.

"Why are you here? Dalagang Pilipina ka, ah!" Asar ko sa kaibigan.

She rolled her eyes at me.

"Oh! Nandito ang magaganda kong kaibigan!"

Kumunot ang noo ko habang pinapanood si Carter na lumalapit sa'min. Kasama niya si Zaijan na tumatawa sa kaniyang tabi. Hindi naman nakakagulat na makita sila dito, this is like their second home.

"Lasing ka na agad, Carter? Ang pangit mong malasing!" Iritado ngunit nang-aasar na wika ni Ody sa aming kaibigan.

Inakbayan siya ni Carter na mas lalong nagpairita sa aming kaibigan pero hindi naman nagreklamo.

"Hindi na virgin 'yan." Biglang sambit ni Carter pagkatapos niyang sumipol sa isang babaeng naka-tight dress na dumaan sa aming harapan.

"How could you say so?" Nagtaas ng kilay si Odyssey.

"I just know. Look at her legs, they are apart."

"Ano connect?"

"Look at yours, Ody! Dikit 'yong iyo, 'yong kaniya, hindi."

Napasinghap ako sa sinabi ni Carter. Sinundan ko tuloy ng tingin ang babaeng iyon. Wala namang weird sa katawan niya.

"You're a fucking pervert, Carter. Kakadiri ka!"

Nagmartsa paalis si Odyssey at iniwan kaming tatlo. Tumabi si Zaijan sa akin.

"Really, what's her problem with me? Sinabi ko lang naman na hindi virgin 'yong babae, e." Nagtatakang tanong ni Carter.

Umirap ako dahil minsan ang tanga ng isang 'to.

"First, you always tease her with Isaac. Second and last, you're really a big time walking dick." Irap ko at aamba na sanang aalis ngunit pinigilan ako ni Zaijan.

"Bakit ka nandito? Sino'ng kasama mo?"

Ngumuso ako at medyo na-guilty dahil hindi ko pa nasasabi sa kanila na si Toby ang boyfriend ko ngayon.

"Si Toby."

Tumaas ang kilay ni Zaijan. Hindi siya nagsalita na tila ba pinapahiwatig niya sa aking magpatuloy ako sa aking sinasabi. Tumigil sa pagtawa si Carter at ibinigay sa'kin ang buong atensiyon.

"Toby? Teammates ni Cohel?" Tanong niya.

Tumango ako. Mariing pumikit si Zaijan at nang magmulat ay wala akong ibang mapuna kundi kadiliman.

"And why are you with him?"

"Siya ang boyfriend ko ngayon. Nakalimutan kong sabihin-"

Hindi pa ako tapos sa pagsasalita ay nasapawan na ng galit ni Zaijan ang boses ko.

"Are you crazy, Reese? That man hasn't moved on from his ex yet!" He exclaimed.

Really, what the fuck? Ilang beses ko bang maririnig sa mga tao na hindi pa nakaka-move on si Toby? Mukha ba akong tanga na hindi alam 'yon?

"Dude, calm the fuck down. Hindi na bata si Reese. Hayaan mo siya. Magsasawa rin 'yan." Si Carter at hinigit na si Zaijan dahil nakita na ang ibang babae nila.

Zaijan disappointedly eyed me before following Carter.

Hindi agad ako nakagalaw sa aking pwesto dahil sa naging reaksiyon ni Zaijan. Bumuntong hininga ako at luminga-linga para mahanap si Toby. My phone beeped and he told me where he is. Nang makarating ako sa lamesa ng grupo ni Toby ay agad nila akong binalingan.

I even saw Dawn who hysterically pulled my hair last week. Nakita ko ang pag-irap niya sa akin na para bang alam niyang darating ako.

"Dito ka." Baritonong boses ni Toby ang nagpaiwas sa akin ng tingin kay Dawn.

May bakanteng upuan sa tabi ni Toby kaya naman sinunod ko siya. His friends are not familiar with me. I think they are his Marketing friends. They are loud and heavy drinkers like my circle. Hindi mahirap pakisamahan dahil kapwa mga pala-kaibigan naman.

"So, Toby, Reese is your current girlfriend after Mia?"

Kanina pa ako kinakausap ng mga lalaking kaibigan ni Toby. Naka-ilang shots na rin ako pero hindi pa naman ako lasing. Toby is just quiet beside me. Ni hindi niya nga ako kinausap nang tumabi ako sa kaniya. He's busy talking with his friends, so I understand.

Anong understand? It's not like he's obligated to keep me entertain.

Isang babae na may angelic features ang nagtanong no'n. Her properly made brown eyebrows suited her kinda looking brunette short hair. She has braces as well that make her look more reserve and demure.

"By the way, I am Cheska." Aniya at nilahad sa akin ang kaniyang kamay.

She looks friendly but I always trust my instincts. She's not kind as she looks like. Idagdag pa na mukhang kaibigan niya si Dawn at ang isa pang babae na hindi ako pamilyar.

"This is Dawn and Jelai, my friends." She introduced her friends, too.

Ngumiti ako. I did that para naman hindi ako magmukhang rude.

"Reese." Tipid kong pakilala.

"So, ikaw ang girlfriend ni Toby? For good na ba ulit, Toby? After Mia, ngayon ka lang ulit nagkaroon ng girlfriend, e! Swerte mo, Reese!"

Tuloy-tuloy niyang sambit na hindi ko na magawang masundan dahil hinapit na ako ni Toby sa aking baywang. Binalingan ko siya pero hindi ako nagtagumpay na makita ang kaniyang mukha.

I felt his lips against my hair and it kinda tickled me.

"Tumango ka lang." Bulong niya sa'kin.

Hindi ko alam bakit ko siya sinunod pero iyon nga ang ginawa ko. Nagsawa rin naman sila sa pang-i-intriga sa aming dalawa at nagpasyang pumunta sa dance floor para magsayaw. Naiwan ako sa lamesa kasama si Toby.

"Let's talk about our arrangement."

Inaabot ko ang isang beer nang magsalita si Toby. Lumipat ako sa kabilang upuan na agad niyang pinagtaka. Pagkakuha ko sa beer ay agad ko itong ininom.

"Okay. Anong suggestion mo?" Tamad kong sagot.

"No one must know that we're fuck buddies."

Inilapag ko ang beer sa lamesa at nagtatakang tinignan siya.

"Bakit?"

He shrugged and drank his own beer.

"Dahil kay Mia?"

Hindi siya umimik. Umirap ako.

"You're really thinking about your reputation as Mia's boyfriend, ano? So, sikreto lang tayo?"

Matalim niya akong pinukulan ng tingin.

"No. We're not keeping our relationship a secret."

"Huh? Ang gulo mo naman! Sabi mo ayaw mong malaman nila na fuck buddies tayo tapos ngayon hindi rin natin isisikreto?"

"Do you want people to know that we're fuck buddies?" Kritikal niyang tanong.

Kumunot ang noo ko.

"I have no problem with that. Hindi naman ako Maria sa mata ng mga kakilala ko. Hindi sila magugulat kung malaman man nilang fuck buddies tayo."

"You really could risk your dignity over a sexual relationship, huh?"

Naningkit ang aking mga mata sa gusto niyang iparating. Ngumisi ako at humilig sa lamesa na pumapagitan sa'min. I saw how his lustful eyes dropped over my chest.

"I'm not risking my dignity here, Toby. It just happens that I am not primitive like you."

"Who told you that I'm primitive?"

I copied the way he talked. He glared at me.

"Your actions says it all, Mister."

"I'm not. Hindi ako papayag sa alok mo kung primitibo akong mag-isip-"

"Mind you, Toby, ikaw ang pumilit sa akin at hindi ako. I already told you that I don't like it anymore but you insisted! Huwag kang magsalita na para bang ako ang puno't dulo ng lahat ng ito."

"Hindi ba?"

"Hindi!"

Bumalik ang dalawa niyang kaibigan dahilan upang parehas kaming matahimik. I rolled my eyes and finished my drink. Muling umalis ang mga kaibigan niya.

"Maybe you're right. Mia was raised traditionally. Nakalimutan kong hindi ka si Mia."

I shot my eyebrow up while staring at my beer. Mukha kang Mia. Kulang na lang araw-arawin niyang bisitahin si Mia sa puntod niya.

"Wala akong pakialam kung iniisip mo si Mia. Ang akin lang, ayusin mo ang desisyon mo sa buhay mo. Are we keeping this relationship secretly or what?" I impatiently inquired.

Umayos siya sa pagkakaupo. I saw how his face turned red because of alcohol. Moreno siya ngunit halata pa rin ang pamumula. Ang bilis naman niyang malasing.

"We'll tell them that we're serious and we're not playing." He uttered seriously.

The crowd gets hyped when a popular EDM song occupied the whole club. Mas lumakas ang tugtog dahil nagsisimula nang lumalim ang gabi.

I stared at his deep set pair of eyes. Ganoon din ang ginawa niya at akala ko ay makakayanan ko. Nag-iwas ako ng tingin.

"Bahala ka." I nonchalantly replied.

"You sit here beside me, Clarisse." Utos niya.

Umirap ako at padabog na bumalik sa tabi niya. I felt how his lips touched my neck na agad nagpasiklab ng kung ano sa loob ko. Para akong naestatwa ng ilang segundo pero agad akong nakabawi.

I tilted my head to the other side and let him enjoyed my neck. I checked the time and saw that it's already quarter to 11. Maaga pa naman pero mas maganda rin kung maaga kami sa hotel.

I giggled thinking that alcohol is taking over me. His lips bit my ears making me remember that I also did that to him before.

"Let's kiss." Hamon ko.

Hindi pa siya nakakasagot ay hinalikan ko na siya sa labi. It was lousy at first but then it started to become hungry as it lasts. He sucked my lowerlip the reason why I moaned. Hinaplos niya ang maliit kong baywang pataas at idiniin pa ako lalo sa kaniya. My chest touched his. Dahil doon, mas sumiklab ang apoy sa akin.

"Sarap naman!"

Napahiwalay ako kay Toby nang marinig namin ang pagbabalik ng grupo niya. Nakangisi sila habang pinapanood kami. Hindi ko alam bakit ako biglang nahiya gayong wala sa bokabularyo ko iyon.

"Where's your hair clip?" Tanong ni Toby habang inaayos ang buhok kong bahagyang nagulo.

"Nakalimutan kong isuot." Hinihingal ko pang sagot dahil sa halikan.

The group continue drinking while I remain sitting na lang sa tabi ni Toby. Nakailang bote na rin ng beer si Toby at bakas na sa mukha at pagsasalita niya ang kalasingan. The girls we have in the table bid their goodbyes. Ako na lang ang naiwan na babae, si Toby at ang dalawa niya pang kaibigan na halatang lasing na lasing din.

Kinuha ni Toby ang aking kamay. Bumagsak ang tingin ko roon at nakita na inilagay niya ang susi ng kaniyang sasakyan sa aking palad. My forehead creased.

"You know how to drive?"

"Yes-"

"Use that."

"What?!" Gulat na tanong ko.

Binalingan ko siya at naabutan ang inaantok niyang mga mata na pilit nagmumulat pero hindi niya kinakaya at napapikit siya. Sobrang pula niya na dahil sa kalasingan.

"Just use that and go home. Sa lunes mo na ibalik." Halos hindi ko iyon maintindihan dahil ang hina ng boses niya.

Tinampal ko nang marahan ang kaniyang pisngi pero nahuli niya ang aking kamay at hinawakan ako sa palapulsuhan. His eyes remained closed as he uttered his words again.

"Just fucking drive my car, Clarisse. Lasing na lasing ako-"

"Are we not going to some hotels? Talagang pinapauwi mo ako? Hindi naman ako hayok pero inaya mo ako dito para pauwiin mag-isa?"

Naiinis ako dahil kanina lang ay nakakaramdam ako ng init. Nabitin ako do'n at umasa ako na maitutuloy namin iyon pero ito siya at pinapauwi na ako.

"You're independent being. Go home, Clarisse."

"Tangina mo."

Toby drowsily opened his eyes. Nagtama ang tingin namin. And I'm sure that I'm glaring at him using my most fuming stare. He sighed and held my wrist tightly. Ginamit ko ang isang kamay ko para masampal siya ulit ngunit pati iyon ay nahuli niya.

I gritted my teeth to restrain myself from turning into a mad old ape.

"We'll fuck when I'm not drunk, okay? Umuwi ka na, Clarisse-"

Marahas kong binawi ang kamay ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya dahil sa ginawa ko. Tumayo ako at umalis sa tabi niya.

"Oo na. Kakaimbyerna boses mo!"

Binalingan ko ang mga kaibigan niyang nagtatawanan. Umiinom pa rin sila kahit halatang lasing na.

"Hatid ninyo 'to." Sabi ko sa kanila.

Sinulyapan nila ako. They smirked and nodded like crazy. Ngumiwi ako at aalis na sana kung hindi ko lang narinig ang sagot ni Romulo.

"Kami na bahala diyan, Mia."

Kumunot ang noo ko.

"I'm not Mia." Sagot ko sa mababang boses na natalo ng malalim na baritono ni Toby.

"She's not Mia."

"Ay oo nga! Sorry. Lasing lang. Akala ko kasi nabuhay si Mia." Natatawang sagot nila at naghagikgikan pa.

Hinawi ko ang aking buhok. Isang beses ko muling nilingon si Toby. Nakapikit ang mga mata niya at ang ulo ay nakahilig sa katabing upuan. He looks awfully wasted.

Nag-martsa ako palabas at pinatunog ang sasakyan ni Toby pero agad ko ulit pinindot ang button at bumalik sa loob.

His friends are drunk. Kung isa sa kanila ang maghahatid kay Toby, baka bukas ay hindi ko na siya maabutang buhay. Baka literal na sumama siya kay Mia dahil sa mangyayari ngayong gabi. And my conscience won't let me sleep at night thinking that I had the chance to bring Toby safe in his house but I didn't.

Kinuha ko ang cellphone niya sa bulsa na hindi niya nagawang maramdaman dahil sa kalasingan. I saw a contact of their family driver kaya iyon ang ni-dial ko. Nakiusap ako na sunduin niya dito si Toby.

Umupo akong muli at pinagmasdan ang mga tao sa harap. Hihintayin ko muna ang driver niya bago ako tuluyang umalis. Tumawag na rin ako sa bahay para masundo ako ni Manong.

Hihikab na sana ako ngunit naantala iyon nang bigla kong naramdaman ang ulo ni Toby sa aking balikat. Umayos ako sa pagkakaupo at hinawakan ang braso ni Toby para ma-i-ayos ko siya ng upo. He buried his face on my neck and started murmuring gibberish.

"Hmm..."

Napangiti ako habang naririnig ang mga daing niya. Inayos ko ang hibla ng buhok niya na dumidikit sa noo niya. Ngumuso ako at natigil habang pinagmamasdan ang perpektong pagkakagawa sa kaniyang mukha.

Hindi naman siya ang pinaka-gwapo sa buong mundo but still... his looks screams perfection. Naalala ko ang pagtawa niya kahapon. I was too annoyed with him that I didn't even noticed at first his laughs. Gwapo siya kung seryoso, pero mas gwapo siya kung nakangiti.

My thoughts stopped when his phone rang. Nasa labas na ang driver kaya kahit mahirap itayo si Toby ay inalalayan ko pa rin siya palabas. Some offered me a help pero hindi ko na sila pinansin. I think Toby is half awake dahil nagagawa niya namang maglakad habang nakaakbay sa akin.

"Sorry, Ma'am!" Paumanhin ng driver nang tuluyang makapasok sa loob ng sasakyan si Toby.

Ngumiti lang ako at umiling. Ibinigay ko ang susi ng SUV ni Toby bago ako nagpaalam dahil nasa likod na rin ang sundo ko. Isang beses kong tinignan muli si Toby at nakitang tulog na tulog na siya.

"Ingat po kayo, Manong!" Huli kong paalala bago dumiretso sa sariling sasakyan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top